“TATANGHALIIN na tayo sa biyahe nito. Bakit ba kasi hindi agad kayo nag-impake kagabi Thalia,” nakakunot na sabi ni lolo Gibo. Namula naman siya nang maalala ang dahil kung bakit hindi natuloy ang pag-iimpake nilang mga gamit. Tapos itong asawa niya pangiti-ngiti pa sa kanya. Hindi man lang pinapansin na medyo naiinis na ang lolo niya. “Tutulungan ko na kayo anak,” nakangiting sabi ni mommy. Kanina pa din siya naka-ready. Pero kahapon nag-iyakan pa talaga sila ni Aling Linda. Ako man ay nalulungkot din dahil matagal silang naging magkasama, para na silang mag-ina. Panatag naman si mommy na maiwan si Aling Linda dito sa Sampaloc dahil parating naman na sa isang linggo yung isang pamangkin nito galing Benguet. Nangako din naman kami na bibisitahin si Aling Linda paminsan-minsan. Matapos ang halos isang oras ay natapos din silang mag-impake. Hayst si Earl naman kasi eh, nasabi na lang ni Thalia sa isip niya. Hindi naman kasi ako tinigilan kagabi kaya naman wala na kaming naiimpake. “We
NEXT WEEK pa ang pasok ni Thalia sa school gayundin si Earl sa kaniyang kompanya kaya naman napagpasiyahan nila na dumalaw sa bahay ng mga Montefalco. Babalik muna siya sa pagtuturo habang inaasikaso ang kanyang resignation dahil hindi naman basta basta nakakapagresign ang isang teacher, marami pang proseso na kailangang sundin. Namamangha naman si Thalia habang binabagtas nila ang malawak na lupain ng kanyang pamilya, yes isa siyang Monte falco kaya naman sa kanya din ito. Maraming tanim na mga puno ng niyog, hitik ito sa mga bunga. Ang lawak ng hacienda nila. Nang tingnan niya ang kanyang mommy upang alamin kung kahit paano ay may naalala ba ito ay nakita niya itong matamn lamang na nakatingin sa kanilang nadadaanan. Si Earl naman ay pang-ilang beses ng nakarating dito kaya naman hindi na ito bago sa kanya. Natutuwa siya sa reaksiyon ng asawa. Kahit naman kasi may lupain din ang mga ito sa Lucban ay mas malaki pa din ang lupain ng mga Montefalco. Isa ang mga Montefalco sa kilalan
NAPANSIN ni Earl na hindi komportable ang mag-amang Daniel sa tanong ng asawang si Thalia kaya naman iniba na lamang niya ang usapan. Bilang matagal ng kaibigan ni Daniel ay alam naman niya ang istorya ng buhay nito kaya alam niyang hindi madali para sa mag-ama ang ikuwento ang tungkol dun, ngunit wala din siya sa posisyon para ikuwento yun.“ehem..wife, na-experienced mo na bang makanuod ng Santa Cruzan?” pag-iiba naman ni Earl ng topic sa asawa.“Ah eh, parang bata pa ako noon eh. Hindi kasi kami na nakakauwi sa probinsiya nitong mga nakaraang taon,” sagot naman ni Thalia sa asawa.“Good thing hija, sa isang araw may prosisyon para sa Santa Cruzan dito sa atin,” nakangiting sabi naman ni Tito Antonio sa pamangkin. Hindi na ito mukhang tensiyonado dahil sa tanong ni Thalia kanina.“Princess come with us on Saturday okay. Let us see Santa Cruzan, baka makatulong din sa’yo yun. You know what, dati ay nag Reyna Elena ka,” Antonoio looks happy remiscing that moment to his sister.“Oh tal
PANSIN ni Thalia ang minsang pagsulyap ni Caroline sa asawa niyang si Earl. Hindi man niya gustong mainis ay hindi naman niya maiwasan. Katulad na lamang kanina habang nag-aagahan sila, napansin niyang nakailang sulyap ito sa asawa at tila may gustong sabihin.“Wife you’re beautiful, para kang Reyna Elena sa suot mo,” Earl is hugging her at the back. Namula naman siya sa papuri ng asawa at nawala sa isip ang inis kay Caroline. She’ s wearing a long flowery dress. It’s a summer dress actually.Magkakasama silang umalis papuntang plaza kung saan doon gaganapin ang Santa Cruzan. Nakita niyang nakangiti ang mommy niya habang nagku-kwento ang Tito Antonio tungkol sa nakaraang karanasan ng mommy niya na si Carolina noong dalaga pa ito. Mukhang nasisiyahan naman ito sa naririnig mula sa kapatid.Kanina bago sila umalis ay ang mommy Carolina niya pa ang nagpakain sa lolo na si Don Cristobal. Napakamadamdamin ng tagpo kanina dahil nakita niya kung paano naiyak ang lolo niya nang mismong ang mom
