Hinawakan ni Selene ang pregnancy test kit na nasa kanyang kamay, at tinitigan niya ng mahabang oras ang dalawang guhit na nakapaloob dito.
Umupo siya sa cubicle ng banyo at nagsimulang mag-isip ng seryoso tungkol sa kung kailan siya naloko.
Dapat ay noong nakaraang buwan pa.
Noong mga panahong iyon, sinundan ni Selene si Davron papunta sa syudad ng Palawan para sa isang business trip, at naubos na ang mga condom sa suite ng hotel.
Katatapos lang niyang maligo sa mainit na bukal, at ang kanyang ulo ay nahihilo. Medyo nalilito pa siya hanggang sa idiniin siya ni Davron sa kama.
Isang gabi na puno ng pagsinta, at wala ng nangyari pa kinabukasan.
Nang imulat niya ang kaniyang mga mata sa umaga, nakasuot na si Davron ng kanyang suit at nag-aayos na lamang ng kanyang kurbata.
"Tandaan mo na bumili ng birth control pills." pagpapa-alala nito sa kanya bago tuluyang umalis.
Hindi naman sa may masamang memorya si Selene. Ngunit talagang siya ay masyadong abala noong mga araw na iyon.
Hindi madaling magtrabaho kasama si Davron. Istrikto ito at halos malupit sa kaniyang trabaho, at hindi ito kailanman nagsalita tungkol sa awa sa kaniya.
Nang matapos ni Selene ang kanyang trabaho at naalala na bumili ng birth control pills, maraming araw na ang nakalipas at masyado na itong huli.
Maya - maya, maswerte siya at naisip na hindi magiging masyadong madali ang mabuntis.
Bumalik si Selene sa kaniyang huwisyo at itinapon ang stick ng pregnancy test sa basurahan nang walang ekspresyon ang mukha.
Kalmado siyang naglakad palabas ng cubicle at nagtungo sa lababo para tapikin ang kanyang mukha gamit ang malamig na tubig para gawing mas malinaw ang kanyang isip.
Matapos hugasan ang kaniyang mukha, itinaas ni Selene ang kaniyang ulo at tiningnan ang kanyang sarili sa salamin. Bahagya pa rin siyang nalilito at hindi alam kung ano ang gagawin.
Kababalik lang ni Selene sa opisina nang balisa siyang hiklatin ng bagong assistant, "Secretary Averilla, may naririto na naman para gumawa ng gulo."
Humuni si Selene, sanay na siya rito. "Sino?"
Tinuro ng assistant ang babae na naharangan sa labas ng pinto at nanatili pa ring mayabang, "Si Miss Romualdez pa rin."
Bulong-bulungan na ito ang nobya ni Mr. Zalderriaga ilang mga taon na ang lumipas.
Naghiwalay sila bago ang petsa ng pag-expire ng higit sa dalawang buwan.
Malamang ay mabigat sa kalooban ni Miss Romualdez na tanggapin ito. Matapos siyang itapon, nagpunta siya sa kumpaniya ng dalawang beses para gumawa ng gulo, ngunit inutusan siyang umalis nang hindi nakikita si Mr. Zalderriaga.
Kinuskos ni Selene ang kanyang mga templo. Dati na siyang magaling sa pakikitungo sa mga peach blossoms sa paligid ni Davron Zalderriaga.
Ngayon, nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na pagka-irita.
"Ako na ang bahala rito." sambit niya.
Naglakad si Selene papunta kay Miss Romualdez na nakatakong ng mataas. Tumingin siya kay Miss Romualdez na may nakakaawang tingin sa kaniyang mga mata. Marahil ay para sa kaniyang sarili rin ang simpatya na ito.
Ang kapalaran ng mahulog sa pag-ibig kay Davron ay hindi masyadong maganda.
Makukuha mo ang kung anuman ang gusto mo para sa pera niya.
Tanging pangarap lang ng isang tanga ang gusto ng katapatan niya.
Sobrang mapagbigay si Davron sa bawat babae na nakasama niya. Mapagbigay siya at hindi maramot. Walang hindi patas ang pagtrato kapag natapos ang relasyon.
Sa pagkakataon na ito, personal na hinawakan pa rin ni Selene ang resulta.
