•Gaea•
Pagkatapos kong kumain ay bumalik na ako sa kwarto. Kinuha ko ang laptop ko, dumapa sa aking kama at nagsimula nang magsulat. Mas mabilis matapos, mas maayos para makapagpahinga ako kaagad.
Pakanta-kanta pa ako habang nagta-type, ngunit nang matigil ako at mabasa ulit ang aking ginagawa ay halos mapatili ako sa sobrang inis. Paano ba naman isinusulat ko iyong ginawa kanina sa akin ni Clyden.
Nanayo ang balahibo ko at umupo sa aking kama. Bakit ko ba naiisip ang lalaking iyon bukod sa estranghero siya sa akin ay isa rin siyang pervert.
"Pretty Gaea?" Napatingin ako sa aking pintuan nang marinig doon ang boses ni Samantha. Hindi pa ako nakakasagot nang binuksan niya ang pinto. Tumingin ito sa akin at bigla na lang kumunot ang kanyang makinis na noo. "Bakit ka namumula d'yan?""Ha?" gulat kong usal at hinawakan ang aking pisngi. Mainit nga ang aking mukha, napatingin ako sa aking isinusulat bago ibinalik kay Samantha ang aking paningin. "Wala 'to, alam mo naman ako kapag nagsusulat."Tumango naman siya at lumapit sa aking kama. Sinilip nito saglit ang aking laptop bago humiga. "Ang bilis, ah?parang kahapon lang wala kang maisulat."Natawa ako sa sinabi nito. Tama naman siya, nahihirapan nga akong makabuo ng isang pangungusap noong nagdaang-araw.Siguro nga malaking tulong talaga si Clyden sa pagiging writer ko. Ganito naman ako palagi kapag may inspirasyon habang nagsusulat, hindi ko lang aakalain na kay Clyden ko pa nahanap ang inspirasyon na iyon.
"Bakit ka nag-empake? Aalis ka?" taas-kilay na tanong niya sa akin. Pilit ang ngiting ibinigay ko sa kanya, yumakap sa kanyang braso, at humilig sa kanyang balikat. "Ano 'yang kaartehan na iyan, Gaea?"Tumawa ako at mas niyakap pa ang kanyang braso. Tumingin naman ito sa akin nang nakataas ang sulok ng isang labi.Inilagay nito sa aking noo ang kanyang dalawang daliri at marahang itinulak ang ulo ko palayo sa kanyang balikat. Humagikhik lang ako at muling ibinalik ang ulo ko sa kanya.
"Huwag mo kong papalayasin dito, bespren! Isang linggo lang ako roon babalik din ako kaagad," usal ko rito. Gumalaw ang dalawang kilay nito tila ba nang-aasar sa akin. "Kailangan ko lang matapos itong manuskrito. Huwag kang berde d'yan!"Hindi ko alam kung para kanino ang mga salitang iyon. Sa akin ba o kay Samantha alam ko naman kasi na may mangyayari talaga sa amin ni Clyden pagkatapos ng isang linggo.Iyon ang nakatatak sa kontratang pinirmahan ko. Iyon ang kapalit ng hinihingi ko sa kanyang pabor."Huy, Virgin Gaea, sigurado ka na ba d'yan?" Nagkibit-balikat ako sa tanong ni Samantha. Hindi ko rin alam ang isasagot ko rito.Nag-iwas ako ng tingin at naghanap nang maisasagot dito, nang biglang tumunog ang cellphone ko na nasa tabi lang ng aking laptop.Kaagad ko iyong sinagot nang makita ang pangalan ni mama na nakatatak sa screen. Kapag may load naman ito ay palagi siyang tumatawag, pwera na lang kung sasabihin ko sa kanya na ayaw kong pa-istorbo dahil may isinusulat ako.
"Sasagutan ko muna ito, Sam," paalam ko sa kanya. Tumango naman siya kaya mabilis na akong bumaba sa kama at lumabas ng kwarto. "Ma, napatawag po kayo?" bungad na tanong ko rito.
"Nak, si Nene kasi may project at hindi rin nakapasada ang papa mo dahil nilalagnat," pagbibigay-alam ni mama sa akin. Napalunok ako dahil sa sinabi nito, iyong pera ko sa banko ay tama na lang para sa allowance ko. "Nak? Galit ka ba, nak?"