NAGULAT ako sa sinabi ni Caroline, ramdam ko ang sakit sa kanyang damdamin para sa daddy Ronaldo niya. Ganoon ba kamahal ni Mr. Ronaldo si mommy? Ano ba talaga ang nakaraan nila? I wish mommy can remember everything so that things can be sort out. Hindi din naman kasi nagsasalita sina Tito Antonio, they always say na mas mainam na kapag bumalik na ang memory ni mommy saka na lamang sabihin ang mga bagay-bagay. “Hey, you’re spacing out wife” naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Earl mula sa likuran. I felt his strong arms encircled to my waist. Andito ako ngayon sa may terrace ng kuwasrto naming dito sa hacienda at iniisip ang mga nangyari kanina at hindi ko namalayan na dumating pala ang asawa ko. Kinintalan pa ako ng halik sa ulo. Si baby Jacob naman ay natutulog na sa crib nito. “I-I’m just curios about everything. Nakita mo ba si Caroline kanina? I felt her pain for her dad, I was just wondering kung gaano kalalim ang pinagsamahan nina mommy at ni Mr. Ronaldo,” paliwanag ko sa
“THALIA!” napalingon agad siya sa tumawag. Ang kaibigan pala niyang si Gina. Natatandaan niyo pa siya? Oo siya nga yun, ang girlfriend ni Kent. Buntis din ito noon katulad niya at nagkaroon ng problema ang dalawang magkasintahan kaya naman si Kent ay laging nalapit noon kay Thalia upang humingi ng tulong at magbakasakali na makita ang buntis na girlfriend. Ngunit nabigyang malisya noon ni Earl at nagkataon din na may ginagawang paninira sa kanila si Ronaldo Anda kaya naman parang tugmang-tugma ang pangyayari. Kaya nabuo sa isipan noon ni Earl na may relasyon ang dalawa at ito ang ama ng ipinagbubuntis noon ni Thalia dahil may narinig pa si Earl habang nag-uusap ang dalawa na nabigyan ng maling pakahulugan ng lalaki. Ang nangyari inaway ni Earl si Thalia at iniwan sa kalye na mag-isa at napahamak ito. Sino nga ba ang muntik nang bumangga noon kay Thalia? Aksidente kaya yun o sinadya? “Kumusta ka na my friend?” nakangiting tanong ni Gina sa kaibigang si Thalia. Naka-free style siya ng
“YES po wifey, mahal na mahal ko kayo ni baby Jacob, malapit na ako kina -----“ biglang nawala ang tawag at isang malakas na pagsalpok ang narinig ni Thalia. Labis ang kabang kanyang nararamdaman. Paano kung may nangyaring masama sa kanyang asawa? Oh my God hindi niya kakayanin yun. Tila nanlamig ang aking buong pakiramdam sa isipin na baka kung anong nangyari sa aking asawa. Tinawagan ko sina mommy Carmen upang ipaalam ang nangyari. Maya-maya pa ay tumawag si Claire at sinabing buksan ko ang television. Mabilis kong hinanap ang remote nanginginig ang aking dailri sa pagpindot sa on button nito at paglipat sa channel na sinabi ni Claire. Nabitawan ko ang remote dahil sa aking napanuod sa TV. Ang sasakyan ng asawa ko ay bumaliktad. Ayon sa impormasyon ay nabanng ito ng mabilis na truck dagdag pa ng madulas na kalsada kaya naman umislide daw diumano ang sasakyan ni Earl at napabangga sa barrier sa kalsada at dahil sa impact ay bumaligtad pa ito. “Ma’am jusko, huminahon po kayo,” na
TUWING GABI ako ang kasama ng asawa ko. Kinailangan ko ding mag-file ng indefinite leave upang mabantayan ito. Hindi din naman ako makakapag-focus sa work ko kung ganito ang kalagayan niya. Iniisip ko na baka sign na ito upang magresign ako sa pagtuturo. Sa umaga ay umuuwi ako upang matignan naman si baby Jacob although naman si mommy Caroline. Si mommy Carmen naman ay pinapalitan ako kapag uuwi ako sa condo naming ni Earl.Araw-araw para akong nauupos na kandila sa tuwing walang response or improvement sa kalagayan ni Earl. Almost one week na siyang tulog. Si Miguel ay ganoon din at binabantayan naman ito ni Claire, araw-araw din itong bumibisita sa kuya niya, nasa iisang ospital lamang naman sina Miguel.Ang kapatid niyang si Carlos muna ang nag-aasikaso ng kompanya ni Earl. Ang ilang mga kaibigan din niya ay dumalaw dito at kinumusta siya. Pinapalakas nila ang loob namin.Hindi ko alam pero pakiramdam ko may bukal yata ako ng luha, sa tuwing nakikita ko ang aking asawa sa kanyang k