Page 4
Eclair's P.O.V
Mabilis lamang na natapos ang klase at dahil may vacant ang iba sa amin, lumabas ang iba sa mga blockmates ko samantalang nanatili naman ang iba, malamang may iba sa kanila ang naghihintay sa susunod nilang subject. Hindi naman kami pare-pareho ng schedule.
"Tara! Labas na tayo, punta tayo sa bar ni Vince." Aya sa amin ni Arvin na ngayon ay nakapamulsa na naghihintay sa amin sa pintuan.Isinabit ko na sa magkabilaan kong balikat ang backpack ko. Ano tingin n’yo sa akin? Magsho-shoulder bag? Siyempre, hindi. “Talagang ikaw pa ‘yung nag-aya, eh ‘no?” si Richard.Bumungisngis si Arvin. “Gusto ko mag-isang shot.” Labas ngipin na sabi nito tsaka ako tiningnan. “Kapagka knockout ako, hatid mo ‘ko sa ‘min, Eclair.” Nilagpasan ko siya.“Neknek mo.” Lumabas na nga rin ang iba sa classroom para makasunod sa akin. BlackCente ang pangalan ng mini bar nila Vince na pagmamanahan n'ya sa susunod kapag nakapagtapos na siya ng college. Balak din niyang I-renovate ‘yon sa susunod at palakihin. Mayroon din silang resto sa kabila side, kumbaga ang gusto niyang mangyari, tuloy-tuloy ang business. May umaga, at may gabi.“Pass. Matutulog ako sa bahay.” Dagdag ko pang sabi habang naglalakad na kami sa hallway.
“Kahit naman matulog ka, hindi ka na tatangkad.” Pang-aasar ni Richard dahilan para mamula ako.Inis ko siyang nilingunan. “Hindi naman ako natutulog para magpatangkad!” Bulyaw ko.Pumikit si Kyle. “19 ka pa lang naman, baka tumangkad ka pa kaya huwag mo masyadong alalahanin ‘yan-- Ngh!” Mabilis ko siyang inakbayan para guluhin ‘yung buhok niya.“Iyan ang gusto ko sa’yo, eh!” Tuwang tuwa kong sabi tsaka mas lalo siyang inilapit sa akin. “Gayahin n’yo kasi si Kyle. Nagsasabi ng totoo.”“Inuuto ka lang niyan.” Walang ganang sabi ni Richard habang para namang naaawa kung tingnan ako ni Arvin.“Ayaw ka lang namin mabulag sa katotohanan, Eclair kaya sinasabi na namin ng maaga para ‘di ka na masaktan.” Biro ni Arvin kaya inalis ko na ang kamay ko sa pagkaka akbay kay Kyle.“Say what?!” “Oh, sakto. Pupuntahan ko na sana kayo sa classsroom, eh.” Bungad ni Vince sa amin dito sa hallway kaya tumigil kami sa paglalakad. Ibinaba niya ‘yung tingin sa akin. “Bakit nakabusangot ka nanaman?” Tanong nito sa akin.Hindi ko siya sinagot at naglakad lamang ako. “Wala. Uuwi na ako.” Sabi ko at inangat ang kamay ko bilang pagpapaalam. “Bye, suckers!” Hindi naman nila ako sinundan kaya mapayapa akong nakalabas.Sa paglalakad ko, napatingin ako sa tatlong babaeng estudyante na sabay-sabay naglalakad. Kahit naka uniporme sila, makikita mo pa rin ‘yung pagiging babae nila. Ang stylish, fashionable. ‘Yung buhok nila na animo’y nagwe-wave habang naglalakad, parang kumikinang kasama sila.Kumpara naman sa akin na buhaghag ang buhok. Ang luwag luwag din nung uniporme ko ‘tapos iyong skirt ko, mas mahaba kumpara sa iba.Mukhang napansin ng isang babae na tinitingnan ko sila kaya nag-iba ang ekspresiyon niya’t animo’y parang nag-aalala na tiningnan ang kasamahan niya. “Girl, may kaaway ka? Sinusundan ka ng tingin, oh?”