•Clyden•
Limang oras na ang lumipas at kanina pa ako rito naghihintay ng susundo sa akin ngunit wala namang dumating. Siguro ay naging abala ito sa pagbabantay sa mag-ina ko kaya nakalimutan ni daddy ang pinag-usapan namin kanina.
Tiningnan ko ang aking orasan at nang makita ang oras doon ay kaagad na akong nagtawag ng taksi para magpahatid sa hospital na kinaroroonan ni Gaea. Mabilis ang tibok ng aking puso, kinakabahan ako na makita si Gaea sa sitwasyon na kinasasangkutan nito ngayon. Ang pinakaayaw ko pa naman sa lahat ay ang masaktan ito.Simula nang ma-aksidente ito dati ay pinangako ko na sa aking sarili na iingatan ko na siya ngunit heto at nangyari na naman ulit. "Saan po tayo, sir?" tanong ng taxi driver sa akin nang makasakay na ako at maiayos na ang aking mga gamit.
"Sa Y General Hospital po, kuya," tugon ko sa kanya at kinuha muli ang cellphone
•Eychan•Napatingin ako sa dalawang taong kakapasok lang. Nahihiyang naglakad si tita papalapit sa akin habang si Clyden naman na nakasunod dito ay may malapad na ngiti."Kukunin ko lang si CN para makapag-usap kayo nang maayos," usal niya nang makalapit na siya sa akin. Ngumiti ako at tumango sa kanya at pinatayo si CN para mabuhat niya ito. "Kakain muna tayo, big boy, okay? Kailangan natin ng lakas para bantayan si mommy.""Okay po, daddy! Gusto ko pong maging strong para po hindi na ulit masaktan si mommy po." Napangiti ako sa pinag-usapan nilang dalawa at kumaway na sa kanila.Mahina pa ang katawan ko dahil sa nangyaring aksidente, lalo na at kakagising ko pa lang. Pero gusto kong makausap si Tita Letecia hindi ako makatulog hanggat hindi ko ito nakakausap."Gaea, pinapatawag mo raw ako sabi ni Clyden?" mahinahon
•CN•Napatingin ako kay daddy na hindi mapirme sa kanyang kinatatayuan. Kahit naikasal na sila dati ay ganoon pa rin ang reaksyon nito ngayon. Walang pinagbago maliban na lang sa amin ni Corrine at ang pagtanda nila mommy ng ilang taon.Labing-limang taon ang lumipas ngunit wala man lang pinagbago sa nararamdaman nilang dalawa. Corrine and I always witness my parents sweetness and love. Sa ilang taon nilang pagsasama may awayan man ngunit hindi ko narinig maski isa sa kanila na nagsabi na maghiwalay, instead I always hear some comforting words.Iyong matatamis na salita ni daddy na nagpapatigil sa pagtatampo ni mommy. Lumingon ako sa may aisle nang marinig ko ang pagkanta ng wedding singer."Kuya, ang ganda ni mommy!" wika ni Corrine sa aking tabi habang nakatitig sa ina namin. Napangiti ako nang makita ang magandang mukha ni mommy. Wala man lang pinagbago sa
•Gaea•"Samantha naman! Kailangan ko ng inspirasyon hindi ang maingay na lugar na iyon!" Napakamot ako sa batok ko nang bigla niya akong binatukan.Inilapag nito sa kama ang mga mini dress na napili at umupo sa aking tabi. Saglit ko lang siyang tinignan at ibinalik na sa screen ng laptop ko ang aking paningin.Kaninang umaga lang nakatanggap ako ng mensahe sa editor ko na ipapatanggal ako ni Boss Ricky kapag hindi pa ako nakapagsubmit ng bagong manuscript sa susunod na linggo."Kaya nga tayo pupunta sa club para humanap ng inspirasyon mo!" Naririnig ko naman siya pero hindi ko pa rin siya nililingon. Sumasakit ang ulo ko sa susunod na eksena dahil walang ideyang pumapasok sa utak ko. "Hello! Earth to my pretty Gaea?"Bumuntong-hininga at malungkot na tumingin sa kanya. Mahal ko ang trabaho ko at ayaw kong mawala iyon sa akin, pero simula nang maghiwalay kami ni Russu ay nawalan
•Gaia•Nakadapa lang ako sa kama habang tinitingnan ang screen ng laptop ko na wala pa ring laman kahit isang salita. Napapikit ako saglit habang inaalala ang mukha ni Clyden."Huy, magandang binibini! Isang linggo mo nang ginagawa 'yan." Napapitlag ako nang marinig ang boses ni Samantha. "Tawagan mo na kasi!"Iminulat ko ang aking mata nang maramdaman ko ang mahinang pagdampi ng isang bagay sa aking braso. Nakita ko roon ang business card ni Clyden kaya kaagad ko iyong kinuha, saglit na tiningnan bago inilagay sa tabi ng laptop ko.Kahit pa sobrang gwapo ni Clyden ay di ko pa rin pwedeng ibigay sa kanya ang katawan ko. Makakakita rin ako ng ibang inspirasyon, dati naman di ko kailangan ng lalaki para lang makapag-sulat."Dahil may boyfriend ka naman noon!" Tiningnan ko si Samantha nang nakataas ang kilay. Naririnig niya ba ang sinasabi ko sa aking isipan? "Huy, baliw!
