Home / Romance / Common Denominator / 1) Once upon a girl

Share

Common Denominator
Common Denominator
Author: LovElle

1) Once upon a girl

Author: LovElle
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Lara's POV

"ANDREA LARA PEREZ!!"

Napakislot ako nang tawagin ng kaibigan ko ang pangalan ko.

"Ay, anak ng tipaklong! Bakit ba?" Pag-angal ko.

Wala ako sa sarili sa mga oras na ito. Nandito kami sa St. Francis Square, na lagi naman naming pinupuntahan pag kailangan namin ng cold air, what I mean is aircon. Usually tambayan na namin 'to, lalo na pag mahaba-habang vacant ang pagdadaanan namin. At ngayon nandito kami dahil kami ay nagme-merienda! Haha! Sosyal no? Merienda lang, SFS pa.

"Ang sabi namin mukha kang broken hearted!" Iyan si Mady. Ang echosera kong kaibigan na red hair. Her full name is Margarette Denise Lerman, ang kaibigan kong hot pero bruha.

"Oo nga, habang may buhay may pag-asa." Pagtawa ni Jackie. Her name is Jackielyn Ersena. Ang blonde hair chick pero boyish, isa pang loka. 

"Tse! Tigilan 'nyo ako kung ayaw n'yong maging pritong isda pag-uwi!" nanggigigil na sabi ko. Inirapan ko ang mga ito at sabay-sabay silang tumawa. 

Napabuntong hininga na lamang ako. Alam ko ang tinutukoy nila. Nakasalubong kasi namin kanina ang crush ko na si Edward. Matutuwa na sana ko na makita siya, kaso nakita ko may kalandian siyang babae. Argh! Nakakainis! Badtrip talaga! 

Ang akala ko kasi higit pa sa magkaibigan ang relasyon naming dalawa. Pero base sa nakita ko kanina, nagmukha lang akong tanga sa pag-expect ng mas malalim pang relasyon sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit, pero parang mas tinamaan ang ego ko kaysa sa heart ko. Bakit ba lagi na lang ganito ang sitwasyon ko? Palaging epic failed pinapakilala sa'kin ni kupido! Kung hindi binabae, taken. Kung hindi taken, manloloko at sinungaling!

Sa totoo lang, gustong-gusto kong sakalin si Edward ngayon! Umasa na kasi akong sa wakas, sa 18 years kong pamamalagi sa mundo ay magkakaroon na'ko ng boyfriend! And yeah, that's right! You've heard it. Isa kasi akong certified at true blue "No Boyfriend Since Birth" at habang patanda ako ng patanda, ay lalo akong nagpa-panic na maging isang matandang dalaga. Oh my God!

WOW, OA. APPLAUSE.

May mga lalaki rin namang nagdaan na sa buhay ko na matino. Mark the word 'dumaan lang'. Kasi dumaan lang naman talaga eh! Yung literal huh! Malay ko ba sa kanila, nakaka-intimidate ata ang presensiya ko.

At heto na naman ako, idadaan ko na naman ang bagong kabiguang sinapit ko sa pagibig sa paraang maipapakita ko sa lahat ng tao na matatag ako. Kaya inaakala ng lahat na boyish ako, eh! Hays!

Hindi ko ugali ang mag-self pity, but I'm starting to feel like a loser. Pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako? Then why?! Ang ganda-ganda ko kaya! Ang sexy ko pa! 

Pero seryoso, palagi ngang sinasabi sa'kin ng mga kaibigan ko na maganda ako, eh. True friends are always honest with you. Naniniwala ako do'n!

"But seriously, Andeng? Okay ka lang ba talaga? I mean, mas okay sa'min na maglabas ka ng rants mo kaysa parang manhid ka d'yan na hindi affected. Mas nakakatakot," ani Jackie.

"Malay mo hindi talaga siya affected?" Nginitian ako ni Mady bago tinaas-baba ang kilay niya na parang nagpapa-cute siya sa harap ko. Yuck!

