Mirabella's POV
"Welcome to our home, Bella. Suit yourself" ito ang bumungad sa akin pagkababa ko sa aking sasakyan. Narito ako ngayon sa bahay ng Mijares na ito. Napapayag niya ako sa kanyang proposal week ago, at magsisimula ako ngayon bilang tutor ng kanyang anak. Ang ikinababahala ko lang ay kailangan kung manatili dito sa kanyang bahay kapag Friday night until Sunday morning, bale two days and two nights ang session namin sa tutorial. Wala na akong nagawa pa dahil sa sandamakmak na blackmail ang inabot ko dito hanggang sa hindi na ako makapag hindi sa kanya. Ayoko ng magulong buhay, ayoko ng maraming tao na nakakaalam kung saan ako, kung sino ako at kung saan ako galing. Gusto kong mapag-isa. At ang mga ginamit ng Mijares na ito na pamblackmail sa akin ay pwedeng makakuha ako ng atensiyon, baka mas lalo lamang na gugulo ang buhay ko. Idagdag pa na kaya pala napaka confident nitong sabihin na protektahan niya ako sa University ay dahil siya pala ang may-ari nito, kaya pala hindi mahirap sa kanya na alamin kung ano ang mga kapalpakan ko habang nagsisimula palang ako sa pagtuturo sa teritoryo niya. Although hindi ko masiyadong nakikita ito sa University, marami sa mga katrabaho ko ang naririnig kong pinagkukuwentuhan ito, lalo na kapag malalaman nilang susunduin nito ang kanyang anak sa loob ng paaralan.
"Where's your daughter? we need to start the session" malamig kong turan habang bitbit ko ang aking bag at iba pang gagamitin ko para sa dalawang gabi at araw ko dito sa mansiyon nila. Tinaasan niya lang ako ng kilay na nakapamulsa, tapos sumenyas sa isang kasambahay na kasama nito na kunin ang mga gamit ko. Tumalima naman ito pero hindi ko ibinigay dito ang mga bitbit ko.
"Kaya ko po, don't mind me" turan ko sa kasambahay at parang natuliro sa kung ano ang gagawin, susundin ba ang amo o ako na ayaw man lang sa suhesyon ng amo. Tumingala ako sa lalaking kaharap ko na mataman na naman nakatitig sa akin, seryoso parin ang mukha.
"Tsk. Stubborn" umiling iling ito. Sineryosohan ko lamang ito ng tingin bago sumagot.
"Hindi pa naman ako baldado Mr. Mijares, I can take care of myself"
"My house, my rules Bella. Better give those things bago pati ikaw ay buhatin ko papasok ng bahay" nanghahamon ang tingin nito sa akin, na parang nabobore na sa akin.
"As I've said Mr. Mijares, kaya ko naman----
"I don't want to repeat myself, better give those damn stuff or else--!" matigas na ang boses nito na parang hindi talaga ito nagbibiro. Napasimangot ako, masiyadong bossy ang lalaking ito. Umirap kung ibinigay sa kasambahay ang mga gamit ko bago ako bumaling ulit sa kanyan.
"Done. Masaya ka na?!' malamig sa malamig pa ang tono na ibinigay ko dito. Nakita kong tumaas ang gilid ng labi nito na umiling. Nabigla ako ng hawakan niya ang kamay ko ng magsimula na itong lumakad papasok sa bahay. Marahas akong napatingin sa kanya habang hila hila niya ako pero hindi manlang niya ako tinapunan ng tingin, diretcho lang ang atensiyon nito.
"Bitiwan mo ako Mr. Mijares" pilit kong tinatanggal ang pagkakakapit niya sa kamay ko pero mas lalo lang niya itong hinigpitan. Huminto ako pero hinila lang ako.
"Ano ba Miguel, bitiwan mo ako sabi eh"
"Shut up. You can't win against me woman." saad nito, hindi ko mawari kung ano ang tamang deskripsiyon sa emosyon na naglalaro sa kanyang mukha, hindi naman ito galit pero parang may naaaninag akong kislap sa mata nito, hindi ko alam kung dahil sa inis or what. Bigla itong tumigil at tumitig sa akin.
