Home / All / Common Denominator / 5) Concern Issues

Share

5) Concern Issues

Author: LovElle
last update Last Updated: 2021-08-22 14:55:49

Lara's POV

Nag-uumpisa na naman ako mabadtrip. Saan ba banda ang Precious Paradise na 'yon? Ang init-init na nga eh, tapos amoy usok pa ako sa dami ng sasakyan dito.

"Ang haggard ko na!" inis akong umupo sa waiting shed para magpahinga.

Kanina pa ako nandito sa Commonwealth at kanina ko pa rin hinahanap ang restaurant na 'yon. Takte talaga! Bakit kasi pumayag pa ako na do'n kami magkita? Ang tagal na naming hindi nakakapunta doon kaya nakalimutan ko na kung saan ang exact place no'n! Ang engot mo talaga, Lara!

Inis kong tiningnan ulit ang waze app para malaman ang location ng pupuntahan ko pero mukhang hindi ito updated dahil sa maling lugar ako nito dinadala.

"Naku naman! Saan ba yung pesteng restaurant na 'yon?" Naiinis kong bulong sa sarili.

"Miss, you need some help?" Napalingon ako sa likuran ko kung saan nanggaling ang boses at bahagya na namang nanlaki ang mga mata ko.

Oh my God! Isa na namang nilalang na guwapo!

"Miss?" Natauhan ako at ipinilig ang ulo ko. 

"Ah w-wala, may hinahanap lang kasi ako."

"Why? Are you lost?"

"Hindi ah! Hindi ako bata para mawala!" angal ko. Nagbago naman agad ang expression ng mukha niya. Kung kanina nakangiti siya, ngayon naman nakakunot na ang noo niya at para bang hindi makatingin sa akin ng diretso.

"Sorry kung na-offend kita. I'm just asking because I'm concern--" 

"Ay, hindi! Pasensiya na, ako dapat ang mag-sorry napalakas yata ang boses ko." Napailing na lang ako at bahagyang yumuko. "Pasensiya na huh? Sige mauna na ako."

Hindi pa man siya nakakasagot, nagsimula na akong maglakad paalis. Pero hindi pa ako tuluyang nakakalayo ay sumigaw ito.

"Wait, Miss!" Tinawag ako nito kaya napalingon ako. "Ano bang hinahanap mo? Maybe I can help you?"

"W-Wala 'yon, sige." Tumalikod ulit ako at nagsimulang maglakad. 

"Teka, Miss!"

Lumingon ulit ako at nagulat ako nang makitang nasa likod ko na mismo siya kaya muntik na akong mawalan ng balanse sa sarili. 

"Anak ng! 'Wag ka ngang manggulat!"

"Sorry, Miss. Ano ba kasing hinahanap mo? I'm willing to help." Kumunot ang noo ko dahil inulit na naman nito ang offer niya. Tiningnan ko siya. Mukhang sincere naman ang mokong. Kaso ayokong makipag-usap sa hindi ko kilala, lalo na sa lugar na ganito. Maraming mapanlinlang na tao dito.

Palihim kong binalingan ng tingin ang mukha niya. Yes guwapo siya, pero ano'ng pake ko doon? Mas mabuti na ang maingat. 

"Salamat na lang. Sige bye." Tumalikod na ako at nagsimula na ulit maglakad. Pinapakiramdaman ko kung sumusunod pa siya pero mukhang hindi na naman kaya nakahinga ako nang maluwag.

Hindi pa man ako nakakalayo, naisip ko bigla na kailangan ko na talagang marating ang restaurant na pupuntahan ko. Paano pala kung kanina pa ako hinihintay ng Cliff na 'yon?!

Huminto ako sa paglalakad at hinanap ang lalaki. Nang makita ko ito hindi kalayuan sa'kin ay naglakad ako pabalik at lumapit ulit sa kanya. Mukhang busy na siya sa cellphone niya dahil bahagya pa siyang nagulat sa paglapit ko.

"Oh? You came back."

"Alam mo ba kung saan banda yung Precious Paradise? Kanina ko pa kasi hinahanap eh. Nakalimutan ko na kasi kung saan banda 'yon," dire-diretsong sabi ko.

"So, nawawala ka nga?" Bigla itong ngumisi at tinaasan pa ako ng kilay. Kung hindi lang siya guwapo, mukha na siyang manyak na batang hamog sa ginagawa niya.

