Hindi masyadong mabuti ang itsura ni Selene. "Pupunta ako kapag may oras ako."
Tumawa ang general assistant. "Bukas naka-iskedyul ang physical examination, alalahanin mong pumunta sa ospital."
Nagtaas baba ang dibdib ni Selene, "Alam ko."
Hindi niya inasahan na magiging masyadong maunawain si Davron, "Dadating ako sa takdang oras."
May malakas na amoy ng kape sa loob ng opisina.
Sa buong maghapon ay gustong sumuka ni Selene, at guminhawa lang ang pagkahilo niya matapos buksan ang bintana para pumasok ang hangin.
Bago umalis mula sa trabaho, mabilis siyang nagtungo sa banyo para sumuka ulit. Hindi niya inasahan na magiging malala ang reaksyon ng kanyang pagbubuntis.
Nang katatapos lang niyang maghilamos ng kanyang mukha, tumunog ang kanyang telepono na nasa loob ng bag.
Sinagot ni Selene ang tawag.
Ang boses ng lalaki ay may malamig na metalikong tekstura. "Saan?"
"Sa banyo." tugon ni Selene.
"Hihintayin kita sa silong na garahe. Babalik tayo sa lumang bahay para sa hapunan ngayong gabi." sambit ni Davron.
"Sige, Mr. Zalderriaga."
Sa kabutihang-palad, hindi sila bumabalik na dalawa sa lumang bahay ng masyadong madalas kada buwan.
Inaasahan ng ina ni Davron na magkaroon na sila ng anak sa madaling panahon.
Pagkatapos makasakay sa kotse, bahagya pa ring kinakabahan si Selene na nakaupo sa tabi nito.
Palaging nararamdaman ni Davron ang bigat ng pagkakapit, tulad ng isang hindi nakikitang espada.
Inangat ng lalaki ang talukap ng kanyang mga mata, at ang boses nito ay mababa at kaakit-akit. "Bakit napaka-putla ng mukha mo?"
Katatapos lang sumuka ni Selene, kaya ang kutis niya ay natural na hindi magiging maganda. "Talaga? Dapat ay ayos lang ito."
Tumingin sa kanya si Davron ng malalim. "Namumula nag bibig mo."
Hindi alam ni Selene kung paano sasagutin ang kung anong sinabi nito.
"Secretary Averilla, hindi ka naman lumabas para magloko sa akin, hindi ba?" biglang sabi ni Davron.
Tunog ito ng isang kaswal na biro.
Hindi alam ni Selene kung ano ang kanyang sasabihin, "Hindi."
Agad na inabit ni Davron at hinawakan ang kanyang mukha, "Naging mailap ka nitong mga araw, kumuha ka ng ilang araw na off at magpahinga ka na lang muna."
Naisip ni Selene ang tungkol dito at nagpasya na pumunta sa ospital para sa isang checkup sa holiday na ito.
Hindi niya planong pumunta para sa physical na examination na inayos ni Davron.
Kailangan niyang aminin na malamang ay alam niya na kung ano ang magiging resulta.
Takot siya at hindi gusto na malaman pa ni Davron na buntis siya.
"Sige."
Huminto ang kotse sa patyo ng lumang bahay.
Lumabas si Selene sa kotse, at kinuha ni Davron ang pagkakataon na hagkan ang kanyang baywang, bahagyang hinihigpitan ang pagkakahawak nito. "Mukhang nadagdagan yata ang timbang mo." sambit nito bigla.
Bumilis ang tibok ng puso ni Selene. "Marami ang nakakain ko nitong mga nakaraan."
Humuni si Davron ng wala sa kaniyang isip, "Tatanungin ka ng mama ko mamaya tungkol kay Tiara, hindi mo na siya kailangan pang sagutin."
"Sige, Mr. Zalderriaga." sambit ni Selene.
Tiara.
Tiara Averilla.
Naging anino na ni Selene ang pangalan na ito mula pa noong bata pa siya.