"By the way, I like how you say my name. From now on, get use to it" nang aasar nitong sabi bago ako ulit hinila sa loob. Nang makapasok kami, napatingin ako sa nakaupo sa may sofa sa visitor's area, seryoso pero nakataas ang kilay na nakatingin sa amin, salitan ang pagtingin nito sa kamay ko na hawak ni Miguel at sa mukha ko.
"So, you give in to this old man huh?" sarkastikong sabi nito na sinuyud pa ako mula ulo hanggang paa.
"Watch your words, Samantha!" matigas na banta ni Miguel pero mas lalo pang ngumiti ang dalagita na nakatingin sa akin na parang minamaliit ang pagkatao ko. Lumaban ako ng titigan dito.
"I don't like her dad!" nakasimangot nitong sabi na humalukipkip pa. Napangiti ako, m*****a pala ito, I thought talagang snob lang ito sa aking klase pero mas malala pa pala.
"The feeling is mutual." walang prenong sagot ko dito, iyong hindi ko na inisip na bata pa ang kausap ko. Gusto ko lang malaman niya na hindi ko gusto ang pumunta doon, gusto ko lang iparating kay Miguel na mali ang desisyon niyang kinuha ako na tutor ng anak niya. Kumibot ang labi ng dalagita at sinamaan ng tingin ang kanyang ama. Tumayo ito sa kanyang kinauupuan at nagsimula ng lumayo sa amin. Pero nabigla ako ng dumagundung ang boses ni Miguel.
"And where do you think you're going?get back here." galit nitong turan. Tumigil ang anak at lumingon sa amin. Nakita kong rumehistro ang takot sa mukha nito ng makita ang amang namumula na sa galit.
"I said, get.back.here Samantha, hindi kita pinalaking bastos" ulit na naman nito at walang nagawa ang bata kundi bumalik at nakatungong lumapit sa amin.
"Apologize to her" mariin at maotoridad nitong sabi. Tumingin si Sam sa akin pero wala ni kahit ano mang emosyon akong nakuha mula rito.
"Demand apology is useless" turan nito. Napakunot noo naman si Miguel sa tinuran ng anak.
"And where the hell did you get that idea?!"
"I learned from the best" sarkastikong sagot nito na iginawi pa ang dalawang kamay sa akin. Napatingin sa akin si Miguel pero nagkibit balikat lang ako. Bumaling ulit sa anak bago nagsalita.
"You still need to apologize to her, she's your teacher!" bumalik na naman ang maotoridad nitong boses. Marahas na huminga ng malalim si Sam bago nagsalita.
"Ok, ok, I'm sorry for my actions, I'm sorry dahil hindi kita gusto, I'm sorry dahil naiinis ako saiyo---
"Samantha!"
"I hate you dad! I hate you! You always decide for me, and I hate----
Napaiyak na ito pero imbes na maawa ang ama marahas niyang hinawakan ang braso nito. Nagpanic ako sa ginawa niya, biglang nag flash back sa isipan ko na kapag hinawakan na ni daddy ang braso ko, siguradong pasa na ang aabutin nito dahil sa higpit ng pagkakahawak nito dahil galit na galit na ito sa akin. Tangina! I hate to remember those days, pero habang nakatingin ako kay Samantha, para akong mawawalan ng hangin sa dibdib. Pero bago pa ako talunin ng mahinang ako, agad akong pumagitna sa kanila at hinawakan ang kamay ni Miguel na nakahawak sa braso ni Sam. Matigas ko itong tinignan.
"Let go of her!" mariing saad ko. Napakunot noo ito sa akin. Pati si Sam ay marahas ding napatingin sa akin.
"And who are you to meddle on us? I am her father, so stay away from this wo---
"No. She's my business now Mr. Mijares, ipinagkatiwala mo na siya sa akin, kaya may pakialam na ako. So, step back, and let.go.of.her!" matapang kong sabi. Marahas na inalis ko ang kanyang kamay, nakita kong kumuyom ito bago masama niya akong tinignan.
