MABILIS NA DINALUHAN ni Daniel si Caroline nang makitang nawalan ito ng malay. Marami ding nakiusyoso sa nangyari ngunit tinulungan naman si Daniel ng mga staff ng restaurant upang dalhin madala niya ang dalaga sa kanyang sasakyan. Mabilis niya itong sinugod sa ospital. Puno ng pag-aalala ang puso niya para sa dating nobya lalo na at buntis ito.“Emergency!,”sigaw niya nang makarating na sila sa ospital. Mabilis naman silang dinaluhan ng mga hospital staff. Dinala si Caroline sa emergency room upang masuri ito. Matapos ang halos isang oras ay lumbas ang doctor at sinabing ligtas naman si Caroline. Ayon sa doctor ay stress, sobrang pagod at malnutrisyon ang dahilan kung bakit nawalan ito nang malay.“Ikaw ba ang ama nang ipinagbubuntis niya?” tanong ng doctor kay Daniel at hindi naman siya agad nakasagot. May kung ano sa kaibuturan ng puso niya na nagnanais na siya ang ama ng baby sa tiyan ng dating nobya. Kanina habang papunta sila sa ospital ay abot abot ang kaniyang kaba.“Opo, ilan
“ALING TINDENG, naku eh kumusta na po kayo?” puno nang pag-aalala na sabi ni Thalia sa matanda. Naospital kasi ito dahil bigla na lamang nakaramdam nang paninikip ng diddib.“Ay okay lamang ako, ganoon talaga kapag nagkaka-edad na,” nakangiting sabi naman nito kay Thalia. Ngunit hindi naman kumbinsido ang huli. Nag-aalala pa din siya dito.“Sige Thalia, ihahatid ko muna ang tiya sa kanyang bahay,”paalam naman ni Victor angpamangkin ni Aling Tindeng.Tumango na lamang si Thalia ngunit naisip niya ay mag-isa lamang ito sa bahay nito. Sino na lamang ang tutulong dito pag-inom ng gamot. Naala niya bigla ang kanyang lolo at lola baka nag-aalala na ang mga ito sa kanya. Hays Mabuti na lamang at andoon ang kanyang pinsan kahtit paano ay nababawasan ang kanyang pag-aalala dahil may makakasama naman ang mga ito. Ang kanyang mommy Carolina naman ay nasa hacienda at kasama ng kanyang Tito Antonio at pinsang si Daniel.Napabuntong-hininga siya nang maalala ang kanyang pinsan na si Daniel paano ka
“WHERE have you been son?” may pag-aalala na tanong ni Antonio sa anak na si Daniel. Halos dalawang araw itong hindi umuwi at hindi niya makontak dahil naka-off ang cellphone.“I have met with Caroline,”malungkot na sagot naman nito.“Anak,” mahinang sabi ni Antonio. Naaawa siya sa anak dahil sa alam naman niya kung gaano nito kamahal ang dating nobya.“Dad, anak ko yun eh..mag-ina ko sila dad,”hindi na napigilan ni Daniel ang masabi ang nararamdaman na tinatago mula nang malaman mula sa doctor na tatlong buwan ng buntis si Caroline. Halos dalawang buwan pa lang mula nang makipaghiwalay ito sa kanya.Kahit pa sabihin ni Ronaldo na nagloko si Caroline sa relasyon nila at narealized na mas mahal pala si Earl ay hindi niya magawang maniwala, ganoon niya kamahal ito. Malaki ang tiwala niya rito at saka ramdam na ramdam naman niya ang pagmamahal nito sa kanya. Ipinaglaban siya nito sa ama kaya ano ang sinasabi ni Ronaldo na mas mahal nito si Earl.“Anak, please…huwag mo namang saktan ng hu
“ALING Tindeng, kumusta na po kayo?” mabilis na inalalayan ni Thalia ang babae na papasok sa kanilang bahay. Masayang bati niya dito. Nakangiti naman itong tumugon na mas maayos ang pakiramdam at nakakarecover na.“Eh halina po muna kayo at sabayan niyo na po kami ni baby Jacob na mag-almusal,” mabuti na lamang at nakapagluto siya ng omelet at saka soup para naman kay Jacob.“Ay naku salamat hija, nakakahiya naman ay gusto ko lamang sanang magpasalamat sa iyo sa pagdalaw-dalaw sa akin sa bahay habang akoý nagpapagaling,” sa loob kasi ng isang linggo na nagpapagaling ito ay araw-araw nila itong binibisita ni baby Jacob. Nagkukuwentuhan sila madalas ngunit napansin niya puro noong andito na sa Atimonan ang mga kuwento ni Aling Tindeng, paano kaya siya dati?“la, la , la, “ tawag naman ni baby Jacob kay Aling Tindeng nang makita ito ng bata na papasok sa kanilang bahay. Magiliw naman itong sinuklian ni Aling Tindeng ng yakap sa bata. Mukhang close ang dalawa. Napangiti na lamang si Thali
