Home / Romance / Chains of the Past / Chapter 5—Pasta Disaster

Share

Chapter 5—Pasta Disaster

Author: Euphoria
last update Last Updated: 2022-04-16 17:22:50

Lumipas ang isang linggo na walang problema na dumating sa buhay ko. Pansamantalang tinigil ko muna ang pagtuturo para matutukan ang pagbubuntis. Dumadalas ang pagbisita sa akin ng mga epekto ng pagbubuntis kaya hindi rin ako maiwan ni Thorn na mag-isa.

"Thorn, hindi ka pa ba talaga uuwi?" Tanong ko sa kanya. Isang linggo na siyang nananahanan dito at nag-aalala ako sa kaniyang trabaho at pamilya.

Tinignan niya ako at umiling, "Hindi pa, alam naman nila na nasa bakasyon ako kaya hindi ako makakauwi."

Ngumiti pa siya na tila maganda yung ginawa niya. Nainis ako bigla dahil pinapahamak niya kami ng anak niya sa ginagawa niya.

Hinampas ko siya ng malakas sa ulo na sinuklian niya ng d***g.

"What was that for?!" Asik niya sa akin. Tinapatan ko ang inis niya. Aba, hindi ako magpapatalo.

"Umuwi ka ngayong araw," sabi ko sa kanya. Pumikit siya at bumuntong hininga.

"Hindi nga kita maiwan dito," sabi niya. Lalo niya lang ako pinapainis sa ginagawa niya.

"Ayaw mo? Okay, sige, ako nalang ang aalis," saad ko at pumasok ng kwarto. Nagpalit ako ng damit at saka hinanda ang shoulder bag.

Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko siyang nakaupo sa sala nakabihis at handa na umalis.

"Oh, bakit ka nakadamit ng ganyan?"

"Diba sabi mo aalis ka? Samahan na kita," lalo akong nainis sa kanya at padabog na lumabas. Ayaw kong magsalita ng kahit ano sa kanya kasi galit ako. Nagagalit ako sa ginagawa niya.

Buong biyahe namin ay tahimik lang ako. Wala akong ideya kung saan kami papunta at natutukso akong kausapin siya pero kapag naiisip ko ang ginawa niya kanina nang-iinit ako sa inis.

Nanatili ang tingin ko sa labas ng bintana. Nakita ko ang mga naglalakihang mga gusali, at ang kalsada'y halos hindi magkamayaw sa sasakyan at mga tao. Minsan naiisip ko ang buhay nila at hindi ko maiwasan malungkot.

Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha ko. Pinahid ko ang pisngi ko at pinilit alisin sa isip ang malungkot na kalagayan ng ibang tao.

"Fuck, you're crying?! I'm sorry!" Nagulat ako ng biglang nataranta si Thorn sa tabi ko. Napatingin ako sa kanya at nagtaka sa tinuran niya.

Pabalik-balik ang tingin niya sa akin at sa kalsada na tila naghahanap ng tiyempo. Kita ko ang pag-aalala sa mga maya niya habang tinitignan ako.

Inakala niya bang umiyak ako dahil sa kanya?

"I'm sorry if I didn't go home for the past week, I just can't leave you there all alone, it scares me, badly." Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Ano raw? Natatakot siya? Sumikdo ang puso ko at halos maiyak ako sa tuwa sa sinabi niya.

"Fuck! You're crying even more. Calm down baby,"

Pinarada niya agad ang sasakyan sa parking lot ng isang Supermarket at hinarap ako at niyakap.

"Uuwi ako, please just stop crying. Alam kong maselan ang emosyon ng mga buntis kaya wag ka na umiyak, nag-aalala ako," sabi niya habang nakalubog ang ulo ko sa dibdib niya.

Ramdam ko ang mababaw na halik niya sa tuktok ng ulo ko. Napapikit ako at pinakiramdaman ang kaniyang puso na mabilis din ang tibok. Kumalma ako habang sakop ako ng kanyang mga bisig. Tila walang mangyayaring masama basta yakap niya ako.

