NANG sumunod na araw ay naging malamig ang pakikitungo ko sa aking anak at saka kay Carolina. Ganoon din kay Thalia, hindi ko na ito masyadong kinakausap. Sa tuwing titingnan ko ito at mga mata nito na tila nangungusap ay lumalambot ang puso ko, ngunit tinikis ko siya. Nasaktan ako dahil sa naging paglilihim nila sa amin. Ang buong akala ko ay apo ko talaga si Thalia. Bakit nila inilihim sa amin ang totoo? “Lolo can we play po please?” kung hindi lang masama ang loob ko ay hindi siya magdadalwang salita sa akin, ngunit iba ang sitwasyon ngayon. Bakit, bakitnila inilihim nila sa amin ang totoo? “May gagawin pa ako Thalia sa mama mo ikaw makipaglaro,” malamig kong tugon sa bata. “Why are calling me that lolo, why not princess. Miss kita so much kasi we’re not playing anymore these last few days,” nagsusumamo ang mga matang tingin nito sa akin. Miss ko na rin naman siya kaya lang masama talaga ang loob ko. Hindi man dapat na idamay ko ang bata pero masama talaga ang loob ko. Hindi
“TATAY Gibo, uhm, kasi di po ba nakasama niyo ang kapatid kong si Carolina sa mahabang panahon. Noon po bang ipinakilala siya sa inyo ng anak niyo ay wala po bang ibang batang kasama?” tanong ni Antonio kay lolo Gibo.Napalunok si lolo Gibo sa tanong ni Antonio ang panganay na kapatid ni Carolina. Gusto niyang magsabi ng totoo ngunit may kung ano sa kalooban niya na pumipigil upang gawin yun. Sana ay mapatawad siya ng apo niya dahil naglilihim siya ngayon. Ngayon lang naman kapag okay na ang lahat ay malalaman din naman nila ang buong katotohanan.“Hindi ko alam ang tungkol dun. Pasensiya ka na,” maikling sagot ni lolo Gibo. Ayaw naman niyang dagdagan pa ang kasagutan dahil makakadagdag pa yun sa kasalanan niya. Kagabi ay kinausap niya din ang asawang si Ana upang pagsabihan ito na huwag munang sabihin ang katotohanan tungkol sa pagkatao ni Thalia. Pumayag naman ang asawa niya.Napabuntong-hininga na lamang si Antonio dahil doon. Nalulungkot siya dahil alam niyang may kasalanan siya s
“MOMMY, ang lalim naman po ng iniisip niyo,” nakangiting lumapit si Thalia sa ina. Maagap siyang nagising at umuwi siya agad sa bahay nila nina lolo Gibo mahirap na baka mahuli pa siya nito na tumatakas. Para tuloy siyang teenager na nakikipagkita sa jowa nang patago. Sana mapagkatiwalaan na ulit ni lolo Gibo si Earl. Matapos niyang mag-almusal at maligo ay naisipan niyang puntahan ang kanyang ina kasama si baby Jacob. Si Claire ay isinama na nina Mommy Carment at Daddy Teddy paluwas ng Maynila kahapon. May kailangan kasi itong gawin sa kaniyang shop. Mukhang makakakuha ng biggest breakthrough ang kaibigan niya pagdating sa fashion. Masaya siya para dito. Though nalulungkot siya kasi mami-miss niya ang presensiya nito, ang kulit pa naman nito. Ngunit halos isang linggo na lamang naman ay kailangan na din nilang bumalik ng Maynila dahil matatapos na din ang kanyang maternity leave tapos malapit na din ang pasukan. Noong isang gabi ay hinihiling ni Earl sa kanya na tumigil na siya sa