"No! Sabi nang hindi ako bata eh!" Muling depensa ko at napataas naman agad ang mga kamay niya sa pagitan namin na para bang pinapakalma ako.

"Easy, Miss!" sabi nito kaya naman natahimik ako. Nadadala na ako ng pagod ko kaya puro pagtataray na lang ako at hindi puwede iyon. Kailangan ko ng tulong kaya dapat umayos ako. 

"Pasensya na, hindi kasi ako nawawala. Hindi na ako bata para mawala. 18 na ako so it's not the right term for me. May hindi lang ako makita, okay?" paglilinaw ko at ngumiti siya. 

"Okay, okay. I know where it is. Tara samahan na kita?"

Natigilan ako at automatic na nag-power on na naman ang doubts at trust issues ko pagdating sa lalaki. Ayoko nga! Baka kung saan pa ako dalhin ng kumag na 'to!

"Miss? Shall we?" Napabalik ako sa realidad at awkward na umiling ulit.

"W-Wag na lang. Baka maabala pa kita. Sabihin mo na lang sa'kin kung saan yung direksiyon, ako na lang ang pupunta."

Napakamot si Kuya sa ulo niya. "Medyo complicated kasi kung sasabihin ko saka malayo pa kasi 'yon dito, you know, baka mawala ka--"

"Iniinis mo ba ako?" Naiirita kong putol dito at nagtaka naman siya kung bakit. Kanina ko pa nga sinasabi, hindi ako bata para mawala eh! Tsk!

"Okay. Look, sorry. Gusto lang kitang samahan kasi delikado kung ikaw lang mag-isa. You look new here and, it's more dangerous because you're beautiful."

Napataas ang kilay ko.

Ano? Bobolahin mo pa talaga ako Kuya? Matagal ko nang alam na maganda ako! At isa pa hindi ako marunong magpaka-humble.

Napameywang ako bago sumagot. "I know that already, but I can save myself. So? Saan yung restaurant?"

Ang mukha niyang nakangiti ay biglang napalitan ng ngiwi kaya mas lalong napataas ang kilay ko.

"Bakit, naangal ka?"

"No. I just don't know why you can't accept my offer. I'm just concern, okay? Wala akong gagawing masama sayo." Dahil sa sinabi niya tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. 

"Totoo?" tanong ko. Imbes na sumagot ay tinawanan ako nito. "Bakit ka natawa d'yan?"

Napatango ito at ngumiti sa'kin. "I get it. I know already."

"Ang ano?"

"Kung bakit ayaw mong tanggapin ang offer ko." Napangiwi ako sa sinabi nito. "I'm handsome and for me, it's not right para pag-isipan mo ako ng masama."

"Ano? Porket guwapo matic mapagkakatiwalaan na?" Pinandilatan ko siya ng mata para masindak sa'kin pero mas tinawanan lang ako nito. Nakakainis! Ginagawa niya akong laughing stuff! "Ano ba kasi ang nakakatawa, huh?!"

"Cmon. Let's go," nakangiti nitong sabi at hinawakan ako sa braso. 

Wala na akong nagawa dahil hinila na niya ako. Gusto kong sumigaw pero mukhang walang maniniwala sa'kin dahil mukhang mayaman ang lalaking ito kumpara sa'kin na parang dugyot sa sobrang haggard na. Shitness naman! Kung hindi lang 'to guwapo, kanina ko pa 'to sinipa sa mukha eh.

Tahimik kaming naglalakad habang hawak niya ang braso ko. Wala ba siyang kotse? Ba't kami naglalakad? Pero kung sabagay mas delikado kung isasakay niya pa ako sa sasakyan. Baka kung saan niya pa ako dalhin. Mabuti na itong maraming tao kaming nasasalubong. Kahit papaano, hindi ako natatakot. 

Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak pa rin sa braso ko. Para tuloy akong bata na kinakaladkad niya. "Puwede 'wag mo na akong hawakan?"

Ngumiti siya at tinanggal nga ang kamay niya sa braso ko pero agad akong namula nang ilipat niya iyon sa kamay ko. Shitness! Magka-holding hands kami!

"Hoy, ano ba! Bitawan mo nga ang kamay ko! Harassment na 'yan ah!"

Again, tumawa na naman ang mokong! "You said don't touch your arms. Akala ko gusto mo yung kamay mo yung hawak ko."

Dahil sa inis, pilit kong iwinakli ang pagkakahawak nito sa kamay ko. "Hindi tayo close para pagtripan mo ko! Kanina ka pa tawa nang tawa! Wala namang nakakatawa!"

