•Gaea•
Cheating? Nanlalaki ang mga mata ko di Makapaniwala sa kanyang sinabi. Hindi ko naman aakalain na si Russu pala ang kakilala ni Cybell.
"I-I just need to talk to him," nauutal kong saad. Hindi ko mapigilang kabahan lalo na sa mga tinging ipinupukol niya sa akin. "Wait for me."Maglalakad na sana ako papunta kay Russu nang inilagay nito ang kanyang kamay sa aking ulo, at idiniin iyon para di ako makagalaw.
Sinamaan ko siya ng tingin. May mga tao pa naman sa loob ng coffee shop at tumitingin sa amin."Anong ginagawa mo, Clyden?!" inis kong tanong sa kanya. Ngumisi lang siya at mas inilapit ang kanyang ulo sa akin hanggang sa tumama ang kanyang labi sa aking baba na malapit sa kaliwa kong tainga.Nanigas ako sa aking kinatatayuan dahil sa kakaibang pakiramdam na iyon. "I hate it." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya."Hate what?" balik tanong ko rin sa kanya."I hate it when someone's looking at my girl as if they're trying to devour her." Impit akong napatili nang hinawakan ako nito sa aking bewang at inilapit sa kanya. "Cause she's mine. Mine to look, mine to touch, and mine to devour," he uttered, possessively."I'm not yours, Clyden, bitiwan mo nga ako," mariin kong saad, at itinulak ang kanyang dibdib.Actually, nakikita ko si Clyden bilang isang character ko. Kinikilig ako sa mga ginagawa nito dahil iyon naman talaga ang gusto ko sa mga lalaki, kaya ko nagawa ang mga librong iyon.Pero habang nagmumuni-muni ako kagabi isa lang ang na-realize ko na nagugustuhan ko na naman talaga si Clyden, but it's because he resembles my characters.
"Gaea." Sabay kaming napalingon nang marinig ang pagtawag sa aking pangalan. Nakalapit na pala sa amin si Russu hindi man lang namin namamalayan. "Sinabi sa akin ni Cybell na may kailangan ka raw sa akin—""Ano naman ang kailangan niya sa'yo kung nandito ako?" inis na saad ni Clyden dito. Kaagad akong lumapit sa kanya at kinurot ang kanyang tagiliran. "Ms. Montessori," mariin niyang saad, habang masamang nakatingin sa akin.
"Ikaw naman kasi! Kinakausap ako nang maayos ng tao, eh," bulong ko sa kanya. "Lumabas ka na muna, Clyden, kakausapin ko lang sandali si Russu."
Tumaas ang sulok ng labi nito at malalim na bumuntong-hininga. Nagpalipat-lipat muna ang tingin nito sa aming dalawa ni Russu, bago tuluyang lumabas.Hinawakan ko naman ang kamay ng huli at hinila siya kung saan siya nakaupo kanina."I'm sorry to bother you, Russu, hindi ko naman alam na ikaw pala ang kakilala ni Cybell," mahina kong usal. Nahihiya pa ako ritong tumingin, hindi naman kasi ako nanghihiram sa kanya ng pera dati noong kami pa. "Mauna na ako, pasensya na talaga sa istorbo."Tatayo na sana ako nang hinila niya ang aking kamay at inilagay roon ang isang sobre. Nanlalaki ang mga matang tumingin sa kanya.
"Alam kong kailangan mo ito ngayon." Napalunok ako at iiling na sana nang tinapik niya ang aking balikat. "Kaibigan mo pa rin ako, Gaea, atsaka babayaran mo naman iyan."