Pagkalipas ng ilang minuto ay binasag ko ang yakap at hinarap siya.

"Hindi naman ako sayo naiyak eh, nalungkot lang ako habang iniisip ang buhay ng ibang tao." Sabi ko.

Napabuntong-hininga siya ng maluwag at ngumiti sa akin.

"Ikaw talaga," pabirong sabi niya at tinanggal ang ang seatbelt ko at pinagbuksan ako ng pinto. Pagkalabas ko, nakita ko ang pangalan na nakaukit sa Supermarket na pinuntahan namin.

"Sa inyo ito?" Tanong ko kay Thorn. Tumango siya bilang tugon.

"Dinala kita rito kasi ubos na yung laman ng refrigerator mo, ikaw ba naman halos bawat oras kakain," tinignan ko siya ng masama sa komento niya. Tumawa lang siya at naglakad na kami papunta roon.

Pagkalapit namin sa may pinto ay nanlaki ang mata ng mga guwardiya at umayos sa kanilang mga puwesto. May isa namang napatakbo sa loob ng gusali at ilang minuto ang lumipas at kasama na nito ang supervisor ng branch na ito pagkalabas.

"Good afternoon Sir Thorn," bati nito kay Thorn. Tumango lang ito. Siniko ko naman siya kaya napatingin siya sa akin.

He eyed me saying, "What?"

"Kausapin mo naman siya! Napaka-strikto mo," puna ko sa kilos niya. Natawa siya at hinarap ang Supervisor.

"Good afternoon, I suppose we aren't just going to stand here all day? Go back to your work and leave us be," maawtoratibo nitong utos. Kabadong natawa ang Supervisor at pumasok na kami sa loob.

Agad akong binalot ng malamig nilang air conditioning. Nanginig ako sa lamig kahit na normal na temperature lang ito. Napatingin sa akin si Thorn at nangunot ang noo.

"What's the matter?" Tanong niya. Nakatingin sa amin ang Supervisor at ibang empleyado kaya nahihiya akong sabihin na nanlalamig ako. Umiling ako at nginuso ang mga empleyado niya. Napagtanto niya ang ibig kong sabihin at inutusan niya ulit ang nga ito na hayaan na kami at ipagpatuloy ang kanilang mga trabaho.

Isa-isang nagsialisan ang mga tao at naiwan kami ni Thorn.

"Malamig ng kaunti dito sa loob," sabi ko sa kanya. Tinignan niya ako at tumango. Tumingin siya sa paligid at tinawag ang isang trabahador.

"Sabihin mo sa Supervisor na taasan ang temperatura dito, malamig kasi," sabi niya rito. Tumango agad ang kinausap niya at patakbo na pinuntahan ang Supervisor.

Nagsimula na rin kami sa pag-ggrocery. Agad akong kumuha ng nga tsokolate at iba't-ibang pagkain habang si Thorn ang kumuha nung mga pang-ulam. Kumuha ako ng pasta saka nilagay sa push cart ko.

"You love pasta?" Tanong niya. Nagningning ang mga mata ko at tumango sa kanya.

He licked his lips and smiled, "Kain tayo pagkatapos natin dito," sabi niya. Lalo akong nasiyahan sa sinabi niya. Pasta, my love.

Nang matapos ang pamimili, pina-counter namin ang mga ito at nilagay sa sasakyan.

"Dito ka muna, kakausapin ko muna ang Supervisor," sabi niya. Tumango ako at tinanaw ang kaniyang papalayong bulto. Kinuha ko ang cellphone mo at naglaro muna habang hinihintay ang pagbalik ni Thorn.

Nagulat ako ng may kumatok sa bintana ng sasakyan. Isang babaeng naka format outfit. Blazer na napailaliman ng white polo at pencil skirt. Mukhang galing pa sa isang meeting. Binaba ko ang bintana ng frontseat at nginitian ako ng babae.

"This is Flynn's car right?" Sabi niya. Nagulat ako na kilala niya si Thorn. Nakita niya ang pagkagulat ko kaya natawa siya.