"Sorry," sabi nito pero sobrang obvious naman na nagpipigil pa rin siya ng tawa. Tinalikuran ko na siya para iwanan pero bigla nitong pinigil at hinawakan ang braso ko. "Sorry na, hindi na ako tatawa I swear!"

Tinanggal ko ulit ang pagkakahawak niya sa'kin at tumalikod na para maglakad palayo sa kanya. Wala na ako sa mood! Hindi na ko tutuloy sa usapan namin ni Cliff, ayoko nang makita ang nilalang na 'yon. 

"Hey, Lara!" Tinawag pa ako nito pero hindi ko na siya pinansin. Naramdaman kong sumusunod siya kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad. Ewan ko sa'yong lalaki ka! Kung sino ka man!

"Andrea Lara!" Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Mukhang mas malapit na ang boses niya kaya mas nilakihan ko pa ang bawat hakbang para mas makalayo. Hindi puwedeng maabutan niya ako. 

"Lara, stop! Where are you going?!" Natigilan ako at unti-unting napagtanto ang tawag niya sa akin. Kilala niya ako?

Inis akong tumigil at sinalubong ang paglapit niya. "Bakit mo ako kilala?"

"This is--" Tumigil siya saglit at ipinakita sa akin ang isang picture sa cellphone niya. "--you, right?"

Tiningnan ko ang picture at agad nanlaki ang mga mata ko. Dinuro ko siya at sinamaan ng tingin. "Bakit may picture ako sayo? Stalker kita noh?!"

"No. I'm not! Napag-utusan lang ako!" agad na angal nito.

"So, may nagpa-kidnap sa'kin?"

"It's not like that--"

"Eh ano?! Bakit may picture ako sayo?!"

"Chill, okay? My friend asked me a favor. Sabi niya abangan daw kita sa babaan ng taxi just to make sure you're safe. And he send this picture to me for reference."

"Wait, sino bang kaibigan mo?"

"Si Isaac."

"Huh? Wala akong kilalang Isaac."

"You don't know him? Wait, ahm--IC?"

"Hindi ko rin kilala 'yon."

Napabuntong hininga ito at napairap. "I'm talking about the guy you're going to meet in Precious Paradise, okay?"

Mabilis na naglaho ang pagtataka sa mukha ko dahil sa sinabi niya. "Adik ka! Bakit ngayon mo lang sinabi?!"

"I'm just messing with you." Natawa ito at awkward akong napangiwi. Kaibigan pala ni Cliff ang isang 'to! Pinagtripan pa ako. "But to inform you, yes, I have tattoos pero hindi ako drug pusher or drug user so I'm not adik."

Imbes na mainis, tuluyan na akong natawa sa reaksyon nito. "Don't do that again, okay? Ang lakas ng trip mo."

"Sorry 'bout that. I'm Kenneth by the way." Inilahad nito ang kamay niya sa harap ko at ngumiti ako ng tipid bago ito tanggapin.

"Andrea Lara." Ngumiti ito sa'kin at sa totoo lang mas na-appreciate ko ngayon ang kaguwapuhan niya. Nakakahiya lang kasi napagkamalan ko pa siyang masamang tao kanina. Pagtripan ba naman ako. 

"Anyway, we're already here," sabi nito at tinuro ang isang restaurant malapit lang sa amin at nabasa ko nga rito ang pangalang 'Precious Paradise'.

"Kanina pa pala tayo nandito, hindi mo man lang sinabi. Lakas talaga ng trip mo!" Natawa na naman ito sa sinabi ko. "Ano? Tara na?"

"No, it's fine. Just go. Hindi na ako sasama."

"Sure ka?"

"Yes, saka ikaw lang naman ang imi-meet ni Isaac--I mean ni Cliff."

"Oo nga pero kaibigan mo siya 'di ba? Ano'ng masama kung kasama kita? Eh siya 'tong pinasundo ako sayo."

"May mga gagawin pa kasi ako. Sige na, you can go now. For sure kanina ka pa hinihintay ni Cliff."

Ngumiti ako. "Adik ka talaga. Sige, bye. Ingat ka."

Naglakad na ako papunta sa restaurant at nang bubuksan ko na ang glass door, nilingon ko ulit siya and to my suprise nakatayo pa rin ito sa dati nitong pwesto. 

