Home / Romance / Common Denominator / 7) It's a BF thing

Share

7) It's a BF thing

Author: LovElle
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Dinala nga ako ni Cliff sa kaibigang doktor niya. Nang dalhin niya ako sa hospital para magpa-check up, hindi na ako nakatanggi pa. Ang mukha niya kanina, puno ng sincere. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na nag-aalala nga siya sa akin.

"Girlfriend ka ba ni Cliff?" tanong sa akin ng kaibigan niyang doktor na si Dean.

"H-huh? Psh. Hindi 'no!"

Napangisi ito. "Ngayon ko lang ulit siya nakitang may kasamang babaeng kaibigan," sabi pa ni Dean nang makahulugan.

"Oh? Wala ba siyang girlfriend?"

"Actually, meron before. Co-member ko rin kasi si Cliff sa BHS. You know that society?" Tumango ako dahil parang pamilyar ako doon. Parang nabanggit na sa'kin 'yon ng isa sa mga kaibigan ko. Pero hindi ko na inisip 'yon dahil naka-focus na ang atensiyon ko sa sinabi niyang girlfriend kuno ni Cliff. 

"Ahm--Before? So wala ngayon?" muling tanong ko.

"Yes. And after that, hindi ko na ulit nakita si Cliff na may kasamang babae. Maliban ngayon."

"Oh? Baka bakla siya?"

Natawa nang malakas si Dean dahil sa sinabi ko. "Why don't you find out for yourself, Lara?"

Bigla akong natahimik sa banat nito. Ano'ng ibig niyang sabihin? 

Nanlaki ang mga mata ko. Omo! NO!

"I can't do that!"

"Haha! Easy, I'm just joking!"

Napangiwi na lamang ako at nanahimik. Akala ko talaga sina-suggest niya 'yon eh. Masyado namang advance, ni wala pa nga akong first kiss. 

"Well.." Tumingin ulit ako kay Dean. "Hindi naman malala ang head injury mo sa aksidente. I'll just give you some stuffs to be sure, okay?" Tumango ako at inabot niya ang isang papel sa akin. "Here."

Tiningnan ko ang papel at nakasulat doon ang mga nireseta niya sa aking gamot.

"Iyang nireseta ko sayo, para mawala 'yang pamamaga sa noo mo, okay?"

"Yeah, sure. Thank you."

"You're welcome, honey." Nginitian ko siya tapos lumabas na ako ng clinic niya.

Paglabas na paglabas ko, sinalubong kaagad ako ni Cliff. Kitang-kita sa mukha niya na nag-aalala siya sa'kin. Nakonsensiya nga talaga ang mokong. 

"How are you, Lara? What happened?" Agad itong nagtanong. Lihim akong napangiti nang may kalokohang pumasok sa isip ko.

Sumeryoso ako ng mukha. "Ahm--Sino ka?"

Laglag ang panga na tiningnan ako nito. "Lara?"

"Sorry, ha? Hindi kasi kita maalala. Ang sabi ng doktor na nakausap ko kanina, nagkaroon daw ako ng short-term memory loss. Nawawala ang lahat ng alaala ko every after twenty-four hours," seryosong sabi ko.

"W-What? No, no! Not again." Umiiling ito at parang gusto nang sabunutan ang sariling buhok. Omo! Naniniwala ba siya?!

"Dean!" Napasigaw na tawag niya sa loob ng clinic. Hindi na ako nakapagpigil pa kaya humagalpak na ako ng tawa. Mula sa pagkataranta, napalitan ng pagtataka at pagkunot ng noo ang reaksyon ni Cliff. "What? Why?"

"I can't believe you fell for that!" Bahagya kong pinunasan ang mata kong maluha-luha na dahil sa kakatawa. "Joke lang 'yon! Haha! Bakit naman ako magkakaroon ng amnesia? Sa movies lang nangyayari 'yon 'no!"

Akala ko matatawa o mapapangisi siya sa pag-amin ko pero biglang naging blangko ang reaksyon nito. "That's not funny."

"Galit ka ba? Joke lang 'yon." Hindi na siya sumagot o nagsalita man lang bagkus ay tiningnan na lamang ako. At sa eksaktong pagkabukas ng pinto ni Dean, nag-walk out na siya sa harap ko.

Hala! Ano'ng nangyari doon? Ang pikon niya naman!

"What happened to him?" tanong ni Dean.

"Ewan ko. Nagbiro lang naman ako na nagkaroon ako ng amnesia eh. Napakatalino niyang tao para maniwala sa kalokohan ko. Sa movies lang naman madalas mangyari ang amnesia, 'di ba?" paliwanag ko pero bumuntong hininga si Dean. "Oh, bakit? May problema ba?"

"Well, I have to tell you this, Lara. Cliff's ex-girlfriend from the states suffered amnesia after she had an accident. He experienced it himself kaya natural lang na maniwala siya sayo."

Napanganga ako dahil sa narinig. Nagkaroon ng amnesia ang ex-girlfriend ni Cliff?! 

