Share

Chapter 2

Penulis: Epiphanywife
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-06 10:25:22

"Please, Mom, lumaban ka please, laban Mommy. Huwag mo akong iiwan. I'm so sorry kung naging lagalag ako. Kung hindi ko sinunod ang hiling mo. If only I knew, Mommy, na lalala ka ng ganito, Mommy sana... sana ginawa ko na. Please mom, wake up... wake up. I promise... I promise to you I will do it. I will do it. Just please mommy, lumaban ka. Oh God! please help my mom, please help us."

 Pero matapos lang magdasal ng binata, isang nakakatakot na tunog, na ni sa panaginip ay ayaw niyang marinig, ang umalingawngaw sa katahimikan ng ospital.

"Tooot!! ! isang mahaba at nakakakilabot na tunog ang narinig ni Derrek kasabay ng pag-straight line ng guhit sa Cardio monitor ng kanyang ina. Nagkagulo ang mga naroon sa loob, ang isang doktor ay pinump ang dibdib ng mommy niya at ang dalawang nurse ay lumabas at nang magbalik ay dala na ang machine at inabot sa mga doktor.

"Charge to 150," sabi ng doktor.

"Ready," sagot ng nurse saka binigyan ng shock ang mommy niya sabay pinump ulit ng isang nurse ang dibdib ng mommy niya.

Sabay-sabay na tumingin ang mga ito sa monitor pero patay pa rin ang linya.

"Ready, charge to 200!"

"Ready Doc"

"One, two, three," sabi ng doctor at muling kinuryente ang mommy niya kasunod ng sunod-sunod na pumping.

Ngunit nanatiling isang linya na lamang ang nasa monitor.

"No.. Mommy No.....!" Sabi ni Derrek at hindi na nakayanan ang nakikita at tumuyan nang umiyak ng makitang umiling ang doctor.

"Time of death, 4:05 AM," sabi ng doctor sa nurse na nag-assist.

Hindi na alam ni Derrek kung ano pa ang sinabi ng doktor sa kanyang ama dahil ng mga sandaling narinig niya ang time of death, parang nag-blanko ang isipan ni Derrek at parang biglang dumilim ang paligid niya at katahimikan lamang ang naririnig niya.

Samantala sa Blumentritt.....

"Quiapo, Quiapo, aalis na.." sigaw ng isang magandang dalaga pero astig ang porma.

"Oh ate, baka late ka na, sakay na, Quiapo.. Quiapo!!" sigaw ni Monique.

"Manang, dadaan po ba ng PHG 'yan?" tanong ng isang babae na may kasamang matanda.

"Hindi!  At hindi pa ako manang!  Susmaryosep ka naman ateng, halos kaedad lang kita eh.  Doon ho ang PHG, tawid kayo ng kalsada at sumakay ng jeep patungo roon," turo ng dalaga sa kabilang kalsada.

Likas na masungit at suplada si Monique, lalo pa at nainsulto siya.  Bukod pa sa sinukluban siya ng problema ngayon mga panahong ito.

"Mukha na ba siyang manang na, grabe, ang hard ni Ateng!"  Matapos ang tanong na iyon, pasimple sinipat ni Monique ang sarili.

Parang manang nga ang suot niya pero kapag humagod ang tingin sa itaas, naku, pang-binibining Pilipina 'to, noh!  sabi pa niya.

"Oh, apat na lang, lalakad na.  Oh, konting silsik naman, upong makatarungan lang mga bossing.  Huwag tayong garapal, bigyan ng karapatan ang lahat upang ang lipunan ay umunlad," daldal ni Monique.

"Nay, dito na ho kayo sa dulo maupo... Bosing, baka naman, paurong na lang ng konti ng makaupo agad si nanay, matikas pa tuhod n'yo kaya n'yo pang tumusad," sita niya sa lalaking nasa bungad at tamad umirong kahit may sumakay na Senior Citizen.

"Konting usog na lang po tayo mga kababayan, mahal ang bigas kaya huwag maangas.  Konting usog lang at konsiderasyon sasarap tiyak ang tulog ninyo mamayang hapon," sabi pa niya.

"Meron pa ba miss, puno na ata, pinagkakasya mo pa," tanong ng malditang pasahero. Pero hindi uubra ang kamalditahan nito kay Monique. M*****a rin siya with a class.

"Dalawa pa ang bakante miss, pero malamang pag sumakay ka, mukhang full capacity na agad," suplak niya dito.  At nanggets naman ng mga pasahero kaya ang iba ay natawa at ang iba ay nonchalant kaya pagpasensyahan na.

