Share

Habol Ang Secretary Wife
Habol Ang Secretary Wife
Author: Adeola

Kabanata 1

Author: Adeola
LESLIE’S POV

Ang aking asawa at boss na si Kian, ay tumatawa sa bawat biro na lumalabas sa labi ng kanyang first love habang pinagmamasdan ko sila sa mga glass door na naghihiwalay sa sa akin at sa kanyang opisina. Masunurin akong naghahanda ng ilang mga dokumento na nangangailangan ng kanyang pirma at naghahanda din ng kanyang mga meeting para sa araw na tulad ng ginawa ko sa loob ng pitong taon bilang kanyang sekretarya ngunit mula nang dumating si Beverly, wala na akong nagawang trabaho.

Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko sa tuwing tumatawa si Kian, halos maiyak sa kakaisip na hindi pa siya tumawa ng ganyan sa paligid ko. Tinitigan ko ang kanyang balingkinitang katawan, ang kanyang maganda na itim na buhok na tumatalbog pabalik sa kanyang pwesto kahit na tumingala ang kanyang ulo sa kakatawa at ang karikitan sa bawat galaw niya. Si Beverly ang imahe ng karikitan ng isang babae at ang bawat parte niya ay patunay kung bakit gusto siya ni Kian kahit na naghiwalay sila maraming taon na ang nakaraan. Kahit na pinakasalan niya ako.

Biglang bumaba ang dark blinds ng opisina niya, na humarang sa paningin ko sa kanilang dalawa at ngayon ay itim na lang ang nakikita ko. Para bang pinipigilan ako ni Kian na sumilip kahit na asawa niya ako at wala dapat privacy sa pagitan namin, lalo na pagdating sa babaeng mahal na mahal niya noon.

Naaalala ko pa rin kung paano ako nagulat noong lumapit si Beverly sa akin noon, tumutunog ang mga heels niya sa tiles ng opisina. Nakita ko ang mga paa niya na may suot na shiny red heels bago ako tumingala para tumingin sa kanya.

“Leslie, hindi ko alam na dito ka pa pala nagtatrabaho! Hindi ako makapaniwala na pinagtatrabaho ka pa rin ni Kian kahit na pareho na kayong kasal. Iba talaga ang lalaking iyon, di ba?"

Ang sabi niya, ngumiti siya ng matamis habang ang pulang mga labi niya na mukhang nakakatakot sa akin kung sinubukan ko ang ganung shade ng lipstick. Hindi ako makapagsalita, nabigla sa pagkakatitig sa kanya nang harapan pagkatapos ng lahat ng mga taon na ito, lalo na't mayroon pa rin siyang aura ng yaman at kumpiyansa na noon pa man ay alam kong taglay niya. Sa ilang sandali, naging insecure ako dahil sa kanya suot ang aking gray office wear at masikip na hair bun at dahil konti lang ang suot kong makeup.

“Beverly!”

Ang boses ni Kian ang nagpawala sa pagkatulala ko habang siya ay lumabas ng kanyang opisina at doon, sa mismong harapan ko, niyakap niya si Beverly ng sobrang higpit tulad ng isang malapit na kaibigan bago niya ito pinabalik sa kanyang opisina nang hindi man lang ako sinusulyapan.

Ngayon, sila lang ang magkasama sa opisina niya, ang mga blinds ng opisina niya ay sinarado para hindi ko sila makita pero naririnig ko na lang paminsan-minsan ang mga mahinang boses at sariling tawa ni Kian. Naiinis ako sa upuan ko sa tuwing tumatawa sila, mahigpit ang pagkakahawak sa gilid ng mesa ko at masyadong destabilized para magawa ang anumang trabaho habang pareho silang nakakulong doon.

Napatingin ako sa kalendaryo sa table ko. Ang petsa ngayon ay minarkahan ng pulang marker at huminga ako ng malalim. Alam ba niyang third wedding anniversary na namin ngayon? Taon-taon, parang ako lang ang nakakaalala nito at ngayon sa pagdating ni Beverly, alam ko nang lilipas ang araw na ito na parang panibagong araw lamang.

