•Gaea•
Pagod na pagod ang katawan nang makarating kami sa condo unit ni Clyden. Parang ang hirap ng trabaho ko roon, eh, nakaupo lang naman ako, minsan ay nakikipag-asaran sa lalaking iyon.
Nagugutom na rin ako pero wala akong balak tumayo ngayon para magluto. Siguro dahil na rin ito sa pagkausap ko sa mga kaibigan ni Clyden. Minsan lang naman ako makipag-usap sa ibang tao, at pakiramdam ko ay latang-lata na ako, lalo na at hindi ko kilala. Kaya nga isa rin ito sa naging dahilan kung bakit naging writer ako. Minsan ay nahihiya ako o tinatamad akong makipag-usap sa ibang tao."Gaea, anong ginagawa mo d'yan sa sofa?" tanong nito sa akin. Nakahiga kasi ako at nakapatong ang aking dalawang paa sa sandalan ng sofa. "Magbihis ka na roon para pagkalabas mo ay kakain na lang tayo.""Magpapa-deliver ka na lang ba?" umaasam na tanong ko sa kanya. Napatalon ako sa sobrang say
-Gaea's POV-Maghapon lang akong nakatunganga sa laptop ko, kapag sumasakit naman ang likod ko ay cellphone na ang ginagamit ko sa pagsusulat para makahiga sa kama.Napatingin ako sa malaking orasan nakasabit sa pader, nang tumunog ang cellphone ko. Alas singko na nang hapon, kaya kaagad akong tumayo mula sa pagkakahiga at pumunta sa kusina. Seven ang out ni Clyden kaya ihahanda ko na lang muna ang mga ingredients at mamayang alas sais ay magluluto ako para mainit pa.Bumalik muna ako sa pagsusulat para hindi masayang ang oras. Naka-isang chapter naman ako bago tumunog ang alarm clock for six pm. Iniwan ko muna ang pagsusulat at bumalik sa kusina para magluto. Nang matapos ay bumalik ako sa ginagawa ko. Kahit nagsusulat ay bored na bored pa rin ako. Kinuha ko ang cellphone ko na nasa ibabaw ng mesa nang tumunog iyon."Ma, napatawag po kayo?" bungad na tanong ko rito. Narinig ko ang halakhakan sa kabilang lin
•Gaea•Inihatid naman ako ni Russu sa mismong convenience store na pinagkuhanan nito sa akin kanina. Nang makalayo na ito ay tsaka naman ako naglakad patungo sa may condo ni Clyden. Malapit na mag-alas-otso nang gabi, pero sa tingin ko ay wala pa naman ito sa condo.Pakanta-kanta pa ako habang binubuksan ang pinto, may naisip na rin kasi akong scene para sa isang chapter. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad naman sa akin ang nakakunot-noong si Clyden."Saan ka galing?" seryoso niyang saad at sinuri ang suot kong damit. Napalunok ako dahil sa presensya, bumilis din ang tibok ng puso ko nang makita ko siya."Naghahanap ng inspirasyon," sagot ko sa kanya. Aalis na sana ako sa harapan nito nang hinawakan nito ang aking balikat at isinandal ako sa pinto. Napalunok ako habang tinititigan siya sa mga mata. "Ano ba, Clyden, may problema ka ba?!""Sino na namang lalaki ang pinu
•Gaea•Dinala ako ni Clyden patungo sa may sofa. Inalalayan ako nito na para bang napilayan ako sa pag-uusap namin ni Samantha. Hinayaan ko na lamang ito hanggang sa makaupo kami sa may sofa.Muli nitong sinuri ang katawan mula sa mukha, patungo sa aking braso at iba pang parte ng katawan. Natatawa akong hinuli ang kanyang mukha at inipit iyon sa pagitan ng aking dalawang kamay."Why are you laughing, Gaea? Baka nasaktan niya ang ulo mo at—" Tumigil ito sa pagsasalita nang tiningnan ko siya nang masama. Itinaas naman niya ang kanyang kamay bilang pag-surrender. "Nagugutom ka na? O Kumain ka na ba?"Umiling ako, sabay hawak sa aking tiyan nang makaramdam nga ako nang gutom pagkatapos niyang sabihin iyon. "May dala akong Jollibee's fried chicken pero nasa kotse ko dahil nagmamadali akong umakyat dito. Hintayin mo lang ako rito at kukunin ko muna. "Tatayo
