“MAGANDANG UMAGA sa inyong mag-ina,” bati ni Lola Tinding sa mag-ina ni Thalia at baby Jacob. Ilang araw na rin sila dito sa Atimonan, Quezon. Ang kaibigan niyang si Gina ay dito din tumuloy noong panahong lumayas ito sa kanila. Mayroon kasi itong pinsan dito. Sakto naman na mayroong pinapaupahang bahay ang pinsan ni Gina na si Mariz. Si Gina ang tanging nakakaalam kung nasaan siya. Gulong-gulo na kasi siya at hindi malaman ang gagawin mula nang malaman niyang nabuntis ni Earl si Caroline. Pakiramdam niya ay tinraydor siya ni Earl.Noong sinabi ni Mr. Ronaldo na buntis si Caroline at si Earl ang ama ay tila may ialng libong punyal ang tumusok sa kanayng puso. Ganoon palay un no, ngayon intending-intindi na niya yung mga asawa na niloloko ng asawa nila. Grabe ang sakit.Oo nga at may amnesia si Earl pero hindi naman niya akalain na aabot ito sa pakikipagsiping kay Caroline, inaasahan niya na at least man lang ay maco-consider nito na may asawa siya at hindi maganda ang makipagsiping sa
MALALIM na ay hindi pa din makatulog si Thalia. Hindi maiwasang mapaiyak siya nang maalala niya na mula sa masayang pagsasama nil ani Earl ay nauwi sila sa ganitong sitwasyon. Natanggap niya noon ang kalagayan ni Earl nang makalimutan nito ang pagmamahalan nila at maalala lamang ang sa nakaraan nila noon ni Caroline. Inuunawa niya dahil nga alam din nila na nang magising ito ay sinamantala ni Ronaldo at siniraan siya nang husto. Tapos sakto pa ang naaalala nito ay si Caroline.Naaawa siya sarili, imagine yung mommy niya si mommy Carolina ay may amnesia din at hindi pa din siya lubos na nakikilala bilang anak ngunit ang mabuti naman ay nagnanais ito na makasama siya at ramdam niya ang pilit nito na ipinararamdam sa kanya ang pagiging ina.Ngayon ay ang asawa naman niya ang may amnesia. Ang suwerte ko naman. Napangiti siya nang mapait dahil sa naisip. Kailan ba siya magiging masaya nang walang katapusan.Naalala niya mula noong umuwi si Earl galing ospital mula sa pagkakaaksidente nito a
SA MGA PANAHON na walang maalala si Earl ay nagdulot ito ng pasakit sa damdmin ni Thalia. Ang dami niyang mga pagkakataon na tiniis mula ng magkaroon ng amnesia si Earl, pinilit niyang kayanin lahat ng iyon. Laking tuwa at pasasalamat niya nang minsan ay umuwi si Earl na tila may malaking pagbabago sa sarili though hindi pa din nito naaalala ang lahat lahat.Ang laki ng kanyang pasasalamat dahil tila naliwanagan ang kanyang asawa noon at binigyan sila ng pagkakataon. Mula noon ay hindi na ito nakikipagkita kay Caroline. Madalas na din si Earl noon na nasa condo unit nila habang patuloy na nagrerecover at ang higit na nakapagbigay sa kanya ng kasiyahan ay ang pagbibigay atensiyon nito sa kanilang anak na si baby Jacob. Kung noon ay ayaw man lamang nito itong tingnan, ngayon ay inaalagaan ito ni Earl at madalas pa itong makipaglaro. Nakita niya ang kasiyahan sa mga mata ng asawa.Gayundin ay naramdaman niya ang pagiging gentle nito sa kanya, unlike noon na laging nakasigaw at nakasimang
MASAYANG-MASAYA si Thalia na ibinalita sa kanyang mga biyenan at ina na okay na sila ni Earl kahit na hindi pa ito nakakaalala nang lubusan. Nakabalik na din si Earl kompanya ngunit ito ay patuloy na ginabagayan pa din ng amang si Teddy. Kahit nasa opisina si Earl ay tinatawagan siya nito upang kumustahin silang mag-ina. Maayos na ang lahat ngunit ang halos isang buwan niyang kasiyahan ay napalitan ng tila sampong punyal na itinusok sa kanyang puso. Hindi niya inaasahan ang pagdating ng mag-ama na sina Ronaldo at Caroline. Halos parang sasabog ang ulo niya nang marinig ang sinabi ni Ronaldo na buntis ang anak nitong si Caroline at si Earl ang ama. Ginusto niyang kumpirmahin kay Caroline ang katotohanan dahil naniniwala siyang mahal nito ang pinsan niyang si Daniel ngunit siya ay nabigo. Sinabi nito na si Earl ang ama ng ipinagbubuntis nito. Maraming sinabi si Ronaldo na hindi kayang tanggapin ng kanyang damdamin, kulang ang salitang napakasakit para ilarawan ang kanyang nararamdama