Tumango ako, inilagay sa bulsa ang sobre at nagpasalamat sa kanya. Kailangan ko naman talaga ito at kapag nakasahod na ay babayaran ko rin naman kaagad siya."Mauuna na ako, Rus—" Napatingin ako ulit dito nang hinawakan niya ang aking kamay. "Bakit? May kailangan ka pang sabihin?""Sabay na tayo," nakangiti niyang turan. Nakagat ko ang aking labi at tatanggalin na sana ang kamay niya na nakahawak sa akin, nang hinila naman ako nito palabas.Pareho kaming napatitig sa malaking pigurang nakaharang sa aming dinadaanan."Ano sa tingin ninyo ang ginagawa ninyo?" Magkadikit ang dalawang kilay ni Clyden habang nakatitig sa aming magkasalikop na kamay ni Russu.Tatanggalin ko na sana iyon nang mas hinigpitan ng huli ang pagkakahawak sa akin. "Russu," kuha ko sa atensyon niya."Gaea Montessori, pupunta ka rito sa tabi ko o bubuhatin kita papunta sa kotse." Napaawang ang aking labi dahil sa sinabi ni Clyden nasa kabilang bahagi pa naman ang sasakyan nito. "Isa..."Pili kong tinatanggal ang kamay ni Russu sa braso ko, ngunit tila ba bakal iyon at ang hirap tanggalin."Sino ka naman para utusan si Gaea?" Nagkatitigan silang dalawa at parehong nanlilisik ang mga mata. Para akong nanunuod ng anime pati yata iyong mga kuryete na kumukonekta sa mata ng isa't-isa ay nakikita ko. "Ako ang pinunta niya rito, kaya ako ang maghahatid sa kanya pauwi—""Boyfriend niya ako at ngayon pa lang sasabihin ko na sa'yo. Wala kang pakialam sa girlfriend ko," seryosong saad nito.Lumapit ito sa akin at yumuko. Akala ko ay bubuhatin ako nito katulad nang sinabi niya, ngunit pinakatitigan lang nito ang aking mukha.Maduduling pa yata ako sa sobrang lapit naming dalawa. "Ms. Montessori, uwi na tayo?" nakangiti nitong tanong sa akin.
Napahawak ako sa damit na nasa aking gilid habang nakatitig sa kanyang mga mata. Mas lalo yata akong kinabahan dahil sa pagiging kalmado nito.Napakagat ako sa aking ibabang labi nang niyakap niya ako nang mahigpit. "I think you need to take this back."
Itinulak ko si Clyden para tingnan ang inilahad nito kay Russu. Nanlalaki ang mata ko nang makita ang sobre sa kanyang kamay.
"May sa magnanakaw ka ba noong unang panahon?" inis kong sita sa kanya at pilit na inaabot ang sobre sa kanyang kamay. Nagkibit-balikat lang ito sa aking sinabi at ginulo ang aking buhok. "Clyden, ibigay mo iyan sa akin—"
"Bakit kailangan mong lumapit sa iba kung kaya ko namang ibigay ang kailangan mo, Ms. Montessori?" seryoso niyang saad. Hindi ako nakaimik iniwas ang aking tingin sa kanyang nakakamatay na titig. "Take this and go. Kaya kong tugunan ang pangangailangan ng girlfriend ko."Hindi pa ako nakakabigkas ng kahit isang salita nang bigla ako nitong binuhat. Tinampal ko ang kanyang likuran para ibaba ako nito dahil nalulula ako sa ginaw nito, ngunit nakarating na lang kami sa may kotse ay di pa rin ako nito binibitawan."Clyden, ano ba! Gumagawa ka naman ng eksena, eh. Hindi mo ba alam ang daming mga matang nakatingin sa atin." Inilagay ako nito sa passenger at isinarado ang pinto.Umikot ang aking mata sa sobrang inis ko sa kanya. Masama ko siyang tiningnan nang makapasok na siya sa loob.
"You're acting like a possessive boyfriend and know that I hate it—" Natigil ako sa pagsasalita at nanlalaki ang mga matang tumitig sa kanya nang bigla niya akong inipit sa may upuan at sa matipuno niyang katawan. "Ano ang ginagawa mo?" kinakabahan kong tanong sa kanya.Hindi ito umiimik, nagulat na lang ako nang bigla niyang angkinin ang aking labi. Mabilis lang ang halik na iyon at kusa na siyang humiwalay sa akin."Hindi naman ako magiging ganito kung hindi mo ex-boyfriend iyon," mariin niyang saad. Napailing ako at tinampal ang kanyang noo. "Nagiging sadista ka na, Ms. Montessori. Do you want me to add another rule?"
Tinaasan ko siya ng kilay at pinag-krus ang aking kamay sa aking dibdib. "Anong trabaho mo?" Nagtataka naman siyang tumingin sa akin. Naguguluhan yata sa biglaan kong tanong."Chief executive officer at Lee Empire, problem?" Ngumisi ako at piningot ang kanyang tainga.
"Akala ko kasi naging writer ka na rin mas marami ka pa yatang alam kaysa sa akin," nakataas-kilay kong saad sa kanya.Sarkastiko naman itong tumawa at kinurot ang aking pisngi. Tinapik ko iyon dahil sumasakit na rin ang pisngi ko kakakurot nito. Ngumisi lang siya at nagsimula nang magmaneho.
