WALANG NAKUHANG sagot si Earl kay Caroline kundi ang bagay na ayaw niyang marinig mula dito. Umuwi siya sa kanilang mansiyon na tila ba talong-talo ang pakiramdam. Ang kanyang inang si Carmen ay nag-aalala na sa anak lalo na hindi pa ganoon ang kaayos ang kalagayan nito. Baka makasama kay Earl ang mga nararanasan nito. “Anak, jusko anong nangyari s aiyo?”nag-aalalang sabi ni Carmen nang makita si Earl na putok ang labi at medyo parang hindi maayos ang paglalakad. Sinundan niya ang anak sa silid nito.“I went to Caroline’s unit then nagpang-abot kami ni Daniel. Galit na galit siya at kitang-kita ko sa mga mata niya ang sakit,”disoriented na sabi ni Earl sa ina.“Buti na lang nakapag-drive ka pa. Anak please be careful,” hinaplos ng ina ang likod ng anak na si Earl. Hindi napigilang mapahagulhol sa pag-iyak si Earl. Actuallu he took a cab dahil hindi niya kayang mag-drive. Bukod sa hilo ang pakiramdam niya ay hindi din maayos ang pag-iisip niya dahil sa nangyari.“Mom, I don’t know wha
“AY NAKU SORRY PO,”mabilis namang napahiwalay sa isa’t isa sina Ronaldo at Carolina. Masamang tiningnan ni Ronaldo ang kasambahay. Damn! He said to his self.“Tulungan mo ang maám Carolina mo na ilipat ang mga gamit niya sa silid ko,”paasik na sabi ni Ronaldo kay Minde sa kasambahay nila.“Opo sir,”nakangiting sabi ni Minde. Bata pa si Minde tila nasa bente anyos lamang ito. Galing ito sa isang malayong bayan sa Aurora.“Maám alam niyo po, ang laki po ng pinagbago ng awra ng sir Ronaldo mula nang dumating kayo dito. Kahit na galit pa din po siya ay mukha pa din pong masaya siya,”tila nanunuksong sabi ng dalaga kay Carolina.“Bakit ano ba dati ang awra niya?”nakangiting tanong niya kay Minde. May tuwa siyang naramdaman sa puso niya.“Ay naku maám dati po ay titingnan pa lang po kami ni sir ay nakakapanginig na po sa takot eh, ngayon po kasi kahit galit siya magaan pa din an awra niya. Siguro po masaya si sir dahil andito kayo ngayon,”dagdag pa ng dalaga.Naisip ni Carolina, sana maibal
“GAGAWIN ko ang lahat para sa anak ko,”ang naging makahulugang sagot ni Carolina sa tanong niya. Naguguluhan man sa sagot ng biyenan ay hindi na siya nagtanong pa, hindi kinakaya ng damdamin niya ang nakikitang galit sa mga mat anito para sa kanya. Hindi sinabi ni Earl ang totoo kay Carolina pinanindigan niya na mas makakabuti yun para mas mapadali ang pagtuklas niya sa totoo.Ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay pareho lamang naman sila ng pakay ng kanyang biyenan.Mabigat ang loob na umuwi si Earl sa kanilang mansiyon. Hindi siya umuuwi muna sa unit na tinitirhan nilang mag-anak dahil hindi niya kaya, pakiramdam niya sinasakal siya sa pangungulila. Ganoon pala talaga, kapag nawala yung tao na andiyan palagi sa tabi mo saka mo lang mararamdaman ang halaga niya. Dahil sa amnesia niya ay nakalimutan niya ang asawa ngunit hindi siya nito man lang inaway or kaya ay sinumbatan sa kabila ng lahat ng mga ginawa niyang pagkakamali dala ng kanyang amnesia.Naisip ni Earl marahil ay masyado na
“GOOD MORNING,”nakangiting bati ni Carolina kay Ronaldo. Maagap siyang gumising kanina at tulog na tulog ito kaya hindi naramdaman ang pagbangon niya. Nagluto siya ng paborito nitong almusal, sinangag at saka ginisang dilis. Naaalala niya ng ipatikim sa kanya ito ni Ronaldo noong unang beses na doon siya natulog sa apartment nito noon. Noong una ay parang ayaw pa niyang kainin dahil hindi naman siya sanay na kumain ng mga ganito.Nakita niyang titig na titig si Ronaldo sa niluto niya. Kaya naman nilapitan niya ito na hinawakan sa balikat at iniiupo sa bangkong puwesto nito sa hapag kainan. Wala naman itong imik na sumunod sa kanya. Nilagyan niya ng sinangag at dilis ang pinggan nito.“Kain na, di ba paborito mo yan,”nakangiting saad niya sa lalaki. Nakita niya ang pagtataka at paglambot ng ekspresyon sa mukha nito. Tila nakita niya ang dating Ronaldo. Walang imik na sumubo ito at napapikit pa ito.“Naalala ko noon, noong unang beses akong nagluto ako nito noon. Sunog at hindi mo makai
