Chapter: Chapter 8—PressureKahit na negative naman ako sa lahat ng tests, kailangan ko raw muna magpahinga sa bahay at bawas-bawasan ang mga gawaing nakakaubos ng lakas. Nagbigay din ng resita ng gamot ang doktor at sinabian akong manatili muna sa ospital bago umuwi. Sa mga oras na iyon, hindi ko nakita si Thorn, baka nasa labas ito nagpapahangin. Makalipas ang dalawang oras, bumalik ang doktor at kasunod nito si Thorn. Pinayagan na kaming umuwi at pinaalala sa amin ang kailangan na gamot at pahinga. Tumango naman kaming dalawa at hindi na kami nagtagal sa loob ng kwarto. “May gusto ka bang bilhin?” tanong niya sa akin. Papunta kami sa sasakyan niya. Nakaalalay siya sa akin habang dahan-dahan ang paghakbang ko. Umiling ako nang hindi siya tinitignan. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya at sumunod na namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Hindi ko kayang makipag-usap sa kanya dahil sa huli naming usapan. Kahit na narinig ko ang sinsero na pagpapahayag niya ng kanyang damdamin, balot pa rin ako ng takot.
Last Updated: 2022-05-28
Chapter: Chapter 7—Mrs. VeronicaBiglang nagbago ang pintig ng puso ko pagkapasok namin sa bahay. Bawat hakbang ko ay nakakapaso dulot din ng kaba na nararamdaman ko. Hindi ko ito pinapahalata habang nakasunod sa akin ang ginang. Rinig ang tunog ng takong ng kanyang suot na heels hanggang sa maupo kami sa sofa sa sala. Saka binaba niya ang kanyang bag sa center table saka ako tinignan. Nakadekwatro ito at inobserbahan ako. Magkahawak ang kamay kong malalamig sa aking hita habang inoobserbahan ang kanyang kilos. "Mabait ba ang anak ko sayo?" tanong niya. Nagulat ako sa sinabi niya. Akala ko ay didiretsuhin niya ako na pag-usapan ang namamagitan sa amin ng anak niya. Lumunok ako para iwaksi ang kaba, "Opo mabait po," sagot ko. Tumango-tango ito saka may kinuha na brown na envelope mula sa bag niya at inilahad sa akin. Nangunot ang noo ko habang nakatingin sa kanyang inilahad, "Ano po ito?" "Buksan mo," sagot nito. Nanatiling malamig ang tingin niya sa akin. Nanginginig ko itong inabot. Kaba lang ang tanging narar
Last Updated: 2022-05-02
Chapter: Chapter 6—GuestPumasok ako sa cafe ni Amber at dumiretso sa opisina niya. Binati ako ng mga nadadaanan kong mga nagta-trabaho. Nginitian ko din sila pabalik.Pagpasok ko ay nakita ko siyang hinihilot ang sentido at nakaharap sa kompyuter. Kumunot ang noo ko sa kanyang hitsura. "Anong problema mo?" Tanong ko at kumuha ng upuan at tumabi ng upo sa kanya. I looked over her computer and I saw how her sales was down for this month. Napatingin ako sa kanya at naghintay ng sasabihin niya. Bumuntong-hininga ito at hinarap ako. "May ano kasi, problema, may nagpapakalat ng fake news tungkol sa cafe ko kaya mababa yung sales. Ginawan ko naman ng paraan para ma clear yung pangalan namin pero ganun pa rin. Tapos dumadag pa itong mga bagong delivery services. Maghahanap pa ako ng kompanya na magpapartner sa amin," mahabang paliwanag niya. Kaya naman pala. Napatango ako at napalabi habang nag-iisip ng maaaring solusyon. Hindi madali ang bumaba ang sales ng isang negosyo, baka hindi na ito makabawi at tuloy-
Last Updated: 2022-04-30
Chapter: Chapter 5—Pasta DisasterLumipas ang isang linggo na walang problema na dumating sa buhay ko. Pansamantalang tinigil ko muna ang pagtuturo para matutukan ang pagbubuntis. Dumadalas ang pagbisita sa akin ng mga epekto ng pagbubuntis kaya hindi rin ako maiwan ni Thorn na mag-isa. "Thorn, hindi ka pa ba talaga uuwi?" Tanong ko sa kanya. Isang linggo na siyang nananahanan dito at nag-aalala ako sa kaniyang trabaho at pamilya. Tinignan niya ako at umiling, "Hindi pa, alam naman nila na nasa bakasyon ako kaya hindi ako makakauwi." Ngumiti pa siya na tila maganda yung ginawa niya. Nainis ako bigla dahil pinapahamak niya kami ng anak niya sa ginagawa niya. Hinampas ko siya ng malakas sa ulo na sinuklian niya ng daing. "What was that for?!" Asik niya sa akin. Tinapatan ko ang inis niya. Aba, hindi ako magpapatalo. "Umuwi ka ngayong araw," sabi ko sa kanya. Pumikit siya at bumuntong hininga."Hindi nga kita maiwan dito," sabi niya. Lalo niya lang ako pinapainis sa ginagawa niya.
Last Updated: 2022-04-16
Chapter: Chapter 4—Uncertain Feelings"Good Liza, you got this question right." puri ko sa batang aking tinututor.Isa siyang grade 7 student at mababa ang marka sa Science kaya nagpapatutor. Ngumiti sa akin si Liza at saka nagpatuloy sa pagsagot. Tinignan ko muna ang orasan ng kanilang bahay. 7:30 P.M.It's been a week since that encounter with Thorn in his office. After he said no, I immediately left to spare myself from the disappointment. The whole trip was bad, my heart was aching for some reason. And it did not go away until I rested."Ma'am, heto na po yung mga sagot ko," Liza politely said and handed me her test papers. I scanned it and gave it to her again."Good, I see that you are getting better in this topic, next time, we will open a new one okay?" tanong ko. Tumango naman siya at niligpit na ang kanyang gamit.Malapit nang mag alas-otso noong matapos kami sa pag-aaral. Ganitong oras ako palagi nat
Last Updated: 2022-04-12
Chapter: Chapter 3—Will you stand?Lashed with irritation I looked at him in the eyes and pushed him to give me some space. THE PROXIMITY WAS DEADLY! THE AIR WAS GOING THIN!Bumuntong hininga ako at itinaas ang dalawang kamay na tila sumusuko."Okay, what else do you want to talk about our child Mr. Hawkson?" I impatiently said. If he doesn't want the baby, then he can just decline standing for our child. I don't care.To be honest, I was hoping that he would at least make a proposal, but all he did in that was shake his head in dismay of what we had. Just thinking about it makes my heart swell with anger."Look, I am sorry for how I reacted," he said. I can see sincerity in those deep brown eyes pero hindi ako padadala kahit na nalulusaw ako dahil humingi siya ng tawad.Nagpahalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay. He cocked hi
Last Updated: 2022-03-27