Share

TWO

Aniesha's POV

MAHIRAP ang buhay pero kailangang lumaban para sa pamilya. Iyon lang naman ang ninanais ko, ang mabigyan ng magandang buhay ang pamilya ko. Bagay na hindi naiintindihan ni Marvelous.

Kasalukuyan akong nakatingin sa kawalan habang naka-pokus ang aking mga mata sa mga bituin. Gabi na subalit hindi ko pa rin makuha ang aking tulog. Napagdesisyunan ko na uminom nalang muna ng isang tableta ng sleeping pills at laking pasalamat ko dahil ilang saglit lang ay nakuha ko na ang aking tulog.

Kinaumagahan ay agad akong nagising dahil sa pagtunog ng alarm clock ko. Tinignan ko ang cellphone ko naghahangad na baka may text sa akin si Marvelous ngunit sa kasamaang palad ay wala.

I bitterly smiled then decided to take a bath. Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagbihis. Marahil ay kaya medyo nahihilo pa ako ay dahil sa sleeping pills na ininom ko kagabi.

"Inaantok pa ako," bulong ko habang naglalakad palabas ng kwarto.

Nadatnan ko ang pamilya ko na nag-iingay ng kaaga-aga dahil sa mga ginagawa nila. Si mama ay may kausap sa cellphone. Si kuya at ang kanyang asawa ay nagtatalo na naman habang ang bunso kong kapatid ay sumisigaw dahil sa nilalaro niyang online game.

"Alis na po ako!" sigaw ko subalit hindi manlang nila ako napansin dahil sobrang abala sila sa mga ginagawa nila.

Agad akong pumara ng taxi at sinabi kung saan ang destinasyon ko. Kasalukuyan kong hawak-hawak ang aking cellphone, nagdadalawang isip kung ite-text ko ba si Marvs upang maging maayos ang aming relasyon subalit mas pinili kong huwag nalang siya i-text.

"Good Morning, Ma'am," bati sa akin ni Jeff nang maabutan niya akong papasok sa department namin.

"Morning," tanging sagot ko.

Nagmadaling makarating si Jeff sa departamento namin. Dahil sa sobrang aligaga ay muntikan pa siyang matisod. Lumingon siya sa 'kin dahilan para pilitin kong gawing seryoso ang aking mukha kahit sa loob-loob ko ay nag-alala ako sa 'kanya.

"Where's Mr. Montenegro?" tanong ko nang makarating ako sa departamento namin dahil may ipapagawa pa ako sa 'kanya.

Sabay na sumagot ang aking team na hindi raw nila alam. Hinilot ko ang aking batok dahil sa inis. "Ang ayaw ko sa lahat ay 'yong nale-late kayo! Hindi niyo ba nabanggit kay Mr. Montenegro na ang ayaw ko sa lahat ay 'yong may nale-late sa inyo maski isang minuto?!" sigaw ko sa kanila dahil sa init ng aking ulo.

Kahit kailan talaga! Nakakapangsisi dahil siya pa ang napili ko bilang assistant ko sa dinami-rami ng taong puwede kong piliin na mas deserving sa posisyon niya!

"Ma'am nasa likuran m-mo na po si Jaxson," biglang saad ni Martha dahilan para mapalingon ako kay Montenegro subalit laking gulat ko nang makita ko ang CEO nang kompanya na pinagta-trabahuan namin!

"G-good Morning, Sir Alamenda," sabay sabay na sabi namin habang nasa gilid niya si Mr. Montenegro.

"Mr. Montenegro! Bigyan mo nang maiinom ang CEO ng kompanyang pinagta-trabahuan natin," utos ko sa 'kanya habang pinandidilatan siya ng mga mata dahil maaaring hindi niya kilala si Mr. Alamenda.

"No, it's okay! I actually came here to visit my nephew and to check his workplace as well as his workmates," ani Sir Alamenda.