Kaagad akong umiling sa sinabi ni mama kahit hindi naman niya ako nakikita. Nag-isip ako ng paraan kung saan ako makakahiram ng pera. "Magkano po ba gastusin niyo d'yan, ma? Isama niyo na lang rin po ang pagpapagamot sa kay papa.""Pwede bang makahingi sa iyo ng limang libo, nak?" Mas lalo yata akong nasiraan ng bait dahil sa narinig. Para sa ibang tao ay maliit lang ang pera na iyo, pero para sa aming katamtaman lang ang sahod ay malaki na iyon. "Huwag kang mag-alala, nak, kapag nagkapera ako babayaran din kita. Si papa mo kasi walang trabaho sa ngayon. Nahihiya naman akong manghiram sa ibang tao—"
"Ma, naman, magpapadala po ako d'yan bukas. Huwag na po kayong mag-alala," malambing na saad ko sa kanya. "Ibaba ko na po ito, may isinusulat kasi ako ngayon. Atsaka maaga po kayong matulog dahil mahina na katawan ninyo. I love you, ma."
"I love you too, nak, ingat ka d'yan." Pagkatapos kong magpaalam kay mama ay bumalik na rin ako sa kwarto. Nandoon pa rin si Samantha at binabasa na ang aking isinusulat.Bumuntong-hininga ako, humiga sa kama at umunan sa kanyang binti. "Sammy, pahiram naman ng pera," usal ko nang ilang oras ng walang umiimik sa aming dalawa."Problema ba sa bahay niyo?" mahina niyang tanong, habang nakatutok pa rin sa screen ng laptop ang kanyang mga mata. Hindi ako nagsalita at tumango lang, alam ko naman na maiintidihan niya iyon. "Anong problema?"
Umayos na ito ngayon sa pagkakaupo at tiningnan ako. "May project si Nene na kailangang tapusin at kailangan ng pera. Si papa naman ay nilalagnat at kailangan ipa-check up."
"Magkano ba ang hihiramin mo, Pretty Gaea?" nakangiti niyang saad. Si Samantha iyong kaibigan na palagi kang ii-spoil.
"Five thousand sana kung meron," kinakabahan kong tanong. Kahit naman malapit na kaming magkaibigan na kaming dalawa ay nahihiya pa rin ako sa kanyang manghiram ng pera. "Pero okay lang naman kahit kaunti na lang."
"Meron ako rito pero three thousand lang. Si daddy kasi kinuha niya ang mga cards ko dahil palagi na lang daw akong naglalakwatsa." Natawa ako nang makita ko siyang bumusangot. Mahal ito ng daddy niya pero siguro napaisip na rin ito na wala nang ginagawa si Samantha kundi ang pumunta ng club.
"Sa tingin ko naman para rin sayo ang ginagawa ng dad mo. Anyway kapag ba pinahiram mo sa akin ang pera mo ay may matitira ka pa bang pera?" Naninigurado lang ako at baka wala na itong magamit kapag hiniram ko iyon sa kanya.
Hindi siya umimik at tumingin sa malayo. Napailing ako dahil doon, nahihiya lang talaga itong magsabi na wala na rin siyang pera na pwedeng gamitin. "Okay lang naman na hindi mo ko mapapahiram, eh, makakahanap din ako sa iba."
"Kasi kaibigan mo ako tapos di kita—Gaea!" tili nito nang kiniliti ko siya sa kanyang tagiliran.
Tinigilan ko siya nang makita kong namumula na ang kanyang mga pisngi. Hingal na hingal naman itong napahiga rin sa kama. "Saan ka kukuha ng pera n'yan?"I shrugged, pero naiisip ko na rin si Cybell baka sakaling may natira pa sa sahod nito noong nakaraan.
"Matulog na tayo, bukas ko na lang iyan iisipin. Inaantok na ako tapos magsusulat na naman ako bukas." Bumaba naman si Samantha sa aking kama at nagpaalam na babalik na raw sa kanyang kwarto, dahil tatawagan pa raw niya ang hot guy na nakita niya sa bar.Kumaway na lang din ako rito at tumingin sa may ceiling. Gulong-gulo rin naman talaga ang utak ko, hindi ko lang pinahalata kanina kay Samantha at baka mag-alala ito.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Cybell. Isang ring pa lang ay sinagot naman nito kaagad ang tawag ko."Magpapasa ka na?" Bumusangot ako sa bungad na tanong nito sa akin. "Ah, sa tingin ko hindi iyon ang tinawag mo. Ano iyon, Pretty Gaea?"
