Sa high school ay isang anak ng tadhana si Davron, ngunit si Selene ay halos walang pakiramdam ng pagkakaroon sa mataas na paaralan. Tila isa lamang siyang dumadaan sa kwento, tahimik na pinanunuod ang nakakabighani na lalaking bida at ang kanyang mahal na babaeng bida, at ang matamis na kwento ng pag-ibig.
Ilang taon nga ba niyang lihim na gusto si Davron? Hindi na niya masyadong matandaan.
Nang mag-propose sa kaniya si Davron, minsan na niyang inisip na nagkakaroon siya ng isang magandang panaginip na kaya siyang gisingin anumang oras.
Sa buong tatlong taon sa high school.
Tanging anim na salita lamang ang sinabi ni Selene sa kanya.
"Hello."
"Ako nga pala si Selene."
Hindi matandaan ni Davron na sila ay mag-kaklase noong sila ay high school, ni hindi nito maalala na nagsikap siya ng husto para tumayo sa harap nito at kausapin siya.
Umupo si Selene sa kama. Nakapatay na ang mga ilaw sa kwarto, at ito ay napakadilim.
Hindi niya maiwasan na hawakan ang kanyang tiyan. Napakahirap isipin na mayroon nang isang bata dito.
Ang anak nila ni Davron.
Pero hindi niya matitiyak.
Nagkakaroon din ng mga kamalian na hindi tumpak ang mga pregnancy test sticks.
Hindi nagkaroon ng oras si Selene nitong mga araw na magpunta sa ospital sa magpa-check up. Nagplano siya na bumili ng ilang pregnancy test sticks ng iba ibang brand bukas at subukan ang lahat ng iyon.
Kung hindi siya buntis, talagang ayos lang iyon.
Isang sakit sa ulo ang pagbubuntis.
Alam niya na hindi gusto ni Davron ang anumang bagay na wala sa kaniyang kontrol.
Palaging nagsusuot si Davron ng condom bago makipagtalik sa kanya, maliban sa isang hindi inaasahang aksidente noong nakaraang buwan.
Ito ay talagang sandali ng kalituhan.
Hindi nito gusto ng anak.
Halos siya ay sigurado na kapag sinabi niya kay Davron na buntis siya. Tutulungan siya ni Davron na humanap ng ospital at mag-aayos ang operasyon.
Walang sinuman ang makapagbabago ng napag-desisyunan na nito.
Nang una silang magtayo ng buhay mag-asawa.
Walang muwang na inasahan ni Selene na unti-unting mahuhulog ang loob ni Davron sa kaniya.
Ngunit sa totoo lang, talagang hinahangad lang niya itong mangyari.
Ayaw na ni Selene na isipin pa ang tungkol dito. Nalulungkot lang siya palagi sa pag-iisip ng masyado. Ipinahinga niya ang kaniyang sarili sa quilt, ipinikit ang kanyang mga mata at pinilit ang sarili na matulog.
Napanaginipan ni Selene ang taon ng kanyang high school.
Sa panaginip, araw araw na dumadaan si Davron sa kaniyang bintana. Ito ang prinsipe ng eskwelahan, at lihim itong panunuorin ng mga tao kung saan man siya magpunta. Mayroon itong isang superior na pigura at ang mga kamay nito ay nasa loob ng mga bulsa.
Tamad ito at mayabang. Tulad ng isang buwan, mahitap itong abutin, at lahat ay malamig at malinaw sa paligid nito.
Sakim na tumingin dito si Selene ng paulit-ulit, at may ilang tubig sa gilid ng kanyang mga mata nang magising siya.
Maliwanag na ang kalangitan sa labas.
Naglakad siya patungo sa bintana at binuksan ito.
Hindi na makita ang kotse ni Davron sa bakuran. Umalis ito kahapon sa kalagitnaan ng gabi.
Hindi nakaramdam si Selene ng pagkawala. Nagtungo siya sa kumpanya pagkatapos mag-agahan at bumili ng ilang pregnancy test sticks sa nadaanang botika.
Masyadong abala si Selene sa umaga na wala na siyang naging oras para uminom ng tubig.
Nang magkaroon siya ng oras, mahigpit niyang hinawakan ang pregnancy test sticks sa kaniyang bag, kinuha niya ito at mabilis na nagtungo sa banyo.
