Share

Chapter 4: Father

NAKANGITI akong nahiga sa gabing iyon bagama't nakakakaba pero masaya ako. Ganito pala ang pakiramdam, I wonder if this is also the feelings that mommy felt when she's pregnant with me? Or maybe disappointements because they're not expecting me to come because I am a girl. Hindi ko lubusang maintindihan kung bakit nila kailangang magalit sa akin sa kadahilanang hindi ako pinanganak na lalaki, edi kung gusto pala nila ng lalaking anak, gumawa pa sana sila ng marami. 

Sinapo ko ang aking tiyan, "don't worry my baby, kahit wala kang daddy, mommy will love you with all her heart, remember that." Malambing kong turan at naging emosyonal na naman. Ang weird, hindi naman ako iyaking tao pero dahil sa nabubuong tao sa akin, nagiging ganito ako. 

Hanggang ngayon ay wala paring ideya sila Mommy tungkol sa kalagayan ko, hindi ko rin naman ililihim sa kanila kung sakaling tanungin nila ako tungkol roon. Iyon nga lang, saan ako kukuha ng ipambabayad ko para sa pangangailangan ng anak ko? Kahit na sinabi na ni Vivorie na siya na ang bahala pero hindi naman pwedeng ganon, anak ko 'to kaya obligasyon ko.

--

"Bakit hindi pa nababawasan ang napkin mo sa drawer, Olivia?" Nagising ako nang buksan ni mommy ang kurtina ng kwarto ko dahilan upang sumilip galing doon ang sikat ng araw na hindi pa naman mainit sa balat. "I checked your drawer." Dagdag niya. 

Akmang sasagot na ako ngunit nang makalanghap ng amoy ng kape ay agad-agad akong kumaripas ng takbo sa bayo at doon nagsuka. 

"Buntis ka?" Sumunod sa akin si Mommy, ni hindi man lang niya ako tinulungan gayong ang buhok ko ay halos mapunta na sa mukha ko. "Si Kasper ba ang ama?" Nahihimigan ang galak sa kanyang boses, bigla ay sinapo niya ang likod ko at itinali ang magulong buhok. "Then we should celebrate it! It's a lucky child! Lahat ng angkan ng Tolentino ay lalaki ang panganay and I have no doubt that that child will be a boy! Matutuwa ang daddy mo riyan anak! Sa wakas ay magkakaroon na ng lalaki! Siguradong mababawasan niyon ang galit niya sa'iyo dahil naging babae ka—" 

"Wala hong kinalaman si Kasper dito, My." Pigil ko sa kung ano pang sasabihin niya, nagkatinginan kami sa salamin. "Hindi ho ito anak ni Kasper." Nanlaki ang kanyang mga mata.

Kumurap-kurap pa iyon ng dalawang beses ay bahaya pang sinampal ang sariling pisngi bago muling nagsalita. 

"Come again?" Kalituhan ang rumihestro sa kanyang mukha.

Napakawala ako ng buntonghininga saka muling nagsalita, "hindi po ito anak ni Kasper, My. Hindi di Kasper ang ama."

"How dare you, Olivia! You cheated on him? Gawian ba iyan ng matinong nobya? Ha?" Galit niyang sigaw. Walang gana akong humarap sa kanya. "Ano bang nangyayari sa inyo ha bata ka? Bakit mo ito ginagawa?! Wala ka na bang natitirang dilikadeza sa iyong katawan?!" Pumuno sa banyo ang kanyang boses. 

Ako pa talaga ngayon ang tatanungin niya kung anong nangyayari sa akin? "Are you seriously asking me that, Mommy? Oh, come on, don't ask for the things that you obviously knew from the very start."

Hindi siya naka-imik. 

Gumayak na ako para pumasok ng eskwelahan kahit na hindi maganda ang pakiramdam. Maayos din naman siguro ito mamaya. Iyon ang akala ko, nang makapasok sa classroom at nakaamoy ng sari-saring pabango, bumaliktad ang sikmura ko. Maaga pa naman kaya sinubukan ko ulit pero hindi talaga, kaya naman ay umuwi na lang ako at nag-iwan ng message kay Vivorie na hindi ko alam kung nasaan ngayon. Baka nag-aalmusal 'yon sa England. 

