“NAKU ay kakaluwas pa lang po nila noong nakaraang araw. Mukha po kasing maysakit si Thalia mula noong bumalik ito galing Maynila,” sabi sa kanila ng napagtanungan nila.Tila nanlumo naman sila dahil sa narinig. Nahuli na naman sila. Napaiyak naman si Carolina dahil sa pagkabigo na makita ang anak na si Thalia. Sobrang nalungkot sila na hindi naabutan ang kanyang mag-ina. Kitang-kita din ang kalungkutan kina Antonio at Ronaldo.“Mommy maysakit daw ang asawa ko. Anong nangyari sa kanya?” puno ng pag-aalala na sabi ni Earl.“Kung nasa Maynila na sila mas mapapadali ang paghahanap natin sa mag-ina mo,” saad ni Antonio.“Kailangan nating madaliin ang paghahanap sa kanila kuya. Narinig mo naman ang sabi ng kapitbahay nila, maysakit ang anak ko,” naiiyak na sabi ni Carolina. Si Ronaldo naman ay nanatiling tahimik at nakailang buntong-hininga na.“May kasama daw itong babae at lalaki. Sina Tindeng at Victor, sabi ay magtiya daw yun,” sabi pa ni Antonio.Puno man sila ng panghihinayang ay pin
“WALA pa din pagbabago sa kalagayan ni Thalia, lagi pa din ba siyang tulaley?” tanong ni Rosa kay Tindeng. Si baby Jacob naman ay naglalaro sa salas kasama ng pamangkin ni Rosa na babae. Mabuti na lamang at tila nauunawaan ni Jacob ang sitwasyon ng ina niya at hindi man lang nagliligaling. Kumakain ito nang maayos at hindi mapili sa mga sinasamahan pero sina Victor lang naman at saka si Ana yung pamangkin ni Rosa.“Thalia hija labanan mo ang nararamdaman mo, pakiusap kailangan ka ng anak mo. At saka huwag kang mag-aalala bukas ay pupuntahan namin ang asawa mo, kailangan niyang malaman ang nangyayari sa iyo, malungkot na sabi ni Tindeng dito habang sinusuklayan. Tila kasi hindi na talaga ito makausap, nakatingin lamang sa kawalan at hindi nalalaman ang nangyayari sa paligid.“Hay naku oo nga Thalia, sayang naman ang ganda mo kung magiging tulala ka lamang diyan,”pakwela namang sabi ni Rosa ngunit ramdam din ang pag-aalala sa boses nito.“Aba ay mainam naman at magkasundo kayo ni baby J
“NAPAKALAKI AT NAKAPAKAELEGANTE pala nitong building ng kompanya ng asawa ni Thalia,”humahangang sambit ni Rosa habang patingin-tingin pa sa paligid. Sinamahan sila ng babaeng nag-aasist sa kanila hanggang sa mismong opisina ni Earl. Wala pa doon ang lalaki kaya naman sinabihan sila ng sekretarya nito na maghintay lang saglit dahil diumano ay may kausap lamang sa conference room si Earl.Habang nakaupo sa sofa ay nakaagaw pansin kay Tindeng ang mga magazines na nakapatong sa ibabang ng maliit na mesa. Tiningnan niya ito at halos humulagpos ang puso niya nang makta kung sino ang makisig na lalaki na cover nito. Ngunit mabilis niya itong binalik sa mesa nang lumapit si Rosa.“Oi, nami-miss,” tukso naman sa kanya ng kaibigan. Hay naku alam niya hindi siya nito titigilan.“Hay naku Rosa tama na nga yaan, baka mamaya dumating na ang asawa ni Thalia,” suway at iwas naman niya sa kaibigan.Makalipas ang ilang minuto ay dumating na si Earl. “Napakaguwapo nga naman pala kahit ay matutulala din
NAPATIGIL naman si Antonio dahil sa sinabi ni Earl, oo tama nga naman it is not about him tungkol ito sa pamangkin niyang si Thalia at anak nito. Kahit na wala siyang tiwala kay Tindeng ay sige papatulan niya ang sinasabi nito na nasa kanila ang mag-ina.“Hay oo nga naman, past is past na!” asar na sabi ni Rosa at nauna ng lumabas ng opisina ni Earl na nagdadabog. Ngunit nang maisip ang kaibigan ay bumalik ito at hinila sa kamay ang kaibigan na hindi pa din makakilos marahil ay nabigla sa situwasyon at masyadong nasaktan sa sinabi ni Antonio na hanggang ngayon ay masama pa rin ang tingin dito. Nagpahila naman si Tindeng kay Antonio at sumunod na dito sina Earl at Antonio.Tahimik lamang sila sa loob ng elevator. Ngunit tila naman bumalik kay Tindeng ang nakaraan nang makita niya kung sino ang pumasok sa loob ng elevator.“Oh tingnan mo nga naman. So nagkabalikan na kayo?” nang-aasar na sabi ni Waldo na matalim ang tingin kay Tindeng.Ngunit nanatiling tahimik si Tindeng, bakit ba kung
