Share

CHAPTER 96

“TATAY Gibo, uhm, kasi di po ba nakasama niyo ang kapatid kong si Carolina sa mahabang panahon. Noon po bang ipinakilala siya sa inyo ng anak niyo ay wala po bang ibang batang kasama?” tanong ni Antonio kay lolo Gibo.

Napalunok si lolo Gibo sa tanong ni Antonio ang panganay na kapatid ni Carolina. Gusto niyang magsabi ng totoo ngunit may kung ano sa kalooban niya na pumipigil upang gawin yun. Sana ay mapatawad siya ng apo niya dahil naglilihim siya ngayon. Ngayon lang naman kapag okay na ang lahat ay malalaman din naman nila ang buong katotohanan.

“Hindi ko alam ang tungkol dun. Pasensiya ka na,” maikling sagot ni lolo Gibo. Ayaw naman niyang dagdagan pa ang kasagutan dahil makakadagdag pa yun sa kasalanan niya. Kagabi ay kinausap niya din ang asawang si Ana upang pagsabihan ito na huwag munang sabihin ang katotohanan tungkol sa pagkatao ni Thalia. Pumayag naman ang asawa niya.

Napabuntong-hininga na lamang si Antonio dahil doon. Nalulungkot siya dahil alam niyang may kasalanan siya s
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status