Mirabella's POV
"Are you following me?" Ito ang unang kumawala sa aking bibig ng mabungaran ko ang kanyang mukha pagkatapos niyang ibaba ang window ng kanyang sasakyan. Tumaas ang gilid ng labi nito at seryosong tumitig sa akin ulit. Nahintatakutan ako, paano kung hindi aksidente yung pagkikita namin kaninang umaga sa harap ng apartment ko? Paano kung stalker pala ito at sadya lahat ng pagkikita namin? Biglang kumabog ang dibdib ko sa ideyang iyon na pumasok sa isip ko.
"Cut that stupid idea on your mind woman!" paasik nitong sabi. Kunot noo kung sinalubong ang kanyang yamot nitong mukha. Paano niya nahulaan ang nasa isip ko?! Nagbaba ako ng tingin at tumikhim muna ako bago nagsalita.
"Would you mind moving your car and park properly" sabi ko. Dumungaw siya sa side ng sasakyan at tinignan kung saan ako nakatingin.
"Namali ka ng pag park" walang ano mang saad nito. I gave him a cold stare at umiling ako.
"Can't you see Mister, hindi ako makakapasok sa sasakyan ko because of the space from your high-end car. Ayaw mo naman siguro magasgasan ang sasakyan mo" sabi ko. Tumaas ang kilay nito na napatingin sa sasakyan ko. Tapos bumaling sa akin na hindi parin nawala ang kaseryosohan sa mukha.
"Woman, you're always complicate things tsk! Ikaw ang mali" bagot na bagot ito at kinuha ang cellphone nito na parang may binabasa. Inis ako, no, galit ako sa inaasta ng lalaking ito, pero hindi ko kayang ilabas ang totoong emosyon ko.
" Look, I parked here first kaya wala sa akin ang sisi. So, move your car dahil aalis na ako" malamig parin ang tono at mukha ko. Naiinip na ako sa kaartehan ng taong ito, mahirap bang iurong ng konti ang sasakyan niya?
"Send one of your men here" narinig kong sabi nito at napatingin ako sa kanya. May kausap pala ito sa cellphone.
"Are you even listening to me? I said MOVE. YOUR. CAR." pinakadiin diinan ko ang huling sinabi ko dahil naiinis na ako talaga, hindi manlang mag abala na lumabas sa kanyang sasakyan para kausapin ako ng maayos. Tumitig lang siya sa akin pagkatapos ay pumikit. Halos sumabog na ang dibdib ko dahil sa galit sa taong ito. Well, kung ayaw mong i urong ang sasakyan mo, pasensiyahan tayo. Bulong ko sa sarili ko at nakapagdesisyon na akong pumasok sa sasakyan ko. Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan ko na padarag at malakas na nahagip nito ang pintuan ng sasakyan niya leaving a scratch! Pero wala na akong pakialam, I've done everything para pakiusapan siya pero hindi siya nakinig sa akin. Dali dali kong pinaandar ang aking sasakyan at mabilis pa sa alas kwatrong pinaharurot ko ito palabas ng parking area na iyon. Hindi na ako lumingon, bagkos halos nabunutan ako ng tinik dahil nakaganti ako sa taong iyon sa mga kamalasan na binigay niya sa akin maghapon. Whoever he is, sorry dahil hindi mahaba ang pasensiya ko sa mga ganoong bagay. Nang makalabas na ako ng gate ng University, kampante kong binaybay ang National Highway papunta sa aking tinutuluyan.
"Pangalawang beses na iyon! Tsk, wala talagang naidudulot na maganda sa akin ang lalaking iyon" inis kong turan sa sarili nang maalala ko ang aming encounter mula pa kaninang umaga. May konti akong kaba sa ginawa ko but who cares, kasalanan niya, hindi marunong makinig. Mahirap bang gawin ang sinasabi ko? Kung hindi lang sa mataas ang pride nito, hindi sana nangyari ang pagka scratch ng sasakyan niyang mamahalin. Serves him right! ito ang pilit kung iniukilkil sa aking isipan habang tinapik tapik ko ang manibela. Binuksan ko ang stereo ng aking sasakyan at pumainlang ang isang alternative rock music na pinapatugtuog ng isang radio station. Can't you see that you're smothering me?,Holding too tightly, afraid to lose control' Cause everything that you thought I would be, Has fallen apart right in front of you Sinabayan ko ito habang nasa daan ang aking atensiyon.