Si Tiara Averilla ang kanyang kapatid sa labas.
Ang kanyang ama ay isang walang pusong lalaki, o sa madaling sabi, siya ay isang lalaki na napakatalino at mapanuri mula sa Phoenix.
Nilustay niya ang ari-arian ng kanyang ina at tahimik na ginawa ang negosyo ng pamilya Dizon na negosyo ng pamilya Averilla.
Hindi naglaon, dinala niya pabalik ang unang taong minahal niya at anak na babae
Ilang taon nang magkakabit ang buhay nina Davron at Tiara.
Hindi nito alam na sina Selene at Tiara ay magkapatid sa ama.
Si Davron Zalderriaga, ang mapang-uyam na prinsipe, nagbigay ng kanyang pinakamalalim na pagmamahal para kay Tiara Averilla.
Lahat ng lambing ni Davron.
Lahat ay para kay Tiara.
Palaging tinatawag ni Davron si Tiara Averilla na Tiara.
Tapos ang tawag lang nito sa kanya ay Secretary Averilla.
Nakaramdam ng kaba sa kaniyang dibdib si Selene at medyo masakit ang kanyang mga mata.
Mahigpit na niyakap ni Davron ang kaniyang baywang at inangat ang mga kilay nito, "Tinatawag pa rin akong Mr. Zalderriaga?"
Inayos ni Selene ang kanyang mood, "Asawa." mahina niyang sabi.
Papasok ng mansyon.
Mainit at pamilyar na hinawakan ng ina ni Davron ang kamay niya, "Kalahating buwan ka nang hindi bumabalik. Bakit pakiramdam ko ay pumayat si Selene?"
Ngumiti si Selene, "Hindi po."
Puno pa rin ng pag-aangkin ang kamay ni Davron at nakadikit sa bewang niya. Napangiti din ito ng mahina, "Mama, hindi lang pumayat si Selene, pero tumaba din."
Tatawagin lang siya nito na Selene kapag umaakto ito.
Malambing, maalalahanin at walang pagpapabaya.
Tila silang dalawa ay talagang isang magkarelasyon na tunay na nagmamahalan.
Ang abilidad ni Davron sa pag-arte nang naaayon sa sitwasyon ay palaging napaka-galing.
Mayroon din siyang sariling paraan para suyuin ang mga matatanda.
Nasorpresa ang ina ni Davron, "Hindi ko napansin na nadagdagan ang timbang mo."
"Huwag kang mag-alala, hindi ko tatratuhin ng masama ang manugang mo." sambit ni Davron.
Tiningnan ito ng masama ng kaniyang ina, "Mabuting sabihin, ngunit ang mas importanteng bagay ay hayaan mo akong hawakan ang aking apo sa lalong madaling panahon."
Itinaas ni Davron ang kanyang mga kilay, "Gagawin ko ang makakaya ko."
Tahimik na nakinig si Selene nang hindi sumasali sa usapan.
Inakala ng ina ni Davron na sa wakas ay naisip na ito ng kanyang anak at sobrang saya nito. Hindi nito alam na nakagawa na silang dalawa ng mga pag-iingat sa nakalipas na anim na buwan.
Sa hapunan, ginawa ni Selene ang kanyang makakaya para tiisin ang kanyang pagka-balisa. Masyadong magaan ang mga pinggan na nasa lamesa, ngunit gusto niyang magsuka sa tuwing naaamoy niya ang karne.
Mas nagiging maputla ang kanyang mukha, "Hindi ba komportable ang pakiramdam ni Selene?" hindi mapigilang tanong ng ina ni Davron.
Iniling ni Selene ang kaniyang ulo, "Hindi po, medyo inaantok lang po ako."
Muling sinisi ng ina ni Davron ang kaniyang anak, "Hindi mo dapat pinapahirapan si Selene sa trabaho."
Itinaas ni Davron ang kanyang kamay sa pagsuko, "Sige po, talagang pagod siya sa panahon na ito. Huwag kang mag-alala, binigyan ko na siya ng holiday."
