NAGUGULUHAN na si Carolina sa nangyayari sa kanyang paligid. Gustong-gusto na niyang maalala ang lahat lalo na at nalaman niyang may anak pala siya, si Thalia. Kaya pala sobrang gaan ng pakiramdam niya noong una pa lamang niya itong makita. Hindi nito nalalaman na pasimple niya itong sinisilip dahil sa tuwing makikita niya ito ay nasisiyahan ang kanyang damdamin, parang may kung ano na napupunan sa kanyang pakiramdam na matagal ng nararamdaman niyang kulang sa kanya. Anak niya si Thalia at si Ronaldo ang ama nito, ngunit nag-asawa siya noon ayon sa kuwento ni Tatay Gibo, si Domingo. Siya kaya ang minsang nasa panaginip ko noon? Masaya kami noon na naglalaro sa snow kasama ang isang batang babae, na maaaring si Thalia. Kung ganoon ay tinanggap pa din at minahal siya nito noon kahit na may anak na siya. “Ahhh,” napahawak siya sa kanyang ulo nang maramdamang sumasakit na naman ito. Nais na niyang maalala ang lahat ngunit bakit ganoon ang hirap at ang tagal. Andito siya ngayon sa kanyan
NANG sumunod na araw ay naging malamig ang pakikitungo ko sa aking anak at saka kay Carolina. Ganoon din kay Thalia, hindi ko na ito masyadong kinakausap. Sa tuwing titingnan ko ito at mga mata nito na tila nangungusap ay lumalambot ang puso ko, ngunit tinikis ko siya. Nasaktan ako dahil sa naging paglilihim nila sa amin. Ang buong akala ko ay apo ko talaga si Thalia. Bakit nila inilihim sa amin ang totoo? “Lolo can we play po please?” kung hindi lang masama ang loob ko ay hindi siya magdadalwang salita sa akin, ngunit iba ang sitwasyon ngayon. Bakit, bakitnila inilihim nila sa amin ang totoo? “May gagawin pa ako Thalia sa mama mo ikaw makipaglaro,” malamig kong tugon sa bata. “Why are calling me that lolo, why not princess. Miss kita so much kasi we’re not playing anymore these last few days,” nagsusumamo ang mga matang tingin nito sa akin. Miss ko na rin naman siya kaya lang masama talaga ang loob ko. Hindi man dapat na idamay ko ang bata pero masama talaga ang loob ko. Hindi
“TATAY Gibo, uhm, kasi di po ba nakasama niyo ang kapatid kong si Carolina sa mahabang panahon. Noon po bang ipinakilala siya sa inyo ng anak niyo ay wala po bang ibang batang kasama?” tanong ni Antonio kay lolo Gibo.Napalunok si lolo Gibo sa tanong ni Antonio ang panganay na kapatid ni Carolina. Gusto niyang magsabi ng totoo ngunit may kung ano sa kalooban niya na pumipigil upang gawin yun. Sana ay mapatawad siya ng apo niya dahil naglilihim siya ngayon. Ngayon lang naman kapag okay na ang lahat ay malalaman din naman nila ang buong katotohanan.“Hindi ko alam ang tungkol dun. Pasensiya ka na,” maikling sagot ni lolo Gibo. Ayaw naman niyang dagdagan pa ang kasagutan dahil makakadagdag pa yun sa kasalanan niya. Kagabi ay kinausap niya din ang asawang si Ana upang pagsabihan ito na huwag munang sabihin ang katotohanan tungkol sa pagkatao ni Thalia. Pumayag naman ang asawa niya.Napabuntong-hininga na lamang si Antonio dahil doon. Nalulungkot siya dahil alam niyang may kasalanan siya s
“MOMMY, ang lalim naman po ng iniisip niyo,” nakangiting lumapit si Thalia sa ina. Maagap siyang nagising at umuwi siya agad sa bahay nila nina lolo Gibo mahirap na baka mahuli pa siya nito na tumatakas. Para tuloy siyang teenager na nakikipagkita sa jowa nang patago. Sana mapagkatiwalaan na ulit ni lolo Gibo si Earl. Matapos niyang mag-almusal at maligo ay naisipan niyang puntahan ang kanyang ina kasama si baby Jacob. Si Claire ay isinama na nina Mommy Carment at Daddy Teddy paluwas ng Maynila kahapon. May kailangan kasi itong gawin sa kaniyang shop. Mukhang makakakuha ng biggest breakthrough ang kaibigan niya pagdating sa fashion. Masaya siya para dito. Though nalulungkot siya kasi mami-miss niya ang presensiya nito, ang kulit pa naman nito. Ngunit halos isang linggo na lamang naman ay kailangan na din nilang bumalik ng Maynila dahil matatapos na din ang kanyang maternity leave tapos malapit na din ang pasukan. Noong isang gabi ay hinihiling ni Earl sa kanya na tumigil na siya sa
