“NAGSASABI ako ng totoo. Pinalabas niya pa kami ng kompanya. Tapos pumunta pa kami sa presscon mo pero ini-announce mo dun na ikakasal ka na at buntis na si Regina,”humihikbing sabi ni Carolina.Naalala na naman niya ang isa sa pinakamasakit na eksena na yun. Kitang-kita niya kung paano niyakap at hinalikan ni Ronaldo si Regina. Selos na selos siya kaya naman nagalit talaga siya dito.“Hindi ko sinasadya ang nangyari sa amin noon ni Regina, lasing ako at sobrang lungkot ko noon. Halos wala na akong pag-asa na magkikita pa ulit tayo. Pero naisip ko kung magiging makapangyarihan ako ay may pag-asa na mabawi ko kayo. That’s why I grabbed the opportunity to marry Regina at saka dahil magkakaanak na din kami, anak ko pa rin yun eh,” Carolina felt Ronaldo’s pain.“I’m sorry for what they have done to you. Please forgive them, forgive me kung nasaktan ka dahil sa akin. Sana bumalik na yung dating Ronaldo na mahal ko,” nagsusumamong buong puso na sabi ni Carolina kay Ronaldo. She even cupped
“SIGURADO ka na ba sa gagawin mo hija?”, tanong ni Tindeng kay Thalia.“Opo, gusto kong subukan ulit. Ayaw ko po magsisi sa bandang huli,” buong determinasyon naman na sabi ni Thalia dito. May nakitang siyang kakaibang lungkot sa mga mat ani Aling Tindeng na hindi niya maiplaiwanag kung saan nagmumula.Ilang araw na din niyang pinag-isipan ang gagawin niya. Noong araw na sinabi ng mag-amang Ronaldo at Caroline na buntis ang huli at si Earl ang ama ay nasaktan siya nang husto at mabilis na nagdesisyon na umalis. Hindi man lamang niya nakausap ang mommy niya, ang mga biyenan niya at si Earl. Nakalimutan niya na may amnesia si Earl at nanaig ang sakit ng damdamin na nararamdaman niya.She should have ask him first. She should try to understand the situation. Hindi niya dapat na hinayaan na magatgumpay si Ronaldo sa pagsira sa relasyon nil ani Earl.Buong determinasyon siya na babalik ng Maynila ay aayusin ang isyu nil ani Earl, ngayon kung nabuntis man talaga ni Earl si Caroline ay tatan
MABILIS na umalis ang mag-ina doon. Hindi nakayanan ng kanyang kalooban ang kanyang nasaksihan, tila nakalimutan na sila ng kanyang pamilya, ang bilis naman. Nang makabalik sa condo ay nag-impake silang muli ng kanilang gamit para bumalik sa probinsiya.Gustong-gusto na niyang makauwi sa Quezon upang mapakapagsumbong kay Aling Tindeng.Pagkadating nila ng Quezon ay hindi pa din mapatigil ni Thalia ang sarili sa pag-iyak. Sobrang sakit tila paulit-ulit niyang nakikita ang tagpo na kanyang naabutan sa may gate ng mansiyon ng mga Concha.“Aling Tindeng, hindi ko po akalain na magagawa nila iyon sa akin, kasama doon ang aking ina,”umiiyak na sabi ni Thalia dito. Marahan namang hinahaplos ni Aling Tindeng ang likod ni Thalia upang pakalmahin. Kanina pa kasi ito iyak ng iyak. Si Jacob ay na kay Victor muna at dinala sa parke upang maaliw ang bata. Hindi kasi talaga kaya ni Thalia ang alagaan ang anak ngayon dahil sa kanyang nararamdaman.“Alam kong mahirap at wala ako sa posisyon mo upang m
EXCITED siya pagpasok niya sa loob ng condo unit niya, ang bilis ng tibok ng puso niya marahil ay sa kasabikan na makita ang kanyang mag-ina. Nauna niyang pinuntahan ang kusina at nakita niya doon ang nilutong ulam ni Thalia. Napaluha siya sa sobrang saya dahil ngayon lamang niya ulit natikman ang paborito niyang ulam na luto ng kanyang asawa.Pumunta siya ng silid nila at doon ay mababakas na may natulog sa kanilang kama, bukod pa doon ay amoy niya ang pabango ng kanyang asawa. They are here! Right. Damn he’s so happy. Ngunit naikot na niya ang buong unit pero hindi niya nakita ang kanyang mag-ina.“Hello mommy, nagpunta po ba diyan ang mag-ina ko?” umaasang tanong ni Earl kay Carolina ang in ani Thalia. Wala ito sa condo unit nila, wala din sa mansiyon nila, marahil ay nasa mga Montefalco ito.“Ha, ang sabi ni Carmen umuwi na ang anak at apo ko. Pero hindi ko pa alam kung nagpunta sila sa hacienda,” oo ng apala na kina Tito Ronaldo nga pala si mommy Carolina.“Kakatawag ko lang kay
