"Manang Tess, Isang lugaw nga ho at saka dalawang toge," sabi ni Monique, sabay sumalampak na ng upo sa lugawan na malapit sa pilahan ng jeep.
"Niknik, tanghalian na lugaw ka pa rin? Lugaw na naman pati ata hapunan mo lugaw na rin ah," puna ni Nelson, isa sa mga driver na naroon. Bata ito at halos hindi nalalayo sa kanyang edad. "Oh, ano naman sayo ha? Nelson?" tugon ni Monique, bahagyang nakataas ang kilay. "Baka gusto mo ng sopas, Oh meron pala ritong palabok si manang gusto mo ba? Libre na kita," alok ni Nelson. "Naku Nik-Nik. Huwag na huwag mong matatanggap ang panlilibre na yan ni Nelson. Tiyak ko may kapalit na orasiyon yan naku mahojolo la," singit naman nung isang driver na medyo may edad na. At nagtawanan ang lahat. "Bakit ano naman ang masama? Binata naman ako at dalaga naman siya," depensa ni Nelson. "Naku tigil tigilan mo nga yang pangangarap mo ng gising Nelson. Yang pagkaganda gandang iyan ni Nik-Nik Eh sayo lang mapupunta. Mag aral ka munang mag toothbrush at saka magpa pustiso ka bago ka mangarap," tukso naman sa kanya ni Baldo, isa pang driver. "Kayo talaga grabe kayo mang api. Naalala ba yung pelikula ni Kris Aquino at saka ni Chitae oh di ba wala namang imposible basta real love," pagmamalaki ni Nelson. "Gonggong, pelikula lang yun. Naku basta wag kang mabubudol dyan Monique sinasabi ko sayo huwag mo ng hayaang lumaganap ang lahi niya ni Nelson. Mag iingat ka," sabi pa ng matanda. Tila naman napikon si Nelson at dumilim ang mukha. "Naku ho, tigilan n'yo na yang pang aasar kay Nelson baka mapikon yan at magbiti. Hindi ho ako mag bo boyfriend lalo namang hindi magaasawa," sabi ng dalaga. "Sa Hirap ng buhay ngayon wala sa bokabolaryo ko yan," aniya pa. "Eh bakit nga ba kasi Monique at naririto ka At nagtitiyagang mag barker. Alam mo kung ako sayo, sa ganda mong yan. Makakabingwit ka ng milyonaryo kailangan lang medyo bawasan mo ng konti yung sungit mo tsaka medyo maging malambing ka at magsuot ka ng mga sexy na damit," payo ni Manang Tess, ang may-ari ng lugawan. "Tama! Hindi yang ganyan ang suot mo kung hindi ka naka maong na lawlaw naka t shirt na mahaba kung minsan naman ay may tuwalya sa balikat. Minsan nga naka jacket ka pang para kang girl version ni Fernando Poe Junior eh. Pano ka makakabingwit ng bilyonaryo niyan?" singit naman nung isang kumakain na ng tanghalian. "Naku kayo talaga, wala sa bilyonaryo ang true love. Wlaa ng forever ngayon problema na lang oh diba araw araw meron," sabi ng dalaga. "Naku sinasabi mo lang yan, Naku yang ganda mong yan sigurado ako sayo Monique titiba tiba ka ng pera kaysa diyan ka lamang kay Nelson barya barya lang ang kita," singit naman ng isa pa. "Naku kayo talaga, si Monique na naman ang nakita n'yo. Pero may ponto din sila Niknik. Sa sitwasyun ng byhay n'yo ngayon pera ang pinaka mahalaga sa mundo." "Hindi pa ho ba kayo nagsasasawa? Araw araw sa sitwasyon ho ng pamilya ko ay hindi ko iniisip ang lalandoan na yan. Saka ayoko naman pong mag asawa na dahil lamang sa gusto ko yung pera niya. Wala ho sa prinsipyo ko ho yun. Gusto ko, kung mag aasawa ako ay dahil mahal ko. Kaya malay n'yo kapag nag tiyaga tiyaga yan si Nelson, makikita niyo baka isang araw na lang magulat kayo syota ko na yan!" biro ni Monique. "Iyon na ang katapusan ng mundo," sabi ni Aling Tess at sabay-sabay na nagtawanan ang mga taong kumakain na yun sa lugawan."Diyos ko huwag ka sanang magdilang anghel Niknik tinaman ng lintek," sabi naman ng isang driver na alam niyang ka-close ng kanyang.