HINDI makapaniwala si mommy nang ikuwento ko sa kanya kung paano nangyari ang love story naming ni Earl. Hind siya makapaniwala na nakaisip si Claire na gumawa ng ganoong bagay para sa kapakanan ng kuya. Ako din naman ay hindi lubos maisip noon kung paano yun naisip ni Claire. Nagalit pa nga ako sa kanya dahil bilang kaibigan niya naisip ko na baka ginamit niya lang ako para maisakatuparan ang plano niya. Inamin naman niya na noong una ay ganoon talaga ang naisip niya pero habang tumagal ay naging totoo na talaga ang pakikipagkaibigan niya sa akin at ramdam ko naman yun, kaya naman napatawad ko din siya. “So it’s a set up love story!” mommy concluded with her wide eyes. She smiled and hug me and told me that fate is so mysterious. “Yes mom I agree. Tulad na lang nito who would have thought that we can see each other again,” I hugged her tight. Feels like it will fill the emptiness and longingness for her that I felt for so many years. “I’m happy that Earl learned form his mistakes
“EARL, we have to tell lolo na about us,” malambing na sabi ko sa asawa ko. Kahit na medyo kinakabahan ako ay kailangan na talaga naming sabihin kay lolo ang totoo lalo na at babalik na kami ng Maynila. Pagkaalis naming sa bahay nina Aling Linda ay dito muna kami tumuloy sa kubo ni Earl. “Yes baby , we will, I will. If I have to beg para lang ibigay niya ulit kayo sa akin I will. Hindi ko kakayanin kung pagbalik natin sa Manila ay hindi kayo sa akin uuwi. Damn, mababaliw ako dun,” emosyonal naman na sabi ni Earl sa akin. “I will not do that stupid things again wife,” buong pusong dagdag pa ni Earl. So we decided to go to our house. Andoon naman sina lola Ana at lolo Gibo. Mukhang naghahandan na sila para sa hapunan. Timing din naman, nagugutom na din pala ako. “Oh andiyan nap ala kayo, halina at kakain na,” magiliw na bati ni lola Ana sa amin nang makita kaming papasok ng pintuan. Si lolo Gibo naman ay nakakunot agad ang noo at napabuntong-hininga pa. Nagmano ako sa kanila at gan
MABILIS na umalis si Ronaldo sa tahanan ng mga Inocencio. Hindi niya matanggap ang mga narinig mula sa pinakamamahal na babae na si Carolina. Nakaraan..Nakaraan ..Tila ba paulit-ulit niya itong naririnig. Sobrang sakit ng nararamdaman niya ngayon. Nang malaman niya mula sa kanyang imbestigador na buhay at kung nasaan si Carolina ay punung-puno ng pag-asa ang puso niya na ang hindi na natuloy nilang pagmamahalan ay maaari na nilang ipagpatuloy ngayon. Noong malaman niyang nagkaasawa ito ay nasaktan na siya. Ngunit nagkaroon siya ng pag-asa nang malamang patay na ang naging asawa nito. Wala kasi siyang pakialam kahit na nagkaroon ito ng iba, naiintindihan naman niya yun. Pero kasi umaasa siya na mayroon pa itong pagtingin sa kanya kaya naman nagagalit siya ngayon na isa na palang nakaraan ang tingin nito sa kanya. Oo nga at wala itong maalala pero sana kung binigyan siya nina Antonio ng pagkakataon na makasama ito ay baka maramdaman nito ang pagmamahal na mayroon si Carolina para sa
“FINALLY makakasama ko na ulit kayo ni baby Jacob, sobrang saya ko baby,” malaki ang ngiti na sabi ni Earl habang nag-aayos kami ng mga gamit. Paluwas na kasi kami sa isang araw. Pinayagan na siya ni lolo Gibo na pumasok dito sa aming sild. Si baby Jacob ay natutulog sa kama habang kami ay nagliligpit.Masaya din ako dahil hindi lang si Earl kundi pati si Mommy ay makakasama na din namin. Inamin ni Earl na sobrang kinakabahan siya noong sinasabi na naming kay lolo na nagkaayos na kami. Well, kahit hindi naman niya aminin ay halatang-halata ko naman. Ramdam ko ang nginig ng kanyang kamay na nasa aking likuran noong oras na iyon.Akala ko ay hahaba pa ang diskusyon sa pagitan naming nina lolo buti na lamang at sinuportahan din kami ni lola Ana at dumating pa si mommy. Sobrang saya kong babalik sa Maynila.Naalala ko sobrang sakit ng aking kalooban noong umuwi kami dito sa Lucban. Hindi ko talaga lubos maisip noon na magagawa sa akin ni Earl yun, ang iwanan ako sa kalye habang umuulan a