NAGMULAT ang mga mata ko sa isang hindi gaanong pamilyar na lugar. Puting kesame at dingding, maingay na tunog ng makina at nakakabit na suwero sa aking kamay. Hospital. Nasa hospital ako. Ilang beses pa akong kumurap bago tuluyang naalala ang buong nangyari dahilan upang mapabalikwas ng bangon.Agad dumalo sa akin si Janette."Ang mga anak ko! How are my babies doing?! Ligtas naman sila hindi ba? May dugo! May dugong lumabas sa akin!" Magkasunud-sunod kong tanong kasabay ng masaganang pagbuhos ng mainit na likido sa aking mga mata. "The twins are alright, they're safe now." Nagulat ako nang marinig ang istriktong boses ni Silas. Nakatayo siya sa paanan ng hospital bed. At base sa kanyang suot ay tila galing itong trabaho. "Maaaring nanganib ang buhay ninyong tatlo kung inabot pa kayo ng ilang oras bago makarating dito." Nagtatagis ang bagang niya at matalim ang tinging pinukol sa akin. "Sa susunod, kung may pupuntahan ka man, magpaalam ka sana. Kung hindi pa ako tinawagan ni Janette
"YOU don't have to worry at all, anak. Mas magiging kampante kami ng Tito Julius mo kapag nasa puder ka ni Silas." Malambing na wika ni Tita Vivian. Kasalukuyan kaming nasa harapan ng vanity mirror, nagkuwentuhan habang sinusuklay niya ang mahaba kong buhok. "I've known him onsince he was fourteen, nawalan lamang kami ng komunikasyon dahil kinailangan naming pumunta sa ibang bansa dahil nagkasakit ang Tito mo, trust me, mabait iyang batang 'yan. Hindi nga lang madalas halata," pabulong na niyang sinabi ang mga katagang iyon dahilan para magkatinginan kami sa salamin at sabay na tumawa. "Nakakailang po kasi, Tita." Pagsasabi ko ng totoo. "Ano na lang po ang sasabihin ng mga tao sa amin? Walang relasyon pero titira sa iisang bahay? Walang relasyon pero magkakaroon ng kambal?" Ngumiwi akong ini-imagine iyon. "Tapos ano na pong mangyayari kapag naipanganak ko na ang mga anak niya? Ibig po bang sabihin niyon ay palalayasin na niya ako? Hindi ko po kayang mawalay sa mga anak ko, Tita..." P
ILANG sandali pa kaming nanatili roon bago namin marinig ang katok sa may pintuan. Si Yuka at sinabing handa na raw ang tanghalian. Sabay na kaming naglakad ni Silas habang inaalalayan akong bumababa sa hagdan. Pareho pa nga kaming natatawa dahil maya't maya ang tigil ko dahil napapagod ako hanggang sa nagsuhestyon pa ngang lumipat ako sa first-floor pero sinabi kong ayos lang sa akin sa second floor. Dahil bukod sa maganda ang tanawin mula roon, mainam din sa kalagayaan ko ang pag-aakyat baba ng hagdan para hindi na ako gaanong mahirapang manganak. Hindi pa man kami tuluyang nakalalapit sa dining table ay amoy na amoy ko na ang aroma ng mga pagkain. Tuloy ay napalunok ako ng laway sa sobrang pagkatakam! At mas lalo nga akong naglaway nang makita ang mga iyon! Seafood! Iba't-ibang klase ng seafood! "Mukhang nagugustuhan ng ating buntis ang inihanda natin," si Manong Domeng. Nahihiya tuloy akong nag-iwas ng tingin. Halatang-halata ba? "Huwag kayong mahiya ma'am, talagang normal laman
"SO, what's the score between you two?" Tanong ni Vivorie matapos niyang sumimsim sa kanyang pineapple juice, kaaahon pa lang niya sa dagat. Tumutulo pa ang tubig mula sa kanyang bright yellow green two peace. "Kumakain ka pa ba?" Busangot ang mukha kong tanong nang pasadahan ng tingin ang katawan ng kaibigan, sobrang ganda naman talaga niya sa kanyang suot pero halata mong nabawasan ang kanyang timbang nang huli kaming nagkita! Isang buwan at kalahati lang naman kaming hindi nagkita, ah. "Healthy living na kasi ako gurl. Maganda ring may ibang pinagkakaabalahan," pakindat niyang sagot. "Sana kung hindi ka ba naman naglasing at humalik ng kung sino, edi hindi ka mabubuntis! Kung Hindi ka buntis, may kasama sana ako ngayong mag-iikot sa buong mundo! Tsk! Kung hindi ko lang mahal iyang mga future inaanak ko, malamang sa malamang talaga babae ka, ipinakapon na kita!" Tinawanan ko lang siya. "Huwag kang mag-iba ng topic, nililihis mo ang tanong ko, eh. Sagutin mo ako ng maayos!" Aniya