"You go to your room NOW!" baling ko kay Samantha na nakatunganga lang sa amin. Nang marinig niya ang sinabi ko ay agad itong tumakbo paakyat ng hagdanan. Masama ang tingin sa akin ni Miguel ng dalawa na lang kami.
"Ito ang una't huling pakialaman mo ako sa aking anak Mirabella. Mind your own business! You're just my daughter's tutor, so know your place woman!" matigas nitong sabi bago niya ako iniwan.
Mirabella's POVThat's how you characterize the role of those characters in a story, you just find hints coming from the lines they speak, or how the writer describes them or how it was being narrated." Narito na kami ni Sam sa study room nito. Kaninang iniwan ako ni Miguel, agad din lumapit sa akin ang isang kasambahay at sinamahan niya ako pumanhik sa silid na gagamitin ko. Sinabi din nito kung saan ko pupuntahan si Samantha sa mga tutorial sessions namin at kung anong oras. Nang pumasok ako dito sa room, nadatnan ko na ito dito, seryoso siyang nakatingin sa akin. Nang tanungin ko kung pwede na kaming magsimula, tumango lang ito na hindi inalis ang tingin sa akin. Pinabasa ko muna sa kanya ang isang story na galing sa Greek Mythology. Habang nagbabasa ito, samu't saring emosyon ang nakita ko sa kanyang mukha, hindi ko alam kung nadadala na siya sa binabasa niya or iniisip parin niya ang nangyari kanina."My question to you now is, how do you characterize Demeter based on the story?"
Mirabella POV"Mommy please, don't do this! Please! Please!" halos hindi na ako makahinga dahil sa sobrang iyak ko habang nakahiga ako sa hospital bed. Tumingin sa akin si mommy ng marahas, galit na galit ito."It's better this way. Kailangang mawala ang batang iyan, dahil kahihiyan ng pamilya ang nakasalalay dito!" hinawakan pa niya ng mariin ang mukha ko. Umiling iling ako na hilam ang luha ko, hindi ako papayag sa gusto nilang mangyari. Kahit mamamatay ako, I will not give up on this baby, never!"No! patayin niyo na ako pero hindi ko maatim na mawala siya sa akin. Hayaan niyo na ako, kahit pwede akong mamatay, basta mabuhay lang ang baby ko!" sigaw ko na nagwawala na. "Nag iisip ka ba Ella ha? pwede kang mamatay dahil sa kalagayan ng baby na iyan! It's ectopic, they need to removed the raptured fallopian tube!"sigaw nito. Humagulgul ako, hindi ko kaya, hindi kakayanin ng konsensiya ko na mawala siya."Mommy! please" nagmamakaawa kong sabi pero umiling lang siya."Kung hindi sana
Mirabella's POVGood morning Mirabella" Nang mabungaran ko si Miguel sa hapag kainan kinaumagahan. Medyo late na akong nagising dahil umaga na ng dalawin ako ng antok dahil sa kaiisip sa nangyari sa amin ng lalaking kaharap ko ngayon. Kung hindi pa ako kinatok ng kasambahay sa aking silid ay hindi pa ako babangon-iisa lang ang aking rason, ayaw ko siyang makita. Pero kahit ano pa ang gawin kong pag-iwas, hindi ko ito magagawa dahil nasa loob ako ng kanyang pamamahay."How's your sleep?" patuloy nito ng hindi niya marinig ang tugon ko ng makaupo na ako sa kanyang tapat. Tahimik lang si Samantha habang kumakain at panaka nakang sumusulyap sa akin."Good" tipid kong sagot at iniiwas ang tingin sa kanya, feeling ko kasi namumula na naman ako dahil sa naglalaro na naman ang ginawa ng hinayupak na ito sa akin kagabi. Ngumiti ito ng mapanukso bago sumubo. Nararamdaman ko na hindi parin niya itinigil ang pagtitig sa akin. Narinig kong napatikhim pa si Samantha."Dad! Ice cream mo, matutunaw n