Nagbigay siya ng isang malaking flat apartment sa sentro ng lungsod, pati na rin ang mahalagang alahas at malaking pera.
"Miss Romualdez, wala sa kumpanya si Mr. Zalderriaga. Kung gusto mo siyang hanapin, maaari mo rin siyang direktang kontakin." Nagpunta si Venice Romualdez sa kumpanya dahil hindi nga niya ito makontak.
Sino nga ba ang handang isuko ang isang anak ng tadhana na tulad ni Davron Zalderriaga?
Sa murang edad, siya ang presidente at aktwal na taga-kontrol ng general group. Mayroon siyang magandang kinabukasan at maganda ang hitsura. Sulit ang matulog kasama siya ng walang binabayaran.
Gusto lang ni Venice na hawakan siya ng mahigpit. Talagang nahulog ang damdamin niya rito. Akala niya ay siya ang pinaka-espesyal na tao sa simula, pero sino ang nakakaalam na masyado palang marahas si Mr. Zalderriaga sa kaniya.
"Maghihintay ako para sa kanya rito."
"Dapat mong maintindihan ang ugali ni Mr. Zalderriaga. Gusto niya ang mga taong masunurin. Hindi mabuti para sa 'yo ang gawin siyang hindi masaya." Matiyaga si Selene. "At patawarin mo ang pagiging tapat kong magsalita, malaki na ang kabayaran para sa paghihiwalay. Napaka-rami ng lalaki sa mundo. Bakit kailangan mo pang gumawa ng ganitong klaseng kaguluhan para kay Mr. Zalderriaga?"
Takot din si Selene na galitin si Davron. Ang lalaki na ito ay mukhang mabait, maamo at maginoo, ngunit sa kalooban niya ay isa pa rin siyang napaka-lamig na tao. Sa katunayan, hindi worth it ang galitin ito.
Kinagat niya ang kaniyang labi, "Kung ganon ay ako na mismo ang maghahanap sa kanya!"
Huminga ng maginhawa si Selene at inutusan ang assistant na ihatid ito sa ibaba.
Pinag-usapan ng mga tao sa opisina ng sekretarya ang tungkol dito.
Hindi maiwasan ni Myla na magreklamo sa tabi ni Selene, "Masagana pa rin ang peach blossom ng ating Mr. Zalderriaga. Hindi ko alam kung anong klase ng babae ang kayang tumalo sa kaniya sa hinaharap."
Hindi rin naman alam ni Selene.
"Pero kahit na maging asawa ka ng presidente, nakakainis na talaga. Kailangan mo pang makipag-kasundo sa napakaraming babae na nagtatapon ng sarili nila sa 'yo araw araw."
Sumang - ayon si Selene sa puntong ito. Talagang nakakainis ang maging asawa ni Davron.
Sina Selene at Davron ay kasal sa loob ng higit kalahating taon.
Isang napaka-madugong aksidente.
Nagtalik silang dalawa.
Hindi masyadong swerte.
Nagkataon na nakita ng ina ni Davron na palabas siya ng kwarto nito suot ang damit nito at nagkamali ng inisip na siya ang nobya ni Davron.
Nag-aalala na ang ina ni Davron tungkol sa pagpapakasal ng kanyang anak, kaya inimbitahan niya si Selene sa pamilya Zalderriaga para sa hapunan nang araw na iyon.
Nagkataon na nagsawa na si Davron sa pagpupumilit ng kanyang ina na magpakasal at sa mga blind date na inayos nito sa lahat ng paraan. Simple lang itong nag-alok ng kasal sa kanya, isang kasal na nakabatay sa kontrata nang walang anumang emosyonal na batayan.
Kinailangan niya ng pera, kailangan ng isang dekorasyon para sa kasal nito, nagpatali silang dalawa sa isa't isa.
Babayaran siya ni Davron ng isang tiyak na halaga ng dagdag na sahod kada buwan, ganon din ang mataas na mga gastusin sa pagpapagamot ng kanyang ina sa ospital.
Kailangan lang niyang gampanan ang tungkulin ng isang asawa sa harap ng ina ni Davron at hindi kailanman mahuhulog ang loob dito.
May ibang tao sa puso ni Davron.