Then it hit me! Kaya siguro ganoon na lamang ang pag-aalala niya sa'kin kanina nang makita niya na may head injury ako. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit parang galit siya sa mga driver na careless magmaneho at kung bakit naaksidente ang ex niya.

Ano'ng ginawa ko?! Pinagtawanan ko pa siya! Ang akala ko kasi simpleng pagka-paranoid lang yung pinakita niya dahil sa nangyari sa'kin. 

"I-I'm sorry. I'm so sorry. Hindi ko alam." Shitness! Nagi-guilty ako!

"Wag ka sa'kin mag-sorry. Go and get your man, Lara--"

Hindi ko na pinansin pa ang huling sinabi ni Dean. Sa halip ay hinabol ko na ang papalayong si Cliff. Ano ba 'yan! Ang bilis naman niyang maglakad! Maaabutan ko pa ba siya niyan?!

"Cliff! Wait!"

Tinawag ko siya pero hindi niya ako pinansin. Dire-diretso at mas binilisan pa nito ang paglalakad palabas ng hospital. Dahil hindi ko na siya maabutan, mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko. 

"Cliff! Please stop!" Huminto ako sa pagtakbo at hinabol ang hininga ko. Hinihingal man, sumigaw pa rin ako. "I'm sorry!"

Huminto siya sa paglalakad. Sa wakas! 

Seryoso itong tumingin sa akin at lakad-takbo naman akong lumapit sa kaniya. "Sorry na, oh--"

"Okay lang." Okay lang daw! Halata namang labas sa ilong! Hindi naman niya ako papagurin sa paghabol sa kaniya kung okay lang 'yon.

"Sorry talaga. Hindi ko naman alam--"

"I said it was okay." Pinutol nito ang sasabihin ko. "Just don't remind me of it again," dugtong pa nito. 

Kung magsalita siya parang hinihiling niya na sana siya na lang ang nagka-amnesia. Lalo lang tuloy akong na-guilty. Tapos ngayon lumakad na naman siya at basta na lang akong iniwan. Gusto yata talagang magpahabol eh. Bahala siya! Hindi ko siya tatantanan. 

"Wait, Cliff!" Tawag ko sa kaniya. "Cliff, sandali lang!"

Huminto siya sa paglalakad at nilingon ako. "Why?!" Napasigaw ito kaya napakunot ang noo ko. 

"Akala ko ba okay lang? Bakit parang galit ka?"

"Hindi ako galit!"

"Eh bakit ka naninigaw?"

"Napakakulit mo kasi!"

"Aba ang labo mo--"

"Wag na kayong mag-away Misis. Mag-usap kayo nang maayos ng Mister mo," sabi ng Lola na napadaan malapit sa amin. Nanlaki ang mga mata ko at agad itinaas ang mga kamay ko para humindi. 

"Hehe! Nagkakamali po kayo, Lola. Hindi po kami--"

"Siya kasi Lola, eh!" biglang pagsingit ni Cliff kaya gulat akong napatingin sa kanya. Ang bruho, nakaturo pa talaga sa'kin!

"Hay nako kayong mga bata kayo, oo! Ayusin ninyo 'yan, ha?" ani Lola. 

"Yes po, ako na po bahala dito sa wife ko," sagot ni Cliff. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko. Ano'ng trip ng lalaking 'to?

"Sige, mauuna na ako sa inyo." Paalam ni Lola at tumango rito si Cliff. 

"Sige po, Lola. Salamat po." Agad akong natauhan nang tuluyang umalis si Lola. Hindi ko na napigilan ang kamay ko at nahampas ko si Cliff sa braso.

"Napakalabo mo!" inis na sabi ko. Sinamaan naman ako ng tingin ni Cliff.

"Bakit ba? What's your problem?" Ang conyo bwisit! Imbes na mainis ako, nadi-distract ako sa kaguwapuhan niya lalo eh!

"Ewan ko sayo!"

"You should be thankful dahil sinabi kong wife kita," ngisi nito sa akin.

"Hoy! Ang kapal! Para sabihin ko sayo hindi ko ginusto 'yon 'no! Sasabihin ko nga dapat na nagkakamali lang ng hinala si Lola. Ikaw naman itong si singit!"

"Don't you dare to call me singit!"

"Si-ngit!" Diniinan ko pa ang pagbanggit dito. 

"Whatever!" Umirap ito sa'kin. Inis naman akong napameywang at napairap din. "Akala ko ba nagso-sorry ka? Then how come na ikaw pa ang galit?"

Natahimik ako sa tanong nito. Hala! Oo nga! Nakalimutan ko. Na-carried away na naman kasi ako. Ano ba 'yan, Lara!

"Oh? Don't tell me you forgot already?" Halata ang pagkairita sa boses ni Cliff pero hindi pa rin ako makasagot. Kainis naman kasi.

"Psh!" Ayan nag-walk out na naman!

"Cliff! Wait kasi!" muli kong tawag dito. Lumingon naman agad siya sa akin.

