Chapter: 20) Truth Bond 2Nagising ako ng quarter to 6:00 p.m.Dahil sa nangyari kanina nahirapan ako makatulog. Buti na lang ay nakapagpahinga ako kahit dalawang oras lamang.Nakakahiya naman kasi. Alam pala ni Cliff na nagpapanggap lang akong tulog kanina sa biyahe. Paano ko siya haharapin nito ngayon? Hays! Bahala na nga.Muli kong tiningnan ang sarili sa salamin. Nakasuot ako ngayon ng longsleeve crop top na kulay purple at black jagger pants. Nilugay ko lang ang buhok ko dahil kakatapos ko lang maligo kaya medyo basa pa ito. Nang masigurong presentable na ang itsura ko ay lumabas na ako ng kuwarto. Nasa dulo lang ng hallway ang pool area at mula doon ay naririnig ko na ang ingay ng mga kaibigan ni Cliff.Naglakad na ako papunta sa kanila at pagkarating ko pa lang ay napansin ko na agad na halos nandoon na silang lahat. Mukhang hindi nila napansin ang pagdating ko dahil may kanya-kanya silang ginagawa. Nilibot ko nang tingin ang paligid. Naghaharutan sa may gilid ng pool sina Joey at Joshua habang nagpap
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-04-29
Chapter: 19) Truth Bond 1"Kainis! Naiwan ko charger ko." Mariin kong bulong nang ma-realize ang katangahan ko. Sa lahat ng maiiwan, charger pa talaga?!Napaisip ako. Sigurado akong naipasok ko na kanina sa sling bag ang charger, pero ba't wala dito?!Napasulyap sa'kin si Cliff habang nagmamaneho. Mahigit isang oras na kaming nasa biyahe pero tahimik lang kami pareho. Kung siya ay naka-focus sa pagmamaneho, ako naman ay nagsuot na lamang ng headphones at nagpatugtog ng Paramore playlist ko. Pero sa kamalas-malasan nga naman, na-low batt na ang headphones ko kaya heto ako ngayon nag-iisip kung paano ako makakaiwas sa pakikipag-usap kay Cliff. Magkunwari nalang kaya ako na nakikinig pa rin ng music?Teka nga, ba't ba umiiwas akong makausap siya?! Magbabakasyon nga kaming magkasama tapos aarte ako? Hay nako self."Are you okay?" Pasimple akong nagulat sa biglang tanong ni Cliff. Napansin niya na naman siguro na hindi ako mapakali.Tipid akong ngumiti. "Ah, oo. Okay lang. Naiwan ko kasi charger ko. Hindi na ako ma
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-04-01
Chapter: 18) DilemmaLara's POV"48 out of 50. Hindi na masama." Bulong ko sa sarili habang tinitingnan ang huling cattleya na hawak ko. Kakatapos lang ng midterms kahapon at ngayon lang na-distribute lahat ng results.Dahil tapos na ang pre-hell week, magsisimula na bukas ang mahabang bakasyon namin. Wednesday na ngayon at ang sabi ni Cliff sa'kin ay susunduin niya ako dito sa bahay ng Friday pagkagaling niya sa society.Itinabi ko na ang mga gamit ko sa bag pagkatapos ay binuksan muli ang notes ko. Kanina pa ako nakadapa dito sa sarili kong kama habang nag-aaral dahil balak ko sana mag-advance review para sa mga susunod naming lessons. Hindi nga lang nakikipag-cooperate ang utak ko dahil ang dami kong iniisip.Hindi naman ako nagsisisi na pumayag ako sa pag-aya ni Cliff sa'kin sa Tagaytay, pero 'di pa rin mawala ang pangamba ko sa mga p'wedeng mangyari habang nandoon ako kasama siya. Mula Friday, hanggang Tuesday makakasama ko siya, 5 days 'yon!Sa totoo lang, dalawang araw ko nang pinipilit ang sarili k