Kabanata 2: Ang Pagsubok "Ate Niknik... Ate Niknik...!" sigaw ng batang si Torong na pawisang at hinihingal pa. "Oh, Torong bakit ka tumatakbo? Bakit ka nandito? Nakabalik ba agad ang tatay?" tanong ni Monique. "Ate Niknik, si Tatay Baste nakadali ng kotse. Ang laki ng gasgas. Ayaw tantanna si Tatay Baste pinababayaran ang damage!" sabi ni Torong. "Ano! Diyos ko pag minamalas naman talaga! Asan ang tatay? San banda nakadale? "Sa may National Books Store. Malapit lang. Yung kotse ang may sala Ate Niknik," sagot ni Torong. "Naku Torong sa tulad nating dukha, kelan man hindi tayo Magiging tama, pustahan tayo pati sa traffic enforcer, driver ang mali. Tara samahan mo ako doon," sabi ni Monique at nakitakbo na rin kay Torong. Malapit lang naman ang National bookstore. Inabutan ni Monique na donuduro ng may edad na lalaki ang kanyang ama. Agad na lumapit si Monique at pumuwesto sa harap ng tatay niya saka soninyasan si Torong na iatra ito. "Sir, mapaguuspaan ko ho ito ng maayos, hindo niyo kailangang manduro sir," pakiusap ni Monique. "Eh gonggong yan eh pinipilit pang ako ang mali eh, pinanghihinayangnan mo yang kalawang na jeep na yan eh ang gasgas sa kotse ko ano ganun na lang?" anito. Sinipat ni Monique ang puwesto ng sasakyan. Mukhang ang tatay nga niya ang nakadale pero napakaliit ng gasgas ng kotse samantalang ang jeep ng tatay niya ay yupi. Lumabnaw ang dugo ng ulo ni Monique. "Bosing baka pwede na nating itong ng paguspaan ng maayos. Wala na ho tayo magagawa eh parehas ng gasgas," sabi ni Monique. "Oo tama, pagusapan n'yo na yan Miss dahil nakakaabala na kayo sa trapiko. Kanina pa naman nakikipagusap si Mr. Lim eh pero matigas ang tatay mo," sabi ng enforcer. Nanlisik ang mga mata ni Monique at sinulyapan ang walang kuwentang enforcer, palibhasa busog sa kutong at paldo palso sa witik ng mga insik na ito na naghahari- harian sa Pilipinas. "Sige ho, magkano ho ba ang atraso ng tatay?" sabi na lang ni Monique ng matapos na. "Bente mill nga kanina ko pa sinasabi," sabi ng lalaki. "Bente mill ho? Eh napakaliit naman ho ng gasgas ah," halos tumirik ang mata ng dalaga. "Mahal magpahilamos ngayon. Paano ba 'to chief, mukhang ayaw pa magbayad, sampahan ko na lang ng kaso," sabi ng lalaki. "Teka lang, abala pa 'yan. Miss makipagbargain ka na lang ng matapos na ito," sabi ng enforcer. Sinuyapan ng matatalim na mata ni Monique ang kupal na enforcer. "Sir baka naman ho pwedeng bawasan ninyo. Magkano lamang ang kita ng tatay ko. Baon ho kami sa utang sa ngayon......" "Tama na ang drama. Sige sampong libo sagad na yun. Gusto kong makuha yan sa loob ng isang linggo. Eto ang calling card ko. Tandaan mo isang linggo lang," sabi ng lalaki saka sumakay sa kotse niya umatras at iniwan sila. "Oh sige na, ihatid mo na ang mga pasahero mo. Traffic na oh sabi ng enforcer na nilayasan na din sila at saka lang nang traffic." Sumampa naman na ang ama at inihatid na ang mga pasagero kasama si Torong. Kita ni Monique na hiyang hiya ang ama sa kanya dahil wala itong kibo at halos hindi makatingin sa kanya. Tinanguan na lamang niya ito at binilinang magingat. Tulala namang nanglakad pabalik ng garahe si Monique na hindi malaman kung saan kukuha ng sampong libo. Naisip niyang ibenta ang kuwentas na regalo ng kanyang ina noon debut niya pero naalala niyang kabilin-bilinan nito na huwag alisin sa kanyang leeg. Hindi niya ito suot sa ngayon mula ng mag barker siya dahil delikado sa mga batang Hablot King, pero sinigurado niyang nakatago naman iyon. Naisip din niya na mag advance kaya siya sa amo ng tatay niya. Baka sakaling pagbigyan naman sila.Nasa ganun pagmumuni-muni si Monique nang hindi niya akalain na nasa buntot pa lang pala siya ng bagyo at wala pa sa mata. Dahil isang tawag mula sa ospital ang nagpanginig ng buong katawan ng dalaga.
