MABILIS na nagtungo si Earl sa mansiyon ng mga Montefalco upang puntahan ang asawa at kausapin. Hindi niya lubos maisip na mangyayari ito. Bakit nga ba kasi nagpadala siya sa emosyon noong mga panahon halos wala pa talaga siyang maalala. Nagpadala din siya sa sulsol ni Ronaldo kaya nagkagayon. Ngunit ngayong unti-unti nang nakikilala ng kanyang puso ang kahalagahan ng kanyang asawang si Thalia ay saka naman nagkaganito. Alam ni Earl sa sarili niya na wala talagang nangyari sa kanila ni Caroline kaya naman hindi niya din siya halos makapag-react kanina sa ibinalita ng mag-ama. Oo, nalasing siya ngunit kilala niya ang sarili at ramdam niya na wala talagang nangyari, kasi ayon sa pagkakatandan niya ay nakatulog lang siya pagkatapos na pumasok sila sa silid ni Caroline ng gabi na yun. Ngunit paano niya mapapatunayan yun kung mismong kay Caroline galing na siya ang ama ng ipinagbubuntis nito. He should be happy, di ba? Kasi sa alaalal niya ngayon ay si Caroline ang kasintahan niya at ito
NAG-AALALA si Carolina sa anak na si Thalia nang malaman niya mula kay Earl na umalis ito sa kanilang condo unit. Ngayon pa nga lang siya nag-uumpisang sulitin ang mahabang panahon na nagkahiwalay sila tapos nangyari naman ito. “Princess, we will do everything para makita agad natin sina Thalia. Don’t worry too much baka makasama saýo,”nag-aalalang sabi ni Antonio sa kapatid na si Carolina. Although sobrang nag-aalaal din siya sa kanyang pamangkin. “Kuya, ngayon pa lang kami nabibigyan ng pagkakataon na makilala at makasama ang isa’t isa pero may ganito namang pinagdaraanan ang anako ko. Nag-aalala ako, paano kung hindi maayos ang kalagayan? Paano kung mapahamak sila ng apo ko?,”umiiyak na sabi ni Carolina . “Damn that Earl! Paano niya nagawang buntisin si Caroline? For Pete’s sake, Caroline is Daniel’s fiancée. Ano na lang mararamdaman ng anak, lalo na ngayon his company is facing a lot of problems.”napapabuntong-hininga na lamang na sabi ni Antonio. “What? So yan ang dahilan kung
“RONALDO, please pakinggan mo ako,”nagsusumamong pahayag ni Carolina dito. Ngunit nanatiling matigas ito sa kanya. Hindi siya binigyan ng pagkakataon na masabi ang katotohanan tungkol sa kanilang anak. Binabaan pa siya ng telepono. Sa kabilang banda, pagkababa naman ni Ronaldo ng telepono ay tila nagsisi siya. Miss na miss na niya si Carolina, kanina nang marinig ang boses nito ay may kung anong humaplos sa puso niya. Kaya lang sa tuwing maalala niya ang ginawa nitong pagtanggi na sumama sa kanya ay umahon ulit ang galit sa puso niya. Ano kaya ang sasabihin nito sa tungkol sa kanilang anak? Nagsisi lalo siya nang maalala ang anak nil ani Carolina. Babae kaya ang anak nila o lalaki? Nang bumaba sa hagdan si Antonio ay nakita niyang umiiyak ang kapatid na si Carolina habang hawak ang telepono. Nahulaan na niya na marahil ay hindi maganda ang naging pag-uusap nito at saka ni Ronaldo. Galit siguro ang huli sa kapatid. Ngunit dapat maintindihan ni Ronaldo na may amnesia noon ang kapatid
“GOOD MORNING son,”nakangiting bati ni Carmen sa anak na si Earl nang dumulog ito sa hapag kainan. Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam niya matapos maisip na maaaring magkasama sina Thalia at Claire ngayon. Medyo namula naman ang kanyang pisngi nang maalala ang intimate moment nilang mag-asawa. Naramdaman niya ang pagpisil sa kamay niya ng kanyang asawa na si Teddy at kinintalan siya ng halik sa pisngi.“Ugh, really Mom and Dad? Sa harap ko pa talaga,”tila nang-aaasar naman na sabi ni Earl sa mag-asawa. Lalo niya tuloy naramdaman ang pangungulila sa asawang si Thalia. Ang dami na niyang naalala mula nang umalis ito isang linggo na ang nakararaan. Bakit naman kung kailan ito nawala saka naman nagbabalik ang mag alaala niya. He can’t help but to get frustrated.“Anak don’t mind us ni daddy mo okay. Alam ko naman na medyo naiinggit ka dahil nga siyempre wala si Thalia,”may panunukso na sabi ni Carmen sa anak na nakapagpasimangot naman dito.Hindi naman maintindihan ni Earl ang mmommy at