“Weh? Wala naman akong kaaway.” Sagot naman nung isa kaya nagmadali na lang silang umalis.Walang gana ko silang sinundan ng tingin. “Hindi naman ako tumititig sa inyo ng dahil sa galit ako.” Bumuntong-hininga ako. Nagagandahan lang ako, eh.Lumakad na nga lang ulit ako nang makalabas na ako sa campus. Na sa side walk ako at didiretsyo na sana sa jeep terminal nang may huminto sa gilid ko dahilan para bigyan ko ang taong iyon ng napaka bored kong tingin. “Ano kailangan mo?” Maangas kong tanong.Tinuro ni Arvin ang likurang upuan ng motorsiklo niya. “Labas tayo.”“Ayoko.” Tanggi ko. “Bye.” Paalam ko’t muling naglakad.“Hmm, paano kung ililibre kita ng doughnut,” Pagkabanggit pa lang niya niyon ay napahinot kaagad ako habang dahan-dahan lang siyang pumapaabante kasama ang motorsiklo niya. “…sasama ka?” Dugtong niya. Sandali muna akong hindi sumagot noong dahan-dahan akong humarap sa kanya pero nakaiwas pa rin ‘yung tingin ko. “Doughnut, eh? Ano problema at bakit gusto mong lumabas? Ba’t hindi sila Richard ayain mo?” Tanong ko at kumamot sa pisngi gamit ang tip nung hintuturo kong daliri. “Pero sige, payag ako kawawa ka naman, eh.” Tumawa siya. “Ayoko kasama ‘yung mga ‘yon,” Kinuha niya ang extra helmet ‘tapos pataas na ibinato iyon na sinalo ko naman kaagad. “Mas maganda kung ikaw para hindi ako lapit-lapitan ng mga babae.” Ngisi niya kaya napasimangot ako.“Ah, ginamit mo lang pala ako.” Nakarating na ako sa gilid niya kasabay ang aking pagsuot nung helmet. “Tsaka imposible ‘yung ‘di ka lapitan kasi hindi naman babae tingin ng iba sa akin.” At umangkas na nga ako. Hindi ako pa-side na umupo kundi paharap.Nanatili lang ako sa ganoon nang lingunin ako ni Arvin. “Ganyan ka talaga uupo? Ayaw mo magpa-side?” Hindi niya siguradong tanong kaya tinaasan ko siya ng kilay.“Kaya nga ako umupo sa ganitong porma, eh.” Sagot ko naman. “And I will ask you to speed up again, gusto ko ‘yung mabilis.” Tukoy ko sa pagpapatakbo niya.“Pfft.” Pinaandar na niya ulit ang makina ng motorsiklo niya. “Iyan ang gusto ko!” Sabik niyang sabi bago niya pinaandar at mabilis na hinarurot ang motorsiklo na tipong pati kaluluwa ko naiwan sa pwesto namin kanina.
Gaya ng nakaugalian, masaya kaming humihiyaw sa daan ta’s pag may pagkakataon, ginugulat namin ‘yung ibang tao. Sisigaw na parang tarzan tsaka hahalakhak na parang akala mo walang bukas kung tumawa.Inuunahan nga rin namin ang mga sasakyan na nasa harapan na huwag naman sanang gawin ng nakararami dahil iba ang disgrasya ngayon. Ang sabi nga, kahit na anong ingat mo kung hindi marunong mag-ingat ang ibang driver, mapapahamak ka.Narating na namin ang mall, nag park ng motorsiklo tsaka pumasok sa loob. Hindi ganoon karami ang tao dahil weekdays. Marami pang na sa skwelahan at opisina. Eh, anong oras pa lang din naman. Tanghaling tapat pa lang.“Ano pala ‘yung gagawin mo rito?” Taka kong sabi. “…at nagpasama ka? May bibilhin ka o gusto mo lang muna gumala?” Dugtong ko. “Yep. Gusto ko lang gumala, mabo-bored lang ako sa bahay.” Sagot niya kaya binigyan ko siya ng walang ganang tingin habang naglalakad kami.“Wala ka bang ibang pwedeng gawin sa inyo? Matulog? Manood? O kung ano man pwede mong gawin?” Tanong ko sa kanya.“May magagawa ako kung may kasama siguro ako.” Sagot niya kaya tumingala ako para makita ‘yung chandelier sa pinakataas ng gusaling ito.