Ayon sa mga bilin na nahanap niya kahapon, sinubukan ulit ito ni Selene. Matapos ang ilang minuto, kabado siyang tumingin sa pregnancy test stick na nasa kanyang kamay. Kitang-kita pa rin ang dalawang madilim na guhit.
Lumubog ang kanyang puso. Hindi siya nakaramdam ng gaanong kagalakan.
Ilang minuto lang.
Ang daming iniisip ni Selene. Kailangan ba niyang sabihin kay Davron ang tungkol dito?
Marahil ay wala maaaring sabihin, hihinto sa kanyang trabaho, tatakbo sa isang bansa kung saan walang sinuman ang nakakakilala sa kanya, at palihim na ipanganak ang bata.
O maaari siyang magpahinga ng ilang araw at pumunta sa ospital upang siya na mismo ang magpa-opera.
Tila may giyera sa isipan ni Selene.
Nang bumalik siya sa opisina, lumilipad pa rin ang kanyang isip.
Misteryosong nagpunta si Myla sa istasyon ng kanyang trabaho at nakipag-tsismisan sa kanya, "May buntis dito sa ika-20 na palapag natin."
Napabuntong hininga si Selene at nanatiling kalmado. "Sino?"
"Hindi ko alam." sambit ni Myla.
"Sinabi ng tagalinis na babae na nakakita siya ng isang pregnancy test stick sa basurahan kahapon. Hindi kaya ay may nagkakaroon ng mga office romance dito sa pamamagitan ng pagtatago nito? Sa oras na malaman ni Mr. Zalderriaga, masisisante sila." nagalak si Selene na itinapon niya ang pregnancy test stick sa inidoro para sa pang-seguridad na rason.
Tila may bukol na nakabara sa lalamunan ni Selene. "Hindi ko alam, malamang hindi." sambit niya.
Hindi masyadong interesado si Myla sa bagay na ito at mabilis na binago ang usapan. "Tara sa baba para kumain?"
Nagugutom na rin si Selene, kaya tumango siya. "Tara na."
Ang restaurant ng empleyado sa ibaba ng kumpanya ay talagang kwalipikadong masarap sa panlasa.
Kauupo lang nina Selene at Myla pagkatapos ilagay ang kanilang mga order.
Biglang naging tahimik ang restaurant ng ilang segundo. Biglang lumitaw si Davron sa restaurant ng empleyado, na nakakapagpapangiti.
Nalilitong tumingin si Selene kay Davron at hinawakan ng mahigpit ang mga chopstick na nasa kanyang kamay.
Gumawa ng malaking hakbang si Davron at naglakad sa kanilang lamesa nang nakikita ng lahat.
Nabulabog si Myla, "Mr. Zalderriaga, pakiusap umupo ka."
Itinikom ni Selene ang kanyang mga labi, hindi malaman kung ano ang sasabihin.
Handa na ang steak na kaniyang binili.
Hinawakan ni Selene ang steak sa kaniyang plato at gusto ng umikot para magpalit ng upuan, ngunit hindi siya naglakas-loob na gawin iyon ng halata.
Bigla ay nakaramdam siya ng bahagyang hindi pagka-komportable.
Pagkahilo at pagduduwal.
Bahagya pa ring malakas para sa kanya ang amoy sa restaurant.
Pinipigilan ni Selene ang pagsusuka, gusto lang niyang matapos ang tanghalian ng mabilis at pagkatapos ay bumalik sa opisina upang makapag-pahinga.
Sa sandaling pumasok ang steak sa kanyang bibig, hindi na napigilan ni Selene ang kanyang pisikal na pagduduwal. Tinakpan niya ang kanyang dibdib at mabilis na nagtungo sa basurahan sa tabi niya para sumuka.
Pagkatapos niyang sumuka, namutla ang kanyang mukha.
Uminom siya ng isang baso ng tubig para mahugasan ang kanyang bibig, at saka tumingin sa taas at napagtanto na tila may mali.
Ang madilim at malalim na mga mata ni Davron ay kalmadong nakatitig sa kanya.
Hindi mawari.
Tumalon ang puso ni Selene, at mas namutla bigla ang kanyang mukha.
Takot siya na baka may makita ito.
Maalalahanin si Davron, "Bakit ka nagsuka?" tanong nito.
"Hindi masyadong mabuti ang tiyan ko nitong mga nakaraang araw." sambit ni Selene.
Humuni si Davron, "Bakit hindi ko maalala na nagkaroon ka ng sakit sa tiyan."