"You're pregnant?" Iyon kaagad ang bungad sa akin ni Kasper nang makarating ako sa bahay, oo, nasa bahay na naman siya. "I am willing to become a father even if it's not my child, babe!" 

"Alam mo ikaw, rinding-rindi na ako sa'yo," nakapamaywang ko siyang dinuro. "Willing kang magpaka-ama sa hindi mo kadugo pero tatakasan mo ang responsibilidad mo sa sarili mong dugo't laman? Anong kabobohan 'yan?" 

Napalunok siya. "It is you that I love, babe..." Nanghihina niyang sinabi. "I can't live anymore with her. I don't love her." 

"And I don't want you anymore, I have a child now, this is mine. This child will never live nor betray me like what all of you did." Seryoso kong sambit. "Get a life. Mas kailangan ka ng anak mo, hindi kita kailangan. Kaya kong buhayin ang anak ko nang mag-isa." 

Yumuyo siya at nanginig ang balikat, akma na akong papasok nang magsalita siyang muli.

"You can't do that, I already told Tito that you're going to marry me because you are carrying my child." The evil smirk was plastered on his face. "Wala ka ng kawala, you'll be mine whether you like it or not." 

Ngumiwi ako, "wala kang magagawa dahil nandidiri ako sa'yo." Napamaang siya sa sinabi ko. "Alam mo bang ipinagpapasalamat ko na hindi ikaw ang nabigyan ko ng sarili ko? Sobrang pasasalamat. Worth it na worth ang tatay ng anak ko kung alam mo lang, guwapo at malaki, hindi ako lugi." Pulang-pula na siya, hindi ko mapigilan ang sarili ko kundi ang matawa dahil sa itsura niyang parang sasabog na anumang oras.

"Tito will disown you if you won't follow his order!" Pananakot niya, binelatan ko. 

"They disowned me long time ago so I don't have to worry anymore." Nangunot ang noo niya. "Oh, hindi mo alam? O sadyang hindi ka lang nakikinig sa mga kwento ko kasi ang isip mo ay nasa asawa mo?" Ngumisi ako. "Uy, nakalimutan mo rin 'yong kinwento kong muntik na akong magahasa rito sa pamamahay namin dahil hindi ako isinama sa family vacation nila? Hindi no? Kasi nga wala kang pakialam. Makasarili ka." 

Mukha lang akong matapang nang sinabi ko ang mga salitang iyon ngunit sa oras na isarado ko ang gate ay nag-unahang tumulo ang mga luha ko. Seryoso ba 'yon? Hindi niya naaalala ang mga kinwento ko ng mga panahong kami pa? Ano pala 'yon? Nagkukwento ako sa hangin? Ang sakit lang, for those six months I thought I found my solace. I thought I found the person who can listen to my rants pero wrong. Very wrong. Bawi na lang siguro ako next life. 

"Hindi ka na nga naging lalaki, nagpabuntis ka pa sa hindi namin kilala?! Hindi ka nga naging lalaki, naging disgrasyada ka pa! Ikaw ang malas sa pamilyang ito!" Daddy's stern voice ecoed in the living roon along with his palm flying to my left cheek. "Sana ipinalaglag ka na lang ng mommy mo!" 

"Bakit hindi ni'yo na lang ginawa kung ganoon, ha?" Lumuluhang tanong ko. "Bakit kailangan sa akin isisi ang hindi ninyo pagkakaroon ng anak na lalaki kung kayong dalawa naman ang gumagawa ha, My? Dy? Paanong naging kasalanan ko 'yon? Hindi ko naman hiniling maging anak ninyo, ah! Kung sana pwede lang humiling, hinding-hindi ko kayo pipiliing maging magulang!" Nakabibinging sampal ni daddy at sigaw nila mommy ang namayani bago ako mawalan ng malay.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status