"Thank you, Ken!" sigaw ko. Ngumiti siya at kumaway sa'kin kaya kumaway din ako. Nakita kong may humintong sasakyan malapit sa kanya at sumakay na siya roon. 

May service pala siya kaya wala siyang dalang kotse kanina. Hala, ano 'yon? Talagang pumunta lang siya doon sa waiting shed na pinagpahingaan ko kanina?

Sabi niya inabangan niya raw ako sa babaan ng taxi, pero marami na akong napuntahan at inikutan bago ako nakarating sa waiting shed kung saan niya ako nilapitan. So it means, kanina pa rin niya ako hinahanap? Omo! Nakakahiya naman!

Napaisip ako. Siguro naman magkikita pa ulit kami since kaibigan pala siya ni Cliff. Babawi na lang ako next time. Ako naman mangtri-trip sa kanya haha! 

Okay, mukha akong ewan na naka-stay lang dito sa pinto. Makapasok na nga. 

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jerome Gerodico
support ako sayo .........
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Common Denominator   6) Concealer's Fault

    Nasaan na ba ang bruho na 'yon? Baka nabadtrip na iyon kakahintay sa akin.Saglit akong napatingin sa relo ko. Whoah! Almost two hours na akong late. Grabe rin pala ang pangungulit ng Kenneth na 'yon! Tagal ng bangayan namin kanina.Nilibot ko ng tingin ang kabuuan ng restaurant para hanapin si Cliff sa paligid.Kaliwa, wala.Kanan, wala rin.Kaliwa, kanan--Oh my God!Napatitig ako sa gitnang bahagi ng restaurant kung saan naroon siya. Anak ng tinapa! Ang guwapo ng ungas!Nasa counter si Cliff, ang lalaking nagpakulong sa akin ilang araw na ang nakakalipas. He looked rugged yet refined in his biker-inspired blazer and scarf. At mas nakakadagdag pa ng appeal ang mahaba niyang buhok na maya't maya niyang sinusuklay gamit ang sariling kamay. Kung gugustuhin ko lamang titigan siya baka kahit abutan na ako ng war of the worlds kung saan may aliens na invader dito sa Earth, hindi pa rin ako magsasawang tingnan siya. Wala talagang kakupas-ku

    Last Updated : 2021-08-22
  • Common Denominator   7) It's a BF thing

    Dinala nga ako ni Cliff sa kaibigang doktor niya. Nang dalhin niya ako sa hospital para magpa-check up, hindi na ako nakatanggi pa. Ang mukha niya kanina, puno ng sincere. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na nag-aalala nga siya sa akin."Girlfriend ka ba ni Cliff?" tanong sa akin ng kaibigan niyang doktor na si Dean."H-huh? Psh. Hindi 'no!"Napangisi ito. "Ngayon ko lang ulit siya nakitang may kasamang babaeng kaibigan," sabi pa ni Dean nang makahulugan."Oh? Wala ba siyang girlfriend?""Actually, meron before. Co-member ko rin kasi si Cliff sa BHS. You know that society?" Tumango ako dahil parang pamilyar ako doon. Parang nabanggit na sa'kin 'yon ng isa sa mga kaibigan ko. Pero hindi ko na inisip 'yon dahil naka-focus na ang atensiyon ko sa sinabi niyang girlfriend kuno ni Cliff."Ahm--Before? So wala ngayon?" muling tanong ko."Yes. And after that, hindi ko na ulit nakita si Cliff na may kasamang babae. Maliban ngayon."

    Last Updated : 2021-08-27
  • Common Denominator   8) No Focus

    Cliff's POV Hawak ko ang bola. Hindi ko na binigyan ng pagkakataon ang dumedepensa sa akin para makuha ito sa kamay ko. Niloko ko siya para makakuha ako ng libreng posisyon para i-shoot ang bola at napangisi ako dahil sa nakita kong reaksyon nito. Kawawa naman. Nasa ere pa lang ang bola alam ko nang papasok iyon. Ganoon ako kasigurado sa lahat ng tira ko. Kaya nga lang dahil doon sa'kin na lang palagi ipinapasa ang bola. "It's mine again!" sigaw ko nang tuluyang ma-shoot ang bola sa ring. Nandito kami ngayon sa covered court ng Basketball Handsome Society kasama syempre ang mga tropa ko. Sina Raff, Patrick, Carl, Joshua, Gilbert, Reynel, Kenneth at Reimar. Naisip ko kasing mag-relax kaya niyaya ko sila na maglaro ng practice game. Hindi na rin kasi ako sasali sa annual tournament dahil sa nalalapit na pag-alis ko ng bansa. "Madaya ka talaga, Cliff!" sigaw ni Raff. Siya kasi ang nagbabantay sa'kin kanina. "Magaling lang talaga ako