Matagal na panahon nang alam ni Selene ang tungkol dito, ngunit ayaw na niyang isipin pa ang tungkol dito. Palagi lang niyang nararamdaman na tila tinutusok ng mga karayom ang kanyang puso.
Nasaksihan niya ang pinakamayabang na kabataan ni Davron at ang kanyang pinaka-walang pigil na emosyon, na lahat ay naibigay sa babaeng iyon.
"Secretary Averilla, inuutusan ka ni Mr. Zalderriaga na magdala ng isang tasa ng kape sa kaniyang opisina."
"Sige."
Nagpunta si Selene sa silid ng mga tsaa para gumawa ng isang tasa ng itim na kape, kumatok siya sa pinto, at dinala ito papasok sa kaniyang opisina.
Nakasuot ng itim na damit ang lalaki na nakatupi paitaas ang lupi. Inangat nito ang ulo upang salubungin ang kaniyang tingin nang walang ekspresyon sa kaniyang mukha.
Inilapag ni Selene ang kape, ang mga salitang "buntis ako" ay nakabara sa kaniyang lalamunan.
Inangat ni Davron ang kanyang mga kilay, ang madilim na mga mata ay tuloy-tuloy na nakatingin sa kaniya. "May iba pa ba?"
Nilunok ni Selene ang mga salita pabalik, "Wala."
"Lalabas na muna ako." patuloy niya.
Magaang tumango si Davron, hindi na nagtanong pa ng karagdagang tanong. Bumalik siya sa bahay pagka-agaw ng dilim sa buong kulay kahel na kalangitan.
Naligo si Selene at humiga sa kama ng matagal na oras nang hindi hinihila ng antok. Sa ikalawang bahagi ng gabi, pumasok si Davron sa kwarto na may bahagyang amoy ng sigarilyo na nag-iisa sa kaniyang katawan, magaan, hindi masyadong matapang.
Dahan-dahang tinanggal ng lalaki ang butones ng kanyang suot na damit at nagtungo sa banyo para maligo. Habang ang buhok nito ay kalahating tuyo, lumabas ito sa banyo at hinaklit ang kanyang baywang. Ang payat at magandang hinlalaki ay nakadiin sa kaniyang likod, at ang dulo ng kanyang mga daliri ay sumigaw ng hindi malinaw.
Ibinaba nito ang kanyang ulo para idampi ang mga labi sa kaniya.
Hindi niya kayang takasan ang malakas na paghinga ng lalaki.
Agad itong itinulak ni Selene nang may buong lakas, ang kanyang mukha ay namumula at naghahabol ng hininga. "Mr. Zalderriaga, ayaw kong gawin ito ngayong gabi."
Dahan-dahang inangat ni Davron ang sulok ng kanyang bibig at maalalahanin na tumingin sa kaniya, "Galit ka ba?"
Iniling ni Selene ang kanyang ulo. "Hindi, masama ang pakiramdam ko."
Hindi niya masabi kung pinaniwalaan ba ito ni Davron o hindi.
Ngunit sigurado siya na hindi siya gagalawin muli ni Davron ngayong gabi.
Kailanman ay hindi nainis si Davron para pilitin ang sinuman. Gusto niya ng mga transaksiyon na may pagkakasundo.
Tumitig sa kaniya si Davron ng ilang sandali, "Dahil ba kay Venice Romualdez?" sambit nito nang hindi nagpapakita ng emosyon.
Hindi nagsalita si Selene. Marahil ay talagang mas malala ang kanyang init ng ulo pagkatapos mabuntis. Wala na siyang gustong sabihin ngayon, at wala siyang pasensya para kumilos.
Walang plano si Davron na ipaliwanag sa kanya na sila ni Venice ay wala ng kinalaman sa isa't isa.
Nakaramdam siya ng bahagyang pagka-lumbay, ngunit hindi ito kita sa labas. Itinikom nito ang kanyang mga labi, "Matulog ka ng maaga." sambit niya.
Kinurot ni Selene ang quilt at pinigilan siya nang akma na itong aalis, "Napanaginipan ko kagabi na buntis ako. Ano sa tingin mo ang dapat kong gawin kung buntis talaga ako?"
Tumigil si Davron, lumingon at tumingin sa kanya nang may kakaiba sa mga mata, "Hindi mo naman kinalimutan ang kasunduan natin sa kasal, hindi ba?"