Alam kong darating si Beverly ngayon. Ang pagiging sekretarya ko ni Kian ang tanging dahilan kung bakit alam ko ang mga bagay na gustong itago ni Kian sa akin. Ibinalita na niya sa akin ang tungkol sa isang bagong business partner na kababalik lang ng bansa dalawang buwan na ang nakakaraan at nasa opisina anumang oras. Ang hindi ko alam, o mas mabuting sabihin sabihin, ang sadyang itinatago niya sa akin ay ang tinaguriang business partner ay si Beverly Anderson at marahil ang dahilan kung bakit siya naging mas malamig at walang pakialam kaysa karaniwan, mula nang bumalik siya.

Kumikirot ang puso ko sa realization pero mas masakit dahil wala akong magawa. Kahit kailan ay wala akong lugar sa puso ni Kian Minahal ko siya simula pa lang nakilala ko siya pero hindi ko rin masabi sa kanya.

Palagi niya akong pinaaalalahanan kahit hindi nagsasalita, na ang kasal namin ay walang iba kundi isang pagtatangka na tuparin ang kagustuhan ng kanyang lolo at alam kong kung nakuha niya ang kanyang gusto, hindi na siya tumingin sa akin, hindi para pag-usapan ang pagpapakasal sa akin.

Ang pagmamahal sa akin ni lolo ay marahil ang tanging dahilan kung bakit ako ay matino pa rin sa walang pag-ibig na kasal na ito. Hindi tumitigil ang matanda na ipakita kung gaano niya ako kamahal, ngunit kailan pa naging sapat iyon? Kasal ako kay Kian at hindi sa pamilya niya.

Ang orasan ay walang katapusan, ngunit si Kian ay nananatili roon kasama niya.

Nawala bigla ang tawa nila at halos hindi ko na marinig ang mga sinasabi nila. Hindi na ako nakapagpigil pa, tumayo ako bago ako mapatay ng pagkabalisa. Ako ang kanyang asawa at nararapat kong malaman kung ano ang nangyayari. Para magmukhang natural, mabilis akong gumawa ng dalawang tasa ng kape. Tutal, secretary niya ako at parte ito ng trabaho ko.

Tumutulo ang pawis sa aking noo dahil sa nerbiyos habang nilalakad ko ang daan patungo sa kanyang opisina nang hindi siguradong mga hakbang. Huminga ako ng malalim, binuksan ko ang pinto at pumasok. Kumirot ang puso ko nang makita silang dalawa, relaxed sa piling ng isa't isa habang magkalapit sila sa isa't isa sa isa sa mga sofa sa opisina ni Kian. Lumunok ako ng mariin at sinubukang lumakad papunta sa mesa na may kumpiyansa na maaari kong makuha.

"Nagtimpla ako ng kape." Ang sabi ko, ngunit hindi man lang nila ako pinansin, nasa piling ng isa’t isa at sa kung anumang pinag uusapan nila. Saglit kong sinuri si Beverly, pinapanood ang pag-ikot ng kanyang mahabang itim na buhok gamit ang isang daliri habang nakaupo na naka-cross ang isang paa sa kabila upang ipakita ang isang mapanuksong parte ng hita, nakangiti nang napakatingkad na hindi ko matukoy kung peke lang ba ito.

Gusto kong tumalikod at umalis ngunit hindi makagalaw ang mga paa ko. Hindi ako pwedeng umalis ng ganito. Hanggang kailan ako tatahimik at hahayaan ito?

"Sir," tawag ko, diretsong nakatingin kay Kian. Kasal na kami pero hindi siya nagkulang sa pagpapaalala sa akin na tinutugunan ko siya bilang boss ko sa trabaho. Hindi man lang kumibo si Kian na tumingin sa akin at unti-unting namumuo ang galit sa loob ko.

“Sir,” tawag ko ulit at sa wakas ay tiningnan niya ako ng malamig na tingin na halos kinamumuhian ako ngunit nananatili akong matatag sa kanyang titig.

"May kailangan tayong pag usapan, mahalaga ito." Nagsinungaling ako. Nararamdaman ko ang titig ni Beverly na tumutunaw sa akin, ngunit sinubukan kong hindi tumingin sa kanya, sa takot na maglaho ang kumpiyansa ko.

Kinawayan lang ako ni Kian.

“Maaari itong makapaghintay. Sa nakikita mo, may bisita ako."

"Hindi ito makakapaghintay." Sabi ko, mas mariin pa pero bumalik na siya sa pagngiti at pakikinig kay Beverly na parang teenager na lovesick. Ilang beses ko pa siyang tinawag at hindi na ako nakapagpigil, tinawag ko na lang siya sa pangalan niya.