"Tama iyan."
Hindi masyadong nakakain ng hapunan si Selene. Bago magtungo sa itaas, naglabas siya ng isang bote ng yogurt mula sa ref at minsanang nilagok ang lahat ng laman nito. Talagang bumuti ang pakiramdam niya at naging kulay rosas ang kanyang kutis.
Mula nang ikasal sina Selene at Davron ay hindi na sila natutulog sa magkaibang kwarto.
Higit pa siya sa isang partner na ginagamit ni Davron para sa kanyang mga pisikal na pangangailangan.
Lumapit si Davron upang dampian siya ng halik pagkatapos maligo.
Walang lugar si Selene para umatras. Tinanggihan na niya ito kagabi, at wala ng rason pa para tanggihan niya muli ito ngayong gabi.
Malamang ay hindi magiging masaya si Davron.
Ngunit takot rin si Selene na saktan ang bata na nasa kanyang sinapupunan. Iniwas niya ang kaniyang ulo palayo nang may kaunting pagtutol sa kaniyang mukha, "Mr. Zalderriaga, ngayong gabi rin..."
Bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin, lumubog ang mga mata ni Davron, at may hindi mawaring ngiti sa sulok ng bibig nito, "Selene Averilla, hindi ko gusto ang mga taong nag-aagaw ng pansin."
Alam ni Selene.
Naging magulo ulit ang mga bagay sa pagdaan ng panahon.
Hindi ko alam kung paano sila nagkagulong dalawa. Sa kabutihang palad, hindi naman nakaramdam ng hindi pagka-komportable ang tiyan niya. Pagkatapos ng huli, hinihila na siya ng antok at wala na siyang naging lakas para bumangon at maligo.
Nahuli siya sa mga bisig ng lalaki at nahimlay sa kaniyang pagtulog
Bago magtungo sa higaan, patuloy pa rin si Selene sa pag-iisip na bahagyang galit si Davron dahil sa kanya.
Ngunit hindi niya ito mawari.
Kahit na hindi ito masaya, hindi nito hahayaan na makita ng mga tao ang kanyang kasiyahan at galit.
Nakatulog si Selene hanggang sa hapon sa sumunod na araw.
Nakakasilaw ang ilaw sa labas ng bintana.
Sandali siyang naupo sa kama, ang walang laman na mga mata niya ay unti-unting nanumbalik sa kanilang espiritu. Bumangon siya at hindi sinasadyang nasulyapan ang sulat sa gilid ng kama, na may kasamang tseke sa tabi nito.
Ang halaga na nakalagay sa tseke ay sapat na hindi sobra o kulang.
Hindi tinignan ni Selene ng mabuti ang tseke, at itinabi ito.
Pinulot niya ang sulat sa lamesa na nasa gilid at ibinaba ang mga mata para basahin ito.
Masyado siyang pamilyar sa sulat kamay na nandoon.
Ang hakbang ng panulat ni Davron ay matulis, maganda at kaaya-aya sa paningin.
Dalawang linya ng mga salita.
Malinaw ito sa unang tingin.
[Nagtrabaho ka ng mabuti kagabi.]
[Ito ang pabuya.]