Nagsalita siya sa isang napaka-gaan na tono, "Huwag kang mag-alala, hindi tayo magkakaroon ng anak."
Itinango ni Selene ang kanyang ulo. "Naiintindihan ko." sambit niya sa napaka-lambot na boses na halos hindi na ito marinig.
Naintindihan ni Selene. Para kay Davron, lahat ng bagay ay kayang pag-usapan, at lahat ay may katumbas na pag-uusap. Basta't huwag lang magsasalita ng tungkol sa damdamin sa kanya.
Sa high school ay isang anak ng tadhana si Davron, ngunit si Selene ay halos walang pakiramdam ng pagkakaroon sa mataas na paaralan. Tila isa lamang siyang dumadaan sa kwento, tahimik na pinanunuod ang nakakabighani na lalaking bida at ang kanyang mahal na babaeng bida, at ang matamis na kwento ng pag-ibig. Ilang taon nga ba niyang lihim na gusto si Davron? Hindi na niya masyadong matandaan. Nang mag-propose sa kaniya si Davron, minsan na niyang inisip na nagkakaroon siya ng isang magandang panaginip na kaya siyang gisingin anumang oras. Sa buong tatlong taon sa high school. Tanging anim na salita lamang ang sinabi ni Selene sa kanya. "Hello.""Ako nga pala si Selene."Hindi matandaan ni Davron na sila ay mag-kaklase noong sila ay high school, ni hindi nito maalala na nagsikap siya ng husto para tumayo sa harap nito at kausapin siya.Umupo si Selene sa kama. Nakapatay na ang mga ilaw sa kwarto, at ito ay napakadilim. Hindi niya maiwasan na hawakan ang kanyang tiyan. Napakahirap
Hindi masyadong mabuti ang itsura ni Selene. "Pupunta ako kapag may oras ako." Tumawa ang general assistant. "Bukas naka-iskedyul ang physical examination, alalahanin mong pumunta sa ospital." Nagtaas baba ang dibdib ni Selene, "Alam ko." Hindi niya inasahan na magiging masyadong maunawain si Davron, "Dadating ako sa takdang oras." May malakas na amoy ng kape sa loob ng opisina. Sa buong maghapon ay gustong sumuka ni Selene, at guminhawa lang ang pagkahilo niya matapos buksan ang bintana para pumasok ang hangin. Bago umalis mula sa trabaho, mabilis siyang nagtungo sa banyo para sumuka ulit. Hindi niya inasahan na magiging malala ang reaksyon ng kanyang pagbubuntis. Nang katatapos lang niyang maghilamos ng kanyang mukha, tumunog ang kanyang telepono na nasa loob ng bag. Sinagot ni Selene ang tawag. Ang boses ng lalaki ay may malamig na metalikong tekstura. "Saan?" "Sa banyo." tugon ni Selene. "Hihintayin kita sa silong na garahe. Babalik tayo sa lumang bahay para sa hapunan
Hindi makontrol na nanginginig ang mga kamay ni Selene, at ang mga patak ng tubig na nahulog mula sa kaniyang mga mata ay tumama sa papel, dinudungisan ang tinta. Inangat niya ang kaniyang kamay upang punasan ang mga luha mula sa gilid ng kanyang mga mata, itinikom ng mariin ang mga labi, pinunit ang sulat, at itinapon ito sa basurahan. Kilala ni Selene si Davron. Siya ang tipo ng tao na hindi kailanman nais ang paglabag sa kaniyang mga utos. Kung hindi mo siya napapasaya, gagawin ka niyang hindi masyadong komportable. Hinawakan ni Selene ang tseke na nasa kanyang kamay, nilulukot ito. Nang tuluyan siyang kumalma, inilagay niya ang tseke sa loob ng kanyang bag. Wala siyang karapatan na maging mapagpanggap. Kailangan niya ng pera higit pa sa sinuman. Nagtungo si Selene sa ibaba at kumain ng umagahan. Tinawagan siya ng Assistant General Manager sa takdang oras, pinaaalalahanan siyang pumunta para sa pisikal na examination. Pinatay ni Selene ang telepono at kumuha ng taxi patun