HINDI makapaniwala si mommy nang ikuwento ko sa kanya kung paano nangyari ang love story naming ni Earl. Hind siya makapaniwala na nakaisip si Claire na gumawa ng ganoong bagay para sa kapakanan ng kuya. Ako din naman ay hindi lubos maisip noon kung paano yun naisip ni Claire. Nagalit pa nga ako sa kanya dahil bilang kaibigan niya naisip ko na baka ginamit niya lang ako para maisakatuparan ang plano niya. Inamin naman niya na noong una ay ganoon talaga ang naisip niya pero habang tumagal ay naging totoo na talaga ang pakikipagkaibigan niya sa akin at ramdam ko naman yun, kaya naman napatawad ko din siya. “So it’s a set up love story!” mommy concluded with her wide eyes. She smiled and hug me and told me that fate is so mysterious. “Yes mom I agree. Tulad na lang nito who would have thought that we can see each other again,” I hugged her tight. Feels like it will fill the emptiness and longingness for her that I felt for so many years. “I’m happy that Earl learned form his mistakes
“EARL, we have to tell lolo na about us,” malambing na sabi ko sa asawa ko. Kahit na medyo kinakabahan ako ay kailangan na talaga naming sabihin kay lolo ang totoo lalo na at babalik na kami ng Maynila. Pagkaalis naming sa bahay nina Aling Linda ay dito muna kami tumuloy sa kubo ni Earl. “Yes baby , we will, I will. If I have to beg para lang ibigay niya ulit kayo sa akin I will. Hindi ko kakayanin kung pagbalik natin sa Manila ay hindi kayo sa akin uuwi. Damn, mababaliw ako dun,” emosyonal naman na sabi ni Earl sa akin. “I will not do that stupid things again wife,” buong pusong dagdag pa ni Earl. So we decided to go to our house. Andoon naman sina lola Ana at lolo Gibo. Mukhang naghahandan na sila para sa hapunan. Timing din naman, nagugutom na din pala ako. “Oh andiyan nap ala kayo, halina at kakain na,” magiliw na bati ni lola Ana sa amin nang makita kaming papasok ng pintuan. Si lolo Gibo naman ay nakakunot agad ang noo at napabuntong-hininga pa. Nagmano ako sa kanila at gan
MABILIS na umalis si Ronaldo sa tahanan ng mga Inocencio. Hindi niya matanggap ang mga narinig mula sa pinakamamahal na babae na si Carolina. Nakaraan..Nakaraan ..Tila ba paulit-ulit niya itong naririnig. Sobrang sakit ng nararamdaman niya ngayon. Nang malaman niya mula sa kanyang imbestigador na buhay at kung nasaan si Carolina ay punung-puno ng pag-asa ang puso niya na ang hindi na natuloy nilang pagmamahalan ay maaari na nilang ipagpatuloy ngayon. Noong malaman niyang nagkaasawa ito ay nasaktan na siya. Ngunit nagkaroon siya ng pag-asa nang malamang patay na ang naging asawa nito. Wala kasi siyang pakialam kahit na nagkaroon ito ng iba, naiintindihan naman niya yun. Pero kasi umaasa siya na mayroon pa itong pagtingin sa kanya kaya naman nagagalit siya ngayon na isa na palang nakaraan ang tingin nito sa kanya. Oo nga at wala itong maalala pero sana kung binigyan siya nina Antonio ng pagkakataon na makasama ito ay baka maramdaman nito ang pagmamahal na mayroon si Carolina para sa
“FINALLY makakasama ko na ulit kayo ni baby Jacob, sobrang saya ko baby,” malaki ang ngiti na sabi ni Earl habang nag-aayos kami ng mga gamit. Paluwas na kasi kami sa isang araw. Pinayagan na siya ni lolo Gibo na pumasok dito sa aming sild. Si baby Jacob ay natutulog sa kama habang kami ay nagliligpit.Masaya din ako dahil hindi lang si Earl kundi pati si Mommy ay makakasama na din namin. Inamin ni Earl na sobrang kinakabahan siya noong sinasabi na naming kay lolo na nagkaayos na kami. Well, kahit hindi naman niya aminin ay halatang-halata ko naman. Ramdam ko ang nginig ng kanyang kamay na nasa aking likuran noong oras na iyon.Akala ko ay hahaba pa ang diskusyon sa pagitan naming nina lolo buti na lamang at sinuportahan din kami ni lola Ana at dumating pa si mommy. Sobrang saya kong babalik sa Maynila.Naalala ko sobrang sakit ng aking kalooban noong umuwi kami dito sa Lucban. Hindi ko talaga lubos maisip noon na magagawa sa akin ni Earl yun, ang iwanan ako sa kalye habang umuulan a