Hindi makontrol na nanginginig ang mga kamay ni Selene, at ang mga patak ng tubig na nahulog mula sa kaniyang mga mata ay tumama sa papel, dinudungisan ang tinta. Inangat niya ang kaniyang kamay upang punasan ang mga luha mula sa gilid ng kanyang mga mata, itinikom ng mariin ang mga labi, pinunit ang sulat, at itinapon ito sa basurahan. Kilala ni Selene si Davron. Siya ang tipo ng tao na hindi kailanman nais ang paglabag sa kaniyang mga utos. Kung hindi mo siya napapasaya, gagawin ka niyang hindi masyadong komportable. Hinawakan ni Selene ang tseke na nasa kanyang kamay, nilulukot ito. Nang tuluyan siyang kumalma, inilagay niya ang tseke sa loob ng kanyang bag. Wala siyang karapatan na maging mapagpanggap. Kailangan niya ng pera higit pa sa sinuman. Nagtungo si Selene sa ibaba at kumain ng umagahan. Tinawagan siya ng Assistant General Manager sa takdang oras, pinaaalalahanan siyang pumunta para sa pisikal na examination. Pinatay ni Selene ang telepono at kumuha ng taxi patun
Matagal na sandali ang lumipas bago nakatanggap ng tugon si Hendrix, at nag - isip ng ilang sandali, "Ayos lang ba sa iyo?" Walang makikitang ekspresyon sa mukba ni Davron, "Ayos lang sa akin." Sasagot na sana si Hendrix na tama lang iyon, ngunit umangat ang sulok ng labi ni Davron at ngumiti, "Tanungin mo siya kung gusto niya." Hindi maiwasan ni Hendrix na bumuntong hininga, "Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa iyo na may pakialam ka sa mga tao o wala." Napaka-ganda ni Secretary Averilla at mayroong napaka-buting pag-uugali. Mayroon siyang magandang hubog at makinis na katawan, at mukha siyang isang tunay na nakakabighani kahit saan. Nakakaawa na sinundan niya ang isang walang pusong hayop tulad ni Davron Zalderriaga. Maraming taon nang magkakilala sina Hendrix Cojuangco at Davron Zalderriaga, at kilalang kilala na niya ito. Hindi ko pa nakita si Davron na magkaroon ng totoong pagmamahal para sa ibang babae maliban kay Tiara Averilla. Sa simula pa lang ay talagang mab
Namula ang mukha ni Selene hanggang sa namutla ito pagkatapos. Palagi siyang tinatrato ni Davron nang napaka kaswal. Marahil ay ang kanyang role lang ay ang mapunan ang mga pagnanasa nito. Nakita ni Davron ang kanyang mga daliri na namantsahan din ng alak, hinawak nito ang kamay niya, nanatiling tahimik habang ibinababa ang ulo at mukhang nakatuon ang pansin dito, at pinunansan nito isa-isa ang kanyang mga daliri gamit ang panyo.Talagang hindi makapagpigil si Selene sa kabaitan na ibinibigay nito sa kanya nang biglaan. Palagi siyang nangungulila sa nakakaawang pagmamahal na nagkalat mula sa kaniyang mga daliri. Hindi naman nito kailangan ng marami, basta't kaunti lang ay sapat na. Hindi mapigilan ni Selene na alalahanin ang huling klase niya ng physical education sa tag-init sa isang taon na bakasyonDumaan siya sa bintana ng internasyonal na klase, at hinahangin ang mga bulaklak at mga puno sa labas ng gusali ng pagtuturo. Nakatuon ang matinding sikat ng araw sa kaniyang mukha.