ปรับปรุงล่าสุด: 2024-07-22
Chapter: 17) Usually NotLara's POVLumipas na ang one week at halos mabaliw na ako kakaisip kung bakit mas lumalakas ang epekto ng presence ni Cliff para sa akin. Halos isang linggo na rin na madalas ko siyang nakakasama, hindi dahil sa practice kung hindi dahil kina-career niya yata ang pagpapanggap bilang boyfriend ko.Hindi naman sa nagrereklamo ako pero feeling ko kasi ako ang dehado sa set-up naming dalawa. Hindi ko naman alam kung paano ang gagawin dahil talagang consistent si Cliff sa pag-arte to the point na hatid-sundo niya na ako sa campus. Sabay din kami palagi kumain ng lunch at dinner, dahil pumupunta rin siya sa bahay. At madalas pa kaming lumalabas nang kaming dalawa lang. Kilala na tuloy kaming couple dito sa school dahil madalas kaming nakikitang magkasama.Napatitig ako sa kamay ko. Mga kamay ko na palagi niyang hawak at walang mintis iyon. Hays! Ayokong mas lumalim pa sa kaniya pero ayoko ring matapos 'to. Hindi pa ako sigurado sa feelings ko pero natatakot ako na baka umabot kami sa ganoo
ปรับปรุงล่าสุด: 2024-03-28
Chapter: 16) Fiancé"You're so cute." Pilyong ngumiti sa akin si Cliff kaya pilit akong ngumiti. Tiningnan ko ang dalawang kaibigan ko pati na rin si Pat at kitang-kita ko sa mga mukha nila na nagpipigil talaga sila ng tawa. "Ano'ng problema kung dim light ang gusto ko?" nagtatakang tanong ko. Hinawakan ako ni Mady sa braso pero hindi nito matuloy kung anuman ang gusto niyang sabihin dahil tawang-tawa ito. "M-May mali ba sa sagot ko?" "Oh my. I cannot! I'm sorry. Hindi na ako tatawa." Pinilit ni Mady ikalma ang sarili at huminga nang malalim. "Nakalimutan kong inosente ka pa." Nagsalubong ang kilay ko. "Ha?" "Nah. Nothing." "Gaga! Dare mo yan, magtanong ka ng maayos!" Hinampas ni Rhea si Mady habang pigil din ang pagtawa. Wait, so ito ang dare niya kay Mady? Ang tanungin ako? Tama ba ako? "Okay, okay. Here's my real question--" "Teka lang!" Pigil ko kay Mady. Napatingin naman agad ang iba sa akin. "Rhea, ayan ba ang pinalit mong dare sa kanya? To question me?" Tinaasan ako ng kilay ni Rhea
ปรับปรุงล่าสุด: 2022-03-01
Chapter: 15) Twisted SpinLara's POV"Are you avoiding me?" Natigilan ako nang marinig ang boses ni Cliff mula sa likuran ko."Ha? Patawa ka. Ba't naman kita iiwasan?" Alanganin kong sagot. Nagsimula na naman ang kabang nararamdaman ko everytime na malapit siya sa akin.Ano ba 'yan! Kaya nga ako nagpresinta na ako na ang maghuhugas ng mga pinagkainan namin para makalayo saglit kay Cliff, e. Pero heto, ilang minutes pa lang ang nakalipas lumapit na naman siya sa'kin."I don't know. Ramdam ko lang na parang iniiwasan mo 'ko." Rinig kong sagot nito. Hindi na ako nagsalita pa at pinagpatuloy na lamang ang pagsasabon sa mga plato. "Can I help you?""I-Ikaw bahala." Lumapit sa katabing sink si Cliff at pumwesto sa gilid ko. "Marunong ka ba maghugas?""Of course, yes. I'm not a señorito," pilyong sagot nito.Natawa na lamang ako at maingat na inilagay sa sink na katapat niya ang mga nasabunan ko ng plato at baso. "Oh, ikaw magbanlaw. Ayusin mo, ha? Dapat
ปรับปรุงล่าสุด: 2022-02-27