Kapag hindi si Samantha ang tumatawag sa akin n'yan ay napapailing talaga ako. Hindi ako sanay kahit na sinasabi naman nila na nagagandahan lang talaga sila sa mukha.
"Deretso na ako sa rason kung bakit ako napatawag, ah?" Hindi umimik, naiisip ko tuloy ang itsura nito habang hinihintay akong magsalita. Alam kong nakataas-kilay ito ngayon at nakalagay ang dalawa niyang kamay sa harapan niya sa bandang dibdib. "Pwede manghiram ng pera?""Hindi pa ako sumasahod, eh. Iyong nagdaang sahod ay wala na ring natira," saad niya. Malungkot akong tumango naman ako kahit hindi niya ako nakikita. "Pero may kilala akong pwedeng magpahiram sa'yo."Napangiti ako sa sinabi nito. Mabuti na lang at may kakilala ito. "Sino iyan, Cy? Pwede ko ba siyang tawagan o kausapin sa personal?""Tatawagan ko siya ngayon at papupuntahin ko na lang siya d'yan sa coffee shop malapit sa inyo. Magkano ba hihiramin mo?" tanong nito.
Napakagat-labi ako nakakahiyang manghiram ng five thousand sa di ko kilala pero wala rin naman akong magagawa.
Wala akong pera at kung papairalin ko ang hiya ko ngayon, anong gagamitin ng pamilya ko?
"Pwede ba akong makahiram ng five thousand, Cy?" Matagal bago ito nakaimik kaya mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Baka hindi pwede? "Kahit mas mababa na lang—"
"Okay na iyon. Tatawagan ko na, ite-text ko na lang mamaya kung saan kayo magkikita bukas. Bye!" Hindi pa ako nakakapagtanong sa tungkol kakilala nito nang binaba niya kaagad ang tawag.
Pero okay na lang din naman iyon, mas maigi na iyong panatag na ako at may nahiraman ako at may maipapadala na sa kanila mama.
—Maaga akong nagising kinaumagahan dahil sabi ni Cybell ay 8 am daw makikipagkita sa akin ang kakilala nito dahil may trabaho pa raw ito.Napalingon ako kay Samantha na papalapit na sa akin ngayon. "Ang aga mo naman. Saan ka pupunta?"
Kumuha ulit ako ng isang tasa at pinagtimpla ito ng gatas bago umupo sa tabi niya.
"Pupuntahan ko lang iyong kaibigan ni Cybell, doon ako nanghiram ng pera, eh." Tumango naman siya at kinagat ang cookies na inabot niya.Pagkatapos kung mag-almusal ay nagpaalam na rin ako sa kanya. Pagkatapos kung makuha ang pera deretso na naman ako sa palawan para magpadala ng pera.Sabi ni Cybell ay black daw ang damit na susuotin ito at nasa table number 5. Umikot ang mga mata ko at tiningnan ang lalaking naroon. Napanganga ako nang makita si Russu roon at nakangiting tumingin sa akin.Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Anong mukha ang ihaharap ko sa kanya? Nanatili lamang akong nakatitig dito at hindi gumagalaw sa aking kinatatayuan. Mas maigi siguro na umalis na lang ako, tsk.Tumalikod na ako ngunit hindi ko namalayan na may tao pala sa aking likuran kaya nabangga ako sa katawan nito. Nang itiningala ko na ang aking paningin ang pagmumukha naman ni Clyden ang bumungad sa akin.
Anong ginagawa ng mga 'to rito?"That's cheating, Miss Montessori," he uttered.