"So?" Napataas ang kilay nito. Pero bakit siya nakangiti? Nang-aasar ba siya?

Malapit ko nang mabeltukan ang isang 'to sa totoo lang. Huminga ako nang malalim bago lumapit sa kaniya. Nakatingin lang siya sa akin habang papalapit ako nang bigla na naman siyang magsalita. 

"What? Wala kang sasabihin? Okay. I go." Inis akong napapadyak sa sahig dahil nag-walk out na naman ito. 

"Nakita mo na ngang naglalakad ako palapit sayo 'di ba?!" Napasigaw na ako pero nagpatuloy lang ito sa paglalakad at nagkunwaring walang narinig. Napabuga ako ng hangin dahil sa sobrang inis. Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na wag pumatol dito. 

"Tell me! Ano'ng magagawa ko para hindi ka na magalit?!" habol kong sabi sa kaniya.

Hindi ko alam kung bakit, pero hindi kasi ako mapakali knowing na galit siya sa'kin. Naiinis ako kasi nag-aalala na ako sa nararamdaman niya kahit kakikilala pa lang namin. Kung ibang tao ito, siguro ako pa naunang mag-walk out kanina pa. 

Tumigil siya sa paglalakad at natulala ako. Para itong slow-motion na lumingon sa akin. Seryoso na ulit ang mukha niya pero nuknukan pa rin siya ng guwapo! Naglakad siya palapit sa'kin at hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya na para bang na-magnet na ito dito. Sobrang pogi jusmiyo! Parang gusto ko tuloy kunin ang camera phone ko para kuhanan siya ng picture! 

Yung totoo?! Kailangan bang mag-isip ka ng gan'yan ngayon, Andrea Lara?!

"Well?" tanong ko sa kanya nang hindi siya agad nagsalita pagkalapit sa akin. Nakatitig lang kasi siya na para bang nag-iisip. "Cliff? Ano na--"

"Sing for me."

Napakunot ang noo ako. Ano raw? Kakantahan ko siya? Ngayon din? Ora mismo? Bakit naman ako kakanta sa harap niya ngayon?

"Bakit--" Natigilan ako. Ako ang may atraso sa kaniya ngayon, wala akong karapatang magreklamo. 

Saglit kong nilibot ng tingin ang paligid. Nasa labas na kami ng hospital at kaunti na lamang ang mga taong dumadaan. Sige na nga, pagbibigyan ko na lang siya. Tutal siya lang naman ang makakarinig.

Tiningnan ko ulit si Cliff. "Ano'ng kakantahin ko? Bahay-kubo? Ako ay may lobo? London Bridge? Ano?"

"No." Matipid itong ngumiti sa'kin.

"Ano'ng no-no? Eh 'di ba sabi--"

"I want you to sing at the upcoming annual party of our society." Muli na namang nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi nito. "Well?" tanong nito na ginaya pa ang tono ko kanina.

"Ako? Kakanta sa harap ng maraming tao? Sa members ng society? No freaking way!"

"Sure?"

"Yes!" mabilis kong sagot. "You know, Cliff? Mapapahiya ka lang dahil sa'kin. I can't sing! Kumuha ka na lang ng ibang singer--"

"Lara!"

Sabay kaming napalingon ni Cliff sa pinanggalingan ng boses na iyon. Teka? Parang sa kaniya ang boses na 'yon, ah?

Para akong nanigas sa kinatatayuan nang malamang siya nga ang tumawag sa akin. "Edward? Ano'ng ginagawa mo rito?"

Napakamot siya ng ulo. "Yung tropa ko kasi nahulugan daw ng isang sako ng semento. Pumasok kasi siyang construction worker. Alam mo na, extra lang. Bibisitahin ko sana."

Gusto kong mapa-wow sa haba ng explanation nito. Samantalang noong may kasama siyang ibang babae--Ay! Hindi niya nga pala alam na nakita ko 'yon!

"Ahh." Tumango na lamang ako. 

"Ikaw? Ano'ng ginagawa mo rito?" Ngumiti siya sa'kin pero hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pagsulyap niya sandali kay Cliff. Parang nagtatagisan pa silang dalawa ng tingin. "Siya ba yung boyfriend mo na ka-date mo nang isang araw?" dugtong na tanong nito. 

Shitness! Ano'ng sasabihin ko? Teka nga, bahala na!

Lumapit ako kay Cliff at pumulupot ako sa braso niya bago pilit na tumawa. 

"Oo, siya ang boyfriend ko." Natatawang sabi ko pero deep inside kinakabahan ako ng sobra. 

"No. She's--" Tatanggi pa sana si Cliff kaya bigla ko siyang inakbayan para mapalapit sa'kin ang tenga niya. 

"Fine. Kakanta ako sa society niyo. Just go along with me, okay?" Nanggigigil na bulong ko at ngumisi naman ang mokong.

"Hindi? Akala ko ba--" Taranta kong binalingan ulit si Edward nang marinig ang pagtataka nito. 

