DANIEL POV Pagkatapos ng maraming promises na binitawan ko kay Anyana sa wakas tumigil din ito sa pag-iyak! Hinintay ko munang makatulog ito bago ako lumabas ng kanyang kwarto at bumaba sa living area. Katulad ng inaasahan ko nadatnan ko si Mommy na nag-iisa na lang at halatang hinihintay talaga ako! "Kumusta si Anyana? Sana naman tumigil na siya sa pag-iyak Daniel!" kaagad na bigkas niya sa akin. Para namang nahahapo akong napaupo sa katapat na sofa sabay sandal. Feeling ko ang daming hindi magandang nangyari ngayung araw. "Ayun, nakatulog din pagkatapos ng mahabang pag-iyak!" sagot ko kay Mommy habang nakapikit. Ilang saglit din na katahimikan ang namayani sa aming dalawa ni Mommy Sylvia. Alam kong may gusto pa itong itanong sa akin kaya naman nanatili akong nakapikit ng ilang minuto at muling dumilat at seryoso siyang tinitigan. "Wala na po ba kayong sasabihin Mom? Kung wala na po...magpahinga na muna ako!" bigkas ko at akmang tatayo na sana pero kaagad itong nagsalita.
DANIEL POV "Jeneva!" galit kong sigaw sa kanya. Para naman siyang biglang natauhan at namimilog ang mga matang napalingon sa akin. Hindi ko naman napigilan na maikuyom ang aking kamao. "Da--Daniel! No! Mali ang narinig mo! Hi-hindi totoo iyun! Pa-promise...pinag--" hindi na natuloy pa ang sasabihin niya nang pagalit ko siyang dinuro. "Stop it! Jeneva....ano ang ginagawa mo sa anak ko habang wala ako? Kaya pala ang layo ng loob sa iyo ni Anyana dahil sa mga pinanggagawa mo sa kanya?" galit kong sigaw sa kanya. Kaagad naman siyang napailing at akmang hahawakan niya pa sana ako pero mabilis ko siyang itinulak. "Get out! Out! Simula ngayung araw, hindi na kita binibigyan ng karapatan sa anak ko! Hindi ka na pwedeng lumapit sa kanya at lumayas ka na sa mansion na ito!" galit kong sigaw sa kanya. Pigil ko ang sarili ko na saktan siya dahil alam kong nanunood sa amin si Anyana. Sa pagkakataon na ito, wala akong ibang hangad kundi ang kabutihan ng anak ko! Kung kinakailangan na ila
DANIEL POV Pinatulog ko lang muna si Anyana bago ako nagpasyang lumabas ng kwarto. Balak kong i-check si Jeneva kung nasaan siya. Wala na akong balak pang pagbigyan siya! Hindi na ako makikinig pa sa mga alibi niya! Ito na din ang magiging chance ko para tuluyan na siyang itakwil sa buhay ko. Walang kami at sigurado na ako na walang ibang babaeng tinitibok ang puso ko kundi si Bianca lang. Direcho ako sa isa sa mga guest room ng mansion kung saan hinayaan kong gamitin niya. Sa nakalipas na pitong taon, parang bahay niya na din ang mansion na ito! Namuhay siyang parang siya ang amo at ang alam ng lahat, nagsasama kami na parang isang tunay na mag-asawa pero hindi nila alam na naghihiwalay kami ng kwarto. Sa loob ng pitong taon, never nang may nangyari sa aming dalawa ni Jeneva. Bigla akong nawalan ng gana sa kanya simula noong biglang naglaho sa piling ko si Bianca. Bigla ko kasing na-realized na si Bianca pa rin talaga ang mahal ko! Pagdating sa tapat ng pintuan ng guest ro
