MATAPOS ang panaginip na iyon ay hindi na ulit nakatulog pa si Earl. Hindi din niya hinanap pa si Caroline kung nasaan ito. Mabilis siyang tumayo at inayos ang sarili. Uuwi na siya. Hindi niya maintindihan ang sarili ngunit nag-aalala siya. Paano kung malaman ni Thalia na dito magkasama sila kanina ni Caroline sa silid nito. Damn! Ano ba itong nararamdaman niya. Naguguluhan na siya. Nagtatalo ang isip at damdamin niya. Naglalaban ang dalawa at hindi niya maintindihan kung ano ang kanyang susundin. Nakakabaliw din pala ang may amnesia. Habang nagmamaneho ay ipinagdarasal niya na sana ay tulog na ang asawa niya. Naalala pa niya ang narinig niyang turan ng kanyang asawa nang minsang silipin niya ang silid ng anak daw niyang si baby Jacob. “huwag tayong mapagod maghintay sa pagbalik ng memory ni daddy anak ha. Yung kasama na tayo.” “huwag tayong mapagod maghintay sa pagbalik ng memory ni daddy anak ha. Yung kasama na tayo.” Tila paulit-ulit niya itong naririnig. Hanggang sa nakaramd
GALIT na GALIT si Ronaldo sa anak na si Caroline sapagkat hindi nito sinunod ang ipinga-uutos niya. Ang gusto niya lang naman ay magising si Earl na magkatabi ang anak at ito at isipin ng lalaki na may nangyari sa kanila. Ngunit si Caroline ay lumipat sa kabilang silid at doon natulog. Palusot nito ay ayaw niya ang amoy ni Earl dahil sa ininom nitong alak kanina. Ngunit lihim siyang napangisi nang muli niyang buksan ang kanyang cellphone. Well, hindi pa naman siya tapos. “they will feel it! Thalia will suffer for them,” puno ng hinanakit na bulong ni Ronaldo. Nag-aalala naman si Carolina habang pinapanuod ang ama. Hindi na niya ito mapigilan pati siya ay ginagamit nito sa ginagawang paghihiganti. Oo nagagalit din siya kina Ms. Carolina pero hindi naman tama ang ginagawa ng kanyang ama. Tapos naaapektuhan na din ang relasyon nila ni Daniel. Masaya siyang napahawak sa kaniyang sinapupunan, siguradong matutuwa si Daniel kapag sinabi niya dito ang magandang balita. Hindi maaaring malam
TILA nangamatis naman si Thalia sa tinuran ng kanyang asawa. Ang totoo kasi kahit na siyempre ginagawa na nila yun bilang mag-asawa ay may oras pa din na siya ay nahihiya at naiilang. Natutuwa siya na binibigyan ni Earl ng chance ang sarili nito na makilala siya.Ngunit hindi din niya maiwasang maisip kung paano na kaya si Caroline, nang magising si Earl noon ay ito agad ang hinanap nito. Bakit kaya bigla nagbago ang damdamin ng asawa niya gayong hindi pa naman ito nakakaalala? Dahil nga kaya sa sinasabi nito na napanaginipan nito na nagmi-make love sila?Ngunit ano man ang dahilan ay hindi na mahalaga ang mahalaga ay ayos na sila ni Earl ngayon. Ang pamilya nila.Masaya niyang pinapanuod ang mag-ama naglalaro sa sala. Madalas nakikita niyang hinahagkan ni Earl ang anak. Siguro naman ay ramdam na ngayon ni Earl na anak niya si Jacob. Sana ay hindi na magbago ang isip ni Earl, sana wala na itong ibang pakinggan pa na puro paninira at pawang kasinungalingan lamang ang sinasabi sa asawa
(Ang chapter na ito ay alaala ni Carolina) KINAKABAHAN at NATATAKOT man ay napagpasiyahan pa rin ni Carolina na umuwi ng Pilipinas. Nag-ingat siya upang hindi malaman ng kanyang pamilya na bumalik na siya dito sa Pilipinas. Hindi niya kinontak ang kanyang mga kaibigan upang hindi magkaroon ng hinala ang kanyang daddy at kuya Antonio. “Saan kita makikita Ronaldo,”naibulong na lamang ni Carolina habang sakay siya ng taxi. Namiss niya ang Pilipinas. Maraming magagandang alaala dito lalo na ang pag-iibigan nil ani Ronaldo. Nakangiting siyang tumingin sa natutulog na anak, si Thalia ang anghel na magbibigay ng walang hanggang kasiyahan sa kanila ni Ronaldo. Iniisip niya kung ano na kaya ang ginagawa ng lalaking mahal niya ngayon. Halos tatlong taon na mula ng makapagtapos ito ng kolehiyo. Ga-graduate na ito noong nagkalayo sila. “Hinihintay mo pa rin ba ako mahal ko,” naisatinig niya nang mahina. Nasasabik na siyang makita ito. Sigurado siyang hinanap siya nito. Nakikita niya ang masay