"Nope, I'm not his girlfriend! I'm his--" Saglit akong nag-isip pero wala akong masabi.

"Fiancee. She's my fiancee." Nakangiting dugtong ni Cliff.

"Yeah! I'm his fiancee. Yehey! Can you believe that?" Masayang sang-ayon ko. Kitang-kita ko kung paano nag-iba ang ekspresyon sa mukha ni Edward. From masaya to nalugmok. Gusto kong humagalpak ng tawa seriously!

"Really?" Tumango kami pareho ni Cliff. "That's great. I'm happy for you, Lara," sabi nito pero walang mababakas na kasayahan sa mukha niya. "So, ano'ng ginagawa niyo nga pala rito?"

Natigilan na naman ako sa tanong ni Edward. Gusto ko na sana siyang barahin na hindi naman sa kaniya itong hospital, pero nagulat ako sa sumunod na ginawa ni Cliff. Tinanggal niya ang braso ko sa balikat niya para lang hawakan niya ako sa beywang at hapitin ako palapit sa kaniya. 

"We went to the ob-gyn, akala kasi namin magkaka-baby na kami. False alarm lang pala. Anyway, it's okay. There's always a next time. Right, babe?" Parang nawala ang boses ko dahil hindi ako makapagsalita sa sinabi ni Cliff. Napalunok ako at napatango-tango na lamang. Paano ba naman! Nai-imagine ko ang sitwasyong sinasabi niya! 

Peste ka Cliff! Kasalanan mo 'to eh! 

"W-Well, ang masasabi ko? I'm so suprised, Lara. Napaka-mysterious mo pala talaga. But, I'm happy for you. So--" sabi ni Edward na napatingin pa sa akin. Parang sasabog ang puso ko sa tuwa nang makita ang reaksiyon nito. Pakiramdam ko kahit papaano ay nakaganti na ako sa sakit na dinulot nito sa'kin.

Napataas ang kilay ko. "So?"

"Aalis na ako. See you tomorrow." Parang nabahag ang buntot na umalis si Edward. Nakahinga ako nang maluwag pero nang maisip ko ang mga pinagsasabi namin ni Cliff sa harap nito, natulala na lamang ako. Nakakaiyak! Parang lalo pang lumala ang sitwasyon!

"I'm so doomed," bulong ko.

"Yes, you are." Ngumisi si Cliff sa'kin.

Napansin kong hawak pa rin niya ang beywang ko kaya sinita ko ito. "Bakit nakahawak ka pa rin d'yan?" Imbes na sumagot ay ngumiti lang siya sa'kin. "Pa-cute ka pa d'yan, bitaw!"

Hindi niya pinansin ang sinabi ko kaya naman ako na mismo ang nagtanggal nito.

"Isa, Cliff!" inis kong banta dahil everytime na tatanggalin ko ang kamay niya, ibinabalik pa rin niya ito sa dating pagkakahawak.

"Bitaw nga!" sabi ko pa pero tumawa lang si Cliff. Ayaw mong bumitaw ah! "Uhm!"

"Aray!" Kinurot ko nga, pasaway kasi eh! "That hurts!"

"Ayaw mong tumigil kasi!"

Naiiling itong tumawa bago pinagkrus ang mga kamay sa harap ng dibdib niya. "Alam mo babae? Hindi ka effective maging artista."

Napakunot ang noo ako. "At bakit naman lalaki, aber?"

"Hindi mo dapat inaakbayan ang boyfriend mo or else you will look more masculine than him."

"Peste ka! Edi ikaw na ang the best actor! Ayan? Happy ka na?" Imbes na sumagot ay tumawa lang ito. Natatawa na lang akong umiling at nagsimula nang maglakad paalis. This time, ako naman ang magwa-walk out. Akala niya ha!

"Salamat! Aalis na ako, goodbye!" Nakatalikod kong sabi habang kumakaway.

"See you, Lara!" Hindi ko na siya nilingon pa.

Yeah right. See you--in my dreams!

Related chapters

  • Common Denominator   8) No Focus

    Cliff's POV Hawak ko ang bola. Hindi ko na binigyan ng pagkakataon ang dumedepensa sa akin para makuha ito sa kamay ko. Niloko ko siya para makakuha ako ng libreng posisyon para i-shoot ang bola at napangisi ako dahil sa nakita kong reaksyon nito. Kawawa naman. Nasa ere pa lang ang bola alam ko nang papasok iyon. Ganoon ako kasigurado sa lahat ng tira ko. Kaya nga lang dahil doon sa'kin na lang palagi ipinapasa ang bola. "It's mine again!" sigaw ko nang tuluyang ma-shoot ang bola sa ring. Nandito kami ngayon sa covered court ng Basketball Handsome Society kasama syempre ang mga tropa ko. Sina Raff, Patrick, Carl, Joshua, Gilbert, Reynel, Kenneth at Reimar. Naisip ko kasing mag-relax kaya niyaya ko sila na maglaro ng practice game. Hindi na rin kasi ako sasali sa annual tournament dahil sa nalalapit na pag-alis ko ng bansa. "Madaya ka talaga, Cliff!" sigaw ni Raff. Siya kasi ang nagbabantay sa'kin kanina. "Magaling lang talaga ako