NAKAYAKAP pa din si Earl sa akin ngayon. Ang loko talaga napakapilyo, hindi talaga ako tinigilan.Ang mga kamay niya ay patuloy pa din sa paghimas sa aking katawan. Nakahiga kami ngayon dito sa comforter na nilatag niya sa sahig. “I’m gonna miss our sneaking love making sa kubo ko wife,” pilyong sabi ni Earl habang marahan pa din pahalik-halik sa aking leeg at may pag-amoy pang kasama. Namula naman siya nang maalala kung paanong tumatakas siya kay lolo Gibo upang makasama niya si Earl. “Hubby, sana pagbalik natin sa Maynila hindi ka magbago,” her eyes are teary. Hindi niya kasi maiwasang mag-alala dahil nga noon kapag nanggaling sila sa isang luagar ay okay sila ngunit kapag bumabalik na sa Maynila ay nabalik sa dati si Earl. “I’m not. Sorry sa lahat wife, sa lahat ng pagpapaiyak ko sa’yo at sa emotional pain na naibigay ko sa’yo. Hindi ko na maibabalik at mababago ang ginawa ko noon ngunit babawi ako sa’yo, sa inyo ni baby Jacob,” buong sinseridad na sabi ni Earl at isiniksik pa an
NANLAKI ang mga mata ni Mathilde nang makita kung sino ang nasa kanyang likuran, hindi niya naramdaman ang pagpasok nito marahil ay dahil pre-occupied pa siya kanina ng kanyang emosyon.“Long time no see babe,” nakakalokong bati nito sa kanya. Nakakapangilabot ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Tila ba ito isang ulol na aso na kahit anong oras ay sasaklamin siya. Tila bumalik sa kanyang alaala ang ginawa nito sa kanya noon.Umattend silang mag-asawa noon ng isang selebrasyon ng kaarawan ng isang kasamahan ni Antonio sa negosyo. “Hi ikaw ang asawa ni Antonio Montefalco, hindi ba?” mabait na tanong sa kanya ng lalaki. Hindi niya ito kilala, ngayon niya lamang ito nakita. Hindi din ito kaibigan ng asawa niya dahil dapat ay pumunta na ito sa bahay nila at nakita niya dapat ito sa araw ng kanilang kasal. Sapagkat nang ikasal sila ay walang absent sa mga kaibigan ni Ronaldo. Nagdiwang kasi ang mga kaibigan ng asawa niya dahil akala nila ay hindi ito magkaka-girlfriend sa sobrang kut
“NAAAWA ako kay Thalia kasi ang bata pa ng anak niya, dapat nakarecover na siya agad,” buong sinseridad na sabi ni Rosa habang nasa loob sila ng sasakyan.“Oo yan din ang panalangin ko, sana ay magksama na silang mag-anak muli,” tugon naman ni Mathilde.“Yan din ba ipinapanalangin mo para sa inyo?” pilyang sabi naman ni Rosa. Hindi naman agad nakasagot si Mathilde at napatingin kay Antonio na nakatitig pala sa kanya.“Hanep parang love team, nagkakatitigan na may nais ipahiwatig ang mga mata,” with emotion pa na sabi ni Rosa.“Go na po!”bigla namang sabi ni Victor, kaya naman unang bumitiw ng tingin si Antonio at nagmaneho na. Si Rosa ay siniko-siko pa ang kaibigan at pangiti-ngiti nang buong kapliyahan. Nanatiling walang imik naman si Mathilde.Sa totoo lang ay walang araw na hindi niya ipinagdasal na sana ay mabuo na muli ang kanilang pamilya, kahit labinlimang taon na ang nakalilipas ay umaasa pa din siya sa kaibuturan ng kanyang puso na makasama niya ulit ang kanyang mag-ama.Hind