•Gaea•Pinagmamasdan ko lang si Clyden habang na nakatayo sa aking harapan.Ang gwapo nitong tingnan habang nakapamulsa at kagat ang ibabang labi."Paano tayo magsisimula kung nakaupo ka lang diyan?" Nanlalaki ang mata ko nang marinig ang sinabi niya. "Bakit ang ganda mo pa rin kahit nandidilat ka sa akin?""Are you flirting with me?" Tumawa lang ito at tumabi sa aking kinauupuan. "Sasabihin ko na sayo hindi ako mahuhulog sa ganyan—"Napatigil ako sa pagsasalita nang magdikit ang aming noo. Halos hindi ako makahinga habang nakatingin sa nangungusap niyang mata."Kahit ganito tayo kalapit?" nang-aakit niyang tanong. Napalunok ako at kaagad na iniwas ang tingin sa kanya. Hindi ko kayang salubungin ang kanyang mga mata. "Nahuhulog ka na ba, Miss Gaea?"Mabilis ko itong itinulak palayo sa akin ng hindi ko maintindihan
•Gaea•Kanina pa ako nagsusulat at mabuti na lang at nakapagtapos ako ng anim na chapter ngayon. Mas mabilis ko yatang matatapos ang libro ko ngayon.Bumuntong-hininga ako bago pinuntahan si Clyden na nakatulog na sa sofa. Gusto nito sa kwarto niya ako magsulat dahil pagod daw siya sa trabaho, pero di ko siya pinagbigyan. Hirap ng magtiwala sa manyakis na'to!"Uuwi na ako," saad ko habang tinatapik ang kanyang tuhod. Nagising naman siya kaagad at nagkusot ng mata. Napangiti ako dahil sa itsura. Para itong inosenteng bata na ginigising ng kanyang ina. "Clyden, mag-aayos muna ako ng mga gamit ko sa apartment bago bumalik dito—""Ipagluto mo ako," mahina niyang saad. Tiningnan ko siya nang nakataas ang kilay. Gusto ko sana siyang pagalitan nang bigla nitong hinawakan ang tiyan niya. "Gutom na ako."Inismiran ko siya ngunit pumunta rin naman sa kusina para ipagluto."Matututo pa yata akong mag-alaga ng bata nito," pagpaparinig ko sa kanya. "Clyd
•Gaea•Inimbitahan ko sa loob ng apartment si Clyden dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ito kumakalma. Nakakuyom ang mga kamao nito habang namumula ang buo niyang mukha.Kumuha ako ng maginaw na tubig sa loob ng ref at ibinigay iyon sa kanya. Tiningnan muna niya ang kamay ko na may hawak na baso bago ako tiningala nang nakakunot-noo."Anong gagawin ko d'yan?" Hindi ko siya sinagot sa halip ay kinuha ko ang dalawa niyang kamay at inilagay roon ang baso. "Hindi ako nauuhaw, Gaea—"Umikot ang aking mata bago siya tinaasan ng kilay. "Inumin mo iyan para naman kumalma ka," naiinis kong saad sa kanya. Tiningnan naman ako nito na para bang nababaliw na ako."Kalmado naman ako, ah?" seryoso niyang sambit. Umupo ako sa tabi nito at inakbayan siya, iyong mahigpit na akbay. "Bakit? Ano na naman ang kasalanan ko?"Sa halip na tanggalin
•Gaea•Pagkatapos kong kumain ay bumalik na ako sa kwarto. Kinuha ko ang laptop ko, dumapa sa aking kama at nagsimula nang magsulat. Mas mabilis matapos, mas maayos para makapagpahinga ako kaagad.Pakanta-kanta pa ako habang nagta-type, ngunit nang matigil ako at mabasa ulit ang aking ginagawa ay halos mapatili ako sa sobrang inis. Paano ba naman isinusulat ko iyong ginawa kanina sa akin ni Clyden.Nanayo ang balahibo ko at umupo sa aking kama. Bakit ko ba naiisip ang lalaking iyon bukod sa estranghero siya sa akin ay isa rin siyang pervert."Pretty Gaea?" Napatingin ako sa aking pintuan nang marinig doon ang boses ni Samantha. Hindi pa ako nakakasagot nang binuksan niya ang pinto. Tumingin ito sa akin at bigla na lang kumunot ang kanyang makinis na noo. "Bakit ka namumula d'yan?""Ha?" gulat kong usal at hinawakan ang aking pisngi. Ma
