Nasaan na ba ang bruho na 'yon? Baka nabadtrip na iyon kakahintay sa akin.
Saglit akong napatingin sa relo ko. Whoah! Almost two hours na akong late. Grabe rin pala ang pangungulit ng Kenneth na 'yon! Tagal ng bangayan namin kanina.
Nilibot ko ng tingin ang kabuuan ng restaurant para hanapin si Cliff sa paligid.
Kaliwa, wala.
Kanan, wala rin.
Kaliwa, kanan--Oh my God!
Napatitig ako sa gitnang bahagi ng restaurant kung saan naroon siya. Anak ng tinapa! Ang guwapo ng ungas!
Nasa counter si Cliff, ang lalaking nagpakulong sa akin ilang araw na ang nakakalipas. He looked rugged yet refined in his biker-inspired blazer and scarf. At mas nakakadagdag pa ng appeal ang mahaba niyang buhok na maya't maya niyang sinusuklay gamit ang sariling kamay. Kung gugustuhin ko lamang titigan siya baka kahit abutan na ako ng war of the worlds kung saan may aliens na invader dito sa Earth, hindi pa rin ako magsasawang tingnan siya. Wala talagang kakupas-kupas ang kaguwapuhan niya. Idagdag pa ang height niya na mala-basketball player ang dating. Siguradong mapapatili ako kung mapapanuod ko siyang naglalaro ng basketball.
Ipinilig ko ang ulo ko. Ba't ako kinikilig?! At bakit ko pinupuri ang bwisit na 'to? Hmp!
Naglalakad na ako at malapit na ako sa kanya pero parang hindi pa niya ata ako napapansin. Bakit kaya nasa counter siya? Para siyang nagbibigay ng instructions sa mga staff ng restaurant ah?
Omo! Posible kayang siya ang may-ari nitong restaurant?!
Lumapit ako sa kanya. Bakit ganito? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. I was a confident person. Hindi basta-basta kumakabog ang dibdib ko na akala mo sesentensiyahan ako kapag may nakakaharap akong tao. Pero iba talaga nararamdaman ko mula nang dumating ang lalaking ito. Lagi akong kinakabahan.
Maya-maya, nakita ko na nilingon na ako ni Cliff. Napansin niya na yata ako. Tumayo ito at lumapit sa akin.
"Andrea Lara?"
Napakunot ang noo ako. "Lara na lang, ako ang nahihirapan kapag binabanggit ng tao ang buong pangalan ko, eh."
"Where's Ken?"
"Ahm, wala may gagawin pa raw. Umalis na." Napangisi ako. "Talagang naghanap ka pa ng picture ko for reference, ah? Saan mo naman nakuha 'yon?"
Ngumiti si Cliff. "Connections."
Binigyan muna niya ako ng nakakatunaw na tingin bago siya ngumiti ulit nang tipid. Ano ba naman itong si Cliff!
"I didn't recognize you from afar," sabi niya kaya napataas ang kilay ko. Parang nainsulto ako doon sa sinabi niya, ah!
I wore a simple longsleeve shirt and a straight-cut jeans right now. Ibang-iba ang outfit ko ngayon sa suot ko noong una kaming nagkita. Swan turned to ugly duckling siguro ang akala niya sa akin.
"Whatever!" Napairap ko bago inabot sa kanya ang cellphone. "Here's your phone. Aalis na ako. Adios!" Pagkasabi ko noon ay tumalikod na ako.
"Wait!"
"Anak ng! Bakit ba ang hilig n'yong mag--" Bigla akong natigilan. Parang nakuryente ako sa kamay niya nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.
"Leaving already? Let's eat first," aya nito.
Bakit parang hindi ako nagrereklamo nang hawakan niya ang kamay ko? Samantalang kanina--Nevermind!
"Hindi naman--" Wala na akong nagawa nang igiya niya ako patungo sa fountain ng restaurant.
