Napalingon ako kay Wesley. Binigyan ko siya ng tingin na nagtatanong kung tama ba 'yong sinabi ni Kevin na anak siya ng may ari ng resort na 'to.
Kita ko sa mukha niya na hindi niya inasahang sasabihin 'yon ni Kevin at halata sa mga tingin nito kung papano niya titigan si Kevin na tila lalamunin ito ng galit.
Tumama ang mga mata namin ni Wesley pero umiwas agad siya ng tingin sakin at muling ibinaling 'yon kay Kevin.
"Hoy ikaw!" Sigaw niya kay Kevin. "Bakit ka sumunod?"
Napangiwi si Kevin sa tanong niyang 'yon.
"Hindi ko kayo sinundan, may nag utos sakin na dalhin 'to sa office ni dad." Sagot ni Kevin saka ipinakita samin 'yong mga papeles na hawak niya. "Nagtatanong si Lovely, ayaw mong sagutin kaya ako na lang 'yong sumagot." dagdag pa niya saka ibinaling ang paningin sakin at bigla na lang akong kinindatan bago siya umalis papunta sa patutunguhan niya.
Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa ginawa niya kaya naman umiwas agad ako ng ting
"Anong trip na naman ba 'to, Kevin?!" sigaw ko sakanya.Hindi niya ako sinagot.Nasa balcony kami ngayon ng hotel dahil hinila ko siya kanina papunta rito matapos niyang sabihing liligawan niya ako.Hindi ko siya maintindihan. Ni hindi pa nga niya ako gano'n ka kilala tapos liligawan na agad niya ako? Unless kung paraan niya 'to para galitin si Wesley.Alam kong magkaaway silang dalawa pero ayoko namang madamay sa away nila. At lalong lalo na ayokong may taong nag aaway. Lalo na si Wesley. Matalik ko siyang kaibigan at ayoko na may nang aaway sakanya."Sabihin mo nga sakin, ano ba ang nagawa sayo ni Wesley at galit na galit ka sakanya?"Kumunot 'yong noo niya."What do you mean?""Alam kong magkaaway kayo. Pero sana naman wag niyo na akong idamay. O kung pwede sana mag bati na lang kayo.""Wait, mag bati? Hindi 'yon gano'n ka dali.""Wala naman siyang ginawang masama sayo. Iniwan ka lang niya dito dahi
Nasa balcony ako ngayon dahil mas maganda 'yong signal dito. Inaantay ko kasi 'yong tawag sakin ni Zaiden.Actually, okay naman ako sa ganito. Tuwing may free time kami pareho ay tumatawag siya sakin.Tapos minsan mag ku-kwento siya sakin tungkol sa mga bagay na nangyayare sakanya do'n. 'Yong mga place na pinupuntahan niya ay lagi niyang kinukuhanan ng litrato tapos sinesend sakin.At siyempre gano'n din naman ako sakanya. Lagi ko rin siyang ina-update tungkol sa mga nangyayare sakin dito."Anong ginagawa mo dito?"Napatingin ako kay Kevin no'ng nagtanong siya sakin."Naghahanap ng magandang signal." sagot ko.Tapos napatingin siya sa phone ko at napa 'ahh'Tumabi siya sakin, "Boyfriend mo ba talaga 'yong lalakeng nasa airport no'ng isang araw?"Napangiwi ako dahil hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala."Bakit ba hindi ka makapaniwalang boyfriend ko ang poging lalakeng 'yon ha?""Hind