“Eh, paano ka mabubuhay mag-isa kung ‘di mo alam ang gagawin mo ng walang kasama?” Tanong ko tsaka ko ibinaba ang ulo ko para tingnan siya. “Huwag mong irason sa akin na enjoy right now, think later.” Pangunguna ko kasi favorite line niya ‘yan.Humagikhik siya. “Kilala mo na talaga ako,” Iniharap niya ang tingin niya at tumingala na parang nag-iisip. “Sabihin nating…” Kumagat siya sandali sa labi niya ‘tapos muling ibinalik ang tingin sa akin. “Gusto kong magawa ‘yung mga bagay na hindi ko pwedeng magawa sa susunod kapagka mag-isa ako.” Ipinasok ko ang kanan kong kamay sa bulsa ng skirt ko. “Not bad, pero ‘di mo naman ba ‘yan excuse?” Tanong ko sa kanya kaya muli siyang tumawa ‘tapos inakbayan ako.“Masyado ka ng matanong. Crush mo ‘ko, ‘no?” Pang-aasar niya kaya tinulak ko siya’t binatukan.“P*tang ina mo.” Mura ko sa kanya.Hinawakan niya ang ulo niya. “Paano ka magkaka boyfriend niyan kung ganyan ka?” Mangiyak niyang wika.Nagpameywang ako’t sinimangutan din siya. "I think you should worry about yourself, you can interact with girls pero wala ka pa ring love life.” Napatikum naman siya ‘tapos humawak sa batok niya na iginawi ang tingin sa kanan para hindi ko makita ang mukha niya kaya inasar-asar ko siya.
“May tanong pala ako,” Biglang pagse-seryoso ni Arvin kaya tumigil ako sa pang-aasar sa kanya. “Tingin mo ba, ready ka na pumasok sa relasyon?” Tanong niya sa akin ng hindi ako tinitingnan.Sa sandaling iyon, napaisip ako. Pero hindi ko masyadong pinagtuunan ng pansin at natawa lamang na hinampas siya. “Papasok sa relasyon, wala pa ngang nanliligaw sa akin, eh.”Nauna na nga lang akong naglakad para tumingin-tingin sa kung saan-saan.“Paano kung may manligaw sa’yo?” Tanong nito kaya muli akong tumigil. “Papayag ka ba?” Tanong pa nito dahilan para lumingon ako sa kanya.Seryoso na itong nakatingin sa akin. This doesn’t feel right, to be honest. Though I hope I’m wrong.Deep inside, I’m scared of the thought that what if maybe, in the future… One of them will break our promise? Just a hypothetical question that comes in to my mind na hindi mawala-wala sa isip ko. Of course, they’re my best friend so I trust them.Flashback: “Promise ~? Magiging magkaibigan lang tayo hanggang sa paglaki?" Sambit ko dahilan para mapahinto ang mga kaibigan ko sa kanilang ginagawa sa buhanginan. “Hindi n’yo ako magugustuhan, ah?” Dagdag ko pa. May mga kanya-kanya rin silang reaksiyon na ginawa.Si Richard, nakataas ang kaliwang kilay, si Vince nakabuka ang bibig, si Arvin naman ay parang hindi na-gets ang tanong ko samantalang wala lamang ekspresiyon si Kyle na nakatingin sa akin. Tumayo mula sa pagkakaupo sa buhangin si Richard at kunot-noo na tiningnan ako. "Silly girl. What are you talking about? Sino naman ang magkakagusto sa 'yo?" Napanguso ako. Inalis ni Kyle ang earphone niya’t pinagpagan ang puwet-an niya. "Mmh…" Sagot lang niya. Tinabingi naman ni Arvin ang ulo niya. “Pero gusto kita, Eclair. Kaya ano’ng ibig mong sabihin?” Naguguluhan niyang tanong na nagpapikit sa akin nang mariin. “Iyong ano! Iyong… ayayain ka magpakasal!” Hiyang hiya kong sabi na hindi ko namalayan ay napasigaw na pala ako. Mabilis na