Share

CHAPTER 134

“GOOD MORNING,”nakangiting bati ni Carolina kay Ronaldo. Maagap siyang gumising kanina at tulog na tulog ito kaya hindi naramdaman ang pagbangon niya. Nagluto siya ng paborito nitong almusal, sinangag at saka ginisang dilis. Naaalala niya ng ipatikim sa kanya ito ni Ronaldo noong unang beses na doon siya natulog sa apartment nito noon. Noong una ay parang ayaw pa niyang kainin dahil hindi naman siya sanay na kumain ng mga ganito.

Nakita niyang titig na titig si Ronaldo sa niluto niya. Kaya naman nilapitan niya ito na hinawakan sa balikat at iniiupo sa bangkong puwesto nito sa hapag kainan. Wala naman itong imik na sumunod sa kanya. Nilagyan niya ng sinangag at dilis ang pinggan nito.

“Kain na, di ba paborito mo yan,”nakangiting saad niya sa lalaki. Nakita niya ang pagtataka at paglambot ng ekspresyon sa mukha nito. Tila nakita niya ang dating Ronaldo. Walang imik na sumubo ito at napapikit pa ito.

“Naalala ko noon, noong unang beses akong nagluto ako nito noon. Sunog at hindi mo makai
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status