Pakiramdam ni Selene na ang kanyang paulit-ulit na mga rejections ay maaaring talagang nakasira sa kanyang kalooban.Inutusan ni Davron sa driver na ihatid siya pabalik sa villa, at hindi ito nanatili.Pagkatapos maligo, kumain ng cake si Selene sa sala. Ang nakakasakal na tamis ng cake ay tila hindi niya malasahan sa kaniyang bibig. Tumulo ang mga patak ng luha sa likod ng kanyang palad. Marahil ay dahil ito sa kanyang pagbubuntis. Nagiging sensitibo ang emosyon ng mga tao. Hindi niya gustong umiyak, ngunit hindi niya mapigilan ang paglipat ng glandula ng kanyang mga luha. Pinalis ni Selene ang mga luha na umagos sa kaniyang mga pisngi at naupo ng sandali sa sala, hinihintay na unti-unting kumqlma ang kanyang mood. Nang tuluyan siyang kumalma, naglakad siya patungo sa itaas. Kahit na mabigat ang talukap ng kanyang mga mata, hindi pa rin niya magawang matulog. Inillabas ni Selene ang telepono na nasa gilid ng unan, pinindot ang contact na naka-pin sa unahan at nagtipa.[Davron
Kalmadong tinanggap ni Selene ang pera. Nagtungo siya sa kusina para magluto ng hapunan. Sa kalagitnaan ng pagluluto, nagtipa siya mensahe para kay Davron, itinatago ang kanyang emosyon at nagpapanggap na kalmado ang tono sa pagtanong nito sa kaniyang mensahe. [Uuwi ka ba para sa hapunan ngayong gabi?] Pagkatapos nilang ikasal, madalas pa rin naman silang mamuhay ng magkasama ni Davron. Maya maya ay kumukulo na ang niluto niyang sabaw na nasa kaldero. Pagkatapos ng mahabang sandali ay nakatanggap rin ng mensahe si Selene na may ilang malamig na mga kataga. [Siguro.] Pagkatapos ay naupo si Selene sa harap ng hapag, sandaling tinitigan ang lamesa na puno ng mga pagkain. Sensitibo ang damdamin ng mga babaeng nagdadalang tao at matagal naman na niyang nakasanayan na hindi siya mahal ni Davron, ngunit labis pa rin ang nararamdaman niyang lungkot ngayong gabi. Inangat niya ang kaniyang tingin sa orasan. Lumalalim na ang gabi at medyo malamig na ang mga pagkain na n
Matagumpay na pinirmahan ni Selene ang kontrata. Lasing na si Mr. Hidalgo nang maglakad ito palapit sa kaniyang tabi. "Miss Averilla, hinahangaan talaga kita. Pwede kitang ipakilala sa kahit anong proyekto sa susunod." Medyo pagewang-gewang na si Mr. Hidalgo kapag naglalakad. Pinagmasdan nito ang kagandahan na nasa ilalim ng liwanag at ang nito puso ay umaalon. Hindi maiwasan ni Mr. Hidalgo na lapitan si Selene para yakapin at gustong halikan. "Napakaganda mo talaga, Miss Averilla." Sumama ang pakiramdam ni Selene sa pinaghaling amoy ng alaka at sigarilyo at gusto niyang magsuka dahil dito. Itinulak ni Selene si Mr. Hidalgo nang makalapit ito sa kanya. Ginawa ito ni Mr. Hidalgo bilang isang libangan at lumapit pa lalo na may ngiti, hinawakan ang nito ang kamay ni Selene at tumangging bumitaw. "Miss Averilla, hindi madaling magsumikap sa Manila nang mag-isa. Malaki ang maitutulong ko sa iyo panigurado." Pagkatapos sabihin ang mga katagang iyon ay muli niyang hinalikan ang
Tumatak kay Selene ang salitang "puta" na mula sa bibig mismo ni Davron. Namutla ang mukha ni Selene, namaga ang kanyang ulo, at ang mahahabang mga kuko ay mariing kumukurot sa kaniyang palad, gamit ang sakit upang mapanatili ang huling piraso ng pagiging disente. Marahil. Sa mga mata ni Davron, isa lamang syang klase ng tao na kayang gawin ang lahat para lang sa pera. Dalawang beses siyang huminga ng malalim at hindi intensyong depensahan ang sarili. "Medyo maluwag lang ang oras ko nitong mga nakaraan, at nagkataon na kumuha ako ng order." hindi gusto ni Selene na maging awkward ang mga bagay sa pagitan nila ni Davron kaya humakbang siya paatras. Hindi rin gusto ni Davron na gawin ni Selene ang mga ganoong walang katuturang mga bagay, "Anong klaseng tao si Francis Hidalgo, nagtanong ka man lang ba ng tungkol doon?" Walang imik si Selene. Pinilit siya ni Davron na iangat ang kanyang mga mata. Mabagsik ang lalaki at mariing nakatikom ang mga labi. "Wala kang alam." sambit ni