WALANG NAKUHANG sagot si Earl kay Caroline kundi ang bagay na ayaw niyang marinig mula dito. Umuwi siya sa kanilang mansiyon na tila ba talong-talo ang pakiramdam. Ang kanyang inang si Carmen ay nag-aalala na sa anak lalo na hindi pa ganoon ang kaayos ang kalagayan nito. Baka makasama kay Earl ang mga nararanasan nito. “Anak, jusko anong nangyari s aiyo?”nag-aalalang sabi ni Carmen nang makita si Earl na putok ang labi at medyo parang hindi maayos ang paglalakad. Sinundan niya ang anak sa silid nito.“I went to Caroline’s unit then nagpang-abot kami ni Daniel. Galit na galit siya at kitang-kita ko sa mga mata niya ang sakit,”disoriented na sabi ni Earl sa ina.“Buti na lang nakapag-drive ka pa. Anak please be careful,” hinaplos ng ina ang likod ng anak na si Earl. Hindi napigilang mapahagulhol sa pag-iyak si Earl. Actuallu he took a cab dahil hindi niya kayang mag-drive. Bukod sa hilo ang pakiramdam niya ay hindi din maayos ang pag-iisip niya dahil sa nangyari.“Mom, I don’t know wha
“AY NAKU SORRY PO,”mabilis namang napahiwalay sa isa’t isa sina Ronaldo at Carolina. Masamang tiningnan ni Ronaldo ang kasambahay. Damn! He said to his self.“Tulungan mo ang maám Carolina mo na ilipat ang mga gamit niya sa silid ko,”paasik na sabi ni Ronaldo kay Minde sa kasambahay nila.“Opo sir,”nakangiting sabi ni Minde. Bata pa si Minde tila nasa bente anyos lamang ito. Galing ito sa isang malayong bayan sa Aurora.“Maám alam niyo po, ang laki po ng pinagbago ng awra ng sir Ronaldo mula nang dumating kayo dito. Kahit na galit pa din po siya ay mukha pa din pong masaya siya,”tila nanunuksong sabi ng dalaga kay Carolina.“Bakit ano ba dati ang awra niya?”nakangiting tanong niya kay Minde. May tuwa siyang naramdaman sa puso niya.“Ay naku maám dati po ay titingnan pa lang po kami ni sir ay nakakapanginig na po sa takot eh, ngayon po kasi kahit galit siya magaan pa din an awra niya. Siguro po masaya si sir dahil andito kayo ngayon,”dagdag pa ng dalaga.Naisip ni Carolina, sana maibal
“GAGAWIN ko ang lahat para sa anak ko,”ang naging makahulugang sagot ni Carolina sa tanong niya. Naguguluhan man sa sagot ng biyenan ay hindi na siya nagtanong pa, hindi kinakaya ng damdamin niya ang nakikitang galit sa mga mat anito para sa kanya. Hindi sinabi ni Earl ang totoo kay Carolina pinanindigan niya na mas makakabuti yun para mas mapadali ang pagtuklas niya sa totoo.Ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay pareho lamang naman sila ng pakay ng kanyang biyenan.Mabigat ang loob na umuwi si Earl sa kanilang mansiyon. Hindi siya umuuwi muna sa unit na tinitirhan nilang mag-anak dahil hindi niya kaya, pakiramdam niya sinasakal siya sa pangungulila. Ganoon pala talaga, kapag nawala yung tao na andiyan palagi sa tabi mo saka mo lang mararamdaman ang halaga niya. Dahil sa amnesia niya ay nakalimutan niya ang asawa ngunit hindi siya nito man lang inaway or kaya ay sinumbatan sa kabila ng lahat ng mga ginawa niyang pagkakamali dala ng kanyang amnesia.Naisip ni Earl marahil ay masyado na
“GOOD MORNING,”nakangiting bati ni Carolina kay Ronaldo. Maagap siyang gumising kanina at tulog na tulog ito kaya hindi naramdaman ang pagbangon niya. Nagluto siya ng paborito nitong almusal, sinangag at saka ginisang dilis. Naaalala niya ng ipatikim sa kanya ito ni Ronaldo noong unang beses na doon siya natulog sa apartment nito noon. Noong una ay parang ayaw pa niyang kainin dahil hindi naman siya sanay na kumain ng mga ganito.Nakita niyang titig na titig si Ronaldo sa niluto niya. Kaya naman nilapitan niya ito na hinawakan sa balikat at iniiupo sa bangkong puwesto nito sa hapag kainan. Wala naman itong imik na sumunod sa kanya. Nilagyan niya ng sinangag at dilis ang pinggan nito.“Kain na, di ba paborito mo yan,”nakangiting saad niya sa lalaki. Nakita niya ang pagtataka at paglambot ng ekspresyon sa mukha nito. Tila nakita niya ang dating Ronaldo. Walang imik na sumubo ito at napapikit pa ito.“Naalala ko noon, noong unang beses akong nagluto ako nito noon. Sunog at hindi mo makai