"Nagka-sipon ako ilang araw na ang nakalipas." kalmadong sabi ni Selene.
Natahimik si Davron ng ilang sandali, "Uminom ka na ba ng gamot noong nakaraan?" kaswal na tanong nito.
Hindi naintindihan ni Myla.
Ngunit naintindihan ni Selene.
Tinatanong siya ni Davron kung uminom na ba siya ng gamot pagkatapos ng insidente sa hot spring hotel. Palagi itong masyadong maunawain na kaya nitong matukoy ang mali sa maliliit na detalye.
"Oo" pagsisinunangaling ni Selene sa ilalim ng presyon.
Hindi na nagtanong pa si Davron ng maraming tanong.
Sa hapon ding iyon, natanggap ni Selene ang gamot para sa tiyan at bituka na binili para sa kanya ng general assistant.
Sa kabuuan ng kumpanya, tanging ang general assistant lang sa tabi ni Davron ang may alam ng relasyon sa pagitan nilang dalawa.
"Inutusan ka ni Mr. Zalderriaga na alaagan ang iyong sarili." tumingin sa kanya ang general assistant at nagdalawang isip na magsalita. Pagkatapos tumigil, "Inutusan din ako ni Mr. Zalderriaga na gumawa ng appointment para sa 'yo para sa isang physical na examination sa ospital." sambit nito.
Hindi masyadong mabuti ang itsura ni Selene. "Pupunta ako kapag may oras ako." Tumawa ang general assistant. "Bukas naka-iskedyul ang physical examination, alalahanin mong pumunta sa ospital." Nagtaas baba ang dibdib ni Selene, "Alam ko." Hindi niya inasahan na magiging masyadong maunawain si Davron, "Dadating ako sa takdang oras." May malakas na amoy ng kape sa loob ng opisina. Sa buong maghapon ay gustong sumuka ni Selene, at guminhawa lang ang pagkahilo niya matapos buksan ang bintana para pumasok ang hangin. Bago umalis mula sa trabaho, mabilis siyang nagtungo sa banyo para sumuka ulit. Hindi niya inasahan na magiging malala ang reaksyon ng kanyang pagbubuntis. Nang katatapos lang niyang maghilamos ng kanyang mukha, tumunog ang kanyang telepono na nasa loob ng bag. Sinagot ni Selene ang tawag. Ang boses ng lalaki ay may malamig na metalikong tekstura. "Saan?" "Sa banyo." tugon ni Selene. "Hihintayin kita sa silong na garahe. Babalik tayo sa lumang bahay para sa hapunan
Hindi makontrol na nanginginig ang mga kamay ni Selene, at ang mga patak ng tubig na nahulog mula sa kaniyang mga mata ay tumama sa papel, dinudungisan ang tinta. Inangat niya ang kaniyang kamay upang punasan ang mga luha mula sa gilid ng kanyang mga mata, itinikom ng mariin ang mga labi, pinunit ang sulat, at itinapon ito sa basurahan. Kilala ni Selene si Davron. Siya ang tipo ng tao na hindi kailanman nais ang paglabag sa kaniyang mga utos. Kung hindi mo siya napapasaya, gagawin ka niyang hindi masyadong komportable. Hinawakan ni Selene ang tseke na nasa kanyang kamay, nilulukot ito. Nang tuluyan siyang kumalma, inilagay niya ang tseke sa loob ng kanyang bag. Wala siyang karapatan na maging mapagpanggap. Kailangan niya ng pera higit pa sa sinuman. Nagtungo si Selene sa ibaba at kumain ng umagahan. Tinawagan siya ng Assistant General Manager sa takdang oras, pinaaalalahanan siyang pumunta para sa pisikal na examination. Pinatay ni Selene ang telepono at kumuha ng taxi patun
Matagal na sandali ang lumipas bago nakatanggap ng tugon si Hendrix, at nag - isip ng ilang sandali, "Ayos lang ba sa iyo?" Walang makikitang ekspresyon sa mukba ni Davron, "Ayos lang sa akin." Sasagot na sana si Hendrix na tama lang iyon, ngunit umangat ang sulok ng labi ni Davron at ngumiti, "Tanungin mo siya kung gusto niya." Hindi maiwasan ni Hendrix na bumuntong hininga, "Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa iyo na may pakialam ka sa mga tao o wala." Napaka-ganda ni Secretary Averilla at mayroong napaka-buting pag-uugali. Mayroon siyang magandang hubog at makinis na katawan, at mukha siyang isang tunay na nakakabighani kahit saan. Nakakaawa na sinundan niya ang isang walang pusong hayop tulad ni Davron Zalderriaga. Maraming taon nang magkakilala sina Hendrix Cojuangco at Davron Zalderriaga, at kilalang kilala na niya ito. Hindi ko pa nakita si Davron na magkaroon ng totoong pagmamahal para sa ibang babae maliban kay Tiara Averilla. Sa simula pa lang ay talagang mab