Maganda ang ambiance dito. The place looked elegant with it's dramatic yellow and brown motif. Lahat ng mesa ay nasasapinan ng brown at yellow na mantel at may candlelight sa ibabaw. Nakahanda na rin ang mga pinggan, kubyertos, baso, at table napkin dito. Masasabi kong napaka-romantic ng ambiance dito. Kung sino man ang may obra ng magandang dekorasyon dito, papalakpakan ko nang bonggang-bongga. Hindi hamak na mas maganda ito sa ibang mga restaurant na napuntahan ko. At parang mas mahal din ang mga pagkain dito. Gaano ba kayaman si Cliff?
Napatingin ako sa magkahawak na mga kamay namin. I never felt nervous yet I felt like I was actually floating on air. I liked every bit of that feeling.
Wait nga! Saan naman nanggaling 'yon?!
"What do you want, Lara?" tanong nito at palihim akong napalunok bago sumagot.
"K-Kahit na ano na lang."
Argh! Bakit hindi ako makaangal! Ano bang nangyayari sa'kin? Hindi ko talaga mapahinahon ang puso ko sa mabilis na pagtibok nito habang hawak pa rin ni Cliff ang kamay ko.
"Okay, ako na lang ang mag-o-order." He slowly let go of my hands. "Stay here. May sasabihin lang ako sa executive chef ko," dugtong niya.
Tiningnan ko ang pagbagsak ng kamay ko nang bitawan niya ito. Parang nalungkot ako pero at the same time nakahinga na rin nang maluwag.
"Sige," mahinang sagot ko. Umalis na siya at naiwan ako rito sa lamesa. Palihim akong nagulat. Executive chef? So may-ari nga siya ng restaurant na 'to?!
Sinundan ko ng tingin si Cliff na naglalakad palapit ulit sa counter.
Bakit ganito? What's happening to me? Kailan lang ay inis na inis ako habang pinagkukuwentuhan namin siya ng mga kaibigan ko. Pero parang biglang naglaho iyon nang makita ko siya. Napangiti nga ako eh. Kumbaga, napalitan ang inis ko sa kanya ng kakaibang feeling, na kung ano, na hindi ko rin matukoy. At kung ano man iyon, nababahala na ako sa epektong ibinibigay sa akin no'n.
--
"Just a fraction of your love, fills the air..
And I fall in love with you, all over again.. You're the light that feeds the sun, in my world.. I'd face a thousand years of pain for my girl.." Pakikisabay ko sa kantang kasalukuyang tumutugtog dito ngayon sa restaurant.I had always love music. Pero tanggap ko nang hindi para sa akin ang pagkanta dahil sa pagkakaroon ko ng stage fright. I had confidence, pero hindi sa boses ko. Nakakatawa na nakakahiya nga ang naging karanasan ko noong nasa high school pa lang ako dahil sa pagkanta ko sa comedy bar. Ginawang katatawanan ng mga tao roon ang pagkanta ko. Mula noon, ayaw ko ng kumanta sa harap ng ibang tao.
"Very impressive!"
Bigla akong napalingon sa pinanggalingan ng boses. Bigla ring nagwala ang tibok ng puso ko nang makita kung sino ang nagsalita.
It was Cliff, leaning confidently against a post not so far from me, and he was smiling. Kung makangiti naman ito, parang nakakita ng ginto sa minahan!
Wait, ako ba ang sinabihan niya ng impressive?
Bigla akong hindi makatingin nang diretso sa kanya. Shitness! Narinig niya ang pagkanta ko! Nakakahiya!
Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. "Are you hungry?" tanong nito.
Pinilit kong ngumiti. "Oo, eh. Kaya nga nagwawala na ako rito. Haha!" Sabi ko na lamang habang pilit na tumatawa.
"I think that's not pagwawala. You have a beautiful voice, Lara."
"Sus! Hindi, noh! Ang pangit kaya ng boses ko," nahihiya kong sabi at nagtaka ako dahil matipid lang siyang ngumiti. "Oh? Bakit? Mang-aasar ka na ba?"
"No." Napailing ito.
Pabiro akong napasimangot. "Eh ano? Bakit ka nakangiti diyan?"
"Mas gusto kong kausapin ka sa personal kaysa sa cellphone."
Natigilan ako. "H-Huh?"
"Hindi mo kasi ako sinisigawan sa personal," Ngumiti ito habang nakatingin sa akin ng diretso.