BIANCA POV Pilit ang ang ngiti sa labi ko habang nakatitig ako sa mga papeles na nasa harapan ko! Sa wakas, malaya na ako! Pinaburan ng korte ang divorce na inihain ko kay Daniel. Wala na kaming ugnayan sa isa't isa. Wala nang dahilan pa para lumuha ako at balikan kung ano man ang mga nangyari sa amin. May dahilan na para tuluyan ng ibaon sa limot ang kung ano mang namagitan sa aming dalawa noon! Tama....wala na kaming ugnayan ni Daniel. Hindi ko na siya asawa at hindi niya na din ako asawa! Pero bakit ganoon? Bakit hindi ako masaya? Bakit feeling ko malaking bahagi ng pagkatao ko ang biglang naglaho? Dahil ba hangang ngayun hindi ko pa rin matangap na tapos na kami? Sa isiping iyun pigil ko ang sarili kong huwag maiyak! Hindi ako dapat makaramdam ng lungkot! Dapat maging masaya ako dahil tuluyan na akong nakawala sa walang kwentang kasal naming dalawa ni Daniel. Nasa malalim akong pag-iisip nang bumukas ang pintuan ng opisina. Pilit ang paguhit ng ngiti sa labi ko nan
BIANCA POV ''No! Of course, walang problema! Bigla kasi akong nakaramdam ng pagiging bored dito sa Pinas kaya babalik na ako ng New York! Ikaw naman parang hindi mo ako kilala! Madali talaga akong magsawa sa mga bagay-bagay!" kaagad na sagot naman ni Amber sa akin. Gayunpaman, ayaw ko pa rin paniwalaan iyun! Sino ang niluluko niya? '"Well, pwede ka naman magpa-rebook diba?" kaagad kong sagot sa kanya! Pwede niyang hindi ituloy ang flight niya dahil wala naman siyang importanteng gagawin sa New York. Magliwaliw lang naman siya! "Are you kidding me? Nakapag-bayad na ako sa ticket! Hindi na pwedeng i-cancel iyun!" kaagad na sagot niya sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang matawa. Akala mo hinayang na hinayang sa tickets na binayaran niya eh pwede nga siya bumili ng ticket kahit ilan kung gusto niya! Iyun kung hindi siya nagsasayang ng pera. "Next month ka na lang umalis. Sa mga susunod na araw at lingo, hindi na ako magiging busy sa opisina. May time na para masamahan kita mag
BIANCA POV "Bakit? Saan ba nagpunta si Daddy mo?" nakangiting tanong ko kay Anyana. Saglit itong nag-isip bago sumagot. "Umuwi po sa bahay! Check niya daw po kung nakaalis na daw si Mommy!" inosente nitong sagot. Lalo tuloy akong kinain ng curiosity. Check daw kung nakaalis na si Jeneva? Bakit saan pupunta si Jeneva? Mag-aabroad? "Ah okay! Bakit, magbabakasyon ba ang Mommy mo?" nakangiti kong tanong kay Anyana! Pasimpleng tsismis itong gusto kong masagap kaya walang makakapigil sa akin sa questions and answer portion naming ito ni Anyana. "Hindi po! Pinalayas na po ni Daddy si Mommy kasi palagi niya po akong sinasaktan!" balewalang sagot ni Anyana na labis kong ikinagulat! Gosh, may ganitong issue pala sa pagsasama ni Daniel at Jeneva? Tsaka anong sabi ni Anyana, sinasaktan siya ng sarili niyang Ina? Posible siguro dahil habang tinititigan ko ngayun si Anyana parang hindi naman siya affected na maghihiwalay ang mga magulang niya! "Why...ayos lang ba sa iyo na wala ka
BIANCA POV "Can I talk to you?" uupo na sana ako sa tabi ng mga anak ko nang biglang nagsalita si Daniel. Wala sa sariling napatitig ako sa kanya at kaagad kong napansin ang nangungusap nitong mga mata. Ano na naman kaya ang sasabihin niya sa akin? Ano na naman kaya ang gusto niyang pag-usapan namin? Natangap niya na kaya ang kopya na galing sa korte tungkol sa divorce naming dalawa? Baka naman gusto niya akong makausap dahil doon? Isang mahinang buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako alanganin na tumango. Sinulyapan ko pa ang mga bata na abala sa kanilang nilalaro bago ko sininyasan si Daniel na sumunod sa akin na kaagad naman tumalima. Sa gilid ng pool ako dinala ng mga paa ko habang tahimik na nakasunod sa akin si Daniel. Huminto ako sa paglalakad at humarap ako sa kanya. "Now tell me! May gusto ka bang sabihin?" kaagad na tanong ko sa kanya! Natigilan ito habang seryoso akong tinitigan sa mga mata. Hindi ko naman napigilan ang makaramdam ng pagkailang. "Natangap