    Last Updated : 2021-08-28
  • Common Denominator   9) In Return

    Lara's POV Paalis pa lang ako ng room namin dahil kakauwian pa lang namin sa last subject nang makatanggap ako ng tawag. Hindi naka-save ang name ng caller kasi kapapalit ko lang ng cell phone eh. Kaya nga lang sa kasamaang palad, hindi naka-save sa sim card ko ang dating contacts ko. Tinitigan kong mabuti ang numero. Sino kaya itong tumatawag sa'kin? "Hoy, friendship! Kanina pa tunog ng tunog 'yang phone mo! Sagutin mo kaya!" biglang sabi ni Mady. Ay! Hindi ko pa pala nasasagot. Pinindot ko ang answer button at agad itinapat sa tenga ko ang telepono. "Hello? Sino 'to?" mataray kong tanong. "Lara, si Cliff 'to. Remember?" Pagbungad naman sa'kin ng nasa kabilang linya. Four days pa lang mula nang huli kaming magkita kaya bakit ko siya makakalimutan? "Cliff?" Binanggit ko ulit ang pangalan nito gamit ang mahinang boses para makasigurado. "Yeah, it's me. Can we talk?" sabi pa nito. "Tara, SFS!" Na

    Last Updated : 2021-08-30
  • Common Denominator   10) Daydream

    Lara's POV "You ate already?" tanong ni Cliff habang busy sa pagmamaneho. Kanina pa ako nakatulala lang dito sa bintana sa passenger seat dahil hindi naman siya umiimik, pero heto at nag-initiate na siyang makipag-usap. "Hindi pa," mahina kong sagot. Narinig kong tumikhim siya kaya napalingon ako sa kanya. "Bakit? May problema ba?" "Nothing." "May ubo ka ba? Masakit lalamunan mo?" "Nope. I'm just thinking." Napakunot ang noo ko. "About saan?" "About our deal." Sumulyap siya sa akin sandali at tipid na ngumiti. Nakaramdam na naman ako ng kakaiba dahil sa ngiti niyang iyon pero palihim na ipinilig ko na lamang ang ulo ko. "Ahh, okay." Iniwas ko agad ang tingin dito. Pakiramdam ko sumisikip ang loob ng sasakyan dahil namimilipit ako. Hindi dahil sa sakit, kundi dahil hindi ako komportable sa ganitong pakiramdam na parang sobrang lapit niya sa'kin. Hindi komportable dahil ang lakas ng dating sa'kin no'n. Lalo na at ka

    Last Updated : 2021-10-11
  • Common Denominator   11) Likely Not

    Lara's POV "Maaga ka ulit aalis?" Napalingon ako kay Edward habang nagmamadali akong ipasok sa shoulder bag ang mga gamit ko. Isang linggo na lang ang titiisin kong kasama siya. Hays! Mabuti naman malapit na magbakasyon at end semester! "Oo nasa baba na kasi si Cliff, eh." Isinukbit ko na sa sarili ang bag ko bago ko siya tinapik sa balikat. "Malapit nang matapos ang project natin this sem. I'm so happy! Bye, Edward!" Tuluyan na akong lumabas ng room. Nagpaalam na rin naman ako kina Mady na may lakad ako ngayon kaya nauna na rin silang umalis sa akin. This past few days, madalas si Cliff na ang nakakasama ko at nasanay na rin ang mga kaibigan ko doon. "Lara?" Muli kong nilingon si Edward na hindi ko namalayang sumunod pala sa 'kin. "Oh. Paalis ka na rin?" "Yup." Napatango ako at natahimik na lamang. Palihim akong napataas ng kilay. Bakit sinasabayan ako ni Edward maglakad? "If you don't mind, sabay na tayo