Miguel's POV"What do we have here?" seryoso kong tanong kay Luke habang inaabot niya sa akin ang isang envelope na naglalaman ng mga impormasyon tungkol kay Mirabella. Siya ang matalik kong kaibigan na may ari ng isang Security Agency at isa na dito ang services nila, ang magkalkal ng mga impormasyon tungkol sa isang tao."Positive. She's the woman you asked me to dig into seven years ago" umupo ito sa harapan ko. Napapikit kong isinandal ang aking ulo sa headrest ng upuan ko. Nandito kami sa loob ng opisina ko, hindi sana ako pupunta ngayon dito kung hindi nag walk out si Mirabella sa hapag kainan kanina at nagkulong na sa silid nito. Balak ko pa sanang ilabas sila ngayon ni Samantha pero dahil sa may pupuntahan din ang anak ko, napagdesisyonan ko nalang na pumunta dito sa office ko kahit Saturday. Sakto naman na tumawag si Luke sa akin. Sa narinig ko kay Luke, tama nga ang hinala ko, siya iyon, pagkakita ko pa lamang sa heartshaped birthmark sa likod ng kanyang tenga noong unang ma
Mirabella's POV"Good afternoon po Ms. Mirabella" magkakapanabay na yumukod ang mga kaibigan ni Samantha ng madatnan ko sila sa study room nito. Time na iyon ng session niya kaya lumabas ako sa aking silid at pinuntahan ito. Tumango lang ako sa mga ito bilang tugon sa kanilang pagbati."Mind if they will join us Ms. M?" turan ni Sam habang prenteng nakaupo sa tabi ng mga ito. Tumingin ako sa mga kaibigan niya na pilit ang mga ngiti, hindi ko alam kong intimidated lang sila o sadyang fake lang ang gusto nilang ipakita sa akin na approach nila."My dad wants me join po Ms. Mirabella, in fact--he'll call you too para ma sched po ang sessions natin in our house" kapagkunway saad ni Thania na parang nahihiya pang magsalita. Tumaas ang kilay ko, kailan pa ako naging certified tutor? Umiling ako dito."I'm sorry Thania, tell your dad, hindi na ako tumatanggap ng tutee." malamig kong sabi. Nakita kong lumambong ang mata nito. This girl is so sweet, kaya madaling mabasa ang mga emotions niya s
Mirabella's POV"Ano?! nababaliw ka na ba Miguel?!" may galit na sa aking boses. Pilit akong kumawala sa kanyang yakap. Pero matindi talaga itong lalaking ito, parang gustong gusto niya akong paglaruan sa mga ginagawa niya sa akin. Seryoso nitong inilapit ang kanyang mukha sa akin, langhap ko ang mabango nitong hininga."If you call it kabaliwan--I am Mirabella" bulong nito na tumitig pa sa aking labi. Hindi ko mapigilan mapalunok dahil sa init na dumadaloy sa aking katawan sa paraan ng pagtitig niya dito."Will you stop being nonsense Mr. Mijares? Masiyado mo na akong pinaglalaruan-kung inaakala mong ok lang sa akin itong mga ginagawa mo, puwes hindi ka na nakakatuwa. I am sorry to say, but I am resigning!" matigas kong sabi at marahas kong tinanggal ang pagkakayakap niya sa akin. Nang makawala ako, lumayo ako sa kanya. Nakita kong dumilim ang mukha nito."Do that and you'll know kung ano ang magagawa ko Mirabella" nakipagtitigan ito sa akin. Naikuyom ko ang aking kamao dahil nagagali
Mirabella's POV"Marry me Mirabella" ulit nito habang hindi pa inaalis ang matiim na pagkatitig sa mukha ko. Nakipagsukatan ako ng titig dito."Tigilan mo ako sa mga walang kwentang pinagsasabi mo Miguel. Huwag mo akong paglalaruan."Who told you na pinaglalaruan kita? Kunot noong saad nito."You're impossible. Araw palang mula ng magkrus ang landas natin, tapos aalukin mo ako ng kasal? You are completely insane!" matigas kong sabi pero umiling lang ito."I have known you longer than you know Mirabella. So, marry me." walang alinlangan parin ang boses nito."That's the last thing na papasok sa isipan ko Miguel Mijares---"Listen here Mirabella, for once, trust me because, ako lang ang pwede mong mapagkatiwalaan sa ngayon. You are in da-"Will you stop Miguel? Kung gusto mong ipagpatuloy ko ang usapan natin regarding kay Samantha, don't mix up nonsense. Sasama lang ako, it's because of Samantha. Tumutupad lang ako sa usapan natin. So, if you excuse me, kukunin ko lang ang mga gamit ko"