“KUNG HINDI KO LANG ALAM na pinagpalit mo ako kay Waldo, iisipin ko na naga gwapuhan ka sa akin,”nakangiting sabi ni Antonio ngunit dama ang pait sa himig nito.“Antonio, puwede ba nating -,” hindi na naituloy ni Mathilde ang sasabihin dahil tumunog ang kaniyang cellphone, siyempre ang kaibigan niyang si Rosa, anduon na daw kasi ang mga ito sa hintayan nila.“Hello Rosa, ah oo paalis na din kami dito..ah eh kasama naming si Antonio..oo paalis nan ga,” sagot ni Mathilde sa kaibigan. Actually ang dami pang sinasabi ni Rosa pero mabilis na niyang tinapos ang usap nila. Hayst baka kasi mas matagalan pa sila.Kinarga na niya si Jacob para mas mapabilis sila, ang liit pa kasi ng mga hakbang nito kaya naman matatagalan sila. Nang makarating sila sa sasakyan ay mabilis niyang binuksan nag pintuan sa likod upang makasakay na sila ni Jacob.“Anong ginagawa mo?” napatingin si Mathilde sa nagsalitang si Antonio at tila napatigil sa pagbukas ng pintuan ng sasakyan.“Ha? Ah eh, sasakay na siyempre,
“CAROLINA, please calm down. I now your having a hard time right now, but you have to be strong. Your daughter needs you now,”Antonio calmly said to his younger sister over the phone. Tinawagan niya ito upang kumustahin ang kalagayan ng pamangkin na si Thalia. Naawa siya sa pamangkin nang marinig ang kalagayan nito ngayon. Sa totoo lang ay pumapasok sa isipan niya ang sisihin sana si Ronaldo dahil sa totoo lang ay ito talaga ang may kagagawan naman ng lahat ng mga pasakit na sarili nitong anak, ngunti pinili na lamang niyang manahimik bilang repseto sa kapatid dahil ayaw na niyang maulit pa ang nangyari noon.Pagkatapos nilang mag-usap na magkapatid ay bumaba na siya at tila ba kumabog ng kanyang puso nang makita ang nasa mesa sa kusina, si Mathilde at ang apo nila na si Jacob.“Hi honey, halika na mag breakfast ka na. Itong si baby D mukhang nagutom eh, pagkakita sa cerelac niya gusto na agad kumain,”nakangiting sambit sa kanya ng asawa. Pinilig niya nang marahan ang ulo upang buma
NAGISING si Earl nang maramdaman niyang tila gumalaw si Thalia sa pagkakahiga nito. Hindi naman siya kasi nakakatulog nang mahimbing sapagkat pinapakiramdaman niya ang kilos nito. Nakita niyang gumalaw ang kamay nito at bigla itong bumangon at umiiyak nang walang tunog.“Hey wife, kumusta ka?”malambing at medyo nanginginig ang boses niya dahil kinakabahan siya sa kung paano ito magre-react kapag nakita siya. Ngunit tila blangko itong tumingin sa kanya at tumingin sa kabilang banda.Mabilis niyang tinawag ang doctor upang matignan agad ang kanyang asawa.“To tell you honestly sir, she is not mentally healthy,” napapabuntong-hininga na sabi ng doctor sa kaniya.“What’s happening to her doctor? Bakit tulala lamang ang asawa ko? Anong puwede kong gawin?” natatarantang tanong ni Earl sa doctor na punong-puno nang pag-aalala para sa kanyang asawa.“According to the diagnosis, she si suffering from depression. Depressive disorder (also known as depression) is a common mental disorder. It invo
TAIMTIM na pinagmamasdan ni Earl ang asawang si Thalia habang ito ay himbing na natutulog. Magmula nang dalhin nila ito kahapon dito sa ospital ay hindi pa din ito nagigising. Nasasabik ang puso niya na marinig na muli ang tinig. Hanggat maaari ay ayaw niyang umalis sa tabi ng asawa ngunit kinailangan niyang puntahan ang anak nilang si Jacob sa bahay ni tit oni Thalia na si Antonio. Andoon kasi si Aling Tindeng kasama si Jacob. Siguro marahil sa ilang buwang pagkawalay sa kanila ng bata ay hindi na ito komportable na sumama sinuman sa kanila.Mainam na ngayon at sumasama na ito sa kanya ngunit hindi naman niya madala sa ospital, masyado pa itong bata at delikado para dito ang magstay sa ospital. Kanina habang naglalaro sila ni Jacob ay halos naiiyak na naman siya dahil ang laki na ng anak niya, ilang buwan ang na-missed niya sa buhay nito. Tumangkad ito at ang tatas na din magsalita.“ Mama?” tanong nito sa kanya. Tapos nang hindi siya agad makasagot ay sinampal-sampal siya nito. HIna