"Ano'ng hindi?! Walanghiyang Edward na 'yon! May pa-humble humble man pa siyang nalalaman, malandi naman pala!" Napasigaw ako at agad na naman silang nagtawanan. Minsan iniisip ko kung kaibigan ko ba talaga 'tong mga 'to. Mas masaya sila pag nagagalit ako. Mga baliw!

But the heck! Honestly speaking, inis na inis ako! Alam kong wala pa akong karapatang mainis dahil wala pa naman kaming relasyon kaya lang, pinaasa talaga ako ng Poncio Pilato na 'yon! Akala mo naman kung sinong guwapo! 

Okay. Sige. Guwapo siya pero wala s'yang karapatang gawin sa'kin 'to noh! Maganda ako!

"Marami pa namang iba diyan, Lara," komento ni Hazel.

"Oo nga, tama! Hindi si Edward ang nag-iisang lalaki sa mundo. Marami pang magkakagusto sayo, girl!" sang-ayon ni Cathy.

Meet Catherine Dela Cruz and Hazel Anne Torres, isa rin sila sa mga chicks na hopeless romantic. Mga sawi rin sa pag-ibig pero naniniwalang may dadating pang tamang tao para sa kanila. Gustong-gusto ko yung kulay brown-blonde nilang buhok pero wala eh. Hindi na nga ako kaputian, black haired pa ako. Kaloka.

I rested my arms on the table and lazily sipped my grape shake. "Sabihin n'yo, wala nang magkakagusto sa akin! Shuta! Nakaranas na kayong lahat ng first kiss pero ako until now wala pa! Kulang na lang next time na magkaroon ulit ako ng ka-mutual feelings, hahalikan ko na ora mismo para magkaroon no'n eh!" Nabilaukan si Mady sa kinakain niyang cake dahil sa sinabi ko. "Oh? Hindi ako manyak! Slight lang!"

"Bwisit ka, friendship! Malala ka na!" Natatawang sabi ni Mady sa'kin nang maka-recover sa pag-ubo.

"Ano ka ba, Lara?" Okay. 'Yan na si Rhea, bumabanat na naman. Her full name is Rhea Reyes, loka-lokang chicks din. Mabuti pa yung kutis niyang maputi binagayan yung dark brown niyang buhok. Ang blooming! Hays! Palibhasa napakakulay ng lovelife eh. Unfair talaga!

"Tao ako. Magandang tao." Pamimilosopo ko saka napabuntong hininga. "Hay buhay, ako na lang ang walang love life sa atin."

"Hoy! Ako rin kaya!" singit ni Cathy.

"Ulol mo girl!" Dahil sa sinabi ko, again, tinawanan na naman nila ako.

"Teka nga, Andrea Lara. Ikaw ba eh, nagse-self pity huh?" Lalong humaba ang nguso ko nang marinig ang tanong ni Mady.

"Palibhasa kasi kayo, may kanya-kanya ng love life! Ikaw Mady masaya ka na sa bago mong boyfriend. Si Rhea, masaya na kay Benj. Si Hazel, na-crush back ng crush niya. Si Cathy at Jackie naman, may kanya-kanyang sumusuyo sa kanila." Natahimik ako sandali. Grabe talaga, hindi ko talaga maiwasang isipin na parang lahat ng tao sa paligid ko ay masaya sa lovelife nila. Samantalang ako zero ang lovelife ko. Sobrang drain na ako, kailangan ko na ng kilig power!

"Nakaw, wala akong gusto doon baliw ka!" biglang sabi ni Jackie.

"Kahit kailan, hindi ko magugustuhan ang ulupong na 'yon kaya may karamay ka girl," sabi naman ni Cathy.

"At saka ano'ng sinasabi mong crush? Issue ka! Wala akong boylet ngayon 'no!" reklamo naman ni Hazel.

Hindi ko na alam kung anong dapat sabihin kaya natahimik na lamang ako.

"Gusto mo ba talagang magka-lovelife, friendship?" biglang tanong ni Mady.

Natigilan ako at sumagot. "Oh, bakit?"

"Nag-organize ng speed dating ang pinsan ko. Marami kang makikilalang lalaki 'ron!" Dagdag nito.

"Ayoko nga." Mabilis kong tugon.

"Hala, ayaw pa!" Hampas sa'kin ni Rhea.