“Kian!”

Napatingin silang dalawa sa akin na may halo-halong ekspresyon. Yung kay Kian ay puro galit habang si Beverly halatang iritado. Alam ko na kahit kailan ay hindi ako nagustuhan ni Beverly noong ako ay secretary lang ni Kian at siya ang girlfriend nito, nagreklamo siya sa bawat bagay na ginagawa ko.

“Kian, ano ito? Ganito bmo ba hinahayaan ang mga empleyado mo na hindi ka igalang?" Sinasabi niya ito nang may ganap na pagkasuklam at kawalang-galang.

Natigilan ako sa sinabi niya, natulala ako kaya napangiti ako. Empleyado? May lakas ng loob siyang sabihin ito sa akin kahit alam na alam niyang hindi lang ako isang empleyado.

Tumayo si Kian, matangkad siya at natakpan ako ng anino niya habang mahigpit kong hawak ang tray ng kape sa aking mga kamay.

"Leslie, labas. Ngayon na.” Utos niya at napuno ako ng sobrang sakit na nanginginig ang mga kamay ko at nanginginig ang labi ko.

“Bakit naman ako aalis? May karapatan ako na pumunta sa kwartong ito at may karapatan akong kausapin ka upang makinig ka sa akin."

Sabay tumayo si Beverly.

"Mukhang may sama ng loob sa akin ang asawa mo at hindi ako uupo dito at tatanggap ng mga pang-iinsulto."

Nagsimula nang maglakad si Beverly palayo, sinundan siya ni Kian. Sinubukan kong umalis sa daan niya ngunit nabigo ang aking pagtatangka nang mabigat ang pagkakabunggo ng kanyang balikat sa akin sa paraang masyadong malupit para maituring na hindi sinasadya. Nabitawan ko ang tray at natumba paharap, at pagkatapos ay ang mainit na kape ay tumalsik sa kanyang damit na mukhang napaka mahal at sa akin. Tumili siya, umatras palayo sa akin at tumingin ng masama sa sumunod na sandali.

“Ano bang problema mo?” Sigaw niya. Wala pang isang minuto ay lumapit si Kian sa kanyang tabi, nagrereklamo sa kanyang mantsadong damit at inalok pa sa kanya ang panyo ni Kian habang nakatayo ako roon, basang-basa sa kape habang ang aking asawa ay nag-aalaga ng ibang babae. Ramdam ko ang pagbuo ng mga luha sa gilid ng mata ko pero ano ba ang dahilan ng pag-iyak ko sa harap ng babaeng ito?

“Hindi ako makapaniwala sayo! Ano bang ginawa ko sayo? Kaayawan mo na ako kung gusto mo pero may limitasyon kung hanggang saan ang pwede mong gawin at nilagpasan mo na iyon.” Muli niyang sabi, namumula sa hindi mapigilang galit.

Lumingon sa akin si Kian, madilim ang mga mata sa galit. Nanginginig ako. Nararamdaman ko ang hindi maisip na sakit ng malaman kong galit siya sa akin dahil sa ibang babae.

"Humingi ka ng tawad, ngayon din!" Utos niya at napasinghal naman ako. Paano siya tatayo at kakampi kay Beverly kung wala naman akong ginawang mali?

“Bakit ko naman gagawin yun? Wala naman akong ginawang masama. Siya ang bumunggo sa akin!” Depensa ko, paos ang boses ko. Nanginginig ang mga labi.

"Wala akong ginawang ganyan!" Defensive na sabi ni Beverly pero iba ang sinasabi ng mga mata niya.

"Narinig mo ako, Leslie. Humingi ka ng tawad sa kanya ngayon din." Sabi ulit ni Kian, nakatingin pa rin sa akin. Muntik na akong matawa sa katotohanan na ang tanging pagkakataon na nakatingin lang siya sa akin ng diretso sa mga mata pagkatapos ng tatlong taong pagsasama ay kapag ibang babae ang nasasangkot.

Umiling ako, mahirap paniwalaan ang lahat ng ito.

“So naniniwala ka sa kanya kaysa sa akin? Tanggap mo ang kanyang mga salita ngunit ang akin ay hindi mahalaga? Ako ang asawa mo.”

"Isang asawang hindi ko gustong pakasalan!" Sigaw niya pabalik at dinurog ang natitira sa wasak kong puso.