Tulala akong nakatitig kay Wesley habang hinihintay niyang sagutin namin pareho ni Kevin ang tanong niya.No'ng matauhan ako ay mabilis akong lumabas do'n sa cabinet kung saan kami nagtatago ni Kevin. Na untog pa nga ako dahil sa nagmadali akong lumabas do'n.Lumabas na din si Kevin pero katulad ko, tahimik lang din siya at hindi alam ang sasabihin.Matalim akong tiningnan ni Wesley.Alam kong sa mga tingin niyang 'yon ay galit na galit siya.Galit ba siya dahil kasama ko nanaman ang kaaway niyang si Kevin? O baka naman galit siya dahil iba ang iniisip niya sa nakita niya?Ilang segundo niyang hinintay ang sagot namin ni Kevin sa tanong niya kung ano ang ginagawa namin dito.Pero dahil walang ni isa samin ang sumagot ay nag walk out siya bigla."Wesley!" tawag ko sakanya pero hindi na siya lumingon para pakinggan ako.Napatingin ako kay Kevin at
Dala dala ko ngayon ang mga gamit ko para umuwi na.Nauna ng umuwi si Wesley sabi ni Mang Ernesto kaninang madaling araw.Ni hindi nga siya nagpa alam sakin.Pinapasabi lang niya kay Mang Ernesto na sunduin ako pag balik niya rito.Pumasok ako sa loob ng kotse. Ni hindi na nga ako nakapag pa alam kay Kevin na aalis na ako.Sumandal ako sa may bintana ng kotse at napatitig sa labas.Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang siya 'yong lalakeng nag ligtas sakin noon.Wala akong ka ide-ideya na siya 'yon.Ang sabi ko pa naman dati na kung sakaling magkatagpo ulit ang landas namin ng taong nag ligtas sakin ay makikilala at matatandaan ko ang itsura niya. Pero ang lapit na niya sakin, nagagawa ko siyang kausapin at nakikita ko siya araw araw. Nakatira lang kami sa iisang bahay pero hindi man lang ako nagkaroon ng kahit kunting ideya na siya 'yon.Tanda ko pa ang mga sinabi niya kagabi.Lahat lahat ay kwenen
Hindi ako makapaniwalang nakikita ko siya ngayon sa harap ko. Parang gusto kong sampalin ng sarili ko para malaman kung totoo ba 'to o hindi.Baka kasi ibang tao 'tong nasa harap ko ngayon at namamalik mata lang ako.Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.Pinagmasdan ko ng maigi ang napaka gwapo niyang mukha na kanina pa nakangiti habang nakatitig sakin dahil sa tuwa."Ikaw ba talaga 'yan?" hindi makapaniwalang tanong ko habang tinitingnan siya. "Totoo ba 'to?" dagdag ko pa.Tumango siya, "ako nga." Tapos hinuka niya 'yong mga braso niya at niyakap ako ng sobrang higpit. "Na miss kita, sobra!"Hindi ako nakapag salita.Hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako makapaniwalang nandito siya.Kahit yakap yakap na niya ako pakiramdam ko parang hindi ito totoo at parang nananaginip lang ako.Sobrang ng higpit ng yakap niya sakin na parang wala ng bukas.Maya maya pa ay bumitaw siya sa pag yakap niya sakin."Hin
Katulad ko, gulat din na napatitig sakin si Kevin."Uy?" hindi makapaniwalang sabi niya at tinuro ako. "Teka, coincidence lang ba 'to?" sabi pa niya.Napatingin ako sa malaking shoulder bag niya. Sa laki ng bag niyang 'yon ay masasabi kong para siyang nag layas at mga damit niya ang laman no'n.Hindi lang ako sure kung tama nga ba ang hula ko.Magsasara na sana muli 'yong elevator buti na lang ay pinigilan niya ito."Hindi ka ba sasabay?" Tanong pa niya.Wala akong sinabi. Tumango lang ako at pumasok sa loob.Pagkatapos no'n, parang ang awkward na.Tahimik kami pareho sa loob ng elevator.Alam kong nakatingin siya sakin dahil nakikita ko sa peripheral view ko. Wala akong balak kausapin siya at ayoko namang makipag feeling close sakanya.Kaso lang nagsalita na siya at kailangan kong sagutin ang tanong niya.