"HMMM… What does my baby momma want me to do to stop sulking? Huh?" Malambing niyang bulong sa aking tainga, ang init na nagmumula sa kanyang hininga ay nakapaninindig balahibo. "Hmm… talk to me please, what do you want?" Halos manginig ang aking tuhod nang kagatin niya ang balat ng aking tainga dahilan upang kumalat ang init sa aking buong katawan. Kahit nahihirapan ay umusog ako palayo sa kanya, tila natatakot na mapaso sa apoy na idinudulot niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit ngunit sa tuwing ganito kaming kalapit sa isa't isa, kahit ayaw ko ay ang katawan ko na ang kusang gumagawa ng paraan. Tila'y wala na akong karapatan sa sarili ko. "M-matutulog na ako." Sinabi ko at dahan-dahang ipinatong ang tiyan sa isa pang unan. Kahit nahirapan ay pinilit ko, huwag lang manghingi ng tulong mula sa taong katabi. Ngunit hindi naman ako nagtagumpay kalaunan dahil siya na mismo ang bumangon at walang salitang inayos sa pagkakapatong ang aking tiyan sa malambot na unan saka bumalik sa
TULALA ako kinabukasan nang magising at wala ng ni anino ni Silas sa tabi ko. Marahan akong kumurap-kurap habang dinadama ang kanyang puwestong wala ng gusot, ibig sabihin lamang ay umalis na talaga siya. Sa ilang buwan pa lamang naming magkasama ay may napapansin na akong bagay sa kanya. Una na roon ang pagiging malinis niya sa kama. Bago pa man siya makalabas ng kuwarto ay kailangang hindi gusot ang sapin o ang comforter, ang unan ay nasa tamang lagyanan at hindi rin gusot. Una niyang ginagawa sa umaga ay magsipilyo bago maghilamos at saka pa bababa para ipagluto ako ng agahan at iaakyat dito. His reason? Ayaw niyang mapagod ako dahil mabigat na ang kambal. "Ang suwerte ng babaeng mamahalin mo siguro 'no?" Tanong ko habang inaabot ang kanyang unan saka iyon niyakap. Napapikit ako nang manuot sa aking ilong ang kanyang panlalaking amoy. "Kasi kahit madalas kang masungit, sweet ka pa rin at maalaga. Malinis din hindi lang sa labas na pangangatawan pati rin sa kuwarto, plus points
"I'M SORRY..." Aniya nang magmulat ng mga mata. "I didn't mean to—" he shook his head "I meant to call you by her name because I am seeing her in you..." Walang pagdadalawang-isip niyang sinabi ngunit nakikitian ng kakaibang emosyon ang kanyang kulay asul na mga mata. Lungkot, pagkamiss, pananabik at matinding pagmamahal. Bumitaw siya mula sa hawak sa likod ng aking ulo at unti-unting humakbang paatras, hindi na makikitaan ng kahit anong emosyon ang mukha. Lalong-lalo na ang kanyang mga mata. Madilim na ito ngayon. Umatras din ako at walang salitang tumungo sa rocking chair na gawa sa rattan na siyang nakaharap sa malawak na magandang tanawin, itinuon ko ang aking paningin sa karagatan. Ang daming mga salitang tumatakbo sa aking isipan, pagtatalo, pagsisisi at simpatya sa sarili. Daghan-dahan akong humugot ng hininga at tulalang nakatanaw sa kulay asul na dagat. Inaasahan ko bang magkukwento siya? Hindi. Istorya niya iyon, pinagdaanan niya iyon kaya wala akong karapatang magdemand
"SIGURADO ka na ba sa desisyon mong iyan, Oly? It's just so sudden! May nangyari ba? Did he hurt you?" Sunud-sunod ang naging tanong ni Vivorie pagkatapos kong sabihin ang plano ko, kakatapos lang naming kumain. Tumingin ako sa kaibigan, nagdadalawang-isip kung sasabihin ko ba ang tungkol sa naging girlfriend ni Silas o hindi na lang. After all, kamag-anak niya iyon, baka iba ang pagkakaintindi niya o kaibigan niya ako, baka ano pang masabi niya kay Silas kung sakali. "Oo at hindi. Oo, siguradong-sigurado ako sa desisyon ko. Hindi, dahil hindi niya ako sinasaktan." Nakahawak ang aking isang palad habang naglalakad patungo sa aking damitan, magliligpit na dahil ngayong araw mismo kaming babyahe pabalik ng Bulakan. "Huwag ka na lang kasi maraming tanong, tulungan mo na lang ako! Kita mong buntis 'yung tao, tinititigan mo lang." Ngumuso ako. Lumapit naman siya ngunit bumatok muna ang walanghiya kong kaibigan. "Gaga! Paanong tumulong eh, biglaan itong desisyon mo!" Aniyang padabog na