BIANCA POV Kaagad na nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil sa kapangahasan na ginawa ni Daniel sa akin ngayun! Hindi ko akalain na magawa niyang halikan ako sa labi ng walang pasabi. Pero ano ito? Bakit hindi ko siya kayang sawayin? Pwede naman akong lumayo sa kanya para matapos na ang halik na pinagsaluhan naming dalawa. Pwede ko siyang itulak at pagsasampalin dahil sa kanyang ginawa! Pero bakit nag-eenjoy ako? Bakit parang nagugustuhan ko naman ang kung anong ginagawa niya sa akin ngayun? Gosh...sobrang na-miss ko siya! Sobrang na-missed ko ang labi niya! Kung alam niya lang! Siya pa rin ang tinitibok ng puso ko! Wala pa ring kupas si Daniel! Ang tamis pa rin ng labi niya! Namalayan ko na lang na tinutugon ko na ang halik niya! Namalayan ko na lang na sobrang nag-eenjoy na pala ako. Ang bawat galaw ng labi niya ay ginagaya ko na din! Tuluyan na akong nadarang at biglang nawala sa isip ko kung ano nga ba ang meron sa aming dalawa ngayun. Ngayun ko lang din lubos na napat
SCARLETT POV SIX YEARS LATER YES, ganoon kabilis ang paglipas ng taon! Anim na taon ang mabilis na lumipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat! Wala na sila Scarlett at Stephen at nandito pa rin ako ngayun! Nakatayo sa harap ng kanilang puntod at kakatapos lang mag-usal ng maiksing panalangin! Sariwa pa rin ang sugat sa puso pero kailangan tangapin ang katotohanan na wala na sila! Na kailangan nang mag-moved-on dahil iyun ang nararapat! Alam kong tahimik na din naman sila! Na masaya na sila kung nasaan man sila naroroon! Sayang nga lang dahil hindi naging masaya ang naging buhay nila noong nandito pa sila sa mundong ito pero sana, kung totoo man ang reincarnation, magiging masaya na sana sila sa susunod nilang buhay! Kahit kailan, mananatili sila sa puso ko! Hinding hindi ko sila makakalimutan! Wala sa sariling napatitig ako sa larawan ni Anyana! Napakaganda niya talaga! Buhay na buhay ang ngiti sa kaniyang labi! Sayang nga lang at hindi siya lumaban! Alam kong m
DRAKU MONTEVERDE ATIENZA RESIDENCE SCARLETT POV "YAYA, kumusta ang mga bata? Tulog na ba sila?" seryosong tanong ko sa isa sa mga yaya's ng mga anak naming dalawa ni Draku! Tanghali na at hindi ko alam kung bakit kanina pa ako hindi mapalagay. Hindi din maalis-alis sa isipan ko si Anyana! Sobra kasi talaga akong naaawa sa kalagayan niya ngayun! Alam kong masyado nitong dinamdam ang biglaang pagkamatay ni Stpehen pero hindi lang naman siya ang nagluluksa! Buong pamilya namin ay nagluksa din sa biglaang pagpanaw ng kakambal ko at hangang ngayun hindi pa rin matatangap ng mga magulang ko na wala na siya! IYun nga lang, dumagdag pa talaga sa dagok ang muling pagkakasakit ni Anyana! Sa hindi malamang dahilan, napag-alaman ng mga Doctor nito na lumulaki na naman pala ang puso ni Anyana which is hindi magandang senyales! Kaparehong kapareho ang kondisyon ng sakit niya noong bata pa siya! Wish ko lang na sana malagpasan niya lahat iyun! Hindi ko alam kung kaya pa bang tangapin nami