"Ah, where are my manners. Hi! I am Jean Marie Hawkson, Flynn's cousin. Narinig ko kasi na pumunta siya rito kaya nagmadali ako," sabi niya. Agad akong nataranta at pinapasok siya sa backseat ng sasakyan. Pinsan niya pala ito, hindi ko kaagad napansin ang pagkakahawig nila.

Nakaramdam ako ng kaba sa presensiya niya. Wala pa akong nakikilalang ibang Hawkson bukod kay Thorn kaya normal lang siguro na kabahan ako. Baka magulat pa siya at hindi tanggapin ang anak ko kapag nalaman niya ang totoo.

Tila lalong naging malamig sa loob ng sasakyan habang namayani ang katahimikan sa aming dalawa.

"Pasensya ka na, kinausap pa kasi ni Thorn ang Supervisor kaya matatagalan pa ata siya," sabi ko upang basagin ang katahimikan.

"Ah ganun ba? That is fine, I rarely see that cousin of mine, waiting for a few more minutes would not be bad," sabi niya. Ngumiti ako sa kanya at binalik ng atensyon sa labas.

"Don't mine me asking, how did you meet my cousin?" She asked. Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Ito ang tanong na natatakot kong sagutin.

Ibubuka ko na sana ang bibig upang sumagot ng dumating si Thorn.

"Hey, sorry that took longer than expected. Are you okay?" Bungad niya kaagad nang makapasok sa loob. Hindi niya agad napansin ang pinsan niya sa likod.

Ngumiti ako ng payak sa kanya at nilingon si Jean. Nagulat naman si Thorn at natuwa ng makita si Jean.

"Jean! Ikaw ba yan?!" Hindi makapaniwalang sabi ni Thorn. Napaawang naman ang bibig ni Jean habang nangdududang nakatingin sa amin. Napalunok ako sa klase ng tingin niya. In the end, ngumiti ito at tumawa.

"Ay hindi insan, kaluluwa lang to," pabiro na komento ni Jean. Tumawa naman si Thorn at pinaandar ang sasakyan.

"Andito ka nga! And you're just in time, kakain kami ni Heina ng Pasta, sumama ka para naman makapag-usap tayo," sabi ni Thorn. Napalingon sa akin si Jean na nagtataka. Nginitian ko siya ng payak na may halong kaba. Hindi pa alam ni Jean ang koneksyon ko sa pinsan niya.

"Ah, so you're Heina, di ka man lang nagpakilala sa akin kanina," puna nito.

"Magpapakilala na sana eh dumating ang isang ito,"

Natawa ako at tumingin na lamang sa labas upang maibsan ang kaba.

Mabilis kaming nakapunta sa isang mamahaling kainan at naghanap ng mauupuan. Nag-order ng tatlong pasta at nag-usap lang sina Thorn at Jean habang hinihintay ang pagkain. Tumatango-tango lang ako at ngumingiti minsan sa kanilang usapan.

Marami silang napag-usapan tungkol sa nakaraan, pamilya, negosyo at mga plano. Nakikisabay ako minsan kapag may alam ako sa pinag-uusapan nila. Unti-unti na rin akong kumalma at nasanay kay Jean nang tumagal ang usapan namin.

Nagtatawanan ang dalawa ng biglang tumunog ang telepono ni Thorn. His jaw clenched as he looked at his phone.

"Sagutin mo muna insan baka si tita yan," sabi ni Jean. Umiling si Thorn at nagbago ang ekspresyon nito.

Hinawakan ko ang braso nito kaya napalingon siya sa akin,

"Tama si Jean, sagutin mo ang tawag, baka importante," sabi ko. Tinignan niya ako ng ilang segundo at bumuntong-hininga. Tumayo siya at lumabas muna ng restaurant. Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa makalabas.

Nilingon ko si Jean na nakangiting nang-aasar sa akin, "What did you do get my cousin like that?" she asked curiously.

