Share

04

Author: KnightNovel
last update Huling Na-update: 2025-01-12 04:00:28

Atticus POV.

Parang ang hirap paniwalaan na totoo ‘to.

Tuwing nagkakasalubong kami ni Alijax Costaloña, para bang ang tadhana ko’y nagkakaluray-luray. Hindi lang niya sinisira ang buhay ko—ginagawa pa niyang libangan habang pinapanood niya itong magkalasog-lasog at masunog nang buo.

Galit na galit ako sa kanya. Sa kanila. Ang mga Costaloña, akala mo kung sino, palaging mas mataas ang tingin sa sarili kesa sa amin. Wala silang respeto kahit gaano pa kalaki ang binabayad ng Papa para sa tinatawag nilang protection.

Protection? Pwe! Sino ba ang pinoprotektahan nila? Eh sila mismo ang pinakamalaking peligro sa buhay namin!

Pero ngayon? Matapos ko siyang makita na walang-awang barilin si Papa sa harap mismo namin, habang ang dugo ni Papa’y tumilamsik sa sahig, may isang bagay akong sigurado. Hindi lang basta galit ang nararamdaman ko.

Galit na galit ako sa kanya. Gusto ko siyang mawala sa mundong ito.

Hawak-hawak ko ang locket sa leeg ko, ramdam ko ang malamig na metal sa daliri ko habang sinusubukan kong huminga ng maayos. Nasa sala pa rin kami. Hindi namin alam ang gagawin habang naghihintay na matapos ang doktor sa kwarto ni Papa.

Sa tabi ko, nasa gilid ng mesa si Annet, nakaupo, walang pakialam sa paligid. Hinubad na niya ang heels niya at nagpa-padyak-padyak ng paa habang ang puting Chanel na bestida niya’y kulubot at nakababa na, halos kita na ang dibdib niya. Hawak niya ang sariling gawa niyang strawberry cheesecake, hinihimay-himay habang may himig ng pagkakainis sa boses niya.

“Alam niyo ba? Nag-diet ako ng isang linggo para lang magmukhang maganda sa engagement na ‘to.” Sinubo niya ang malaking piraso ng cheesecake. “Ang tagal kong pinigil na kainin ‘to. Ang hirap kaya!”

Walang gustong sumagot sa kanya, kaya patuloy lang siya. “Gutom na gutom ako,” ani Anneth, na parang wala lang nangyari.

Si Mama, palaging kampi sa kanya, sumabat. “Tumigil ka na, Atticus. Aayusin namin ‘to. Tatahiin ng doktor ang sugat ng Papa mo, at magpapadala ako ng mensahe sa Costaloñas para mag-sorry.”

Ang hirap talaga kapag nandiyan si Mama. Para bang palaging may pader sa pagitan namin. Minsan naiisip ko, paano pa kami naging pamilya?

Pinilig ko ang ulo ko, naglakad palayo sa kanila, at sinubukang huwag pansinin ang sakit sa dibdib ko. Sa kabilang dulo ng hallway, nakita ko si Sergei, pumasok mula sa labas. Agad akong tumakbo papunta sa kanya.

“Sergei, ano sabi nila?” tanong ko, umaasa kahit papaano na may magandang balita siyang dala.

Tahimik siya. At sa tingin pa lang niya, parang sinasabi na niya ang sagot. Parang binagsakan ako ng mundo.

“Paano niya nalaman? Tungkol sa akin, tungkol sa edad ko?” tanong ko nang may pag-aalinlangan.

Malalim ang buntong-hininga niya. “Atticus, ang Papa mo magaling magtago, pero kahit siya, hindi kayang pigilan ang mga tsismis. Tsismis na sinamahan ng tamang kalkulasyon.”

Umiling ako, naguguluhan. “Anong ibig mong sabihin?”

Nag-ayos siya ng kwelyo at sinabing, “Ang paraan ng pagtatanggol ng Papa mo sa’yo, iba. Hindi siya ganyan sa kahit kanino. Hindi na siya humahawak ng baril. Ako at si Dimitri ang gumagawa ng maruming trabaho. Pero sa harap ni Alijax? Biglang iba ang reaksyon niya. Ang Hellhound, hindi bobo. Napansin niya ‘yun.”

Parang bumagsak ang lahat ng dugo ko sa paa.