"Oi, konting siksik lang po mga maam at sir, kung ayaw ng virgen, doon tayo sa biyuda, maluwang na bihasa pa.  Kung ayaw n'yong maipit at mainitan, bumili ng kotse at gawing kape ang gasolina.  At ang pinagkamahusay na solusyon, huwag kumain ng kanin lamig with pancit canton sa gabi," patutsada ni Monique.  Napikon ata ang babaeng double XL ang size at hindi na sumakay.

"Quiapo.. Raon.. Baclaran Rotonda... dalawa na lang lilipad na!"  muling sigaw ng dalaga.

"Tara na pogi, dalawa pa, sakto hinihintay talaga kayo ng jeep na ito, destiny nga naman.  Kasyang kasya pa kayo, pwede pa ngang magdisco," sabi pa niya na binola ang dalawang estudyante para sumakay na.  Nang mapuno ay gumawi si Monique sa driver.

"Alright na boss, siksik liglig at imaapaw na bosing, arangkada na," sabi niya sa driver sabay lahad ng kamay.

"Siniksik mo ba?"

"Na-555 ko na bosing, ni langgam di na makakapuwesto pa, Mang Bert," pagbibida niya.

"Good.  Lupet mo talaga sa pagtawag Nik-Nik, kaya ikaw ang paboritong barker dito eh," sabi ng driver ng jeep at inabutan si Monique ng bente pesos.

Pagkatapos magpasalamat at tanggapin ni ang halagang bente pesos ay isiniksik niya ito sa kanyang body bag na nakasukbit sa kanyang beywang at nagtawag ng bakanteng jeep na nakapila sa di kalayuan at naghihintay ng kanyang senyas.

Dalawa silang barker sa pila ng biyaheng Quiapo Libertad.  Yung mga lamang maraming jeepney driver ang sa kanya nagpapa-barker dahil daw mabilis mapuno ang jeep nila, kaso nga lang kadalasan ay lalaki at Dom ang mga sumasakay.

"Oops!  Tabi, tabi po tayo dyan, tabi tabi lang po baka po kayo sumabit sa jeep.  Manang, may pila ho tayo.  Doon ho ang pila.  PWD at Senior lamang po ang pwede dito sa harap agad," sita ni Monique sa babaeng nangunguna kahit may pila.

"Oh pila lang po tayo ha, dahan-dahan lang ha.  First come first serve po tayo tapos kapag nakasakay na po ay urong agad sa dulo ng hindi tayo matagalan," Muling pinagtiyagaang punuin ni Monique ang ikalawang jeep para lamang kumita ng bente pesos.

Ang ikatlong jeep na pumila ay ang jeep na minamaneho ng kanyang ama.  Originally kanila ang jeep na pinapasada nito.  Ngunit ngayon ay nakikipasada na lang ito.  Alaga ng ama ang jeep nito kahit second hand lang nabili pero ng maging masasakitin ang kanyang ina, naisanla iyon hanggang sa hindi na natubos kaya sinagad na lang na ibenenta.  Mabuti na lang mabait ang nakabili at sa kanyang ama pa rin ipinabibiyahe.

Nasa ospital ang kanyang ina at halos anim na balik na nga sa loob ng tatlong taon.  Unang sabi ay may tubig ito sa baga kaya ginawa ng tatay niya ang lahat para maipa-drain ang tubig sa isang operasyon.  Ngunit itong taon lamang ay isinugod muli ang kanyang ina dahil sa hindi ito maka-ihi at hindi na maigalaw ang katawan.

"Severe Pulmonary Edema" daw ang dumapong sakit sa kanyang ina at nasa ICU ito ngayon.  Natigil sa pag-aaral si Monique na nasa grade 12 na sana dahil sa sunod-sunod na pagkabaon sa utang.

Sinenyasan ni Monique ang ama na kasalukuyang umaatras para makapila.  May backride na binatilyo ang ama dahil nalilito ito sa pagsusukli.  Si Torong, na batang hamog with a heart pero madiskarte.  Isang daan ang bayad nito sa buong maghapon, minsan nililibre na nila ito sa tanghalian at hapunan dahil labing dalawa itong magkakapatid at basurero lamang ang magulang.

Kahit papaano ipinagpapasalamat pa rin ni Monique na hindi kasong hirap ng iba ang buhay nila, kung hindi nga lamang sana nagkasakit at napupunta sa hospital ang pera nila ay baka nakakaluwag naman sila.

Mabilis niyang pinuno ang jeep ng ama, hindi naman niya ito sinisingil, exempted ito siyempre."