  • Common Denominator   9) In Return

    Lara's POV Paalis pa lang ako ng room namin dahil kakauwian pa lang namin sa last subject nang makatanggap ako ng tawag. Hindi naka-save ang name ng caller kasi kapapalit ko lang ng cell phone eh. Kaya nga lang sa kasamaang palad, hindi naka-save sa sim card ko ang dating contacts ko. Tinitigan kong mabuti ang numero. Sino kaya itong tumatawag sa'kin? "Hoy, friendship! Kanina pa tunog ng tunog 'yang phone mo! Sagutin mo kaya!" biglang sabi ni Mady. Ay! Hindi ko pa pala nasasagot. Pinindot ko ang answer button at agad itinapat sa tenga ko ang telepono. "Hello? Sino 'to?" mataray kong tanong. "Lara, si Cliff 'to. Remember?" Pagbungad naman sa'kin ng nasa kabilang linya. Four days pa lang mula nang huli kaming magkita kaya bakit ko siya makakalimutan? "Cliff?" Binanggit ko ulit ang pangalan nito gamit ang mahinang boses para makasigurado. "Yeah, it's me. Can we talk?" sabi pa nito. "Tara, SFS!" Na

  • Common Denominator   10) Daydream

    Lara's POV "You ate already?" tanong ni Cliff habang busy sa pagmamaneho. Kanina pa ako nakatulala lang dito sa bintana sa passenger seat dahil hindi naman siya umiimik, pero heto at nag-initiate na siyang makipag-usap. "Hindi pa," mahina kong sagot. Narinig kong tumikhim siya kaya napalingon ako sa kanya. "Bakit? May problema ba?" "Nothing." "May ubo ka ba? Masakit lalamunan mo?" "Nope. I'm just thinking." Napakunot ang noo ko. "About saan?" "About our deal." Sumulyap siya sa akin sandali at tipid na ngumiti. Nakaramdam na naman ako ng kakaiba dahil sa ngiti niyang iyon pero palihim na ipinilig ko na lamang ang ulo ko. "Ahh, okay." Iniwas ko agad ang tingin dito. Pakiramdam ko sumisikip ang loob ng sasakyan dahil namimilipit ako. Hindi dahil sa sakit, kundi dahil hindi ako komportable sa ganitong pakiramdam na parang sobrang lapit niya sa'kin. Hindi komportable dahil ang lakas ng dating sa'kin no'n. Lalo na at ka

  • Common Denominator   11) Likely Not

    Lara's POV "Maaga ka ulit aalis?" Napalingon ako kay Edward habang nagmamadali akong ipasok sa shoulder bag ang mga gamit ko. Isang linggo na lang ang titiisin kong kasama siya. Hays! Mabuti naman malapit na magbakasyon at end semester! "Oo nasa baba na kasi si Cliff, eh." Isinukbit ko na sa sarili ang bag ko bago ko siya tinapik sa balikat. "Malapit nang matapos ang project natin this sem. I'm so happy! Bye, Edward!" Tuluyan na akong lumabas ng room. Nagpaalam na rin naman ako kina Mady na may lakad ako ngayon kaya nauna na rin silang umalis sa akin. This past few days, madalas si Cliff na ang nakakasama ko at nasanay na rin ang mga kaibigan ko doon. "Lara?" Muli kong nilingon si Edward na hindi ko namalayang sumunod pala sa 'kin. "Oh. Paalis ka na rin?" "Yup." Napatango ako at natahimik na lamang. Palihim akong napataas ng kilay. Bakit sinasabayan ako ni Edward maglakad? "If you don't mind, sabay na tayo

  • Common Denominator   12) Occupied

    Lara's POV "Cause tonight is the night that I'm feeling alright. We'll be making love the whole night through..." Pagkanta ko habang napapapikit. Isa ito sa paborito kong kanta at gusto raw nilang marinig na kantahin ko ito. "So I'm saving all my love. Yes, I'm saving all my love. Yes, I'm saving all my love for you..." Bahagya kong pinagmasdan si Cliff na kasalukuyang tumutugtog ng piano sa tabi ko. Kitang-kita ko kung gaano siya ka-expert sa ginagawa niya. Sinabi niyang kumuha raw siya ng piano lessons noong high school pa lamang siya, at tumutugtog na siya sa mga stage play sa ngayon sa ibang bansa. Bukod pa doon, may music school pa sila dito sa Pilipinas na mina-manage ng pinsan niyang si Ate Josh, na palaging present sa mga practice namin. Kasamahan din naman nito sa banda ang nakababatang pinsan nila na si Miho. Namamangha ako sa mga nakamit na niyang tagumpay. I felt proud of him. Nang matapos ang kanta, nagpalakpakan aga

  • Common Denominator   13) Who's at fault?