Natawa ako at umiling, "Wala, dalawa na kaya tayo pumilit doon kaya pumayag na," sabi ko. Nanliit ang mga mata niya at tumango.

"Well, kahit ano pa man ang relasyon mo sa kanya, tandaan mo sana ang boundary mo. May magiging asawa na ang pinsan ko at mahal niya ito. Ang ayaw ko pa naman sa lahat ay ang mga taong nakikisawsaw sa relasyon ng iba," napaawang ang bibig ko sa binitawan niyang salita. Nginitian niya lang ako na lalong nakakainsulto sa akin.

Binalot ako ng galit pero pinatili ko ang kalmado kong tingin sa kanya at nginitian din siya. Unti-unting nawala ang ngiti nito sa reaksyon ko.

"Well, sino ba kasama niya? Ang mahal niya o ako?" Bawi ko kay Jean. If she wants a bitch, I'm going to deliver it to her.

Nakita ko ang paglitaw ng galit sa kaniyang mga mata. Kinuha niya ang isang basong tubig at binuhos ito sa akin.

"Slut! Sinusubukan mo bang agawin ang pinsan ko?! Gold digger ka ba? Magkano ba gusto mo?! Ako na mismo magbibigay sayo!"

Napuno ng bulungan ang paligid dahil sa nangyari at hindi parin ako makabawi na binuhusan niya ako ng tubig. Ngayon galit na galit na ako.

Nang-aasar ko siyang nginitian, "Sinong nagsabing inaagaw ko siya? Ilusyunada ka ba?"

Sakto rin ang pagdating ng pasta sa table namin. Bago pa man mailagay sa lamesa ang mga order ay kumuha na ako ng isang platong mainit na pasta at tinapon sa mukha ni Jean.

Sumigaw ito at napatayo sa ginawa ko. Galit na galit itong nakatingin sa akin pero kalmado lang akong tinignan siya sa mata. The satisfaction that her pained face gives me is calming. At yun ang pinakita ko habang nakatingin sa kanya.

"Bago ka maghamon ng laban, dapat mong malaman na hindi umaatras ang Montrele sa away," taas noo kong sabi. Nakita ko kung paano niya kinuyom ang kamao at hinablot ako sa braso at kinaladkad palayo sa lamesa namin at tinulak.

Hindi naman ako natumba dahil agad akong inalalayan ng ilang tao.

"What's happening here?!" Dumagundong boses ni Thorn . Nakita niya ang basang itsura ko at maduming si Jean na galit na napabaling sa kanya. Naguguluhan si Thorn at naghihintay ng magsasalita.

Hindi ako umimik at hinayaan si Jean na magsalita.

"Si Heina! Tinapunan ako ng pasta!" Sigaw niya. We're slowly garnering attention as other customer flock around us.

Umikot ang mga mata ako at tinignan si Thorn. Nakita ko na naghihintay siya ng sasabihin ko. I shrugged and he sighed. Agad niya akong nilapitan at binigay ang coat na suot niya sa akin. Napaawang naman ang bibig ni Jean sa ginawa ng pinsan niya.

"Sino ba siya para unahin mo ng ganyan Flynn, samantalang ako na pinsan mo hindi mo man lang binigyan ng tulong!"

"She's a very important friend!" Singhal ni Thorn. Tila binagsakan ako ng mundo sa narinig mula sa kanya. Gago kaibigan lang pala eh.

"Kaibigan?! Iyan ba ang kaibigan?! Wait until tita hears about this!" Napantig ang tainga ko sa sinabi niya at kinabahan. Kapag malalaman ng nanay ni Thorn ang tungkol sa akin ay mapapahamak ako. Hindi ko maiwasan matakot sa naiisip.

Sasagot na sana ako pero naunahan ako ni Thorn. Hinarap niya si Jean at nanlisik ang mga mata.

"Don't.You.Fucking.Dare.Do.That or I might forget that we're cousins," galit na asik ni Thorn. Jean shouted in frustration and went out of the place. Sinundan ko ito ng tingin hanggang makalayo na ng tuluyan.