Maraming salamat po sa pagbabasa ng mga librong ginawa ko. ❤
•Gaea•Akala ko ay iuuwi muna ako nito sa apartment para kumuha ng gamit, ngunit bigla itong lumiko sa may Binondo, at huminto sa may Keanston. Kung saan nakapwesto ang kompanyang Lee Empire,Nanlalaki ang mata ko na tumingin sa kanya. "Anong gagawin natin dito, Clyden?" Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ako ngayon ng pinakamalaking kompanya sa Y City."Magka-kape?" taas-kilay niyang tanong sa akin. Napangiwi ako dahil sa isinagot niya, sarap lang tampalin iyong pagmu-mukha, nagtatanong nang maayos iyong tao, eh."Alam mo naman na kailangan ko ng pera para sa pamilya ko—" Nahinto ako sa pagsasalita nang tinakpan niya ang aking bibig gamit ang kanyang isang daliri."Give me their number and name of your mom. Iuutos ko na lang sa sekretarya ko," seryoso niyang usal. Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa sinabi niya, ano na naman kaya ang kap
•Gaea• Simula nang makaupo si Clyden sa harapan ng kanyang mesa ay pareho na kaming naging abala. Hindi naman ako nagre-reklamo roon, dahil mas gusto ko naman ang tahimik na lugar kapag nagsusulat. Tumayo ako saglit para kumuha ng kape sa pantry. Hindi naman ako nakakatagal sa pagsusulat kapag wala akong kape. Halos makaubos ako ng limang baso sa isang araw. Pagkatapos kong mag-timpla ay bumalik na ako sa sofa, kumunot ang aking noo nang makita si Clyden na nakatayo na ngayon sa may glass window nito at may kausap sa cellphone. Hinayaan ko na lang ito at bumalik na sa aking kinauupuan. Magtitipa na sana ako ulit nang napansin ko na nawala ang cellphone ko na nasa tabi lang ng laptop ko kanina. "Clyden, nakita mo ba rito ang cell—" Napatigil ako sa pagsasalita nang makita ko ang cellphone na hawak niya. Kaparehang-kapareha iyon ng ginagamit ko ngayon. "Cellphone ko ba iyan?"
•Gaea•Malapit na akong matapos sa ikalawang chapter na ginagawa ko nang lumapit si Clyden sa akin. Suot pa rin nito ang nakakainis na ngisi na ginamit niya kanina. Kung pwede ko lang itong pagalitan ng husto ay ginawa ko na."May kailangan ka ba?" kunot-noo kong tanong sa kanya. Itinukod nito ang kanyang dalawang kamay sa aking mesa at tiningnan ako sa mata. "I don't want to waste my time, Mr. Lee, so if you—" Hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil bigla na lang itong nagsalita."Would you mind if I invite you for lunch?" Mabilis na dumapo ang aking mata sa relo kong suot dahil sa sinabi niya. Hindi ko man lang namalayan ang oras. "So?"Kumakalam na iyong sikmura ko pero gusto ko sanang matapos muna ang chapter na isinusulat ko ngayon at baka makalimutan ko ang susunod na mangyayari rito. Minsan talaga kapag tumatayo na ako sa mesa ko kahit hindi ko pa t
•Gaea•Pagod na pagod ang katawan nang makarating kami sa condo unit ni Clyden. Parang ang hirap ng trabaho ko roon, eh, nakaupo lang naman ako, minsan ay nakikipag-asaran sa lalaking iyon.Nagugutom na rin ako pero wala akong balak tumayo ngayon para magluto. Siguro dahil na rin ito sa pagkausap ko sa mga kaibigan ni Clyden. Minsan lang naman ako makipag-usap sa ibang tao, at pakiramdam ko ay latang-lata na ako, lalo na at hindi ko kilala. Kaya nga isa rin ito sa naging dahilan kung bakit naging writer ako. Minsan ay nahihiya ako o tinatamad akong makipag-usap sa ibang tao."Gaea, anong ginagawa mo d'yan sa sofa?" tanong nito sa akin. Nakahiga kasi ako at nakapatong ang aking dalawang paa sa sandalan ng sofa. "Magbihis ka na roon para pagkalabas mo ay kakain na lang tayo.""Magpapa-deliver ka na lang ba?" umaasam na tanong ko sa kanya. Napatalon ako sa sobrang say