Namula ang mukha ni Selene hanggang sa namutla ito pagkatapos. Palagi siyang tinatrato ni Davron nang napaka kaswal. Marahil ay ang kanyang role lang ay ang mapunan ang mga pagnanasa nito. Nakita ni Davron ang kanyang mga daliri na namantsahan din ng alak, hinawak nito ang kamay niya, nanatiling tahimik habang ibinababa ang ulo at mukhang nakatuon ang pansin dito, at pinunansan nito isa-isa ang kanyang mga daliri gamit ang panyo.Talagang hindi makapagpigil si Selene sa kabaitan na ibinibigay nito sa kanya nang biglaan. Palagi siyang nangungulila sa nakakaawang pagmamahal na nagkalat mula sa kaniyang mga daliri. Hindi naman nito kailangan ng marami, basta't kaunti lang ay sapat na. Hindi mapigilan ni Selene na alalahanin ang huling klase niya ng physical education sa tag-init sa isang taon na bakasyonDumaan siya sa bintana ng internasyonal na klase, at hinahangin ang mga bulaklak at mga puno sa labas ng gusali ng pagtuturo. Nakatuon ang matinding sikat ng araw sa kaniyang mukha.
Pakiramdam ni Selene na ang kanyang paulit-ulit na mga rejections ay maaaring talagang nakasira sa kanyang kalooban.Inutusan ni Davron sa driver na ihatid siya pabalik sa villa, at hindi ito nanatili.Pagkatapos maligo, kumain ng cake si Selene sa sala. Ang nakakasakal na tamis ng cake ay tila hindi niya malasahan sa kaniyang bibig. Tumulo ang mga patak ng luha sa likod ng kanyang palad. Marahil ay dahil ito sa kanyang pagbubuntis. Nagiging sensitibo ang emosyon ng mga tao. Hindi niya gustong umiyak, ngunit hindi niya mapigilan ang paglipat ng glandula ng kanyang mga luha. Pinalis ni Selene ang mga luha na umagos sa kaniyang mga pisngi at naupo ng sandali sa sala, hinihintay na unti-unting kumqlma ang kanyang mood. Nang tuluyan siyang kumalma, naglakad siya patungo sa itaas. Kahit na mabigat ang talukap ng kanyang mga mata, hindi pa rin niya magawang matulog. Inillabas ni Selene ang telepono na nasa gilid ng unan, pinindot ang contact na naka-pin sa unahan at nagtipa.[Davron
Kalmadong tinanggap ni Selene ang pera. Nagtungo siya sa kusina para magluto ng hapunan. Sa kalagitnaan ng pagluluto, nagtipa siya mensahe para kay Davron, itinatago ang kanyang emosyon at nagpapanggap na kalmado ang tono sa pagtanong nito sa kaniyang mensahe. [Uuwi ka ba para sa hapunan ngayong gabi?] Pagkatapos nilang ikasal, madalas pa rin naman silang mamuhay ng magkasama ni Davron. Maya maya ay kumukulo na ang niluto niyang sabaw na nasa kaldero. Pagkatapos ng mahabang sandali ay nakatanggap rin ng mensahe si Selene na may ilang malamig na mga kataga. [Siguro.] Pagkatapos ay naupo si Selene sa harap ng hapag, sandaling tinitigan ang lamesa na puno ng mga pagkain. Sensitibo ang damdamin ng mga babaeng nagdadalang tao at matagal naman na niyang nakasanayan na hindi siya mahal ni Davron, ngunit labis pa rin ang nararamdaman niyang lungkot ngayong gabi. Inangat niya ang kaniyang tingin sa orasan. Lumalalim na ang gabi at medyo malamig na ang mga pagkain na n
