"Hindi, nakita ko mismo ng dalawang mata ko. Morgan, makinig ka sa akin at hindi ka magkakamali. Bumili ka ng ilang regalo mamayang gabi at umuwi ka para lambingin ang asawa mo."Napabuntong-hininga si Samuel sa isip niya. Ganito si Morgan araw-araw, hindi ko na kaya.Parang pati paghinga, bawal na rin.Habang nagsasalita si Samuel, kinuha rin niya ang paso ng puno ng pera at tiningnan ito.Alam niyang ito ay bigay ng asawa ng kaibigan — ni Alex — kaya naman inilagay ito ni Morgan sa kanyang desk. Hindi alam ng iba ang tunay na dahilan at basta na lang nilang sinundan ang uso, kaya't marami ang nagsimulang sumuporta sa negosyo ni Alex. Pero alam ni Samuel ang katotohanan — mahalaga si Alex kay Morgan.Siyempre, si Morgan na sobrang matigas ang ulo ay hindi aamin dito.Ayaw rin ni Samuel na agad aminin ni Morgan na mahal niya si Alex, dahil mawawalan siya ng magandang palabas na mapapanood. Nakakatuwa kasing makita ang awkward na Morgan pagdating sa sariling asawa nito."Ang dami mong
Maagang bumangon si Alex at naghanda ng almusal para sa pamilya ng kanyang kapatid. Pagkatapos, inilagay niya ang kanyang mga importanteng dokumento sa bag at tahimik na umalis."Mula ngayon, hahatiin na natin ang mga gastusin, kahit na para sa mga gastusin sa bahay, pagkain, at mga bayarin, kailangan natin maghati! Nakatira ang kapatid mo sa bahay namin, at kailangan niyang magbayad ng kalahati. Anong silbi ng pagbibigay niya ng limang libong piso bawat buwan? Ano ang kaibahan noon sa libreng pagkain at libreng tirahan? Mahal ang mga gastusin ngayon."Ito ang narinig ni Alex na sinabi ng kanyang bayaw nang mag-away ang kanyang kapatid at bayaw kagabi.Kailangan niyang lumipat mula sa bahay ng kanyang kapatid.Pero para mapakalma ang kanyang kapatid, isa lang ang daan, magpakasal. Kilala niya ito. Hindi ito basta basta papayag na umalis nalang siya.Gusto niyang magpakasal sa lalong madaling panahon. Wala pa siyang boyfriend. Nagpasya siyang sumang-ayon sa kahilingan ni Lola Paula at
"Pumayag na ako kaya hindi na ako aatras."Nag-isip si Alex ng ilang araw bago gawin ang desisyon. At dahil nakapagdesisyon na siya, hindi na siya uurong.Narinig ni Morgan ang sinabi niya at hindi na siya pinilit pa. Kinuha niya ang kanyang ID at inilagay ito sa harap ng staff.Ginaya rin ito ni Alex.Mabilis na natapos ang proseso ng kanilang kasal, na tumagal nang wala pang sampung minuto.Nang matanggap ni Alex ang marriage certificate mula sa staff, kinuha ni Morgan ang isang bungkos ng susi na matagal na niyang inihanda mula sa bulsa ng kanyang pantalon, iniabot ito kay Alex, at sinabi, "Ang bahay na binili ko ay nasa High View Village. Narinig ko kay Lola na nagbukas ka ng bookstore sa tapat ng Manila Science High school. Hindi kalayuan ang bahay ko mula doon. Kung sasakay ka ng bus, aabutin lang ito ng mahigit ten minutes.""May lisensya ka ba? Kung meron, puwede kang bumili ng kotse. Matutulungan kitang bayaran ang down payment, at ikaw na ang magbayad ng buwanang hulog. Mas