-Gaea's POV-Maghapon lang akong nakatunganga sa laptop ko, kapag sumasakit naman ang likod ko ay cellphone na ang ginagamit ko sa pagsusulat para makahiga sa kama.Napatingin ako sa malaking orasan nakasabit sa pader, nang tumunog ang cellphone ko. Alas singko na nang hapon, kaya kaagad akong tumayo mula sa pagkakahiga at pumunta sa kusina. Seven ang out ni Clyden kaya ihahanda ko na lang muna ang mga ingredients at mamayang alas sais ay magluluto ako para mainit pa.Bumalik muna ako sa pagsusulat para hindi masayang ang oras. Naka-isang chapter naman ako bago tumunog ang alarm clock for six pm. Iniwan ko muna ang pagsusulat at bumalik sa kusina para magluto. Nang matapos ay bumalik ako sa ginagawa ko. Kahit nagsusulat ay bored na bored pa rin ako. Kinuha ko ang cellphone ko na nasa ibabaw ng mesa nang tumunog iyon."Ma, napatawag po kayo?" bungad na tanong ko rito. Narinig ko ang halakhakan sa kabilang lin
•Gaea•Inihatid naman ako ni Russu sa mismong convenience store na pinagkuhanan nito sa akin kanina. Nang makalayo na ito ay tsaka naman ako naglakad patungo sa may condo ni Clyden. Malapit na mag-alas-otso nang gabi, pero sa tingin ko ay wala pa naman ito sa condo.Pakanta-kanta pa ako habang binubuksan ang pinto, may naisip na rin kasi akong scene para sa isang chapter. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad naman sa akin ang nakakunot-noong si Clyden."Saan ka galing?" seryoso niyang saad at sinuri ang suot kong damit. Napalunok ako dahil sa presensya, bumilis din ang tibok ng puso ko nang makita ko siya."Naghahanap ng inspirasyon," sagot ko sa kanya. Aalis na sana ako sa harapan nito nang hinawakan nito ang aking balikat at isinandal ako sa pinto. Napalunok ako habang tinititigan siya sa mga mata. "Ano ba, Clyden, may problema ka ba?!""Sino na namang lalaki ang pinu
•Gaea•Dinala ako ni Clyden patungo sa may sofa. Inalalayan ako nito na para bang napilayan ako sa pag-uusap namin ni Samantha. Hinayaan ko na lamang ito hanggang sa makaupo kami sa may sofa.Muli nitong sinuri ang katawan mula sa mukha, patungo sa aking braso at iba pang parte ng katawan. Natatawa akong hinuli ang kanyang mukha at inipit iyon sa pagitan ng aking dalawang kamay."Why are you laughing, Gaea? Baka nasaktan niya ang ulo mo at—" Tumigil ito sa pagsasalita nang tiningnan ko siya nang masama. Itinaas naman niya ang kanyang kamay bilang pag-surrender. "Nagugutom ka na? O Kumain ka na ba?"Umiling ako, sabay hawak sa aking tiyan nang makaramdam nga ako nang gutom pagkatapos niyang sabihin iyon. "May dala akong Jollibee's fried chicken pero nasa kotse ko dahil nagmamadali akong umakyat dito. Hintayin mo lang ako rito at kukunin ko muna. "Tatayo
•Gaea•Maaga akong nagising o sabihin na natin na hindi talaga ako nakatulog kagabi dahil sa pag-iisip sa ginawa sa akin ni Clyden. Simpleng 'I like you' lang naman iyon, pero para sa isang Clyden Lee ay pambihira na lang ang katagang iyon na lumabas sa bibig nito.Umupo ako sa sofa itinukod ang aking siko sa aking tuhod at ipinatong ang aking mukha sa aking kamay."Gaea, tulog ka pa ba?" Hindi ko pinansin ang tanong na iyon ni Clyden. Nakapikit pa rin ang aking mga mata, sinusubukang makatulog kahit na nakaupo. "Bakit ka natutulog d'yan? Hindi ka ba giniginaw at nangangalay? Para kang unggoy d'yan, Gaea."Kulang na lang ay tumayo ako sa aking kinauupuan at hambalusin siya ng unang bagay na aking makikita. Biruin mo na ang lahat huwag lang ang walang tulog.Tiningnan ko siya nang masama ngunit tinawanan niya lang naman ako. Lumapit ito sa akin, pinabab