Naalimpungatan ako sa mainit na hininga sa aking mukha. agad akong dumilat at saktong mukha ni Miguel na matamang nakatitig sa akin ang namulatan ko. Ang lapit ng kanyang mukha, halos mawalan na ako ng hininga dahil sa lapit niya."Good morning my Bella" malambing nitong sambit na akmang hahalikan ako pero agad kong iniiwas ang aking mukha dito. Bakit nandito sa aking silid ang lalaking ito, eh si Samantha ang katabi kong natulog kagabi pagkatapos niya kaming iwan. Tinignan ko ang tabi ko, wala na doon si Sam."Kanina pa bumangon at nakaalis, pupunta sa bahay nina Thania. It's 9 already, time for breakfast" still, mapang akit ang kanyang ngiti. Magaling talagang magbasa ng iniisip ang taong ito, tumpak na naman ang pagkabasa niya sa paghahanap kay Sam. Hindi ako nagsalita, bagkus, pinalis ko ito sa harapan ko pero dahil malakas ito, nanatili siyang nakatunghay sa akin. Tinakpan ko ang aking bibig ng magsalita ako."Pwede bang umalis ka na diyan." mariing sabi ko. Ibang klase din ang m
Mirabella's POVLife must go on, and so I am—or am I convincing myself? I don't know, after my encounter again with Miguel and set things straight for us, noong una, there was still fear in me. Paano kung hindi pa tapos ang lahat? Paano kung may naghihintay na naman na life-threatening situation na kakaharapin niya dahil sa akin? Hindi kakayanin ng konsensiya ko because my heart ached for him and Sam. Ayaw ko ng makompromisiyo ang tahimik na nilang buhay. Hindi malayong mangyari ang mga kinatatakutan ko dahil sa kinabibilangan kong pamilya--hindi mo alam kung sino ang kaaway mo o di kaya magkakaroon at magkakaroon ka talaga ng mga kaaway. And I don't want to pull Miguel into this thing again. Ngunit, papaano pa ulit ako aalis sa tabi nito kung bumigay na ako ng lubusan sa kanyang mga yakap at halik? We made love again and again last night, at aaminin ko, in that moment, everything fell into place. The uncertainty, the years apart, the pain—all of it had led me back to him. What we had
Miguel's POVHabang pinagmamasadan ko ang kanyang maamong mukha sa aking bisig, I can't help but smile. Para akong nabunutan ng mabigat na semento na nakakabit sa aking dibdib habang nakayakap ako kay Mirabella. She's peacefully sleeping in my arms. Hindi ko na ito pinakawalan pa mula pa kagabi ng mag usap kami. I don't want to lose her again at gusto kong masiguro na malinaw sa amin ang lahat bago ko iuwi sa Pilipinas. I won't go back unless hindi siya kasama. Isa na lang ang problema ko, it's Mr. Schmid and that billion-dollar contract with him. Nang tumawag ito, he insisted that I will meet his daughter. I know those tricks from businessmen, it's the first step towards arranged marriage. Napailing ako, I can't afford to lose Mirabella again, at ayaw ko na siyang masaktan pa, she had gone through a lot and that idea of meeting Mr. Schmid's daughter will hurt her. But hell no! I won't give in to Mr. Schmid even if he pulls out all his shares again and terminate the contract. I am rea
