Share

Chapter 2

Mirabella's POV

I was late for ten minutes, but I immediately went to my first period. I don't care kung ano ang sasabihin ng mga kasama ko, basta I am ready for the consequences later. Bahala na ang HR sa ano mang parusa na ibibigay nila sa akin. If it means deduction on my salary, it's ok, I deserve it. I compose myself before entering the classroom. Alam ko sa bagong yugto ng buhay ko, ibang iba na sa kung ano ako noon. Kaya kahit kinakabahan ako dahil last week during the orientation, nalaman ko na ang mga nag aaral sa eskwelahan na ito ay mga anak ng mga matataas na tao, mga milyonaryo, bilyonaryo, business tycoons, politicians at mga iba pang nasa alta sosyedad. Hindi naman bago sa akin ito dahil sa pamilyang pinanggalingan ko, I was one- "was" dahil noon yun at never kung naramdaman na isa ako sa mga miyembro ng pamilyang mayroon ako. Sumikip ang dibdib ko at inalis ko sa isip ko ang tungkol sa pinanggalingan ko. Sumalubong sa akin ang lamig dahil fully airconditioned ito. Seryoso akong naglakad papunta sa harap without minding the stare of students at me. Binaba ko ang aking gamit sa podium and connected my phone sa malaking screen. Tumikhim muna ako bago nagsalita.

"Good morning. I am your Literature Teacher, Maria Mirabella Castillo."

Umpisa ko. I saw students who are raising their eyebrows, some are also looking at their watch and some are just nonchalant, yung makikita mong walang pakialam sa pinagsasabi mo.

"For a starter, pass your classcard" saad ko at isa isang tumalima naman ang lahat.

"Since this is a literature class, I want each one of you to prepare/craft/make/ a self-introduction using any type. I'll give you five minutes to compose it." I said. Wala akong narinig sa mga ito, ang tahimik nila, parang lahat poise na poise kahit mga lalake. Pero may isang naglakas loob na magtaas ng kamay. Tumango ako bilang acknowledgment na she's f*e to talk.

"Isn't it too soon Miss? Don't we deserve a word why you were late?" nakataas ang kilay nito at humalukipkip pa. Naglakad ako palayo sa podium habang nakatingin sa kanya.

"Young lady, which is more important, your issue about me being late or your take aways for today?" humalukipkip din ako na matamang nakatingin sa kanya.

"In our world, time is who we are" may pagkasarkastikong sabat ng isang babaeng estudyante na nakaupo sa may gilid. Napatitig ako dito, she's pretty kahit gulo gulo ang kanyang mahabang buhok.

"My world is beyond yours sweety. So, better get back on what you two were doing" sagot ko. Tumaas ang kilay niya at nakakalokong nagkibit balikat bago nagsalita.

"Apology perhaps?" Sinuyod niya ang mga mukha ng mga classmates nito trying to gain their atensiyon at sumang ayon sa kanya.

"Demand apology is useless sweetheart. " tugon ko at napatawa ito ng pagak na pinagpag ang palda nito.

"Demand or not, you don't know the word." sabi nito bago umiling iling na yumuko at ipinagpatuloy ang ginagawa. Hindi narin ako umimik at tumingin sa aking relo.

"Ok, time's up." pumalakpak ako para makuha ang kanilang atensiyon. Lahat naman tumalima na tumingin sa akin.

" Presentation is not the usual alphabetical. Give me number" saad ko na itinuro ang isang student na nakaupo sa harap.

"8" sagot naman nito. Napamulagat ang lahat ng bumilang ako ng walong classcard.

"No. 8 is Samantha Mijares" saad ko at sabay sabay na nag "oh" ang lahat. Pinaikot nila ang kanilang mata sa isang sulok. Tumayo ang estudyanteng babae na huling nakasagutan ko. Seryoso at parang bagot na bagot na tumitig sa akin.

"Ms. M, can I call you Ms. M?" She said. Tumango ako.

" Ms. M, yelo ka ba?" simula nito. Tumaas ang kilay ko at kumunot noo. Tumawa ang mga ibang studyante. Hindi ko na iyon pinansin, she's using perhaps a contemporary literature to present.

"Why?"

"Kasi, ang lamig mo" sabi nito at tawanan ulit ang mga classmates nito. Off guard ako sa sinabi nito.

"Miss Mijares, this introduction is not about me" seryosong sabi ko. Ngumiti pa lalo ito sa akin ng nakakaloko.

"Ms. M, number ka ba?" napa ohh na ulit ang lahat. Naloka ako, may sayad ba ito, kung ano ano pinagsasabi.

"Why?!" Galit na ang tuno ko.

"Gusto sana kitang kunin para sa daddy ko" sagot nito at tawanan ang lahat.

"Ms. Mijares, ginagalit mo ba ako?" Hindi ko na napigilan na kalampagin ang podium at nakita kong namutla ito. Lahat natahimik.

"If you're making this subject a joke, you may leave my class" seryoso kong saad. I know namumula na ang mukha ko sa galit. Tumingin ako sa kanya, nakatungo na ito.

"I apologize Miss. " Mahinang saad nito.

"You may continue your introduction" saad ko at tumalima naman ito. Kumanta ito ng isang awitin pero iniba ang lyrics na tungkol sa kanya. Though I'am a bit angry at her, napa bilib naman niya ako sa kanyamg presentation. She's good in singing. Nagtuloy tuloy ang intro ng iba pang students at napansin ko na lahat sila naging aloof na sa akin, maybe they are just intimidated dahil sa kaseryosohan ko. Hindi ako nag co compliment sa kanilang mga presentation, ayaw kong masanay sila sa akin. After ng first period naging sunod sunod na ang klase ko until 5PM. Papunta na ako sa sasakyan ko sa parking lot ng mapatingin ako sa sasakyan sa right side ng car ko, masiyadong madikit ito sa akin kaya hindi ako makakapasok sa driver's seat. Napabuntunghininga ako, kahit kailan talaga, may mga driver na hindi alam ang tamang pagpa park, yung feeling nila sa kanila na ang buong parking lot. Tumingin ako sa loob ng sasakyan, pero walang tao doon. Yamot akong sumandig sa harapan ng sasakyan para hintayin kung sino man ang driver nito. Wala man na akong pupuntahan na iba kaya nag decide na akong maghintay ng ilang minuto baka sakaling uuwi narin ang may sasakyan nito. Itinuon ko ang pagtipa aa cellphone ko at nagcheck ng mga emails ko while waiting. After perhaps 10 minutes, biglang umandar ang sasakyan na hinihintay kong umalis. Hindi ako tumingin, pinakiramdaman ko lang kung aalis na ito, pero after another 10 minutes, hindi parin umaalis ito pero nakaandar na. Marahas akong napalingon dito pero hindi ko aninag ang mukha ng driver. Dahil sa tagal na akong naging considerate at talagang nangangawit na ako, kinatok ko ang window ng sasakyan. Bumukas ito at bigla akong napatda ng makita ko ang mukha ng lalaki kaninang umaga na salubong ang kilay at seryosong nakatingin sa akin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status