"Haha! Choosy 'yan be!" Pang-aasar ni Hazel kaya pabiro ko silang inirapan.

"Hindi ah!"

"Eh bakit ayaw mo? Choosy pa you?" banat naman ni Jackie.

"Mga letche kayo!" 

"Eh bakit ba kasi ayaw mo?" tanong pa ni Cathy.

"Yeah, why not? I'll assure you mga guwapo ang mga guys do'n!" sabi pa ni Mady.

Tiningnan ko sila isa-isa bago muling napabuga ng hangin. "Baka naman kasi magmukha akong atat magka-love life n'yan."

With that, napatingin silang lahat sa'kin. Feeling ko, gustong-gusto na akong batukan ng mga 'to. 

"Swallow your pride, friendship! Maraming mga babae ang nakaranas na ng pinagdadaanan mo. You haven't gone through the worst of it kaya normal lang 'yan," komento agad ni Mady nang maka-move on sa sinabi ko. Instead of answering her, I just shrugged and then sipped again my grape shake. Hindi na rin naman nila ako kinulit pa dahil nagkanya-kanya na silang topic. Siguro napansin din nila na wala talaga ko sa mood makipag-usap for now about that issue.

Madalas mapuna ng mga kaibigan ko ang pagkakaroon ko ng mataas na pride. Pero seriously, hindi ko na kasi talaga alam ang gagawin tuwing may magpapakita ng interes sa akin. Kung makikipag-flirt ba ako o pahihirapan ko pa sila?

Masama bang maging matatag? Aminado akong boyish ako kumilos pero taglay ko pa rin naman ang puso na katulad ng kay Eba na ang hangad lamang ay mahanap ang aking Adan. 

Yawa! Ayoko nang magdrama nagiging makata na ako!

Masaya na naman ako sa buhay ko eh. Nasa akin na ang lahat. Mapagmahal na pamilya, marangyang buhay, tunay na mga kaibigan. Kung tutuusin nga dapat wala na'kong hanapin pa, pero hindi ko maiwasang isipin na sila merong lovelife, ako walang-wala.

Pero syempre naniniwala pa rin naman akong matatagpuan ko rin ang lalaking magmamahal sa akin. Iyong tipo ng lalaking ipagmamalaki ako, kung ano at sino ako. And I'm ready to start that quest, to find that guy, my Mr. Right. 

"Gals, uwi na lang ako. Masama pakiramdam ko." Paalam ko bago ako tumayo. Nagkatinginan muna sila bago tumingin sa'kin. You know, this is not the first time na nangyari ang ganitong moment. Ako kasi yung tipo ng taong mas gustong mapag-isa pag may iniisip na problema then saka na lang magpapakasaya pag medyo cool down na. Kung hindi ko rin kasi gagawin 'yon, madalas sila ang napagbubuntungan ng inis at rants ko at ayokong mangyari 'yon. 

Saglit silang natahimik pero nakangiti silang lahat sa'kin.

"Ingat ah? Kami na bahala sa prof. natin," sabi ni Mady at nagkanya-kanya na silang paalala sa'kin. Since mahaba-haba pa ang vacant namin, nagpasya silang magpaiwan na lang doon kaya nag-start na akong maglakad palabas ng SFS.

Hay buhay! Lara, last na 'to huh! Last na pagse-self pity mo na 'to! 

As I was walking, my phone just vibrated. Nag-message sa'kin si bruhilda. 

"Hoy! 'Wag kang baliw huh! Pag naisip mong tumalon mula sa bintana ng room mo 'wag mo nang ituloy! Mas may maganda akong suggestion sayo, uminom ka ng lason mas effective 'yon! Ingat seeyah tomorrow! Pag 'di kita nakita bukas, ako mismo papatay sayo! Lovelots!" 

From: Mady Maldita

Natawa ako nang bahagya. Abnormal talaga.