Tumakbo palabas si Carla at hindi ko alam kung sa'n siya pumunta.Pati 'yong Mama niya hindi alam kung ano ang nangyayare ngayon kung bakit tumakbo na lang si Carla ng gano'n gano'n.Nagulat nga siya no'ng sinabi kong kaibigan ko ang anak nila.At laking gulat ng mga magulang niya no'ng malaman nila ang ginagawa ni Carla sa school.Hindi ko rin sinasadyang sabihin sakanila na nagpapanggap si Carla na mayaman sa school. Hindi ko kasi alam na wala silang alam tungkol do'n.Ang totoo kasi niyan, tito pala ni Carla ang nag papa aral sakanya. Doctor kasi 'yong tito niya kaya na babayaran 'yong tuition niya at hindi siya nabibilang sa mga scholars kagaya ko.Do'n din siya nakikituloy sa bahay ng tito niya na sinasabi niyang bahay nila 'yon sa tuwing pumupunta kami do'n dati. Hindi ko naman napansin na hindi sakanila 'yon. Isa pa, wala do'n 'yong tito niya lagi sa bahay na 'yon sa tuwing pumupunta kami. Lagi kasing nasa duty. At ang sinasabi naman ni C
Hindi ako makapaniwala!Tinitigan ko ng mabuti 'yong picture kung ako ba talaga 'to o baka naman kalook alike lang, pero tama si Kevin.Ako nga 'to.Naka suot ako ng kulay puting dress din dito tapos naka suot ako ng bucket hat na kulay puti dito at may hawak pa akong Blue Hawaii drink na binili sakin ng driver namin.Tanda ko pa 'to.Naka stolen ako rito at talagang hindi ko alam na nag p-picture pala si Kevin at that time."Ngayon, naniniwala ka na ba?" tanong niya.Napatingin ako sakanya, "Kevin, kung ako nga 'yong sinasabi mong first love mo din, ibig sabihin parehas kayo ni Wesley?" tumango siya. "Pero ang dahilan ng away niyo ay dahil pinili akong hanapin ni Wesley—""Gusto din naman kitang hanapin, naunahan lang niya ako.""Hindi gano'n 'yong punto ko.""Hindi ba?" umiling ako. "Eh ano ba 'yon?""Alam ba ni Wesley na gusto mo rin ako?""Oo. Sinabi ko sakanya. Magkaibigan kami eh, kaya ti
Nag decide akong puntahan siya sa ospital. Ayokong gawin 'to pero kahit gano'n ka laki 'yong nagawa niyang kasalanan sakin, siya naman ang naging dahilan kung bakit naging masaya ako simula no'ng makilala ko siya.Tama, naging masaya lang ang buhay ko matapos ang aksidente na 'yon simula no'ng makilala ko siya. Inaamin ko no'ng una na naiinis ako sa pagmumukha niya noon, pero no'ng naging magkasundo kami naisip ko na ang saya saya pala na magkaroon ka ng totoong kaibigan.Totoong kaibigan lang ang nararamdaman ko sakanya sa simula, pero hindi ko akalain na mas higit pa pala do'n ang mararamdaman ko sakanya.Umaga pa lang no'ng umalis ako para puntahan siya.No'ng makarating ako sa ospital ayhinanap ko 'yong kuwarto niya kaya naman nagtanong ako sa registrar kung saan 'yong kuwarto ni Wesley Clemente.Pinuntahan ko 'yon no'ng malaman ko at no'ng nasa harap na ako ng pinto ng kuwarto niya ay hindi pa man ako tuluyang naka pasok ay bigla ito
Hindi ko napigilan ang sarili ko't napa hagulgol na lang ako sa pag iyak nang malaman ko 'yon.Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinasabi niya. Kasi nakakatakot. Nakakatakot na malaman ang katotohanan na siya ang naging dahilan kung bakit nangyare ang aksidenteng 'yon.Pero kung sakaling totoo man 'yon, mas pipiliin ko pa ring wag na lang marinig o malaman pa 'to kahit kelan. Kasi hindi ko 'yon matatanggap kahit kailan.Pero ano pa bang magagawa ko? Ito na 'to eh, sinasabi na niya sa mismong harap ko na siya ang puno't dulo ng aksidenteng nangyare noon.Papano naging siya at puno't dulo ng aksidenteng 'yon? Papano nangyare 'yon?Pinunasan ko ang mga luha ko at inangat ang ulo ko para tingnan siya."Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo." sabi ko.Pilit kong itinayo ang sarili ko kahit wala akong lakas at muli siyang hinarap."Wesley, alam kong sinasabi mo lang 'to dahil—"Napatigil ako nang bigla siyang mag