"Opo Lola, gagawin ko po."Kaswal lang ang naging sagot ni Alex.Bagamat mabait si Lola Paula sa kanya, apo pa rin nito si Morgan, at siya ay asawa lamang ng apo nito. Kung sakaling magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nilang mag-asawa, kakampi kaya ang pamilya Villamor sa kanya?Hindi naniniwala si Alex.Katulad na lang ng mga magulang ng bayaw ng kanyang kapatid.Bago ang kasal, napakabait nila sa kanyang kapatid, sa puntong nagselos pa ang tunay nilang anak.Pagkatapos ng kasal, nagbago ang pakikitungo nila. Sa tuwing nagkakaroon ng alitan ang kanyang kapatid at ang bayaw niya, laging sinisisi ng biyenan ang kapatid niya sa pagiging masamang asawa.Ganito talaga—ang anak ng iba ay laging itinuturing na kamag-anak, at ang manugang ay laging taga-labas."May trabaho ka, kaya hindi na kita iistorbohin. Papupuntahin ko si Morgan para sunduin ka mamaya para sabay kayong maghapunan sa bahay.""Lola, hindi ko po puwedeng iwanan ang bookstore hanggang gabi. Hindi po kakayanin ng or
"Opo Lola, gagawin ko po."Kaswal lang ang naging sagot ni Alex.Bagamat mabait si Lola Paula sa kanya, apo pa rin nito si Morgan, at siya ay asawa lamang ng apo nito. Kung sakaling magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nilang mag-asawa, kakampi kaya ang pamilya Villamor sa kanya?Hindi naniniwala si Alex.Katulad na lang ng mga magulang ng bayaw ng kanyang kapatid.Bago ang kasal, napakabait nila sa kanyang kapatid, sa puntong nagselos pa ang tunay nilang anak.Pagkatapos ng kasal, nagbago ang pakikitungo nila. Sa tuwing nagkakaroon ng alitan ang kanyang kapatid at ang bayaw niya, laging sinisisi ng biyenan ang kapatid niya sa pagiging masamang asawa.Ganito talaga—ang anak ng iba ay laging itinuturing na kamag-anak, at ang manugang ay laging taga-labas."May trabaho ka, kaya hindi na kita iistorbohin. Papupuntahin ko si Morgan para sunduin ka mamaya para sabay kayong maghapunan sa bahay.""Lola, hindi ko po puwedeng iwanan ang bookstore hanggang gabi. Hindi po kakayanin ng or
"Ituloy na natin ang meeting." Walang pakialam na sinabi ni Morgan. Lumapit si Clark at mahinang nagtanong, "Kuya Morgan, narinig ko ang sinabi ni lola tungkol sa’yo. Totoo bang pinakasalan mo si Alex? Iyong babaeng malapit kay lola?" Ang pinakamalapit sa kanya ay ang kanyang mas nakababatang pinsan na si Clark, isa ring binata kagaya niya. Halos magkapatid na rin ang turingan nilang dalawa. Tinitigan siya ni Morgan na para bang tinataga ng kutsilyo. Hinawakan ni Clark ang kanyang ilong, umupo nang tuwid, at hindi na muling nagtanong. Ngunit di niya maiwasang makaramdam ng simpatya at awa dahil alam niyang hindi bukal sa loob nito ang ginawang pagpapakasal ng pinsan. Bagaman ang mga anak ng pamilya Villamor ay hindi kailangang gumamit ng kasal para mapalakas ang kanilang estado, ang kasal ng kanyang nakatatandang pinsan ay tila hindi maganda. Dahil lamang gusto ni lola ang babaeng nagngangalang Alex, napilitan ang kanyang kuya na pakasalan ito. Tunay na kaawa-awa ang kanyang kuya.