•Gaea• Cheating? Nanlalaki ang mga mata ko di Makapaniwala sa kanyang sinabi. Hindi ko naman aakalain na si Russu pala ang kakilala ni Cybell. "I-I just need to talk to him," nauutal kong saad. Hindi ko mapigilang kabahan lalo na sa mga tinging ipinupukol niya sa akin. "Wait for me." Maglalakad na sana ako papunta kay Russu nang inilagay nito ang kanyang kamay sa aking ulo, at idiniin iyon para di ako makagalaw. Sinamaan ko siya ng tingin. May mga tao pa naman sa loob ng coffee shop at tumitingin sa amin. "Anong ginagawa mo, Clyden?!" inis kong tanong sa kanya. Ngumisi lang siya at mas inilapit ang kanyang ulo sa akin hanggang sa tumama ang kanyang labi sa aking baba na malapit sa kaliwa kong tainga. Nanigas ako sa aking kinatatayuan dahil sa kakaibang pakiramdam na iyon. "I hate it." Kumunot ang noo ko sa sinabi niy
•Gaea•Akala ko ay iuuwi muna ako nito sa apartment para kumuha ng gamit, ngunit bigla itong lumiko sa may Binondo, at huminto sa may Keanston. Kung saan nakapwesto ang kompanyang Lee Empire,Nanlalaki ang mata ko na tumingin sa kanya. "Anong gagawin natin dito, Clyden?" Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ako ngayon ng pinakamalaking kompanya sa Y City."Magka-kape?" taas-kilay niyang tanong sa akin. Napangiwi ako dahil sa isinagot niya, sarap lang tampalin iyong pagmu-mukha, nagtatanong nang maayos iyong tao, eh."Alam mo naman na kailangan ko ng pera para sa pamilya ko—" Nahinto ako sa pagsasalita nang tinakpan niya ang aking bibig gamit ang kanyang isang daliri."Give me their number and name of your mom. Iuutos ko na lang sa sekretarya ko," seryoso niyang usal. Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa sinabi niya, ano na naman kaya ang kap
•Gaea• Simula nang makaupo si Clyden sa harapan ng kanyang mesa ay pareho na kaming naging abala. Hindi naman ako nagre-reklamo roon, dahil mas gusto ko naman ang tahimik na lugar kapag nagsusulat. Tumayo ako saglit para kumuha ng kape sa pantry. Hindi naman ako nakakatagal sa pagsusulat kapag wala akong kape. Halos makaubos ako ng limang baso sa isang araw. Pagkatapos kong mag-timpla ay bumalik na ako sa sofa, kumunot ang aking noo nang makita si Clyden na nakatayo na ngayon sa may glass window nito at may kausap sa cellphone. Hinayaan ko na lang ito at bumalik na sa aking kinauupuan. Magtitipa na sana ako ulit nang napansin ko na nawala ang cellphone ko na nasa tabi lang ng laptop ko kanina. "Clyden, nakita mo ba rito ang cell—" Napatigil ako sa pagsasalita nang makita ko ang cellphone na hawak niya. Kaparehang-kapareha iyon ng ginagamit ko ngayon. "Cellphone ko ba iyan?"
•Gaea•Malapit na akong matapos sa ikalawang chapter na ginagawa ko nang lumapit si Clyden sa akin. Suot pa rin nito ang nakakainis na ngisi na ginamit niya kanina. Kung pwede ko lang itong pagalitan ng husto ay ginawa ko na."May kailangan ka ba?" kunot-noo kong tanong sa kanya. Itinukod nito ang kanyang dalawang kamay sa aking mesa at tiningnan ako sa mata. "I don't want to waste my time, Mr. Lee, so if you—" Hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil bigla na lang itong nagsalita."Would you mind if I invite you for lunch?" Mabilis na dumapo ang aking mata sa relo kong suot dahil sa sinabi niya. Hindi ko man lang namalayan ang oras. "So?"Kumakalam na iyong sikmura ko pero gusto ko sanang matapos muna ang chapter na isinusulat ko ngayon at baka makalimutan ko ang susunod na mangyayari rito. Minsan talaga kapag tumatayo na ako sa mesa ko kahit hindi ko pa t