•Gaea•Maaga akong nagising o sabihin na natin na hindi talaga ako nakatulog kagabi dahil sa pag-iisip sa ginawa sa akin ni Clyden. Simpleng 'I like you' lang naman iyon, pero para sa isang Clyden Lee ay pambihira na lang ang katagang iyon na lumabas sa bibig nito.Umupo ako sa sofa itinukod ang aking siko sa aking tuhod at ipinatong ang aking mukha sa aking kamay."Gaea, tulog ka pa ba?" Hindi ko pinansin ang tanong na iyon ni Clyden. Nakapikit pa rin ang aking mga mata, sinusubukang makatulog kahit na nakaupo. "Bakit ka natutulog d'yan? Hindi ka ba giniginaw at nangangalay? Para kang unggoy d'yan, Gaea."Kulang na lang ay tumayo ako sa aking kinauupuan at hambalusin siya ng unang bagay na aking makikita. Biruin mo na ang lahat huwag lang ang walang tulog.Tiningnan ko siya nang masama ngunit tinawanan niya lang naman ako. Lumapit ito sa akin, pinabab
GaeaI look at the rides in amazement. Wow! It's my first time here. Although nakakakita naman ako nito sa mga movies pero iba pa rin talaga kapag personal mo itong nakikita. The rides are so huge and tall.Nang mapalingon ako sa katabi ko, nakita ko si Clyden na nakatingin sa akin na para bang naaamuse. Taas noo ko itong tiningnan, ayaw kong makitaan niya ako nang pagkatakot at kaba."Oh, anong tinitingin tingin mo diyan? Ngayon ka lang ba nakakakita ng taong naaamaze na makakita ng rides?" tanong ko rito. He lowered his head and look at me eye to eye."You're just too cute to ignore. There's nothing illegal in watching you right?"I blushed with his words and look away. Tumingin ako sa ibang direksyon at pinilit na iwala sa aking isip ang kanyang mga sinabi. I heard him chuckle beside me but I was too embarrassed to look back. Alam ko kasi na mapula pa rin ang aking mukha. Nanlak
•Gaea•Pagkatapos naming kumain ay bumalik na nga kami sa amusement park, at ngayon ay nakasakay na kami sa Ferris Wheel. Noong unang ikot ay natakot pa ako pero nang tumagal na ay medyo nasanay na rin naman ako, lalo na at hawak ni Clyden ang aking kamay."It's beautiful!" Hindi ko maitago ang aking pagkamangha nang makita ang maraming bituin sa kalangitan, sinabayan pa nang pagputok ng mga fireworks. Ang sarap pagmasdan ng kinang ng bawat isa. "I wish I could touch them but I can't, since they're too far away," mahina kong usal habang pilit na inaabot iyon."I guess you're wrong, Miss Montessori." Kumunot ang aking noo at lumingon sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang nais niyang ipahiwatig gamit ang mga salitang iyon."What do you mean? Hindi ba
I was sitting on the couch, watching TV while eating some snacks. You know, the usual thing when chilling. Wala din naman akong masyadong ginagawa. Pinagpapahinga ko muna ang utak ko bago sumalang sa panibagong writing session na naman mamaya.Palipat-palipat ako nang channel nang may channel na nakakuha ng atensyon ko. I watch the news seriously. Buong atensyon ko ay nakatuon dito. I feel like I couldn't sense anything around me. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang balita. It's about Clyden and his fiancee. I feel like I've been brought back to reality. Parang lahat nang mga nangyari nang nakaraang araw ay mga ilusyon lamang. All the sweet talks, the caring gesture and the kiss, I feel like all of it was a lie. But I guess it's also my fault since it's my choice to accept him.Nang matapos ang pinapanood ko at naiba na ang pinalabas ay kinuha ko ang aking cellphone at sinearch ko ang sinasabing fian
•Gaea•Mabilis akong naglinis ng hapag-kainan dahil sa tinging ipinupukol nito sa akin. Hindi ko alam kung bakit galit na galit siya sa akin eh siya naman itong nagdala ng babae sa condo niya.At kung ang problema nito ay si Russu, ay wala naman kaming ibang ginagawa kundi iyong pagtawag niya lang sa akin kanina. At hindi nga ako nagpasundo bukas kahit gusto ko dahil ayaw kong umasa pa ito na magkakabalikan pa kami."Miss Cassandra, mauna na po ako sa kwarto ko dahil may isusulat pa akong impodtante para makapagpasa na ako bukas." Tumango naman siya at nagpaalam na rin sa akin.Hindi ko na hinintay kong may sasabihin pa ba sa akin si Clyden, dumeretso na kaagad ako sa kwarto at tinawagan si Samantha. Sinagot naman nito ang tawag sa ikatlong ring kaya nakapagpahinga ako nang maluwag."Nasa apartment ka ngayon, Sam?" tanong ko sa kanya. Baka maaga akon