“Paano niya nakuha ang lakas ng loob?!” sigaw ko, naglalakad pabalik-balik habang pinipilit intindihin ang sitwasyon. “Binastos niya si Papa, Sergei! Barilin si Papa sa sariling bahay niya? Walang hiya siya!”

“I agree,” sagot niya, diretso lang at walang emosyon.

“Talaga?!” tanong ko, namumula sa galit.

Tumango lang siya. “Oo. Pero pakinggan mo muna ako, Atticus—”

“Anong pakinggan?! He’s an asshole, Sergei!”

Napatawa siya nang bahagya, pero agad ding bumalik ang seryosong ekspresyon niya.

“May lunch daw kayo bukas. Bago ang opisyal na engagement party.”

Parang may kung anong sumakal sa akin.

“Lunch?” inuulit ko, hindi makapaniwala. “Engagement party?!”

Tumango siya. “Para sa PR, para mukhang maayos ang lahat. Kailangan nilang panatilihin ang imahe nila.”

Halos pasigaw na akong tumutol. “Kung gusto niya ng maayos, bakit ba niya sinaksak ‘tong singsing sa daliri ko?! Ano’ng iniisip niya?”

Narinig ko si Mama mula sa likod ko. “Tumigil ka, Atticus! Anong akala mo? Ang gulo ng ginawa mo!”

Napatingin ako sa kanya. “Mama! Sinubukan ko lang iwasan yung aso! Paulit-ulit ko nang sinabi—”

“Dapat nanatili ka sa garahe! Dapat hinayaan mo na lang kainin ka ng aso kung ayaw mong sumunod sa utos!”

Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya.

“Mama!” sabat ni Anneth, pilit inaawat si Mama, pero tuloy pa rin siya.

“Lahat ng ito, kasalanan ng Papa mo! Ginawa ka niyang spoiled! Ngayon, paano ang kapatid mo? Ano na ang mangyayari sa buhay ni Anneth?”

Narinig ko si Anneth mula sa tabi. “Parang masusuka ako.”

“Eh ubos mo na yung cheesecake, siyempre masusuka ka!” sagot ko, umiikot ang mata.

“Greta?” tawag ng doktor mula sa kwarto ni Papa, naglalakad palabas at tila naiipit sa tensyon ng lahat.

“Hindi malala ang tama niya,” ani ng doktor habang inaayos ang mga gamit. “Huwag lang masyadong i-stress ang braso, at siguraduhing regular ang pagpapalit ng benda. Ayaw nating magkaroon ng impeksyon.” Tinapik niya si Dimitri sa balikat, sabay abot ng reseta. “Ito ang kailangang bilhin.”

Napabuntong-hininga sina Sergei at Mama, tila nabawasan ng kahit kaunting bigat sa dibdib. Kinuha ni Dimitri ang papel mula sa doktor at tumango. Tinawag niya ang dalawang bantay na nakaposte sa pintuan ng guest room para sumama sa kanya palabas.

“Atticus,” mahinang tawag ni Papa mula sa loob. Napatingin ako kay Mama, naghihintay ng anumang reaksyon. Pero tulad ng dati, ni hindi niya ako nilingon. Napapikit ako at napabuntong-hininga bago pumasok. Sumunod si Sergei pero tumigil sa may pintuan, pinanatili ang distansya niya.

Sa loob ng guest room, nakahiga si Papa sa kama. Ang dating duguan niyang damit ay napalitan na ng malinis na cotton shirt, at makapal na puting benda ang nakabalot sa kanyang braso. Bahagyang nakaayos ang kanyang uban na buhok, pero kita pa rin sa mga mata niya ang pagod.

Bagamat hindi tumama sa buto ang bala, matanda na si Papa. Ayokong isipin kung ano ang mangyayari kung mas malala pa ang naging tama niya.

Nakatingin si Papa sa singsing na nasa daliri ko. Tila ba may pasan siyang mabigat na responsibilidad habang pinagmamasdan niya ito. Napatingin siya sa akin, puno ng pagsisisi ang kanyang ekspresyon. “Patawad, anak.”

Nagsimula nang maglabo ang paningin ko habang pinipigilan ko ang luha.

Mariing nakapikit si Papa. “Hindi mo na kailangang ituloy ito. Sergei—”

“Pinapunta na siya ni Mama,” sabat ko, hinihigpitan ang hawak sa gilid ng aking damit. “Hindi sila uurong sa desisyon nila.”