•Gaea•Pagod na pagod ang katawan nang makarating kami sa condo unit ni Clyden. Parang ang hirap ng trabaho ko roon, eh, nakaupo lang naman ako, minsan ay nakikipag-asaran sa lalaking iyon.Nagugutom na rin ako pero wala akong balak tumayo ngayon para magluto. Siguro dahil na rin ito sa pagkausap ko sa mga kaibigan ni Clyden. Minsan lang naman ako makipag-usap sa ibang tao, at pakiramdam ko ay latang-lata na ako, lalo na at hindi ko kilala. Kaya nga isa rin ito sa naging dahilan kung bakit naging writer ako. Minsan ay nahihiya ako o tinatamad akong makipag-usap sa ibang tao."Gaea, anong ginagawa mo d'yan sa sofa?" tanong nito sa akin. Nakahiga kasi ako at nakapatong ang aking dalawang paa sa sandalan ng sofa. "Magbihis ka na roon para pagkalabas mo ay kakain na lang tayo.""Magpapa-deliver ka na lang ba?" umaasam na tanong ko sa kanya. Napatalon ako sa sobrang say
-Gaea's POV-Maghapon lang akong nakatunganga sa laptop ko, kapag sumasakit naman ang likod ko ay cellphone na ang ginagamit ko sa pagsusulat para makahiga sa kama.Napatingin ako sa malaking orasan nakasabit sa pader, nang tumunog ang cellphone ko. Alas singko na nang hapon, kaya kaagad akong tumayo mula sa pagkakahiga at pumunta sa kusina. Seven ang out ni Clyden kaya ihahanda ko na lang muna ang mga ingredients at mamayang alas sais ay magluluto ako para mainit pa.Bumalik muna ako sa pagsusulat para hindi masayang ang oras. Naka-isang chapter naman ako bago tumunog ang alarm clock for six pm. Iniwan ko muna ang pagsusulat at bumalik sa kusina para magluto. Nang matapos ay bumalik ako sa ginagawa ko. Kahit nagsusulat ay bored na bored pa rin ako. Kinuha ko ang cellphone ko na nasa ibabaw ng mesa nang tumunog iyon."Ma, napatawag po kayo?" bungad na tanong ko rito. Narinig ko ang halakhakan sa kabilang lin
•Gaea•Inihatid naman ako ni Russu sa mismong convenience store na pinagkuhanan nito sa akin kanina. Nang makalayo na ito ay tsaka naman ako naglakad patungo sa may condo ni Clyden. Malapit na mag-alas-otso nang gabi, pero sa tingin ko ay wala pa naman ito sa condo.Pakanta-kanta pa ako habang binubuksan ang pinto, may naisip na rin kasi akong scene para sa isang chapter. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad naman sa akin ang nakakunot-noong si Clyden."Saan ka galing?" seryoso niyang saad at sinuri ang suot kong damit. Napalunok ako dahil sa presensya, bumilis din ang tibok ng puso ko nang makita ko siya."Naghahanap ng inspirasyon," sagot ko sa kanya. Aalis na sana ako sa harapan nito nang hinawakan nito ang aking balikat at isinandal ako sa pinto. Napalunok ako habang tinititigan siya sa mga mata. "Ano ba, Clyden, may problema ka ba?!""Sino na namang lalaki ang pinu
•Gaea•Dinala ako ni Clyden patungo sa may sofa. Inalalayan ako nito na para bang napilayan ako sa pag-uusap namin ni Samantha. Hinayaan ko na lamang ito hanggang sa makaupo kami sa may sofa.Muli nitong sinuri ang katawan mula sa mukha, patungo sa aking braso at iba pang parte ng katawan. Natatawa akong hinuli ang kanyang mukha at inipit iyon sa pagitan ng aking dalawang kamay."Why are you laughing, Gaea? Baka nasaktan niya ang ulo mo at—" Tumigil ito sa pagsasalita nang tiningnan ko siya nang masama. Itinaas naman niya ang kanyang kamay bilang pag-surrender. "Nagugutom ka na? O Kumain ka na ba?"Umiling ako, sabay hawak sa aking tiyan nang makaramdam nga ako nang gutom pagkatapos niyang sabihin iyon. "May dala akong Jollibee's fried chicken pero nasa kotse ko dahil nagmamadali akong umakyat dito. Hintayin mo lang ako rito at kukunin ko muna. "Tatayo