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terkait

  • Contract And Lies: Marrying The Cold Billionaire   Chapter 3

    "Manang Tess, Isang lugaw nga ho at saka dalawang toge," sabi ni Monique, sabay sumalampak na ng upo sa lugawan na malapit sa pilahan ng jeep."Niknik, tanghalian na lugaw ka pa rin? Lugaw na naman pati ata hapunan mo lugaw na rin ah," puna ni Nelson, isa sa mga driver na naroon. Bata ito at halos hindi nalalayo sa kanyang edad."Oh, ano naman sayo ha? Nelson?" tugon ni Monique, bahagyang nakataas ang kilay."Baka gusto mo ng sopas, Oh meron pala ritong palabok si manang gusto mo ba? Libre na kita," alok ni Nelson."Naku Nik-Nik. Huwag na huwag mong matatanggap ang panlilibre na yan ni Nelson. Tiyak ko may kapalit na orasiyon yan naku mahojolo la," singit naman nung isang driver na medyo may edad na. At nagtawanan ang lahat."Bakit ano naman ang masama? Binata naman ako at dalaga naman siya," depensa ni Nelson."Naku tigil tigilan mo nga yang pangangarap mo ng gising Nelson. Yang pagkaganda gandang iyan ni Nik-Nik Eh sayo lang mapupunta. Mag aral ka munang mag toothbrush at saka magpa

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-06
  • Contract And Lies: Marrying The Cold Billionaire   Chapter 4

    "H-Hello..." kabadong sagot ni Monique. Kapag talaga tawag mula sa ospital ang sinasagot niya, nangangatog pati ang buhok niya sa ulo."Miss Natividad, tumaas po ang lagnat ng mother mo at nagkainfection po. Pwede po ba kayong mangtungo ngayon sa ospital? Kakausapin daw po kayo ni Doc for another operation," sabi ng kausap."Po, operasyon na naman? Hindi ho ba naoperahan na ang nanay ko?""Yes po Miss Natividad, ang kaso po ay nagkaroon ng malalang infection si Mrs. Natividad. Si Doc na lang po ang makapagpapaliwanag sa inyo regarding the procedure na kailangan," sabi ng nurse."Okay po, salamat."Hindi na nag-aksaya ng panahon si Monique, nag-backride na ito sa jeep na pinupuno ni Lureng at sumama sa biyahe. Alam niyang sa sandaling ito ay aabutan pa niyang nakapila ang ama. Agad hinanap ni Monique ang ama pagdating sa terminal."Boss Dado, si Erpat asan?" tanong niya."Nasa likod, alam mo na!" anito. Napakamot sa noo si Monique. Ang "alam mo na" na sinasabi ni Boss Dado ay sugal. Ba

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-06
  • Contract And Lies: Marrying The Cold Billionaire   Prologue

    "Ano pa ba ang gusto mo sa akin, Derrek? Hindi pa ba sapat ang lahat ng hirap ko? Kung saan-saan na ako nagtatago, halos nakayuko akong naglalakad, kulang na lang ay hindi na ako lumalabas para lang hindi nila ako makita," pigil ang damdaming sabi ni Monique.Ang muling pagkikita sa lalaking minahal niya ng sobra ay lalong nagpabigat ng kanyang loob at hinanakit sa tadhana na nagtakda ng lahat ng kanyang paghihirap. Kung pwede lang ibalik ang nakaraan, kung pwede lang na huwag na niyang mahalin ang lalaking nasa harap niya ngayon, kung pwede lang na kalimutan na ito at ang lahat ng alaala kahit sandali lang, pero hindi pa rin niya makalimutan."Saan pa ba ako tatakbo? Saan pang kagubatan o bundok magtatago ha, Derrek? Sabihin mo naman kasi, wala na atang lugar sa Pilipinas na hindi ko pa natakbuhan para lang lumayo sa'yo," tumaas na ang boses ni Monique lalo pa at wala lang kibo si Derrek na nakatitig lang sa kanya."Alam kong parang dumi lang ako sa pamilya mo, parang wala akong kwen

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-06
  • Contract And Lies: Marrying The Cold Billionaire   Chapter 1