    Last Updated : 2021-11-25
  • Common Denominator   12) Occupied

    Lara's POV "Cause tonight is the night that I'm feeling alright. We'll be making love the whole night through..." Pagkanta ko habang napapapikit. Isa ito sa paborito kong kanta at gusto raw nilang marinig na kantahin ko ito. "So I'm saving all my love. Yes, I'm saving all my love. Yes, I'm saving all my love for you..." Bahagya kong pinagmasdan si Cliff na kasalukuyang tumutugtog ng piano sa tabi ko. Kitang-kita ko kung gaano siya ka-expert sa ginagawa niya. Sinabi niyang kumuha raw siya ng piano lessons noong high school pa lamang siya, at tumutugtog na siya sa mga stage play sa ngayon sa ibang bansa. Bukod pa doon, may music school pa sila dito sa Pilipinas na mina-manage ng pinsan niyang si Ate Josh, na palaging present sa mga practice namin. Kasamahan din naman nito sa banda ang nakababatang pinsan nila na si Miho. Namamangha ako sa mga nakamit na niyang tagumpay. I felt proud of him. Nang matapos ang kanta, nagpalakpakan aga

    Last Updated : 2022-01-15
  • Common Denominator   13) Who's at fault?

    Kalahating oras na ang lumipas pero hindi ko pa rin mahagilap ang cellphone ko. Bigla akong kinabahan. Kabibili ko lang kasi noon at for sure pagagalitan at sesermunan na naman ako ng parents ko pag nalaman nila na nawala ko ito. Nilapitan ako nila Miho at Ate Josh dahil napansin na nila ang pagkabalisa ko. Sinabi ko na rin sa kanila ang problema at ipinagtanong ko kaagad sa lahat ng kasama namin kung nakita ba nila ang cellphone kong polkadots ang design ng case, pero wala raw silang napansin. Naku naman! Saan naman kaya napunta 'yon? Hinanap ko ito nang hinanap at tinulungan na rin ako ng iba pa. Hanggang sa matapos na ang practice, isang beses ko pang hinalungkat ang bag ko pero wala talaga ito dito. "Hindi mo pa rin makita?" tanong ni Cliff na kasalukuyang nasa tabi ko na pala. Napabuntong hininga ako. "Oo, sayang--" Biglang nanlaki ang mga mata ko nang may maisip. "Shitness! Hindi kaya nailagay ko pala 'yon sa bulsa ko bago umangkas sa motor mo?

    Last Updated : 2022-01-15

Latest chapter

  • Common Denominator   18) Dilemma

    Lara's POV"48 out of 50. Hindi na masama." Bulong ko sa sarili habang tinitingnan ang huling cattleya na hawak ko. Kakatapos lang ng midterms kahapon at ngayon lang na-distribute lahat ng results.Dahil tapos na ang pre-hell week, magsisimula na bukas ang mahabang bakasyon namin. Wednesday na ngayon at ang sabi ni Cliff sa'kin ay susunduin niya ako dito sa bahay ng Friday pagkagaling niya sa society.Itinabi ko na ang mga gamit ko sa bag pagkatapos ay binuksan muli ang notes ko. Kanina pa ako nakadapa dito sa sarili kong kama habang nag-aaral dahil balak ko sana mag-advance review para sa mga susunod naming lessons. Hindi nga lang nakikipag-cooperate ang utak ko dahil ang dami kong iniisip.Hindi naman ako nagsisisi na pumayag ako sa pag-aya ni Cliff sa'kin sa Tagaytay, pero 'di pa rin mawala ang pangamba ko sa mga p'wedeng mangyari habang nandoon ako kasama siya. Mula Friday, hanggang Tuesday makakasama ko siya, 5 days 'yon!Sa totoo lang, dalawang araw ko nang pinipilit ang sarili k

  • Common Denominator   17) Usually Not

    Lara's POVLumipas na ang one week at halos mabaliw na ako kakaisip kung bakit mas lumalakas ang epekto ng presence ni Cliff para sa akin. Halos isang linggo na rin na madalas ko siyang nakakasama, hindi dahil sa practice kung hindi dahil kina-career niya yata ang pagpapanggap bilang boyfriend ko.Hindi naman sa nagrereklamo ako pero feeling ko kasi ako ang dehado sa set-up naming dalawa. Hindi ko naman alam kung paano ang gagawin dahil talagang consistent si Cliff sa pag-arte to the point na hatid-sundo niya na ako sa campus. Sabay din kami palagi kumain ng lunch at dinner, dahil pumupunta rin siya sa bahay. At madalas pa kaming lumalabas nang kaming dalawa lang. Kilala na tuloy kaming couple dito sa school dahil madalas kaming nakikitang magkasama.Napatitig ako sa kamay ko. Mga kamay ko na palagi niyang hawak at walang mintis iyon. Hays! Ayokong mas lumalim pa sa kaniya pero ayoko ring matapos 'to. Hindi pa ako sigurado sa feelings ko pero natatakot ako na baka umabot kami sa ganoo