So ayon na nga, naging kami ni Wesley matapos ang araw na 'yon.Sa totoo lang, sobrang saya ko dahil gusto rin niya ako. Sinabi niya sakin na gusto niya ako.At siyempre masaya naman para sakin 'yong mga kaibigan ko dahil successful daw 'yong lahat ng efforts na ginawa ko.Na bilib sila sakin dahil napa amin ko rin siya sa wakas.Lumabas ako sa unit ko at umakyat kami sa rooftop tapos nakinig ng music ng naka earphone.Hindi ko maalis ang mga ngiti sa labi ko habang nakikinig ng kanta kasama siya.Tinext ko na rin sina Zaiden at Kevin. Sinabi ko sakanila na kami na ni Wesley.At siyempre, itong si Wesley parang timang. Ang sabi niya wag ko daw sabihin kay Kevin na kami na dahil baka mag wala 'yon do'n sa resort ngayon.Ito namang si Wesley kitang nananahimik 'yong eh.Pero siyempre alam ko naman na biro lang niya 'yon.No'ng sumunod na araw, nag punta kaming bookstore. Nag pa sama ako sakanya dahil bumili
Habang pinagmamasdan kong umiikot sa gitna ng lamesa yong bote ay hinihiling ko na sana pag tumigil 'yon ay sakanya mismo tumutok.Ayoko nang patagalin pa 'to. Gusto ko na agad malaman kung gusto nga ba niya ako o hindi.Pero no'ng tumutok 'yon sakin ay na badtrip agad ako.Bakit sakin pa? Bakit hindi na lang sakanya?! Ang daya!"Okay, ako magtatanong." sabik na sabik na sabi ni Carla.Hinanda ko naman ang sarili ko para sagutin 'yong kung ano man 'yong itatanong sakin ni Carla. Actually, hindi na kasi namin napag usapan pa 'yong kung ano 'yong itatanong namin sa isa't isa kung sakaling kami 'yong taya."Sabihin mo samin kung bakit mo gusto si Wesley."Kita ko ang gulat sa mukha ni Wesley no'ng sinabi 'yon ni Carla gano'n din kay Russell. Ni hindi nga siya makapaniwala na gusto ko 'yong kaibigan niya.Ngumiti ako kasi ang ganda ng tanong niya. Saktong sakto dahil kaharap ko siya ngayon.Tinitigan si Wes
Oo nagulat siya no'ng sinabi ko 'yon sakanya. Pero nawala din kaagad ang 'yong gulat na 'yon sa mukha niya na tila parang wala lang sakanya na umamin ako ng feelings.Kinuha niya 'yong gulp niya saka niya 'yon mabilis na ininom tapos tinuro niya 'yong pagkain ko."Tapusin mo na 'yang pagkain mo." sabi niya. "Hintayin na lang kita sa labas." tumayo siya at umalis kaya naman tumayo na rin ako para sundan siya.No'ng makalabas na ako do'n sa seven eleven ay mabilis akong tumakbo para maabutan siya at hinila ko 'yong wrist niya."Sandali lang." sabi ko at napa tigil naman siya no'ng hilahin ko siya pabalik. Dahan dahan siyang humarap sakin, napatitig siya sa mga mata ko pero umiwas din kaagad ng tingin. "Sagutin mo muna ako, gusto mo rin ba ako?"Hindi siya sumagot sa tanong ko. Ni hindi nga siya makatitig sakin ng maayos. Para bang nag iisip siya ng paraan kung papano niya maiwasan 'tong tanong ko kaya naman inulit ko 'yon. Tinanong ko ulit siya
Umakyat ako sa rooftop dahil nakakaramdam ako ng sobrang init kahit na sobrang lamig naman ngayong gabi. Hindi naman ako uminom do'n sa club pero bakit ganito? Bakit namamawis ako ngayon?At hanggang ngayon iniisip ko pa rin 'yong mga sinabi niya sa lalake kanina.Totoo kaya 'yon na gusto niya ako hanggang ngayon?Kasi kung oo, masaya ako dahil pareho na kami ng nararamdaman.Hindi na unfair 'yon para sakin.Sana pala no'ng hinatid niya ako pa uwi kanina ay tinanong ko siya kung totoo 'yong sinabi niya.Kaso lang, hindi na niya ako kinausap no'n kaya hindi ko na nagawang mag tanong.Bumukas 'yong pinto ng rooftop. Magtatago pa sana ako kasi akala ko siya 'yon pero no'ng makita kong si Kevin lang 'yon ay napa buntong hininga ako.Nagulat si Kevin no'ng makita ako rito kaya naman napatanong siya."Bakit gising ka pa, anong oras na kaya.