Related chapters

  • Habol Ang Secretary Wife   Kabanata 2

    LESLIE’S POV Natahimik ako sa mga sumunod na segundo habang tinatamaan ako ng kanyang mga salita na parang isang tren. Naghihintay ako. Hinihintay kong lumambot ang matitigas niyang mga mata sa pagsisisi sa mga masasakit na salita na ibinato niya sa akin, ngunit hindi iyon nangyayari. Nakatitig siya sa akin, namumula ang ilong sa galit. "Kian, paano...paano mo nasabi sa akin 'yan?" Sabi ko, tumingin ang mga mata ko kay Beverly na ngayon ay nagtatago ng sarili niyang katawan sa likod ng matangkad, maskuladong katawan ni Kian, "Sa harap niya?" "Dahil ito ang katotohanan!" Muli siyang sumigaw, na ikinagulat ko at gumawa ng maliit na tunog na tila walang magawa. Kahit kailan hindi ako sinigawan ni Kian. At kahit masakit sa akin na aminin na totoo ang sinasabi niya, hindi pa niya ito sinabi sa harapan ko at hindi ko talaga akalain na gagawin niya iyon. Noon pa man ay alam ko na pero ang sakit marinig na galing ito sa kanya. Parang tinutusok ng isang libong karayom ​​ang puso ko at

  • Habol Ang Secretary Wife   Kabanata 3

    LESLIE’S POV Ang libing ni Lola ay ginaganap sa isang madilim na araw, na labis kong hindi ikinatuwa. Nakinig ako sa weather forecast upang mapili ko ang perpektong araw para sa libing, at ayon sa forecast, maaraw dapat ngayong araw at maliwanag tulad ni Lola. Pakiramdam ko ay naloko ako ng nakatayo sa tabi ng libingan ni lola, ang langit ay natatakpan ng mga ulap na nagpapalala lamang sa madilim at nakapanlulumong pakiramdam na namuo sa aking loob mula nang siya ay mamatay. Iyak ako ng iyak kaya wala na akong luhang natitira sa libingan ni lola at ngayon ay kailangan kong magsuot ng maitim na sunglasses para itago kung gaano kapula at namamaga ang aking mga mata sa halip na iterno ito sa aking itim na damit. Mayroong ilang mga tao na tumatambay sa iba pang mga libingan sa sementeryo upang magbigay ng kanilang huling paggalang sa kanilang mga mahal sa buhay, at sa bawat libingan, mayroong hindi bababa sa dalawang tao; magkahawak-kamay na mag-asawa, pinapatahan sa isa't isa ang

  • Habol Ang Secretary Wife   Kabanata 4

    KIAN’S POV Gusto ko ng divorce. Walang tigil ang mga salitang ito na umiikot sa aking isip. Sa lahat ng mga kalokohan na aking narinig–sa totoo lang, marami akong naririnig na kalokohan bilang isang CEO–Si Leslie na humihingi ng divorce nang biglaan ay malamang ang pinakamasama. Ako ay isang tao na ipinagmamalaki ang aking lakas at kakayahang pangasiwaan ang mga sitwasyon, ito man ay hindi inaasahan. Kasama nito ang trabaho, ngunit sa ilang kadahilanan, hindi ako makapagsalita o maigalaw ang aking mga paa hanggang sa makapasok siya sa kotse kasama ang aking tiyuhin. Nang sa wakas ay natauhan na ako, matagal na siyang nawala, iniwan akong malunod sa pool ng pagkabigla na nilikha niya. Nabigla ako sa kanyang kapangahasan; ang paraan ng pagtingin niya sa akin habang hinagis niay ang mga salitang yun. Lubos na baliktad ng malamig na hazel na mga mata ni Leslie ang maamo at mahiyain na katangian na pagkakakilala ko sa kanya. Nabigla rin ako dahil apektado ako na dapat ay wala akon