Nephew? May pamangkin siya na nagta-trabaho dito sa kompanya? Sa tinagal-tagal ko na nagta-trabaho dito wala akong nabalitaan na kamag-anak ni Sir Alamenda na nagtrabaho dito.

"Talaga po? Saang department po siya?" pang-uusisa ko.

"Dito sa department mo," nakangiting ani Sir Alamenda.

Kunot-noo akong tumingin kay Sir Alamenda pagkatapos ay lumingon sa mga empleyado ko at huli kong tinignan si Mr. Montenegro na kasalukuyang naka-ngisi sa akin. Sa isang iglap ay tsaka ko lang naintindihan na ang pamangkin na tinutukoy niya ay si Montenegro!

Dinig ko ang bulungan ng mga kasamahan ko sa departamento ko pagkatapos ay muli kong ibinaling ang aking paningin kay Sir Alamenda.

"P-pamangkin mo po s-si M-montenegro?" utal na tanong ko.

"Yes, Ms. Zarzuela. Montenegro's family is not just known locally but also internationally. I also heard so much about you," nakangiting sabi ni Sir Alamenda.

Sa isang iglap ay hindi ako nakapagsalita. Tila ba nangapa ako ng salita na sasabihin ko.

Pinahirapan ko siya at paniguradong papahirapan niya rin ako lalo na ngayong nalaman ko na mayaman ang pamilya nang mga Montenegro!

"Binigyan si Jaxson ng leksyon nang kanyang mga magulang. He became alcoholic when his wife died. He's still in the stage of moving on and I hope you'll understand him whenever he makes mistakes," aniya nang makapasok kaming dalawa sa opisina ko. "I'm planning to hire you as his secretary. We're currently fixing his company and we want you to be part of it," Mr. Alamenda explained.

Hindi ako agad nakapagsalita nang sabihin niya ang mga salitang 'yon. Sa dinami-rami ng mga taong mas deserving sa posisyon na 'yon bakit ako pa ang napili niya? Kulang ang karunungan ko subalit bakit pinapagkatiwalaan nila ako?

"B-bakit ho ako? H-hindi ho sa tinatanggihan ko ang alok mo, Sir pero.... alam ko sa sarili ko na kulang ang kakayahan ko sa posisyong 'yon," utal na tanong ko habang ang aking paningin ay nasa sahig.

"It's because Jaxson trusts and believes in you."

ILANG oras ang lumipas bago ako nagdesisyong silipin si Mr. Montenegro. Rinig ko ang asaran nilang lahat sa labas ng opisina ko dahilan para mag-dalawang isip ako na lapitan siya.

"Uy, si Ma'am Aniesha! Hi Ma'am!" sigaw ni Jeff nang mapansin niya akong nakatago't nakasilip sa dingding.

Kita ko ang pagkawala ng ngiti ni Montenegro nang makita niya ako. Gano'n nalang ang umusbong na takot sa aking dibdib nang makita ko siyang diretsong nakatingin sa akin habang papalapit ako sa kanila.

"Ahm. Hi?" ilang na turan ko.

Nagtinginan sila at tila ba nag-uusap gamit ang kanilang mga mata. Nawala ang ilangan sa paligid naming lahat nang biglang magsalita si Montenegro.

"Yes, Ma'am? Do you need something from me?" tanong ni Montenegro.

Alam ko na wala naman sa 'kanyang ibig sabihin ang pagtawag niya sa 'kin na 'Ma'am' subalit bakit pakiramdam ko sarcastic ang pagkakasabi niya ng salitang 'yon?

"I-I came here because I wanna talk to you... privately," wika ko.

Nagpaalam si Jeff at ang iba pa naming kasamahan sa departmento namin kay Montenegro at agad silang nagsi-alisan.

Tumayo si Montenegro mula sa pagkakaupo at lumapit sa 'kin. Hindi ko alam pero tila mayroong tambol sa aking puso dahil sa bilis ng pagtibok nito. Ngayon ko lang ulit naranasan ang ganitong pakiramdam... ang matakot.

