Share

Kabanata 002

AT THE HOTEL

"Hello Steven bakit hindi mo kagad sinabi sakin na dito pala sa pinag-fu-full-ti-man ko ang hotel na pupuntahan ko? alam mo namang walang nakakaalam ng trabaho ko sa gabi. Pahamak ka talaga kahit kailan!" iritable kong sabi sa aming bar owner.

"Bakit di mo ba nakita ang address nung binigay ko sayo kanina?" tanong sakin ni Steven.

"grrr kung nakita ko magtatanong ba ko sayo?! buti na lang naka wig pa rin ako, at buti na lang dala ko ang salamin ko pati ang scarf ko. Naku ka talaga Steven kung hindi ko lang kailangan ng perang iyon hindi talaga ako pupunta dito." sagot ko kay Steven. Nagtago muna ako sa gilid inaayos ko ang aking sarili bago ako pumasok sa loob ng hotel ng sa gayun ay walang makakilala sa akin. Para kasi akong lutang sa aking sarili kanina kaya hindi ko na namalayan ang address. Basta ko ito inabot sa driver. Nagulat na lang ako ng huminto ang taxing sinasakyan ko sa tapat ng aking regular job.

Natawa naman si Steven sa akin. Nakasundo ko ang baklang amo ko dahil siya ang talagang tumulong sa akin para kahit papano masuportahan ko ang ilang pangangailangan ni Mama sa kaniyang pagpapagamot. Kaya alam din niyang hindi ko din kayang tiisin siya. Wala din naman akong magagawa, tama si Steven , tila ito na ang magiging sagot sa lahat ng problema ko para maging maayos na si Mama. Ang aking dangal ngunit kapalit nito ay makikita kong muli na maayos na si Mama.

"Haist, nakakainis talaga! Bakit ngayon ko lang nalaman na dito pala to sa hotel na to, nara-rattle tuloy ako…’” bulong ko sa aking sarili habang nagmamadali na papunta sa elevator ng sa gayun ay wala ng ibang staff ng hotel na makakita sa akin at para na din maabutan ko ang oras na hinahabol ko. Napapangiwi na lang talaga ako sa pagkainis. “Bahala na, wala na akong choice,” dibale na siguro naman walang nakakita sakin. At kahit meron man hindi naman ako kaagad makikilala sa suot kong wig at salamin.

Huminga ako ng malalim bago kumatok sa pinto ng VIP suite sa nakasaad na address.

“Come in. Bukas ‘yan,” tugon ng isang boses ng lalaking matipuno. Bahagyang nanginig ang aking kalamnan , sa boses nito ay alam ko ng mawawasak ang aking pagkatao, mangiyak ngiyak na ako sa pintuan pa lang. Ang tagal kong iningatan ang puri ko, magwawakas lang pala ito sa ganitong paraan. Isinuot ko ang aking maskara. Pinunasan ko kagad ang aking luha at kinalma ang sarili, nagmamadali kong tinulak ang pinto at pumasok sa loob ng silid . Sa aking pagpasok , tumambad sa aking harapan ang isang lalaki na may maskuladong katawan, kulay moreno at sa tingin ko ay may katangkadan ito, ang kaniyang singkit na mata ay mapungay at ang ngiting sumilay sa kaniyang labi ay talaga namang kaakit akit. Bata pa pala itong lalaking ito, pero bakit magbabayad siya ng 5 million para lang sa isang gabing kaligayahan. Ang weird. Malayo siya sa iniisip kong lalaki na makakatagpo ko ngayong gabi. Nakaupo siya sa isang mamahaling couch, naka-dikwatro ang mga paa, at nagmamasid sa akin na parang isang mabangis na hayop na handang sumunggab anytime . Kapit kapit niya ang isang baso na may lamang alak , bahagya niya iyong pinaikot sa kaniyang kamay at ininom.

“Marunong ka bang mag-lap dance?” malamig na tanong ng lalaking ito sa akin, ito pala ang sinasabing Jacob ni Steven kaya pala takot siya kasi masyadong ma awtoridad tong taong ito. Paghihimagsik ng aking utak . Ang kaniyang mga mata ay naglalaro ng pananabik.

