Napa tayo ako ng wala sa oras dahil sa gulat at naging dahilan 'yon para magising rin siya.
Napatingin ako sa kanya at gano'n din siya sakin.
"Gising kana pala." pa bungad niya. "Naabutan kitang naka tulog rito kaya ako na ang pumirma ng lahat ng mga 'yan." sabi niya at tinuro 'yong mga papeles.
Napatingin ako sa orasan. 6:00 am na no'n.
"Anong oras ka dumating?" tanong ko.
"Alas tres." sagot naman niya saka kinuha 'yong mga papeles na nasa sahig. "Tinapos ko na 'to. Tinulugan mo kasi."
Kaya naman pala niyang pirmahan lahat. Pinahirapan pa niya akong gayahin 'yong pirma niya. Pero okay na rin at least wala na akong p-problemahin pa.
Ang nakakapagtaka lang ay kung papano napunta 'yong ulo ko sa balikat niya?
Ako ba 'yong humiga mismo sa balikat niya o baka naman—no, hindi. Ayokong mag isip ng iba dahil baka ako talaga mismo ang humiga sa balikat niya. At isa pa, hindi na importante 'yon.
"Iidlip lang nam
Hindi ko alam kung papano nila nalaman ang tungkol sakin. At kung bakit meron silang litrato ko na nasa trabaho ako at pati na rin samin ni Wesley na nasa sa tapat ng bahay niya at gano'n din ang litrato namin ni Zaiden na magkasama kami.Alam ng mga kaibigan ko ang tungkol samin ni Zaiden. At ang tungkol sa bahay na tinutuluyan ko ay si Zaiden at Prince lang ang nakakaalam no'n. Pero kung isasama ko ang tungkol sa trabaho ko, si Wesley lang ang nakakaalam no'n. Sa madaling salita, iisang tao lang ang nakakaalam ng lahat ng mga naging sekreto ko.Si Wesley lang.Pero impossible naman na ipagkalat niya ang lahat ng 'yon. Hindi naman kasi siya gano'ng tao.Ano 'yon, gumising siya ng maaga para ipagkalat ang tungkol dito?Malabo.Pero kung hindi si Wesley, ibig sabihin may isa pang taong nakakaalam ng lahat.Napatingin ako kay Zaiden. Nakatitig lang siya sakin at kita ko sa mukha nito na parang nagdadalawang isip siyang
Nakatayo ako ngayon sa labas ng campus. Nag dadalawang isip akong pumasok dahil baka ibully lang ulit nila ako.Humuhugot ako ng lakas ng loob gamit ang isang malalim na buntong hininga. Ilang beses ko nang ginagawa 'yon dito kanina pa pero hanggang ngayon hindi parin ako handang harapin silang lahat.Nanginginig ang kalamnan ko at namamawis ang mga kamay ko.Hindi rin magawang umandar ng mga tuhod ko dahil nanlalambot ito.Hindi ko kaya. Pero sinabi kong kakayanin ko dahil merong taong handang tulungan ako. Merong taong nagpapalakas ng loob ko. 'Yong taong tanggap ako sa kung ano at sino ako.Sa totoo lang, nagpupumilit siya sakin na tulungan ako. Ilang beses niyang sinabi sakin na wag akong mag alala dahil siya na ang bahala para tigilan na nila ako. Pero sinabi ko sakanya na wag na niya akong tulungan. 'Yong malaman ko lang na may taong laging nand'yan at sumusuporta para sakin, okay na ako.Kahit ilang milktea o pintura pa ang ibuhos n
Nakakainis naman! Pake ko ba kung sino ang gusto niya.Bakit ko ba iniisip 'to? Sinabi na niya sakin no'ng nakaraan na kalimutan ko na 'yon.Oo, may gusto nga siya sakin pero ano naman? Anong mangyayare pagkatapos? Diba wala parin.Mas mabuti ngang kalimutan ko na lang 'yon katulad ng sinabi niya dahil wala namang patutunguhan 'to kung mag o-overthink lang ako rito.Umakyat ako sa taas at nag bihis.Nauna akong matulog kasi alam kung mamaya pa siya uuwi pero hindi man lang ako dinadalaw ng antok.Gising pa nga ako nang makauwi siya.Uminom kasi ako ng tubig dahil nauuhaw ako at saktong pa akyat na sana ako sa taas nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok siya.Napatingin ako sa orasan no'ng makita ko siyang pumasok. Alas dos na ng madaling araw no'n.At kung hindi ako nagkakamali, lasing ang siya.Halata naman kasi sa kung papano siya maglakad na pa gewang gewang.Andami sigurong nainom nito. Lumap
Sa labas ng bintana ng kotse lang ako nakatingin sa buong biyahe habang pinagmamasdan ang ulap na parang naka sunod lang samin sa biyahe.Tapos na ang klase at nag desisyon akong sumama kay Wesley.Hindi niya sinabi kung saan kami magbabakasyon kasi gusto niyang isekreto sakin para surprise daw.Hindi ko na rin nakausap pa si Zaiden simula no'ng mga araw na sinabi niya sakin na aalis siya.Ayoko siyang kausapin dahil naiisip ko pa lang na magpapa alam siya sakin nasasaktan na ako ano pa kaya kung tuluyan na siyang aalis ng bansa. Hindi ko kakayanin 'yon.Tinanggalan ko ng sim card 'yong cellphone ko para hindi na niya ako ma contact. Ngayon pa lang kasi, china-challenge ko na ang sarili ko kung makakaya ko ba na mapalayo siya sakin at hindi na siya makausap o baka naman hindi ko magawa. Baka naman iiyak ako lagi sa gabi sa tuwing maiisip ko siya. Baka naman matulad ako sa mga taong nag mumukmok na lang buong mag damag at hindi na kumakain.