Related chapters

  • Common Denominator   2) Out Then In

    Though I was thinking about my problem too much, I dragged my attention back to the stack of papers on my desk."Letcheng essay 'yan! Peste! Nakakabangag ang araw na 'to!"Naiinis akong sumigaw. Kanina pa ako absent-minded at hindi ko nagugustuhan iyon. Nag-text sa'kin si Mady about this assignment at bukas ang submission nito. I needed to focus to finish this, kailangang maipasa na 'to bukas."Argh!"Tumayo ako sa swivel chair ko at naglakad palabas ng bahay. I needed to get some caffeine to my system. Or hindi naman kaya ay ice cream! Hindi ako maaaring maapektuhan sa nakita ko noong isang araw!Inis akong napabuntong hininga. Heto na naman ako! For goodness! Ilang araw na ba akong ganito? Two days? Three freaking days?! Shitness! Tapos sobrang kinaiinis ko pa ang pagiging sweet ni Edward sa akin these past days kahit pa kitang-kita ko na may kasama siyang babae sa mall nang isang araw. Badtrip talaga!"What is it with you, all you m

  • Common Denominator   3) Lucky Or Not

    Nagmamadali ako. Sa kamalas-malasan, umulan pa ngayong hapon kaya buhol-buhol na traffic ang inabutan ko. Nag-expect pa naman ako na mabilis lang ako makakarating dahil dala ko ang itim na kotse ko at hindi ako nag-commute.Yup, marunong na akong mag-drive at may kotse na akong sarili. Just like I said, I came from a good family. Pero hindi naman sobrang yaman, may kaya lang gan'on. I just turned 18 last month at registered driver na rin ako kahit papaano dahil 16 pa lang ako tinuturuan na ako ni Daddy magmaneho. Tamad lang talaga ako mag-drive kaya madalas nagta-taxi ako.Napatingin ako sa relo na suot ko. Dapat talaga aalis ako nang maaga eh. Natagalan lang talaga ako sa pagpili ng tamang isusuot ko. Puro kasi shirt at jeans ang mga damit ko. Hindi kasi ako mahilig sa mga pambabaeng damit kaya kailangan ko pang daanan si Mady para masamahan akong mag-shopping kanina ng damit. Siya rin ang nag-makeup at namili ng purse na gagamitin ko. At nang tingnan ko ang sarili ko

  • Common Denominator   4) Is it a problem?

    Lara's POV"Nakakabwisit talaga!" inis na sigaw ko.Walang katapusan ang pagrereklamo ko sa mga kaibigan ko nang magpunta kaming foodcourt ng SFS, ang aming official na tambayan pagkatapos ng class hours. Hindi ko alam kung ilang beses ko nang binanggit ang dalawang salitang iyon, pero iisa lang ang alam ko, sukdulan talaga ang pagkainis ko sa bwisit na lalaki na 'yon! Ipakulong ka ba naman!"Napakawalang puso niya! Buti pa ang saging may puso, siya wala!" dagdag ko."Edi namatay na siya? Wala siyang puso, eh." Nagsimula na naman mamilosopo si Rhea. Imbes na pansinin ay inirapan ko na lang siya. Sinalo yata lahat ng babaeng 'to ang kapilosopohan na kinalat sa mundo."Friendship, tama na 'yan." Paghawak ni Mady sa balikat ko."No! Pakiramdam ko, minolestiya ako ng mga lalaki doon sa presinto. Muntik ko na ngang upakan 'yong isang pulis na kung makatingin eh parang huhubaran ako! Buti na lang, hindi ako ikinulong kasama ng mga naka

  • Common Denominator   5) Concern Issues

    Lara's POVNag-uumpisa na naman ako mabadtrip. Saan ba banda ang Precious Paradise na 'yon? Ang init-init na nga eh, tapos amoy usok pa ako sa dami ng sasakyan dito."Ang haggard ko na!" inis akong umupo sa waiting shed para magpahinga.Kanina pa ako nandito sa Commonwealth at kanina ko pa rin hinahanap ang restaurant na 'yon. Takte talaga! Bakit kasi pumayag pa ako na do'n kami magkita? Ang tagal na naming hindi nakakapunta doon kaya nakalimutan ko na kung saan ang exact place no'n! Ang engot mo talaga, Lara!Inis kong tiningnan ulit ang waze app para malaman ang location ng pupuntahan ko pero mukhang hindi ito updated dahil sa maling lugar ako nito dinadala."Naku naman! Saan ba yung pesteng restaurant na 'yon?" Naiinis kong bulong sa sarili."Miss, you need some help?" Napalingon ako sa likuran ko kung saan nanggaling ang boses at bahagya na namang nanlaki ang mga mata ko.Oh my God! Isa na namang nilalang na guwapo!"Miss?"

