"ALAM mo iyang si Prof. Monroe, ang gahaman sa grado! Biruin mo 'yon, kumpleto ako ng ipinasa pero binigyan ako ng tres?" Palatak ni Vivorie, my bestfriend since grade school. "Naku, ha! Mabuti na lang talaga at gwapo siya, kaya ko pang palagpasin ang ginawa niya!" Umismid ako at bahagyang kinurot ang kaibigan, "focus lang tayo sa goal, Viv, ano ba! Hindi fair iyang ginagawa niya lalo na kung nagpasa ka naman ng tama at sa mismong deadline pa!" Sambit ko, may galit din ako sa propesor na iyon eh. Ang hilig magbigay ng tres! Malas mo na lang talaga kapag singko na isinampal sa'yo. "Nga pala, Oly, hindi ko na nakikita si Kasper, ah? Saan na 'yon?" Tanong ni Viv habang kinukuha ang baunan sa bag niya, lunch break na kasi at dito kami naglunch sa classroom. "Hala ka, baka may ibang kinakasama na 'yon nang hindi mo nalalaman! Hindi ka pa naman naipakikilala sa parents!" Pananakot niya sabay duro sa'kin ng tinidor. Tinawanan ko lang at hindi na nagsalita pa, sanay na ako sa palaging l
PARANG pinukpok ng ilang beses ang ulo ko sa sobrang sakit, unti-unti kong binuksan ang aking mata at bumungad sa akin ang hindi pamilyar na silid. Sandali ko pang iginala ang paningin upang kumpirmahing hindi nga ito ang kwarto ko. Lalo pa nang mahagip ng mata ko ang lalaking nakadapang paharap sa akin, mahimbing ang tulog. "Holy shit, si Prof. Monroe!" Tutop ang bibig kong impit na sigaw nang tuluyang makilala ang taong katabi. Hindi lang basta-bastang katabi kundi, nakasama sa iisang kama! And this is not just an ordinary stranger! It's a Professor! My Professor! Gosh! Anong kabobohan ito, Olivia! Gusto ko na lang magpalamon sa kama...Sa takot na baka magising ko pa itong katabi ay nagpasya na lang akong umahon sa pagkakahiga, ayaw ko na rito. Nakakahiya. Nang tumayo ako ay agad kong tinakpan ang bibig nang mapasigaw dahil sa pagbagsak ko sa lapag, sobrang nanginig ang aking tuhod at sumakit ang pang-ibabang parte ng katawan na animong inararo ng kung sino. Ganoon ba kalala an
"O.M.G my friend, it's been weeks since you're like this, I'm not so sanay. I know that you are introvert but being distant even to me is so unecceptable! I am your one and only bestfriend here, girl!" Sabog ni Vivorie sa dalawang linggo kong hindi pagkakausap sa kanya. "Nagtatampo na ako, ha!" Dagdag niya sabay hila sa buhok ko. "Alam ko namang may pinagdadaanan ka, but never forget that I am you bestfriend. I am here when you needed someone to lean on, to listen to all you rants in life. Just don't suffer in silent!""Wala na kami ni Kasper. He cheated—no, I am the mistress. I found out that he already has a wife and kid." Dire-diretso kong sinabi dahilan nang halos pagluwa ng mata niya at tulala sa kinatatayuan. Dinugtungan ko iyon para isang bagsakan na lang. "That night too was the night that I went alone in a bar and drink my heart out then kissed someone and slept with him. I just found out the next morning that it's Mr. Monroe the Professor." "Wait... Teka lang sandali tangin
DAHIL abala kami sa school ay sa sumunod na linggo pa kami nakapunta sa obgyne na pina-reserved ni Vivorie noong nakaraan. Kabang-kaba ako, hindi ko maintindihan kung maiihi o matatae ba ako."Hey, relax," Viv sqeeze my hand. "Hindi pa naman tayo sure." Pagpapagaan niya sa loob ko. "P-pero paano nga kung meron? Paano nga kung may mabuo sa isang gabi lang na 'yon?" Although wala naman akong sinisisi kasi kagagawan ko naman 'yon pero hindi ko pa rin maiwasang matakot na baka may mabuo. Paano na ako kung sakali? Paano kong bubuhayin ang bata kung sakali man? Hindi naman ako pwedeng umasa sa sahod ko sa pagiging part time editor. Paano ako magbibigay ng pagmamahal at aruga kung sa mismong magulang ko ay halos manlimos na ako?Sa sobrang pag-iisip ay hindi ko na namalayang nakarating na pala kami kung hindi pa ako kinalabit ni Vivorie."You're spacing out again, Oly!" Asik niya. "Don't worry too much, okay? If true man ang speculations mo then so be it! I am here to help, it is a blessin