    Kalahating oras na ang lumipas pero hindi ko pa rin mahagilap ang cellphone ko. Bigla akong kinabahan. Kabibili ko lang kasi noon at for sure pagagalitan at sesermunan na naman ako ng parents ko pag nalaman nila na nawala ko ito. Nilapitan ako nila Miho at Ate Josh dahil napansin na nila ang pagkabalisa ko. Sinabi ko na rin sa kanila ang problema at ipinagtanong ko kaagad sa lahat ng kasama namin kung nakita ba nila ang cellphone kong polkadots ang design ng case, pero wala raw silang napansin. Naku naman! Saan naman kaya napunta 'yon? Hinanap ko ito nang hinanap at tinulungan na rin ako ng iba pa. Hanggang sa matapos na ang practice, isang beses ko pang hinalungkat ang bag ko pero wala talaga ito dito. "Hindi mo pa rin makita?" tanong ni Cliff na kasalukuyang nasa tabi ko na pala. Napabuntong hininga ako. "Oo, sayang--" Biglang nanlaki ang mga mata ko nang may maisip. "Shitness! Hindi kaya nailagay ko pala 'yon sa bulsa ko bago umangkas sa motor mo?

  • Common Denominator   14) Only Fool's Fall

    Lara's POV "Hoy, friendship! Wala ka bang balak kumain?" Walang gana akong bumangon mula sa pagkakahiga nang marinig ang boses ni Mady. "Ano'ng ulam?" "As usual, adobo. Alam mo namang yun lang ang kaya 'kong lutuin 'di ba?" Nakapameywang na umupo sa kama ko si Mady. Napabuntong hininga ako at akmang hihiga na ulit pero bigla nitong hinila ang kamay ko. "Friendship naman, tara na sa baba. Nagugutom na ako seriously." "Sino ba kasi nagsabi na hintayin mo pa 'ko? Hays! Mauna ka na. Ayokong kumain," bagot kong sagot. Nakita ko naman agad ang pagtaas ng kilay ni Mady. "Oh? Ano na naman?" "Siguro ayaw mo na sa adobo ko, no? Nagsasawa ka na ba?" seryosong tanong nito. Shutaness! Kasalukuyang lubog pa ang isip ko sa kahihiyan na ginawa ko sa harap ni Cliff kagabi, pero heto si Margarette at mukhang dadagdag pa. "Wala ako sa mood, okay?" Humiga na ulit ako at tinalikuran ito. "Bakit ba kasi bad mood ka? Kahapon ka pa ganiyan since umuwi

  • Common Denominator   15) Twisted Spin

    Lara's POV"Are you avoiding me?" Natigilan ako nang marinig ang boses ni Cliff mula sa likuran ko."Ha? Patawa ka. Ba't naman kita iiwasan?" Alanganin kong sagot. Nagsimula na naman ang kabang nararamdaman ko everytime na malapit siya sa akin.Ano ba 'yan! Kaya nga ako nagpresinta na ako na ang maghuhugas ng mga pinagkainan namin para makalayo saglit kay Cliff, e. Pero heto, ilang minutes pa lang ang nakalipas lumapit na naman siya sa'kin."I don't know. Ramdam ko lang na parang iniiwasan mo 'ko." Rinig kong sagot nito. Hindi na ako nagsalita pa at pinagpatuloy na lamang ang pagsasabon sa mga plato. "Can I help you?""I-Ikaw bahala." Lumapit sa katabing sink si Cliff at pumwesto sa gilid ko. "Marunong ka ba maghugas?""Of course, yes. I'm not a señorito," pilyong sagot nito.Natawa na lamang ako at maingat na inilagay sa sink na katapat niya ang mga nasabunan ko ng plato at baso. "Oh, ikaw magbanlaw. Ayusin mo, ha? Dapat

Latest chapter

  • Common Denominator   18) Dilemma

    Lara's POV"48 out of 50. Hindi na masama." Bulong ko sa sarili habang tinitingnan ang huling cattleya na hawak ko. Kakatapos lang ng midterms kahapon at ngayon lang na-distribute lahat ng results.Dahil tapos na ang pre-hell week, magsisimula na bukas ang mahabang bakasyon namin. Wednesday na ngayon at ang sabi ni Cliff sa'kin ay susunduin niya ako dito sa bahay ng Friday pagkagaling niya sa society.Itinabi ko na ang mga gamit ko sa bag pagkatapos ay binuksan muli ang notes ko. Kanina pa ako nakadapa dito sa sarili kong kama habang nag-aaral dahil balak ko sana mag-advance review para sa mga susunod naming lessons. Hindi nga lang nakikipag-cooperate ang utak ko dahil ang dami kong iniisip.Hindi naman ako nagsisisi na pumayag ako sa pag-aya ni Cliff sa'kin sa Tagaytay, pero 'di pa rin mawala ang pangamba ko sa mga p'wedeng mangyari habang nandoon ako kasama siya. Mula Friday, hanggang Tuesday makakasama ko siya, 5 days 'yon!Sa totoo lang, dalawang araw ko nang pinipilit ang sarili k