“Naalala ko ang bilin ni Steven na galingan ko sa isang ito para maisalba ang bar na aking pinagta trabahuhan. At para rin ibigay niya kaagad ang kabayaran para sa akin. Hindi ko alam kung ano ang koneksyon ng lalaking ito kay Steven at kung sino ba ito. Pero wala akong balak kilalanin siya. Nandito ako para ibigay ang serbisyo ko ngayong gabi. Nagulat ako ng bigla siyang magsalita muli. Masyado kasi akong napatitig sa kaniyang mga mata.

"I said marunong ka bang mag lap dance?" Seryoso niyang sabi

"susubukan ko. " tipid kong sagot. Agad ko siyang sinayawan sa kaniyang harapan. Pababa-taas. Ginaya ko ang malanding pagsasayaw ko sa tubo sa itaas ng stage. Inisip ko na lang na isa siyang poste na aking ginigilingan. TInanggal ko ang baso sa kaniyang mga kamay. Kumapit ako sa kaniyang batok habang nakatalikod. Inupuan ko siya habang gumigiling sa kaniyang pagkalalaki. Ramdam ko ang paninigas ng kaniyang sandata sa ilalim ng kaniyang boxer short na tanging saplot na tumatabing sa kaniyang napakagandang katawan. Bawat paghaplos ko sa kaniyang dibdib, ay talaga namang napapahanga ako.  Saglit akong napatigil dahil bigla akong nakaramdam ng pag-iinit ng aking katawan sa paghaplos niya sa aking braso. Para akong mapapaso. Pinakalma ko ang aking puso na parang handang kumawala anumang oras sa aking dibdib.

Idinikit niya ang kaniyang bibig sa aking tainga "bakit ka huminto, ituloy mo lang. Ginaganahan na ako" malambing niyang sabi, ang boses niya ay mapang akit na kumiliti sa aking pagka-babae. Para akong sunud-sunuran sa lalaking ito. Humarap ako sa kaniya at patuloy ang paggiling na aking ginawa. Napatigil ako sa kalagitnaan ng kapitan niya ang aking maskara at akmang tatanggalin ito.

"please wag mo ng tanggalin ito, " mahina kong pakiusap. Idinampi niya ang kaniyang malambot na labi sa aking manipis na labi. Muli siyang nagsalita. Ang kanina ay malabing ngayon ay parang isang mabangis na hayop na hayok na hayok sa laman.

“Sige pagbibigyan kita, gusto mo pala na pa mystery effect, hahayaan kitang nakakabit sa iyo ang maskara mong iyan pero lahat ng ipapagawa ko ay gagawin mo," napapailing ako at para akong natakot sa ibig niyang sabihin " wala kang magagawa dahil babayaran kita ng limang milyon,” malamig na sabi ni Jacob sa akin, alam ko ang pangalan niya dahil palagi siyang nababanggit ni Steven. Nakangisi siya habang mahigpit na nakahawak sa akin. Ang kanyang boses ay puno ng kumpiyansa, na parang pag-ma-may-ari niya na ako dahil binayaran niya ako ng limang milyon. Pati ang dignidad ko ay tila kinuha na niya.

Ramdam ko ang bigat ng sitwasyon na aking pinasok, ang perang pinangako ni Jacob na dati’y tila sagot sa lahat ng aking problema  ngayon ay ito din ang naging gapos sa aking mga kamay na hindi ko basta mababali. Talagang nasa huli ang pagsisisi. Halos madurog ang aking puso sa bawat salitang binitiwan ni Jacob, at sa bawat paghaplos niya, naramdaman ko ang bigat ng pagkakabenta ko sa aking sarili. Ngunit kahit labag sa loob ko ang lahat ng ito, pumikit na lang ako, pilit na iniisip ang dahilan ng aking sakripisyo. Ang kaligtasan at kalusugan ni Mama.

“Isang gabi lang, Marielle,” bulong ko sa akin sarili, pinipilit tumapang sa kabila ng takot at panghihinayang na tila sumasakal sa akin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status