  • Common Denominator   6) Concealer's Fault

    Nasaan na ba ang bruho na 'yon? Baka nabadtrip na iyon kakahintay sa akin.Saglit akong napatingin sa relo ko. Whoah! Almost two hours na akong late. Grabe rin pala ang pangungulit ng Kenneth na 'yon! Tagal ng bangayan namin kanina.Nilibot ko ng tingin ang kabuuan ng restaurant para hanapin si Cliff sa paligid.Kaliwa, wala.Kanan, wala rin.Kaliwa, kanan--Oh my God!Napatitig ako sa gitnang bahagi ng restaurant kung saan naroon siya. Anak ng tinapa! Ang guwapo ng ungas!Nasa counter si Cliff, ang lalaking nagpakulong sa akin ilang araw na ang nakakalipas. He looked rugged yet refined in his biker-inspired blazer and scarf. At mas nakakadagdag pa ng appeal ang mahaba niyang buhok na maya't maya niyang sinusuklay gamit ang sariling kamay. Kung gugustuhin ko lamang titigan siya baka kahit abutan na ako ng war of the worlds kung saan may aliens na invader dito sa Earth, hindi pa rin ako magsasawang tingnan siya. Wala talagang kakupas-ku

  • Common Denominator   7) It's a BF thing

    Dinala nga ako ni Cliff sa kaibigang doktor niya. Nang dalhin niya ako sa hospital para magpa-check up, hindi na ako nakatanggi pa. Ang mukha niya kanina, puno ng sincere. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na nag-aalala nga siya sa akin."Girlfriend ka ba ni Cliff?" tanong sa akin ng kaibigan niyang doktor na si Dean."H-huh? Psh. Hindi 'no!"Napangisi ito. "Ngayon ko lang ulit siya nakitang may kasamang babaeng kaibigan," sabi pa ni Dean nang makahulugan."Oh? Wala ba siyang girlfriend?""Actually, meron before. Co-member ko rin kasi si Cliff sa BHS. You know that society?" Tumango ako dahil parang pamilyar ako doon. Parang nabanggit na sa'kin 'yon ng isa sa mga kaibigan ko. Pero hindi ko na inisip 'yon dahil naka-focus na ang atensiyon ko sa sinabi niyang girlfriend kuno ni Cliff."Ahm--Before? So wala ngayon?" muling tanong ko."Yes. And after that, hindi ko na ulit nakita si Cliff na may kasamang babae. Maliban ngayon."

  • Common Denominator   8) No Focus

    Cliff's POV Hawak ko ang bola. Hindi ko na binigyan ng pagkakataon ang dumedepensa sa akin para makuha ito sa kamay ko. Niloko ko siya para makakuha ako ng libreng posisyon para i-shoot ang bola at napangisi ako dahil sa nakita kong reaksyon nito. Kawawa naman. Nasa ere pa lang ang bola alam ko nang papasok iyon. Ganoon ako kasigurado sa lahat ng tira ko. Kaya nga lang dahil doon sa'kin na lang palagi ipinapasa ang bola. "It's mine again!" sigaw ko nang tuluyang ma-shoot ang bola sa ring. Nandito kami ngayon sa covered court ng Basketball Handsome Society kasama syempre ang mga tropa ko. Sina Raff, Patrick, Carl, Joshua, Gilbert, Reynel, Kenneth at Reimar. Naisip ko kasing mag-relax kaya niyaya ko sila na maglaro ng practice game. Hindi na rin kasi ako sasali sa annual tournament dahil sa nalalapit na pag-alis ko ng bansa. "Madaya ka talaga, Cliff!" sigaw ni Raff. Siya kasi ang nagbabantay sa'kin kanina. "Magaling lang talaga ako