  • Habol Ang Secretary Wife   Kabanata 5

    LESLIE’S POV Nagpapasalamat ako na hindi nagtatanong si Travis habang hinahatid niya ako pauwi. Nag-aalok siya na ihatid ako papasok sa compound ngunit tinalikuran ko siya at naghintay hanggang sa magmaneho siya paalis bago ako bumuntong-hininga at pumasok sa bahay. Ang bahay ay puno ng mga maid na lumapit sa akin sa sandaling marinig nila ang pagbukas ng pinto ngunit itinaas ko ang isang kamay upang pigilan silang lahat na makalapit sa akin. Hindi na ako ang maybahay ng bahay. Nilagpasan ko silang lahat para makarating sa kwarto ko. Magka-kuwarto lang kami ni Kian kapag gusto niyang makuntento ang kanyang mga pagnanasa. Gumapang siya sa aking kama at hinahalikan ang buong katawan ko hanggang sa sumuko ako at iyon lang ang pagkakataong naramdaman kong gusto niya ako. Habang naglalakad ako papasok sa kwarto, pinipigilan kong tumitig sa kama nang mas matagal kaysa sa nararapat, natatakot na baka ang mga alaala namin na magkasama sa mga kumot na nakabaon sa kaloob-looban ko ay

  • Habol Ang Secretary Wife   Kabanata 6

    LESLIE’S POV Ibinigay ni Kian ang mga bulaklak sa isa sa mga maid, inutusan dito na ilagay ito sa isang vase o kung ano pa man. Pinipigilan niyang itago ang kanyang kahihiyan sa harap ng kanyang ina at ng mga maid. "Ang mga bulaklak ay hindi para sa iyo." Ang sabi niya, ang boses niya ay seryoso habang tumigi siya sa akin ng saglit. Wala akong nararamdaman nang sabihin niya ito dahil wala na akong pakialam, gusto ko na lang umalis ng bahay na ito at hindi na bumalik. Wala akong pakialam sa ibang mga bagay ko na hindi ko pa iniimpake, gusto ko lang tumalikod sa masamang buhay na ito.Parang may gustong sabihin sa akin si Kian, . "Mom, pakibalik sa kanya ang bracelet." Ngumuso ang nanay niya at matigas na umiling, "Hindi ko siya hahayaang umalis." Ungol ni Kian, senyales na unti-unti na siyang nawawalan ng pasensya, “Kahit kailan ay hindi ko pa nakita ang bracelet na yan, mom. Kay Leslie yan. Pakiusap, ibalik niyo.” Ang ina ni Kian ay hindi agad kumikilos upang gawin ang

  • Habol Ang Secretary Wife   Kabanata 7

    LESLIE’S POV Nagsisimula ang pag-ulan nang malakas sa sandaling lumabas ako ng bahay, isang manipestasyon ng madilim na ulap na naroroon mula noong ako ay nasa libingan ni lola. Hindi ako handa sa biglaang pagbabago ng panahon at nag-iisip akong tumalikod upang maghanap ng masisilungan hanggang sa humupa ang malakas na ulan ngunit ano na ako ngayon? Isang babaeng duwag na hindi kayang manindigan. Kaya dumaan ako sa ulan, hila-hila ang aking maleta sa likod ko habang ginagawa ko ito. Ang mga kalye ay walang laman, walang nakikitang isang kotse na nangangahulugan na hindi ko kayang tumawag ng taxi. At paano kung kaya ko? Saan ako pupunta? Sa sandaling yun, naiintindihan ko kung ano ang kahihinatnan ng aking walang pag-iisip na mga aksyon. Wala akong mapupuntahan. Hindi ko pinagsisisihan ang aking desisyon ngunit ang aking kawalan ng kakayahan ay kinasusuklaman ko sa aking sarili. Napaluha ako sabay iyak. Luha na totoo, hindi lang na-trigger ng allergy. Pinipigilan ng tunog ng ulan

  • Habol Ang Secretary Wife   Kabanata 8

    Ibinigay ko sa driver ang address at siya ay nagmaneho papunta sa lugar na nasa isang mas liblib na bahagi ng lungsod, sinigurado ko na magbayad sa kanya ng dagdag para sa pagbasa sa kanyang upuan ng aking basang damit. Dumating kami doon sa loob ng ilang minuto at nakita ko ang aking landlord na nakatayo sa labas ng bahay na parang alam niyang darating ako. Plano ko na tawagan siya pagdating ko dahil malapit lang naman siya sa bahay. Sa ngayon, hindi ko mapigilan ang kakaibang pakiramdam na bumabalot sa loob ko habang bumababa ako ng taxi, binabayaran ang driver at naglakad papunta sa landlord ko. Ni hindi niya ako hinayaang magsalita bago niya sabihin, "Hindi ka maaaring manatili dito." Hindi ko maitago ang pagkagulat ko sa sinabi niya, “Anong ibig mong sabihin? Matagal nang walang laman ang bahay at handa akong magbayad upang magpatuloy sa pananatili dito." Ang lalaki ay hindi man lang tumingin sa mga mata ko at sinabi niya, “Patawad, ngunit tumawag ang asawa mo ngayon.”