"Ahm, a-ano kasi," kamot batok na panimula ko.

"What? Ma'am, huwag mong sabihin na nagsisimula ka nang matakot sa 'kin after knowing that the CEO of this company is my Uncle? If that so, please eradicate that feeling and just be yourself," nakangiting aniya pagkatapos ay ginulo ang aking buhok.

Kahit sino namang nasa sitwasyon ko ay matatakot. Naging masama at masungit ako sa 'kanya noon. Imposible namang hindi siya gumanti sa 'kin sa kabila ng lahat ng masasamang nagawa ko sa 'kanya, hindi ba?

"I-I'm not afraid! Honestly, I-I came here because I just want to thank you for choosing me to be part of your company," wika ko.

Hinimas niya ang kanyang baba pagkatapos ay ngumiti, "No worries! Kinuha ko kayo nila Jeff at nang iba pang mga empleyado dito sa departamento mo dahil alam ko na masisipag at responsableng mga empleyado kayo," nakangiting aniya.

Nanlaki ang aking mga mata at tila ba nangapa ng mga salitang sasabihin!

So, ibig sabihin magiging ka-trabaho ko ang mga empleyado na sinungitan ko rin noon?!

Bumuntong hininga ako at pinalobo ang aking bibig dahil sa pagkabigla at takot na aking naramdaman.

Kung puwede lang na kainin ako ng lupa ay kanina ko pa ginawa. Paniguradong pagtutulungan ako ng mga 'yon dahil sa ginawa ko sa kanila! Pero hindi naman puwede na tanggihan ko ang offer ni Montenegro dahil doble ang isasahod niya sa 'kin kumpara sa sahod ko sa kompanyang 'to!

"G-gano'n ba? P-paniguradong mapapadali ang mga gagawin natin dahil kilala na natin ang bawa't isa," turan ko.

"I hope so. Anyway, don't you have any plans to fix your things? We're moving to my company tomorrow morning," aniya na siyang ikinabigla ko!

Ngayon ko lang napansin na halos wala na ang lahat ng gamit nila Jeff at ng iba ko pang mga ka-trabaho!

"Ah... Hehe! S-sige mauuna na ako para m-maayos ko na ang mga gamit ko," ilang na wika ko at nagmadaling pumasok sa opisina ko.

Pagkapasok ko sa aking opisina ay agad kong pinakawalan ang kanina ko pang pinipigilan na buntong hininga. Iba na ang kaba na nararamdaman ko simula nang malaman kong ka-mag-anak ni Sir Alamenda si Montenegro. Iba ang nararamdaman kong kaba t'wing kaharap ko siya.

"Umayos ka, Aniesha!" bulong na saway ko habang sinasampal-sampal ang magkabilaang pisngi ko.

KINAUMAGAHAN ay maaga akong nagising dahil maaga rin ang schedule ng pagpasok ko sa StreamValley Company na kung saan ay si Montenegro ang namamalakad... mali, Sir Montenegro dapat.

"Ate si Mama!!!!" natigil ako sa pagsusuot ng sandals ko nang marinig ko ang bunso kong kapatid na sumigaw dahil sa hindi ko alam na dahilan.

Dali dali akong lumabas mula sa aking kwarto at agad na nilapitan si Mama na kaslukuyang nakasalampak sa sahig habang umiiyak.

"Ma!! Anong nangyari?!" sigaw ko nang makalapit ako kay mama at inalalayan siya mula sa pagkakaupo.

Si Kuya at ang bunso kong kapatid ay kasalukuyang nasa aking magkabilaang gilid.

"Bigla nalang siyang humagulgol, Ate!" Ani bunso kong kapatid.

"Ma, anong nangyari?" tanong ko, pilit na pinapakalma ang boses ko.

"Niloko niya ako!!!! Hay*p siya!!! Binigay ko sa 'kanya lahat pero bakit iniwan niya pa rin ako?! T*ng ina! Ano bang kulang sa 'kin?!!!" sigaw ni Mama habang umiiyak.