•CN•Napatingin ako kay daddy na hindi mapirme sa kanyang kinatatayuan. Kahit naikasal na sila dati ay ganoon pa rin ang reaksyon nito ngayon. Walang pinagbago maliban na lang sa amin ni Corrine at ang pagtanda nila mommy ng ilang taon.Labing-limang taon ang lumipas ngunit wala man lang pinagbago sa nararamdaman nilang dalawa. Corrine and I always witness my parents sweetness and love. Sa ilang taon nilang pagsasama may awayan man ngunit hindi ko narinig maski isa sa kanila na nagsabi na maghiwalay, instead I always hear some comforting words.Iyong matatamis na salita ni daddy na nagpapatigil sa pagtatampo ni mommy. Lumingon ako sa may aisle nang marinig ko ang pagkanta ng wedding singer."Kuya, ang ganda ni mommy!" wika ni Corrine sa aking tabi habang nakatitig sa ina namin. Napangiti ako nang makita ang magandang mukha ni mommy. Wala man lang pinagbago sa
•Eychan•Napatingin ako sa dalawang taong kakapasok lang. Nahihiyang naglakad si tita papalapit sa akin habang si Clyden naman na nakasunod dito ay may malapad na ngiti."Kukunin ko lang si CN para makapag-usap kayo nang maayos," usal niya nang makalapit na siya sa akin. Ngumiti ako at tumango sa kanya at pinatayo si CN para mabuhat niya ito. "Kakain muna tayo, big boy, okay? Kailangan natin ng lakas para bantayan si mommy.""Okay po, daddy! Gusto ko pong maging strong para po hindi na ulit masaktan si mommy po." Napangiti ako sa pinag-usapan nilang dalawa at kumaway na sa kanila.Mahina pa ang katawan ko dahil sa nangyaring aksidente, lalo na at kakagising ko pa lang. Pero gusto kong makausap si Tita Letecia hindi ako makatulog hanggat hindi ko ito nakakausap."Gaea, pinapatawag mo raw ako sabi ni Clyden?" mahinahon
•Clyden•Limang oras na ang lumipas at kanina pa ako rito naghihintay ng susundo sa akin ngunit wala namang dumating. Siguro ay naging abala ito sa pagbabantay sa mag-ina ko kaya nakalimutan ni daddy ang pinag-usapan namin kanina.Tiningnan ko ang aking orasan at nang makita ang oras doon ay kaagad na akong nagtawag ng taksi para magpahatid sa hospital na kinaroroonan ni Gaea. Mabilis ang tibok ng aking puso, kinakabahan ako na makita si Gaea sa sitwasyon na kinasasangkutan nito ngayon. Ang pinakaayaw ko pa naman sa lahat ay ang masaktan ito.Simula nang ma-aksidente ito dati ay pinangako ko na sa aking sarili na iingatan ko na siya ngunit heto at nangyari na naman ulit. "Saan po tayo, sir?" tanong ng taxi driver sa akin nang makasakay na ako at maiayos na ang aking mga gamit."Sa Y General Hospital po, kuya," tugon ko sa kanya at kinuha muli ang cellphone
•Third Person•Ang mga mabibilis na yapak ng mga paa dahil sa takbuhan ng mga nurse at pamilya ng pasyente ang mas lalong nagpagulo sa isipan ni Letecia. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ni Gaea sa kanya. Sinagip nito ang buhay niya sa kabila ng mga nangyari sa kanila. Hindi ito nagdalawang-isip na ibuwis ang buhay nito kahit halos itakwil na niya ito.Napatingala ang ginang nang makita niya ang pares ng mga paa sa kanyang harapan. Sumalubong sa kanyang paningin ang nurse na puno rin nang pag-aalala ang mukha habang nakatitig dito."Ma'am, ginagamot na po ang daughter-in-law ninyo, kailangan niyo na pong pumunta sa emergency room para magamot din po kayo." Kumunot ang noo ng matanda at hinawakan ang noong itinuro ng nurse.Nanlalaki ang mga mata nito na nakatingin sa kamay niyang may dugo. Hindi nito ito iyon namalayan kanina dahil kaag