Bumuntong-hininga si Thorn at nilingon ako, "Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang sabi niya. Tinignan ko ang mga mata niya at tinitigan ito ng ilang segundo at tumango.

Nahihirapan ka ba sa sitwasyon mo? Ang hindi mapuntahan ang tunay mong mahal? Ang magtago mula sa pamilya mo? Iyang mga tanong ang gusto kong itanong sa kanya pero natatakot ako sa kanyang isasagot. Lumala ang nararamdaman kong sakit sa nangyari.

"Uuwi na ako," malamig kong sabi. Hindi ko nagugustuhan ang nararamdaman kong pait sa dibdib habang tila sirang plaka nagpapaulit-ulit ang sinabi ni Thorn.

Hindi ko na hinintay si Thorn at nauna akong pumasok sa sasakyan niya. Nanatili ang tingin sa harap ko habang pinipigilang maiyak.

Nakita ko si Thorn na lumabas na sa restaurant na hindi maganda ang timpla ng mukha. Hindi ko ito pinansin hanggang makauwi kami.

Dumiretso ako sa kwarto ko pagkauwi namin. Ayaw ko muna harapin si Thorn pagkatapos ng nangyari ngayong araw. Nakakapagod. Gusto ko muna mapag-isa.

Habang nakaupo sa higaan ay kumatok si Thorn pero hindi ito binuksan.

"Bukas, nagpatawag ng meeting si Dad, kailangan kong pumunta," sabi niya. I didn't reply and closed my eyes. Ni hindi man lang niya pinag-usapan ang nangyari sa restaurant. Pinigilan kong maiyak at inisip ang anak ko.

So much for the first impression sa pamilya ng taong nakabuntis sa akin. Sino ba ang niloloko ko? May mahal yung tao kaya imposible niya akong magustuhan. Of course importante akong kaibigan kasi dala ko ang anak niya. Ang sakit lang. Parang gusto ko na ako lang. Walang ibang babae.

Lalo akong naiyak sa naiisip. Iniiyakan ko ang isang lalaki, what the fuck. Putanginang kaibigan 'yan. Tumayo ako at lumabas ng kwarto at pumunta sa kusina.

Pagkarating ko ay nakita ko si Thorn umiinom ng alak habang nakayuko at tila malalim ang iniisip. Nag-angat siya ng tingin at napaayos ng upo.

"Nahihirapan ka ba? Pasensya ka na kung dahil sa akin nilalabanan mo ang pamilya mo," sabi ko sa kanya. Hindi ko mapigilang malungkot sa ideya na hindi talaga gusto ni Thorn dito.

"What are you saying? Of course not. I should be sorry and explain what happened a while ago," sabi niya at naglakad palapit sa akin. Binaba niya ang beer sa cupboard at niyakap ako.

"I'm sorry kung nasaktan ka ni Jean kanina na wala ako. I'm sorry kung tinawag kitang kaibigan, you are more than just a friend. You are the mother of my child," sabi niya na nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Tila binalot ng init ang puso ko sa sinabi niya, "At hindi ako napipilitan dito Heina, ginusto ko ito, kaya papanindigan ko. Ako na ang bahala sa pamilya ko, you don't have to worry about it, 'kay? " Dagdag niya habang nakatingin sa mga mata ko. Hindi ko naiwasang maiyak. Napakababaw ng rason pero pakiramdam ko napaka-big deal ng sinabi niya.

Niyakap ko siya ng mahigpit at naramdaman ko ang halik niya sa ulo ko.