Napabuntong hininga ako maging ang dalawa kong kapatid at sabay silang dalawa na bumalik sa kanina nilang ginagawa.

Iniwan kami ni papa bata pa lang ako nang hindi sinasabi kay Mama ang dahilan. Dati kasing GRO si mama. Nagsama sila ni papa ng ilang taon subalit no'ng pinanganak ako ay agad na iniwan kami ni papa. Siguro nga ako ang malas sa pamilya namin. Kapatid namin sa ibang ama si Simon, ang bunso kong kapatid.

Magmula nang iwan kami ni Papa ay muling naghanap si Mama ng katuwang niya upang mapalaki kami. Dumating nga si Tito Vince subalit muli niyang iniwan si Mama no'ng nag-pitong taon si Simon. Paulit-ulit na naghanap si Mama ng makakasama niya subalit paulit-ulit lang siyang niloko ng mga lalaking 'yon. Kagaya ngayon, nakipag-hiwalay na naman sa 'kanya ang partner niya. Hindi na bago sa amin ang ganitong reaksyon ni Mama. Lagi naman siyang iniiwan pero hindi siya natututo. Hinayaan niyang paulit-ulit siyang lokohin ng lalaki. Bagay na hindi ko kailanman gagawin.

"Ma, sinabi ko naman kasi sa 'yo na tigilan mo na ang pkaikipag-date mo kung kani-kanino," wika ko.

Naglabas si Mama ng sama ng loob sa 'kin at hindi ko namalayan na late na pala ako sa trabaho ko! Akmang mag-susuot na sana ako ng sandals ko kaso biglang sumigaw si Simon dahilan para matigil ako sa pag-susuot ng sandals at nagmadaling sumilip sa pintuan.

"Ate, si Montenegro raw!" sigaw ni Simon.

In an instant, my jaw dropped and I suddenly felt nervous.

Mukhang malilintikan na ako nito!!

"S-sir!" pilit na nakangiting turan ko habang ang aking mga kamay ay nanginginig dahil sa kaba na aking kasalukuyang nararamdaman.

"I've been calling you for a long time but you're not answering my calls. Have you forgotten your job already, Ms. Zarzuela?" seryosong tanong ni Sir gamit ang galit na tono ng pananalita.

Ipinikit ko ang aking mga mata at agad din itong idinilat. Hindi ko alam ang isasagot ko kaya pinalobo ko ang aking bibig at kinamot ang aking batok, pinipilit na may salitang lumabas sa aking bibig.

"S-sir, may problema po ang pamilya ko. Pasensya na po," kinakabahang wika ko.

"Galing na mismo sa 'yo na ang ayaw mo sa lahat bilang 'Boss' ay ang nale-late. What happened to that rule now, Ms. Zarzuela?" aniya habang umiigting ang kanyang panga.

"P-pasensya na po talaga. Hindi na po mauulit," nakayukong paumanhin ko.

"What are you waiting for? Move!!" sigaw niya na siyang naging dahilan ng pagkilos ko ng mabilis.

Pagkalabas namin sa gate ay agad siyang pumasok sa magara niyang sasakyan habang nakatayo ako sa tapat ng gate dahil nag-aantay ako ng paparating na taxi.

Bigla akong nakarinig nang busina nang akmang papara na sana ako ng paparating na taxi dahilan para mapalingon ako sa bintana ng sasakyan niya na kaslaukuyang nakabukas.

"Seriously?! Hop in!!" aniya.

Hindi ko agad na-gets ang tinutukoy niya kaya hindi agad ako nakasakay, "B*bo lang? Sakay!" aniya.

Kamot ulo akong sumakay sa sasakyan niya at sinuot ang seatbelt. Buong byahe ay walang nagsalita sa amin subalit amoy ko pa rin na uminom ng alak si Sir Montenegro dahilan para palihim akong sumisilip sa 'kanya.

Broken ba siya gaya ko?

itutuloy...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status