I've become so numb, I can't feel you there Become so tired,---- bigla kung inapakan ang brake ng may bigla nalang nag overtake sa akin at ibinalandra ang sasakyan nito sa unahan ko. Napasinghap ako ng mapagsino ko ang sasakyan, ang lalaki sa parking kanina. Lumabas ito at pulang pula ang mukha na naglakad papalapit sa kinaroroonan ko. Bigla kong mahigpit na hinawakan ang door control ng sasakyan ko, mukha palang ng lalaki, galit na galit na ito-who knows kung ano ang pwede niyang gawin sa akin, medyo walang kabahayan pa naman kami huminto. Nang makalapit ito, sumenyas siya na lalabas ako habang kinakatok niya ang window ng sasakyan, ngunit nakatingin lamang ako. I am not scared but afraid with the idea na pwede niya akong saktan physically or worst-
Mas lalo pang nilakasan ang pagkatok sa window kaya wala na akong nagawa kundi buksan ito.
"Do we have problem?" seryosong tanong ko at nakita kong tumaas ang gilid ng labi nito dahil sa inis or hindi makapaniwala sa tinuran ko.
"You're asking me that stupid question now after what you fuckingly did to my car?" sarkastikong saad nito na pinamaywangan pa niya ako.Salubong ang kanyang kilay na animoy kakainin na ako ng buhay dahil sa galit.
"Look mister, pinakiusapan kita ng maayos kanina, pero hindi ka nakinig---
"That's doesn't mean you have the nerve to do that woman!--I told you, you're on the wrong track---
"Ano? ako pa ang may kasalanan sa pag park?" napantig ang tainga ko sa tinutumbok nito base sa kanyang linya. Bigla akong nainis at walang sabi sabi akong lumabas sa sasakyan ko at hinarap siya.
"Are you saying na kasalanan ko ang pag park ko doon? Tapos kasalanan ko na hindi ka nakinig at kasalanan ko parin kaya nagasgasan ang mahal mong sasakyan?" mahinahon parin ako, kahit gusto ko ng bigyan ng isang uppercut ang kaharap ko. Tumawa ito ng pagak at umiling iling.
"Listen here mister, serves you right kaya nagasgasan iyang sasakyan mo." mariing turan ko at nakita kong tumaas ang kilay niya na tumitig sa akin.
"Tsk. I thought you're just a cold-blooded egotistical woman, you talk much too" again, sarcasm makes his tone. Iyong pagkuyum ko ng aking kamao para pigilan ko na undayan ang suntok ito ay sobrang ikunuyom ko talaga. Napatingin ito dito at tumawa siya ng malakas.
"And look--marunong ka din naman palang magalit. What will you do to me? Hit me, common!" nakakalokong saad nito na mas inilapit pa ang sarili sa akin. Nanatili lang akong mahinahon pero talagang ang kaloob looban ko gusto ko ng bigyan ng black eye ito.
"That won't happen, this fist doesn't deserve to land on that thick face of yours-" malamig kong turan habang pinapakita ko sa kanya ang kamao ko. Nanlaki ang kanya mata at bigla niya akong hinablot para ilapit sa kanyang katawan. Halos mawalan ako ng balanse ng ilapit niya ang kanyang mukha sa akin.
"Thick face huh? Ok, you wanna see what this thick face can do to you ice-princess?" tumango tangong saad nito at hinaplos ang labi ko. Iniiwas ko ang aking mukha dito pero hinawakan niya lamang ang likuran ng ulo ko para siya ng magkontrol sa mukha ko. Mariin niyang pinagpatuloy ang paghaplos sa labi ko pagkatapos ay tumitig sa akin na nag aapoy ang mata sa galit.
"You know what I really hate babe? Woman who does not know what she's babbling--
"Bitiwan mo ako!" medyo tumaas na ang boses ko pero binigyan niya lang ako ng tawa na hindi abot sa kahit ano mang parte ng kalooban nito.