  • Common Denominator   17) Usually Not

    Lara's POVLumipas na ang one week at halos mabaliw na ako kakaisip kung bakit mas lumalakas ang epekto ng presence ni Cliff para sa akin. Halos isang linggo na rin na madalas ko siyang nakakasama, hindi dahil sa practice kung hindi dahil kina-career niya yata ang pagpapanggap bilang boyfriend ko.Hindi naman sa nagrereklamo ako pero feeling ko kasi ako ang dehado sa set-up naming dalawa. Hindi ko naman alam kung paano ang gagawin dahil talagang consistent si Cliff sa pag-arte to the point na hatid-sundo niya na ako sa campus. Sabay din kami palagi kumain ng lunch at dinner, dahil pumupunta rin siya sa bahay. At madalas pa kaming lumalabas nang kaming dalawa lang. Kilala na tuloy kaming couple dito sa school dahil madalas kaming nakikitang magkasama.Napatitig ako sa kamay ko. Mga kamay ko na palagi niyang hawak at walang mintis iyon. Hays! Ayokong mas lumalim pa sa kaniya pero ayoko ring matapos 'to. Hindi pa ako sigurado sa feelings ko pero natatakot ako na baka umabot kami sa ganoo

  • Common Denominator   16) Fiancé

    "You're so cute." Pilyong ngumiti sa akin si Cliff kaya pilit akong ngumiti. Tiningnan ko ang dalawang kaibigan ko pati na rin si Pat at kitang-kita ko sa mga mukha nila na nagpipigil talaga sila ng tawa. "Ano'ng problema kung dim light ang gusto ko?" nagtatakang tanong ko. Hinawakan ako ni Mady sa braso pero hindi nito matuloy kung anuman ang gusto niyang sabihin dahil tawang-tawa ito. "M-May mali ba sa sagot ko?" "Oh my. I cannot! I'm sorry. Hindi na ako tatawa." Pinilit ni Mady ikalma ang sarili at huminga nang malalim. "Nakalimutan kong inosente ka pa." Nagsalubong ang kilay ko. "Ha?" "Nah. Nothing." "Gaga! Dare mo yan, magtanong ka ng maayos!" Hinampas ni Rhea si Mady habang pigil din ang pagtawa. Wait, so ito ang dare niya kay Mady? Ang tanungin ako? Tama ba ako? "Okay, okay. Here's my real question--" "Teka lang!" Pigil ko kay Mady. Napatingin naman agad ang iba sa akin. "Rhea, ayan ba ang pinalit mong dare sa kanya? To question me?" Tinaasan ako ng kilay ni Rhea

  • Common Denominator   15) Twisted Spin

    Lara's POV"Are you avoiding me?" Natigilan ako nang marinig ang boses ni Cliff mula sa likuran ko."Ha? Patawa ka. Ba't naman kita iiwasan?" Alanganin kong sagot. Nagsimula na naman ang kabang nararamdaman ko everytime na malapit siya sa akin.Ano ba 'yan! Kaya nga ako nagpresinta na ako na ang maghuhugas ng mga pinagkainan namin para makalayo saglit kay Cliff, e. Pero heto, ilang minutes pa lang ang nakalipas lumapit na naman siya sa'kin."I don't know. Ramdam ko lang na parang iniiwasan mo 'ko." Rinig kong sagot nito. Hindi na ako nagsalita pa at pinagpatuloy na lamang ang pagsasabon sa mga plato. "Can I help you?""I-Ikaw bahala." Lumapit sa katabing sink si Cliff at pumwesto sa gilid ko. "Marunong ka ba maghugas?""Of course, yes. I'm not a señorito," pilyong sagot nito.Natawa na lamang ako at maingat na inilagay sa sink na katapat niya ang mga nasabunan ko ng plato at baso. "Oh, ikaw magbanlaw. Ayusin mo, ha? Dapat

  • Common Denominator   14) Only Fool's Fall

    Lara's POV "Hoy, friendship! Wala ka bang balak kumain?" Walang gana akong bumangon mula sa pagkakahiga nang marinig ang boses ni Mady. "Ano'ng ulam?" "As usual, adobo. Alam mo namang yun lang ang kaya 'kong lutuin 'di ba?" Nakapameywang na umupo sa kama ko si Mady. Napabuntong hininga ako at akmang hihiga na ulit pero bigla nitong hinila ang kamay ko. "Friendship naman, tara na sa baba. Nagugutom na ako seriously." "Sino ba kasi nagsabi na hintayin mo pa 'ko? Hays! Mauna ka na. Ayokong kumain," bagot kong sagot. Nakita ko naman agad ang pagtaas ng kilay ni Mady. "Oh? Ano na naman?" "Siguro ayaw mo na sa adobo ko, no? Nagsasawa ka na ba?" seryosong tanong nito. Shutaness! Kasalukuyang lubog pa ang isip ko sa kahihiyan na ginawa ko sa harap ni Cliff kagabi, pero heto si Margarette at mukhang dadagdag pa. "Wala ako sa mood, okay?" Humiga na ulit ako at tinalikuran ito. "Bakit ba kasi bad mood ka? Kahapon ka pa ganiyan since umuwi

  • Common Denominator   13) Who's at fault?