    Nakatulog ng mahimbing si Derrek, pagod na pagod mula sa kanilang halos kamasutra-style na pagtatalik ng babaeng kasama niya. Matagal na niyang pinagpaliban ang buhay binata, ang pagiging malaya, dahil sa pagkakasakit ng kanyang ina.Simula nang ibulong ng kanyang ina ang kanyang hiling kay Derrek noong unang beses na dinala sa ospital, nagsimula na siyang maglakad-lakad, nagrebelde. Nakakausap pa ang ina noon. Nagtataka nga si Derrek kung bakit tatlong araw lang ang lumipas, hindi na niya ito makausap.Maraming test ang ginawa, paulit-ulit, halos hindi malaman ang sakit. Halos anim na buwan siyang nasa ospital bago nakumpirma na meningitis ang sakit ng ina, at malala na.Ang tunog ng teleponong patuloy na tumutunog ang nag-istorbo sa katahimikan ng isang hotel room sa Malate."Honey, honey, gising na. Ang phone mo, tumutunog nang tumutunog. Sagutin mo na," halos malata ang boses ng babae."Bahala na. Tulog na lang ako. Pagod na pagod ako," sagot ni Derrek. Pero patuloy pa rin ang p

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-06

Bab terbaru

  • Contract And Lies: Marrying The Cold Billionaire   Chapter 2

    "Please, Mom, lumaban ka please, laban Mommy. Huwag mo akong iiwan. I'm so sorry kung naging lagalag ako. Kung hindi ko sinunod ang hiling mo. If only I knew, Mommy, na lalala ka ng ganito, Mommy sana... sana ginawa ko na. Please mom, wake up... wake up. I promise... I promise to you I will do it. I will do it. Just please mommy, lumaban ka. Oh God! please help my mom, please help us." Pero matapos lang magdasal ng binata, isang nakakatakot na tunog, na ni sa panaginip ay ayaw niyang marinig, ang umalingawngaw sa katahimikan ng ospital."Tooot!! ! isang mahaba at nakakakilabot na tunog ang narinig ni Derrek kasabay ng pag-straight line ng guhit sa Cardio monitor ng kanyang ina. Nagkagulo ang mga naroon sa loob, ang isang doktor ay pinump ang dibdib ng mommy niya at ang dalawang nurse ay lumabas at nang magbalik ay dala na ang machine at inabot sa mga doktor."Charge to 150," sabi ng doktor."Ready," sagot ng nurse saka binigyan ng shock ang mommy niya sabay pinump ulit ng isang nurse

  • Contract And Lies: Marrying The Cold Billionaire   Chapter 1

    Nakatulog ng mahimbing si Derrek, pagod na pagod mula sa kanilang halos kamasutra-style na pagtatalik ng babaeng kasama niya. Matagal na niyang pinagpaliban ang buhay binata, ang pagiging malaya, dahil sa pagkakasakit ng kanyang ina.Simula nang ibulong ng kanyang ina ang kanyang hiling kay Derrek noong unang beses na dinala sa ospital, nagsimula na siyang maglakad-lakad, nagrebelde. Nakakausap pa ang ina noon. Nagtataka nga si Derrek kung bakit tatlong araw lang ang lumipas, hindi na niya ito makausap.Maraming test ang ginawa, paulit-ulit, halos hindi malaman ang sakit. Halos anim na buwan siyang nasa ospital bago nakumpirma na meningitis ang sakit ng ina, at malala na.Ang tunog ng teleponong patuloy na tumutunog ang nag-istorbo sa katahimikan ng isang hotel room sa Malate."Honey, honey, gising na. Ang phone mo, tumutunog nang tumutunog. Sagutin mo na," halos malata ang boses ng babae."Bahala na. Tulog na lang ako. Pagod na pagod ako," sagot ni Derrek. Pero patuloy pa rin ang p

  • Contract And Lies: Marrying The Cold Billionaire   Prologue

    "Ano pa ba ang gusto mo sa akin, Derrek? Hindi pa ba sapat ang lahat ng hirap ko? Kung saan-saan na ako nagtatago, halos nakayuko akong naglalakad, kulang na lang ay hindi na ako lumalabas para lang hindi nila ako makita," pigil ang damdaming sabi ni Monique.Ang muling pagkikita sa lalaking minahal niya ng sobra ay lalong nagpabigat ng kanyang loob at hinanakit sa tadhana na nagtakda ng lahat ng kanyang paghihirap. Kung pwede lang ibalik ang nakaraan, kung pwede lang na huwag na niyang mahalin ang lalaking nasa harap niya ngayon, kung pwede lang na kalimutan na ito at ang lahat ng alaala kahit sandali lang, pero hindi pa rin niya makalimutan."Saan pa ba ako tatakbo? Saan pang kagubatan o bundok magtatago ha, Derrek? Sabihin mo naman kasi, wala na atang lugar sa Pilipinas na hindi ko pa natakbuhan para lang lumayo sa'yo," tumaas na ang boses ni Monique lalo pa at wala lang kibo si Derrek na nakatitig lang sa kanya."Alam kong parang dumi lang ako sa pamilya mo, parang wala akong kwen

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status