namula si Arvin gayun din si Richard. “K-Kasal?! P-Pero magkaibigan tayo…” Parang naiiyak na sabi ni Arvin kaya pati ako bilang bata, naiiyak kasi naiiyak kaibigan ko. “Luh! Huwag nga kayong umiyak diyan!” Naiiritang sabi ni Richard pero pati siya, parang naluluha. Tumango naman si Vince. “Hindi naman mangyayari ‘yan kasi mag best friends tayo, pero bakit mo pala ‘yan nasabi, Eclair?” I looked away. "Ayoko lang." Sagot ko. Iyong dahilan ko ng mga panahon na ‘yan, masasaktan ako kapag minahal nila ako. Dahil iyon ang tingin ko sa mga lalaki nang dahil na rin sa ginawa ng sarili kong ama sa ina ko. Iniwan siya sa kadahilanang mahal kamo siya. Kaya tumatak din sa utak ko na dapat magkakaibigan lang kami para hindi nila ako masaktan. Dumagdag din ‘yung rason ko niyon dahil sa mga napapanood ko sa teleserye kaya parang sabi ko, hindi nila ako dapat mahalin at magkakaibigan lang dapat kami para mananatili kaming magkasama hanggang sa pagtanda. Lumapit ang tatlo sa akin habang naiwan si Kyle sa likod, itinapat nila sa gitna ang kani-kanilang mga pinky bilang pangako nila. “Huwag na kayo iyak, promise tayo para habang buhay tayong magkaibigan.” Sumisinghot na sabi ni Richard. “Ang iyak mo! Akala ko ba lalaki ka?!” Sumisinghot ko ring sabi. “Hindi naman ako umiiyak, eh! Napuwing ako dahil sa buhangin, eh!” Palusot niya. “Basta ako, Eclair! Promise ko sa’yo! Magkaibigan tayo hanggang sa paglaki!” Determinadong sabi ni Arvin na tinanguan ni Vince bilang sagot. Napatingin naman kami kay Kyle na nakatayo lang sa likod at pinapanood kami. “Oy, Kyle. Halika rito. Mag promise ka kay Eclair.” Sabi ni Vince pero umawang-bibig siya na parang may sasabihin pero tumayo rin kaagad para lapitan kami bago niya iangat ang pinky niya. Ngiti kong tiningnan ang mga pinky nila bago ko iangat ‘yung sa akin. “Promise n’yo, ah?” Ngumiti sila. “Promise!” Sabay-sabay nilang sabi. End of Flashback“Depende,” Sagot ko at muling tumalikod kay Arvin. “Pero wala pa ‘yan sa isip ko kaya hindi ko rin masasagot nang maayos.” Dagdag ko bago muling maglakad. “Tara na, ano pa hinihintay mo? Pasko?” “Ah-- Sabi ko nga, ito na.” Patakbo siyang sumabay sa akin bago niya ako akbayan na inalis ko naman.“Mabigat kamay mo.” Taas-kilay kong ngiti.Pero iba na ang rason ko ngayon,Ayoko lang dumating sa punto na masira ‘yung kung ano ang mayroon kami ng mga kaibigan ko nang dahil lang sa bibitawan kong salita na pwedeng makapagbigay ng sakit sa puso nila.Kahit na alam kong hindi pwedeng mangyari ‘yung iniisip ko dahil… sino ba naman ako? Simpleng babae, tomboy-in, sino magkakagusto? Eh, hindi ko naman na magawang mabago ang sarili ko dahil… dito ako mas nasanay.Tsaka… kahit na ayokong I-career ‘yung ugaling ‘to, hindi na matanggal ‘yung thought na, ano sasabin ng ibang tao kapag bigla bigla na lang akong nagbago? Baka pagtawanan lang nila ako, ‘di ba? Baka marami pa silang masabi.Humawak ako sa braso ko habang nakikipagtawanan kay Arvin. Am I… actually a bit lonely?