RINIG ni Ronaldo ang paghikbi ni Carolina. Alam niya na nasasaktan ito sa mga ikinikilos niya at ipinararamdam dito. Nais niya itong yakapin at aluhin ngunit pinigilan niya ang sarili, ayaw niyang umasa na hanggang ngayon ay mahal pa din siya nito although lately ay hindi niya maiwasan na umasa dahil sa mga ikinikilos nito, para silang bumalik sa dati noong magkasintahan pa sila. Ngunit sa tuwing naiisip niya na kaya pinili ni Carolina na tumira sa mansiyon niya ay para yun sa kapakanan ng anak nito at ng namatay na asawa, para kay Thalia kaya siya nasa poder niya.Bumangon siya at pinili na pumunta muna sa library. Pagdating niya sa loob ay binuksan niya ang bote ng alak at nagsalin sa baso at uminom. Hindi na niya alam kung nakailang baso siya ng alak, doon niya binuhos lahat ng galit at sakit sa na nararamdaman ng puso niya. Matapos uminom at bumalik siya sa kanilang silid at ilang minutong pinagmasdan ang babaeng pinakamamahal ngunit ipinangako niya sa sarili na hinding-hindi na s
“WHY didn’t you tell him the truth? Bakit hindi mo ako sinumbong sa kanya?”nagtatakang tanong ni Carolina kay Caroline.“Ayoko lang ng anuman pang argumento. Can’t you see bawal ako ma-stress,”naiinis naman na sagot ni Caroline dito.Hindi naman na sumagot pa si Carolina at napabuntong-hininga na lamang, tila nawalan na naman kasi siya ng pag-asa na magiging maayos ang lahat sa kanila, gusto an din kasi niyang maging maayos din sila ni Caroline. Hindi lang dahil para kay Thalia ngunit yun ang sinasabi ng puso niya.“The doctor said you can go home tomorrow if you there’s nothing unusual occurred to you overnight,”sabi ni Ronaldo na kakabalik lang galing sa doctor ni Caroline. Sabi kasi nito ay ay he really wanted to talk to the doctor personally.Tiningnan ni Ronaldo si Carolina at nilapitan at hinawakan sa kamay, “Let’s go baka mamaya ma -stress mo pa ang anak ako,” masungit na sabi nito. Lumapit muna ito sa anak na si Caroline at hinalikan sa noo at sinabihang mag-iingat. Sinabi din
“WHAT are you saying na bumalik silang mag-ina dito?”naguguluhang tanong no Ronaldo. Hindi niya alam kung kailan nangyari ang sinasabi nay un ni Antonio. Sigurado siya na kung binalikan siya ng kanyang mag-ina noon ay hinding-hindi niya ito tatanggihan.“I don’t know the whole story, my sister can tell you about that,”sagot ni Antonio. He decided not to tell hime though he knows about it but he wanted to let her sister to tel Ronaldo what happened that time. Salubong naman ang kilay ni Ronaldo dahil sa pag-iisip sa bagay na yun.Marami pa silang mga pinag-usapan ni Antonio, marami doon ay ang panahon ng kanilang kabataan at pagiging mabuting magkaibigan. Masaya nilang binalikan ang mga nangyari noon sa kanila. Sa totoo lang ngayon lang ulit nakaramdam ng tunay na kasiyahan si Ronaldo. Kahit nagalit siya kina Antonio hindi pa din maitatanggi na malaking bahagi ng buhay niya ang mga Montefalco, sa kanila nagkaroon siya ng pamilya.“Ronaldo, please forgive us. Sana mapatawad mo na kami,
“NAGSASABI ako ng totoo. Pinalabas niya pa kami ng kompanya. Tapos pumunta pa kami sa presscon mo pero ini-announce mo dun na ikakasal ka na at buntis na si Regina,”humihikbing sabi ni Carolina.Naalala na naman niya ang isa sa pinakamasakit na eksena na yun. Kitang-kita niya kung paano niyakap at hinalikan ni Ronaldo si Regina. Selos na selos siya kaya naman nagalit talaga siya dito.“Hindi ko sinasadya ang nangyari sa amin noon ni Regina, lasing ako at sobrang lungkot ko noon. Halos wala na akong pag-asa na magkikita pa ulit tayo. Pero naisip ko kung magiging makapangyarihan ako ay may pag-asa na mabawi ko kayo. That’s why I grabbed the opportunity to marry Regina at saka dahil magkakaanak na din kami, anak ko pa rin yun eh,” Carolina felt Ronaldo’s pain.“I’m sorry for what they have done to you. Please forgive them, forgive me kung nasaktan ka dahil sa akin. Sana bumalik na yung dating Ronaldo na mahal ko,” nagsusumamong buong puso na sabi ni Carolina kay Ronaldo. She even cupped