  • Habol Ang Secretary Wife   Kabanata 9

    LESLIE’S POVAng pakiramdam ng paggising ay nagpapagaan sa akin ng ilang segundo, para akong lumulutang sa lugar sa pagitan ng buhay at kamatayan hanggang sa tuluyang maramdaman kong bumalik ang aking kamalayan. Pumikit ang aking mga mata pagkatapos noon. Kumurap ako ng isang beses, dalawang beses at ilang beses pa nang ang paningin sa harap ko ay hindi nagbabago sa isang pamilyar na lugar. Umupo ako, umaasang makikita ko ang boring na asul na dingding ng aking silid ngunit ang silid na aking ginisingan ay iba ang pintura sa mas maliwanag at mas mainit na kulay na nagpapagaan sa aking pakiramdam na nandito ako. Bago ko simulan ang pagtatanong sa mga pagbabagong hindi ko nakasanayan, isang mabilis na tren ng mga alaala ang bumagsak sa aking isipan at ang lahat ay nagsimulang magkaroon ng kahulugan. Lahat ng nangyari mula sa libing ni Lola hanggang sa pagtayo ko sa harap ng hotel, pagod at desperado. Mula doon, wala na akong ibang naaalala. Siguradong nahimatay ako, tuluyang nawalan

Latest chapter

  • Habol Ang Secretary Wife   Kabanata 100

    Sinabi ni Kian na si Andre ay isang dating kaibigan, tiyak na sinabi ni kay Andre ang tungkol sa aming relasyon habang nagse-set up ng meeting na ito. Ngunit sa paraan ng pagtingin sa akin ni Andre ng may interes, hindi ko malaman kung alam niya o hindi, kaya sumagot na lang ako sa pinakamabuting paraan. "Malapit kami dati." As in kasal kami dati hanggang sa pinagtaksilan niya ako. Sumiklab ang hapdi sa dibdib ko gaya ng lagi nitong ginagawa kapag naiisip ko ang ginawa ni Kian. Siguro kailangan ko rin ng isang cup ng wine. Kinuha ko ang bote at nagbuhos para sa sarili ko habang nakatingin sa akin si Andre na naiintriga. “Gaano kalapit?” Tanong niya pa. Ngayon na pinag isipan ko ito, malamang na parang baliw pakinggan kapag sabihin sa kanya o sa sinuman na kami ay divorced ngunit tinutulungan niya akong mag-set up ng mga meeting at sumakay ng private jet niya ng maraming milya. Ngunit inalis ko ang ideya. Wala itong ibig sabihin. Malamang ay may mapapala si Kian sa pagtulong s

  • Habol Ang Secretary Wife   Kabanata 99

    LESLIE’S POVNapakadali mag-relax sa paligid ni Andre.Ang aking mga nerves ay kumalma at ang hindi mapakali na pakiramdam ay matagal na nawala. Nakatulong ang sayaw pero karamihan ay ang palitan namin ng usapan habang sumasayaw. Parang naramdaman niya na ito ang aking unang tunay na meeting bilang isang designer at sinubukan akong patahimikin sa pamamagitan ng pagbibiro tungkol sa kung paano ko patuloy na tinatapakan ang kanyang paa at kung paano ito nagpapaalala sa kanya ng isang meme. Inilarawan niya ang meme, mas magandang sabihin na nagpakita siya ng mukha at hindi ko napigilan, tumawa ako ng malakas. Habang sumasayaw kami ay tahimik kong pinahahalagahan ang kanyang hindi kinaugalian na paraan ng pagnenegosyo. Ito ay kasing interesante dahil ito ay nakakatulong para sa akin. Dahil ginawa niyang madali na maging relaxed sa paligid niya, agad akong pumayag nang bumulong siya sa tenga ko na umalis na kami para mapirmahan na namin ang kasunduan. Ito ay ang buong punto ng pag