•Eychan•Napaatras ako nang akmang sasampalin ako nito. Hindi ako pwedeng lumaban pero kung kaya ko namang iwasan ay gagawin ko naman iyon makalayo lang sa gulo. Hindi porke't hindi ako lalaban ay magpapa-api na ako sa kanya nang ganoon kadali, hindi naman ako martyr lalo na at hindi ko naranasan na saktan ng aking mga magulang."Hindi ko alam kung ano ang nakita ng anak ko sayo para pakasalan ka," nakangisi niyang saad at tinitigan ako mula sa aking paa patungo sa ulo. "Wala ka namang ikakabuga at wala kang panama sa ibang babae na kilala ng pamilya namin."Nasaktan ako sa sinabi nito pero pinipilit ko pa rin ang aking sarili na kumalma. Pwede na nga yata akong patungan ng korona para sa pagiging kalmado ko."Hindi po kasi siya bulag, tita, nakikita niya po iyong hindi niyo nakikita," balik ko sa kanya. Nakita ko ang litid ng ugat sa kanyang leeg nang ikuyom
•Gaea•Nagising ako sa sunod-sunod na katok sa aking pintuan. Tiningnan ko si CN na mahimbing pa rin na natutulog bago marahan na bumaba sa kama. Tinungo ko kaagad ang pintuan at tiningnan kung sino ang kumakatok."Kailangan po kayo?" tanong ko sa kasambahay na nabungaran ko pagbukas ko ng pinto. Ngumiti naman ito sa akin habang tumatango, mas niluwagan ko pa ang pintuan para magkausap kami nang maayos. "Ano po ang kailangan niyo, nay?"Medyo may katandaan na ito kaya iyon na lang ang ini-address ko sa kanya. "Ma'am, pinapatawag na po kayo nila Mr. Lee sa baba. Kakain na raw po, ma'am," pagbibigay-alam niya.Hindi ko aakalain na sabay-sabay pala rito kung mag-umagahan lalo na at sinabi kagabi ng nakausap kong kasambahay ay minsanan lang magkita o nandito ang mga Lee. Sa dami naman ng negosyo nila ay naiintindihan ko naman ang mga ito.&
•Gaea•Napatingin ako sa mag-ama ko na nasa may paanan ng kama. Nakatayo si CN habang nakaluhod naman sa harapan nito si Clyden para mapantayan ang tangkad ng anak namin."Kapag umalis na si daddy magpakabait ka kay mommy, ah?" bilin nito sa anak. Napangiti ako nang mabilis na tumango si CN ngunit kagat-kagat na ang ibabang labi halatang pinipigil ang pag-iyak."Kailan ka po babalik, daddy? Ilang days po ba ang itutulog ko para pag-gising ko po ay nar'yan na po kayo ulit?" inosente nitong tanong.Tumayo si Clyden at binuhat ang anak para dalhin si CN sa kamang kinauupuan ko. Umupo ang una sa aking tabi habang nakapaupo naman sa kanyang binti si CN."Hindi mo lang namamalayan na nakauwi na pala ako. Pangako iyan, anak, just don't count the days para hindi mo maramdaman ang tagal ng paghihintay, okay?"
•Gaea•Ang malagintong bahay nila Clyden ang muling nakapagtigil sa akin sa paglalakad. Hindi ko maiwasang mailang at subukang ihambing ang sarili ko sa kanya.Kahit na nagtra-trabaho na ako ngayon at may malaking sahod ay hindi pa rin iyon maikukumpara sa yaman ng pamilya niya. 'You can't sit with us' parang iyon ang vibes na nakikita ko sa pamilya nila."Are you okay?" tanong niya sa akin nang mahalata ang pagkatigil ko. Malalim akong napabuntong-hininga at hinanap ng aking mga mata ang pamilya niya, ngunit sa sobrang laki ng mansyon ng mga ito ay hindi naman dumapo ang mga mata ko sa isa sa mga pamilya nito. "Kinakabahan ka pa rin ba? Huwag kang mag-alala, babe, nandito lang ako. Sabihin mo lang sa akin kung may problema ka, okay?""Mommy, huwag ka pong mag-alala nandito rin po ako!" Tumango ako at kinurot ang pisngi ni CN.&nb
•Gaea•Nanatiling nakapokus ang aking paningin kay Clyden na paikot-ikot sa buong kwarto. Akala yata nito ay hindi ko siya papayagan kung aalis siya ngayong araw o sa makalawa.Hindi ako sang-ayon sa biglaang pag-alis nito, pero kung gusto kong magkaayos ang buo naming pamilya ay papahintulutan ko ito. Hindi ko rin maatim na masaktan pa ang bestfriend niya dahil sa paglalayas nito. Kung hindi dahil sa amin ni Russu ay hindi naman iyon mangyayari sa kanya, lalo na at may Terrence na nagmamahal dito."Clyden," tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya sa akin na puno nang pagtatanong ang mga mata. Marahan kong tinapik ang bakanteng bahagi ng sofa na kinauupuan ko. Hinawakan ko ang kamay niya nang makaupo na siya sa aking tabi. "Kanina ka pa paikot-ikot, babe, may problema ka ba?" tanong ko kahit alam ko naman na ang dahilan nito.Hindi siya u