•CN•Napatingin ako kay daddy na hindi mapirme sa kanyang kinatatayuan. Kahit naikasal na sila dati ay ganoon pa rin ang reaksyon nito ngayon. Walang pinagbago maliban na lang sa amin ni Corrine at ang pagtanda nila mommy ng ilang taon.Labing-limang taon ang lumipas ngunit wala man lang pinagbago sa nararamdaman nilang dalawa. Corrine and I always witness my parents sweetness and love. Sa ilang taon nilang pagsasama may awayan man ngunit hindi ko narinig maski isa sa kanila na nagsabi na maghiwalay, instead I always hear some comforting words.Iyong matatamis na salita ni daddy na nagpapatigil sa pagtatampo ni mommy. Lumingon ako sa may aisle nang marinig ko ang pagkanta ng wedding singer."Kuya, ang ganda ni mommy!" wika ni Corrine sa aking tabi habang nakatitig sa ina namin. Napangiti ako nang makita ang magandang mukha ni mommy. Wala man lang pinagbago sa
•Eychan•Napatingin ako sa dalawang taong kakapasok lang. Nahihiyang naglakad si tita papalapit sa akin habang si Clyden naman na nakasunod dito ay may malapad na ngiti."Kukunin ko lang si CN para makapag-usap kayo nang maayos," usal niya nang makalapit na siya sa akin. Ngumiti ako at tumango sa kanya at pinatayo si CN para mabuhat niya ito. "Kakain muna tayo, big boy, okay? Kailangan natin ng lakas para bantayan si mommy.""Okay po, daddy! Gusto ko pong maging strong para po hindi na ulit masaktan si mommy po." Napangiti ako sa pinag-usapan nilang dalawa at kumaway na sa kanila.Mahina pa ang katawan ko dahil sa nangyaring aksidente, lalo na at kakagising ko pa lang. Pero gusto kong makausap si Tita Letecia hindi ako makatulog hanggat hindi ko ito nakakausap."Gaea, pinapatawag mo raw ako sabi ni Clyden?" mahinahon
•Clyden•Limang oras na ang lumipas at kanina pa ako rito naghihintay ng susundo sa akin ngunit wala namang dumating. Siguro ay naging abala ito sa pagbabantay sa mag-ina ko kaya nakalimutan ni daddy ang pinag-usapan namin kanina.Tiningnan ko ang aking orasan at nang makita ang oras doon ay kaagad na akong nagtawag ng taksi para magpahatid sa hospital na kinaroroonan ni Gaea. Mabilis ang tibok ng aking puso, kinakabahan ako na makita si Gaea sa sitwasyon na kinasasangkutan nito ngayon. Ang pinakaayaw ko pa naman sa lahat ay ang masaktan ito.Simula nang ma-aksidente ito dati ay pinangako ko na sa aking sarili na iingatan ko na siya ngunit heto at nangyari na naman ulit. "Saan po tayo, sir?" tanong ng taxi driver sa akin nang makasakay na ako at maiayos na ang aking mga gamit."Sa Y General Hospital po, kuya," tugon ko sa kanya at kinuha muli ang cellphone
•Third Person•Ang mga mabibilis na yapak ng mga paa dahil sa takbuhan ng mga nurse at pamilya ng pasyente ang mas lalong nagpagulo sa isipan ni Letecia. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ni Gaea sa kanya. Sinagip nito ang buhay niya sa kabila ng mga nangyari sa kanila. Hindi ito nagdalawang-isip na ibuwis ang buhay nito kahit halos itakwil na niya ito.Napatingala ang ginang nang makita niya ang pares ng mga paa sa kanyang harapan. Sumalubong sa kanyang paningin ang nurse na puno rin nang pag-aalala ang mukha habang nakatitig dito."Ma'am, ginagamot na po ang daughter-in-law ninyo, kailangan niyo na pong pumunta sa emergency room para magamot din po kayo." Kumunot ang noo ng matanda at hinawakan ang noong itinuro ng nurse.Nanlalaki ang mga mata nito na nakatingin sa kamay niyang may dugo. Hindi nito ito iyon namalayan kanina dahil kaag
•Eychan•Napaatras ako nang akmang sasampalin ako nito. Hindi ako pwedeng lumaban pero kung kaya ko namang iwasan ay gagawin ko naman iyon makalayo lang sa gulo. Hindi porke't hindi ako lalaban ay magpapa-api na ako sa kanya nang ganoon kadali, hindi naman ako martyr lalo na at hindi ko naranasan na saktan ng aking mga magulang."Hindi ko alam kung ano ang nakita ng anak ko sayo para pakasalan ka," nakangisi niyang saad at tinitigan ako mula sa aking paa patungo sa ulo. "Wala ka namang ikakabuga at wala kang panama sa ibang babae na kilala ng pamilya namin."Nasaktan ako sa sinabi nito pero pinipilit ko pa rin ang aking sarili na kumalma. Pwede na nga yata akong patungan ng korona para sa pagiging kalmado ko."Hindi po kasi siya bulag, tita, nakikita niya po iyong hindi niyo nakikita," balik ko sa kanya. Nakita ko ang litid ng ugat sa kanyang leeg nang ikuyom