“MAGANDANG UMAGA sa inyong mag-ina,” bati ni Lola Tinding sa mag-ina ni Thalia at baby Jacob. Ilang araw na rin sila dito sa Atimonan, Quezon. Ang kaibigan niyang si Gina ay dito din tumuloy noong panahong lumayas ito sa kanila. Mayroon kasi itong pinsan dito. Sakto naman na mayroong pinapaupahang bahay ang pinsan ni Gina na si Mariz. Si Gina ang tanging nakakaalam kung nasaan siya. Gulong-gulo na kasi siya at hindi malaman ang gagawin mula nang malaman niyang nabuntis ni Earl si Caroline. Pakiramdam niya ay tinraydor siya ni Earl.Noong sinabi ni Mr. Ronaldo na buntis si Caroline at si Earl ang ama ay tila may ialng libong punyal ang tumusok sa kanayng puso. Ganoon palay un no, ngayon intending-intindi na niya yung mga asawa na niloloko ng asawa nila. Grabe ang sakit.Oo nga at may amnesia si Earl pero hindi naman niya akalain na aabot ito sa pakikipagsiping kay Caroline, inaasahan niya na at least man lang ay maco-consider nito na may asawa siya at hindi maganda ang makipagsiping sa
MALALIM na ay hindi pa din makatulog si Thalia. Hindi maiwasang mapaiyak siya nang maalala niya na mula sa masayang pagsasama nil ani Earl ay nauwi sila sa ganitong sitwasyon. Natanggap niya noon ang kalagayan ni Earl nang makalimutan nito ang pagmamahalan nila at maalala lamang ang sa nakaraan nila noon ni Caroline. Inuunawa niya dahil nga alam din nila na nang magising ito ay sinamantala ni Ronaldo at siniraan siya nang husto. Tapos sakto pa ang naaalala nito ay si Caroline.Naaawa siya sarili, imagine yung mommy niya si mommy Carolina ay may amnesia din at hindi pa din siya lubos na nakikilala bilang anak ngunit ang mabuti naman ay nagnanais ito na makasama siya at ramdam niya ang pilit nito na ipinararamdam sa kanya ang pagiging ina.Ngayon ay ang asawa naman niya ang may amnesia. Ang suwerte ko naman. Napangiti siya nang mapait dahil sa naisip. Kailan ba siya magiging masaya nang walang katapusan.Naalala niya mula noong umuwi si Earl galing ospital mula sa pagkakaaksidente nito a
SA MGA PANAHON na walang maalala si Earl ay nagdulot ito ng pasakit sa damdmin ni Thalia. Ang dami niyang mga pagkakataon na tiniis mula ng magkaroon ng amnesia si Earl, pinilit niyang kayanin lahat ng iyon. Laking tuwa at pasasalamat niya nang minsan ay umuwi si Earl na tila may malaking pagbabago sa sarili though hindi pa din nito naaalala ang lahat lahat.Ang laki ng kanyang pasasalamat dahil tila naliwanagan ang kanyang asawa noon at binigyan sila ng pagkakataon. Mula noon ay hindi na ito nakikipagkita kay Caroline. Madalas na din si Earl noon na nasa condo unit nila habang patuloy na nagrerecover at ang higit na nakapagbigay sa kanya ng kasiyahan ay ang pagbibigay atensiyon nito sa kanilang anak na si baby Jacob. Kung noon ay ayaw man lamang nito itong tingnan, ngayon ay inaalagaan ito ni Earl at madalas pa itong makipaglaro. Nakita niya ang kasiyahan sa mga mata ng asawa.Gayundin ay naramdaman niya ang pagiging gentle nito sa kanya, unlike noon na laging nakasigaw at nakasimang
MASAYANG-MASAYA si Thalia na ibinalita sa kanyang mga biyenan at ina na okay na sila ni Earl kahit na hindi pa ito nakakaalala nang lubusan. Nakabalik na din si Earl kompanya ngunit ito ay patuloy na ginabagayan pa din ng amang si Teddy. Kahit nasa opisina si Earl ay tinatawagan siya nito upang kumustahin silang mag-ina. Maayos na ang lahat ngunit ang halos isang buwan niyang kasiyahan ay napalitan ng tila sampong punyal na itinusok sa kanyang puso. Hindi niya inaasahan ang pagdating ng mag-ama na sina Ronaldo at Caroline. Halos parang sasabog ang ulo niya nang marinig ang sinabi ni Ronaldo na buntis ang anak nitong si Caroline at si Earl ang ama. Ginusto niyang kumpirmahin kay Caroline ang katotohanan dahil naniniwala siyang mahal nito ang pinsan niyang si Daniel ngunit siya ay nabigo. Sinabi nito na si Earl ang ama ng ipinagbubuntis nito. Maraming sinabi si Ronaldo na hindi kayang tanggapin ng kanyang damdamin, kulang ang salitang napakasakit para ilarawan ang kanyang nararamdama