Hindi nakinig si Davron sa kanya, tinawag nito ang katuling at inutusan ang driver na ilabas ang sasakyan. Hiniklat ni Selene ang manggas ng suot na damit ni Davron at pinilit ang sarili na magmukhang maayos, "Hindu na talaga natin kailangan pumunta ng ospital, tingin ko ay magkakaroon lang ako ng buwanang dalaw ulit." Sandaling nag-isip si Davron, "Bakit hindi ko maalala na nito ang magiging dalaw mo." Kahit na sa kontrata lang sila ikinasal, hindi sila superficial na mag-asawa. Isa lamang normal na lalaki si Davron na may normal na mga pangangailangan. Hindi ito madaling pasiyahin, at may ilan pang mga pagkakataon na nasasaktuhang may dalaw siya. "Hindi inasahan ni Selene na napakagaling ng memorya ni Davron. Bahagya niyang iniwas ang kanyang tinging kay Davron, hindi naglalakas loob na tingnan ng diretso sa mukha si Davron at pagsinungalingan. "Hindi naging accurate iyon nitong dalawang buwan." "Hmm." ani Davron, inunat nito ang kanyang kamay at inilapat ang palad sa noo ni
Sa pagbabalik tanaw sa nakaraan, halos walang kahit ano na makakapagpasaya kay Selene. Ang tanging mga taon na nakakahinga siya ng maluwag ay panigurado ang carefree na labing anim o labimpitong taong gulang ng ibang tao. Ang kalagitnaan ng tag-araw noong siya ay pinakabata. Bukod sa mga gastusin sa pagpapagamot ng kanyang ina, wala na siyang ibang dapat pang ikalungkot. Araw-araw ay palihim niyang pinagmamasdan ang taong gusto niya. Matagal na naupo si Selene sa lounge chair sa ibaba ng kumpanya. Sobrang pagod talaga siya. May pagka-inip niyang tiningnan ang mga taong dumadaan. Karamihan sa kanila ay nagmamadaling magtrabaho. May mga batang nagpapakain ng mga kalapati sa parke sa tapat, at mga part-time na estudyante sa kolehiyo na nagbebenta ng mga bulaklak. Tulala na tinitigan ni Selene ang mga rosas sa kanilang mga kamay. Puno ng mga rosas ang likod bahay ng pamilya Zalderriaga. Ngunit ni isa ay walang para sa kanya. Pagod na tumayo si Selene at binalot ang sarili ng mahigpit ga
Natigilan si Selene dahil sa tanong at bahagyang nalito. Inangat niya ang kaniyang ulo at nakita ang ekspresyon ni Davron na talagang malungkot at hindi maipinta. Nasulyapan niya ang hindi gumagalaw na adam's apple niti, at ang mga kilay at mga mata, na noon ay palaging banayad, ay malamig at mabisyo. Medyo nanakit na ang baba ni Selene mula sa pagkurot ni Davron sa kanya, "Hindi." pabulong niyang sambit. Tumingin sa kanya si Davron nang may ngiti. "Secretary Averilla, pag-isipan mo munang mabuti bago ka magsalita." Nasalubong ni Selene ang malamig na mga mata ng lalaki at muling natigilan. Nagsimulang magduda si Selene kung talaga bang may nagawa siyang anumang bagay na ikababagsak ni Davron nitong mga nakaraang araw. Hindi naman niya binenta ang mga sikreto ng kumpanya. Hindi niya ibinunyg kahit isang salita tungkol sa itinerary tulad nokng mga babaeng nagpunta sa kumpanya para magtanong ng kinaroroonan ni Davron. Umiling si Selene bilang pagsang-ayon, "Hindi, Mr. Zalderria