  • Common Denominator   16) Fiancé

    "You're so cute." Pilyong ngumiti sa akin si Cliff kaya pilit akong ngumiti. Tiningnan ko ang dalawang kaibigan ko pati na rin si Pat at kitang-kita ko sa mga mukha nila na nagpipigil talaga sila ng tawa. "Ano'ng problema kung dim light ang gusto ko?" nagtatakang tanong ko. Hinawakan ako ni Mady sa braso pero hindi nito matuloy kung anuman ang gusto niyang sabihin dahil tawang-tawa ito. "M-May mali ba sa sagot ko?" "Oh my. I cannot! I'm sorry. Hindi na ako tatawa." Pinilit ni Mady ikalma ang sarili at huminga nang malalim. "Nakalimutan kong inosente ka pa." Nagsalubong ang kilay ko. "Ha?" "Nah. Nothing." "Gaga! Dare mo yan, magtanong ka ng maayos!" Hinampas ni Rhea si Mady habang pigil din ang pagtawa. Wait, so ito ang dare niya kay Mady? Ang tanungin ako? Tama ba ako? "Okay, okay. Here's my real question--" "Teka lang!" Pigil ko kay Mady. Napatingin naman agad ang iba sa akin. "Rhea, ayan ba ang pinalit mong dare sa kanya? To question me?" Tinaasan ako ng kilay ni Rhea

  • Common Denominator   15) Twisted Spin

    Lara's POV"Are you avoiding me?" Natigilan ako nang marinig ang boses ni Cliff mula sa likuran ko."Ha? Patawa ka. Ba't naman kita iiwasan?" Alanganin kong sagot. Nagsimula na naman ang kabang nararamdaman ko everytime na malapit siya sa akin.Ano ba 'yan! Kaya nga ako nagpresinta na ako na ang maghuhugas ng mga pinagkainan namin para makalayo saglit kay Cliff, e. Pero heto, ilang minutes pa lang ang nakalipas lumapit na naman siya sa'kin."I don't know. Ramdam ko lang na parang iniiwasan mo 'ko." Rinig kong sagot nito. Hindi na ako nagsalita pa at pinagpatuloy na lamang ang pagsasabon sa mga plato. "Can I help you?""I-Ikaw bahala." Lumapit sa katabing sink si Cliff at pumwesto sa gilid ko. "Marunong ka ba maghugas?""Of course, yes. I'm not a señorito," pilyong sagot nito.Natawa na lamang ako at maingat na inilagay sa sink na katapat niya ang mga nasabunan ko ng plato at baso. "Oh, ikaw magbanlaw. Ayusin mo, ha? Dapat

  • Common Denominator   14) Only Fool's Fall

    Lara's POV "Hoy, friendship! Wala ka bang balak kumain?" Walang gana akong bumangon mula sa pagkakahiga nang marinig ang boses ni Mady. "Ano'ng ulam?" "As usual, adobo. Alam mo namang yun lang ang kaya 'kong lutuin 'di ba?" Nakapameywang na umupo sa kama ko si Mady. Napabuntong hininga ako at akmang hihiga na ulit pero bigla nitong hinila ang kamay ko. "Friendship naman, tara na sa baba. Nagugutom na ako seriously." "Sino ba kasi nagsabi na hintayin mo pa 'ko? Hays! Mauna ka na. Ayokong kumain," bagot kong sagot. Nakita ko naman agad ang pagtaas ng kilay ni Mady. "Oh? Ano na naman?" "Siguro ayaw mo na sa adobo ko, no? Nagsasawa ka na ba?" seryosong tanong nito. Shutaness! Kasalukuyang lubog pa ang isip ko sa kahihiyan na ginawa ko sa harap ni Cliff kagabi, pero heto si Margarette at mukhang dadagdag pa. "Wala ako sa mood, okay?" Humiga na ulit ako at tinalikuran ito. "Bakit ba kasi bad mood ka? Kahapon ka pa ganiyan since umuwi

  • Common Denominator   13) Who's at fault?