Magmula nang malaman ni Ronaldo na anak niya si Thalia ay hindi siya na tumigil sa paghahanap dito. Dinagdagan niya ang mga private agent na binayaran upang hanapin ang anak. Hindi siya tumitigil na mahanap ang matagal na niyang hinahangad na makitang anak niya. Andiyan lang pala sa tabi ang anak niya pero hindi man lamang niya ito natunugan. Sa totoo lang ay may kung ano naman talaga siyang nararamdaman mula nang una niya ito makita ngunit pinanaig niya ang galit dito dahil naging hadlang ito sa pangarap niya na maka-merge ang kompanya ng pamilya Concha.“I really regret everything that I did to hurt our daughter,” umiiyak na sabi ni Ronaldo kay Carolina habang sapo-sapo ang noo. Niyakap naman siya ni Carolina upang pakalmahin.Sisingsisi siya nang malaman na anak niya si Thalia at wala siyang ibang inisip kundi ang saktan ang kalooban nito. Ang anak niyang si Thalia ang naging sentro ng kanyang paghihiganti sa mga Montefalco. Napaka-ironic ng buhay kung sino pa yung taong gustong-gu
"OH GOD, anong nangyari sa anak ko Earl?” humahangos na tanong Carolina habang papalapit kay Earl na nasa harap ng Emergency Room. Hindi agad pal anito nabasa ang message niya dahil naiwan sa kuwarto ang cellphone. Kitang-kita ni Earl ang pag-aalala sa mukha ng ina ni Carolina at ni Ronaldo.“Mom it’s a long story, basta ang mahalaga nakita na natin siya at makakapiling na natin,” hindi pa rin mapakali na sagot ni Earl. He is so anxious because of his wife condition. Sinisisi niya ang sarili dahil sa mga nangyayari, kung hindi sana siya nagkaamnesia ay hindi mangyayari lahat ng ito.Kanina nang makita niya si Thalia sa banyo na walang malay ay hindi niya maipaliwanag ang sarili, tila ba gusto niyang sampalin ang sarili ng ilang beses. Hindi niya kaya na makitang ganoon ang kalagayan nito.“Ronaldo, ang anak natin,” umiiyak na turan ni Carolina. Niyakap naman ito pabalik ni Ronaldo while gently rubbing her back.“Love don’t worry magiging okay din si Thalia. Hindi ako papayag na may ma
“Aling Tindeng, sakto po andito na po kayo, si Thalia po kasi eh,” humahangos na sabi ni Ana sa kanila.“Ha bakit anong nangyari kay Thalia?” nag-aalalang parehong sabi nina Tindeng at Rosa. Si Earl naman ay napatindig at napatingin doon sa babaeng pumasok sa apartment. Karga-karga pa din nito si Jacob at mabilis silang nagsunuran sa babae.Habang naglalakad sila nang mabilis ay hindi inaasahang natapilok si Tindeng mabuti na lamang at mabilis siyang naalalayan ni Antonio.“Ay ano ba yan, nagpapanic na ang lahat,kayo luma-love story,” at nakuha pa talagang mang-asar ni Rosa sa situwasyong ito. Mabilis namang bumitaw si Tindeng kay Antonio.“Eh bakit na pala napunta si Thalia dun sa apartment unit natin Ana?” naiinis na sabi pa ulit ni Rosa.“Kasi po tiya isinama ko po siya para po sana maliguan kaya lang po ay nang kukuha po ako ng tuwalya eh hindi na po ako makapasok sa cr pagkabalik ko,”paliwanag naman ni Ana.“Bakit mo kailangang paliguan ang asawa ko?” takang tanong ni Earl.“Kasi