Pagkasakay ni Morgan sa Rolls-Royce, mahina niyang iniutos, "Sinugurado niyo bang dala niyo iyong isa pang sasakyan? Iyong mumurahin."Ginagamit niya ito para linlangin ang asawa niya. Ano nga ba ang pangalan ng asawa niya?"Ano nga pala ang pangalan niya?"Tinatamad si Morgan na kunin ang marriage certificate. Sa katunayan, nang suriin ito ng kanyang lola, tila hindi pa ito naibalik sa kanya. Sa ngayon, wala siya ni kopya nito.Bodyguard "...... Ang apelyido Acosta, at ang pangalan niya ay Alex. Dalawampu’t limang taong gulang siya ngayong taon. Dapat ay hindi niyo po ito kinakalikutan."Magaling ang memorya ng kanilang amo, pero hindi niya alalahanin ang mga taong ayaw niyang alalahanin—lalo na kung mga babae. Kahit araw-araw niyang makita, malamang hindi pa rin niya matandaan ang kanilang mga pangalan o apelyido.Morgan "Hmm, tandaan mo na lang. Tapos ay ipaalala mo saakin."Inisip ng bodyguard na malamang sa susunod na pagkakataon, hindi pa rin maaalala ng kanilang amo ang pangala
Pinahahalagahan ni Morgan ang kanyang pangangatawan at hindi niya hinahayaang mapasobra siya sa pagkain at inumin."Napakahirap magbawas ng timbang."Ngumiti si Alex, "Kung sabagay, maganda nga ang pangangatawan mo." Mahina niyang bulong."Kung gano’n, babalik na muna ako sa kwarto para matulog?"Tumango si Morgan."Magandang gabi."Nagpaalam si Alex sa kanya at tumalikod na upang umalis."Sandali, Alex."Tinawag siya ni Morgan.Huminto si Alex, lumingon, at nagtanong: "May kailangan pa ba?"Tinitigan siya ni Morgan at sinabing: "Huwag ka nang lalabas nang pajama lang ang suot sa susunod."Doon lang napagtanto ni Alex na hindi siya nagsuot ng panloob sa ilalim ng kanyang pajama. Matulis ang mata ni Morgan at nakita niya ang dapat at hindi dapat makita.Mag-asawa sila, at nakita na niya iyon, pero paano kung ibang tao ang makakita?Ayaw niyang makita ng ibang lalaki ang katawan ng kanyang asawa.Namula si Alex, tumakbo pabalik sa kanyang kwarto, at isinara nang malakas ang pinto.Hindi
"Hindi, nakita ko mismo ng dalawang mata ko. Morgan, makinig ka sa akin at hindi ka magkakamali. Bumili ka ng ilang regalo mamayang gabi at umuwi ka para lambingin ang asawa mo."Napabuntong-hininga si Samuel sa isip niya. Ganito si Morgan araw-araw, hindi ko na kaya.Parang pati paghinga, bawal na rin.Habang nagsasalita si Samuel, kinuha rin niya ang paso ng puno ng pera at tiningnan ito.Alam niyang ito ay bigay ng asawa ng kaibigan — ni Alex — kaya naman inilagay ito ni Morgan sa kanyang desk. Hindi alam ng iba ang tunay na dahilan at basta na lang nilang sinundan ang uso, kaya't marami ang nagsimulang sumuporta sa negosyo ni Alex. Pero alam ni Samuel ang katotohanan — mahalaga si Alex kay Morgan.Siyempre, si Morgan na sobrang matigas ang ulo ay hindi aamin dito.Ayaw rin ni Samuel na agad aminin ni Morgan na mahal niya si Alex, dahil mawawalan siya ng magandang palabas na mapapanood. Nakakatuwa kasing makita ang awkward na Morgan pagdating sa sariling asawa nito."Ang dami mong
Nang malapit nang matapos ang oras ng trabaho sa gabi, kumatok si Samuel sa opisina ng CEO dala ang isang tumpok ng mga dokumento.Tumingin sa kanya ng dalawang beses si Morgan, pagkatapos ay bumalik sa kanyang ginagawa. Pagkaupo ni Samuel, sinabi ni Morgan sa kanya, "Ano ba ang ginagawa ng sekretarya mo?""Buntis ang sekretarya ko. Iniintindi ko siya at ayokong mapagod siya sa kakalakad-lakad. Pinuntahan pa ako ng asawa niya para magreklamo, kaya ako na mismo ang nagdala ng mga ito."Inilagay ni Samuel ang tumpok ng mga dokumento sa harap ng kaibigan niya."Nabasa ko na lahat. Wala namang problema. Kailangan mo na lang pirmahan ang mga ito."Matapos ibaba ang mga dokumento, tumayo si Samuel, kumuha ng isang baso ng malamig na tubig, at muling naupo. Habang umiinom ng tubig, tinitigan niya ang lalaking nasa tapat niya.Napakagwapo ni Motgan. Kahit na laging seryoso at walang ekspresyon ang mukha niya, hindi nito matatakpan ang kaakit-akit niyang itsura.Sa panahon ngayon na mahalaga a
Kung narinig ni Bea ang mga salitang iyon, tiyak na magagalit siya nang husto.Magaling magpanggap ang pamilya ni Karlos. Ilang taon na rin siyang nagtatrabaho at alam niyang hindi siya tanga. Pero sa huli, nalinlang siya nina Karlos at ng pamilya nito. Bago sila ikasal, sobrang bait sa kanya ng buong pamilya. Kahit noong unang taon ng kanilang kasal, mabait pa rin sila.Akala niya, tama ang pinili niyang mapangasawa.Pero nang ipanganak na ang anak nila, tila inisip ng pamilya nito na dahil may bata na, matatag na parang bundok ang kanilang pagsasama. Doon na nagsimulang lumabas ang tunay nilang ugali."Napakabait ng pamilya niyo, pero hindi pa rin siya kuntento? Ang kapal naman ng mukha niya," sabi ni Ruth, halatang gustong higitan at lampasan si Bea sa lahat ng bagay."Siguro dahil sa kapatid niya. Pagkatapos naming magpakasal, tumira sa amin ang kapatid ni Bea. Kahit nagbibigay naman siya ng panggastos buwan-buwan, ilang libong piso lang naman iyon. Ano ba naman ang mabibili nun?