Matagumpay na pinirmahan ni Selene ang kontrata. Lasing na si Mr. Hidalgo nang maglakad ito palapit sa kaniyang tabi. "Miss Averilla, hinahangaan talaga kita. Pwede kitang ipakilala sa kahit anong proyekto sa susunod." Medyo pagewang-gewang na si Mr. Hidalgo kapag naglalakad. Pinagmasdan nito ang kagandahan na nasa ilalim ng liwanag at ang nito puso ay umaalon. Hindi maiwasan ni Mr. Hidalgo na lapitan si Selene para yakapin at gustong halikan. "Napakaganda mo talaga, Miss Averilla." Sumama ang pakiramdam ni Selene sa pinaghaling amoy ng alaka at sigarilyo at gusto niyang magsuka dahil dito. Itinulak ni Selene si Mr. Hidalgo nang makalapit ito sa kanya. Ginawa ito ni Mr. Hidalgo bilang isang libangan at lumapit pa lalo na may ngiti, hinawakan ang nito ang kamay ni Selene at tumangging bumitaw. "Miss Averilla, hindi madaling magsumikap sa Manila nang mag-isa. Malaki ang maitutulong ko sa iyo panigurado." Pagkatapos sabihin ang mga katagang iyon ay muli niyang hinalikan ang
Tumatak kay Selene ang salitang "puta" na mula sa bibig mismo ni Davron. Namutla ang mukha ni Selene, namaga ang kanyang ulo, at ang mahahabang mga kuko ay mariing kumukurot sa kaniyang palad, gamit ang sakit upang mapanatili ang huling piraso ng pagiging disente. Marahil. Sa mga mata ni Davron, isa lamang syang klase ng tao na kayang gawin ang lahat para lang sa pera. Dalawang beses siyang huminga ng malalim at hindi intensyong depensahan ang sarili. "Medyo maluwag lang ang oras ko nitong mga nakaraan, at nagkataon na kumuha ako ng order." hindi gusto ni Selene na maging awkward ang mga bagay sa pagitan nila ni Davron kaya humakbang siya paatras. Hindi rin gusto ni Davron na gawin ni Selene ang mga ganoong walang katuturang mga bagay, "Anong klaseng tao si Francis Hidalgo, nagtanong ka man lang ba ng tungkol doon?" Walang imik si Selene. Pinilit siya ni Davron na iangat ang kanyang mga mata. Mabagsik ang lalaki at mariing nakatikom ang mga labi. "Wala kang alam." sambit ni
Hindi na hinintay ni Mrs. Zalderriaga ang sagot ni Davron. Pinigilan ng ginang ang kanyang galit bago muling nagsalita, "Sinabi sa akin ni Doctor Buena na nakita niya kayo ni Selene sa ospital." Hindi sinasadya ni Davron na ipaalam ito sa kanyang ina. Ngunit dahil hindi na niya ito maitatago ay wala nang silbi ang patuloy na pagpapanggap. "Oo." sagot ni Davron. " Obstetrics and Gynecology?" tanong ng ginang. "Bakit mo ako tinatanong kung alam mo naman ang lahat?" Halos magalit si Mrs. Zalderriaga sa anak. Ngunit ang anak na ito ay palaging napaka-opinionado mula pa noong siya ay bata palang, at walang sinuman ang maaaring gumawa ng anuman tungkol sa lalaki. Hindi alam ng ina ni Davron na idinala si Selene sa operating room. Agad nitong inutusan ang driver na magmaneho papunta sa ospital. "Buntis ba si Selene?" dagdag nitong tanong. Nanatiling tahimik si Davron. Habang pinag-iisipan ito ni Mrs. Zalderriaga, mas nararamdaman na niya iyon. Halos masuka si Selene noon nang kuma
Napakahusay ni Davron. Nang hapon ding iyon ay nagpa-appointment si Selene para magpa-eksamin at para sa opera kinabukasan. Isa itong pribadong ospital na nakapangalan sa pamilya nila Davron. Natural, hindi na niya kailangan pang pumila o maghintay pa ng matagal. Akala ni Selene na kailangan niyang mag-isang pumunta sa ospital para sa operasyon, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, hindi pumasok si Davron sa trabaho nito kinabukasan at ipinagmaneho si Selene patungo sa ospital. Nagkaroon ng pulang ilaw sa intersection. Dahan-dahang huminto ang kotse, bahagyang itinapik ang hinlalaki, at kaswal na nagtanong kay Selene, "Dinala mo ba yung mga medikal na rekord galing sa ospital noon?" tanong nito. Nakaupo ngayon si Selene sa co-pilot seat, inilingin niya ang kanyang ulo at tahimik na tumingin sa bintana, "Dinala ko." "Nasaan ang examination form?" dagdag na tanong ni Davron. Pinunit ni Sew ang lahat ng exam form na isinagawa niya sa ospital noon. Matagal niya nang hind