Malalim ang buntong-hininga ni Papa. Ilang sandaling katahimikan ang lumipas bago siya muling nagsalita.

“Mahina ang posisyon ng pamilya natin habang nagpapagaling pa ako. Alam niya ‘yan. Alam ng lalaki kung kailan umatake.”

“Bakit hindi na lang natin sabihin sa kanya ang totoo?” tanong ko, nanginginig ang boses. “Kapag nalaman niya, siguradong hindi na niya ako gugustuhin.”

Umiling si Papa. “Hindi mo naiintindihan, Atticus. Walang magbabago kahit sabihin natin. Ang totoo—” huminga siya nang malalim, halatang hirap magsalita, “alam niya kung ano ang halaga mo sa akin. Hindi ko na sana pinairal ang emosyon ko.”

Umupo ako sa armchair sa tabi ng kama, itinukod ang mukha ko sa aking mga palad. Paano nalaman ni Alijax ang lahat ng ito? Ang limang taon na binuo namin ni Papa, nawasak niya sa ilang segundo lang.

“Makinig ka sa akin, Atticus,” mahinang utos ni Papa. “Tumingin ka sa akin.”

Dahan-dahan akong tumingin, at sa kabila ng pagod sa kanyang mga mata, may determinasyon akong nakita. “Hindi ko ginusto na mangyari sa’yo ang pinagdadaanan ng ate mo. Pero matanda na siya, at hindi ko iyon napigilan. Tanggap ko na iyon, kahit kailan hindi ko mapapatawad ang sarili ko.”

“Papa—”

“Makinig ka,” putol niya sa akin. “Sanay na si Ana sa ganitong klase ng mundo. Pero ikaw? Akala ko may ilang taon pa ako bago kita tuluyang mailayo. Huwag kang pumayag, anak. Buhay pa ako. Gagawa ako ng paraan.”

“Pero ang halaga ng oras na binili natin?” tanong ko, galit at panghihinayang ang nasa boses ko. “Binaril ka niya, Papa. Walang galang ang mga Costaloña sa kasunduan. Walang katapatan. Hindi ko pwedeng basta na lang panoorin ang lahat. Hindi ngayong kaya ko nang kumilos.”

Pumikit si Papa, pinipilit ang sarili na huminga nang maayos. “Huwag mo itong gawin, Atticus.”

Naalala ko ang pitong taong gulang ako, noong sumumpa si Papa na hindi niya ako hahayaang madamay sa gulo ng pamilya. At tinupad niya ang pangakong iyon. Binuhay niya ako nang normal.

“Hindi mo ako kayang protektahan habang buhay,” bulong ko, pinipigilan ang namumuong luha sa lalamunan ko.

Alam ko namang darating din ang araw na kailangan kong pagbayaran ang kalayaang nakuha ko. Hindi tulad ni Ana, hindi siya nagkaroon ng pagkakataong tumakas sa gulong ito. Siguro oras na para buhatin ko ang bigat na matagal nang pasan ng ate ko.

“Hayaan mo akong gawin ‘to,” sabi ko nang matatag. “Hayaan mo akong iligtas si ate.”

Umiling si Papa, halatang nahihirapan tanggapin ang mga sinasabi ko.

“Kapag pumayag kang makipagkita, tapos na ang lahat, Atticus. Ipapakita mo sa kanila na pinili mo ‘to—”

Umiling ako, ramdam ang hinagpis sa puso ko. Alam naming pareho na wala nang saysay ang pagtanggi. Wala namang tunay na kalayaan. Hindi nagkaroon ng pagpipilian si ate, at alam kong wala rin ako.

Pumayag ako sa engagement na ito para mailigtas si Papa mula sa kamay ng halimaw na si Alijax Costaloña. Pero hindi ako pupunta sa altar. Hindi ako magpapakasal, lalo na sa isang taong walang respeto sa buhay.

Kung gusto niya akong makaharap, sige. Magkikita kami. Pero gagawa ako ng paraan para matapos ang engagement na ito. Sa kahit anong paraan.

