"OH GOD, anong nangyari sa anak ko Earl?” humahangos na tanong Carolina habang papalapit kay Earl na nasa harap ng Emergency Room. Hindi agad pal anito nabasa ang message niya dahil naiwan sa kuwarto ang cellphone. Kitang-kita ni Earl ang pag-aalala sa mukha ng ina ni Carolina at ni Ronaldo.“Mom it’s a long story, basta ang mahalaga nakita na natin siya at makakapiling na natin,” hindi pa rin mapakali na sagot ni Earl. He is so anxious because of his wife condition. Sinisisi niya ang sarili dahil sa mga nangyayari, kung hindi sana siya nagkaamnesia ay hindi mangyayari lahat ng ito.Kanina nang makita niya si Thalia sa banyo na walang malay ay hindi niya maipaliwanag ang sarili, tila ba gusto niyang sampalin ang sarili ng ilang beses. Hindi niya kaya na makitang ganoon ang kalagayan nito.“Ronaldo, ang anak natin,” umiiyak na turan ni Carolina. Niyakap naman ito pabalik ni Ronaldo while gently rubbing her back.“Love don’t worry magiging okay din si Thalia. Hindi ako papayag na may ma
Magmula nang malaman ni Ronaldo na anak niya si Thalia ay hindi siya na tumigil sa paghahanap dito. Dinagdagan niya ang mga private agent na binayaran upang hanapin ang anak. Hindi siya tumitigil na mahanap ang matagal na niyang hinahangad na makitang anak niya. Andiyan lang pala sa tabi ang anak niya pero hindi man lamang niya ito natunugan. Sa totoo lang ay may kung ano naman talaga siyang nararamdaman mula nang una niya ito makita ngunit pinanaig niya ang galit dito dahil naging hadlang ito sa pangarap niya na maka-merge ang kompanya ng pamilya Concha.“I really regret everything that I did to hurt our daughter,” umiiyak na sabi ni Ronaldo kay Carolina habang sapo-sapo ang noo. Niyakap naman siya ni Carolina upang pakalmahin.Sisingsisi siya nang malaman na anak niya si Thalia at wala siyang ibang inisip kundi ang saktan ang kalooban nito. Ang anak niyang si Thalia ang naging sentro ng kanyang paghihiganti sa mga Montefalco. Napaka-ironic ng buhay kung sino pa yung taong gustong-gu
TAIMTIM na pinagmamasdan ni Earl ang asawang si Thalia habang ito ay himbing na natutulog. Magmula nang dalhin nila ito kahapon dito sa ospital ay hindi pa din ito nagigising. Nasasabik ang puso niya na marinig na muli ang tinig. Hanggat maaari ay ayaw niyang umalis sa tabi ng asawa ngunit kinailangan niyang puntahan ang anak nilang si Jacob sa bahay ni tit oni Thalia na si Antonio. Andoon kasi si Aling Tindeng kasama si Jacob. Siguro marahil sa ilang buwang pagkawalay sa kanila ng bata ay hindi na ito komportable na sumama sinuman sa kanila.Mainam na ngayon at sumasama na ito sa kanya ngunit hindi naman niya madala sa ospital, masyado pa itong bata at delikado para dito ang magstay sa ospital. Kanina habang naglalaro sila ni Jacob ay halos naiiyak na naman siya dahil ang laki na ng anak niya, ilang buwan ang na-missed niya sa buhay nito. Tumangkad ito at ang tatas na din magsalita.“ Mama?” tanong nito sa kanya. Tapos nang hindi siya agad makasagot ay sinampal-sampal siya nito. HIna
I love my Kuya Earl very much. He is kind and loving Kuya kaya naman all I want is the best for him. Selfish at manipulative mang matatawag pero masisisi niyo ba ako? Bilang isang kapatid gusto ko na sa mabuting babae mapupunta ang kapatid ko. Hindi niya deserve na kay Caroline maikasal. Plastic kaya ang babaeng yoon. Ang bait bait kapag andiyan si kuya Earl pero kapag wala na hay naku ubod ng maldita at sama ng ugali. Hindi ako judgemental ha! Paano ko nasabi yun? Kasi one time sinama siya ni Kuya Earl sa mansiyon upang mag-dinner kasama ang buong family namin tapos accidentally nabubuan siya ng tubig habang sinasalinan ni Manang Rosing yung baso niya. Agad na humingi ng pasensiya si Manang sa kanya, sinabi naman niya na okey lang kasi hindi naman daw nito sinasadya. Sa totoo lang natuwa ako sa kanya. Ngunit laking gulat ko ng marinig ko na pinapagalitan niya si Manang Rosing. Kitang-kita kung paano niya ito dinuro at minaliit. Mangiyak-ngiyak