Ang pinakamalalim na impresyon ni Davron kay Selene ay ang talagang pagiging masunurin at matino nito. Mukhang wala naman itong gagawin para mapahiya siya. Ngunit madali para sa isang lalaki at isang babae na aksidenteng magkagulo. May panunuya si Davron sa kanyang mga labi, at ang kanyang mga mata ay malamig na walang katulad. Sa sandaling ito, talagang galit na galit siya. Talagang hindi siya masaya na maaaring buntis nga si Selene. Ang dahilan kung bakit hindi nagduda si Davron na ang posibleng bata na ito ay sa kanya ay dahil sa gumagawa siya ng mga hakbang bawat oras. Hindi rin niya gustong painumin si Selene ng gamot, tutal hindi naman ito nakakabuti sa kalusugan ni Selene. Noon lang na nawalan ng kontrol si Selene. Pinaalalahanan din Davron si Selene na uminom ng gamot pagkatapos. At hindi naman tipo ng isang tao si Selene na nalilito. Sa kabaligtaran ay napakatalino ni Selene. Hindi siya gagawa ng ganoong klase ng katangahan. Pag-aari niya ang kaniyang katawan. Kung hin
Masyadong nalito si Selene sa biglaang inasta ni Davron. Lihim siyang tumakbo palapit sa mga katulong para magtanong, "May nagpunta ba dito sa bahay ngayon?" "Wala naman pong nagpunta, Young Madam." Mas lalo pang nagtaka si Selene. Matapos itong pag-isipang mabuti, inuri ni Selene ang pabagu-bagong ugali ni Davron bilang isang pasulput-sulpot na estado. Sa kabutihang palad ay kalmado naman si Davron sa halos lahat ng oras. Inaantok na ngayon si Selene at wala ng lakas pa na hulaan kung ano ang iniisip ni Davron. Umakyat siya sa ikalawang palapag ng bahay at nakatulog kaagad pagkahawak niya palang sa unan. Hindi pa rin nagigising si Selene nang mag-oras na para sa hapunan, nanatili siyang nakabalot sa quilt. Tumingin si Davron sa bakanteng upuan sa hapag nang may istriktong mukha, "Nasaan ang young madam ninyo?" "Mukhang hindi pa po siya bumababa pagkatapos niyang umakyat sa taas." "Tawagin mo siya." ani Davron. Hindi nakayanan ni Madam Zalderriaga ang hindi istriktong m
Nakinig si Gianne sa depress na boses ni Selene at nakaramdam ng bahagyang pighati para dito. "Selene, pupunta ako sa ospital para hanapin ka at imbitahan ka sa hapunan, para naman maisantabi mo iyang mga hindi masasayang bagay sa paligid mo." "Okay." masunuring saad ni Selene. Matapos ibaba ang telepono, nagpatuloy lang si Selene na maupo sa loob ng kotse at nakatitig sa kawalan. Marahil ay iniisip na niya kung ano ang magiging resulta sa oras na sinabi niya kay Davron ang tungkol sa kaniyang pagbubuntis sa personal. Walang labis na pananabik si Davron na magpakasal. Hindi niyo inisip n ang kasal ay isang sagrado at maganda. Noong nakaraang taon noong New Year, maraming bisita ang dumating sa pamilya Zalderriaga. Katatapos lang manganak ng pinsan ni Davron ng isang magandang anak na babae na napaka-cute ng hitsura. Bilog at malambot na maliit ang mukha, maputi at malambot na balat, itim na kulay ng mata, at mga mata na nagmamasid sa paligid. Ayaw pa ngang bumitaw ng
Nanatili si Selene sa loob ng sasakyan ng mahabang. Idinukdok niya ang kaniyang ulo sa manibela habang mahigpit na ikinukuyom ang kanyang mga daliri, tahimik lang siya roon na tila isang pipi. Ilang beses tumubog ang kanyang telepono dahil sa tawag, ngunit hindi ito binibigyang pansin ni Selene. Pagkatapos ng mahabang oras, dahan dahan siyang umapos ng upo at binuksan ang bintana ng sasakyan upang makahinga ng ilang sandali. Ilang minuto ang lumipas nang unti-unting tumatag ang kanyang emosyon. Kinuha ni Selene ang kanyang telepono mula sa kanyang bag. Basically, lahat ng mga tawag na kanyang natanggap ay mula kay Gianne Novelo. Kakabalik lang ni Gianne sa Pilipinas ilang araw na ang nakalipas, "Selene! Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?" Huminga ng malalim si Selene, "Naging abala lang ako ngayon." aniya. Pinakinggan ni Gianne ang bahagyang namamaos na boses ni Selene at naramdaman niyang tila may mali, "Ano bang nangyayari sa iyo? Inaabuso ka na naman ba ng Mr.