Matagal na sandali ang lumipas bago nakatanggap ng tugon si Hendrix, at nag - isip ng ilang sandali, "Ayos lang ba sa iyo?" Walang makikitang ekspresyon sa mukba ni Davron, "Ayos lang sa akin." Sasagot na sana si Hendrix na tama lang iyon, ngunit umangat ang sulok ng labi ni Davron at ngumiti, "Tanungin mo siya kung gusto niya." Hindi maiwasan ni Hendrix na bumuntong hininga, "Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa iyo na may pakialam ka sa mga tao o wala." Napaka-ganda ni Secretary Averilla at mayroong napaka-buting pag-uugali. Mayroon siyang magandang hubog at makinis na katawan, at mukha siyang isang tunay na nakakabighani kahit saan. Nakakaawa na sinundan niya ang isang walang pusong hayop tulad ni Davron Zalderriaga. Maraming taon nang magkakilala sina Hendrix Cojuangco at Davron Zalderriaga, at kilalang kilala na niya ito. Hindi ko pa nakita si Davron na magkaroon ng totoong pagmamahal para sa ibang babae maliban kay Tiara Averilla. Sa simula pa lang ay talagang mab
Namula ang mukha ni Selene hanggang sa namutla ito pagkatapos. Palagi siyang tinatrato ni Davron nang napaka kaswal. Marahil ay ang kanyang role lang ay ang mapunan ang mga pagnanasa nito. Nakita ni Davron ang kanyang mga daliri na namantsahan din ng alak, hinawak nito ang kamay niya, nanatiling tahimik habang ibinababa ang ulo at mukhang nakatuon ang pansin dito, at pinunansan nito isa-isa ang kanyang mga daliri gamit ang panyo.Talagang hindi makapagpigil si Selene sa kabaitan na ibinibigay nito sa kanya nang biglaan. Palagi siyang nangungulila sa nakakaawang pagmamahal na nagkalat mula sa kaniyang mga daliri. Hindi naman nito kailangan ng marami, basta't kaunti lang ay sapat na. Hindi mapigilan ni Selene na alalahanin ang huling klase niya ng physical education sa tag-init sa isang taon na bakasyonDumaan siya sa bintana ng internasyonal na klase, at hinahangin ang mga bulaklak at mga puno sa labas ng gusali ng pagtuturo. Nakatuon ang matinding sikat ng araw sa kaniyang mukha.
Pakiramdam ni Selene na ang kanyang paulit-ulit na mga rejections ay maaaring talagang nakasira sa kanyang kalooban.Inutusan ni Davron sa driver na ihatid siya pabalik sa villa, at hindi ito nanatili.Pagkatapos maligo, kumain ng cake si Selene sa sala. Ang nakakasakal na tamis ng cake ay tila hindi niya malasahan sa kaniyang bibig. Tumulo ang mga patak ng luha sa likod ng kanyang palad. Marahil ay dahil ito sa kanyang pagbubuntis. Nagiging sensitibo ang emosyon ng mga tao. Hindi niya gustong umiyak, ngunit hindi niya mapigilan ang paglipat ng glandula ng kanyang mga luha. Pinalis ni Selene ang mga luha na umagos sa kaniyang mga pisngi at naupo ng sandali sa sala, hinihintay na unti-unting kumqlma ang kanyang mood. Nang tuluyan siyang kumalma, naglakad siya patungo sa itaas. Kahit na mabigat ang talukap ng kanyang mga mata, hindi pa rin niya magawang matulog. Inillabas ni Selene ang telepono na nasa gilid ng unan, pinindot ang contact na naka-pin sa unahan at nagtipa.[Davron
Kalmadong tinanggap ni Selene ang pera. Nagtungo siya sa kusina para magluto ng hapunan. Sa kalagitnaan ng pagluluto, nagtipa siya mensahe para kay Davron, itinatago ang kanyang emosyon at nagpapanggap na kalmado ang tono sa pagtanong nito sa kaniyang mensahe. [Uuwi ka ba para sa hapunan ngayong gabi?] Pagkatapos nilang ikasal, madalas pa rin naman silang mamuhay ng magkasama ni Davron. Maya maya ay kumukulo na ang niluto niyang sabaw na nasa kaldero. Pagkatapos ng mahabang sandali ay nakatanggap rin ng mensahe si Selene na may ilang malamig na mga kataga. [Siguro.] Pagkatapos ay naupo si Selene sa harap ng hapag, sandaling tinitigan ang lamesa na puno ng mga pagkain. Sensitibo ang damdamin ng mga babaeng nagdadalang tao at matagal naman na niyang nakasanayan na hindi siya mahal ni Davron, ngunit labis pa rin ang nararamdaman niyang lungkot ngayong gabi. Inangat niya ang kaniyang tingin sa orasan. Lumalalim na ang gabi at medyo malamig na ang mga pagkain na n