    Kalahating oras na ang lumipas pero hindi ko pa rin mahagilap ang cellphone ko. Bigla akong kinabahan. Kabibili ko lang kasi noon at for sure pagagalitan at sesermunan na naman ako ng parents ko pag nalaman nila na nawala ko ito. Nilapitan ako nila Miho at Ate Josh dahil napansin na nila ang pagkabalisa ko. Sinabi ko na rin sa kanila ang problema at ipinagtanong ko kaagad sa lahat ng kasama namin kung nakita ba nila ang cellphone kong polkadots ang design ng case, pero wala raw silang napansin. Naku naman! Saan naman kaya napunta 'yon? Hinanap ko ito nang hinanap at tinulungan na rin ako ng iba pa. Hanggang sa matapos na ang practice, isang beses ko pang hinalungkat ang bag ko pero wala talaga ito dito. "Hindi mo pa rin makita?" tanong ni Cliff na kasalukuyang nasa tabi ko na pala. Napabuntong hininga ako. "Oo, sayang--" Biglang nanlaki ang mga mata ko nang may maisip. "Shitness! Hindi kaya nailagay ko pala 'yon sa bulsa ko bago umangkas sa motor mo?

  • Common Denominator   12) Occupied

    Lara's POV "Cause tonight is the night that I'm feeling alright. We'll be making love the whole night through..." Pagkanta ko habang napapapikit. Isa ito sa paborito kong kanta at gusto raw nilang marinig na kantahin ko ito. "So I'm saving all my love. Yes, I'm saving all my love. Yes, I'm saving all my love for you..." Bahagya kong pinagmasdan si Cliff na kasalukuyang tumutugtog ng piano sa tabi ko. Kitang-kita ko kung gaano siya ka-expert sa ginagawa niya. Sinabi niyang kumuha raw siya ng piano lessons noong high school pa lamang siya, at tumutugtog na siya sa mga stage play sa ngayon sa ibang bansa. Bukod pa doon, may music school pa sila dito sa Pilipinas na mina-manage ng pinsan niyang si Ate Josh, na palaging present sa mga practice namin. Kasamahan din naman nito sa banda ang nakababatang pinsan nila na si Miho. Namamangha ako sa mga nakamit na niyang tagumpay. I felt proud of him. Nang matapos ang kanta, nagpalakpakan aga

  • Common Denominator   11) Likely Not

    Lara's POV "Maaga ka ulit aalis?" Napalingon ako kay Edward habang nagmamadali akong ipasok sa shoulder bag ang mga gamit ko. Isang linggo na lang ang titiisin kong kasama siya. Hays! Mabuti naman malapit na magbakasyon at end semester! "Oo nasa baba na kasi si Cliff, eh." Isinukbit ko na sa sarili ang bag ko bago ko siya tinapik sa balikat. "Malapit nang matapos ang project natin this sem. I'm so happy! Bye, Edward!" Tuluyan na akong lumabas ng room. Nagpaalam na rin naman ako kina Mady na may lakad ako ngayon kaya nauna na rin silang umalis sa akin. This past few days, madalas si Cliff na ang nakakasama ko at nasanay na rin ang mga kaibigan ko doon. "Lara?" Muli kong nilingon si Edward na hindi ko namalayang sumunod pala sa 'kin. "Oh. Paalis ka na rin?" "Yup." Napatango ako at natahimik na lamang. Palihim akong napataas ng kilay. Bakit sinasabayan ako ni Edward maglakad? "If you don't mind, sabay na tayo

  • Common Denominator   10) Daydream

    Lara's POV "You ate already?" tanong ni Cliff habang busy sa pagmamaneho. Kanina pa ako nakatulala lang dito sa bintana sa passenger seat dahil hindi naman siya umiimik, pero heto at nag-initiate na siyang makipag-usap. "Hindi pa," mahina kong sagot. Narinig kong tumikhim siya kaya napalingon ako sa kanya. "Bakit? May problema ba?" "Nothing." "May ubo ka ba? Masakit lalamunan mo?" "Nope. I'm just thinking." Napakunot ang noo ko. "About saan?" "About our deal." Sumulyap siya sa akin sandali at tipid na ngumiti. Nakaramdam na naman ako ng kakaiba dahil sa ngiti niyang iyon pero palihim na ipinilig ko na lamang ang ulo ko. "Ahh, okay." Iniwas ko agad ang tingin dito. Pakiramdam ko sumisikip ang loob ng sasakyan dahil namimilipit ako. Hindi dahil sa sakit, kundi dahil hindi ako komportable sa ganitong pakiramdam na parang sobrang lapit niya sa'kin. Hindi komportable dahil ang lakas ng dating sa'kin no'n. Lalo na at ka

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status