Everyone's longing to find the right person for them. What if kung ang mahanap mo ay may mahal ng iba? Would you risk for it and let it be the right person for you? Or would you run away from it and find the another person who suits for being your right one?
View MoreLara's POV"48 out of 50. Hindi na masama." Bulong ko sa sarili habang tinitingnan ang huling cattleya na hawak ko. Kakatapos lang ng midterms kahapon at ngayon lang na-distribute lahat ng results.Dahil tapos na ang pre-hell week, magsisimula na bukas ang mahabang bakasyon namin. Wednesday na ngayon at ang sabi ni Cliff sa'kin ay susunduin niya ako dito sa bahay ng Friday pagkagaling niya sa society.Itinabi ko na ang mga gamit ko sa bag pagkatapos ay binuksan muli ang notes ko. Kanina pa ako nakadapa dito sa sarili kong kama habang nag-aaral dahil balak ko sana mag-advance review para sa mga susunod naming lessons. Hindi nga lang nakikipag-cooperate ang utak ko dahil ang dami kong iniisip.Hindi naman ako nagsisisi na pumayag ako sa pag-aya ni Cliff sa'kin sa Tagaytay, pero 'di pa rin mawala ang pangamba ko sa mga p'wedeng mangyari habang nandoon ako kasama siya. Mula Friday, hanggang Tuesday makakasama ko siya, 5 days 'yon!Sa totoo lang, dalawang araw ko nang pinipilit ang sarili k
Lara's POVLumipas na ang one week at halos mabaliw na ako kakaisip kung bakit mas lumalakas ang epekto ng presence ni Cliff para sa akin. Halos isang linggo na rin na madalas ko siyang nakakasama, hindi dahil sa practice kung hindi dahil kina-career niya yata ang pagpapanggap bilang boyfriend ko.Hindi naman sa nagrereklamo ako pero feeling ko kasi ako ang dehado sa set-up naming dalawa. Hindi ko naman alam kung paano ang gagawin dahil talagang consistent si Cliff sa pag-arte to the point na hatid-sundo niya na ako sa campus. Sabay din kami palagi kumain ng lunch at dinner, dahil pumupunta rin siya sa bahay. At madalas pa kaming lumalabas nang kaming dalawa lang. Kilala na tuloy kaming couple dito sa school dahil madalas kaming nakikitang magkasama.Napatitig ako sa kamay ko. Mga kamay ko na palagi niyang hawak at walang mintis iyon. Hays! Ayokong mas lumalim pa sa kaniya pero ayoko ring matapos 'to. Hindi pa ako sigurado sa feelings ko pero natatakot ako na baka umabot kami sa ganoo
"You're so cute." Pilyong ngumiti sa akin si Cliff kaya pilit akong ngumiti. Tiningnan ko ang dalawang kaibigan ko pati na rin si Pat at kitang-kita ko sa mga mukha nila na nagpipigil talaga sila ng tawa. "Ano'ng problema kung dim light ang gusto ko?" nagtatakang tanong ko. Hinawakan ako ni Mady sa braso pero hindi nito matuloy kung anuman ang gusto niyang sabihin dahil tawang-tawa ito. "M-May mali ba sa sagot ko?" "Oh my. I cannot! I'm sorry. Hindi na ako tatawa." Pinilit ni Mady ikalma ang sarili at huminga nang malalim. "Nakalimutan kong inosente ka pa." Nagsalubong ang kilay ko. "Ha?" "Nah. Nothing." "Gaga! Dare mo yan, magtanong ka ng maayos!" Hinampas ni Rhea si Mady habang pigil din ang pagtawa. Wait, so ito ang dare niya kay Mady? Ang tanungin ako? Tama ba ako? "Okay, okay. Here's my real question--" "Teka lang!" Pigil ko kay Mady. Napatingin naman agad ang iba sa akin. "Rhea, ayan ba ang pinalit mong dare sa kanya? To question me?" Tinaasan ako ng kilay ni Rhea
