CHAPTER 88 “UMALIS ka na sa pamamahay ko!” malakas na tinig ni lolo Gibo. Kanina pa siya nagtitimpi sa lalaking si Arnaldo. Hindi niya maintindihan kung bakit galit na galit ito kay Thalia samantalang ang anak naman pala nito ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang kasal ni Earl at saka ng anak nito. Kahit may edad na siya ay hindi niya ito uurungan maipagtanggo lamang niya ang apo niya. “Nandito ako dahil may nais akong itanong sa inyo, dahil sigurado akong tanging kayo lamang ang makakasagot,” madiing sabi ni Ronaldo kay lolo Gibo. Bahagya naman itong bumawi ng emosyon. Kailangan niyang malaman kung nasaan ang anak niya at alam niyang tanging ang pamilya ng asawa ni Carolina ang makakasagot nun. “Nasaan ang-?” hindi naituloy ni Ronaldo ang katanungan dahil biglang dumating ang mga Concha. “Ano ang ginagawa mo dito Ronaldo?” maagap na tanong ni Teddy kay Ronaldo. Napakunot naman ang noon ni Ronaldo dahil doon. “Hayst damn it! Lagi na lng! babalik ako Mang Gibo at mag-uusap tayo
“I mean masaya ako na unti-unti nang nagiging maayos kayo ni Thalia. Ipagpatuloy mo lang yan anak ha,” biglang bawi naman na sabi ni mommy Carmen.“Marami pa siyang dapat patunayan sa apo ko at sa amin. Kailangan makasigurado ako na hindi na niya uulitin ang ginawa niya,” buong seryoso na sabi ni lolo Gibo.“Makakaasa po kayo na hindi ko na po gagawin yun at mas aalagan ko pa po ang aking mag-ina,” buong sinseridad na sabi ni Earl.“Sabi mo eh,” pilosopong sabi naman ni lolo Gibo. Hanggang ngayon ay hindi pa din siya kampante na ibalik si Thalia at si baby Jacob kay Earl tapos may Ronaldo pa.“Ang mabuti ay kumain na muna tayo ng pananghalian,” pag-iiba naman ni lola Ana sa usapan. Baka gutom na ang asawa niya kaya baka mainit ang ulo nito.“Pupuntahan ko lang po saglit si baby Jacob sa kuwarto,” she needs to see her baby. Natatakot siya talaga kay G. Ronaldo. Iniisip pa lamang niya na baka madamay ang anak niya ay hindi na niya alam ang gagawin.Sinabihan ni Thalia si Manang Tilda na
“MAGANDANG tanghali po,” narinig nina Thalia na may tao sa may labas ng kanilang bahay. Hindi naman sila pamilyar sa boses na iyon. Bigla tuloy ulit nakaramdam ng takot si Thalia dahil paano kung kasabwat naman ito ni Ronaldo. Napabuntong-hininga naman si lolo Gibo na tumayo sa kinauupuan at tinungo ang pintuan upang pagbuksan ang nasa labas. Hindi na siya nagulat, inaasahan niya na pagkatapos ni Ronaldo ay ang mga ito naman ang susunod lalo na at nalaman nila mismo sa kanya na asawa ng anak niya si Carolina ang babaeng nasa bahay ni Manang Linda. “Pasok kayo,” mahinahong sabi naman niya sa mga bisita. Naiisip na agad niya kung ano ang pakay nito sa kaniya, sa kanila. “Oi Daniel, anong ginagawa niyo dito?” nakangiting bati naman ni Thalia sa mga dumating na bisita, ang mag-amang Daniel at Antonio. Nailang naman si Thalia sa titig sa kanya ng ama ni Daniel. Hindi naman ito yung malaswang titig pero yung mga mata nito nagpapakita ng lungkot at saka longingness. Tiningnan pa niya kun
“BUHAY po si mommy?” naguguluhang tanong ni Thalia. Kanina habang pinapakinggan niya ang usapan ng kanyang lolo at ng mga Montefalco ay isa lamang ang kanyangnapagtanto, buhay ang ina niya! “Oo apo, buhay si Carolina,” nakangiting sagot ni lolo Gibo sa apo. Masaya para sa apo, ngunit natatakot siyang mawala din ito a kanila. Kasi kung tutuusin wala naman talaga silang karapatan dito. Ngunit hindi niya ipagkakait sa apo na malamang buhay ang mommy niya. Kitang-kita niya ang saya at pangungulila sa mata ni Thalia. “Puntahan po natin siya,” agad na tumindig agad si Thalia at nakahanda na itong lumabas. “Hindi ka naaalala ng mommy mo apo. Lahat tayo ay hindi niya kilala. Marahil ay gawa ng nangyaring aksidente kaya ganoon,” paliwanag ni lola Ana kay Thalia. Naramdaman na lamang ni Thalia na niyakap siya ni Antonio ang ama ni Daniel. Umiiyak ito base na din sa pag-alog ng balikat nito na ramdam niya habang nakayakap ito sa kanya. “Patawarin mo ako. Kasalanan ko kung bakit nagkaganito.