NAKANGITI akong nahiga sa gabing iyon bagama't nakakakaba pero masaya ako. Ganito pala ang pakiramdam, I wonder if this is also the feelings that mommy felt when she's pregnant with me? Or maybe disappointements because they're not expecting me to come because I am a girl. Hindi ko lubusang maintindihan kung bakit nila kailangang magalit sa akin sa kadahilanang hindi ako pinanganak na lalaki, edi kung gusto pala nila ng lalaking anak, gumawa pa sana sila ng marami. Sinapo ko ang aking tiyan, "don't worry my baby, kahit wala kang daddy, mommy will love you with all her heart, remember that." Malambing kong turan at naging emosyonal na naman. Ang weird, hindi naman ako iyaking tao pero dahil sa nabubuong tao sa akin, nagiging ganito ako. Hanggang ngayon ay wala paring ideya sila Mommy tungkol sa kalagayan ko, hindi ko rin naman ililihim sa kanila kung sakaling tanungin nila ako tungkol roon. Iyon nga lang, saan ako kukuha ng ipambabayad ko para sa pangangailangan ng anak ko? Kahit na
NAGISING ako dahil sa mainit na haplos sa likod ng aking palad, nang iminulat ko ang aking mga mata ay nakita ko si Vivorie. Kumurap-kurap ako't tumingin sa paligid, purong puti ang kesame at dingding. Ang mga upuan ay kulay itim at brown. Hindi ko na kailangang tanungin kung nasaan ako, bukod sa puting paligid ay may swero rin. "How are you feeling, Oly?" Nag-aalalang tanong ni Viv. "Your ate called me na someone sent you to the hospital daw because of the accident," nangunot ang noo niyang sinabi. "But I don't believe her that it was just an accident, you lost some blood—" "My baby? How was my baby?!" Taranta akong bumangon at gumapang ang matinding kaba sa aking dibdib. "Your babies are okay, kumakapit eh." Ngumiti siya, nangunot ang noo ko. Babies? Baby lang, ah. Ngunit bago pa man makapagtanong ay sumagot na siya. "The doctor confirmed na you're having twins daw!" Excited niyang anunsyo. Umawang ang aking labi. Talaga ba? Dalawa?! Napalunok ako. "And please, I suggest na h
NAGING mas maselan ang pagbubuntis ko noong umabot na ng buwan at kalahati, sabi ng doktor normal lamang daw iyon at sinabihan akong huwag masyadong gumawa ng mga aktibidad na mabibigat o kaya naman ma-stress dahil maaari raw iyong ikapahamak ng mga bata kaya naman tumigil na muna akong pumasok ng pisikal sa eskwelahan. Kinailangan kong lumipat sa modular classes nang sa ganoon ay pupwede kong madala sa bahay ang mga gawain ko, sa tulong ni Vivorie at tita Vivian na kausapin ang Dean na kaibigan din ng pamilya nila ay napadali ang paglipat ko. Ang mahalaga raw ay maisumite ko ang aking mga gawain sa itinakdang araw o kung hindi man agad-agad ay dapat may matibay akong rason kung bakit ganoon ang nangyari. "Feel at home, okay? This is also your home, anak. Huwag kang mahihiya..." Si Tito Julius, Viv's father said while we are having dinner. "Your tito's right, 'nak." Ngumiti si tita. "I'm glad that our Vivorie here have you, you know naman hija palagi kaming wala." Sumulyap siya ka
SA sumunod na mga linggo ay ang tanging gumigising sa akin sa walang pinipiling oras ay ang pagsusuka at paglalaway sa kung anumang maisip na nakakatakam o kaya naman dahil sa bidyong napapanood sa YouTube. Katulad na lamang ngayon, alas dose y medya nandito ako sa kusina, nagluluto ng tortang talong. "Diyos kong bata ka! Bakit ka nandito nang madaling araw!" Gulantang na wika ni Manang Lori, ang matagal ng kasambahay nila Vivorie. Magulo pa ang kanyang buhok at papikit-pikit pa ito kaninang naglalakad ngunit halos lumuwa ang mata at nawala na parang bula ang kaantukan nang makita ako. "Kung gutom ka pala ay sana'y nanggising ka ng kasambahay!" Ngumiti ako sa kanya bago binaliktad ang niluluto, mas lalong natakam sa Amoy. "Ayos lang po ako, Manang! Huwag na po kayo masiyadong mai-stress, sayang ho ang skincare!" Biro ko. "'tsaka, katatapos ko lang pong sumuka at bigla po akong natakam sa tortang talong kaya nagluto na lang po ako, ayaw ko namang mang-istorbo dahil lamang dito..."