"ANONG nangyari, sir? Bakit biglang umalis si ma'am? Akala ko ba ay hanggang sa makapanganak ay rito siya mamamalagi?" Yolanda asked as soon as I entered the house. Pagtataka ang gumuhit sa kanyang mukha, hindi ako nagsalita. "May problema ba kayo? Nag-away ba kayo?" Sunod niyang tanong. Hindi ko siya pinansin at dire-diretso lang na tumungo sa kusina. I gritted my teeth as I sat down on the dirty kitchen's chair and laid my back on the backseat followed with a very deep sigh. "Pagpasensyahan mo na sir ha, kung nakikiusyoso ako, kaya lang eh, talagang nakakataka lamang ang biglang mag-alsa balutan ang buntis na iyon gayong habang nandito iyon ay masayang-masaya siya! Parang palaging walang problema sa tuwing naglalakad sa dalampasigan o kaya naman kahit tuwing pinamamasdan lang ang mga punong sumasabay sa indayog ng malamig na hangin!" Umigting ang aking panga at mariin ang pagkuyom ng kamao, hindi pa rin ako makapagsalita. Hindi ko alam kung anong isasagot sa mga tanong ni Yolanda.
IT TOOK me weeks to think thoroughly about the choices that Yolanda suggested. At first, I don't think that I needed that but days go by and I can't figure things clearly on my mind, I decided to consider her said 'choices'. At sa ilang linggong iyon ay pakiramdam ko mababaliw na ako sa kaiisip at sa pangungulila ko sa mga anak ko. Iba pala ang pakiramdam na kasama ko sila, nakikitang nakangiti ang nanay nila at nararamdamang gumagalaw sila. Sa ilang linggong paghihiwalay naming ito dahil sa kagaguhan ko ay napakarami ko ng nakaligtaan sa buhay ng mga anak ko. Mas lalo yata akong masisiraan ng ulo dahil wala akong mapagtanungan. Vivorie isn't responding to my messages asking how they are doing and if she does, her replies will always be "stop pestering my friend! She's happy without you and we could raise the twins without your help!" Of course I understand her anger towards me but... Can't I just get an update for my babies? Tangina mo, Silas! Bobo ka? Noong nakaraang araw lang s
"ANONG pinag-usapan ninyo?" Iyon agad ang bungad niya nang makapasok ako. Hawak-hawak niya ang kanyang cellphone at mukhang kagagaling sa tawag. "Don't tell me you got back together?" She gave me a dagger look. Suminghap ako. "Grabe, ha! Ma-issue ka talaga kahit kailan! Bakit naman ako makikipagbalikan doon? Hindi pa naman ko nasisiraan ng bait para gawin ko 'yon!" Sagot ko, naiirita na. "Ganyan na ba ang tingin mo sa akin? Sobrang uto-uto? Oo, alam kong nagpa-uto ako sa pinsan mo pero natuto na ako. Alam ko na ang worth ko as a person, kung ayaw niya sa akin edi don't! Bubuhayin ko ang mga anak ko nang mag-isa." Malamig kong sinabi saka siya tinalikuran. Bakit? Sa akala ba niya ay habangbuhay akong magiging uto-uto? Hindi ako mabubuhay kapag walang lalaki? Tsk! "Oly! I'm sorry!" Hindi pa man ako tuluyang nakapapasok sa kwarto ko ay narinig ko na ang boses niya. "Hindi naman kasi ganoon ang ibig kong sabihin, eh! Ayaw ko lang na magkalapit kayo ng lalaking iyon kasi alam kong sina
AFTER knowing the person behind that strange neighbor that gives us flowers and fruits, I did not bother asking about him anymore. Ano naman kung siya ang nagpapadala? Wala namang kakaiba roon, siyempre anak niya ang dinadala ko kaya siguradong sa mga anak niya siya bumabawi. Ayaw ko ng umasa, tama si Vivorie, marupok nga ako. At ayaw ko na ng ganoon. Palagi na lang akong nabibigo Sia tuwing umaasa ako kaya hindi na, hindi na ulit. "Gosh, required ba talagang matulala habang umiinom ng gatas?" Nag-angat ako ng tingin sa nagsalitang si Vivorie, may dala siyang platito na may pancakes at sa isang kamay ay ang hot chocolate. "Balita ko, alam mo na ang secret admirer mo, ah!" Pang-uusisa niya kaagad. "Chismosa mo, ha." Umirap ako bago humigop ng gatas. "And yes, I already knew." Kaswal kong sinabi. "Weh, you are not affected? Promise?" She gave me a sidelook, I laughed. "Oo nga!" Nangingisi akong humigop muli ng gatas. "I told you that I won't be marupok again, 'diba? Of course I