"Not so fast ice princess--gusto kong ipakita saiyo kung ano ang pwedeng gawin ng isang taong makapal ang mukha na sinabi mo" matigas ang boses nito at walang kagatol gatol na kinabig niya at sinakop ang aking labi. Mapagparusa at marahas ang halik nito, na halos hindi ako makahinga habang wala na yatang katapusan ang paggalugad nito sa labi ko, kinagat pa niya ang pang ibabang parte nito dahil siguro sa galit. Pilit ko itong tinutulak pero kapag ginagawa ko mas lalo niya lang dinidiinan ang paghalik niya sa akin. Halos isang minuto sigurong pinagsawaan niya ang bibig ko bago niya pakawalan. Nang tumunghay siya sa akin, kunot noo itong parang may pilit inaalala. Gusto kong sampalin ito pero pinigil ko ang aking sarili. Nang mahimasmasan ako, agad kong hinablot ang braso ko na hawak niya at tumalikod.
"Woman! we're not finished yet!" galit nitong sigaw pero hindi ko ito pinakinggan. Kinuha ko ang calling card ko sa aking wallet at bumalik sa kanya at ibinigay ko ito.
"Here's my calling card, you can call me for the damage" malamig kong sabi. Nakita kong pinadaanan niya ang pangalan ko sa card at nabigla ako ng hinapit niya ako ulit at inilapit ang kanyang mukha sa akin. Tumitig siya ng mariin na parang may gustong sabihin, biglang nawala ang galit sa mata nito--naging masuyo
"And it's you baby....
Mirabella's POVMeet me tonight, 7PM @ Macy's. Ito ang bumungad sa mata ko pagkabukas ko sa aking cellphone, Sabado ng umaga. Napakunot noo ako, dalawa lang ang nakakaalam ng aking numero, ang Unibersidad kung saan ako nagtatrabaho at ang lalaking pinagbigyan ko ng calling card ilang araw na ang lumipas nang magkaroon kami ng engkwentro. Tinitigan ko lang ang mensahe nito, binabalanse ko ang tamang gagawin, kung papayag ba ako o hindi sa sinasabi nito. Hindi ko kilala ang lalaking iyon, paano kung totoo talaga iyong unang naisip ko noon na baka hindi chance ang pagkikita namin, baka stalker ito. Ilang minuto pa ang lumipas ng may kasunod na namang mensahe ito.I know what you're thinking woman. I just need arrangement on what you did to my car. Napataas ang kilay ko, may pagka telephatic ba ang lalaking iyon, pangalawang beses na niyang alam kung ano naglalaro sa isip ko. Napailing ako, ganoon na ba ako ka transparent, kaya niyang basahin ako. Hindi ko parin ito binigyan ng sagot, bag
Mirabella's POV"Welcome to our home, Bella. Suit yourself" ito ang bumungad sa akin pagkababa ko sa aking sasakyan. Narito ako ngayon sa bahay ng Mijares na ito. Napapayag niya ako sa kanyang proposal week ago, at magsisimula ako ngayon bilang tutor ng kanyang anak. Ang ikinababahala ko lang ay kailangan kung manatili dito sa kanyang bahay kapag Friday night until Sunday morning, bale two days and two nights ang session namin sa tutorial. Wala na akong nagawa pa dahil sa sandamakmak na blackmail ang inabot ko dito hanggang sa hindi na ako makapag hindi sa kanya. Ayoko ng magulong buhay, ayoko ng maraming tao na nakakaalam kung saan ako, kung sino ako at kung saan ako galing. Gusto kong mapag-isa. At ang mga ginamit ng Mijares na ito na pamblackmail sa akin ay pwedeng makakuha ako ng atensiyon, baka mas lalo lamang na gugulo ang buhay ko. Idagdag pa na kaya pala napaka confident nitong sabihin na protektahan niya ako sa University ay dahil siya pala ang may-ari nito, kaya pala hindi m
Mirabella's POVThat's how you characterize the role of those characters in a story, you just find hints coming from the lines they speak, or how the writer describes them or how it was being narrated." Narito na kami ni Sam sa study room nito. Kaninang iniwan ako ni Miguel, agad din lumapit sa akin ang isang kasambahay at sinamahan niya ako pumanhik sa silid na gagamitin ko. Sinabi din nito kung saan ko pupuntahan si Samantha sa mga tutorial sessions namin at kung anong oras. Nang pumasok ako dito sa room, nadatnan ko na ito dito, seryoso siyang nakatingin sa akin. Nang tanungin ko kung pwede na kaming magsimula, tumango lang ito na hindi inalis ang tingin sa akin. Pinabasa ko muna sa kanya ang isang story na galing sa Greek Mythology. Habang nagbabasa ito, samu't saring emosyon ang nakita ko sa kanyang mukha, hindi ko alam kung nadadala na siya sa binabasa niya or iniisip parin niya ang nangyari kanina."My question to you now is, how do you characterize Demeter based on the story?"