  • Habol Ang Secretary Wife   Kabanata 98

    KIAN’S POVMuntik na niya akong makita. Sigurado ako na nakita niya ako at nag-iisip na ako kung paano eksaktong ipaliwanag kung bakit at paano ako naririto. Ngunit nakuha ni Andre—ang bastardo—ang atensyon ni Leslie at ako ay nakahinga. Bagaman, hindi ganap. Nag relax ako dahil hindi niya ako nakita, ngunit tense pa rin ako, pinapanood na maganap ang lahat ng nasa harap ko simula nang dumating ako dito. Nananatili akong nakatago sa likod ng banner, nakasimangot sa paraan ng pag-akit niya kay Leslie sa isang sayaw. Ang paraan na nahihiya na hinahayaan ni Leslie si Andre na manguna at gabayan siya nang dahan-dahan. Ang isang braso ni Andre ay nakapatong sa hubad na likod ni Leslie habang ang isa naman niyang kamay ay nag-link sa kanilang mga daliri at magkadikit.Pagkatapos ay nagsimula siyang sumayaw at gumalaw sa musika kasama si Leslie. Clumy si Leslie noong una, pero tinatawanan nila ito. Ang kanilang mga tawa ay tumalbog sa buong silid upang makarating sa akin at nagpapadal

  • Habol Ang Secretary Wife   Kabanata 97

    "Andre Sanders," pagpapakilala niya.Buong buo akong humarap sa kanya, tinipon ang aking sarili at itinulak ang aking pinakamabuting ngiti habang hawak ko ang kanyang mainit na nakalahad na kamay. "Leslie Jackson." Napansin ko kung paano tumaas ang kilay niya sa pangalan ko, pero hindi ko masyadong maintindihan kung bakit ganoon ang reaksyon niya dito. "Isang karangalan na makilala ka na, Miss Jackson," sabi niya at kung paano niya diniin ang 'Miss' na aking napansin. "Hindi nakuha ng tama ng driver ko ang iyong description." Nakatingin siya sa katawan ko na nakasuot ng damit na pinili niya at napapailing siya. Bumaba ang tingin ko sa sarili ko, nagtataka kung ano ang tinutukoy niya. Ang dress ay perpekto talaga at kakaiba na nakuha niya ito para sa akin base lang sa mga salita mula sa driver niya.“Bakit? Tamang-tama naman ito.”Lalong lumalim ang kanyang pagsimangot, "Inilarawan niya sa akin ang isang simpleng babae, pero ikaw ay literal na isang diyosa." "Ah." Bulong ko,

  • Habol Ang Secretary Wife   Kabanata 96

    LESLIE'S POVAng kaba at excitement ay sabay na bumabalot sa aking kaloob-looban. Nagsimula ang hindi mapakali na pakiramdam nang sumakay ako sa kotse at umalis ito sa hotel. Bigla akong hindi nakaramdam ng kumpiyansa gaya ng naramdaman ko noong pinapagalitan ko si Kian, at hindi rin ako nakatitiyak na kakayanin ko ang isang one-on-one na meeting kay Andre Sanders. Dalawang buwan pa lang ako sa negosyong ito, mula sa sekretarya at napunta sa head designer sa isang kisap-mata. Hindi pa ako nagkaroon ng tunay na meeting sa labas ng kumpanya at talagang hindi na kailangan ng isa. Ibig sabihin wala akong kahit isang clue kung ano ang ginagawa ko. Napagtanto ko ngayon kung gaano ako naging lihim at kung paano ang pagkikitang ito kay Andre ay parang isang hakbang patungo sa totoong mundo. Walang sinuman sa paligid upang harapin ito kasama ko. Hindi ang aking ama. Hindi si Travis. At siguradong hindi si Kian. At saka, huli na para bumalik ngayon. Pinapasok na ako sa isang building nan

  • Habol Ang Secretary Wife   Kabanata 95

    Suminghal ako, pinipigilan ang sarili ko na sumigaw sa mukha niya na mas malaking bastardo si Andre kaysa sa inaakala niya at kusa niyang ginagawa ito. "Hindi mo gets, ginagawa niya ito para guluhin ako!" May sumabog sa loob niya. Hindi ko ito naririnig ngunit naroon ito sa kanyang mga mata, sa paraan ng paglaki ng kanyang mga mata at pagkalat ng mga batik na ginto sa kanila. "Kailangan mo lang gawin tungkol sa iyo ang lahat, no?" Sabi niya sa mahinang boses. "Leslie, hindi iyon-"“Tumigil ka na sa paliwanag. Hindi ako bulag sa naging reaksyon mo simula nang i-welcome tayo ng driver niya sa airport. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa inyong dalawa o kung magkaibigan pa nga kayo tulad ng sinasabi mo, pero sa ngayon, wala akong pakialam. Mas mahalaga ang career ko kaysa sa ego mo." Sinabi niya ang mga salitang ito na para bang ito na ang huling sasabihin niya bago niya kinuha ang mga bag at naglakad palayo mula sa akin. Ibinagsak ko ang ulo ko sa mga palad ko, naiinis sa

