“THALIA!” napalingon agad siya sa tumawag. Ang kaibigan pala niyang si Gina. Natatandaan niyo pa siya? Oo siya nga yun, ang girlfriend ni Kent. Buntis din ito noon katulad niya at nagkaroon ng problema ang dalawang magkasintahan kaya naman si Kent ay laging nalapit noon kay Thalia upang humingi ng tulong at magbakasakali na makita ang buntis na girlfriend. Ngunit nabigyang malisya noon ni Earl at nagkataon din na may ginagawang paninira sa kanila si Ronaldo Anda kaya naman parang tugmang-tugma ang pangyayari. Kaya nabuo sa isipan noon ni Earl na may relasyon ang dalawa at ito ang ama ng ipinagbubuntis noon ni Thalia dahil may narinig pa si Earl habang nag-uusap ang dalawa na nabigyan ng maling pakahulugan ng lalaki. Ang nangyari inaway ni Earl si Thalia at iniwan sa kalye na mag-isa at napahamak ito. Sino nga ba ang muntik nang bumangga noon kay Thalia? Aksidente kaya yun o sinadya? “Kumusta ka na my friend?” nakangiting tanong ni Gina sa kaibigang si Thalia. Naka-free style siya ng
“YES po wifey, mahal na mahal ko kayo ni baby Jacob, malapit na ako kina -----“ biglang nawala ang tawag at isang malakas na pagsalpok ang narinig ni Thalia. Labis ang kabang kanyang nararamdaman. Paano kung may nangyaring masama sa kanyang asawa? Oh my God hindi niya kakayanin yun. Tila nanlamig ang aking buong pakiramdam sa isipin na baka kung anong nangyari sa aking asawa. Tinawagan ko sina mommy Carmen upang ipaalam ang nangyari. Maya-maya pa ay tumawag si Claire at sinabing buksan ko ang television. Mabilis kong hinanap ang remote nanginginig ang aking dailri sa pagpindot sa on button nito at paglipat sa channel na sinabi ni Claire. Nabitawan ko ang remote dahil sa aking napanuod sa TV. Ang sasakyan ng asawa ko ay bumaliktad. Ayon sa impormasyon ay nabanng ito ng mabilis na truck dagdag pa ng madulas na kalsada kaya naman umislide daw diumano ang sasakyan ni Earl at napabangga sa barrier sa kalsada at dahil sa impact ay bumaligtad pa ito. “Ma’am jusko, huminahon po kayo,” na
TUWING GABI ako ang kasama ng asawa ko. Kinailangan ko ding mag-file ng indefinite leave upang mabantayan ito. Hindi din naman ako makakapag-focus sa work ko kung ganito ang kalagayan niya. Iniisip ko na baka sign na ito upang magresign ako sa pagtuturo. Sa umaga ay umuuwi ako upang matignan naman si baby Jacob although naman si mommy Caroline. Si mommy Carmen naman ay pinapalitan ako kapag uuwi ako sa condo naming ni Earl.Araw-araw para akong nauupos na kandila sa tuwing walang response or improvement sa kalagayan ni Earl. Almost one week na siyang tulog. Si Miguel ay ganoon din at binabantayan naman ito ni Claire, araw-araw din itong bumibisita sa kuya niya, nasa iisang ospital lamang naman sina Miguel.Ang kapatid niyang si Carlos muna ang nag-aasikaso ng kompanya ni Earl. Ang ilang mga kaibigan din niya ay dumalaw dito at kinumusta siya. Pinapalakas nila ang loob namin.Hindi ko alam pero pakiramdam ko may bukal yata ako ng luha, sa tuwing nakikita ko ang aking asawa sa kanyang k
“OH my God what we are going to do now Teddy?” nag-aalalang sabi ni Carmen sa asawa. Nasa labas sila ngayon ng silid ni Earl sa ospital. Pinatulog muna ng doktor si Earl dahil nakaramdam ito ng biglang pagsakit ng ulo. Si Thalia ay nanatailing nasa isang tabi at hindi makapaniwala sa nangyari. Ang bilis naman na maglaho ng kasiyahan na nararamdaman nila, halos anim na buwan pa lang mula noong nagkaayos sila tapos ito na naman. Bakit ba uso ang amnesia? Ang mommy niya tapos si Earl naman ngayon. “Hija,” marahang pagtawag ni Carmen sa daughter-in-law niya. Higit sa lahat alam niyang si Thalia ang pinakang-nasasaktan ngayon dahil ibang alaala ang mayroon ang anak niya sa asawa niya. “Kakayanin ko po mommy, may tiwala po ako kay Earl na babalik din agad ang alaala niya,” humihikbing sagit ni Thalia. “I’m sorry, hindi ko alam kung paano pagagaanin ang loob mo kasi alam kong mahirap ang lahat ng ito para sa iyo,” niyakap ni Carmen ang manugang. “Don’t worry hija, everything will be oka