ANYANA POV DALAWANG linggo ang matulin na lumipas na wala akong ibang ginawa kundi ang magkulong sa loob ng aking kwarto kapag araw at sa gabi naman makikita ako sa garden na tahimik na nagmumuni-muni! Araw-araw din ako kung dalawin ni Daddy para masiguro ang kaayusan ng kalagayan ko! Minsan na din akong dinalaw ng mga Uncles ko sa bahay na ito at masasabi ko na masaya ako dahil ramdam ng puso ko kung gaano ako kahalaga sa kanila! Nakakalungkot isipin na alam ko sa sarili ko na hindi na ako magtatagal! Sa bawat araw na nagdaan, ramdam ko na lalo akong humihina! May mga pagkakataon pa nga minsan na nahihirapan na akong bumangon sa umaga at kaunting galaw lang naghahabol na din ako sa aking paghinga! Dinadalaw din ako ng Doctor ko pero wala na akong energy pa para magtanong kung ano na ba ang sitwasyon ko! Ramdam ko din naman na alam na nilang lahat na alam ko na din kung ano man ang sitwasyon ko ngayun pero kagaya noon, wala talagang ni isa sa kanila ang gustong mag-open up tun
ANYANA POV 'ARE you sure, ayos ka lang dito?" seryosong tanong sa akin ni Daddy! Ayaw niyang pumayag na lumabas ako ng hospital pero wala na din silang nagawa pa nang ako na mismo ang nagpumilit pa! Ayaw man nilang direktang sabihin sa akin ang kalagayan ko alam ko sa sarili ko na kaunting oras na lang ang natitira sa akin at ayaw kong sa hospital ako bawian ng buhay! Pasalamat na lang talaga ako dahil narinig ko ang pag-uusap nila ng Doctor ko dahil mukhang wala talagang balak si Daddy na sabihin sa akin ang tunay kong kalagayan! '"Okay, sasamahan ka nila Ate Divina at Manang Grasya sa bahay na ito! Kung bakit naman kasi gusto mo dito gayung mas palagay ang loob ko kung doon ka na lang muna sa bahay namin titira!:" seryosong sagot ni Daddy! Wala sa sariling inilibot ko ang tingin sa paligid! Nandito kami sa bahay kung saan ako lumaki at nagdalaga! Ang bahay na minsang tinirhan namin ni Stephen noong nagsasama pa kami! Ang bahay na ipinamana sa akin ni Lola Sylvia Buenaventura
ANYANA POV "I AM SORRY, Mr Atienza pero sa sitwasyon niya ngayun hindi namin maipapangako kung kaya niya bang mag-undergo ng another operation! May history na siya ng surgery noong bata pa siya dahil ipinanganak siyang may congenital heart disease." narinig kong bigkas nang kung sino! Ang alam ko si Daddy ang kausap niya kaya naman mas pinili kong matulug-tulugan! "Ano ang pwedeng gawin para madugtungan nang buhay niya? Willing akong gumastos ng kahit na magkano para maging maayos ulit ang puso niya, Doc!" narinig kong sambit ni Daddy! Hindi ko mapigilan ang mapakunot noo dahil sa narinig ko! "I am sorry, Mr. Atienza! Isa ito sa malaking side effect ng mga batang nagkaroon ng history ng congenital heart disease! Although, succesful ang surgery niya noon pero hindi ibig sabihin noon na kaya niya nang mabuhay hangang sa kanyang pagtanda! After so many years, dumadating talaga ang ganitong problema at hindi namin sigurado kung kakayanin pa ba ng pasyente ang mag-undergo ng another
ANYANA POV Ang kagustuhan ko pa rin ang nasunod kaya walang nagawa si Gino kundi pagbigyan ako! May kinausap lang siya na kung sino dito sa hospital pagkatapos noon pinayagan na akong makaalis sa kondisyon na kailangan kong makabalik para daw maobserbahan ako! Maraming test pa daw ang dapat gawin sa akin which is hindi ko na din pinagtoonan ng pansin! Hindi ko alam kung ano ang dahilan at kung bakit dalawang araw akong walang malay sa hospital pero dahil mas focus ang isipan ko sa mga nangyari kay Stephen, hindi na ako nagtanong pa kay Gino! Habang nasa biyahe kami, mas pinili ko na lang ang manahimik! Bago naman kami umalis ng hospital, nangako si Gino sa akin na didirecho daw kami sa kinaroroonan ni Stephen which is labis kong ipinagpasalamat! Hangang ngayun kasi pinilit kong kinukumbinsi ang sarili koo na hindi totoong wala na siya! Pero ang pangungumbinsi kong iyun sa sarili ko ay biglang naglaho lalo na nang mapansin ko na sa isang memorial chapel kami dumirecho! "Ano ang