  • Common Denominator   9) In Return

    Lara's POV Paalis pa lang ako ng room namin dahil kakauwian pa lang namin sa last subject nang makatanggap ako ng tawag. Hindi naka-save ang name ng caller kasi kapapalit ko lang ng cell phone eh. Kaya nga lang sa kasamaang palad, hindi naka-save sa sim card ko ang dating contacts ko. Tinitigan kong mabuti ang numero. Sino kaya itong tumatawag sa'kin? "Hoy, friendship! Kanina pa tunog ng tunog 'yang phone mo! Sagutin mo kaya!" biglang sabi ni Mady. Ay! Hindi ko pa pala nasasagot. Pinindot ko ang answer button at agad itinapat sa tenga ko ang telepono. "Hello? Sino 'to?" mataray kong tanong. "Lara, si Cliff 'to. Remember?" Pagbungad naman sa'kin ng nasa kabilang linya. Four days pa lang mula nang huli kaming magkita kaya bakit ko siya makakalimutan? "Cliff?" Binanggit ko ulit ang pangalan nito gamit ang mahinang boses para makasigurado. "Yeah, it's me. Can we talk?" sabi pa nito. "Tara, SFS!" Na

Latest chapter

  • Common Denominator   18) Dilemma

    Lara's POV"48 out of 50. Hindi na masama." Bulong ko sa sarili habang tinitingnan ang huling cattleya na hawak ko. Kakatapos lang ng midterms kahapon at ngayon lang na-distribute lahat ng results.Dahil tapos na ang pre-hell week, magsisimula na bukas ang mahabang bakasyon namin. Wednesday na ngayon at ang sabi ni Cliff sa'kin ay susunduin niya ako dito sa bahay ng Friday pagkagaling niya sa society.Itinabi ko na ang mga gamit ko sa bag pagkatapos ay binuksan muli ang notes ko. Kanina pa ako nakadapa dito sa sarili kong kama habang nag-aaral dahil balak ko sana mag-advance review para sa mga susunod naming lessons. Hindi nga lang nakikipag-cooperate ang utak ko dahil ang dami kong iniisip.Hindi naman ako nagsisisi na pumayag ako sa pag-aya ni Cliff sa'kin sa Tagaytay, pero 'di pa rin mawala ang pangamba ko sa mga p'wedeng mangyari habang nandoon ako kasama siya. Mula Friday, hanggang Tuesday makakasama ko siya, 5 days 'yon!Sa totoo lang, dalawang araw ko nang pinipilit ang sarili k

  • Common Denominator   17) Usually Not

    Lara's POVLumipas na ang one week at halos mabaliw na ako kakaisip kung bakit mas lumalakas ang epekto ng presence ni Cliff para sa akin. Halos isang linggo na rin na madalas ko siyang nakakasama, hindi dahil sa practice kung hindi dahil kina-career niya yata ang pagpapanggap bilang boyfriend ko.Hindi naman sa nagrereklamo ako pero feeling ko kasi ako ang dehado sa set-up naming dalawa. Hindi ko naman alam kung paano ang gagawin dahil talagang consistent si Cliff sa pag-arte to the point na hatid-sundo niya na ako sa campus. Sabay din kami palagi kumain ng lunch at dinner, dahil pumupunta rin siya sa bahay. At madalas pa kaming lumalabas nang kaming dalawa lang. Kilala na tuloy kaming couple dito sa school dahil madalas kaming nakikitang magkasama.Napatitig ako sa kamay ko. Mga kamay ko na palagi niyang hawak at walang mintis iyon. Hays! Ayokong mas lumalim pa sa kaniya pero ayoko ring matapos 'to. Hindi pa ako sigurado sa feelings ko pero natatakot ako na baka umabot kami sa ganoo