“THALIA hija, pakiusap alagaan mo ang sarili mo. Ilang araw ka ng halos hindi kumakain tingnan mo at ang payat mo na agad,” nag-aalalang sabi ni Aling Tindeng sa kanya. Hindi siya makakain parang pakiramdam niya ay naduduwal siya sa tuwing isusubo niya ang pagkain. Sa tingin ni Tindeng ay nagkaroon ng depression or anxiety is Thalia o kaya naman ay stress ito dahil sa nangyari noong lumuwas ang mag-ina.“Sana pala hindi ko na lang siya sinuportahan sa gusto niya na lumuwas ng Maynila,” sabi ni Aling Tindeng sa pamangkin na si Victor habang malungkot na nakatingin kay Thalia na natutulog na. Mabuti na lamang at nakatulog ito, ngunit hindi naman tama sa oras ang pagtulog nito dahil alas-onse na ng umaga.“Tiya hindi mo naman alam na ganoon ang mangyayari eh. Kasalanan ito ng asawa niya,”nakabuo ang kamao na sabi ni Victor. Galit siya sa mga taong nakasakit kay Thalia, kita niya kung gaano ito ka-fragile ngayon.Ipinagluto ni Tindeng ang mag-ina ng kanilang tanghalian. Si baby Jacob ay i
“ WELL, mukhang laging tayong pinagtatagpo nitong mga nakaraang araw. Last time I’ve only met Antonio, now it’s the two of you, my dear enemies Antonio and Ronaldo,” tila nang-aasar naman na salubong ni Waldo sa kanila. Masasabing matagumpay silang tatlo sa larangan ng pagnenegosyo.Magiging masaya naman talaga si Antonio para sa tagumpay ni Waldo, ngunit hindi na yun mangyayari mamgmula noong sinulot nito ang asawa niyang si Mathilde.“ Look at you now, back for being bestfriends again? I wonder what happened?” tila nang-uuyam na sabi pa nito.“ We don’t have time for your shits!” mabangis na sabi ni Ronaldo.“ Maybe you Ronaldo don’t have time for that shit, but Antonio might have interest with it,” Waldo said confidently.“ And what the hell are you up to?” inis na sabi ni Antonio. Ano ba kasi talaga ang gusto nito? Its been 15 years mula nang mangyari ang bagay na yun at ayaw na niyang alalahanin pa, ayaw na niyang maramdaman ulit ang sakit.“ Hindi mo man lamang ba siya kukumusta
“GOOD MORNING maám, may I ask if you have an appointment with the CEO?”magalang na tugon naman ng receptionist.“Wala eh, pero mahalaga kasi ang sadya namin sa kanyan kailangan naming siyang makausap,” nakangiting sabi naman ni Tindeng.“Má’am sorry but the according to the the CEO’s schedule given by his secretary, he is busy this day so I doubt if he can entertain you. If you want I can set you an appointment with the CEO,” pagpapaliwanag naman nito sa kanilang dalawa.“Ano i-schedule pa! Eh miss hindi kasi puwedeng ipagpaliban pa yung sadya naming sa kanya, napaka-importante nito,”naiinis na sabi ni Rosa. Mabilis naman siyang sinaway ni Tindeng dahil kilala niya ang kaibigan, naku eh handa ito lagi sa giyera. At saka maayos naman ang pakikipag-usap sa kanila ng receptionist.“Tatawagan ko lang po ang secretary niya para mailagay po kayo sa schedule niya,”tinawagan nga nito ang secretary ni Earl at sinabing may gusto makausap ito ngunit walang appointment kaya sinabi nito na baka pw
“NAKU ay kakaluwas pa lang po nila noong nakaraang araw. Mukha po kasing maysakit si Thalia mula noong bumalik ito galing Maynila,” sabi sa kanila ng napagtanungan nila.Tila nanlumo naman sila dahil sa narinig. Nahuli na naman sila. Napaiyak naman si Carolina dahil sa pagkabigo na makita ang anak na si Thalia. Sobrang nalungkot sila na hindi naabutan ang kanyang mag-ina. Kitang-kita din ang kalungkutan kina Antonio at Ronaldo.“Mommy maysakit daw ang asawa ko. Anong nangyari sa kanya?” puno ng pag-aalala na sabi ni Earl.“Kung nasa Maynila na sila mas mapapadali ang paghahanap natin sa mag-ina mo,” saad ni Antonio.“Kailangan nating madaliin ang paghahanap sa kanila kuya. Narinig mo naman ang sabi ng kapitbahay nila, maysakit ang anak ko,” naiiyak na sabi ni Carolina. Si Ronaldo naman ay nanatiling tahimik at nakailang buntong-hininga na.“May kasama daw itong babae at lalaki. Sina Tindeng at Victor, sabi ay magtiya daw yun,” sabi pa ni Antonio.Puno man sila ng panghihinayang ay pin