Related chapters

  • Chains of the Past   Chapter 6—Guest

    Pumasok ako sa cafe ni Amber at dumiretso sa opisina niya. Binati ako ng mga nadadaanan kong mga nagta-trabaho. Nginitian ko din sila pabalik.Pagpasok ko ay nakita ko siyang hinihilot ang sentido at nakaharap sa kompyuter. Kumunot ang noo ko sa kanyang hitsura. "Anong problema mo?" Tanong ko at kumuha ng upuan at tumabi ng upo sa kanya. I looked over her computer and I saw how her sales was down for this month. Napatingin ako sa kanya at naghintay ng sasabihin niya. Bumuntong-hininga ito at hinarap ako. "May ano kasi, problema, may nagpapakalat ng fake news tungkol sa cafe ko kaya mababa yung sales. Ginawan ko naman ng paraan para ma clear yung pangalan namin pero ganun pa rin. Tapos dumadag pa itong mga bagong delivery services. Maghahanap pa ako ng kompanya na magpapartner sa amin," mahabang paliwanag niya. Kaya naman pala. Napatango ako at napalabi habang nag-iisip ng maaaring solusyon. Hindi madali ang bumaba ang sales ng isang negosyo, baka hindi na ito makabawi at tuloy-

    Last Updated : 2022-04-30
  • Chains of the Past   Chapter 7—Mrs. Veronica

    Biglang nagbago ang pintig ng puso ko pagkapasok namin sa bahay. Bawat hakbang ko ay nakakapaso dulot din ng kaba na nararamdaman ko. Hindi ko ito pinapahalata habang nakasunod sa akin ang ginang. Rinig ang tunog ng takong ng kanyang suot na heels hanggang sa maupo kami sa sofa sa sala. Saka binaba niya ang kanyang bag sa center table saka ako tinignan. Nakadekwatro ito at inobserbahan ako. Magkahawak ang kamay kong malalamig sa aking hita habang inoobserbahan ang kanyang kilos. "Mabait ba ang anak ko sayo?" tanong niya. Nagulat ako sa sinabi niya. Akala ko ay didiretsuhin niya ako na pag-usapan ang namamagitan sa amin ng anak niya. Lumunok ako para iwaksi ang kaba, "Opo mabait po," sagot ko. Tumango-tango ito saka may kinuha na brown na envelope mula sa bag niya at inilahad sa akin. Nangunot ang noo ko habang nakatingin sa kanyang inilahad, "Ano po ito?" "Buksan mo," sagot nito. Nanatiling malamig ang tingin niya sa akin. Nanginginig ko itong inabot. Kaba lang ang tanging narar

    Last Updated : 2022-05-02
  • Chains of the Past   Chapter 8—Pressure

    Kahit na negative naman ako sa lahat ng tests, kailangan ko raw muna magpahinga sa bahay at bawas-bawasan ang mga gawaing nakakaubos ng lakas. Nagbigay din ng resita ng gamot ang doktor at sinabian akong manatili muna sa ospital bago umuwi. Sa mga oras na iyon, hindi ko nakita si Thorn, baka nasa labas ito nagpapahangin. Makalipas ang dalawang oras, bumalik ang doktor at kasunod nito si Thorn. Pinayagan na kaming umuwi at pinaalala sa amin ang kailangan na gamot at pahinga. Tumango naman kaming dalawa at hindi na kami nagtagal sa loob ng kwarto. “May gusto ka bang bilhin?” tanong niya sa akin. Papunta kami sa sasakyan niya. Nakaalalay siya sa akin habang dahan-dahan ang paghakbang ko. Umiling ako nang hindi siya tinitignan. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya at sumunod na namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Hindi ko kayang makipag-usap sa kanya dahil sa huli naming usapan. Kahit na narinig ko ang sinsero na pagpapahayag niya ng kanyang damdamin, balot pa rin ako ng takot.

    Last Updated : 2022-05-28
  • Chains of the Past   Chapter 1—Unexpected Gift

    I stared at the pregnancy result while sitting in my bed. Hindi ako makapaniwala. Two lines, I got two lines!Just the thought of what this meant made my breathing hitch and my heartbeat rise.Suddenly, flashes of memory ran through my mind like a train. Drunk. Man. Sex. Child. Napahilamos ako ng mukha habang iniisip ang aking maaaring gawin. I am now worried more than ever in my life and I can't stand this one more minute.Kinuha ko ang aking cellphone at di-nial ang number ni Amber.Napakagat ako ng labi habang hinihintay ang pagsagot ng aking kaibigan."Bes, whats wrong?" she asked from the other side. I took a deep breath and closed my eyes."May problema...sumabit ako sa isang lalaki...at...nabun---""BUNTIS KA?!" nailayo ko kaagad ang a