  • Habol Ang Secretary Wife   Kabanata 94

    KIAN’S POVMas madaling umatras si Leslie kaysa sa inaasahan ko, ngunit nagpapasalamat ako na hindi siya nakikipagtalo o nakikita ang aking kasinungalingan. Siya ay naghihinala, ngunit ang pakiramdam na iyon ay higit pa sa pananabik na makilala si Andre. Kaya walang reklamo, pumasok siya sa kwarto namin kasama ako. Ang 'aming' kwarto ay hindi halos isang kwarto. Ito ay higit pa sa isang suite na may makintab na mga dingding at sahig, mga purong leather na sofa, mga vintage na kurtina at rug, mga klasikong painting at isang King sized na kama na mukhang kasya sa isang pamilyang may limang miyembro. Pinipigilan ko ang isang singhal nang makita ang maluho na hotel suite. Nagsasabi ito ng 'show-off' ngunit mukhang hindi ito napapansin ni Leslie habang naniniwala siya sa buong Andre-hospitality nang hindi alam kung bakit ito ginawa ni Andre. Naiinis ako, pinagmamasdan si Leslie habang namamangha sa kadakilaan ng lahat ng bagay sa silid. Ang hitsura ng pagkamangha sa kanyang mga mata

  • Habol Ang Secretary Wife   Kabanata 93

    LESLIE’S POVNagising ako sa pinakamalambot na kama na tinulugan ko sa buong buhay ko. Sa mga unang segundo ng paggising ko, sinusubukan kong alalahanin kung kailan ako nakatulog at kung paano ako napadpad sa kama, ngunit ang aking alaala ay walang iba kundi isang blangko lamang. Ang araw ay unti-unting napupunta sa gabi at ang eroplano ay napakataas pa rin sa ulap. Naglalakad ako sa aisle ng eroplano para bumalik sa upuan ko. Nasa parehong lugar pa rin si Kian kung saan ko siya huling nakita bago ako matulog. Nagbabasa siya ng isang papel, at ngayon ay tumingala siya nang mapansin niya ang presensya ko. “Sakto lang sa landing. Nakakuha ka ba ng sapat na pahinga?" Sabi niya, hindi ko pinansin ang tanong niya at tumutok sa mga unang salita niya. Hindi ako makapaniwala na nakatulog ako sa buong biyahe. "Malapit na tayong mag landing?" tanong ko."Malapit na." Sagot ni Kian, tinabi ang kanyang papel. Bumalik ako sa upuan ko sa harap niya at naghanda para sa landing. Hindi ko

  • Habol Ang Secretary Wife   Kabanata 92

    "May negosyo din ba ang asawa mo?" Tanong niya. “Oo.”“Anong trabaho niya?” "Siya ay isang CEO." Matipid kong sagot at napanganga siya. Lumitaw ang isang nurse at tinawag siya. Nakahinga ako ng maluwag na sa wakas ay naiwan akong mag-isa sa aking mga iniisip. Dahan-dahang nauubos ang waiting area, pero wala pa ring senyales ni Kian. Maya-maya, ako na lang ang natitira sa buong waiting area. Lumapit sa akin ang nurse na tila may awa sa mga mata niya. Bakit ganyan siya makatingin sa akin?“Ma’am, ang tagal niyo na. Gusto niyo bang pumasok at magpatingin sa doktor nang wala ang asawa niyo?" Napagtanto ko na hindi lang sa late si Kian, hindi siya magpapakita. "Hindi na iyon kailangan." Sabi ko, tumayo at padabog na lumabas ng ospital para hanapin si Kian. Pumara ako ng taxi diretso sa kumpanya niya. Nakakakuha ako ng kakaiba at nagtatanong na mga sulyap mula sa kanyang mga empleyado sa lobby ngunit hindi ko sila pinansin. Pwede nilang isipin ang kahit anong gusto nila,

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status