Hindi maaaring maging kasing kapal ni Davron si Selene, nanatili si Selene na nakatayo roon nang hindi gumagalaw. Ngumiti si Davron sa kanya, "Ayaw mong manganak?" Mukhang maganda ang mood ng lalaki ngayon, at ang dahan-dahang nakakarelaks na mga kilay ay puno ng katamaran, "Selene, kailangan mong manganak kahit na ayaw mo." Medyo nainis si Selene. Kaswal lang na nagbibiro si Davron, hindi iniisip kung seseryosohin ba ito ni Selene. Doble ang laki ng kama ng masters bedroom kaysa sa kama na nasa guest room. Sapat ang laki ng kama na nasa gitna para sa apat na katao. Wala pa rin sa huwisyo si Selene nang itulak siya pahiga sa kama pagkatapos ng nakakahilo na spell. Bigla ay nanumbalik sa kaniyang alaala ang paalala sa kanya ng doktor at tinakpan ang kanyang tiyan, "Davron, anong ginagawa mo?" Hinalikan ni Davron ang ibaba ng kanyang tainga, "Ikaw" bulgar nitong sabi. Pilit na inilagay ni Davron ang mga kamay ni Selene sa kaniyang baywang at ang trouser na suot ay nagp
Hindi kayang tanggapin ni Selene ang biro, ngunit mas pipiliin niyang seryosohin ang mga bagay bagay. Pinaglalaruan siya ng kanyang pride, at kailangan niyang isalba ang sariling mukha sa harap ni Davron. "Wala naman akong inakit na iba." taimtim niyang paliwanag, salita sa salita. Inangat ni Davron ang kanyang mga kilay, at idiin ang mga daliri sa manipis at makinis na balat ni Selene. Nag-iwan ng kaunting pulang marka nang bahagya niya itong idiin lalo. "Sinabi sa akin ni Hendrix na gusto ka niya." ani Davron. Magaan niya itong sinabi. Sinubukan ni Selene na maghanao ng kahit anong senyales ng hindi pagiging masaya o pag-aalala sa mukha ni Davron. Sa kasamaang palad, wala ang lahat ng iyon doon. Walang pakialam si Davron sa bagay na ito. Yumuko si Selene, "Hindi ko siya kilala." "Isa pa, napakaraming babaeng pinagkakatiwalaan ni Mr. Cojuangco, kaya baka gusto niya ang karamihan sa kanila." dagdag ni Selene, tinitiis ang hindi pagiging komportable. Nanatiling nak
Pakiramdam ni Hendrix ay napaka-tqnga ng mga salitang kanyang sinabi pagkatapos magsalita. Ngunit mas kalmado ang reaksyon ni Davron kaysa sa kanyang inaasahan. Inangat ni Davron ang talukap ng mga mata. "May maganda kang taste, kung ganoon." kalmado nitong komento. Natural na maganda ang itsura ni Secretary Averilla at may magandang hubog ng katawan. May ganda siyang itsura at edukasyon, magandang ugali at maamo ang pagkatao. Marami siyang pakinabang si Selene. Nagluluto din siya ng masasarap na pagkain. Iniisip ni Davron na talagang normal para sa isang lalaki ang magkagusto sa isang babaeng tulad ni Secretary Averilla.Kalmado at payapa pa rin ang mga kilay ni Davron, "Kung ganoon ay uutusan ko na lang ang driver na maghatid sa kaniya pauwi. "Hindi napigilan ni Hendrix na mapabuntong-hininga sa kanyang puso, isa talagang malamig na hayop si Davron Zalderriaga. Noong nag-aaral pa ito ay lubusan na nitong ipinatupad ang salitang wala