Lara's POV"Are you avoiding me?" Natigilan ako nang marinig ang boses ni Cliff mula sa likuran ko."Ha? Patawa ka. Ba't naman kita iiwasan?" Alanganin kong sagot. Nagsimula na naman ang kabang nararamdaman ko everytime na malapit siya sa akin.Ano ba 'yan! Kaya nga ako nagpresinta na ako na ang maghuhugas ng mga pinagkainan namin para makalayo saglit kay Cliff, e. Pero heto, ilang minutes pa lang ang nakalipas lumapit na naman siya sa'kin."I don't know. Ramdam ko lang na parang iniiwasan mo 'ko." Rinig kong sagot nito. Hindi na ako nagsalita pa at pinagpatuloy na lamang ang pagsasabon sa mga plato. "Can I help you?""I-Ikaw bahala." Lumapit sa katabing sink si Cliff at pumwesto sa gilid ko. "Marunong ka ba maghugas?""Of course, yes. I'm not a señorito," pilyong sagot nito.Natawa na lamang ako at maingat na inilagay sa sink na katapat niya ang mga nasabunan ko ng plato at baso. "Oh, ikaw magbanlaw. Ayusin mo, ha? Dapat
Lara's POV "Hoy, friendship! Wala ka bang balak kumain?" Walang gana akong bumangon mula sa pagkakahiga nang marinig ang boses ni Mady. "Ano'ng ulam?" "As usual, adobo. Alam mo namang yun lang ang kaya 'kong lutuin 'di ba?" Nakapameywang na umupo sa kama ko si Mady. Napabuntong hininga ako at akmang hihiga na ulit pero bigla nitong hinila ang kamay ko. "Friendship naman, tara na sa baba. Nagugutom na ako seriously." "Sino ba kasi nagsabi na hintayin mo pa 'ko? Hays! Mauna ka na. Ayokong kumain," bagot kong sagot. Nakita ko naman agad ang pagtaas ng kilay ni Mady. "Oh? Ano na naman?" "Siguro ayaw mo na sa adobo ko, no? Nagsasawa ka na ba?" seryosong tanong nito. Shutaness! Kasalukuyang lubog pa ang isip ko sa kahihiyan na ginawa ko sa harap ni Cliff kagabi, pero heto si Margarette at mukhang dadagdag pa. "Wala ako sa mood, okay?" Humiga na ulit ako at tinalikuran ito. "Bakit ba kasi bad mood ka? Kahapon ka pa ganiyan since umuwi
Kalahating oras na ang lumipas pero hindi ko pa rin mahagilap ang cellphone ko. Bigla akong kinabahan. Kabibili ko lang kasi noon at for sure pagagalitan at sesermunan na naman ako ng parents ko pag nalaman nila na nawala ko ito. Nilapitan ako nila Miho at Ate Josh dahil napansin na nila ang pagkabalisa ko. Sinabi ko na rin sa kanila ang problema at ipinagtanong ko kaagad sa lahat ng kasama namin kung nakita ba nila ang cellphone kong polkadots ang design ng case, pero wala raw silang napansin. Naku naman! Saan naman kaya napunta 'yon? Hinanap ko ito nang hinanap at tinulungan na rin ako ng iba pa. Hanggang sa matapos na ang practice, isang beses ko pang hinalungkat ang bag ko pero wala talaga ito dito. "Hindi mo pa rin makita?" tanong ni Cliff na kasalukuyang nasa tabi ko na pala. Napabuntong hininga ako. "Oo, sayang--" Biglang nanlaki ang mga mata ko nang may maisip. "Shitness! Hindi kaya nailagay ko pala 'yon sa bulsa ko bago umangkas sa motor mo?