*****Page 5Eclair's P.O.VBinuksan ko 'yong pinto ng bahay at naabutan si ate Ella na umiinum ng alak.Tiningnan ko ang paligid. Wala pa sina kuya Erick dahil malamang ay nasa skwelahan pa ang mga 'yon. Inilagay ko ang bag sa couch at tiningnan ang paligid. Kung saan-saan nakakalat ‘yung beer in a can gayun din ang mga nasingahang tissue. Maglilinis nanaman tuloy ako imbes na makapagpahinga sa kwarto ko. Inilipat ko ang tingin kay Ate Ella na wasted na roon sa pahabang sofa pero sinusubukan pa ring abutin ‘yung natitira niyang alak. Nakuha niya pero nabitawan din niya kaya natapon din ang laman sa carpet. “Ate, tama na nga ‘yan!” Suway ko atkinuha ang kamay ni ate paramaiakbay sa akin, bubuhatin ko siya dahilmukhang hindi na niya magagawang makabalik sa kwarto niyang mag-isa. Sinilip ko ang mukha niya at
Page 6 Eclair's P.O.V Araw ng Sabado. Siyempre may pasok kahit Saturday. Akala ko nga kapag nag first year ka sa kolehiyo, petiks ka lang, eh. Hindi pala. Walang pahi-pahinga kapag na sa Hojas University ka. Walang awa mga titser dito, tipong iitim talaga mga eyebags mo sa kapupuyat mo sa modules at homework mo. Mas importante na ba ang grades kaysa sa mental and physical health mo? Baba ang balikat at mabagal akong naglalakad papasok sa campus. Umagang umaga, wala na akong energy. Gusto ko na lang matulog. Sabi ko sa isip ko at humikab. Mag sinungaling kaya ako sa school nurse namin na masakit ‘yung ulo ko para makatulog ako sa infirmary kahit papaano? Humph. Kaso joke lang. Hindi ko rin ‘yan magagawa dahil knowing that b*tch. Bibigyan lang niya ako ng gamot ‘tapos paalisin sa clinic niya para pabalikin sa classroom. Ganoon ginagawa niya kahit pa tuwing
Page 7Eclair's P.O.VPinaikot-ikot ko ‘yong ballpen ko sa daliri ko habang nakikinig ako sa lectures nung professor namin. Nililibang ko ‘yung sarili ko dahil antok na nga ako, aantukin pa ako lalo. Ang seryoso kasi ng guro namin na ‘to at wala talagang ka-humor humor. Ta’s kapag talagang oras niya, tahimik ang lahat. Mabuti na lang at hindi pwedeng buksan ang aircon kaya less ‘yung pagkaantok. Every Saturday kasi, iniiwasan buksan ‘yong aircon. Malay ko rin ba sa school, nagbabayad naman kami rito pero binibitin kami. Saturday na nga lang. Buti pa’ yung aircon, day off at nakakapagpahinga. May nagbato ng crumpled paper sa noo ko at bumagsak sa desk ko kaya bigla akong nabuwisit. Kinuha ko ‘yun at hinanap kung sino ang may gawa niyon, humint
Page 8:Eclair's P.O.VNakahalukipkip akong nakatingin sa apat na narito sa labas ng pintuan. May kanya kanya silang tayo ro’n habang nakasimangot lang din ako. “Ano kailangan n’yo? Ba’t hindi pa kayo umuwi?” Tanong ko.Humawak si Arvin sa likurang ulo niya. “Ah, balak sana naming kumain sa labas bago umuwi kaso iyon nga, pumunta kami rito para ano--” Hindi pa nga niya natatapos ay akma ko na sanang isasara ang pinto ko nang iharang ni Richard ‘yung paa niya kaya hindi ko na maisara.“Hoy, kinakausap ka pa, eh.” Iritable nitong pagkakasabi pero dikit-kilay ko lang siyang tiningnan.“Wala ako sa mood makipag-usap. Uwi!” Pagpapauwi ko sa kanila.“Kain muna tayo sa labas, para medyo lumamig ‘yong ulo m--” Binigyan ko kaagad nang masamang tingin si Kyle kaya hindi na siya nakapagsalita at nagsuot na lamang