Mirabella POV"Mommy please, don't do this! Please! Please!" halos hindi na ako makahinga dahil sa sobrang iyak ko habang nakahiga ako sa hospital bed. Tumingin sa akin si mommy ng marahas, galit na galit ito."It's better this way. Kailangang mawala ang batang iyan, dahil kahihiyan ng pamilya ang nakasalalay dito!" hinawakan pa niya ng mariin ang mukha ko. Umiling iling ako na hilam ang luha ko, hindi ako papayag sa gusto nilang mangyari. Kahit mamamatay ako, I will not give up on this baby, never!"No! patayin niyo na ako pero hindi ko maatim na mawala siya sa akin. Hayaan niyo na ako, kahit pwede akong mamatay, basta mabuhay lang ang baby ko!" sigaw ko na nagwawala na. "Nag iisip ka ba Ella ha? pwede kang mamatay dahil sa kalagayan ng baby na iyan! It's ectopic, they need to removed the raptured fallopian tube!"sigaw nito. Humagulgul ako, hindi ko kaya, hindi kakayanin ng konsensiya ko na mawala siya."Mommy! please" nagmamakaawa kong sabi pero umiling lang siya."Kung hindi sana
Mirabella's POVGood morning Mirabella" Nang mabungaran ko si Miguel sa hapag kainan kinaumagahan. Medyo late na akong nagising dahil umaga na ng dalawin ako ng antok dahil sa kaiisip sa nangyari sa amin ng lalaking kaharap ko ngayon. Kung hindi pa ako kinatok ng kasambahay sa aking silid ay hindi pa ako babangon-iisa lang ang aking rason, ayaw ko siyang makita. Pero kahit ano pa ang gawin kong pag-iwas, hindi ko ito magagawa dahil nasa loob ako ng kanyang pamamahay."How's your sleep?" patuloy nito ng hindi niya marinig ang tugon ko ng makaupo na ako sa kanyang tapat. Tahimik lang si Samantha habang kumakain at panaka nakang sumusulyap sa akin."Good" tipid kong sagot at iniiwas ang tingin sa kanya, feeling ko kasi namumula na naman ako dahil sa naglalaro na naman ang ginawa ng hinayupak na ito sa akin kagabi. Ngumiti ito ng mapanukso bago sumubo. Nararamdaman ko na hindi parin niya itinigil ang pagtitig sa akin. Narinig kong napatikhim pa si Samantha."Dad! Ice cream mo, matutunaw n
Miguel's POV"What do we have here?" seryoso kong tanong kay Luke habang inaabot niya sa akin ang isang envelope na naglalaman ng mga impormasyon tungkol kay Mirabella. Siya ang matalik kong kaibigan na may ari ng isang Security Agency at isa na dito ang services nila, ang magkalkal ng mga impormasyon tungkol sa isang tao."Positive. She's the woman you asked me to dig into seven years ago" umupo ito sa harapan ko. Napapikit kong isinandal ang aking ulo sa headrest ng upuan ko. Nandito kami sa loob ng opisina ko, hindi sana ako pupunta ngayon dito kung hindi nag walk out si Mirabella sa hapag kainan kanina at nagkulong na sa silid nito. Balak ko pa sanang ilabas sila ngayon ni Samantha pero dahil sa may pupuntahan din ang anak ko, napagdesisyonan ko nalang na pumunta dito sa office ko kahit Saturday. Sakto naman na tumawag si Luke sa akin. Sa narinig ko kay Luke, tama nga ang hinala ko, siya iyon, pagkakita ko pa lamang sa heartshaped birthmark sa likod ng kanyang tenga noong unang ma
Mirabella's POV"Good afternoon po Ms. Mirabella" magkakapanabay na yumukod ang mga kaibigan ni Samantha ng madatnan ko sila sa study room nito. Time na iyon ng session niya kaya lumabas ako sa aking silid at pinuntahan ito. Tumango lang ako sa mga ito bilang tugon sa kanilang pagbati."Mind if they will join us Ms. M?" turan ni Sam habang prenteng nakaupo sa tabi ng mga ito. Tumingin ako sa mga kaibigan niya na pilit ang mga ngiti, hindi ko alam kong intimidated lang sila o sadyang fake lang ang gusto nilang ipakita sa akin na approach nila."My dad wants me join po Ms. Mirabella, in fact--he'll call you too para ma sched po ang sessions natin in our house" kapagkunway saad ni Thania na parang nahihiya pang magsalita. Tumaas ang kilay ko, kailan pa ako naging certified tutor? Umiling ako dito."I'm sorry Thania, tell your dad, hindi na ako tumatanggap ng tutee." malamig kong sabi. Nakita kong lumambong ang mata nito. This girl is so sweet, kaya madaling mabasa ang mga emotions niya s