“Thalia! Apo ay gumising ka na at alas otso na ay hindi ka pa nag-aalmusal,” dinig kong sabi ni Lola Ana. Nag-inat ako at bumangon na din. Napangiti ako ng marinig ko ulit si Lola. Napaka-maalalahanin niya talaga. Kaya naman kahit wala na akong mga magulang ay ramdam na ramdam ko pa rin ang pagmamahal ng isang magulang. Sampung taon pa lang ako noong mawala ang mga magulang ko. Namatay sila sa aksidente kaya naman sina Lola Ana at Lolo Gibo na ang nagpalaki sa akin. Lagi nilang pinararamdam sa akin na kahit wala na sina mama at papa ay mahal na mahal naman nila ako. Medyo tanghali akong nagising ngayon, Sabado naman kasi at walang pasok. Ganito kasi ako kapag walang pasok medyo late na talaga ako bumabangon. Well, di pa naman masyadong late ang alas otso di bah? Balak kongpumunta sa mall ngayon, may sale kasi sa SM MOA ngayon hanggang bukas lang yun, eh ayaw ko naman bukas pumunta kasi magsisimba kami nina lola at lolo. Hindi naman masyadong malayo ang
Nakatulala ako sa lalaking papalapit sa amin. Hanggang sa tumigil ito sa aming harapan. Mas lalo itong guwapo sa malapitan. Moreno ang kutis nito, makapal ang kilay at malantik ang pilik-mata. Parang magnet ang kanyang kulay brown na mga mata, kapag napatingin ka dito wala ka nang magagawa kundi tumitig na lang. “Ehem, Thalia – “ agaw atensiyon sa akin ni Claire. Para naman akong gusto nang lumubog sa kinauupuan ko. Baka kanina pa nila ako kinakausap pero masyado akong natulala sa lalaki. Shuta oh! Ang guwapo kasi. “He’s my brother, si Kuya Earl,” pakilala niya sa akin. Ipinakilala ako ni Claire sa kapatid niya. Nginitian naman ako nito ay naglahad ng kamay. Ang init ng palad nito tamang tama sa malamig kong lovelife. Nang magdaop ang mga palad naming parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa akin. Sakop na sakop ng kamay niya ang maliit kong kamay. Nang tumingin ako sa kanya ay parang may mga kabayong naghahabulan sa dibdib ko. Napangiti si
Maaga akong pumasok ngayon sa opisina. Papasok palang sa building ay binati na agad ako ng security guard, gayundin ang mga empleyado na nadaraanan ko habang papunta ako sa aking opisina. Tinugon ko naman ang kanilang pagbati. "Good morning Sir Earl, mayroon po kayong meeting ng alas otso y media with Sir Miguel and Sir Daniel regading po sa new venture niyo.," sabi ng aking sekretarya ng makarating na ako sa aking opisina. Masyadong hectic ang schedule ko ngayon, ang daming meeting na kailangan kong i-attend. Sanay naman na ako sa ganitong sitwasyon bilang CEO ng sarili kong kompanya, ang AvCOn Constrcution Company. Ilang taon na rin mula nang maitatag ko ito. Hindi naman ako pinilit ni Daddy na i-manage ang family business namin, andoon ang aking kapatid na si Carlos na katuwang niya sa pagpapatakbo nito. Sa totoo lang hindi naging madali ang lahat sa akin noong nag-uumpisa pa lang ang kompanya ko. Marami akong mga naging failures, akala ko nga hindi
Madalas na niyayaya ni Claire si Thalia na lumabas. Katulad ngayon, pinuntahan niya ang dalaga sa paaralan upang yayain na magmeryenda bago ito umuwi. Masayang kasama ang dalaga kaya naman ang gaan ng loob dito ni Thalia. Pakiramdam ni Thalia mula nang makilala niya si Claire ay nagkaroon siya ng kapatid. Although close din naman sila ni Gina, co-teacher at kaibigan niya sa school pero yun nga lang ma-effort kasi si Claire lagi siya nitong pinupuntahan. Ilang beses na siyang nakakasama sa bar ni Claire. Okey lang naman dahil hindi naman sila masyadong umiinom, nag-i-enjoy lang talaga sila.Ngayon naman ay niyaya siya ni Claire sa kanila na magdinner. Nahihiya man ay pumayag na rin siya. “Dad, mom, I want you to meet Thalia, super friend ko,” may pagmamalaking pakilala ni Claire sa akin sa kanyang mag magulang. “Oh ikaw pala yung madalas niyang kinukwento sa amin. “ Nakangiting bati sa akin ni Mrs. Concha. Nagbeso pa ito sa akin. Nakakatulala ang ganda