"Anong trip na naman ba 'to, Kevin?!" sigaw ko sakanya.
Hindi niya ako sinagot.
Nasa balcony kami ngayon ng hotel dahil hinila ko siya kanina papunta rito matapos niyang sabihing liligawan niya ako.
Hindi ko siya maintindihan. Ni hindi pa nga niya ako gano'n ka kilala tapos liligawan na agad niya ako? Unless kung paraan niya 'to para galitin si Wesley.
Alam kong magkaaway silang dalawa pero ayoko namang madamay sa away nila. At lalong lalo na ayokong may taong nag aaway. Lalo na si Wesley. Matalik ko siyang kaibigan at ayoko na may nang aaway sakanya.
"Sabihin mo nga sakin, ano ba ang nagawa sayo ni Wesley at galit na galit ka sakanya?"
Kumunot 'yong noo niya.
"What do you mean?"
"Alam kong magkaaway kayo. Pero sana naman wag niyo na akong idamay. O kung pwede sana mag bati na lang kayo."
"Wait, mag bati? Hindi 'yon gano'n ka dali."
"Wala naman siyang ginawang masama sayo. Iniwan ka lang niya dito dahi
Nasa balcony ako ngayon dahil mas maganda 'yong signal dito. Inaantay ko kasi 'yong tawag sakin ni Zaiden.Actually, okay naman ako sa ganito. Tuwing may free time kami pareho ay tumatawag siya sakin.Tapos minsan mag ku-kwento siya sakin tungkol sa mga bagay na nangyayare sakanya do'n. 'Yong mga place na pinupuntahan niya ay lagi niyang kinukuhanan ng litrato tapos sinesend sakin.At siyempre gano'n din naman ako sakanya. Lagi ko rin siyang ina-update tungkol sa mga nangyayare sakin dito."Anong ginagawa mo dito?"Napatingin ako kay Kevin no'ng nagtanong siya sakin."Naghahanap ng magandang signal." sagot ko.Tapos napatingin siya sa phone ko at napa 'ahh'Tumabi siya sakin, "Boyfriend mo ba talaga 'yong lalakeng nasa airport no'ng isang araw?"Napangiwi ako dahil hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala."Bakit ba hindi ka makapaniwalang boyfriend ko ang poging lalakeng 'yon ha?""Hind
Tulala akong nakatitig kay Wesley habang hinihintay niyang sagutin namin pareho ni Kevin ang tanong niya.No'ng matauhan ako ay mabilis akong lumabas do'n sa cabinet kung saan kami nagtatago ni Kevin. Na untog pa nga ako dahil sa nagmadali akong lumabas do'n.Lumabas na din si Kevin pero katulad ko, tahimik lang din siya at hindi alam ang sasabihin.Matalim akong tiningnan ni Wesley.Alam kong sa mga tingin niyang 'yon ay galit na galit siya.Galit ba siya dahil kasama ko nanaman ang kaaway niyang si Kevin? O baka naman galit siya dahil iba ang iniisip niya sa nakita niya?Ilang segundo niyang hinintay ang sagot namin ni Kevin sa tanong niya kung ano ang ginagawa namin dito.Pero dahil walang ni isa samin ang sumagot ay nag walk out siya bigla."Wesley!" tawag ko sakanya pero hindi na siya lumingon para pakinggan ako.Napatingin ako kay Kevin at
Dala dala ko ngayon ang mga gamit ko para umuwi na.Nauna ng umuwi si Wesley sabi ni Mang Ernesto kaninang madaling araw.Ni hindi nga siya nagpa alam sakin.Pinapasabi lang niya kay Mang Ernesto na sunduin ako pag balik niya rito.Pumasok ako sa loob ng kotse. Ni hindi na nga ako nakapag pa alam kay Kevin na aalis na ako.Sumandal ako sa may bintana ng kotse at napatitig sa labas.Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang siya 'yong lalakeng nag ligtas sakin noon.Wala akong ka ide-ideya na siya 'yon.Ang sabi ko pa naman dati na kung sakaling magkatagpo ulit ang landas namin ng taong nag ligtas sakin ay makikilala at matatandaan ko ang itsura niya. Pero ang lapit na niya sakin, nagagawa ko siyang kausapin at nakikita ko siya araw araw. Nakatira lang kami sa iisang bahay pero hindi man lang ako nagkaroon ng kahit kunting ideya na siya 'yon.Tanda ko pa ang mga sinabi niya kagabi.Lahat lahat ay kwenen
