Share

Chapter 4

Mirabella's POV

Meet me tonight, 7PM @ Macy's. Ito ang bumungad sa mata ko pagkabukas ko sa aking cellphone, Sabado ng umaga. Napakunot noo ako, dalawa lang ang nakakaalam ng aking numero, ang Unibersidad kung saan ako nagtatrabaho at ang lalaking pinagbigyan ko ng calling card ilang araw na ang lumipas nang magkaroon kami ng engkwentro. Tinitigan ko lang ang mensahe nito, binabalanse ko ang tamang gagawin, kung papayag ba ako o hindi sa sinasabi nito. Hindi ko kilala ang lalaking iyon, paano kung totoo talaga iyong unang naisip ko noon na baka hindi chance ang pagkikita namin, baka stalker ito. Ilang minuto pa ang lumipas ng may kasunod na namang mensahe ito.

I know what you're thinking woman. I just need arrangement on what you did to my car. Napataas ang kilay ko, may pagka telephatic ba ang lalaking iyon, pangalawang beses na niyang alam kung ano naglalaro sa isip ko. Napailing ako, ganoon na ba ako ka transparent, kaya niyang basahin ako. Hindi ko parin ito binigyan ng sagot, bagkus ay hinayaan ko lang muna ang cellphone ko at nag-ayos sa aking mga gamit sa loob ng kwarto ko. Naglinis ako habang naglalaba. Nang magtanghali, pagkatapos kong kumain ay bumalik ako sa aking kwarto at sinimulan na gawin ang mga lessons na ituturo ko sa susunod na linggo. Ilang minuto pa ang dumaan nang mapaigtad ako sa tunog ng aking cellphone, may tumatawag. Napapikit ako ng makita ko kung sino ang nakarehistro sa screen. Hinintay ko muna na makailang ring ito bago sinagot dahil nagtatalo talaga ang isip ko kung sasagutin ko ito o hindi.

"Tsk, buhay ka pa pala." baritonong saad ng nasa kabilang linya. Sarcasm is his favorite--mula noong unang encounter namin, ito ang laging naririnig ko dito. Bumuntunghininga muna ako bago sumagot.

"What do you want?" malamig kong tanong at narinig kong tumawa ito ng pagak.

"Don't give me that crap question, I know you have read my messages" matigas na ang boses nito. Tsk, suplado at maikli ang pasensiya ng lalaking ito.

"And?" still nasa boses ko ang pagkabagot sa kung saan patutungo ang usapan namin. Narinig kong nagmura ito bago sumagot.

"Are you just playing dumb or what woman?" Actually, gusto ko lang talaga siya inisin, nagsimula ng magalit, lubos lubosin ko na para magbago pa ang isip nito sa plano niyang makipagkita sa akin.

"Meet me at 7!" matigas na turan nito at bigla nalang naputol ang linya. Ang tindi ng problema ng lalaking iyon sa kanyang ugali. Masiyadong maikli ang pasensiya, tsk! Napailing na lang ako na ipinagpatuloy ang aking ginagawa. Nang sumapit ang alas sais, nagbihis na ako para katagpuin ang lalaki para matapos na ang usapan tungkol sa sasakyan nito at para hindi na ako guluhin pa. Pagkarating ko sa lugar na sinabi nito, natanaw ko agad ito ng igawi ako ng waiter sa kinaroroonan nito. Nang magtama ang mga mata namin, akala ko bubuga na ng apoy ito dahil sa galit sapagkat na late ako ng 15 minutes, pero seryoso lang itong nakatitig sa akin hanggang sa makaupo ako.

"So, magkano ang kailangan mo?" diretsahang tanong ko dito. Napakunot noo ito at umiling iling. Sumenyas ito sa waiter bago bumaling sa akin.

"What do you want?" tanong nito.

"Ikaw ang tumawag sa akin Mr., meaning ikaw ang may kailangan." how dumb I am nang ma realized ko ang point nito ng tignan niya akong nakataas ang kilay tapos tumingin sa gawi ng waiter na nakatayo malapit sa amin. Nakita kong ngumiti ito ng mapang asar.

"Let's order first. Choose." maotoridad nitong sabi na ibinigay sa akin ang menu card ng hindi ako sumagot. Naramdaman ko kasing namumula na ang mukha ko dahil sa kahihiyan sa tinuran ko kanina. Nang hindi parin ako umimik at hawakan manlang ang menu card, siya na ang nag order para sa akin.

"I want you to tutor my daughter" rinig kong sabi nito. Bigla akong napatingin dito ng diretso. Seryoso parin itong nakatitig sa akin na parang binabasa na naman ang aking isipan. Tumikhim muna ako bago sumagot.

"No. I don't do that thing Mr." malamig akong umiling dito.

"Listen, my daughter had this non-stop whining about your class--and I heard, you violated two rules in the University twice." mahinahon parin ang tono nito. Pinaglalaruan nito ang kanyang cellphone sa ibabaw ng mesa.

"Mr--

"My name is Miguel. Miguel Mijares" putol niya sa akin. Umiling ako, wala akong pakialam kung sino pa siya,basta hindi ako sang ayon sa proposal nito.

"One more rule to break-you'll be kick out from the University and I'll see to it na hindi ka na makakapagtrabaho pa kahit kailan. So, choose your battle Ms. Castillo" matigas nitong sabi. Iyong inis ko, biglang tumaas ang level. Sino ba itong taong ito para manipulahin ako, para mapasunod ako sa kanyang mga gusto. Tangina, wala akong pakialam kung tatanggalin ako sa University pero iyong sabihin niya sa akin na hindi na ako makakapagtrabaho kahit kailan ay ibang usapan na iyon. Alam kung mayaman ito dahil sa magara nitong sasakyan at sa mga kasuotan na mayroon siya, lahat mga top designs pero gaano ba kalawak ang impluwensiya nito para magagawa niyang ipa blacklist ako sa mga industries or institutions.

"Teka lang Mr. Mijares, ang issue na kailangan nating pag usapan ay ang gasgas ng sasakyan mo, hindi ng kahit ano pa man"

"Yes. We're even, forget about the car as long as you'll agree with my proposal. Plus, I can protect you with your issue in the University" still mahinahon parin ito pero may otoridad ang bawat katagang binibitiwan nito.

"Why me? Why are you doing this? You don't know me, tapos ipagkakatiwala mo sa akin ang anak mo? Mayaman ka naman Mr. Mijares, you can hire the best tutor for your daughter, hindi sa katulad ko lang" Mahirap bang intindihin iyon na hindi ko gusto ang sinasabi niya, na wala siyang pakialam sa personal na problema ko sa University dahil kasalanan ko naman iyon, so, I deserve kung ano ang ipapataw sa akin ng school.

"That's the point. I want someone na hindi pag-iinteresan ang anak ko, na hindi siya gagamitin para makuha ako o ang atensiyon ko--and you passed" Ano daw?! Ang lakas naman ng apog ng lalaking ito! Anong akala niya sa kanyang sarili, masiyado ng guwapo at nagkakandarapa na ang lahat sa kanya.

"That's a fact Ms. Castillo. Kaya huwag mo akong tignan ng ganyan." bored nitong turan. Tsk. Telepathic talaga ang lalaking ito.

"How can you be so sure na wala akong interest sayo Mr. Mijares?' I am turning the table now--kailangan ko itong madisappoint sa akin para pakawalan niya ako sa kanyang iniisip na proposal. Ngumiti ito ng nakakaloko bago bumulong sa akin.

"Kung may interest ka sa akin babe, sana noon pa...and I hate the idea na kinalimutan mo ako...!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status