“HI,”naiilang na sabi ni Carolina nang maramdaman niyang nagising na din si Ronaldo. Hinaplos pa nito ang kanyang buhok at kinabig siya nang bahagya upang mas mapalapit pa siya dito. Hindi naman niya maitatanggi sa sarili na masaya siya sa mga nangyaru. Medyo nahihiya pa sya sa sarili dahil nag kuwarenta na siya pero nakakaramdam siya ngayon ng kilig dahil sa nangyayari sa kanila ni Ronaldo.Sana nga lang ay magtuloy-tuloy na upang maging masayang pamilya na sila. Kung sasabihin niya kaya ngayon ang totoo kay Ronaldo pakikinggan kaya siya nito?Nakatitig lamang si Ronaldo kay Carolina at parang kinakabisado ang mukha nito. Kailan ba siya huling gumising na ang mukha nito ang una niyang nasilayan? Masaya ang nararamdaman niya ngayon, ito yung matagal na niyang pinangarap noon. Ang nangyari sa kanila kagabi ay nais niyang aging simula nilang dalawa upang maging mas maganda na ang kanilang buhay. Alam niya at ramdam niya nang muling ipagkaloob ni Carolina ang sarili sa kanya na may puwan
MABILIS NA DINALUHAN ni Daniel si Caroline nang makitang nawalan ito ng malay. Marami ding nakiusyoso sa nangyari ngunit tinulungan naman si Daniel ng mga staff ng restaurant upang dalhin madala niya ang dalaga sa kanyang sasakyan. Mabilis niya itong sinugod sa ospital. Puno ng pag-aalala ang puso niya para sa dating nobya lalo na at buntis ito.“Emergency!,”sigaw niya nang makarating na sila sa ospital. Mabilis naman silang dinaluhan ng mga hospital staff. Dinala si Caroline sa emergency room upang masuri ito. Matapos ang halos isang oras ay lumbas ang doctor at sinabing ligtas naman si Caroline. Ayon sa doctor ay stress, sobrang pagod at malnutrisyon ang dahilan kung bakit nawalan ito nang malay.“Ikaw ba ang ama nang ipinagbubuntis niya?” tanong ng doctor kay Daniel at hindi naman siya agad nakasagot. May kung ano sa kaibuturan ng puso niya na nagnanais na siya ang ama ng baby sa tiyan ng dating nobya. Kanina habang papunta sila sa ospital ay abot abot ang kaniyang kaba.“Opo, ilan
“ALING TINDENG, naku eh kumusta na po kayo?” puno nang pag-aalala na sabi ni Thalia sa matanda. Naospital kasi ito dahil bigla na lamang nakaramdam nang paninikip ng diddib.“Ay okay lamang ako, ganoon talaga kapag nagkaka-edad na,” nakangiting sabi naman nito kay Thalia. Ngunit hindi naman kumbinsido ang huli. Nag-aalala pa din siya dito.“Sige Thalia, ihahatid ko muna ang tiya sa kanyang bahay,”paalam naman ni Victor angpamangkin ni Aling Tindeng.Tumango na lamang si Thalia ngunit naisip niya ay mag-isa lamang ito sa bahay nito. Sino na lamang ang tutulong dito pag-inom ng gamot. Naala niya bigla ang kanyang lolo at lola baka nag-aalala na ang mga ito sa kanya. Hays Mabuti na lamang at andoon ang kanyang pinsan kahtit paano ay nababawasan ang kanyang pag-aalala dahil may makakasama naman ang mga ito. Ang kanyang mommy Carolina naman ay nasa hacienda at kasama ng kanyang Tito Antonio at pinsang si Daniel.Napabuntong-hininga siya nang maalala ang kanyang pinsan na si Daniel paano ka
“WHERE have you been son?” may pag-aalala na tanong ni Antonio sa anak na si Daniel. Halos dalawang araw itong hindi umuwi at hindi niya makontak dahil naka-off ang cellphone.“I have met with Caroline,”malungkot na sagot naman nito.“Anak,” mahinang sabi ni Antonio. Naaawa siya sa anak dahil sa alam naman niya kung gaano nito kamahal ang dating nobya.“Dad, anak ko yun eh..mag-ina ko sila dad,”hindi na napigilan ni Daniel ang masabi ang nararamdaman na tinatago mula nang malaman mula sa doctor na tatlong buwan ng buntis si Caroline. Halos dalawang buwan pa lang mula nang makipaghiwalay ito sa kanya.Kahit pa sabihin ni Ronaldo na nagloko si Caroline sa relasyon nila at narealized na mas mahal pala si Earl ay hindi niya magawang maniwala, ganoon niya kamahal ito. Malaki ang tiwala niya rito at saka ramdam na ramdam naman niya ang pagmamahal nito sa kanya. Ipinaglaban siya nito sa ama kaya ano ang sinasabi ni Ronaldo na mas mahal nito si Earl.“Anak, please…huwag mo namang saktan ng hu