MASAYA si Thalia dahil nakita niyang muli ang kanyang ina. Although ramdam niya na hindi pa ito ganoon kalapit ang loob sa kanya dahil nga sa nawala ito ng mga alaala ay naiintindihan naman niya. Maghihintay siya sa ina na mabalik ang mga alaala nito. Halos sampung taon pa lamang siya noon nang mawala ang ina at tumayong ama niya na si Domingo. Hindi siya tunay na Inocencio ngunit kailanman ay hindi yun ipinaramdam sa kanya nina lolo Gibo. Inalagaan at minahal siya ng mga ito kahit wala na ang kanyang ina. Kaya naman mahal na mahal niya ang mga ito, walang makakapantay sa pagmamahal na ibinibigay nito sa kanya. “Ang lalim naman ng iniisip ng misis ko,” malambing na sabi ni Earl sa asawa at masuyong siyang kinintalan ng halik sa noon. Napakalambing talaga ni Earl sa kanya ngayon. Isa pa yan sa pinagsasalamat niya ang pagpaparamdam sa kanya ni Earl ng pagmamahal sa kanya. “Iniisip ko lang ang mga pangyayari. Para kasing nanaginip lang ako, napakagandang panaginip. Ang buong akala ko
“BAKIT ba hindi mo maintindihan na kaya ayaw sa iyong sumama ng kapatid ko dahil nga hindi pa siya nakakaalala. Hindi lang naman ikaw yung gustong makasama si Carolina, kami din! Kaming pamilya niya!,” naiinis na turan ni Antonio kay Ronaldo. Nagpupumilit na naman kasi ito na isama si Carolina sa Maynila. Nais daw niyang ipagamot ang babae doon ngunit ayaw naman nitong sumama. Walang sinasamahan si Carolina sa kahit na sinong nagpakilala sa kanyang pamilya niya. Hindi niya maalala ang mga ito kaya naman ayaw niyang sumugal. At saka isa pa naiisip niya bakit ngayon lamang siya natagpuan ng mga ito. “I know you Antonio, baka kaya ayaw sumama sa akin ni Carolina kasi baka siniraan mo ako sa kanya!” nanggagaliting banat naman ni Ronaldo. “For pete sake Ronaldo, grow up! My sister has an amnesia that’s why its hard for her to trust anybody dahil hindi naman niya tayo maalala,” nawawalan na talaga ng pasensiya si Antonio sa dating kaibigan. “At san naman kayo tumutuloy habang andito?” m
NAGUGULUHAN na si Carolina sa nangyayari sa kanyang paligid. Gustong-gusto na niyang maalala ang lahat lalo na at nalaman niyang may anak pala siya, si Thalia. Kaya pala sobrang gaan ng pakiramdam niya noong una pa lamang niya itong makita. Hindi nito nalalaman na pasimple niya itong sinisilip dahil sa tuwing makikita niya ito ay nasisiyahan ang kanyang damdamin, parang may kung ano na napupunan sa kanyang pakiramdam na matagal ng nararamdaman niyang kulang sa kanya. Anak niya si Thalia at si Ronaldo ang ama nito, ngunit nag-asawa siya noon ayon sa kuwento ni Tatay Gibo, si Domingo. Siya kaya ang minsang nasa panaginip ko noon? Masaya kami noon na naglalaro sa snow kasama ang isang batang babae, na maaaring si Thalia. Kung ganoon ay tinanggap pa din at minahal siya nito noon kahit na may anak na siya. “Ahhh,” napahawak siya sa kanyang ulo nang maramdamang sumasakit na naman ito. Nais na niyang maalala ang lahat ngunit bakit ganoon ang hirap at ang tagal. Andito siya ngayon sa kanyan
NANG sumunod na araw ay naging malamig ang pakikitungo ko sa aking anak at saka kay Carolina. Ganoon din kay Thalia, hindi ko na ito masyadong kinakausap. Sa tuwing titingnan ko ito at mga mata nito na tila nangungusap ay lumalambot ang puso ko, ngunit tinikis ko siya. Nasaktan ako dahil sa naging paglilihim nila sa amin. Ang buong akala ko ay apo ko talaga si Thalia. Bakit nila inilihim sa amin ang totoo? “Lolo can we play po please?” kung hindi lang masama ang loob ko ay hindi siya magdadalwang salita sa akin, ngunit iba ang sitwasyon ngayon. Bakit, bakitnila inilihim nila sa amin ang totoo? “May gagawin pa ako Thalia sa mama mo ikaw makipaglaro,” malamig kong tugon sa bata. “Why are calling me that lolo, why not princess. Miss kita so much kasi we’re not playing anymore these last few days,” nagsusumamo ang mga matang tingin nito sa akin. Miss ko na rin naman siya kaya lang masama talaga ang loob ko. Hindi man dapat na idamay ko ang bata pero masama talaga ang loob ko. Hindi