SAMANTALA, hinihingal na nagising si Carolina dahil sa kanyang panaginip, ngunit panaginip ba talaga ito o isa sa kanyang alaala. Ang tagpong yun parang nakapamilyar sa kanya, kitang-kita sa mga mata niya ang paghanga sa kausap ngunit hindi naman kita ang mukha kung sino ito, ngunit sa blurry vision niya dito ay sigurado siyang lalaki ito. Pagka-almusal niya ay nagpasama siya sa kapatid na si Antonio sa kanyang doctor upang sabihin ang tungkol sa kanyang panaginip. Nais na niyang makaalala pakiramdam niya mayroon siyang dapat na malaman mula sa kanyang nakaraan. Lately, pakiramdam niya ay ,ay kulang may nawawalang bahagi ng kanyang buhay. “Well, that’s a good sign but please don’t force yourself. Take it easy baka kasi makasama din sa iyo kapag pinilit mong makaalala.,” paliwanag sa kanya ng doctor. “I really wanted to remember about my past doc. Parang kasing there’s something that is missing,” frustrated na sabi ni Carolina. Noon naman ay wala siyang ganoong pakiramdam ngunit lat
“MA, Pa. Nag-asawa na po ako, sa Canada po kami nagpakasal,” nakangiting bungad ni Domingo sa mga magulang nang sunduin nila ito sa airport at marahang hinarap ang asawa niyang si Carolina. Maganda talaga ito kaya hindi na nakapagtataka na magustuhan ito ni Domingo. Ngumiti si Carolina kina Mang Gibo at Aling Ana at halatang medyo nahihiya pa ito. Tila nag-aalangan kung matatatanggap ba naming siya o hindi. Kaya naman si Ana na ang unang yumakap dito. “Welcome to the family hija,” malambing na sabi ni Ana. Naluha naman si Carolina pagkadinig doon. HInaplos ni Domingo ang likod ni Carolina to comfort his wife. Sinabi nila sa babae na papa at mama na din ang itawag sa kanila. Sa pagtulog ni Carolina ay hindi niya mawari kung ang nakaraan ba ang kanyang napapanaginipan or basta panaginip lang talaga ito. Araw-araw niyang hinihiling n asana ay bumalik na ang kanyang memorya. Ang hirap mangapa sa dilim. Yung hindi moa lam kung saan ka galing at kung saan ka tutungo. Kahit andiyan na
RAMDAM na ramdam ni Thalia ang pigging cold ni Earl sa kanya, ilang araw na mula nang makauwi sila at talaga namang malaki ang nagbago sa pagtrato sa kanya ni Earl. Given naman yun dahil nga may amnesia ito at si Caroline ang naaalala nitong nobya niya. Though may mga kinuwento na dito si Ronaldo ang ama ni Caroline na siyempre ay hindi ang totoong kuwento kaya naman siya ang lumabas na masama sa paningin ng asawa niya. At sa dinamidami nang maaari nitong maalala ay yun pang eksena na narining ni Earl na nag-uusap sila ni Kent about sa baby nito at ni Gina na na-misinterpret noon ni Earl at inakalang ang tinutukoy nito ay ang baby sa sinapupunan niya. Napabuntong-hininga na lamang si Thalia dahil sa sitwasyon nila ngayon. Dahil din sa sitwasyon nila ni Earl ngayon ay napilitan na siyang mag-resign sa trabaho. Nais niya na nasa tabi siya ni Earl habang nagpapagling ito. Hindi pa din makakapasok ang asawa niya sa opisina dahil sa kalagayan nito. Bukod sa may amnesia ito ay naka-cast pa
GABI na ngunit wala pa din si Earl kaya naman hindi maiwasang mag-alala ni Thalia nang husto sa asawa. Nakararamdam din siya ng matinidng selos lalo na at alam niyang kay Caroline ito pupunta. Hindi din niya maiwasang magalit kay Caroline dahil sa inaasta nito ngayon, gayundin ay alam niyang masasaktan ang kanyang pinsang si Daniel dahil dito. Ano ba kasing gustong mangyari ni Ronaldo Anda? Wala siyang magawa dahil nabilog na nito ng husto ang ulo ng asawa niya. Naging madali dito ang lahat upang siraan ang imahe niya sa asawa dahil sa pagkaka-amnesia nito. Tapos sa dinami-dami ng pwede maalala ni Earl yung tagpo pa nung tungkol kay Kent kaya lalo tuloy itong nakumbinsi sa paninira ni Ronaldo sa kanya. Ano kayang ginagawa nina Earl at Carolina ngayon? Hindi maiwasang maisip ni Thalia. “Put your hands on the tiles ma’am,” Earl huskily told me. Napakaseksi nitong pakinggan kaya para naman akong nahihipnotismo na sumunod sa kanya. Napakagat pa ako sa labi dahil sa excitement na narara