•CN•Napatingin ako kay daddy na hindi mapirme sa kanyang kinatatayuan. Kahit naikasal na sila dati ay ganoon pa rin ang reaksyon nito ngayon. Walang pinagbago maliban na lang sa amin ni Corrine at ang pagtanda nila mommy ng ilang taon.Labing-limang taon ang lumipas ngunit wala man lang pinagbago sa nararamdaman nilang dalawa. Corrine and I always witness my parents sweetness and love. Sa ilang taon nilang pagsasama may awayan man ngunit hindi ko narinig maski isa sa kanila na nagsabi na maghiwalay, instead I always hear some comforting words.Iyong matatamis na salita ni daddy na nagpapatigil sa pagtatampo ni mommy. Lumingon ako sa may aisle nang marinig ko ang pagkanta ng wedding singer."Kuya, ang ganda ni mommy!" wika ni Corrine sa aking tabi habang nakatitig sa ina namin. Napangiti ako nang makita ang magandang mukha ni mommy. Wala man lang pinagbago sa
•Eychan•Napatingin ako sa dalawang taong kakapasok lang. Nahihiyang naglakad si tita papalapit sa akin habang si Clyden naman na nakasunod dito ay may malapad na ngiti."Kukunin ko lang si CN para makapag-usap kayo nang maayos," usal niya nang makalapit na siya sa akin. Ngumiti ako at tumango sa kanya at pinatayo si CN para mabuhat niya ito. "Kakain muna tayo, big boy, okay? Kailangan natin ng lakas para bantayan si mommy.""Okay po, daddy! Gusto ko pong maging strong para po hindi na ulit masaktan si mommy po." Napangiti ako sa pinag-usapan nilang dalawa at kumaway na sa kanila.Mahina pa ang katawan ko dahil sa nangyaring aksidente, lalo na at kakagising ko pa lang. Pero gusto kong makausap si Tita Letecia hindi ako makatulog hanggat hindi ko ito nakakausap."Gaea, pinapatawag mo raw ako sabi ni Clyden?" mahinahon
•Clyden•Limang oras na ang lumipas at kanina pa ako rito naghihintay ng susundo sa akin ngunit wala namang dumating. Siguro ay naging abala ito sa pagbabantay sa mag-ina ko kaya nakalimutan ni daddy ang pinag-usapan namin kanina.Tiningnan ko ang aking orasan at nang makita ang oras doon ay kaagad na akong nagtawag ng taksi para magpahatid sa hospital na kinaroroonan ni Gaea. Mabilis ang tibok ng aking puso, kinakabahan ako na makita si Gaea sa sitwasyon na kinasasangkutan nito ngayon. Ang pinakaayaw ko pa naman sa lahat ay ang masaktan ito.Simula nang ma-aksidente ito dati ay pinangako ko na sa aking sarili na iingatan ko na siya ngunit heto at nangyari na naman ulit. "Saan po tayo, sir?" tanong ng taxi driver sa akin nang makasakay na ako at maiayos na ang aking mga gamit."Sa Y General Hospital po, kuya," tugon ko sa kanya at kinuha muli ang cellphone
•Third Person•Ang mga mabibilis na yapak ng mga paa dahil sa takbuhan ng mga nurse at pamilya ng pasyente ang mas lalong nagpagulo sa isipan ni Letecia. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ni Gaea sa kanya. Sinagip nito ang buhay niya sa kabila ng mga nangyari sa kanila. Hindi ito nagdalawang-isip na ibuwis ang buhay nito kahit halos itakwil na niya ito.Napatingala ang ginang nang makita niya ang pares ng mga paa sa kanyang harapan. Sumalubong sa kanyang paningin ang nurse na puno rin nang pag-aalala ang mukha habang nakatitig dito."Ma'am, ginagamot na po ang daughter-in-law ninyo, kailangan niyo na pong pumunta sa emergency room para magamot din po kayo." Kumunot ang noo ng matanda at hinawakan ang noong itinuro ng nurse.Nanlalaki ang mga mata nito na nakatingin sa kamay niyang may dugo. Hindi nito ito iyon namalayan kanina dahil kaag
•Eychan•Napaatras ako nang akmang sasampalin ako nito. Hindi ako pwedeng lumaban pero kung kaya ko namang iwasan ay gagawin ko naman iyon makalayo lang sa gulo. Hindi porke't hindi ako lalaban ay magpapa-api na ako sa kanya nang ganoon kadali, hindi naman ako martyr lalo na at hindi ko naranasan na saktan ng aking mga magulang."Hindi ko alam kung ano ang nakita ng anak ko sayo para pakasalan ka," nakangisi niyang saad at tinitigan ako mula sa aking paa patungo sa ulo. "Wala ka namang ikakabuga at wala kang panama sa ibang babae na kilala ng pamilya namin."Nasaktan ako sa sinabi nito pero pinipilit ko pa rin ang aking sarili na kumalma. Pwede na nga yata akong patungan ng korona para sa pagiging kalmado ko."Hindi po kasi siya bulag, tita, nakikita niya po iyong hindi niyo nakikita," balik ko sa kanya. Nakita ko ang litid ng ugat sa kanyang leeg nang ikuyom