Mirabella's POV"Leave him and go back to me" halos matulos ako sa aking kinatatayuan ng marinig ko ang mga katagang binitiwan ni Miguel. Mataman niya akong tinititigan at iyon ang isa pang nakakapag palakas ng tibok ng aking puso. Mula pa kaninang makita kong kausap ni Struve, hindi na tumigil ang malakas na tambol ng dibdib ko. Seeing him in flesh after two years make me deeply grateful to God dahil sa nakaligtas ito sa bingit ng kamatayan ng iwanan ko siya. Alam ko sa kaibuturan ng aking puso, kahit gustong itakwil ng isip ko, mahal ko si Miguel at walang makapagpapabago iyon. Ngunit, hanggang doon na lamang, galit sa akin ang kanyang anak, at ayaw kung magkagulo silang mag ama dahil lang sa akin. Tama na ang mahalin ko siya ng ganito, walang ma compromise na mga damdamin."Mirabella---"Utang na loob Miguel, tumigil ka na. Iniwan na kita, please do me a favor--kalimutan na natin kung ano man ang mayroon tayo." mahina kong saad. Ngunit napamulagat ako ng hawakan niya ang pulsuhan k
Miguel's POV“Dad---when will you go home?” mukha ni Samantha na malungkot ang bumungad sa akin ng sagutin ko ang kanyang tawag via videocall. It’s been a week ng makarating ako dito sa Switzerland dahil sa pag aayos sa business ni Gayle na iniwan nito at ang expansion ng kompanya namin dito. Napatitig ako sa aking anak, two years ago, nagsimula na naman nitong i isolate ang kanyang sarili sa mga taong malapit dito, kahit sa mga kaibigan niya. Nang magising ako sa halos tatlong buwan na pagka comatose ko, she was on my side, hindi niya ako iniwan. Iyak ito ng iyak, she kept on saying sorry dahil sa nagawa niya kay Mirabella. Mag isang lingo na noon na nagising ako pero walang Mirabella na aking nakita whom I was expecting to be at my side. We were ok before na mangyari ang trahedyang iyon ngunit bigla na naman itong naglaho—bigla na namang malabo ang lahat sa amin and it really hurt me knowing na bumitaw na naman at tuluyan na akong iniwan.“I’ll be home after three days sweetheart. W
Mirabella's POVAfter two years..."Dad, this is ridiculous" nanggagalaiti akong pumasok sa opisina ni daddy habang hawak ko ang isang million-dollar project na pinirmahan nito with the Mijares Group of Companies. It's been two years when I cut my ties to them. Nang umalis kami ni Struve sa ospital kung saan galit na galit sa akin si Sam, we flew back here in Switzerland. Masakit man para sa akin na iwan si Miguel habang nasa bingit ng kamatayan, but it's the greatest thing I did, para sa peacefulness ng pamilya niya, para sa ikabubuti ng lahat. Tama lang na once and for all, kahit mahal na mahal ko siya, hindi ako ang para sa kanya. Life must go on to me, iyon naman ang gusto ko noon pa, ang mawala na ako sa buhay nila. My dad--I mean, ang amang kinalakhan ko, he died on that incident and his family was in run dahil sa dami ng mga kasong kanilang kinakaharap. Struve started to make things right sa mga iniwan sa akin ni Lolo Facundo, in fact, he's in and out of Switzerland para lang p
Mirabella's POV"Miguel, stay with me please, please..don't leave me please" halos hindi ko na alam kung nasaan ako sa mga oras na ito dahil nasa kay Miguel ang atensiyon mula pa kaninang binaril siya ni daddy hanggang sa dumating ang rescue, hindi ko alam kung sino ang tumawag. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan kanina, natulos ako, hindi dahil sa nakagapos ako kundi ng makita kong natumba ito at mas lalo akong napaiyak ng tumingin siya sa akin na parang may nais itong sabihin. My world shattered and slowed down, and all sound faded away as I saw him stumble, eyes wide with shock, and then—fall. In that moment, my heart seemed to shatter into a million pieces, each one echoing the sound of his body hitting the cold, unforgiving floor. A crimson stain began to spread across his shirt, dark and terrifyingly vivid, each second stretching out like an eternity as I watched. My breath hitched, paralyzed in disbelief, but my legs couldn't move before I could think. I tried to straggl