ANYANA POV Hindi ko alam kung ilang oras akong nawalan ng malay pero sa muling pagmulat ng aking mga mata ibayong katahimikan ang kaagad na sumalubong sa akin! Sumalubong sa paningin ko ang puting kulay ng paligid at nang ibaling ko ang aking tingin hindi ko mapigilan ang magtaka dahil sa mga nakakabit ng kung ano sa katawan ko! May nakakabit din sa akin na oxygen which is nakakapagtaka! HIndi ko alam kung ano ang nangyari sa akin pero hindi ko mapigilan ang muling pagpatak ng luha mula sa aking mga mata nang maalala ko ang nangyari kay Stephen! Sa kabila ng mga masasakit na nangyari sa amin, hindi ko alam kung kaya ko bang tangapin ang lahat pero isa lang ang sigurado ako, sobrang sakit sa puso na makita siyang isa nang malamig na bangkay. Pero totoo ba talaga iyun? Hindi kaya isang panaginip lang? Sana panaginip lang ang lahat! Kahit na gaano pa siya kasama hindi pa rin naman magbabago ang katotohanan na siya pa rin ang tinitibok ng puso ko! Sa naisip kong iyun dahan-dah
ANYANA POV "Ano ang nangyari? Bakit ka namumutla?" seryosong tanong ni Doc Alvin nang maabutan niya ako dito sa labas ng restaurant! Kakatapos lang namin mag-usap ni Amanda at nag-aabang na lang ako ng taxi para masakyan ko patungo sa hospital kung saan daw dinala si Stephen! "Sorry, kailangan kong makaalis! Si Stephen...naaksidente!" diretsahan kong sagot kay Doc Alvin! Napansin kong saglit siyang natigilan bago tumango-tango! "Okay...sa kotse ko! Sasama ako ng hospital!" seryosong sagot niya sabay hawak niya sa akin at inakay niya ako patungo sa kanyang kotse! Naging sunod-sunuran naman ako kay Doc Alvin! Pagkasakay namin pareho sa sasakyan, kaagad siyang nagmaneho! Sinabi ko pa nga sa kanya kung saang hospital dinala si Stephen at pagkatapos noon, naging tahimik na ako buong biyahe! Ramdam ko ang takot ko sa puso ko pero umaasa ako na sana ayos lang si Stephen! Kahit naman sinaktan niya ako ng paulit-ulit, hindi ko naman pinangarap na mapahamak siya lalo na at alam kong w
ANYANA POV Dahil sa ginawa ni Stephen kanina sa simbahan, nagpasya na lang kaming dalawa ni Doc Alvin na kumain sa restaurant! Lagpas na sa oras ng pagkain ng tanghalian at nag-aalburuto na ang tiyan ko sa gutom! Wala na din akong balak na pumunta ng reception party dahil mukhang nababaliw na si Stephen! Para bang wala na siyang kahihiyan at hayagan niya nang ipinapakita sa lahat kung gaano na kasama ang ugali niya! Kahit ako, nagulat din talaga sa ginawa niya kanina! Harap-harapan ba naman kung mangumprunta! Ano ba ang pakialam niya kung may kausap akong lalaki? Naikasal na siya lahat-lahat ang hilig niya pa ring makialam sa buhay ng may buhay! "Ano ang gusto mong kainin?" nakangiting tanong sa akin ni Doc Alvin! HIndi ko naman mapigilan ang mapatitig sa kanya! Sa halos isang buwan na nakilala ko siya wala man lang akong nakitang kahit na isang kapintasan sa ugali niya! Kapag magkasama kaming dalawa talagang ipinaparamdam niya sa akin kung gaano ako ka-special na malayong mal