Binigyan siya ni Davron ng isang pagpipilian. Hinarap nito ang bagay sa pinakadirekta at simpleng paraan. Malinaw na alam ni Davron na hindi niya kayang bayaran ang 80 milyong piso bilang mga liquidated damages. Hindi na banggitin ang 80 milyong piso. Kahit 800,000 pesos pa. Wala siyang ganito kalaking halaga. Natahimik si Selene. Napakatiyaga ng abogadong si Regala at hindi siya hinimok na agad na pumili. Pagkaraan ng ilang sandali, itinulak niya ang naunang pinirmahang kontrata sa harap ni Selene sa postura ng pakikipagnegosasyon, "Ms. Averilla, malinaw na nakasulat sa kontrata na nilabag mo ang kontrata." Karamihan sa mga abogado ay mukhang seryoso. Naramdaman ni Selene na medyo masama ang lalaking nasa harapan niya. Mababa ang tingin nito sa kaniya na may halong superior na attitude, pero itinago niya nang husto ang kanyang kayabangan. "Hindi naman gusto ni Mr. Zalderriaga na ituloy mo ang iyong paglabag sa kontrata. Pinakamainam para sa parehong partido na umatras."
Tila isang guro si Davron na mabait na nagpaalala kay Selene. Mahinahon at walang awa nitong sinabi sa kanya ang mga patakaran ng laro. Palagi siya nitong pinaaalalahanan. Nilabag naman ni Selene ang kontrata sa pagitan nilang dalawa ni Davron. Hindi naging totoo si Selene. Nakakadismaya iyon. Nagpanting ang mga tainga ni Selene, at kinailangan niya pa ng ilang oras para lunukin ang mga sinabi ni Davron sa kanya. Contractual Marriage. Oo. Nagkaroon lamang silang dalawa ng kontrata. Hindi sila pumasok sa isang marriage hall dahil sa mahal nila ang isa't isa. Marahil ay itinuturing lamang siya ni Davron bilang isang angkop na katuwang. Dahan-dahang huminga si Selene. Ilang beses niyang sinubukan, ginalaw ang sulok ng kanyang bibig, ngunit hindi niya alam kung ano pa ang sasabihin. Tahimik namang nagsindi ng sigarilyo si Davron sa kanyang harapan, at ang hiningang kanyang nilunok ay naglalaman ng matinding lasa ng tabako. Pagkatapos sindihan, bihira lang manigar
Napakahusay na nakakapaglabas ng emosyon ang mga luha. Dahan-dahang itinaas ni Selene ang kanyang mapupulang mga mata at tumingin sa walang pakialam na mga mata ng lalaki, "Sa totoo lang, ilang araw na akong nagpaplano na sabihin ito sa iyo." Nasa hustong gulang naman na sila. Hindi na dapat sila masyadong isip-bata at impulsive. Kahit na anong mangyari, inosente ang bata. Dahil lang naman ito sa kanyang kawalang-ingat kaya nabuo ang munting buhay na ito. Kahit na gustong ipanganak ni Selene ang bata, kailangan niya pa rin itong sabihin kay Davron. Ang isang bata na lumaki sa isang solong magulang na pamilya ay hindi kasing ganda ng ipinapakita sa mga drama sa TV. Sa pinansyal, maaaring hindi niya kayang ibigay sa kanyang magiging anak ng pinakamagandang buhay. Sa emosyonal naman, gaano man kalapit ang ina, hindi niya mapapalitan ang tungkulin ng isang ama. Napakaraming isinaalang-alang ni Selene, at hindi na importante para kay Davron na gumanap bilang isang ama. Kung ayaw