  • Common Denominator   16) Fiancé

    "You're so cute." Pilyong ngumiti sa akin si Cliff kaya pilit akong ngumiti. Tiningnan ko ang dalawang kaibigan ko pati na rin si Pat at kitang-kita ko sa mga mukha nila na nagpipigil talaga sila ng tawa. "Ano'ng problema kung dim light ang gusto ko?" nagtatakang tanong ko. Hinawakan ako ni Mady sa braso pero hindi nito matuloy kung anuman ang gusto niyang sabihin dahil tawang-tawa ito. "M-May mali ba sa sagot ko?" "Oh my. I cannot! I'm sorry. Hindi na ako tatawa." Pinilit ni Mady ikalma ang sarili at huminga nang malalim. "Nakalimutan kong inosente ka pa." Nagsalubong ang kilay ko. "Ha?" "Nah. Nothing." "Gaga! Dare mo yan, magtanong ka ng maayos!" Hinampas ni Rhea si Mady habang pigil din ang pagtawa. Wait, so ito ang dare niya kay Mady? Ang tanungin ako? Tama ba ako? "Okay, okay. Here's my real question--" "Teka lang!" Pigil ko kay Mady. Napatingin naman agad ang iba sa akin. "Rhea, ayan ba ang pinalit mong dare sa kanya? To question me?" Tinaasan ako ng kilay ni Rhea

  • Common Denominator   15) Twisted Spin

    Lara's POV"Are you avoiding me?" Natigilan ako nang marinig ang boses ni Cliff mula sa likuran ko."Ha? Patawa ka. Ba't naman kita iiwasan?" Alanganin kong sagot. Nagsimula na naman ang kabang nararamdaman ko everytime na malapit siya sa akin.Ano ba 'yan! Kaya nga ako nagpresinta na ako na ang maghuhugas ng mga pinagkainan namin para makalayo saglit kay Cliff, e. Pero heto, ilang minutes pa lang ang nakalipas lumapit na naman siya sa'kin."I don't know. Ramdam ko lang na parang iniiwasan mo 'ko." Rinig kong sagot nito. Hindi na ako nagsalita pa at pinagpatuloy na lamang ang pagsasabon sa mga plato. "Can I help you?""I-Ikaw bahala." Lumapit sa katabing sink si Cliff at pumwesto sa gilid ko. "Marunong ka ba maghugas?""Of course, yes. I'm not a señorito," pilyong sagot nito.Natawa na lamang ako at maingat na inilagay sa sink na katapat niya ang mga nasabunan ko ng plato at baso. "Oh, ikaw magbanlaw. Ayusin mo, ha? Dapat

  • Common Denominator   14) Only Fool's Fall

    Lara's POV "Hoy, friendship! Wala ka bang balak kumain?" Walang gana akong bumangon mula sa pagkakahiga nang marinig ang boses ni Mady. "Ano'ng ulam?" "As usual, adobo. Alam mo namang yun lang ang kaya 'kong lutuin 'di ba?" Nakapameywang na umupo sa kama ko si Mady. Napabuntong hininga ako at akmang hihiga na ulit pero bigla nitong hinila ang kamay ko. "Friendship naman, tara na sa baba. Nagugutom na ako seriously." "Sino ba kasi nagsabi na hintayin mo pa 'ko? Hays! Mauna ka na. Ayokong kumain," bagot kong sagot. Nakita ko naman agad ang pagtaas ng kilay ni Mady. "Oh? Ano na naman?" "Siguro ayaw mo na sa adobo ko, no? Nagsasawa ka na ba?" seryosong tanong nito. Shutaness! Kasalukuyang lubog pa ang isip ko sa kahihiyan na ginawa ko sa harap ni Cliff kagabi, pero heto si Margarette at mukhang dadagdag pa. "Wala ako sa mood, okay?" Humiga na ulit ako at tinalikuran ito. "Bakit ba kasi bad mood ka? Kahapon ka pa ganiyan since umuwi

  • Common Denominator   13) Who's at fault?

    Kalahating oras na ang lumipas pero hindi ko pa rin mahagilap ang cellphone ko. Bigla akong kinabahan. Kabibili ko lang kasi noon at for sure pagagalitan at sesermunan na naman ako ng parents ko pag nalaman nila na nawala ko ito. Nilapitan ako nila Miho at Ate Josh dahil napansin na nila ang pagkabalisa ko. Sinabi ko na rin sa kanila ang problema at ipinagtanong ko kaagad sa lahat ng kasama namin kung nakita ba nila ang cellphone kong polkadots ang design ng case, pero wala raw silang napansin. Naku naman! Saan naman kaya napunta 'yon? Hinanap ko ito nang hinanap at tinulungan na rin ako ng iba pa. Hanggang sa matapos na ang practice, isang beses ko pang hinalungkat ang bag ko pero wala talaga ito dito. "Hindi mo pa rin makita?" tanong ni Cliff na kasalukuyang nasa tabi ko na pala. Napabuntong hininga ako. "Oo, sayang--" Biglang nanlaki ang mga mata ko nang may maisip. "Shitness! Hindi kaya nailagay ko pala 'yon sa bulsa ko bago umangkas sa motor mo?