•CN•Napatingin ako kay daddy na hindi mapirme sa kanyang kinatatayuan. Kahit naikasal na sila dati ay ganoon pa rin ang reaksyon nito ngayon. Walang pinagbago maliban na lang sa amin ni Corrine at ang pagtanda nila mommy ng ilang taon.Labing-limang taon ang lumipas ngunit wala man lang pinagbago sa nararamdaman nilang dalawa. Corrine and I always witness my parents sweetness and love. Sa ilang taon nilang pagsasama may awayan man ngunit hindi ko narinig maski isa sa kanila na nagsabi na maghiwalay, instead I always hear some comforting words.Iyong matatamis na salita ni daddy na nagpapatigil sa pagtatampo ni mommy. Lumingon ako sa may aisle nang marinig ko ang pagkanta ng wedding singer."Kuya, ang ganda ni mommy!" wika ni Corrine sa aking tabi habang nakatitig sa ina namin. Napangiti ako nang makita ang magandang mukha ni mommy. Wala man lang pinagbago sa
•Eychan•Napatingin ako sa dalawang taong kakapasok lang. Nahihiyang naglakad si tita papalapit sa akin habang si Clyden naman na nakasunod dito ay may malapad na ngiti."Kukunin ko lang si CN para makapag-usap kayo nang maayos," usal niya nang makalapit na siya sa akin. Ngumiti ako at tumango sa kanya at pinatayo si CN para mabuhat niya ito. "Kakain muna tayo, big boy, okay? Kailangan natin ng lakas para bantayan si mommy.""Okay po, daddy! Gusto ko pong maging strong para po hindi na ulit masaktan si mommy po." Napangiti ako sa pinag-usapan nilang dalawa at kumaway na sa kanila.Mahina pa ang katawan ko dahil sa nangyaring aksidente, lalo na at kakagising ko pa lang. Pero gusto kong makausap si Tita Letecia hindi ako makatulog hanggat hindi ko ito nakakausap."Gaea, pinapatawag mo raw ako sabi ni Clyden?" mahinahon
•Clyden•Limang oras na ang lumipas at kanina pa ako rito naghihintay ng susundo sa akin ngunit wala namang dumating. Siguro ay naging abala ito sa pagbabantay sa mag-ina ko kaya nakalimutan ni daddy ang pinag-usapan namin kanina.Tiningnan ko ang aking orasan at nang makita ang oras doon ay kaagad na akong nagtawag ng taksi para magpahatid sa hospital na kinaroroonan ni Gaea. Mabilis ang tibok ng aking puso, kinakabahan ako na makita si Gaea sa sitwasyon na kinasasangkutan nito ngayon. Ang pinakaayaw ko pa naman sa lahat ay ang masaktan ito.Simula nang ma-aksidente ito dati ay pinangako ko na sa aking sarili na iingatan ko na siya ngunit heto at nangyari na naman ulit. "Saan po tayo, sir?" tanong ng taxi driver sa akin nang makasakay na ako at maiayos na ang aking mga gamit."Sa Y General Hospital po, kuya," tugon ko sa kanya at kinuha muli ang cellphone
•Third Person•Ang mga mabibilis na yapak ng mga paa dahil sa takbuhan ng mga nurse at pamilya ng pasyente ang mas lalong nagpagulo sa isipan ni Letecia. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ni Gaea sa kanya. Sinagip nito ang buhay niya sa kabila ng mga nangyari sa kanila. Hindi ito nagdalawang-isip na ibuwis ang buhay nito kahit halos itakwil na niya ito.Napatingala ang ginang nang makita niya ang pares ng mga paa sa kanyang harapan. Sumalubong sa kanyang paningin ang nurse na puno rin nang pag-aalala ang mukha habang nakatitig dito."Ma'am, ginagamot na po ang daughter-in-law ninyo, kailangan niyo na pong pumunta sa emergency room para magamot din po kayo." Kumunot ang noo ng matanda at hinawakan ang noong itinuro ng nurse.Nanlalaki ang mga mata nito na nakatingin sa kamay niyang may dugo. Hindi nito ito iyon namalayan kanina dahil kaag
•Eychan•Napaatras ako nang akmang sasampalin ako nito. Hindi ako pwedeng lumaban pero kung kaya ko namang iwasan ay gagawin ko naman iyon makalayo lang sa gulo. Hindi porke't hindi ako lalaban ay magpapa-api na ako sa kanya nang ganoon kadali, hindi naman ako martyr lalo na at hindi ko naranasan na saktan ng aking mga magulang."Hindi ko alam kung ano ang nakita ng anak ko sayo para pakasalan ka," nakangisi niyang saad at tinitigan ako mula sa aking paa patungo sa ulo. "Wala ka namang ikakabuga at wala kang panama sa ibang babae na kilala ng pamilya namin."Nasaktan ako sa sinabi nito pero pinipilit ko pa rin ang aking sarili na kumalma. Pwede na nga yata akong patungan ng korona para sa pagiging kalmado ko."Hindi po kasi siya bulag, tita, nakikita niya po iyong hindi niyo nakikita," balik ko sa kanya. Nakita ko ang litid ng ugat sa kanyang leeg nang ikuyom