    Last Updated : 2022-03-26
  • Chains of the Past   Chapter 2— Our Child

    Nagising akong nasusuka kaya dali-dali akong nagpunta ng banyo. Ganito ang ganap ko bawat araw na gumigising ako mula noong nalaman kong buntis ako. Kinuha ko ang biskwit sa tabi ng aking kama pagkalabas ko. It was suggested by Luna to help me with my morning sickness.Nahihilo akong lumabas ng kwarto at tinungo ang kusina. When I got there, the ginger tea was already prepared and the breakfast was served. She has been like this ever since 2 weeks ago. I smiled at her and bid her good morning at sabay kaming kumain."Heina, we will be going to the doctor for your test. We have to know how many weeks your baby is," I nodded in response and after the meal went back to my room and readied myself.Pagkalabas ko ay nakakunot ang noo ni Amber habang nakatungo sa kanyang cellphone."Anong meron?" sabi ko. Napatingin naman siya saaki

    Last Updated : 2022-03-27
  • Chains of the Past   Chapter 3—Will you stand?

    Lashed with irritation I looked at him in the eyes and pushed him to give me some space. THE PROXIMITY WAS DEADLY! THE AIR WAS GOING THIN!Bumuntong hininga ako at itinaas ang dalawang kamay na tila sumusuko."Okay, what else do you want to talk about our child Mr. Hawkson?" I impatiently said. If he doesn't want the baby, then he can just decline standing for our child. I don't care.To be honest, I was hoping that he would at least make a proposal, but all he did in that was shake his head in dismay of what we had. Just thinking about it makes my heart swell with anger."Look, I am sorry for how I reacted," he said. I can see sincerity in those deep brown eyes pero hindi ako padadala kahit na nalulusaw ako dahil humingi siya ng tawad.Nagpahalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay. He cocked hi

    Last Updated : 2022-03-27
  • Chains of the Past   Chapter 4—Uncertain Feelings

    "Good Liza, you got this question right." puri ko sa batang aking tinututor.Isa siyang grade 7 student at mababa ang marka sa Science kaya nagpapatutor. Ngumiti sa akin si Liza at saka nagpatuloy sa pagsagot. Tinignan ko muna ang orasan ng kanilang bahay. 7:30 P.M.It's been a week since that encounter with Thorn in his office. After he said no, I immediately left to spare myself from the disappointment. The whole trip was bad, my heart was aching for some reason. And it did not go away until I rested."Ma'am, heto na po yung mga sagot ko," Liza politely said and handed me her test papers. I scanned it and gave it to her again."Good, I see that you are getting better in this topic, next time, we will open a new one okay?" tanong ko. Tumango naman siya at niligpit na ang kanyang gamit.Malapit nang mag alas-otso noong matapos kami sa pag-aaral. Ganitong oras ako palagi nat

    Last Updated : 2022-04-12

Latest chapter

  • Chains of the Past   Chapter 5—Pasta Disaster

    Lumipas ang isang linggo na walang problema na dumating sa buhay ko. Pansamantalang tinigil ko muna ang pagtuturo para matutukan ang pagbubuntis. Dumadalas ang pagbisita sa akin ng mga epekto ng pagbubuntis kaya hindi rin ako maiwan ni Thorn na mag-isa. "Thorn, hindi ka pa ba talaga uuwi?" Tanong ko sa kanya. Isang linggo na siyang nananahanan dito at nag-aalala ako sa kaniyang trabaho at pamilya. Tinignan niya ako at umiling, "Hindi pa, alam naman nila na nasa bakasyon ako kaya hindi ako makakauwi." Ngumiti pa siya na tila maganda yung ginawa niya. Nainis ako bigla dahil pinapahamak niya kami ng anak niya sa ginagawa niya. Hinampas ko siya ng malakas sa ulo na sinuklian niya ng daing. "What was that for?!" Asik niya sa akin. Tinapatan ko ang inis niya. Aba, hindi ako magpapatalo. "Umuwi ka ngayong araw," sabi ko sa kanya. Pumikit siya at bumuntong hininga."Hindi nga kita maiwan dito," sabi niya. Lalo niya lang ako pinapainis sa ginagawa niya.