Kaugnay na kabanata

  • Contracted to the Devil Billionaire   01

    Atticus POV. Noong limang taong gulang ako, binalaan ako ni Papa na huwag na huwag akong lalapit sa opisina niya. Pero hindi naman ako gano’n kadaling makinig, lalo na kung usapang bawal. Ang totoo, mas malaki ang kuryosidad ko kaysa sa takot. Kaya hindi nakapagtataka na natutunan kong alamin ang mga sikreto sa likod ng mabibigat na pinto ng opisina niya. Alam ko kung anong oras ako pwedeng pumasok doon, paano pigilan ang paghinga ko, at paano kontrolin ang bilis ng tibok ng puso ko.Sa tapat ng opisina niya, may maliit na espasyo sa pagitan ng mga muwebles. Sakto para magtago ang isang batang gaya ko. Doon ako sumiksik noong araw na iyon—at doon ko rin nakita ang isang eksenang hindi ko na makakalimutan habang-buhay.Bang!Isang malakas na tunog ang bumasag sa katahimikan. Kasunod nito, bumukas ang pintuan at sumalubong sa akin ang tanawin ng isang lalaki—nakahandusay, duguan, ang ulo niya nakalubog sa pulang likido na unti-unting lumalagos sa makapal na carpet ng opisina ni Papa.

    Huling Na-update : 2025-01-12
  • Contracted to the Devil Billionaire   02

    Atticus POV.Napaka-init ng panahon sa Pilipinas—isang araw na ang pawis ko’y tumutulo sa likod kahit hindi ako gumagalaw. Kung ibang araw lang, magpapalamig na ako sa labas gamit ang hose, pero hindi ko pwedeng gawin ngayon. Engaged na kasi ang kapatid kong si Anneth hindi ko na pwedeng gawin pa ang dati kong ginagawa.Dapat sana, katabi niya ako ngayon. Hawak ang kamay niya habang sinasabihang ang ganda niya sa makeup. Pero imbis na nasa tabi niya ako, narito ako sa kabilang dulo ng bahay, nagkukulong sa garahe habang nag-aayos ng kotse. Kaunti lang ang bukas ng pinto ng garahe para hindi ako tuluyang maluto sa init.Gusto ni Papa na ipadala ako sa isa sa mga safe house namin sa bahay bakasyunan namin, pero pagkatapos ng mahabang pakiusap, sa garahe niya ako pina-stay. Nagbabala rin si Mama na huwag akong lalapit sa engagement.Ang garahe na ito, na dati’y imbakan lang, ay naging sanctuary ko. Nalaman ko kasing hilig ko pala ang mag-ayos ng mga sasakyan. Kaya noong eighteen ako, pin

    Huling Na-update : 2025-01-12
  • Contracted to the Devil Billionaire   03

    Alijax POV. SITTING AT MY OWN engagement party and bored out of my fucking mind, I wonder what my mother would think of this arrangement. She was a good match for my father—calm, soft, and reserved to his wild, brash, and untamed. Tiningnan ko si Anneth Escoban, nakaupo ng maayos sa dulo ng couch, parang tinuruan na maging invisible. Wala akong masabi sa itsura niya—perfect posture, slim figure, flawless na balat na parang porcelain, at mahaba, makintab na blonde hair. Para siyang Barbie doll na nilikha para lang maging trophy. She’s pretty, sure. Pero ang tanong—would she be a good match for me? I couldn’t care less. Nagtatalo na naman si Dad at si Yuri, pero halatang hindi man lang tumitingin si Yuri kay Dad, samantalang si Dad, parang gusto nang sugurin ito. From the way both sides are crawling with soldiers, this isn’t just some simple arrangement. “North territories ang gusto namin,” sabi ni Dad, diretso pero may diin. Napailing si Yuri. “Hindi.” Typical. My phone vibra

    Huling Na-update : 2025-01-12

Pinakabagong kabanata

  • Contracted to the Devil Billionaire   04

    Atticus POV.Parang ang hirap paniwalaan na totoo ‘to.Tuwing nagkakasalubong kami ni Alijax Costaloña, para bang ang tadhana ko’y nagkakaluray-luray. Hindi lang niya sinisira ang buhay ko—ginagawa pa niyang libangan habang pinapanood niya itong magkalasog-lasog at masunog nang buo.Galit na galit ako sa kanya. Sa kanila. Ang mga Costaloña, akala mo kung sino, palaging mas mataas ang tingin sa sarili kesa sa amin. Wala silang respeto kahit gaano pa kalaki ang binabayad ng Papa para sa tinatawag nilang protection.Protection? Pwe! Sino ba ang pinoprotektahan nila? Eh sila mismo ang pinakamalaking peligro sa buhay namin!Pero ngayon? Matapos ko siyang makita na walang-awang barilin si Papa sa harap mismo namin, habang ang dugo ni Papa’y tumilamsik sa sahig, may isang bagay akong sigurado. Hindi lang basta galit ang nararamdaman ko.Galit na galit ako sa kanya. Gusto ko siyang mawala sa mundong ito.Hawak-hawak ko ang locket sa leeg ko, ramdam ko ang malamig na metal sa daliri ko habang