NAGING totoo nga siya sa kanyang mga salita. Pumupunta siya rito upang samahan ako dahil minsan walang tao sa bahay kasi may pinagkaka-abalahan ang mga tao, hindi ko alam kung ano iyon at hindi na rin ako nang-usisa pa. Nagulat ako dahil consecutive there days na siyang nandito, sinabi kong puwede lang siyang bumisita pero halos bawat oras naman siya pumaparito! Dala pa pati ang laptop at dito na rin nagtatrabaho! "Wala ka bang ibang ginagawa?" Pagkatapos mananghalian ay tinanong ko siya, nasa garden kami. May ginagawa siya sa laptop habang ako ay umiinom ng avocado shake na gawa niya. "Halos hindi ka na umuwi sa bahay mo, ah!" Puna ko. "Umuuwi naman ako." Aniya at tiningnan ako saglit. "Umuuwi ka nga pero wala pang biento minutos nandito ka na ulit!" Salubong ang kilay kong sinabi. "Wala kang buhay? Hindi ka nagtatrabaho? Hindi ka na nagtuturo?" Sunud-sunod kong tanong. Mataman niya akong tiningnan. Umirap ako. "I am." Tipid niyang sagot. "I could work on my laptop, you don'
NOONG una ay akala ko sobrang mahihirapan akong magsimula kami sa pagiging magkaibigan ng tatay ng mga anak ko. Madaling sabihin ngunit ang totoo ay mahihirapan ka ngang tunay talaga, ngunit iyon ang buong akala ko. Akala ko awkward, but it turns out that he has this funny side. Yes. Funny. Walang sandaling hindi kami tumatawa sa tuwing magkasama, kahit na hindi na namin alam kung anong pinagtatawanan namin basta kapag nagtagpo lang ang mga mata namin ay roon na bubunghalit ng tawa. Lugi nga lang ako kasi kada tawa ko ay kasabay no'n ang ihi. "Tumigil ka nga kakatawa mo!" Natatawa kong saway sa kanya, "ikaw kaya magbuntis! Para naman maranasan mo iyong walang kontrol na pag-utot at ihi! Tse!" Masama ko siyang tiningnan. It was 6:30 in the morning and we were now walking around the subdivision, part pa rin ng pag-i-exercise kasi nga, nabibilang na lang ang mga araw at makikita na ng mundo ang mga anak namin. At sobrang nakakakakaba at the same time nakaka-excite! Bukod sa pagiging a
"WHAT do you want now?" I asked as soon as I answered her call. I knew that it's her, it's been days since I did not answer any of her calls and now she's using different number. Am I avoiding her? Definitely. "Where have you been? I don't have any idea of your whereabouts these months, Wrecker. I hope you don't forget that our engagement will be two months from now. Pumayag akong i-extend nang i-extend because I am also busy with my work but when it's already time, I don't want you to have any excuses." Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. "I told you to call the engagement off, I don't want to marry anyone and there's no engagement will happen." Malamig kong sinabi. Sandaling nanahimik ang kabilang linya, I thought she already hanged up but heard a breathing sound. "What?! How dare you to say that to me! No! The engagement will happen! Our wedding will happen! You've been avoiding me for so long and the you're telling me this now? Don't you fucking dare try my patience Wre
PAGGISING ko ay wala ng anino ni Silas sa aking tabi, I was about going to panic dahil baka kinuha na niya ang mga anak ko at itinakas but the doctor approached me. It's doctor Mara. Yes, the doctor that examined me months ago, ang doktor na nagpa-anak sa akin. "Hi," she smiled sweetly at me. "How are you feeling?" "Hindi ko po alam doc, medyo uncomfortable pero... Medyo magaan." Nalito rin ako sa sariling sinabi. Basta ang alam ko, pagod na pagod ako at masakit ang pribadong parte ng katawan ko. Parang winarak ng sampung truck. "Ang mga anak ko po, doc?" Tanong kong bahagyang inangat ang katawan. "Nasa NICU ang babies and don't worry, they're father's with them." Ngumiti siyang muli sa akin. "Do you want to go there and see them yourself?" Agad akong tumango kay doktora. Kahit masakit ang katawan ay sinikap kong bumangon, may nurse na umalalay sa akin na may dalang wheel chair. Sila na rin ang nagtulak sa akin patungo roon, hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatulog pero