  • Chains of the Past   Chapter 4—Uncertain Feelings

    "Good Liza, you got this question right." puri ko sa batang aking tinututor.Isa siyang grade 7 student at mababa ang marka sa Science kaya nagpapatutor. Ngumiti sa akin si Liza at saka nagpatuloy sa pagsagot. Tinignan ko muna ang orasan ng kanilang bahay. 7:30 P.M.It's been a week since that encounter with Thorn in his office. After he said no, I immediately left to spare myself from the disappointment. The whole trip was bad, my heart was aching for some reason. And it did not go away until I rested."Ma'am, heto na po yung mga sagot ko," Liza politely said and handed me her test papers. I scanned it and gave it to her again."Good, I see that you are getting better in this topic, next time, we will open a new one okay?" tanong ko. Tumango naman siya at niligpit na ang kanyang gamit.Malapit nang mag alas-otso noong matapos kami sa pag-aaral. Ganitong oras ako palagi nat

  • Chains of the Past   Chapter 3—Will you stand?

    Lashed with irritation I looked at him in the eyes and pushed him to give me some space. THE PROXIMITY WAS DEADLY! THE AIR WAS GOING THIN!Bumuntong hininga ako at itinaas ang dalawang kamay na tila sumusuko."Okay, what else do you want to talk about our child Mr. Hawkson?" I impatiently said. If he doesn't want the baby, then he can just decline standing for our child. I don't care.To be honest, I was hoping that he would at least make a proposal, but all he did in that was shake his head in dismay of what we had. Just thinking about it makes my heart swell with anger."Look, I am sorry for how I reacted," he said. I can see sincerity in those deep brown eyes pero hindi ako padadala kahit na nalulusaw ako dahil humingi siya ng tawad.Nagpahalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay. He cocked hi

  • Chains of the Past   Chapter 2— Our Child

    Nagising akong nasusuka kaya dali-dali akong nagpunta ng banyo. Ganito ang ganap ko bawat araw na gumigising ako mula noong nalaman kong buntis ako. Kinuha ko ang biskwit sa tabi ng aking kama pagkalabas ko. It was suggested by Luna to help me with my morning sickness.Nahihilo akong lumabas ng kwarto at tinungo ang kusina. When I got there, the ginger tea was already prepared and the breakfast was served. She has been like this ever since 2 weeks ago. I smiled at her and bid her good morning at sabay kaming kumain."Heina, we will be going to the doctor for your test. We have to know how many weeks your baby is," I nodded in response and after the meal went back to my room and readied myself.Pagkalabas ko ay nakakunot ang noo ni Amber habang nakatungo sa kanyang cellphone."Anong meron?" sabi ko. Napatingin naman siya saaki

  • Chains of the Past   Chapter 1—Unexpected Gift

    I stared at the pregnancy result while sitting in my bed. Hindi ako makapaniwala. Two lines, I got two lines!Just the thought of what this meant made my breathing hitch and my heartbeat rise.Suddenly, flashes of memory ran through my mind like a train. Drunk. Man. Sex. Child. Napahilamos ako ng mukha habang iniisip ang aking maaaring gawin. I am now worried more than ever in my life and I can't stand this one more minute.Kinuha ko ang aking cellphone at di-nial ang number ni Amber.Napakagat ako ng labi habang hinihintay ang pagsagot ng aking kaibigan."Bes, whats wrong?" she asked from the other side. I took a deep breath and closed my eyes."May problema...sumabit ako sa isang lalaki...at...nabun---""BUNTIS KA?!" nailayo ko kaagad ang a

DMCA.com Protection Status