Matagumpay na pinirmahan ni Selene ang kontrata. Lasing na si Mr. Hidalgo nang maglakad ito palapit sa kaniyang tabi. "Miss Averilla, hinahangaan talaga kita. Pwede kitang ipakilala sa kahit anong proyekto sa susunod." Medyo pagewang-gewang na si Mr. Hidalgo kapag naglalakad. Pinagmasdan nito ang kagandahan na nasa ilalim ng liwanag at ang nito puso ay umaalon. Hindi maiwasan ni Mr. Hidalgo na lapitan si Selene para yakapin at gustong halikan. "Napakaganda mo talaga, Miss Averilla." Sumama ang pakiramdam ni Selene sa pinaghaling amoy ng alaka at sigarilyo at gusto niyang magsuka dahil dito. Itinulak ni Selene si Mr. Hidalgo nang makalapit ito sa kanya. Ginawa ito ni Mr. Hidalgo bilang isang libangan at lumapit pa lalo na may ngiti, hinawakan ang nito ang kamay ni Selene at tumangging bumitaw. "Miss Averilla, hindi madaling magsumikap sa Manila nang mag-isa. Malaki ang maitutulong ko sa iyo panigurado." Pagkatapos sabihin ang mga katagang iyon ay muli niyang hinalikan ang
Sa pagbabalik tanaw sa nakaraan, halos walang kahit ano na makakapagpasaya kay Selene. Ang tanging mga taon na nakakahinga siya ng maluwag ay panigurado ang carefree na labing anim o labimpitong taong gulang ng ibang tao. Ang kalagitnaan ng tag-araw noong siya ay pinakabata. Bukod sa mga gastusin sa pagpapagamot ng kanyang ina, wala na siyang ibang dapat pang ikalungkot. Araw-araw ay palihim niyang pinagmamasdan ang taong gusto niya. Matagal na naupo si Selene sa lounge chair sa ibaba ng kumpanya. Sobrang pagod talaga siya. May pagka-inip niyang tiningnan ang mga taong dumadaan. Karamihan sa kanila ay nagmamadaling magtrabaho. May mga batang nagpapakain ng mga kalapati sa parke sa tapat, at mga part-time na estudyante sa kolehiyo na nagbebenta ng mga bulaklak. Tulala na tinitigan ni Selene ang mga rosas sa kanilang mga kamay. Puno ng mga rosas ang likod bahay ng pamilya Zalderriaga. Ngunit ni isa ay walang para sa kanya. Pagod na tumayo si Selene at binalot ang sarili ng mahigpit ga
Natigilan si Selene dahil sa tanong at bahagyang nalito. Inangat niya ang kaniyang ulo at nakita ang ekspresyon ni Davron na talagang malungkot at hindi maipinta. Nasulyapan niya ang hindi gumagalaw na adam's apple niti, at ang mga kilay at mga mata, na noon ay palaging banayad, ay malamig at mabisyo. Medyo nanakit na ang baba ni Selene mula sa pagkurot ni Davron sa kanya, "Hindi." pabulong niyang sambit. Tumingin sa kanya si Davron nang may ngiti. "Secretary Averilla, pag-isipan mo munang mabuti bago ka magsalita." Nasalubong ni Selene ang malamig na mga mata ng lalaki at muling natigilan. Nagsimulang magduda si Selene kung talaga bang may nagawa siyang anumang bagay na ikababagsak ni Davron nitong mga nakaraang araw. Hindi naman niya binenta ang mga sikreto ng kumpanya. Hindi niya ibinunyg kahit isang salita tungkol sa itinerary tulad nokng mga babaeng nagpunta sa kumpanya para magtanong ng kinaroroonan ni Davron. Umiling si Selene bilang pagsang-ayon, "Hindi, Mr. Zalderria