Napalingon ako kay Wesley. Binigyan ko siya ng tingin na nagtatanong kung tama ba 'yong sinabi ni Kevin na anak siya ng may ari ng resort na 'to.Kita ko sa mukha niya na hindi niya inasahang sasabihin 'yon ni Kevin at halata sa mga tingin nito kung papano niya titigan si Kevin na tila lalamunin ito ng galit.Tumama ang mga mata namin ni Wesley pero umiwas agad siya ng tingin sakin at muling ibinaling 'yon kay Kevin."Hoy ikaw!" Sigaw niya kay Kevin. "Bakit ka sumunod?"Napangiwi si Kevin sa tanong niyang 'yon."Hindi ko kayo sinundan, may nag utos sakin na dalhin 'to sa office ni dad." Sagot ni Kevin saka ipinakita samin 'yong mga papeles na hawak niya. "Nagtatanong si Lovely, ayaw mong sagutin kaya ako na lang 'yong sumagot." dagdag pa niya saka ibinaling ang paningin sakin at bigla na lang akong kinindatan bago siya umalis papunta sa patutunguhan niya.Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa ginawa niya kaya naman umiwas agad ako ng ting
"Anong trip na naman ba 'to, Kevin?!" sigaw ko sakanya.Hindi niya ako sinagot.Nasa balcony kami ngayon ng hotel dahil hinila ko siya kanina papunta rito matapos niyang sabihing liligawan niya ako.Hindi ko siya maintindihan. Ni hindi pa nga niya ako gano'n ka kilala tapos liligawan na agad niya ako? Unless kung paraan niya 'to para galitin si Wesley.Alam kong magkaaway silang dalawa pero ayoko namang madamay sa away nila. At lalong lalo na ayokong may taong nag aaway. Lalo na si Wesley. Matalik ko siyang kaibigan at ayoko na may nang aaway sakanya."Sabihin mo nga sakin, ano ba ang nagawa sayo ni Wesley at galit na galit ka sakanya?"Kumunot 'yong noo niya."What do you mean?""Alam kong magkaaway kayo. Pero sana naman wag niyo na akong idamay. O kung pwede sana mag bati na lang kayo.""Wait, mag bati? Hindi 'yon gano'n ka dali.""Wala naman siyang ginawang masama sayo. Iniwan ka lang niya dito dahi
Nasa balcony ako ngayon dahil mas maganda 'yong signal dito. Inaantay ko kasi 'yong tawag sakin ni Zaiden.Actually, okay naman ako sa ganito. Tuwing may free time kami pareho ay tumatawag siya sakin.Tapos minsan mag ku-kwento siya sakin tungkol sa mga bagay na nangyayare sakanya do'n. 'Yong mga place na pinupuntahan niya ay lagi niyang kinukuhanan ng litrato tapos sinesend sakin.At siyempre gano'n din naman ako sakanya. Lagi ko rin siyang ina-update tungkol sa mga nangyayare sakin dito."Anong ginagawa mo dito?"Napatingin ako kay Kevin no'ng nagtanong siya sakin."Naghahanap ng magandang signal." sagot ko.Tapos napatingin siya sa phone ko at napa 'ahh'Tumabi siya sakin, "Boyfriend mo ba talaga 'yong lalakeng nasa airport no'ng isang araw?"Napangiwi ako dahil hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala."Bakit ba hindi ka makapaniwalang boyfriend ko ang poging lalakeng 'yon ha?""Hind
Tulala akong nakatitig kay Wesley habang hinihintay niyang sagutin namin pareho ni Kevin ang tanong niya.No'ng matauhan ako ay mabilis akong lumabas do'n sa cabinet kung saan kami nagtatago ni Kevin. Na untog pa nga ako dahil sa nagmadali akong lumabas do'n.Lumabas na din si Kevin pero katulad ko, tahimik lang din siya at hindi alam ang sasabihin.Matalim akong tiningnan ni Wesley.Alam kong sa mga tingin niyang 'yon ay galit na galit siya.Galit ba siya dahil kasama ko nanaman ang kaaway niyang si Kevin? O baka naman galit siya dahil iba ang iniisip niya sa nakita niya?Ilang segundo niyang hinintay ang sagot namin ni Kevin sa tanong niya kung ano ang ginagawa namin dito.Pero dahil walang ni isa samin ang sumagot ay nag walk out siya bigla."Wesley!" tawag ko sakanya pero hindi na siya lumingon para pakinggan ako.Napatingin ako kay Kevin at