Mirabella's POV"Ano?! nababaliw ka na ba Miguel?!" may galit na sa aking boses. Pilit akong kumawala sa kanyang yakap. Pero matindi talaga itong lalaking ito, parang gustong gusto niya akong paglaruan sa mga ginagawa niya sa akin. Seryoso nitong inilapit ang kanyang mukha sa akin, langhap ko ang mabango nitong hininga."If you call it kabaliwan--I am Mirabella" bulong nito na tumitig pa sa aking labi. Hindi ko mapigilan mapalunok dahil sa init na dumadaloy sa aking katawan sa paraan ng pagtitig niya dito."Will you stop being nonsense Mr. Mijares? Masiyado mo na akong pinaglalaruan-kung inaakala mong ok lang sa akin itong mga ginagawa mo, puwes hindi ka na nakakatuwa. I am sorry to say, but I am resigning!" matigas kong sabi at marahas kong tinanggal ang pagkakayakap niya sa akin. Nang makawala ako, lumayo ako sa kanya. Nakita kong dumilim ang mukha nito."Do that and you'll know kung ano ang magagawa ko Mirabella" nakipagtitigan ito sa akin. Naikuyom ko ang aking kamao dahil nagagali
Mirabella's POVLife must go on, and so I am—or am I convincing myself? I don't know, after my encounter again with Miguel and set things straight for us, noong una, there was still fear in me. Paano kung hindi pa tapos ang lahat? Paano kung may naghihintay na naman na life-threatening situation na kakaharapin niya dahil sa akin? Hindi kakayanin ng konsensiya ko because my heart ached for him and Sam. Ayaw ko ng makompromisiyo ang tahimik na nilang buhay. Hindi malayong mangyari ang mga kinatatakutan ko dahil sa kinabibilangan kong pamilya--hindi mo alam kung sino ang kaaway mo o di kaya magkakaroon at magkakaroon ka talaga ng mga kaaway. And I don't want to pull Miguel into this thing again. Ngunit, papaano pa ulit ako aalis sa tabi nito kung bumigay na ako ng lubusan sa kanyang mga yakap at halik? We made love again and again last night, at aaminin ko, in that moment, everything fell into place. The uncertainty, the years apart, the pain—all of it had led me back to him. What we had
Miguel's POVHabang pinagmamasadan ko ang kanyang maamong mukha sa aking bisig, I can't help but smile. Para akong nabunutan ng mabigat na semento na nakakabit sa aking dibdib habang nakayakap ako kay Mirabella. She's peacefully sleeping in my arms. Hindi ko na ito pinakawalan pa mula pa kagabi ng mag usap kami. I don't want to lose her again at gusto kong masiguro na malinaw sa amin ang lahat bago ko iuwi sa Pilipinas. I won't go back unless hindi siya kasama. Isa na lang ang problema ko, it's Mr. Schmid and that billion-dollar contract with him. Nang tumawag ito, he insisted that I will meet his daughter. I know those tricks from businessmen, it's the first step towards arranged marriage. Napailing ako, I can't afford to lose Mirabella again, at ayaw ko na siyang masaktan pa, she had gone through a lot and that idea of meeting Mr. Schmid's daughter will hurt her. But hell no! I won't give in to Mr. Schmid even if he pulls out all his shares again and terminate the contract. I am rea