Ang pinakamalalim na impresyon ni Davron kay Selene ay ang talagang pagiging masunurin at matino nito. Mukhang wala naman itong gagawin para mapahiya siya. Ngunit madali para sa isang lalaki at isang babae na aksidenteng magkagulo. May panunuya si Davron sa kanyang mga labi, at ang kanyang mga mata ay malamig na walang katulad. Sa sandaling ito, talagang galit na galit siya. Talagang hindi siya masaya na maaaring buntis nga si Selene. Ang dahilan kung bakit hindi nagduda si Davron na ang posibleng bata na ito ay sa kanya ay dahil sa gumagawa siya ng mga hakbang bawat oras. Hindi rin niya gustong painumin si Selene ng gamot, tutal hindi naman ito nakakabuti sa kalusugan ni Selene. Noon lang na nawalan ng kontrol si Selene. Pinaalalahanan din Davron si Selene na uminom ng gamot pagkatapos. At hindi naman tipo ng isang tao si Selene na nalilito. Sa kabaligtaran ay napakatalino ni Selene. Hindi siya gagawa ng ganoong klase ng katangahan. Pag-aari niya ang kaniyang katawan. Kung hin
Masyadong nalito si Selene sa biglaang inasta ni Davron. Lihim siyang tumakbo palapit sa mga katulong para magtanong, "May nagpunta ba dito sa bahay ngayon?" "Wala naman pong nagpunta, Young Madam." Mas lalo pang nagtaka si Selene. Matapos itong pag-isipang mabuti, inuri ni Selene ang pabagu-bagong ugali ni Davron bilang isang pasulput-sulpot na estado. Sa kabutihang palad ay kalmado naman si Davron sa halos lahat ng oras. Inaantok na ngayon si Selene at wala ng lakas pa na hulaan kung ano ang iniisip ni Davron. Umakyat siya sa ikalawang palapag ng bahay at nakatulog kaagad pagkahawak niya palang sa unan. Hindi pa rin nagigising si Selene nang mag-oras na para sa hapunan, nanatili siyang nakabalot sa quilt. Tumingin si Davron sa bakanteng upuan sa hapag nang may istriktong mukha, "Nasaan ang young madam ninyo?" "Mukhang hindi pa po siya bumababa pagkatapos niyang umakyat sa taas." "Tawagin mo siya." ani Davron. Hindi nakayanan ni Madam Zalderriaga ang hindi istriktong m
Nakinig si Gianne sa depress na boses ni Selene at nakaramdam ng bahagyang pighati para dito. "Selene, pupunta ako sa ospital para hanapin ka at imbitahan ka sa hapunan, para naman maisantabi mo iyang mga hindi masasayang bagay sa paligid mo." "Okay." masunuring saad ni Selene. Matapos ibaba ang telepono, nagpatuloy lang si Selene na maupo sa loob ng kotse at nakatitig sa kawalan. Marahil ay iniisip na niya kung ano ang magiging resulta sa oras na sinabi niya kay Davron ang tungkol sa kaniyang pagbubuntis sa personal. Walang labis na pananabik si Davron na magpakasal. Hindi niyo inisip n ang kasal ay isang sagrado at maganda. Noong nakaraang taon noong New Year, maraming bisita ang dumating sa pamilya Zalderriaga. Katatapos lang manganak ng pinsan ni Davron ng isang magandang anak na babae na napaka-cute ng hitsura. Bilog at malambot na maliit ang mukha, maputi at malambot na balat, itim na kulay ng mata, at mga mata na nagmamasid sa paligid. Ayaw pa ngang bumitaw ng
Nanatili si Selene sa loob ng sasakyan ng mahabang. Idinukdok niya ang kaniyang ulo sa manibela habang mahigpit na ikinukuyom ang kanyang mga daliri, tahimik lang siya roon na tila isang pipi. Ilang beses tumubog ang kanyang telepono dahil sa tawag, ngunit hindi ito binibigyang pansin ni Selene. Pagkatapos ng mahabang oras, dahan dahan siyang umapos ng upo at binuksan ang bintana ng sasakyan upang makahinga ng ilang sandali. Ilang minuto ang lumipas nang unti-unting tumatag ang kanyang emosyon. Kinuha ni Selene ang kanyang telepono mula sa kanyang bag. Basically, lahat ng mga tawag na kanyang natanggap ay mula kay Gianne Novelo. Kakabalik lang ni Gianne sa Pilipinas ilang araw na ang nakalipas, "Selene! Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?" Huminga ng malalim si Selene, "Naging abala lang ako ngayon." aniya. Pinakinggan ni Gianne ang bahagyang namamaos na boses ni Selene at naramdaman niyang tila may mali, "Ano bang nangyayari sa iyo? Inaabuso ka na naman ba ng Mr.