  • Common Denominator   12) Occupied

    Lara's POV "Cause tonight is the night that I'm feeling alright. We'll be making love the whole night through..." Pagkanta ko habang napapapikit. Isa ito sa paborito kong kanta at gusto raw nilang marinig na kantahin ko ito. "So I'm saving all my love. Yes, I'm saving all my love. Yes, I'm saving all my love for you..." Bahagya kong pinagmasdan si Cliff na kasalukuyang tumutugtog ng piano sa tabi ko. Kitang-kita ko kung gaano siya ka-expert sa ginagawa niya. Sinabi niyang kumuha raw siya ng piano lessons noong high school pa lamang siya, at tumutugtog na siya sa mga stage play sa ngayon sa ibang bansa. Bukod pa doon, may music school pa sila dito sa Pilipinas na mina-manage ng pinsan niyang si Ate Josh, na palaging present sa mga practice namin. Kasamahan din naman nito sa banda ang nakababatang pinsan nila na si Miho. Namamangha ako sa mga nakamit na niyang tagumpay. I felt proud of him. Nang matapos ang kanta, nagpalakpakan aga

  • Common Denominator   11) Likely Not

    Lara's POV "Maaga ka ulit aalis?" Napalingon ako kay Edward habang nagmamadali akong ipasok sa shoulder bag ang mga gamit ko. Isang linggo na lang ang titiisin kong kasama siya. Hays! Mabuti naman malapit na magbakasyon at end semester! "Oo nasa baba na kasi si Cliff, eh." Isinukbit ko na sa sarili ang bag ko bago ko siya tinapik sa balikat. "Malapit nang matapos ang project natin this sem. I'm so happy! Bye, Edward!" Tuluyan na akong lumabas ng room. Nagpaalam na rin naman ako kina Mady na may lakad ako ngayon kaya nauna na rin silang umalis sa akin. This past few days, madalas si Cliff na ang nakakasama ko at nasanay na rin ang mga kaibigan ko doon. "Lara?" Muli kong nilingon si Edward na hindi ko namalayang sumunod pala sa 'kin. "Oh. Paalis ka na rin?" "Yup." Napatango ako at natahimik na lamang. Palihim akong napataas ng kilay. Bakit sinasabayan ako ni Edward maglakad? "If you don't mind, sabay na tayo

  • Common Denominator   10) Daydream

    Lara's POV "You ate already?" tanong ni Cliff habang busy sa pagmamaneho. Kanina pa ako nakatulala lang dito sa bintana sa passenger seat dahil hindi naman siya umiimik, pero heto at nag-initiate na siyang makipag-usap. "Hindi pa," mahina kong sagot. Narinig kong tumikhim siya kaya napalingon ako sa kanya. "Bakit? May problema ba?" "Nothing." "May ubo ka ba? Masakit lalamunan mo?" "Nope. I'm just thinking." Napakunot ang noo ko. "About saan?" "About our deal." Sumulyap siya sa akin sandali at tipid na ngumiti. Nakaramdam na naman ako ng kakaiba dahil sa ngiti niyang iyon pero palihim na ipinilig ko na lamang ang ulo ko. "Ahh, okay." Iniwas ko agad ang tingin dito. Pakiramdam ko sumisikip ang loob ng sasakyan dahil namimilipit ako. Hindi dahil sa sakit, kundi dahil hindi ako komportable sa ganitong pakiramdam na parang sobrang lapit niya sa'kin. Hindi komportable dahil ang lakas ng dating sa'kin no'n. Lalo na at ka

DMCA.com Protection Status