Napakurap-kurap ako. Matipid lang ang ngiti niya pero natutulala na ako. Bakit kaya napakatipid nitong ngumiti? May presyo bang basehan? Parang isang libo ang presyo ng matamis niyang ngiti, isang milyon ang tawa, at isang bilyon ang isang malutong na halakhak. Ganoon? Grabe, kailangan ko yatang magpayaman para sa isang halakhak niya lang. Lol!
Dahil sa imagination ko, nagulat ako nang itinaas niya ang kamay niya na parang hahaplusin ang mukha ko. Napaurong ako para iwasan iyon pero walang silbi ang ginawa ko dahil nakalapat na ang kamay niya sa noo ko.
"May injury ka. Is this from the accident?" tanong nito habang nakatingin sa noo ko. Nagtaka ako sa nakita kong pag-aalala sa mukha niya. Concern siya sa akin?
Pero ang alam ko natakpan ko na nang tuluyan ng concealer ang pasa ko sa noo. Bakit napansin pa rin niya? Tinititigan niya ba ako?
"Magaling na 'yan, nauntog lang ako sa manibela," dahilan ko pero parang hindi pa ata siya kumbinsido sa sinabi ko.
"Lara, did you go to the doctor already?"
Natawa ako nang bahagya. "Ang OA, ah? Hindi na kaila--"
"Yeah, right. And then, saka ka magpapa-check up kapag nalaman mong hindi pala 'yan basta pasa lang?" seryosong kontra nito sa'kin.
I blinked a few times. Totoo nga yata ang nakikita kong pag-aalala sa mukha niya. Bakit siya nag-aalala sa'kin?
"Lara." Tinawag ako nito.
"H-Huh?"
"Dadalhin kita sa kaibigan kong doktor after natin kumain. You'll go with me, okay?"
Ano ba 'yon? Nagpapaalam o nag-uutos?
Hindi na ako umangal or nagsalita. Nang dumating ang mga pagkain namin, palihim akong napatingin kay Cliff. Unti-unti, bumalik ako sa realidad.
Hindi siya nag-aalala. Siguro nakokonsiyensya lang siya sa ginawa niyang pagpapakulong sa akin. Hindi na ako mag-iisip ng kung anu-ano pa. Ayoko nang dagdagan pa ang pag-iisip ko kay Edward.
Enough thinking something else, Lara. Hindi siya concern sayo, okay? Iyon lang 'yon, Lara. Iyon lang 'yon.
Dinala nga ako ni Cliff sa kaibigang doktor niya. Nang dalhin niya ako sa hospital para magpa-check up, hindi na ako nakatanggi pa. Ang mukha niya kanina, puno ng sincere. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na nag-aalala nga siya sa akin."Girlfriend ka ba ni Cliff?" tanong sa akin ng kaibigan niyang doktor na si Dean."H-huh? Psh. Hindi 'no!"Napangisi ito. "Ngayon ko lang ulit siya nakitang may kasamang babaeng kaibigan," sabi pa ni Dean nang makahulugan."Oh? Wala ba siyang girlfriend?""Actually, meron before. Co-member ko rin kasi si Cliff sa BHS. You know that society?" Tumango ako dahil parang pamilyar ako doon. Parang nabanggit na sa'kin 'yon ng isa sa mga kaibigan ko. Pero hindi ko na inisip 'yon dahil naka-focus na ang atensiyon ko sa sinabi niyang girlfriend kuno ni Cliff."Ahm--Before? So wala ngayon?" muling tanong ko."Yes. And after that, hindi ko na ulit nakita si Cliff na may kasamang babae. Maliban ngayon."