Hindi maaaring maging kasing kapal ni Davron si Selene, nanatili si Selene na nakatayo roon nang hindi gumagalaw. Ngumiti si Davron sa kanya, "Ayaw mong manganak?" Mukhang maganda ang mood ng lalaki ngayon, at ang dahan-dahang nakakarelaks na mga kilay ay puno ng katamaran, "Selene, kailangan mong manganak kahit na ayaw mo." Medyo nainis si Selene. Kaswal lang na nagbibiro si Davron, hindi iniisip kung seseryosohin ba ito ni Selene. Doble ang laki ng kama ng masters bedroom kaysa sa kama na nasa guest room. Sapat ang laki ng kama na nasa gitna para sa apat na katao. Wala pa rin sa huwisyo si Selene nang itulak siya pahiga sa kama pagkatapos ng nakakahilo na spell. Bigla ay nanumbalik sa kaniyang alaala ang paalala sa kanya ng doktor at tinakpan ang kanyang tiyan, "Davron, anong ginagawa mo?" Hinalikan ni Davron ang ibaba ng kanyang tainga, "Ikaw" bulgar nitong sabi. Pilit na inilagay ni Davron ang mga kamay ni Selene sa kaniyang baywang at ang trouser na suot ay nagp
Hindi kayang tanggapin ni Selene ang biro, ngunit mas pipiliin niyang seryosohin ang mga bagay bagay. Pinaglalaruan siya ng kanyang pride, at kailangan niyang isalba ang sariling mukha sa harap ni Davron. "Wala naman akong inakit na iba." taimtim niyang paliwanag, salita sa salita. Inangat ni Davron ang kanyang mga kilay, at idiin ang mga daliri sa manipis at makinis na balat ni Selene. Nag-iwan ng kaunting pulang marka nang bahagya niya itong idiin lalo. "Sinabi sa akin ni Hendrix na gusto ka niya." ani Davron. Magaan niya itong sinabi. Sinubukan ni Selene na maghanao ng kahit anong senyales ng hindi pagiging masaya o pag-aalala sa mukha ni Davron. Sa kasamaang palad, wala ang lahat ng iyon doon. Walang pakialam si Davron sa bagay na ito. Yumuko si Selene, "Hindi ko siya kilala." "Isa pa, napakaraming babaeng pinagkakatiwalaan ni Mr. Cojuangco, kaya baka gusto niya ang karamihan sa kanila." dagdag ni Selene, tinitiis ang hindi pagiging komportable. Nanatiling nak
Pakiramdam ni Hendrix ay napaka-tqnga ng mga salitang kanyang sinabi pagkatapos magsalita. Ngunit mas kalmado ang reaksyon ni Davron kaysa sa kanyang inaasahan. Inangat ni Davron ang talukap ng mga mata. "May maganda kang taste, kung ganoon." kalmado nitong komento. Natural na maganda ang itsura ni Secretary Averilla at may magandang hubog ng katawan. May ganda siyang itsura at edukasyon, magandang ugali at maamo ang pagkatao. Marami siyang pakinabang si Selene. Nagluluto din siya ng masasarap na pagkain. Iniisip ni Davron na talagang normal para sa isang lalaki ang magkagusto sa isang babaeng tulad ni Secretary Averilla.Kalmado at payapa pa rin ang mga kilay ni Davron, "Kung ganoon ay uutusan ko na lang ang driver na maghatid sa kaniya pauwi. "Hindi napigilan ni Hendrix na mapabuntong-hininga sa kanyang puso, isa talagang malamig na hayop si Davron Zalderriaga. Noong nag-aaral pa ito ay lubusan na nitong ipinatupad ang salitang wala