Alam na alam ni Samuel kung ano ang ginawa ng pamilya sa magkapatid na Alex, at alam din niyang medyo sumobra ang biro niya kanina."Si Kobe at ang mga gangster ay hinarang si Alex at tinangkang saktan siya, pero nagawa niyang labanan ang mga ito at tumawag ng pulis para ipakulong si Kobe at ang mga kasamahan niya."Hindi naman nasaktan si Alex, kaya't pansamantalang ikinulong lamang ang mga salarin."Ano na namang kalokohan ang binabalak ng pamilya niya?"Iniutos ni Morgan kay Samuel na maglagay ng mga tao upang bantayan ang pamilya Galvez. Kung may anumang kilos o balak ang pamilyang iyon, malalaman agad ito ni Morgan bago pa man malaman ni Alex."Balak nilang tubusin si Kobe sa kulungan.""Nagtipon ng mga tao para harangan ang daan, manira, at manggulo. Kung hindi marunong ng martial arts si Alex, baka nasira na ang kotse niya, nasaktan na siya, at posibleng nanakawan pa. Parang panghoholdap na rin yun — at ang pagkakakulong nila ay napakagaan na parusa."Napangiti si Samuel at sin
Napansin ng matanda na abala lamang ang kanyang apo sa pagkain at hindi iniisip ang asawa ng kanyang apo, kaya tahimik niyang tinapik ang paa ng kanyang apo sa ilalim ng mesa.Tumingin si Morgan sa kanyang lola, ang madilim niyang mga mata ay malalim at walang malay, na parang hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng paghawak sa kanya ng kanyang lola.Lubos na nag-alala ang matanda.Siya at ang kanyang asawa ay naglaan ng lahat ng kanilang pagsisikap upang sanayin ang kanilang pinakamatandang apo at tagapagmana. Ibuhos man nila ang lahat, bakit hindi pa rin kasi kasiya-siya ang naging resulta?Sa kakayahan, lubos siyang nasiyahan kay Morgan.Simula nang ipasa sa kanya ang VLM Corporation, ito'y nasa rurok ng tagumpay at mas mabilis at mas maunlad kaysa sa Klein.Ngunit pagdating sa buhay pag-ibig, pakiramdam ng matanda ay may negatibong emotional intelligence ang kanyang apo."Balatan mo ng hipon si Alex."Walang nagawa ang matanda kundi bulungan ang kanyang apo.Sayang naman ang
May bumabagabag sa kanyang isipan, ngunit hindi niya sinabi kay Bea. Natatakot siyang baka magkamali siya ng pagkakakilala at siya pa ang maging kontrabidang sisira sa relasyon ng mag-asawa kung sakaling sabihin niya ito kay Bea.Inilabas ni carol ang isang mesa, nilinis ang tindahan, at nagbigay ng espasyo para sa mesa. Nang makita niyang pumasok si Morgan, binati niya ito habang patuloy sa pagpunas ng mesa gamit ang basahan.Hindi nakita ni Morgan si Alex.Siguro, abala pa rin siya sa kusina.Bumili ba talaga siya ng gano'ng karaming seafood?"Morgan, ibigay mo na sa akin si Jack, puntahan mo si Alexsa kusina at tingnan mo kung kailangan niya ng tulong."Diretsahang itinulak ng matandang ginang ang kanyang apo papasok ng kusina.Si Bea at Carol, nang marinig ang sinabi ng matandang ginang, ay hindi sumunod. Alam nilang kailangan bigyan ng pagkakataon ang mag-asawa na mag-usap nang sarilinan.Alam ni Carol na malamig pa rin ang relasyon ng mag-asawa dahil sa isang hindi pagkakaunawaa