Mirabella's POV"Leave him and go back to me" halos matulos ako sa aking kinatatayuan ng marinig ko ang mga katagang binitiwan ni Miguel. Mataman niya akong tinititigan at iyon ang isa pang nakakapag palakas ng tibok ng aking puso. Mula pa kaninang makita kong kausap ni Struve, hindi na tumigil ang malakas na tambol ng dibdib ko. Seeing him in flesh after two years make me deeply grateful to God dahil sa nakaligtas ito sa bingit ng kamatayan ng iwanan ko siya. Alam ko sa kaibuturan ng aking puso, kahit gustong itakwil ng isip ko, mahal ko si Miguel at walang makapagpapabago iyon. Ngunit, hanggang doon na lamang, galit sa akin ang kanyang anak, at ayaw kung magkagulo silang mag ama dahil lang sa akin. Tama na ang mahalin ko siya ng ganito, walang ma compromise na mga damdamin."Mirabella---"Utang na loob Miguel, tumigil ka na. Iniwan na kita, please do me a favor--kalimutan na natin kung ano man ang mayroon tayo." mahina kong saad. Ngunit napamulagat ako ng hawakan niya ang pulsuhan k
Miguel's POV“Dad---when will you go home?” mukha ni Samantha na malungkot ang bumungad sa akin ng sagutin ko ang kanyang tawag via videocall. It’s been a week ng makarating ako dito sa Switzerland dahil sa pag aayos sa business ni Gayle na iniwan nito at ang expansion ng kompanya namin dito. Napatitig ako sa aking anak, two years ago, nagsimula na naman nitong i isolate ang kanyang sarili sa mga taong malapit dito, kahit sa mga kaibigan niya. Nang magising ako sa halos tatlong buwan na pagka comatose ko, she was on my side, hindi niya ako iniwan. Iyak ito ng iyak, she kept on saying sorry dahil sa nagawa niya kay Mirabella. Mag isang lingo na noon na nagising ako pero walang Mirabella na aking nakita whom I was expecting to be at my side. We were ok before na mangyari ang trahedyang iyon ngunit bigla na naman itong naglaho—bigla na namang malabo ang lahat sa amin and it really hurt me knowing na bumitaw na naman at tuluyan na akong iniwan.“I’ll be home after three days sweetheart. W
Mirabella's POVAfter two years..."Dad, this is ridiculous" nanggagalaiti akong pumasok sa opisina ni daddy habang hawak ko ang isang million-dollar project na pinirmahan nito with the Mijares Group of Companies. It's been two years when I cut my ties to them. Nang umalis kami ni Struve sa ospital kung saan galit na galit sa akin si Sam, we flew back here in Switzerland. Masakit man para sa akin na iwan si Miguel habang nasa bingit ng kamatayan, but it's the greatest thing I did, para sa peacefulness ng pamilya niya, para sa ikabubuti ng lahat. Tama lang na once and for all, kahit mahal na mahal ko siya, hindi ako ang para sa kanya. Life must go on to me, iyon naman ang gusto ko noon pa, ang mawala na ako sa buhay nila. My dad--I mean, ang amang kinalakhan ko, he died on that incident and his family was in run dahil sa dami ng mga kasong kanilang kinakaharap. Struve started to make things right sa mga iniwan sa akin ni Lolo Facundo, in fact, he's in and out of Switzerland para lang p
Mirabella's POV"Miguel, stay with me please, please..don't leave me please" halos hindi ko na alam kung nasaan ako sa mga oras na ito dahil nasa kay Miguel ang atensiyon mula pa kaninang binaril siya ni daddy hanggang sa dumating ang rescue, hindi ko alam kung sino ang tumawag. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan kanina, natulos ako, hindi dahil sa nakagapos ako kundi ng makita kong natumba ito at mas lalo akong napaiyak ng tumingin siya sa akin na parang may nais itong sabihin. My world shattered and slowed down, and all sound faded away as I saw him stumble, eyes wide with shock, and then—fall. In that moment, my heart seemed to shatter into a million pieces, each one echoing the sound of his body hitting the cold, unforgiving floor. A crimson stain began to spread across his shirt, dark and terrifyingly vivid, each second stretching out like an eternity as I watched. My breath hitched, paralyzed in disbelief, but my legs couldn't move before I could think. I tried to straggl