Hindi ako makapaniwalang nakikita ko siya ngayon sa harap ko. Parang gusto kong sampalin ng sarili ko para malaman kung totoo ba 'to o hindi.Baka kasi ibang tao 'tong nasa harap ko ngayon at namamalik mata lang ako.Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.Pinagmasdan ko ng maigi ang napaka gwapo niyang mukha na kanina pa nakangiti habang nakatitig sakin dahil sa tuwa."Ikaw ba talaga 'yan?" hindi makapaniwalang tanong ko habang tinitingnan siya. "Totoo ba 'to?" dagdag ko pa.Tumango siya, "ako nga." Tapos hinuka niya 'yong mga braso niya at niyakap ako ng sobrang higpit. "Na miss kita, sobra!"Hindi ako nakapag salita.Hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako makapaniwalang nandito siya.Kahit yakap yakap na niya ako pakiramdam ko parang hindi ito totoo at parang nananaginip lang ako.Sobrang ng higpit ng yakap niya sakin na parang wala ng bukas.Maya maya pa ay bumitaw siya sa pag yakap niya sakin."Hin
Katulad ko, gulat din na napatitig sakin si Kevin."Uy?" hindi makapaniwalang sabi niya at tinuro ako. "Teka, coincidence lang ba 'to?" sabi pa niya.Napatingin ako sa malaking shoulder bag niya. Sa laki ng bag niyang 'yon ay masasabi kong para siyang nag layas at mga damit niya ang laman no'n.Hindi lang ako sure kung tama nga ba ang hula ko.Magsasara na sana muli 'yong elevator buti na lang ay pinigilan niya ito."Hindi ka ba sasabay?" Tanong pa niya.Wala akong sinabi. Tumango lang ako at pumasok sa loob.Pagkatapos no'n, parang ang awkward na.Tahimik kami pareho sa loob ng elevator.Alam kong nakatingin siya sakin dahil nakikita ko sa peripheral view ko. Wala akong balak kausapin siya at ayoko namang makipag feeling close sakanya.Kaso lang nagsalita na siya at kailangan kong sagutin ang tanong niya.
Tumakbo palabas si Carla at hindi ko alam kung sa'n siya pumunta.Pati 'yong Mama niya hindi alam kung ano ang nangyayare ngayon kung bakit tumakbo na lang si Carla ng gano'n gano'n.Nagulat nga siya no'ng sinabi kong kaibigan ko ang anak nila.At laking gulat ng mga magulang niya no'ng malaman nila ang ginagawa ni Carla sa school.Hindi ko rin sinasadyang sabihin sakanila na nagpapanggap si Carla na mayaman sa school. Hindi ko kasi alam na wala silang alam tungkol do'n.Ang totoo kasi niyan, tito pala ni Carla ang nag papa aral sakanya. Doctor kasi 'yong tito niya kaya na babayaran 'yong tuition niya at hindi siya nabibilang sa mga scholars kagaya ko.Do'n din siya nakikituloy sa bahay ng tito niya na sinasabi niyang bahay nila 'yon sa tuwing pumupunta kami do'n dati. Hindi ko naman napansin na hindi sakanila 'yon. Isa pa, wala do'n 'yong tito niya lagi sa bahay na 'yon sa tuwing pumupunta kami. Lagi kasing nasa duty. At ang sinasabi naman ni C
Hindi ako makapaniwala!Tinitigan ko ng mabuti 'yong picture kung ako ba talaga 'to o baka naman kalook alike lang, pero tama si Kevin.Ako nga 'to.Naka suot ako ng kulay puting dress din dito tapos naka suot ako ng bucket hat na kulay puti dito at may hawak pa akong Blue Hawaii drink na binili sakin ng driver namin.Tanda ko pa 'to.Naka stolen ako rito at talagang hindi ko alam na nag p-picture pala si Kevin at that time."Ngayon, naniniwala ka na ba?" tanong niya.Napatingin ako sakanya, "Kevin, kung ako nga 'yong sinasabi mong first love mo din, ibig sabihin parehas kayo ni Wesley?" tumango siya. "Pero ang dahilan ng away niyo ay dahil pinili akong hanapin ni Wesley—""Gusto din naman kitang hanapin, naunahan lang niya ako.""Hindi gano'n 'yong punto ko.""Hindi ba?" umiling ako. "Eh ano ba 'yon?""Alam ba ni Wesley na gusto mo rin ako?""Oo. Sinabi ko sakanya. Magkaibigan kami eh, kaya ti
Napatingin ako sa relo ko, 9:15 na ng gabi pero hindi pa rin siya lumalabas sa unit niya.Ang totoo kasi niyan, balak ko siyang sundan ngayon. Alam ko kasi na aalis siya papuntang club ngayong gabi. I'm sure makikita ko do'n 'yong girl na kasama niya kanina.Kung 'yon ay pumupunta rin ang girl na 'yon sa club kasama niya.Curious lang talaga ako sa kung sino man 'yong babaeng 'yon.Kanina pa ako naka silip sa labas pero hindi pa rin siya lumalabas sa unit niya.Kaya ako na 'yong lumabas ng unit ko at do'n nag abang sa labas ng apartment building kung saan may malaking puno do'n sa gilid at do'n ako nagtatago.Naka suot ako ng shade at black cap para hindi niya agad ako makilala kung sakaling makita niya ako mamaya do'n sa club.Kung stalker ko sila ni Kevin dati, ngayon ako naman ang stalker niya."Anong ginagawa mo d'yan?""Anak ng—" napalingon ako sa likuran ko.Nagulat ako no'ng makita sina Kevin at W