Umalis na ang sasakyan ni Morgan mula sa harap ng VLM Corporation. Hinintay ni Marvin na makalayo ang sasakyan bago niya binitiwan si Samantha.Pagkabitaw, agad na humarap si Samantha at sinampal si Marvin.Mabilis na hinawakan ni Marvin ang kanyang pulso at malamig na nagbabala,"Miss Klein, hindi ako namimili ng babae o lalaki kapag pumatol ako.""Bitawan mo ako! Nanggigigil ka bang saktan ako?"Malakas na pinakawalan ni Marvin ang kanyang kamay at malamig na sinabi,"Hindi ako nang-aagrabyado ng iba hangga't hindi nila ako inaagrabyado. Kung bastos si Miss Klein sa akin, ganoon din ang magiging ganti ko sa inyo."Totoong isa siyang bodyguard, ngunit hindi siya kailanman nakakaramdam ng pagiging mababa sa iba.Tinatrato sila ng amo bilang mga kapatid.Kung sasaktan siya ni Samantha gamit ang kanyang katayuan, hindi siya magpapakumbaba."Ikaw!"Nagulat si Samantha sa malamig na ugali ni Marvin. Hindi siya marunong ng martial arts tulad ni Alex, at ang tapang niya ay nakasalalay laman
"Hiniling ko sa aking lola na magtanong para sa akin, ngunit hindi siya nagbigay ng sagot buong umaga."Lumingon si Marvin upang panoorin ang p amo na nakikipag-usap sa matandang ginang, at sinamantala ang pagkakataon upang mabilis na sabihin, "Sir Morgan, si Miss Klein na naman."Naghintay si Samantha sa harap ng kompanya buong umaga.Para maimbitahan si Morgan sa hapunan, nais din niyang bigyan ito ng regalo.Sa pagkakataong ito, natuto na siya sa kanyang nakaraang pagkakamali at hindi na ginamit ang kanyang sasakyan upang harangan nang direkta ang kotse ni Morgan, upang hindi na ito muling masira.Sa halip, hinarangan niya ang espesyal na sasakyan ni Morgan gamit ang kanyang sariling katawan, upang hindi makaabala sa pagpasok at paglabas ng ibang mga sasakyan.Hindi man lang tiningnan ni Morgan si Samantha na nasa labas ng kotse.Nakangiting nagsalita ang matandang ginang sa kabilang linya ng telepono,"Talagang nakalimutan ko ang tanong na 'yon, pero ayos lang, pwede mo namang ita
Ngunit nang tawagan ni Ivan ang kanyang pinakamatandang pamangkin, sinabi ni Paolo, "Tito, sakto, tatawagan ko rin sana kayo. May problema si Kobe."Pagkarinig nito, namutla si Ivan at agad na nagtanong, "Anong nangyari kay Kobe? Sabi niya pupunta siya kay Alex para humingi ng pera. Binugbog ba siya ni Alex? Yang hayop na batang 'yon, paano niya nagawang saktan si Kobe ko? Hindi ko siya palalampasin! Uuwi ako at huhukayin ko ang libingan ng nanay niya!"Ang ama ni Alex ay ang ikatlong kapatid ni Ivan. Kaya’t hindi niya kailanman papakialaman ang libingan ng kanyang ikatlong kapatid, pero dahil walang kaugnayan sa dugo ang kanyang ikatlong hipag, wala siyang alinlangan na sirain ang libingan nito kung magalit siya ng husto kay Alex."Dinala ni Kobe ang ilang mga siga at hinarang nila ang kotse ni Alex sa gitna ng gabi. May dala pa silang mga bakal na pamalo at balak nilang sirain at saktan si Alex, pero lumaban si Alex. Ngayon, nakadetine siya kasama ng mga siga. Kakakuha ko lang ng ba