Cliff's POV Hawak ko ang bola. Hindi ko na binigyan ng pagkakataon ang dumedepensa sa akin para makuha ito sa kamay ko. Niloko ko siya para makakuha ako ng libreng posisyon para i-shoot ang bola at napangisi ako dahil sa nakita kong reaksyon nito. Kawawa naman. Nasa ere pa lang ang bola alam ko nang papasok iyon. Ganoon ako kasigurado sa lahat ng tira ko. Kaya nga lang dahil doon sa'kin na lang palagi ipinapasa ang bola. "It's mine again!" sigaw ko nang tuluyang ma-shoot ang bola sa ring. Nandito kami ngayon sa covered court ng Basketball Handsome Society kasama syempre ang mga tropa ko. Sina Raff, Patrick, Carl, Joshua, Gilbert, Reynel, Kenneth at Reimar. Naisip ko kasing mag-relax kaya niyaya ko sila na maglaro ng practice game. Hindi na rin kasi ako sasali sa annual tournament dahil sa nalalapit na pag-alis ko ng bansa. "Madaya ka talaga, Cliff!" sigaw ni Raff. Siya kasi ang nagbabantay sa'kin kanina. "Magaling lang talaga ako
Lara's POV Paalis pa lang ako ng room namin dahil kakauwian pa lang namin sa last subject nang makatanggap ako ng tawag. Hindi naka-save ang name ng caller kasi kapapalit ko lang ng cell phone eh. Kaya nga lang sa kasamaang palad, hindi naka-save sa sim card ko ang dating contacts ko. Tinitigan kong mabuti ang numero. Sino kaya itong tumatawag sa'kin? "Hoy, friendship! Kanina pa tunog ng tunog 'yang phone mo! Sagutin mo kaya!" biglang sabi ni Mady. Ay! Hindi ko pa pala nasasagot. Pinindot ko ang answer button at agad itinapat sa tenga ko ang telepono. "Hello? Sino 'to?" mataray kong tanong. "Lara, si Cliff 'to. Remember?" Pagbungad naman sa'kin ng nasa kabilang linya. Four days pa lang mula nang huli kaming magkita kaya bakit ko siya makakalimutan? "Cliff?" Binanggit ko ulit ang pangalan nito gamit ang mahinang boses para makasigurado. "Yeah, it's me. Can we talk?" sabi pa nito. "Tara, SFS!" Na
Lara's POV "You ate already?" tanong ni Cliff habang busy sa pagmamaneho. Kanina pa ako nakatulala lang dito sa bintana sa passenger seat dahil hindi naman siya umiimik, pero heto at nag-initiate na siyang makipag-usap. "Hindi pa," mahina kong sagot. Narinig kong tumikhim siya kaya napalingon ako sa kanya. "Bakit? May problema ba?" "Nothing." "May ubo ka ba? Masakit lalamunan mo?" "Nope. I'm just thinking." Napakunot ang noo ko. "About saan?" "About our deal." Sumulyap siya sa akin sandali at tipid na ngumiti. Nakaramdam na naman ako ng kakaiba dahil sa ngiti niyang iyon pero palihim na ipinilig ko na lamang ang ulo ko. "Ahh, okay." Iniwas ko agad ang tingin dito. Pakiramdam ko sumisikip ang loob ng sasakyan dahil namimilipit ako. Hindi dahil sa sakit, kundi dahil hindi ako komportable sa ganitong pakiramdam na parang sobrang lapit niya sa'kin. Hindi komportable dahil ang lakas ng dating sa'kin no'n. Lalo na at ka
Lara's POV "Maaga ka ulit aalis?" Napalingon ako kay Edward habang nagmamadali akong ipasok sa shoulder bag ang mga gamit ko. Isang linggo na lang ang titiisin kong kasama siya. Hays! Mabuti naman malapit na magbakasyon at end semester! "Oo nasa baba na kasi si Cliff, eh." Isinukbit ko na sa sarili ang bag ko bago ko siya tinapik sa balikat. "Malapit nang matapos ang project natin this sem. I'm so happy! Bye, Edward!" Tuluyan na akong lumabas ng room. Nagpaalam na rin naman ako kina Mady na may lakad ako ngayon kaya nauna na rin silang umalis sa akin. This past few days, madalas si Cliff na ang nakakasama ko at nasanay na rin ang mga kaibigan ko doon. "Lara?" Muli kong nilingon si Edward na hindi ko namalayang sumunod pala sa 'kin. "Oh. Paalis ka na rin?" "Yup." Napatango ako at natahimik na lamang. Palihim akong napataas ng kilay. Bakit sinasabayan ako ni Edward maglakad? "If you don't mind, sabay na tayo