“Aling Tindeng, sakto po andito na po kayo, si Thalia po kasi eh,” humahangos na sabi ni Ana sa kanila.“Ha bakit anong nangyari kay Thalia?” nag-aalalang parehong sabi nina Tindeng at Rosa. Si Earl naman ay napatindig at napatingin doon sa babaeng pumasok sa apartment. Karga-karga pa din nito si Jacob at mabilis silang nagsunuran sa babae.Habang naglalakad sila nang mabilis ay hindi inaasahang natapilok si Tindeng mabuti na lamang at mabilis siyang naalalayan ni Antonio.“Ay ano ba yan, nagpapanic na ang lahat,kayo luma-love story,” at nakuha pa talagang mang-asar ni Rosa sa situwasyong ito. Mabilis namang bumitaw si Tindeng kay Antonio.“Eh bakit na pala napunta si Thalia dun sa apartment unit natin Ana?” naiinis na sabi pa ulit ni Rosa.“Kasi po tiya isinama ko po siya para po sana maliguan kaya lang po ay nang kukuha po ako ng tuwalya eh hindi na po ako makapasok sa cr pagkabalik ko,”paliwanag naman ni Ana.“Bakit mo kailangang paliguan ang asawa ko?” takang tanong ni Earl.“Kasi
"OH GOD, anong nangyari sa anak ko Earl?” humahangos na tanong Carolina habang papalapit kay Earl na nasa harap ng Emergency Room. Hindi agad pal anito nabasa ang message niya dahil naiwan sa kuwarto ang cellphone. Kitang-kita ni Earl ang pag-aalala sa mukha ng ina ni Carolina at ni Ronaldo.“Mom it’s a long story, basta ang mahalaga nakita na natin siya at makakapiling na natin,” hindi pa rin mapakali na sagot ni Earl. He is so anxious because of his wife condition. Sinisisi niya ang sarili dahil sa mga nangyayari, kung hindi sana siya nagkaamnesia ay hindi mangyayari lahat ng ito.Kanina nang makita niya si Thalia sa banyo na walang malay ay hindi niya maipaliwanag ang sarili, tila ba gusto niyang sampalin ang sarili ng ilang beses. Hindi niya kaya na makitang ganoon ang kalagayan nito.“Ronaldo, ang anak natin,” umiiyak na turan ni Carolina. Niyakap naman ito pabalik ni Ronaldo while gently rubbing her back.“Love don’t worry magiging okay din si Thalia. Hindi ako papayag na may ma
Magmula nang malaman ni Ronaldo na anak niya si Thalia ay hindi siya na tumigil sa paghahanap dito. Dinagdagan niya ang mga private agent na binayaran upang hanapin ang anak. Hindi siya tumitigil na mahanap ang matagal na niyang hinahangad na makitang anak niya. Andiyan lang pala sa tabi ang anak niya pero hindi man lamang niya ito natunugan. Sa totoo lang ay may kung ano naman talaga siyang nararamdaman mula nang una niya ito makita ngunit pinanaig niya ang galit dito dahil naging hadlang ito sa pangarap niya na maka-merge ang kompanya ng pamilya Concha.“I really regret everything that I did to hurt our daughter,” umiiyak na sabi ni Ronaldo kay Carolina habang sapo-sapo ang noo. Niyakap naman siya ni Carolina upang pakalmahin.Sisingsisi siya nang malaman na anak niya si Thalia at wala siyang ibang inisip kundi ang saktan ang kalooban nito. Ang anak niyang si Thalia ang naging sentro ng kanyang paghihiganti sa mga Montefalco. Napaka-ironic ng buhay kung sino pa yung taong gustong-gu
TAIMTIM na pinagmamasdan ni Earl ang asawang si Thalia habang ito ay himbing na natutulog. Magmula nang dalhin nila ito kahapon dito sa ospital ay hindi pa din ito nagigising. Nasasabik ang puso niya na marinig na muli ang tinig. Hanggat maaari ay ayaw niyang umalis sa tabi ng asawa ngunit kinailangan niyang puntahan ang anak nilang si Jacob sa bahay ni tit oni Thalia na si Antonio. Andoon kasi si Aling Tindeng kasama si Jacob. Siguro marahil sa ilang buwang pagkawalay sa kanila ng bata ay hindi na ito komportable na sumama sinuman sa kanila.Mainam na ngayon at sumasama na ito sa kanya ngunit hindi naman niya madala sa ospital, masyado pa itong bata at delikado para dito ang magstay sa ospital. Kanina habang naglalaro sila ni Jacob ay halos naiiyak na naman siya dahil ang laki na ng anak niya, ilang buwan ang na-missed niya sa buhay nito. Tumangkad ito at ang tatas na din magsalita.“ Mama?” tanong nito sa kanya. Tapos nang hindi siya agad makasagot ay sinampal-sampal siya nito. HIna