    Kalahating oras na ang lumipas pero hindi ko pa rin mahagilap ang cellphone ko. Bigla akong kinabahan. Kabibili ko lang kasi noon at for sure pagagalitan at sesermunan na naman ako ng parents ko pag nalaman nila na nawala ko ito. Nilapitan ako nila Miho at Ate Josh dahil napansin na nila ang pagkabalisa ko. Sinabi ko na rin sa kanila ang problema at ipinagtanong ko kaagad sa lahat ng kasama namin kung nakita ba nila ang cellphone kong polkadots ang design ng case, pero wala raw silang napansin. Naku naman! Saan naman kaya napunta 'yon? Hinanap ko ito nang hinanap at tinulungan na rin ako ng iba pa. Hanggang sa matapos na ang practice, isang beses ko pang hinalungkat ang bag ko pero wala talaga ito dito. "Hindi mo pa rin makita?" tanong ni Cliff na kasalukuyang nasa tabi ko na pala. Napabuntong hininga ako. "Oo, sayang--" Biglang nanlaki ang mga mata ko nang may maisip. "Shitness! Hindi kaya nailagay ko pala 'yon sa bulsa ko bago umangkas sa motor mo?

  • Common Denominator   12) Occupied

    Lara's POV "Cause tonight is the night that I'm feeling alright. We'll be making love the whole night through..." Pagkanta ko habang napapapikit. Isa ito sa paborito kong kanta at gusto raw nilang marinig na kantahin ko ito. "So I'm saving all my love. Yes, I'm saving all my love. Yes, I'm saving all my love for you..." Bahagya kong pinagmasdan si Cliff na kasalukuyang tumutugtog ng piano sa tabi ko. Kitang-kita ko kung gaano siya ka-expert sa ginagawa niya. Sinabi niyang kumuha raw siya ng piano lessons noong high school pa lamang siya, at tumutugtog na siya sa mga stage play sa ngayon sa ibang bansa. Bukod pa doon, may music school pa sila dito sa Pilipinas na mina-manage ng pinsan niyang si Ate Josh, na palaging present sa mga practice namin. Kasamahan din naman nito sa banda ang nakababatang pinsan nila na si Miho. Namamangha ako sa mga nakamit na niyang tagumpay. I felt proud of him. Nang matapos ang kanta, nagpalakpakan aga

  • Common Denominator   11) Likely Not

    Lara's POV "Maaga ka ulit aalis?" Napalingon ako kay Edward habang nagmamadali akong ipasok sa shoulder bag ang mga gamit ko. Isang linggo na lang ang titiisin kong kasama siya. Hays! Mabuti naman malapit na magbakasyon at end semester! "Oo nasa baba na kasi si Cliff, eh." Isinukbit ko na sa sarili ang bag ko bago ko siya tinapik sa balikat. "Malapit nang matapos ang project natin this sem. I'm so happy! Bye, Edward!" Tuluyan na akong lumabas ng room. Nagpaalam na rin naman ako kina Mady na may lakad ako ngayon kaya nauna na rin silang umalis sa akin. This past few days, madalas si Cliff na ang nakakasama ko at nasanay na rin ang mga kaibigan ko doon. "Lara?" Muli kong nilingon si Edward na hindi ko namalayang sumunod pala sa 'kin. "Oh. Paalis ka na rin?" "Yup." Napatango ako at natahimik na lamang. Palihim akong napataas ng kilay. Bakit sinasabayan ako ni Edward maglakad? "If you don't mind, sabay na tayo

  • Common Denominator   10) Daydream

    Lara's POV "You ate already?" tanong ni Cliff habang busy sa pagmamaneho. Kanina pa ako nakatulala lang dito sa bintana sa passenger seat dahil hindi naman siya umiimik, pero heto at nag-initiate na siyang makipag-usap. "Hindi pa," mahina kong sagot. Narinig kong tumikhim siya kaya napalingon ako sa kanya. "Bakit? May problema ba?" "Nothing." "May ubo ka ba? Masakit lalamunan mo?" "Nope. I'm just thinking." Napakunot ang noo ko. "About saan?" "About our deal." Sumulyap siya sa akin sandali at tipid na ngumiti. Nakaramdam na naman ako ng kakaiba dahil sa ngiti niyang iyon pero palihim na ipinilig ko na lamang ang ulo ko. "Ahh, okay." Iniwas ko agad ang tingin dito. Pakiramdam ko sumisikip ang loob ng sasakyan dahil namimilipit ako. Hindi dahil sa sakit, kundi dahil hindi ako komportable sa ganitong pakiramdam na parang sobrang lapit niya sa'kin. Hindi komportable dahil ang lakas ng dating sa'kin no'n. Lalo na at ka

DMCA.com Protection Status