Page 9Eclair's P.O.V"In commemoration of the 100 years of life and mission of the..."nakasalong-baba akong nakikinig sa mga reporters namin, pero jusko. Kahit na ano’ng gawin ko ay wala talaga akong maintindihan.Maliwanag na sinabi ng professor naminnai-explain 'yong report. Pero ang ginawa, binasa lang 'yong nasa visual aids!Paano maiintindihan ng iba kung hindi ipapaliwanag 'yan ng reporter? Ta’s itong professor namin, nakikinig lang pero hindi pinage-explain.Hoy, quiz namin bukas. Ano na lang makukuha naming score bukas kung wala naman kaming naiintindihan.Hahh… Bakit ba ako nag college?Binasa lang nila nang binasa 'yong nasabi nilang reporthanggang sa matapos na siya. Nagtanong siya kung may tanong kami ro’n sa report nila. Sa totoo lang, lahat pero tatanungin ko na lang kung ano ‘yung mga pwedeng maging key points. Magtataas sana ako n
Page 10 Eclair's Point of ViewMalakas kong narinig ang pagtilaok ng manok kaya tumayo na ako sa kama at umalis na roon para makapaghanda.Bumaba ako ng hagdan matapos kong maligo para pumunta sa hapag kainan kung saan kumakain na 'yung mga kapatid ko. Ngunit imbes na umupo ako para sumabay sa kanilang kumain, kumuha lang ako ng toasted bread. Aalis din kasi ako kaagad."Hmm..." mahilig akong magpalaman ng Butter and Strawberry Jam sa tinapay ko pero dahil sa wala namang ganoong flavor ngayon ay naghanap na lang ako ng iba. Buti nga may chocolate, eh.Inangat ni kuya Erick 'yung tingin niya sa akin. "Oy, hindi ka sasabay kumain sa amin, Eclair?" Tanong nito sa akin sabay tusok ng hotdog.“Hindi. Ayoko kayong kasabay.” Pagmamaldita ko at kinuha ang tumblr ko kung saan ito nakalagay para lagyan ng tubig. Ang babagal nilang kumilos. Kasi ba naman, itong si
Page 11 Eclair's P.O.V Na sa kalagitnaan ako ng aking pagtulog nang makarinig ako ng kung anong weird na tunog na nagmumula sa cellphone dahilan para magising ako.Slowly, I glared at my phone that keeps on ringing at the side table. Mahahalata rin sa pagmumukha ko ang inis dahil sa naglulukot na rin ito. "Mahal na mahal ko si Richard baby! Mahal na mahal ko Richard baby! Mahal na mahal ko si Richard baby!”paulit-ulit na ringtone na naririnig ko sa phone ko.Tarantad*talaga 'yung pesteng Arvin na 'yan! Siguro nung habang wala ako kahapon at na sa banyo ako, nai-record niya ‘yan ng wala akong kaalam-alam. Kaya pala ganoon ‘yong itsura ni Richard kahapon? Parang may gustong sabihin na hindi mo maintindihan. Ba’t kasi hindi niyas sinabi sa akin?Umupo ako sa pagkakahiga ko at inis na sinagot '
Page 12 Eclair's P.O.V Pumasok na kami sa sasakyan niya, pero imbes na umupo ako sa passenger seat ay umupo lang ako sa pinakalikod kung saan malayo ako sa kanya.Sinarado niya ang pinto at tumingin sapassenger seatkung saan dapat doon ako uupo. Inilipat niya ang tingin sa akin pagkatapos. Busangot akong tumingin pabalik sa kanya habang nakataas ang kaliwa kong kilay. "Ano? Ano tinitingin tingin mo?” Maangas kong tanong."Why are you there?" Taka n'yang wika."Hindi ako driver para umupo ka d'yan" Dagdag niya pero nagpumilit lang ako na rito umupo para makahiga ako kasi siguradong traffic nanaman mamaya. Baka mamaya antukin pa ‘ko sa biyahe. “Hihiga ako rito.” Sagot ko. “Pwede ka namang humiga rito, eh. Na-adjust ‘tong upuan.” Tukoy ni Richard sa passenger seat at napakamot