Miguel's POVHalos mawalan ulit ako ng ulirat ng may maramdaman akong tubig na sumaboy sa aking mukha. Nang imulat ko ang aking mga mata, dalawang lalaki na nakaitim ang nakaharap sa akin, hawak ang isang balde na siyang ginamit na lalagyan ng tubig na isinaboy sa akin. Nang tangkain kong gumalaw, na realized kong nakatali ang aking kamay at paa sa kinauupuan ko. Napapikit ako ng maalala ko ang nangyari, may pumalo sa likod ng ulo ko at si Mirabella--Mirabella?! nagpanic ang utak ko ng maalala kung kasama ko si Mirabella sa time na iyon. Nang iikot ko ang aking paningin sa kinaroroonan ko, nakita ko itong nasa sahig, wala paring malay, gaya ko, nakatali din ang mga kamay at paa habang nakabusal ang kanyang bibig. Damn! I felt like the world is spinning, yet I am rooted in place, unable to tear my eyes away from the person I loved so deeply, the one who is now running for her life. Every wince, every furrow of her brow while she's unconscious, made my chest tighten with an ache I could
Third POV"Mommy, I am scared....." ito ang saad ng batang paslit na si Mirabella habang yakap yakap ang ina sa loob ng isang madilim na silid. Agad hinaplos ni Tamara ang buhok ng anak habang pinupunasan niya ang luhang naglandas na sa sariling mukha. Hindi niya alam kung bakit napunta sila ng kanyang anak dito sa lugar na ito. Isang taon ang lumipas mula ng bumalik sila dito sa Pilipinas mula Switzerland kung saan naiwan ang isa pang anak niya at asawa sa kadahilanang hindi nila pagkakaintindihan. Nasa airport palang silang mag ina ng limang tao na ang sumundo sa kanila na nagpakilalang mga tauhan ng kanyang ama. Buong buhay ni Tamara, hindi niya nakilala ang ama dahil laging sinasabi noon ng kanyang ina na hindi na niya kailangang makilala ito dahil hindi siya nito kikilalanin, na magiging magulo lang ang buhay nila. Dahil doon, hindi na niya ipinilit ang kagustuhang kilala ang kanyang amang si Senior Fausto Castillo. Hindi dahil nawalan na siya ng pakialam dito, bagkus mas marami
Mirabella's POVHabang pababa ako sa eroplanong sinakyan ko mula Manila hanggang sa lugar kung saan ako lumaki, hindi ko mapigilang maramdaman ang takot at pangamba. Ngunit linakasan ko ang aking loob, ngayon ang araw ng pagkawala ng anak ko, kaya kailangan kong dalawin ito. Wala akong balak na magpakita sa kinalakhan kong pamilya, iisa lang ang pakay ko, ang libingan ng anak ko. Biglang sumikip ang dibdib ko, naalala ko ang huling pag uusap namin ni Miguel, pagkatapos niyang sabihin na kahit hindi ko na siya patawarin, ay lumabas na ako sa opisina nito. Hinayaan ko na ang aking mga abogado na makipag usap dito pero nanatiling matigas ito at hindi nakipag settle sa gusto kong mangyari. Tatlong araw na ang lumipas mula sa time na iyon bago ako nagpasyang dalawin ang anak ko bago ako babalik sa Switzerland."Are you sure, you will go there alone?" ito ang tanong sa akin ni Struve ng sabihin ko dito ang plano ko. Tumango ako habang nakaupo ako sa swivel chair sa loob ng kanyang opisina.