Lara's POV "Cause tonight is the night that I'm feeling alright. We'll be making love the whole night through..." Pagkanta ko habang napapapikit. Isa ito sa paborito kong kanta at gusto raw nilang marinig na kantahin ko ito. "So I'm saving all my love. Yes, I'm saving all my love. Yes, I'm saving all my love for you..." Bahagya kong pinagmasdan si Cliff na kasalukuyang tumutugtog ng piano sa tabi ko. Kitang-kita ko kung gaano siya ka-expert sa ginagawa niya. Sinabi niyang kumuha raw siya ng piano lessons noong high school pa lamang siya, at tumutugtog na siya sa mga stage play sa ngayon sa ibang bansa. Bukod pa doon, may music school pa sila dito sa Pilipinas na mina-manage ng pinsan niyang si Ate Josh, na palaging present sa mga practice namin. Kasamahan din naman nito sa banda ang nakababatang pinsan nila na si Miho. Namamangha ako sa mga nakamit na niyang tagumpay. I felt proud of him. Nang matapos ang kanta, nagpalakpakan aga
Kalahating oras na ang lumipas pero hindi ko pa rin mahagilap ang cellphone ko. Bigla akong kinabahan. Kabibili ko lang kasi noon at for sure pagagalitan at sesermunan na naman ako ng parents ko pag nalaman nila na nawala ko ito. Nilapitan ako nila Miho at Ate Josh dahil napansin na nila ang pagkabalisa ko. Sinabi ko na rin sa kanila ang problema at ipinagtanong ko kaagad sa lahat ng kasama namin kung nakita ba nila ang cellphone kong polkadots ang design ng case, pero wala raw silang napansin. Naku naman! Saan naman kaya napunta 'yon? Hinanap ko ito nang hinanap at tinulungan na rin ako ng iba pa. Hanggang sa matapos na ang practice, isang beses ko pang hinalungkat ang bag ko pero wala talaga ito dito. "Hindi mo pa rin makita?" tanong ni Cliff na kasalukuyang nasa tabi ko na pala. Napabuntong hininga ako. "Oo, sayang--" Biglang nanlaki ang mga mata ko nang may maisip. "Shitness! Hindi kaya nailagay ko pala 'yon sa bulsa ko bago umangkas sa motor mo?
Lara's POV "Hoy, friendship! Wala ka bang balak kumain?" Walang gana akong bumangon mula sa pagkakahiga nang marinig ang boses ni Mady. "Ano'ng ulam?" "As usual, adobo. Alam mo namang yun lang ang kaya 'kong lutuin 'di ba?" Nakapameywang na umupo sa kama ko si Mady. Napabuntong hininga ako at akmang hihiga na ulit pero bigla nitong hinila ang kamay ko. "Friendship naman, tara na sa baba. Nagugutom na ako seriously." "Sino ba kasi nagsabi na hintayin mo pa 'ko? Hays! Mauna ka na. Ayokong kumain," bagot kong sagot. Nakita ko naman agad ang pagtaas ng kilay ni Mady. "Oh? Ano na naman?" "Siguro ayaw mo na sa adobo ko, no? Nagsasawa ka na ba?" seryosong tanong nito. Shutaness! Kasalukuyang lubog pa ang isip ko sa kahihiyan na ginawa ko sa harap ni Cliff kagabi, pero heto si Margarette at mukhang dadagdag pa. "Wala ako sa mood, okay?" Humiga na ulit ako at tinalikuran ito. "Bakit ba kasi bad mood ka? Kahapon ka pa ganiyan since umuwi