Lara's POV "Cause tonight is the night that I'm feeling alright. We'll be making love the whole night through..." Pagkanta ko habang napapapikit. Isa ito sa paborito kong kanta at gusto raw nilang marinig na kantahin ko ito. "So I'm saving all my love. Yes, I'm saving all my love. Yes, I'm saving all my love for you..." Bahagya kong pinagmasdan si Cliff na kasalukuyang tumutugtog ng piano sa tabi ko. Kitang-kita ko kung gaano siya ka-expert sa ginagawa niya. Sinabi niyang kumuha raw siya ng piano lessons noong high school pa lamang siya, at tumutugtog na siya sa mga stage play sa ngayon sa ibang bansa. Bukod pa doon, may music school pa sila dito sa Pilipinas na mina-manage ng pinsan niyang si Ate Josh, na palaging present sa mga practice namin. Kasamahan din naman nito sa banda ang nakababatang pinsan nila na si Miho. Namamangha ako sa mga nakamit na niyang tagumpay. I felt proud of him. Nang matapos ang kanta, nagpalakpakan aga
Lara's POV "Maaga ka ulit aalis?" Napalingon ako kay Edward habang nagmamadali akong ipasok sa shoulder bag ang mga gamit ko. Isang linggo na lang ang titiisin kong kasama siya. Hays! Mabuti naman malapit na magbakasyon at end semester! "Oo nasa baba na kasi si Cliff, eh." Isinukbit ko na sa sarili ang bag ko bago ko siya tinapik sa balikat. "Malapit nang matapos ang project natin this sem. I'm so happy! Bye, Edward!" Tuluyan na akong lumabas ng room. Nagpaalam na rin naman ako kina Mady na may lakad ako ngayon kaya nauna na rin silang umalis sa akin. This past few days, madalas si Cliff na ang nakakasama ko at nasanay na rin ang mga kaibigan ko doon. "Lara?" Muli kong nilingon si Edward na hindi ko namalayang sumunod pala sa 'kin. "Oh. Paalis ka na rin?" "Yup." Napatango ako at natahimik na lamang. Palihim akong napataas ng kilay. Bakit sinasabayan ako ni Edward maglakad? "If you don't mind, sabay na tayo
Lara's POV "You ate already?" tanong ni Cliff habang busy sa pagmamaneho. Kanina pa ako nakatulala lang dito sa bintana sa passenger seat dahil hindi naman siya umiimik, pero heto at nag-initiate na siyang makipag-usap. "Hindi pa," mahina kong sagot. Narinig kong tumikhim siya kaya napalingon ako sa kanya. "Bakit? May problema ba?" "Nothing." "May ubo ka ba? Masakit lalamunan mo?" "Nope. I'm just thinking." Napakunot ang noo ko. "About saan?" "About our deal." Sumulyap siya sa akin sandali at tipid na ngumiti. Nakaramdam na naman ako ng kakaiba dahil sa ngiti niyang iyon pero palihim na ipinilig ko na lamang ang ulo ko. "Ahh, okay." Iniwas ko agad ang tingin dito. Pakiramdam ko sumisikip ang loob ng sasakyan dahil namimilipit ako. Hindi dahil sa sakit, kundi dahil hindi ako komportable sa ganitong pakiramdam na parang sobrang lapit niya sa'kin. Hindi komportable dahil ang lakas ng dating sa'kin no'n. Lalo na at ka
Lara's POV"ANDREA LARA PEREZ!!"Napakislot ako nang tawagin ng kaibigan ko ang pangalan ko."Ay, anak ng tipaklong! Bakit ba?" Pag-angal ko.Wala ako sa sarili sa mga oras na ito. Nandito kami sa St. Francis Square, na lagi naman naming pinupuntahan pag kailangan namin ng cold air, what I mean is aircon. Usually tambayan na namin 'to, lalo na pag mahaba-habang vacant ang pagdadaanan namin. At ngayon nandito kami dahil kami ay nagme-merienda! Haha! Sosyal no? Merienda lang, SFS pa."Ang sabi namin mukha kang broken hearted!" Iyan si Mady. Ang echosera kong kaibigan na red hair. Her full name is Margarette Denise Lerman, ang kaibigan kong hot pero bruha."Oo nga, habang may buhay may pag-asa." Pagtawa ni Jackie. Her name is Jackielyn Ersena. Ang blonde hair chick pero boyish, isa pang loka."Tse! Tigilan 'nyo ako kung ayaw n'yong maging pritong isda pag-uwi!" nanggigigil na sabi ko. Inirapan ko ang mga ito at sabay-sabay silang t...
Comments