(Ang chapter na ito ay alaala ni Carolina)NAPAKASAYA ni Carolina dahil sa wakas ay magkikita na sila ni Ronaldo. KInakabahan pa naman siya dahil malapit na kasing maubos ang pera niya na inilaan sa pag-uwi nila dito sa Pilipinas. Nakakahiya naman kung mangungutang na naman siya kay Briana.Excited siya habang sakay ng taxi, iniisip na niya agad ang kasiyahang ipakikita ni Ronaldo kapag nagpakita siya dito, kasama ang princess nila.Nang makababa silang mag-ina ng taxi ay agad siyang pumasok sa hotel at sa conference na gaganapin. Mukhang hindi naman mahigpit dahil pinapasok naman siya ng guwardiya. Naisip tuloy niya na hindi nagbago ang lalaking mahal niya hanggang ngayon ay may kababaan pa din ito ng loob.“Let us all welcome, our new CEO Mr. Ronaldo Anda,” narinig niyang sabi ng host. Tila ba nagkabuhol-buhol ang pagtibok ng puso niya. Napakaguwapo lalo ni Ronaldo, bagay na bagay ang suot niotng business suit.Maraming mga katanungan ang mga narinig niya at lahat yun ay nasagot ng b
(Ang chapter na ito ay alaala ni Carolina) “Oh my God , I’m sorry sir,” hinging paumanhin niya sa lalaking nabangga niya. Hayst ano ba naman iyan kakaumpisa pa lang niya sa trabaho eh. “It’s ok no problem,”nakangiting sab isa kanya ng lalaki. “Thank you sir. By the way do you already have a table?”she’s thankful that the man is understanding. “I don’t have yet, would you mind?”sagot naman nito sa kanya. “Yeah, you can have this table sir, if you are alone,”iginiya niya ang isang mesa na may dalawang bangko, puwede naman ito if may date siya. “Yeah, I’m alone, used to it already,”medyo ma-emote na sagot ng lalaki sa kanya na nakapagpangiti sa kanya. At least hindi lang siya ang nag-e-emote. “Ang emo naman,”bulong niya sa kanyang sarili. “Haha hindi naman masyado,”napalingon siya sa lalaki nang marinig niyang magsalita ito ng Pilipino. “Pinoy ka?”nakangiting tanong niya dito. Mabilis namang tumango ang lalaki na nakangiti pa din. Ang ganda naman ng mga ngipin nito. Papuri niya
(Present)“GOOD AFTERNOON po Sir Ronaldo,”nakangiting bati ng receptionist kay Ronaldo kasama niya si Caroline ngayon sa kompanya ni Earl. Masaya ang nararamdaman niya dahil mukhang magtatagumpay siya sa kanyang plano. Baka nga nag-aalsa balutan na ngayon si Thalia at ang anak nito. Nakita niya kung paano malaglag ang mga luha nito nang ipakita niya ang larawan ng anak na si Caroline at ni Earl na magkayakap na natutulog.Well, totoo naman talaga yung larawan na yun. Marahil ay sa epekto ng ipinainom niya kay Earl ng gabing yun. Mabuti nga at naki-cooperate si Caroline at pumayag na kuhaan ng larawan silang dalawa ni Earl. Ngunit ngayon ay tila nagbabago ang isip niyo, pero siyempre hindi siya papayag na mabulilyaso ang plano niya, alam na alam niya kung paano mapapasunod ang anak – si Daniel lang naman ang alas niya laban dito.“Hello Teddy nice to see you again,”wika agad ni Ronaldo nang walang sabi-sabi na pumasok sa opisina ni Earl, na kung saan ay seryosong nag-uusap ang mag-ama
MABILIS na nagtungo si Earl sa mansiyon ng mga Montefalco upang puntahan ang asawa at kausapin. Hindi niya lubos maisip na mangyayari ito. Bakit nga ba kasi nagpadala siya sa emosyon noong mga panahon halos wala pa talaga siyang maalala. Nagpadala din siya sa sulsol ni Ronaldo kaya nagkagayon. Ngunit ngayong unti-unti nang nakikilala ng kanyang puso ang kahalagahan ng kanyang asawang si Thalia ay saka naman nagkaganito. Alam ni Earl sa sarili niya na wala talagang nangyari sa kanila ni Caroline kaya naman hindi niya din siya halos makapag-react kanina sa ibinalita ng mag-ama. Oo, nalasing siya ngunit kilala niya ang sarili at ramdam niya na wala talagang nangyari, kasi ayon sa pagkakatandan niya ay nakatulog lang siya pagkatapos na pumasok sila sa silid ni Caroline ng gabi na yun. Ngunit paano niya mapapatunayan yun kung mismong kay Caroline galing na siya ang ama ng ipinagbubuntis nito. He should be happy, di ba? Kasi sa alaalal niya ngayon ay si Caroline ang kasintahan niya at ito