•Gaea•Nagising ako sa sunod-sunod na katok sa aking pintuan. Tiningnan ko si CN na mahimbing pa rin na natutulog bago marahan na bumaba sa kama. Tinungo ko kaagad ang pintuan at tiningnan kung sino ang kumakatok."Kailangan po kayo?" tanong ko sa kasambahay na nabungaran ko pagbukas ko ng pinto. Ngumiti naman ito sa akin habang tumatango, mas niluwagan ko pa ang pintuan para magkausap kami nang maayos. "Ano po ang kailangan niyo, nay?"Medyo may katandaan na ito kaya iyon na lang ang ini-address ko sa kanya. "Ma'am, pinapatawag na po kayo nila Mr. Lee sa baba. Kakain na raw po, ma'am," pagbibigay-alam niya.Hindi ko aakalain na sabay-sabay pala rito kung mag-umagahan lalo na at sinabi kagabi ng nakausap kong kasambahay ay minsanan lang magkita o nandito ang mga Lee. Sa dami naman ng negosyo nila ay naiintindihan ko naman ang mga ito.&
•Gaea•Napatingin ako sa mag-ama ko na nasa may paanan ng kama. Nakatayo si CN habang nakaluhod naman sa harapan nito si Clyden para mapantayan ang tangkad ng anak namin."Kapag umalis na si daddy magpakabait ka kay mommy, ah?" bilin nito sa anak. Napangiti ako nang mabilis na tumango si CN ngunit kagat-kagat na ang ibabang labi halatang pinipigil ang pag-iyak."Kailan ka po babalik, daddy? Ilang days po ba ang itutulog ko para pag-gising ko po ay nar'yan na po kayo ulit?" inosente nitong tanong.Tumayo si Clyden at binuhat ang anak para dalhin si CN sa kamang kinauupuan ko. Umupo ang una sa aking tabi habang nakapaupo naman sa kanyang binti si CN."Hindi mo lang namamalayan na nakauwi na pala ako. Pangako iyan, anak, just don't count the days para hindi mo maramdaman ang tagal ng paghihintay, okay?"
•Gaea•Ang malagintong bahay nila Clyden ang muling nakapagtigil sa akin sa paglalakad. Hindi ko maiwasang mailang at subukang ihambing ang sarili ko sa kanya.Kahit na nagtra-trabaho na ako ngayon at may malaking sahod ay hindi pa rin iyon maikukumpara sa yaman ng pamilya niya. 'You can't sit with us' parang iyon ang vibes na nakikita ko sa pamilya nila."Are you okay?" tanong niya sa akin nang mahalata ang pagkatigil ko. Malalim akong napabuntong-hininga at hinanap ng aking mga mata ang pamilya niya, ngunit sa sobrang laki ng mansyon ng mga ito ay hindi naman dumapo ang mga mata ko sa isa sa mga pamilya nito. "Kinakabahan ka pa rin ba? Huwag kang mag-alala, babe, nandito lang ako. Sabihin mo lang sa akin kung may problema ka, okay?""Mommy, huwag ka pong mag-alala nandito rin po ako!" Tumango ako at kinurot ang pisngi ni CN.&nb
•Gaea•Nanatiling nakapokus ang aking paningin kay Clyden na paikot-ikot sa buong kwarto. Akala yata nito ay hindi ko siya papayagan kung aalis siya ngayong araw o sa makalawa.Hindi ako sang-ayon sa biglaang pag-alis nito, pero kung gusto kong magkaayos ang buo naming pamilya ay papahintulutan ko ito. Hindi ko rin maatim na masaktan pa ang bestfriend niya dahil sa paglalayas nito. Kung hindi dahil sa amin ni Russu ay hindi naman iyon mangyayari sa kanya, lalo na at may Terrence na nagmamahal dito."Clyden," tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya sa akin na puno nang pagtatanong ang mga mata. Marahan kong tinapik ang bakanteng bahagi ng sofa na kinauupuan ko. Hinawakan ko ang kamay niya nang makaupo na siya sa aking tabi. "Kanina ka pa paikot-ikot, babe, may problema ka ba?" tanong ko kahit alam ko naman na ang dahilan nito.Hindi siya u