Miguel's POVHalos mawalan ulit ako ng ulirat ng may maramdaman akong tubig na sumaboy sa aking mukha. Nang imulat ko ang aking mga mata, dalawang lalaki na nakaitim ang nakaharap sa akin, hawak ang isang balde na siyang ginamit na lalagyan ng tubig na isinaboy sa akin. Nang tangkain kong gumalaw, na realized kong nakatali ang aking kamay at paa sa kinauupuan ko. Napapikit ako ng maalala ko ang nangyari, may pumalo sa likod ng ulo ko at si Mirabella--Mirabella?! nagpanic ang utak ko ng maalala kung kasama ko si Mirabella sa time na iyon. Nang iikot ko ang aking paningin sa kinaroroonan ko, nakita ko itong nasa sahig, wala paring malay, gaya ko, nakatali din ang mga kamay at paa habang nakabusal ang kanyang bibig. Damn! I felt like the world is spinning, yet I am rooted in place, unable to tear my eyes away from the person I loved so deeply, the one who is now running for her life. Every wince, every furrow of her brow while she's unconscious, made my chest tighten with an ache I could
Third POV"Mommy, I am scared....." ito ang saad ng batang paslit na si Mirabella habang yakap yakap ang ina sa loob ng isang madilim na silid. Agad hinaplos ni Tamara ang buhok ng anak habang pinupunasan niya ang luhang naglandas na sa sariling mukha. Hindi niya alam kung bakit napunta sila ng kanyang anak dito sa lugar na ito. Isang taon ang lumipas mula ng bumalik sila dito sa Pilipinas mula Switzerland kung saan naiwan ang isa pang anak niya at asawa sa kadahilanang hindi nila pagkakaintindihan. Nasa airport palang silang mag ina ng limang tao na ang sumundo sa kanila na nagpakilalang mga tauhan ng kanyang ama. Buong buhay ni Tamara, hindi niya nakilala ang ama dahil laging sinasabi noon ng kanyang ina na hindi na niya kailangang makilala ito dahil hindi siya nito kikilalanin, na magiging magulo lang ang buhay nila. Dahil doon, hindi na niya ipinilit ang kagustuhang kilala ang kanyang amang si Senior Fausto Castillo. Hindi dahil nawalan na siya ng pakialam dito, bagkus mas marami
Mirabella's POVHabang pababa ako sa eroplanong sinakyan ko mula Manila hanggang sa lugar kung saan ako lumaki, hindi ko mapigilang maramdaman ang takot at pangamba. Ngunit linakasan ko ang aking loob, ngayon ang araw ng pagkawala ng anak ko, kaya kailangan kong dalawin ito. Wala akong balak na magpakita sa kinalakhan kong pamilya, iisa lang ang pakay ko, ang libingan ng anak ko. Biglang sumikip ang dibdib ko, naalala ko ang huling pag uusap namin ni Miguel, pagkatapos niyang sabihin na kahit hindi ko na siya patawarin, ay lumabas na ako sa opisina nito. Hinayaan ko na ang aking mga abogado na makipag usap dito pero nanatiling matigas ito at hindi nakipag settle sa gusto kong mangyari. Tatlong araw na ang lumipas mula sa time na iyon bago ako nagpasyang dalawin ang anak ko bago ako babalik sa Switzerland."Are you sure, you will go there alone?" ito ang tanong sa akin ni Struve ng sabihin ko dito ang plano ko. Tumango ako habang nakaupo ako sa swivel chair sa loob ng kanyang opisina.