"H-Hello..." kabadong sagot ni Monique. Kapag talaga tawag mula sa ospital ang sinasagot niya, nangangatog pati ang buhok niya sa ulo."Miss Natividad, tumaas po ang lagnat ng mother mo at nagkainfection po. Pwede po ba kayong mangtungo ngayon sa ospital? Kakausapin daw po kayo ni Doc for another operation," sabi ng kausap."Po, operasyon na naman? Hindi ho ba naoperahan na ang nanay ko?""Yes po Miss Natividad, ang kaso po ay nagkaroon ng malalang infection si Mrs. Natividad. Si Doc na lang po ang makapagpapaliwanag sa inyo regarding the procedure na kailangan," sabi ng nurse."Okay po, salamat."Hindi na nag-aksaya ng panahon si Monique, nag-backride na ito sa jeep na pinupuno ni Lureng at sumama sa biyahe. Alam niyang sa sandaling ito ay aabutan pa niyang nakapila ang ama. Agad hinanap ni Monique ang ama pagdating sa terminal."Boss Dado, si Erpat asan?" tanong niya."Nasa likod, alam mo na!" anito. Napakamot sa noo si Monique. Ang "alam mo na" na sinasabi ni Boss Dado ay sugal. Ba
"Ano pa ba ang gusto mo sa akin, Derrek? Hindi pa ba sapat ang lahat ng hirap ko? Kung saan-saan na ako nagtatago, halos nakayuko akong naglalakad, kulang na lang ay hindi na ako lumalabas para lang hindi nila ako makita," pigil ang damdaming sabi ni Monique.Ang muling pagkikita sa lalaking minahal niya ng sobra ay lalong nagpabigat ng kanyang loob at hinanakit sa tadhana na nagtakda ng lahat ng kanyang paghihirap. Kung pwede lang ibalik ang nakaraan, kung pwede lang na huwag na niyang mahalin ang lalaking nasa harap niya ngayon, kung pwede lang na kalimutan na ito at ang lahat ng alaala kahit sandali lang, pero hindi pa rin niya makalimutan."Saan pa ba ako tatakbo? Saan pang kagubatan o bundok magtatago ha, Derrek? Sabihin mo naman kasi, wala na atang lugar sa Pilipinas na hindi ko pa natakbuhan para lang lumayo sa'yo," tumaas na ang boses ni Monique lalo pa at wala lang kibo si Derrek na nakatitig lang sa kanya."Alam kong parang dumi lang ako sa pamilya mo, parang wala akong kwen
Nakatulog ng mahimbing si Derrek, pagod na pagod mula sa kanilang halos kamasutra-style na pagtatalik ng babaeng kasama niya. Matagal na niyang pinagpaliban ang buhay binata, ang pagiging malaya, dahil sa pagkakasakit ng kanyang ina.Simula nang ibulong ng kanyang ina ang kanyang hiling kay Derrek noong unang beses na dinala sa ospital, nagsimula na siyang maglakad-lakad, nagrebelde. Nakakausap pa ang ina noon. Nagtataka nga si Derrek kung bakit tatlong araw lang ang lumipas, hindi na niya ito makausap.Maraming test ang ginawa, paulit-ulit, halos hindi malaman ang sakit. Halos anim na buwan siyang nasa ospital bago nakumpirma na meningitis ang sakit ng ina, at malala na.Ang tunog ng teleponong patuloy na tumutunog ang nag-istorbo sa katahimikan ng isang hotel room sa Malate."Honey, honey, gising na. Ang phone mo, tumutunog nang tumutunog. Sagutin mo na," halos malata ang boses ng babae."Bahala na. Tulog na lang ako. Pagod na pagod ako," sagot ni Derrek. Pero patuloy pa rin ang p
"Please, Mom, lumaban ka please, laban Mommy. Huwag mo akong iiwan. I'm so sorry kung naging lagalag ako. Kung hindi ko sinunod ang hiling mo. If only I knew, Mommy, na lalala ka ng ganito, Mommy sana... sana ginawa ko na. Please mom, wake up... wake up. I promise... I promise to you I will do it. I will do it. Just please mommy, lumaban ka. Oh God! please help my mom, please help us." Pero matapos lang magdasal ng binata, isang nakakatakot na tunog, na ni sa panaginip ay ayaw niyang marinig, ang umalingawngaw sa katahimikan ng ospital."Tooot!! ! isang mahaba at nakakakilabot na tunog ang narinig ni Derrek kasabay ng pag-straight line ng guhit sa Cardio monitor ng kanyang ina. Nagkagulo ang mga naroon sa loob, ang isang doktor ay pinump ang dibdib ng mommy niya at ang dalawang nurse ay lumabas at nang magbalik ay dala na ang machine at inabot sa mga doktor."Charge to 150," sabi ng doktor."Ready," sagot ng nurse saka binigyan ng shock ang mommy niya sabay pinump ulit ng isang nurse

"Manang Tess, Isang lugaw nga ho at saka dalawang toge," sabi ni Monique, sabay sumalampak na ng upo sa lugawan na malapit sa pilahan ng jeep."Niknik, tanghalian na lugaw ka pa rin? Lugaw na naman pati ata hapunan mo lugaw na rin ah," puna ni Nelson, isa sa mga driver na naroon. Bata ito at halos hindi nalalayo sa kanyang edad."Oh, ano naman sayo ha? Nelson?" tugon ni Monique, bahagyang nakataas ang kilay."Baka gusto mo ng sopas, Oh meron pala ritong palabok si manang gusto mo ba? Libre na kita," alok ni Nelson."Naku Nik-Nik. Huwag na huwag mong matatanggap ang panlilibre na yan ni Nelson. Tiyak ko may kapalit na orasiyon yan naku mahojolo la," singit naman nung isang driver na medyo may edad na. At nagtawanan ang lahat."Bakit ano naman ang masama? Binata naman ako at dalaga naman siya," depensa ni Nelson."Naku tigil tigilan mo nga yang pangangarap mo ng gising Nelson. Yang pagkaganda gandang iyan ni Nik-Nik Eh sayo lang mapupunta. Mag aral ka munang mag toothbrush at saka magpa