Halos maputol na ang balat ni Selene sa matulis na gilid ng papel. Ang sikreto na halos isang buwan niyang itinago ay tila bigla na lamang ikinalat isang araw. Nahuli siya sa kawalan. Kinuha ni Selene ang listahan na iniabot ni Davron. Hindi niya ito nilingon, bagkus ay itinago niya iyon ng tahimik. Pagkatapos ng mahabang katahimikan ay tumingin sa kanya si Selene, "Oo, buntis ako." ani Selene nang may kagaanan ng loob. Matagal na niya itong tinatago. Kailangan pa rin niyang makita ang liwanag ng araw. Natatakot siya na baka makakita siya ng anumang mga pahiwatig sa mga darating na araw na ito, natatakot siya na kailangan pa niyang harapin ang kalupitan ni Davron sa susunod na mga segundo. Ngunit pagkatapos niyang ipaalam ang tungkol dito, tanging kapayapaan lang ang nasa puso niya. Tuluyang nahulog ang malaking bato na nahuhulog sa hangin. Nalasahan ni Selene ang mapait na lasa sa dulo ng kanyang dila. Hindi niya alam kung ano ang susunod na mangyayari, ngunit nahulaan na
Tila kumalma naman ang dugo ni Selene sa pagkakataon na ito. Pinigil niya ang paghinga, inangat ang nanginginig na mga pilikmata, at maingat na sumulyap sa papel na nasa kamay ni Davron. Isang kulay abo na imahe ang naka-imprenta sa puting papel. Maging ang border nito ay malinaw na nakikita. Nanigas si Selene sa kaniyang kinatatayuan, at ang kanyang mga paa ay tila may mga kuko at napuno ng tingga na tubig. Napakabigat ng mga ito kaya hindi niya magawang buhatin ang mga ito. Halos wala rin siyang lakas ng loob na tingnan ang ekspresyon ni Davron sa mga oras na iyon. Inilagay ni Selene sa shredder ang lahat ng mga test report na kinuha niya sa ospital. Itong B-ultrasound report lang ang hindi niya kayang itapon, at itinago sa loob ng cabinet. Ngayon ay hindi na niya alam kung paano pa ito nalaman ni Davron. Pinilit ni Selene na pakalmahin ang kanyang sarili. Marahil na ang hawak ni Davron ay ang sarili niyang test report, at maaaring hindi ito kay Selene. Ikinuyom niya ang kany
Sa pagbabalik tanaw sa nakaraan, halos walang kahit ano na makakapagpasaya kay Selene. Ang tanging mga taon na nakakahinga siya ng maluwag ay panigurado ang carefree na labing anim o labimpitong taong gulang ng ibang tao. Ang kalagitnaan ng tag-araw noong siya ay pinakabata. Bukod sa mga gastusin sa pagpapagamot ng kanyang ina, wala na siyang ibang dapat pang ikalungkot. Araw-araw ay palihim niyang pinagmamasdan ang taong gusto niya. Matagal na naupo si Selene sa lounge chair sa ibaba ng kumpanya. Sobrang pagod talaga siya. May pagka-inip niyang tiningnan ang mga taong dumadaan. Karamihan sa kanila ay nagmamadaling magtrabaho. May mga batang nagpapakain ng mga kalapati sa parke sa tapat, at mga part-time na estudyante sa kolehiyo na nagbebenta ng mga bulaklak. Tulala na tinitigan ni Selene ang mga rosas sa kanilang mga kamay. Puno ng mga rosas ang likod bahay ng pamilya Zalderriaga. Ngunit ni isa ay walang para sa kanya. Pagod na tumayo si Selene at binalot ang sarili ng mahigpit ga
Natigilan si Selene dahil sa tanong at bahagyang nalito. Inangat niya ang kaniyang ulo at nakita ang ekspresyon ni Davron na talagang malungkot at hindi maipinta. Nasulyapan niya ang hindi gumagalaw na adam's apple niti, at ang mga kilay at mga mata, na noon ay palaging banayad, ay malamig at mabisyo. Medyo nanakit na ang baba ni Selene mula sa pagkurot ni Davron sa kanya, "Hindi." pabulong niyang sambit. Tumingin sa kanya si Davron nang may ngiti. "Secretary Averilla, pag-isipan mo munang mabuti bago ka magsalita." Nasalubong ni Selene ang malamig na mga mata ng lalaki at muling natigilan. Nagsimulang magduda si Selene kung talaga bang may nagawa siyang anumang bagay na ikababagsak ni Davron nitong mga nakaraang araw. Hindi naman niya binenta ang mga sikreto ng kumpanya. Hindi niya ibinunyg kahit isang salita tungkol sa itinerary tulad nokng mga babaeng nagpunta sa kumpanya para magtanong ng kinaroroonan ni Davron. Umiling si Selene bilang pagsang-ayon, "Hindi, Mr. Zalderria