  • Contracted to the Devil Billionaire   03

    Alijax POV. SITTING AT MY OWN engagement party and bored out of my fucking mind, I wonder what my mother would think of this arrangement. She was a good match for my father—calm, soft, and reserved to his wild, brash, and untamed. Tiningnan ko si Anneth Escoban, nakaupo ng maayos sa dulo ng couch, parang tinuruan na maging invisible. Wala akong masabi sa itsura niya—perfect posture, slim figure, flawless na balat na parang porcelain, at mahaba, makintab na blonde hair. Para siyang Barbie doll na nilikha para lang maging trophy. She’s pretty, sure. Pero ang tanong—would she be a good match for me? I couldn’t care less. Nagtatalo na naman si Dad at si Yuri, pero halatang hindi man lang tumitingin si Yuri kay Dad, samantalang si Dad, parang gusto nang sugurin ito. From the way both sides are crawling with soldiers, this isn’t just some simple arrangement. “North territories ang gusto namin,” sabi ni Dad, diretso pero may diin. Napailing si Yuri. “Hindi.” Typical. My phone vibra

  • Contracted to the Devil Billionaire   02

    Atticus POV.Napaka-init ng panahon sa Pilipinas—isang araw na ang pawis ko’y tumutulo sa likod kahit hindi ako gumagalaw. Kung ibang araw lang, magpapalamig na ako sa labas gamit ang hose, pero hindi ko pwedeng gawin ngayon. Engaged na kasi ang kapatid kong si Anneth hindi ko na pwedeng gawin pa ang dati kong ginagawa.Dapat sana, katabi niya ako ngayon. Hawak ang kamay niya habang sinasabihang ang ganda niya sa makeup. Pero imbis na nasa tabi niya ako, narito ako sa kabilang dulo ng bahay, nagkukulong sa garahe habang nag-aayos ng kotse. Kaunti lang ang bukas ng pinto ng garahe para hindi ako tuluyang maluto sa init.Gusto ni Papa na ipadala ako sa isa sa mga safe house namin sa bahay bakasyunan namin, pero pagkatapos ng mahabang pakiusap, sa garahe niya ako pina-stay. Nagbabala rin si Mama na huwag akong lalapit sa engagement.Ang garahe na ito, na dati’y imbakan lang, ay naging sanctuary ko. Nalaman ko kasing hilig ko pala ang mag-ayos ng mga sasakyan. Kaya noong eighteen ako, pin

  • Contracted to the Devil Billionaire   01

    Atticus POV. Noong limang taong gulang ako, binalaan ako ni Papa na huwag na huwag akong lalapit sa opisina niya. Pero hindi naman ako gano’n kadaling makinig, lalo na kung usapang bawal. Ang totoo, mas malaki ang kuryosidad ko kaysa sa takot. Kaya hindi nakapagtataka na natutunan kong alamin ang mga sikreto sa likod ng mabibigat na pinto ng opisina niya. Alam ko kung anong oras ako pwedeng pumasok doon, paano pigilan ang paghinga ko, at paano kontrolin ang bilis ng tibok ng puso ko.Sa tapat ng opisina niya, may maliit na espasyo sa pagitan ng mga muwebles. Sakto para magtago ang isang batang gaya ko. Doon ako sumiksik noong araw na iyon—at doon ko rin nakita ang isang eksenang hindi ko na makakalimutan habang-buhay.Bang!Isang malakas na tunog ang bumasag sa katahimikan. Kasunod nito, bumukas ang pintuan at sumalubong sa akin ang tanawin ng isang lalaki—nakahandusay, duguan, ang ulo niya nakalubog sa pulang likido na unti-unting lumalagos sa makapal na carpet ng opisina ni Papa.

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status