Aaminin ko na ba sakanya na gusto ko siya? Na totoong siya ang dahilan kung bakit kami nag break ni Zaiden?Chance mo na 'to para magtapat ng nararamdaman mo sakanya, Callie.Wag ka ng mag pa ligoy ligoy pa dahil ito na ang tamang pagkakataon.Hindi mo ba naisip na ang romantic ng ganitong klaseng eksena? Para kang nasa drama. I'm sure maging successful itong confession mo sa taong gusto mo na nasa harap mo na ngayon.Seryoso akong napatitig sa mga mata niya. Naglabas ako ng isang malalim na buntong hininga and i smiled at him."Ang totoo niyan... Tama— ay!"Biglang bumukas 'yong elevator at dahil sa gulat ay naitulak ko si Wesley papalayo sakin.Napatingin ako sa mga taong bumukas ng elevator at nandon si Kevin kasama nila.Lumapit siya samin at halatang nakita nila 'yong kung papano ko itulak si Wesley.Naks! I'm sure iba inisip nila.Badtrip naman. Bakit ba kasi ang malas malas ko?"Bakit hindi man lan
Hanggang sa pag uwi ko hindi pa rin maalis sa isip ko si Kaye.Gusto kong sabihin sakanya na tinu-two time siya ni Prince kaso lang hindi pa ako sigurado at hindi ko pa alam ang buong kuwento.Pero kung totoo man talaga 'yon, naawa ako sa kaibigan ko.Gusto kong kausapin si Prince at tanungin sakanya kung bakit niya ginawa 'yon kay Kaye. Mabait na tao si Kaye at kahit kailan wala siyang naka away na kahit sino. 'Yon ang pagkakakilala ko sakanya.Hindi ko alam kung ano pa ba ang kulang sakanya at nagawang mang two time nitong si Prince. Ano kaya ang sumapi sa isang 'yon?Sinabi pa niya sakin no'ng nakaraan na nag cheat daw sakanya si Kaye kaya sila nag break. Baliw talaga ang lalakeng 'yon.Buti na lang napigilan ko 'yong bibig ko kanina at hindi ko siya binalikan sa loob para tanungin ng harap harapan.Gusto kong tulungan at mapalayo si Kaye sa taong 'yon.Muli akong lumabas sa unit ko at tinawagan si Kaye kaso lang hindi siya ma c
Halos madurog ang puso ko nang marinig ko 'yon sakanya mismo.Ang sakit... Ang sakit sakit na marinig na hindi ako ang gusto niyang makita rito.The way kung papano niya sabihin ang salitang 'yon ay parang tinutusok ng karayom ang puso ko.Kung hindi ako, sino? Sino at para kanino ang text message na 'yon?!Para na akong maiiyak sa harap niya ngunit pinipigilan ko ang sarili ko na umiyak. Ayokong mapahiya sa harap niya ngayon. At ayoko rin na makahalata siya tungkol sa nararamdaman ko para sakanya.I look at him in the eye and i smiled.Pinilit kong ngumiti kahit ang sakit sakit na."Gano'n ba," sabi ko.Nahiya ako sa sarili ko dahil sa inasta ko. Nag assume ako na para sakin talaga 'yon. Sinabi ko pa naman kay Kevin ang tungkol sa text. Hindi ko alam kung papano ko sasabihin sakanya na hindi pala para sakin 'yon at na wrong send lang si Wesley."Sorry, Hindi ko na check matapos kong i-send. Hindi ko tuloy na bawi