Lara's POV"48 out of 50. Hindi na masama." Bulong ko sa sarili habang tinitingnan ang huling cattleya na hawak ko. Kakatapos lang ng midterms kahapon at ngayon lang na-distribute lahat ng results.Dahil tapos na ang pre-hell week, magsisimula na bukas ang mahabang bakasyon namin. Wednesday na ngayon at ang sabi ni Cliff sa'kin ay susunduin niya ako dito sa bahay ng Friday pagkagaling niya sa society.Itinabi ko na ang mga gamit ko sa bag pagkatapos ay binuksan muli ang notes ko. Kanina pa ako nakadapa dito sa sarili kong kama habang nag-aaral dahil balak ko sana mag-advance review para sa mga susunod naming lessons. Hindi nga lang nakikipag-cooperate ang utak ko dahil ang dami kong iniisip.Hindi naman ako nagsisisi na pumayag ako sa pag-aya ni Cliff sa'kin sa Tagaytay, pero 'di pa rin mawala ang pangamba ko sa mga p'wedeng mangyari habang nandoon ako kasama siya. Mula Friday, hanggang Tuesday makakasama ko siya, 5 days 'yon!Sa totoo lang, dalawang araw ko nang pinipilit ang sarili k
Lara's POVLumipas na ang one week at halos mabaliw na ako kakaisip kung bakit mas lumalakas ang epekto ng presence ni Cliff para sa akin. Halos isang linggo na rin na madalas ko siyang nakakasama, hindi dahil sa practice kung hindi dahil kina-career niya yata ang pagpapanggap bilang boyfriend ko.Hindi naman sa nagrereklamo ako pero feeling ko kasi ako ang dehado sa set-up naming dalawa. Hindi ko naman alam kung paano ang gagawin dahil talagang consistent si Cliff sa pag-arte to the point na hatid-sundo niya na ako sa campus. Sabay din kami palagi kumain ng lunch at dinner, dahil pumupunta rin siya sa bahay. At madalas pa kaming lumalabas nang kaming dalawa lang. Kilala na tuloy kaming couple dito sa school dahil madalas kaming nakikitang magkasama.Napatitig ako sa kamay ko. Mga kamay ko na palagi niyang hawak at walang mintis iyon. Hays! Ayokong mas lumalim pa sa kaniya pero ayoko ring matapos 'to. Hindi pa ako sigurado sa feelings ko pero natatakot ako na baka umabot kami sa ganoo
"You're so cute." Pilyong ngumiti sa akin si Cliff kaya pilit akong ngumiti. Tiningnan ko ang dalawang kaibigan ko pati na rin si Pat at kitang-kita ko sa mga mukha nila na nagpipigil talaga sila ng tawa. "Ano'ng problema kung dim light ang gusto ko?" nagtatakang tanong ko. Hinawakan ako ni Mady sa braso pero hindi nito matuloy kung anuman ang gusto niyang sabihin dahil tawang-tawa ito. "M-May mali ba sa sagot ko?" "Oh my. I cannot! I'm sorry. Hindi na ako tatawa." Pinilit ni Mady ikalma ang sarili at huminga nang malalim. "Nakalimutan kong inosente ka pa." Nagsalubong ang kilay ko. "Ha?" "Nah. Nothing." "Gaga! Dare mo yan, magtanong ka ng maayos!" Hinampas ni Rhea si Mady habang pigil din ang pagtawa. Wait, so ito ang dare niya kay Mady? Ang tanungin ako? Tama ba ako? "Okay, okay. Here's my real question--" "Teka lang!" Pigil ko kay Mady. Napatingin naman agad ang iba sa akin. "Rhea, ayan ba ang pinalit mong dare sa kanya? To question me?" Tinaasan ako ng kilay ni Rhea
Lara's POV"Are you avoiding me?" Natigilan ako nang marinig ang boses ni Cliff mula sa likuran ko."Ha? Patawa ka. Ba't naman kita iiwasan?" Alanganin kong sagot. Nagsimula na naman ang kabang nararamdaman ko everytime na malapit siya sa akin.Ano ba 'yan! Kaya nga ako nagpresinta na ako na ang maghuhugas ng mga pinagkainan namin para makalayo saglit kay Cliff, e. Pero heto, ilang minutes pa lang ang nakalipas lumapit na naman siya sa'kin."I don't know. Ramdam ko lang na parang iniiwasan mo 'ko." Rinig kong sagot nito. Hindi na ako nagsalita pa at pinagpatuloy na lamang ang pagsasabon sa mga plato. "Can I help you?""I-Ikaw bahala." Lumapit sa katabing sink si Cliff at pumwesto sa gilid ko. "Marunong ka ba maghugas?""Of course, yes. I'm not a señorito," pilyong sagot nito.Natawa na lamang ako at maingat na inilagay sa sink na katapat niya ang mga nasabunan ko ng plato at baso. "Oh, ikaw magbanlaw. Ayusin mo, ha? Dapat