•Gaea•Nagising ako sa sunod-sunod na katok sa aking pintuan. Tiningnan ko si CN na mahimbing pa rin na natutulog bago marahan na bumaba sa kama. Tinungo ko kaagad ang pintuan at tiningnan kung sino ang kumakatok."Kailangan po kayo?" tanong ko sa kasambahay na nabungaran ko pagbukas ko ng pinto. Ngumiti naman ito sa akin habang tumatango, mas niluwagan ko pa ang pintuan para magkausap kami nang maayos. "Ano po ang kailangan niyo, nay?"Medyo may katandaan na ito kaya iyon na lang ang ini-address ko sa kanya. "Ma'am, pinapatawag na po kayo nila Mr. Lee sa baba. Kakain na raw po, ma'am," pagbibigay-alam niya.Hindi ko aakalain na sabay-sabay pala rito kung mag-umagahan lalo na at sinabi kagabi ng nakausap kong kasambahay ay minsanan lang magkita o nandito ang mga Lee. Sa dami naman ng negosyo nila ay naiintindihan ko naman ang mga ito.&
•Gaea•Napatingin ako sa mag-ama ko na nasa may paanan ng kama. Nakatayo si CN habang nakaluhod naman sa harapan nito si Clyden para mapantayan ang tangkad ng anak namin."Kapag umalis na si daddy magpakabait ka kay mommy, ah?" bilin nito sa anak. Napangiti ako nang mabilis na tumango si CN ngunit kagat-kagat na ang ibabang labi halatang pinipigil ang pag-iyak."Kailan ka po babalik, daddy? Ilang days po ba ang itutulog ko para pag-gising ko po ay nar'yan na po kayo ulit?" inosente nitong tanong.Tumayo si Clyden at binuhat ang anak para dalhin si CN sa kamang kinauupuan ko. Umupo ang una sa aking tabi habang nakapaupo naman sa kanyang binti si CN."Hindi mo lang namamalayan na nakauwi na pala ako. Pangako iyan, anak, just don't count the days para hindi mo maramdaman ang tagal ng paghihintay, okay?"
•Gaea•Ang malagintong bahay nila Clyden ang muling nakapagtigil sa akin sa paglalakad. Hindi ko maiwasang mailang at subukang ihambing ang sarili ko sa kanya.Kahit na nagtra-trabaho na ako ngayon at may malaking sahod ay hindi pa rin iyon maikukumpara sa yaman ng pamilya niya. 'You can't sit with us' parang iyon ang vibes na nakikita ko sa pamilya nila."Are you okay?" tanong niya sa akin nang mahalata ang pagkatigil ko. Malalim akong napabuntong-hininga at hinanap ng aking mga mata ang pamilya niya, ngunit sa sobrang laki ng mansyon ng mga ito ay hindi naman dumapo ang mga mata ko sa isa sa mga pamilya nito. "Kinakabahan ka pa rin ba? Huwag kang mag-alala, babe, nandito lang ako. Sabihin mo lang sa akin kung may problema ka, okay?""Mommy, huwag ka pong mag-alala nandito rin po ako!" Tumango ako at kinurot ang pisngi ni CN.&nb
•Gaea•Nanatiling nakapokus ang aking paningin kay Clyden na paikot-ikot sa buong kwarto. Akala yata nito ay hindi ko siya papayagan kung aalis siya ngayong araw o sa makalawa.Hindi ako sang-ayon sa biglaang pag-alis nito, pero kung gusto kong magkaayos ang buo naming pamilya ay papahintulutan ko ito. Hindi ko rin maatim na masaktan pa ang bestfriend niya dahil sa paglalayas nito. Kung hindi dahil sa amin ni Russu ay hindi naman iyon mangyayari sa kanya, lalo na at may Terrence na nagmamahal dito."Clyden," tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya sa akin na puno nang pagtatanong ang mga mata. Marahan kong tinapik ang bakanteng bahagi ng sofa na kinauupuan ko. Hinawakan ko ang kamay niya nang makaupo na siya sa aking tabi. "Kanina ka pa paikot-ikot, babe, may problema ka ba?" tanong ko kahit alam ko naman na ang dahilan nito.Hindi siya u