•Gaea•Nagising ako sa sunod-sunod na katok sa aking pintuan. Tiningnan ko si CN na mahimbing pa rin na natutulog bago marahan na bumaba sa kama. Tinungo ko kaagad ang pintuan at tiningnan kung sino ang kumakatok."Kailangan po kayo?" tanong ko sa kasambahay na nabungaran ko pagbukas ko ng pinto. Ngumiti naman ito sa akin habang tumatango, mas niluwagan ko pa ang pintuan para magkausap kami nang maayos. "Ano po ang kailangan niyo, nay?"Medyo may katandaan na ito kaya iyon na lang ang ini-address ko sa kanya. "Ma'am, pinapatawag na po kayo nila Mr. Lee sa baba. Kakain na raw po, ma'am," pagbibigay-alam niya.Hindi ko aakalain na sabay-sabay pala rito kung mag-umagahan lalo na at sinabi kagabi ng nakausap kong kasambahay ay minsanan lang magkita o nandito ang mga Lee. Sa dami naman ng negosyo nila ay naiintindihan ko naman ang mga ito.&
•Gaea•Napatingin ako sa mag-ama ko na nasa may paanan ng kama. Nakatayo si CN habang nakaluhod naman sa harapan nito si Clyden para mapantayan ang tangkad ng anak namin."Kapag umalis na si daddy magpakabait ka kay mommy, ah?" bilin nito sa anak. Napangiti ako nang mabilis na tumango si CN ngunit kagat-kagat na ang ibabang labi halatang pinipigil ang pag-iyak."Kailan ka po babalik, daddy? Ilang days po ba ang itutulog ko para pag-gising ko po ay nar'yan na po kayo ulit?" inosente nitong tanong.Tumayo si Clyden at binuhat ang anak para dalhin si CN sa kamang kinauupuan ko. Umupo ang una sa aking tabi habang nakapaupo naman sa kanyang binti si CN."Hindi mo lang namamalayan na nakauwi na pala ako. Pangako iyan, anak, just don't count the days para hindi mo maramdaman ang tagal ng paghihintay, okay?"
•Gaea•Ang malagintong bahay nila Clyden ang muling nakapagtigil sa akin sa paglalakad. Hindi ko maiwasang mailang at subukang ihambing ang sarili ko sa kanya.Kahit na nagtra-trabaho na ako ngayon at may malaking sahod ay hindi pa rin iyon maikukumpara sa yaman ng pamilya niya. 'You can't sit with us' parang iyon ang vibes na nakikita ko sa pamilya nila."Are you okay?" tanong niya sa akin nang mahalata ang pagkatigil ko. Malalim akong napabuntong-hininga at hinanap ng aking mga mata ang pamilya niya, ngunit sa sobrang laki ng mansyon ng mga ito ay hindi naman dumapo ang mga mata ko sa isa sa mga pamilya nito. "Kinakabahan ka pa rin ba? Huwag kang mag-alala, babe, nandito lang ako. Sabihin mo lang sa akin kung may problema ka, okay?""Mommy, huwag ka pong mag-alala nandito rin po ako!" Tumango ako at kinurot ang pisngi ni CN.&nb
•Gaea•Nanatiling nakapokus ang aking paningin kay Clyden na paikot-ikot sa buong kwarto. Akala yata nito ay hindi ko siya papayagan kung aalis siya ngayong araw o sa makalawa.Hindi ako sang-ayon sa biglaang pag-alis nito, pero kung gusto kong magkaayos ang buo naming pamilya ay papahintulutan ko ito. Hindi ko rin maatim na masaktan pa ang bestfriend niya dahil sa paglalayas nito. Kung hindi dahil sa amin ni Russu ay hindi naman iyon mangyayari sa kanya, lalo na at may Terrence na nagmamahal dito."Clyden," tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya sa akin na puno nang pagtatanong ang mga mata. Marahan kong tinapik ang bakanteng bahagi ng sofa na kinauupuan ko. Hinawakan ko ang kamay niya nang makaupo na siya sa aking tabi. "Kanina ka pa paikot-ikot, babe, may problema ka ba?" tanong ko kahit alam ko naman na ang dahilan nito.Hindi siya u